You are on page 1of 3

Sisid ng Sakripisyo

ni Ynnos Azaban

Isang paruparo, bubuyog, at langaw ang makikitang


nakapila sa bungad ng paraiso. Isang tinig ang bigla nilang
narinig at nagtanong, “Bakit karapat-dapat kayong
tanggapin sa paraisong ito?”

Unang nagsalita si Paruparo, “Ako po ay nakatulong sa


pagpapaganda ng ecosystem at pagbibigay ng makakain
sa iba pang hayop tulad ng ibon at iba pang insekto sa
pamamagitan ng pambubulo o polinasyon.”

“Tunay na kaaya-aya!” ang nasambit ng mahiwagang


tinig.

Sumunod na nagsalita si Bubuyog, “Tulad po ni Paruparo,


malaki po ang naitulong ko sa pagyabong ng mga
halaman at prutas na pinagmumulan ng 90 bahagdan ng
pagkain ng mundo.”

“Sadyang kamangha-mangha!” ang reaksyon ng


mahiwagang tinig.

Pagkakataon na ni Langaw na magsalita nguni’t tila siya ay


nahiya matapos marinig sina Bubuyog at Paruparo. Kaya’t
muli siyang tinanong ng mahiwagang tinig.

“Ikaw langaw, bakit nararapat kang makapasok sa


paraiso?”

Buong loob na sumagot si Langaw.


“Tulad po nina Bubuyog at Paruparo, nakatutulong din po
ako sa pambubulo o polinasyon upang lumago ang mga
halaman… ngunit higit po roon maipagmamalaki ko po na
marami akong nailigtas na tao kapalit ng buhay ko.”

Tila namangha sina Bubuyog at Paruparo. At ang


mahiwagang tinig ay nag-usisa pa. “Sa paanong paraan
mo nasabing nakapagligtas ka ng maraming tao?”

“Isang tagapagsilbi po sa isang tindahan ng pagkain ang


hindi sinasadyang napabahing sa tapat ng kalderong
kinalalagyan ng nilutong lugaw. Nang makita ko po ito,
agad kong sinisid ang lamang lugaw sa kaldero na hindi
inalintana ang init nito. Nakita ng may-ari ng tindahan at ng
iba pang naroon ang aking katawan sa lugaw. Dahil dito,
hindi na ipinagbili ang lugaw na handa na sanang ihahatid
sa iba’t ibang lugar,” ang paliwanag ni Langaw.

“Kamangha-mangha nga ang iyong ginawa!!!” sabay na


reaksyon nina Bubuyog at Paruparo.

“Hindi lang kamangha-mangha, sadyang kadakilaan ang


iyong ginawa, Langaw. Batid mo ba na ang lalaking
bumahing sa lugaw ay may nakahahawa ring sakit na
tinatawag na Corona Virus?” ang sabi ng mahiwagang
tinig.

Lalong namangha sina Bubuyog at Paruparo at tila


nagpasalamat si Langaw dahil totoong marami siyang
nailigtas.

“Kung gayon, bunga ng inyong kontribusyon sa mundo,


kayong tatlo ay tinatanggap sa paraiso. Maaari ka nang
maunang pumasok Langaw,” ang pagtitiyak ng
mahiwagang tinig.

You might also like