You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN FILIPINO GRADO 8

IKAAPAT NA MARKAHAN

PANITIKAN: FLORANTE AT LAURA

I.LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) F8PS-IVc-d-36


 Nabibigkas nang madamdamin ang isinulat na monologo tungkol sa iba’t ibang damdamin.
PAGSULAT (PU) (F8PU-IVc-d-36)
 Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa:
-pagkapoot -pagkatakot -iba pang damdamin.

II. PAKSA
Pagsulat ng Awtput:Monologo
Kagamitan :Halimbawa ng Monologo, mga Larawan
Sanggunian : Noli Me Tangere/video clips
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawaing Rutinari
Pagtatala ng Liban
Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
Balik- Aral

AKTIBITI
Motibasyon Mungkahing Estratehiya:

VIDEO CLIP May ipapanood ang guro sa mga mag-aaral na halimbawa ng


monologo.

ANALISIS

1. Batay sa monologo, paano ipinakita ang pagpapahalaga sa tauhang nilikha ni


Francisco Balagtas?

2. Bilang isang kabataang pag-asa ng bayan, paano mo mapahahalagahan ang mga


tauhang ito? Patunayan.

ABSTRAKSYON
PAGBIBIGAY KAHULUGAN NG MONOLOGO AT MGA MUNGKAHING HAKBANG SA
PAGGAWA NITO.

MONOLOGO
 Isang uri ng masining na pagsasalita ng isang persona o tauhan ng sinasabi ang
lahat ng kaniyang isinasaisip.
 Binibigkas ito ng isang karakter o isang tao.
 Ang monologo ay ginagamit sa mga dula, pelikula, palabas at iba pa.

MGA PARAAN AT HAKBANG SA PAGSULAT NG MONOLOGO

 Pumili ng angkop na paksa para sa iyong monologo.


 Isaisip ang tauhang nais mong palutangin sa iyong monologo. Isaalang-alang mo
rito ang karakter na nais bigyang-buhay.
 Isaalang-alang ang damdaming nais mong palutangin sa monologo. (pagkapoot,
pagkatakot, pagkagalit, pagsasaya at iba pa.)
 Sumulat ng mga mahahalagang diyalogo o payahag n nais mong bitawan o
sabihin. Tandaan na dapat hindi nalalayo ang mga pahayag o diyalogo sa
pangunahing paksa at layunin ng iyong monologo. Maaring binubuo lamang ng
isang talata na may limang (5) pangungusap.
 Muling basahin ang iyong naisulat na monologo at iparinig sa eksperto sa larang
na ito upang Maitama ang ilang kailangan pang paunlarin.

EBALWAYSON
GRASPS
GOALS Nakasusulat ng isang makahulugan at
masining na monologo tungkol sa isang
piling tauhan.
ROLE Isa ka sa mga kasali sa patimpalak ng
pagbigkas ng monologo sa inyong
paaralan tungkol sa piling tauhan sa Noli
Me Tangere. Ikaw mismo ang susulat ng
monologo. Sa iyong monologo
bubuhayin mo ang katauhan ng napiling
tauhan sa nobela.
AUDIENCE Mga mag-aaral, guro, punongguro at
mga magulang ng New Casay Integrated
School
SITUATION Gugunitain ang kaarawan ni Francisco
Baltazar sa Bulacan.
PERFORMANCE Naisusulat sa isang monologo ang mga
pansariling damdamin tungkol sa:
-pagkapoot
-pagkatakot
-iba pang damdamin.

STANDARD Tatayain ang monologo ayon sa mga


sumusunod na pamantayan:
MASINING: 30%
KAANGKUPAN: 30%
MADAMDAMIN: 20%
MAKATOTOHANAN: 20%

KABUUAN: 100%

KASUNDUAN:
Makinig o Manood ng isang Broadcast sa isang News Network.

INIHANDA NI:
RUSTOM G. PELINGON
TAGA-PAGTURO

You might also like