You are on page 1of 1

Mga Bayani sa Bungad

Ni Ynnos Azaban

Hatid ay tunay na serbisyo


Buhay man ay isakripisyo
Sa pagtulong nila sa kapwa
Nalayo naman sa pamilya.

Sa kalabang di nakikita
Sa Diyos nananampalataya
Isinasamo, kaligtasan
Sa anumang kahihinatnan.

Tapang nila’y kahanga-hanga


Hangad lang ay magandang bunga
Hindi na nga alintana pa
Pagod at hirap kinakaya.

Konting tiis at malasakit


Masusugpo na din ang sakit
At ating mga bagong bayani
Atin silang ipagbubunyi!

You might also like