You are on page 1of 3

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Ikaapat na Markahan
Modyul 2: Ikalawang Linggo

“KAPWA KO, IPAPANALANGIN KO”

SIMULAN NATIN

Panimula
Ang pananalangin para sa kabutihan ng kapwa ay isang
kaparaanan upang maipakita ang pagmamahal sa kanila.
Naniniwala tayo na tutulungan sila ng Diyos sa kanilang mga
pangangailangan.
Sa araling ito, magtutulungan tayo kung paano
ipapanalangin ang ating kapwa.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat gawain. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.
Maaaring gumamit ng intermediate pad o bond paper.

BALIKAN NATIN
Panuto : Tingnan ng mabuti ang mga larawan sa ibaba at sagutin
ang mga sumusunod na tanong.

Tanong :
1. Batay sa mga larawan, paano maaaring matulungan ang mga nangangailangan
na hindi lalabas ng bahay ang mga kabataan?
2. Sa iyong sariling kaparaanan, paano ka makatutulong sa iyong kapwa?

1
UNAWAIN NATIN
Panuto :Tingnan ang mga larawan at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat sa sagutang papel.

Tanong :
1. Ano ano ang mga nakikita mo sa mga larawan?
2. Sa palagay mo, nakakatulong ba sa iyong kapwa ang pananalangin
para sa kanilang kabutihan?

ILAPAT NATIN
Panuto : Magkakaroon kayo ng grupong panalanginan ng iyong mga kaibigan.
Maaari ninyo itong gawin sa inyong personal na pananalangin kahit kayo ay
nasa kanya kanyang tahanan. Ang naka assign sa iyo upang ipanalangin ay ang
mga taong kakilala mo na nag positive sa COVID 19. Paano mo sila
ipapanalangin? Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

2
SURIIN NATIN
Lagyan ng tsek ang kaukulang kolum. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Di
Mga Gawain Palagi Minsan Kailanman
1. Naipapanalangin ko ba ang mga nawalan ng
trabaho?
2. Naipapanalangin ko ba ang mga naging positibo sa
COVID 19?
3. Naipapanalangin ko ba ang mga walang makain
dahil sa pandemya?
4. Naipapanalangin ko ba ang mga frontliners?
5. Naipapanalangin ko ba ang mga pamilyang
nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya?

TAYAIN NATIN
A. Panuto: Iguhit ang puso kung nagpapakita ng pakikiisa sa pagdarasal para
sa kabutihan ng lahat at X kung hindi.

1. “Bunso, halika. Sumama ka sa panalangin natin.”


2. “Inaantok na ako. Ayoko nang sumama sa pagdarasal mamaya.”
3. “Nakakaawa naman ang kapitbahay natin. Ipanalangin natin sila.”
4. “Ipanalangin din po natin ang mga nawalan ng trabaho.”
5. “Nakakatamad namang magdasal. Maglalaro na lang ako.”

B. Panuto : Isulat ang iyong tugon sa sagutang papel.


Bilang isang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin kung oras na ng
panalangin ng mag-anak?

You might also like