You are on page 1of 3

PANALANGIN PARA SA PAMILYA

Panginoong Diyos,Pinupuri at pinasasalamatan ka naming


sa iyong walang hanggang pagmamahal na siyang
nagbubuklod sa amin bilang mag-anak.Maghari Ka nawa sa
aming puso at punuin mo ng pag-ibig at katapatan,
kapayapaan at kasaganahan ang aming tahanan.
Patuloy mo po sanang basbasan ang aming
pamilya.Patatagin mo po kami sa pananalig sa Iyo,lalo na sa
panahon ng kahinaan at pagsubok.Lingapin mo po sana ang
mga pamilya na ngayon ay nagdaranas ng matinding
kahirapan at pagdurusa,nawawalan ng pag-asa at
nagkakahiwalaydahil sa hindi pagkakaunawaan.
Turuan mo po kaming laging magpasalamat sa biyaya ng
buhay, pananampalataya at kaligtasan.Akayin mo po kami
sa kabanalang handog mo upang maging mabuting
halimbawa kami sa isat-isa:mga pamilyang Pilipino na may
takot sa Diyos,nagsisikap magmahalan ng
wagas,naghahanap buhay ng marangalat nagmamalasakit
sa aming kapwa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo,Sa
patnubay ng Espiritu SantoMagpasawalang hanggan.
Banal na Mag-anak, tulungan ninyo po kami.
Amen.

PANALANGIN NG PAMILYA
O Jesus, pinupuri ka namit
ipinagdarangal dahil sa iyong walang
hanggang pagmamahal sa
sangkatauhan. Pinasasalamatan ka
namin sa mga biyayang iyong bigay.
Minsan pa, inihahandog namin sa iyo
ang aming sarili, sampu ng aming
kagalakan at pagsubok sa buhay.
Loobin mo Panginoon na ang aming tahanay
pagharian ng pag-ibig, kapayapaan, pagkakaisa
at kalinisan ng kalooban.
Ingatan mo nawa at pagpalain kaming naririto,
pati na ang mga wala rito, kaming mga
nabubuhay at mga nasa kabilang buhay.
Mahal na Birheng Maria, mapagmahal na ina ng
aming Panginoong Jesus at ina naming lahat,
ipanalangin mo ang aming pamilya, lalo na ang
mga sanggol at mga kabataan.
Mahal na pintakasing Jose, gabay ni Jesus at
Maria, ipamanhik mo sa Panginoong Diyos na
ingatan ang aming mag-anak at ilayo sa
anumang kapahamakan, upang sa gayon, sa

piling mo at nina Jesus at Maria ay mapanatiling


buo an gaming pamilya.
AMEN

You might also like