You are on page 1of 4

Alamat ng Pipino

Noong araw, sa Lumang Taal, Balangay ng Batangan, ay may mag-asawang may anak na lalaki.
Ang pangalan ng ama ay Rupino, ang ina ay Paula, at ang anak naman ay Tirso. Sa halip na
maging maalaala at mapagmahal sa aswa't anak si Rupino ay totoong pabaya. Siya ay
napakatamad at napakasugarol pa.Kaya upang sila ay mabuhay, si Paula ang siyang naghahanap-
buhay.

Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na


magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago
napasunod si Rupino. Datapwa't hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay
huminto ito.

"Paula, Paula, " ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, "Napakasakit ng ulo ko. Para bang
mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot."

Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka't marahil ay tinatamad at


sinusumpong ng pagsususgal.

"Saan ba ako kukuha ng oiso?" ang sagot ni Paula. "At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo?
Ang totoo'y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka
at ako ang magsisibak."

Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na
ang pagkain.

"Paula, maghain ka nga," ang utos niya sa asawa. "Nagugutom ako."

Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.

"Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso," ani Paula. "Siya'y hindi pa kumakain
sapagka't inutusan ko."

Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at
ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.

Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng
ulam at kanin.

"Inay, wala na pong ulam at kanin a," ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. "Simot na simot po
ang mga palayok."
"Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?" ang usisa naman ni Paula.

"Aba tinirhan ko," ang pagsisisnungaling ni Rupino. "Baka kinain ng hayop." At si Rupino ay
lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at
aso ay magtalunan sa batalan.

Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang
Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan.
Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang
bangang malaki sa kanilang silid.

Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay.
Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang
kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.

Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok.
Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.

"Aba, ano ang nangyari sa iyo?" ang usisa ni Paula. "Baki parang Biyernes Santo ang mukha
mo?"

"Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. "Natalo ako sa tupada."

"Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?" ang ika ni Paula. "Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan
ka kumukuha ng ipinatatalo."

"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili
ko.

"Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni't talaga yatang
minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo."

Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha.
Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.

Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya


samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo'y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan
niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok
sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung
sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.
Bayaan mo na anak, at ako'y maghahanap ng maipagbibili," ang wika ni Paula. "Makakaraos din
tayo sa awa ng Dios."

Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita.
Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka't
at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at
madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang
bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.

Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.

"Kakain ka na ba?" ang tanong ni Paula. "malapit ng maluto ang ulam."

"Huwag mo akong abalahin," ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang
pumasok sa silong.

Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.


br>

"Ang lambat?" Nasaan ang lambat?" ang humahangos niyang usisa. "Ano ang ginawa mo sa
lambat?"

"Ha? Lambat?" ang walang tutong sagot ni Paula. "A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan
ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam."

"Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!" Si Rupino ay nanginginig na
lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya
roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng
bahay. "Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?"

"Diyos ko!" ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. "Labis labis na
po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano
pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!"

At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na
sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.

Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay
na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino
ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: "Ibaon mo sa inyong halmanan ang
bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman.
Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka'y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay
di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya'y patay na ay makatulong sana siya
sa inyo"

Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng
libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga
ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na
iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka't ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino,
tinawag itong pipino.

You might also like