You are on page 1of 2

Justin James C.

Ducut Teacher Benaid


7 - Anthurium Sep. 6, 2022

Ang Alimaung at ang Usa


1. Bakit hinahabol ng alimaung ang usa?
Sagot: Hinahabol ng alimaung ang usa dahil gusto niyang kainin ang kanyang atay.
2. Paano nalaman ng alimaung na masarap ang atay ng usa?
Sagot: Nalaman ng alimaung na masarap ang atay ng usa dahil nanaginip siya na
masarap kainin ang atay ng usa.
3. Kasabay ng kaniyang pagtakas, sino-sino ang hiningan ng tulong ng usa?
Nakatulong nga ba sila? Ano ang kanilang naibigay na tulong? Itala ang sagot sa
talahanayan na nasa ibaba.
Nagbigay ng tulong Tulong na nabigay
Tinulungan niya si Usa sa
Kalabaw pamamagitan ng pag-unga ng malakas
na ibig sabihin ay paparating na ang
alimaung.
Tinulungan niya si Usa sa
Kambing pamamagitan ng, paglinlang o pagloko
niya kay alimaung na nakapatay na
siya ng katulad niya.
Kabayo Pinagkaila o hindi niya sinabi kay
alimaung na nakita niya si usa.
Hindi siya tinulungan ni Datu bagkus
Datu ay, pinaghanap siya ng ibang
pagtutuluyan.
4. Pansinin na ang tumulong pa sa usa na labanan ay isang kambing lamang. Ano
ang ipinihihiwatig nito?
Sagot: Ang ipinapahiwatig nito ay kahit na mahina at maliit lamang si kambing ay
nakaisip siya ng paraan para matulungan niya si usa sa pamamagitan ng paglinlang
at pagloko kay alimaung na nakapatay na siya ng katulad niya, kaya natakot siya sa
kanya.
5. Ano ang nakita ng alimaung sa ilalim ng balon siya natakot?
Sagot: Ang nakita ni alimaung sa ilalim ng balon ay ang kanyang repleksiyon na
inakala niyang ulo ng katulad niya, kaya natakot siya.
6. Ano ang katangian ng balon kaya nagamit ito ng kambing laban sa alimaung?
Sagot: Ang balon ay malalim at may tubig na kapag tumingin kaya ay parang
salamin na makikita mo ang iyong sarili.
7. Itinali nina unggoy at alimaung ang mga buntot nila sa isa’t isa nang babalikan
nila ang kambing. Bakit pa nila ginawa ito?
Sagot: Itinali nina unggoy at alimaung ang mga buntot nila sa isa’t isa nang
babalikan nila ang kambing dahil gusto ni unggoy na mabawasan ang takot ni
alimaung kay kambing.
8. Ano ang ipinahihiwatig ng pagtali ng buntot ng unggoy at alimaung? May
ganito bang paniniwala ang mga Bagobo?
Sagot: Pinapahihiwatig ng pagtali ng buntot ng unggoy at alimaung upang
mabawasan ang takot ni alimaung kay kambing. Opo mayroon paring paniniwala
na ganito ang mga Bagobo.
9. Sa huli, dahil sa takot ng alimaung, pati ang unggoy ay napahamak. Paano
namatay ang unggoy?
Sagot: Namatay ang unggoy dahil magkatali ang kanilang mga buntot kaya nung
tumakbo si alimaung ay nahila niya si unggoy at tumama ang kanyang ulo sa mga
punong dinaanan ni alimaung.
10. Bakit kaya tinulungan ng unggoy ang alimaung? Batay sa mga nabasa o narinig
na ninyong kuwento noong bata pa kayo, ano ang kataangian ng isang unggoy?
Sagot: Tinulungan ng unggoy si alimaung dahil mabait at matulunging si unggoy.
Batay sa mga kwento noong bata pa ako ang unggoy ay mabuti, mahilig sa saging,
at sila ay makulit.

You might also like