You are on page 1of 17

MAGANDANG

UMAGA
PANIMULANG
GAWAIN
TANONG KO,
SAGUTIN MO!
1. Kailan kayo kadalasang
magdasal?
2. Ano ang inyong gustong
ihiling sa maykapal?
GAWAIN #1
PANALANGIN UPANG MABILIS NA
GUMALING ANG MAY SAKIT Ni: Von Anrada
Panginoon, higit na kilala mo si Marlyn kaysa sa akin. Nalalaman mo po higit
kaninuman ang kanyang karamdaman at ang kanyang mga pasanin. Nakikilala mo
rin ang kanyang puso at higit na ikaw ang nakaaalam ng nilalaman ng kanyang
kalooban. Alam ko po na alam ninyo ang higit na makabubuti sa kanya. Panginoon,
nananalangin po ako ngayon sa inyo para sa agad na paggaling ni Marlyn. Kayo
lamang po ang makatutulong sa kanya at kayo lamang po ang siyang
makakapagpagaan ng kanyang mabigat na dinadala. Tulungan mo po siyang
labanan ang mga paghihirap na ito upang maipagpatuloy pa niya ang mga
mabubuting gawain at mga balakin na kanyang ginagawa. Bigyan mo po siya ng
kalakasan upang makabangon sa banig ng karamdaman. Gawaran mo po siya ng
iyong Mapagpalang kapangyarihan upang malagpasan ang lahat ng mga pagsubok
na ito. Idinadalangin namin ang lahat ng ito sa pangalan ni Jesus. Amen.
PAGSUSURI
1. Kanino inalay ang dasal ?
2. Kanino sila nagdasal?
3. Ano ang dahilan ng
pagdasal?
PAGTATALAKAY
Kahulugan ng Dasal Para kay Mahatma Gandhi, ang
panalangin ay isang susi para sa pagbubukas ng bagong
umaga, at isang kandado para sa gabi. Idinagdag pa niya
isa itong aliyansa sa pagitan ng Diyos at ng tao. Nasabi niya
ito dahil naniniwala siyang iniligtas ng pagdarasal ang
kanyang buhay at isipan. Para pa rin sa kanya,
nanggagaling sa dasal ang kapayapaan, dahil maaaring
mabuhay ang tao na hindi kumakain sa loob ng ilang mga
araw, subalit hindi mabubuhay ang tao kapag hindi
nagdarasal.
Mga Dahilan ng Pagdarasal Pangunahing dahilan ng
pananalangin ang pagkakaroon ng pangangailangang
pang-espiritu. Isa itong paraan ng pakikipag-ugnayan sa
isang nilalang na itinuturing na "banal at walang
hanggan". Ang dasal ay nakapagbibigay ng patnubay, ng
karunungan, kaaliwan sa panahon ng kalungkutan o
pagdurusa, ng kapatawaran, ng kakayanang
makapagpasya, ng lakas ng loob, ng tulong na
pangkalusugan, at ng mga kasagutan sa mga
katanungan.
PAGLALAPAT
Ano ang kahalagahan ng
panalangin para sa may
sakit?
PAGTATAYA
Panuto: Kulayan ang bilog ng PULA kung ang ipinapakita ay
pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat at DILAW
kung hindi. Ilagay ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nagpunta si Angelo sa bahay ng kaibigan na may sakit.


Pagkatapos nilang magkwentuhan ay nanalangin sila
para sa kagalingan ng kaniyang kaibigan.
2. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID 19, nagpunta sa
simbahan si Mario at pinagdasal ang kanyang sariling
kaligtasan lamang.
3. Sa bawat paghahanda ng pagkain ni Inay Caridad ay
nagpapasalamat siya sa lahat ng biyayang
natatamasa. Pinapanalangin din niya ang kanilang
kapitbahay na walang trabaho dahil sa pandemyang
COVID 19.
4. Tuwing gabi, tinatawag ni Nanay Jessica ang kanyang
anak na si Gretel para sumali sa kanilang oras ng
panalangin. Habang nananalangin , ang tanging
sinasambit ni Gretel ay mga bagay na kanyang
gustong bilhin.
5. Mahilig magsulat si Raquel ng kaniyang gustong
ipagdasal sa Diyos. Isa sa kaniyang panalangin ang
kasaganahan ng bawat taong nakaranas ng kahirapan
dahil sa mga bagyong dumating sa bansa.
TAKDANG ARALIN
Maliban sa mga nabanggit na sitawasyon, sa iyong
murang edad ano ang iyong dalangin para sa iyong
kapwa tao? Magtala ng limang bagay na nais mong
ipagdasal para sa iyong kapwa. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
a.
b.
c.
d.
MABISANG PANALANGIN NG MAY SAKIT ni Joey JM Malong
Diyos Ama sa Langit, Kami ay dumudulog sa iyo ngayon Sa
isang panahong kailangan ka namin Sa pamamagitan ng
iyong kapangyarihan nilikha mo Sa bawat paghinga
namin, tuwing umagang kami’y nagigising At sa bawat
sandali at oras ng aming buhay, Kami ay nasa ilalim ng
iyong kapangyarihan. Sa pamamagitan ng kapangyarihan
ding ito Ama, Hinihiling namin na hipuin mo kami ngayon
Sapagkat kung kami ay iyong nilikha mula sa kawalan,
Nakatitiyak kami na lilikhain mo kaming muli.
MARAMING
SALAMAT

You might also like