You are on page 1of 2

Sigaw ng Kabayanihan

Ynnos Azaban

Sa Unang Republika siya ang pangulo


Pangalan niya’y Emilio Aguinaldo
Pakikidigma sa mga Amerikano
Pinangunahan ni Heneral Antonio

Sa Tirad Pass, pinakabatang heneral


Nag-alay ng buhay, Gregorio del Pilar
Sa Batangas namuno bilang heneral
Mga Amerikano’y hinarap ni Malvar

Republikang Tagalog ang kanyang alay


Sa Sierra Madre itinatag ni Sakay
Ayaw kilalanin mga Amerikano
Sa Guam ipinatapon ‘tong si Artemio

Sangay ng Katipunan doon sa Tarlac


Si Francisco Macabulos ang nagtulak
Pakikidigma sa Balanggiga, Samar
Pinagwagian nina Vicente Lucban

Ang magiting na si Mariano Llarena


Pinamunuan digmaan sa Maynila
Si Mabini na mayroong kapansanan
Dakilang lumpo, utak ng himagsikan
Maging mga kababaihan at may ambag
Si Tandang Sora, ina ng katipunan
Kay Trinidad Tecson, ikaw ay saludo
Ina ng Red Cross at ng Biak-na-Bato!

Bawat isa, iba-ibang kontribusyon


Naging bahagi ng ating rebolusyon
Huwag sana natin silang kalimutan
Silang naghandog ng ating kalayaan.

You might also like