You are on page 1of 32

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan ng Ekonomiks
Araling Panlipunan– Ika-siyam Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdaang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunto nang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyles na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano
mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruthchell C. Laquinario


Editor: Aimee D. Chua
Tagasuri: Angel Rose L. Suansing, Aimee D. Chua
Tagaguhit: Ruthchell C. Laquinario, Francis Al B. Laquinario
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basillio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph/ Irmds.davaocity@deped.gov.ph


9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kahalagahan ng Ekonomiks
Paunang Salita

Para sa taga pagdaloy:


Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan ng Ekonomiks.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong taga pagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

MgaTala para saGuro


Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-
aaral ng Ekonomiks. Ang suliranin ng
kakapusan ay binigyang diin at ang
kaugnayan nito sa matalinong pagdedesisyon
upang matugunan ang maraming
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Basahin at unawain nang mabuti ang
mga aralin upang matamo ang mga
inaasahang kasanayan.

Bilang taga pagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul naito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Kahalagahan ng Ekonomiks.
Bago lubosang pag-aralan lahat ng mga konsepto ng makroekonomiks at
maykroekonomiks, nararapat na unawain mo muna ang kahulugan at kahulugan
ng ekonomiks. Sa unang modyul, natutunan mo na ang kahulugan ng ekonomiks,
sa modyul na ito iyong pag-aaralan ang kahalagan ng ekonomiks at implikasyon nito
sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mag-aaral, tandaang ang mga kahalagahang ito ang magsisilbing gabay mo kung
bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks. Makakapulot ka ng mga aral mula
dito tungkol sa paglapat mo ng mga koseptong mapag-aaralan mo sa buon taon.
Dahil sa ikaw lamang ang sasanay sa iyong sarili, basahin mong mabuti ang bawat
kahalagahan at konsepto na ipapaliwanag sa modyul na ito at sagutin nang maayos
ang bawat Gawain.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot salahat ng mga


Susi sa
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul n aito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bagol umipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari Karin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, mga katatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakakaalam sa iyo. Laging itanim saiyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuhaka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kasanayan sa pagkatuto. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Binigyang-pansin sa nakaraang aralin ang kahulugan ng Ekonomiks at kung


paano ito nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan. Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang kahalagahan
ng ekonomiks. May papel bang ginagampanan ang Ekonomiks sa pagsulong ng
kabuhayan ng mga tao at bansa?

Mga mag-aaral, basahin at unawaing maigi ang bawat detalye ukol


kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral.
Makakaasa kang ang bawat gawain ay madali mong masasagutan sapagkat ang
bawat konsepto ay maayos na inilahad.

Ang mga aralin sa modyul na ito ay nakabatay sa Most Essential Learning


Competency ng Department of Education na: Natataya ang kahalagahan ng
Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan (AP9MKE-Ia-2).

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:

1. Kagustuhan ang Pangangailahan


2. Kahalagan ng Ekonomiks
3. Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Mga mag-aaral, ang mga sumusunod na layunin ay nararapat mong maisagawa


pagkatapos mong mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

1. natatalakay ang kahalagahan ng Ekonomiks; at


2. nasusuri ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng bawat pamilya at ng lipunan;

Kapag natapos mong makamit ang mga layuning ito, higit mong mauunawaan
ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks


sa buhay ng tao MALIBAN SA _________
A. Nalilinang ang kaisipang kritikal
B. Nagkakaroon ng praktikal na kaalaman
C. Nauunawaan ang sarili kung paano mag-isip
D. Nahuhubog ang pagiging responsableng mamamayan ng bansa

2. Ano ang pinakamabuting dulot ng pag-aaral ng kahalagahan ng ekonomiks?


A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Makatutulong sa iyo upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at
mga desisyon sa buhay.
D. Maisasaulo ang mga mahalagang konsepto sa Ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.

3. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-


araw na buhay?
A. nakatutulong ito upang makalaya sa kahirapan ng buhay.
B. nakatutulong ito upang maunawaan ang pagbabagong nagaganap sa
lipunan.
C. nakatutulong ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
D. nakatutulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga
kaganapan sa ating lipunan.

4. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-


araw-araw na pamumuhay?
A. Pagbili ng limited edition na sapatos pandagdag sa iyong koleksyon
B. Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng dayuhang
kaibigan
C. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa
kung ano lang ang mga mahahalaga.
D. Pagpunta sa mall tuwing araw ng sahod upang magshopping sa paboritong
boutique shop.

2
5. Bakit kailangang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa
pagtukoy ng kahalagan ng ekonomiks?
A. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng limitadong
pinagkukunang yaman.
B. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng plano ng produksiyon at
masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang.
C. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may
kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
D. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat magagamit ito upang makaahon sa kahirapan.

6. Ano ang epekto ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


bilang isang mag-aaral?
A. Pagbili sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanyang sarili at
pamilya.
B. Natutong magbahagi ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kanyang
paligid.
C. Natutuhan kong gamitin nang maayos ang aking allowance sa mas
makabuluhang bagay.
D. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman na
hahantong sa kakapusan.

7. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng


ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain.
A. Magpanic buying sa tuwing may sales sa mall
B. Maglaan ng oras para sa sarili, pamilya at kaibigan
C. Gamitin ang natitirang oras sa paglalaro ng mobile legend
D. Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng
pangangailangan

8. Bilang isang mag-aaral bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng


matalinong desisyon sa ating mga personal na pangangailangan at kagustuhan?
A. Mapunan ang mga pansariling luho at kasiyahan.
B. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
C. Hindi masayang ang limitadong mga pinagkukunang-yaman.
D. Itaguyod at isulong ang pagkonsumo sa mga likas na yaman

9. Bilang bahagi ng lipunan bakit kinakailangang maging matalino sa


pagdedesisyon ang isang tao pagdating sa pagtugon ng kanyang
pangangailangan at kagustuhan?
A. dahil magamit nang maayos ang mga produkto
B. dahil may hangganan ang lahat ng bagay dito sa mundo
C. upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman
D. upang hindi masayang ang pera sa pagkonsumo ng mga produkto

3
10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng malaking epekto sa paggawa ng desisyon
at pagpili upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan batay ng pag-
aaral ng ekonomiks?
A. Naging matipid ako sa aking mga gastusin sa pang-araw-araw.
B. Natutuhan kong huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin.
C. Naging mas mulat at lohikal ako sa mga nangyayari sa aking paligid.
D. Pinag-iisipan ko na nang mabuti ang pagpili at desisyong gagawin kung
ito ba ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa akin.

11. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-19,
kailangan nilang mag doble sikap at makipagsapalaran sa ibang lugar upang
maibigay ang inyong mga pangangailangan. Bilang panganay sa magkakapatid,
ikaw ay inaasahang hahalili sa iyong mga magulang. Ibinigay sa iyo ang
responsibilidad na pangasiwaan ang pagbubudget sa pang-araw-araw ninyong
gastusin. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng aplikasyon sa
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay?
A. Sa pagbubudget lagi siyang humihingi ng tulong sa mga kaibigan.
B. Upang hindi mahirapan sa pagbubudget at paghahanda ng pagkain laging
siyang umoorder sa food panda.
C. Upang magamit nang maayos ang perang ibinigay maglalaan siya ng
kaunting halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan at ang natira
ay kanyang itatabi para may pang load.
D. Sa pagbubudget pinag-iisipan niyang maigi kung anong bibilhin upang
masigurado na ang produktong bibilhin ay magbibigay ng mas malaking
kapakinabangan sa kanilang magkakapatid.

12. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


kaalaman sa ekonomiks MALIBAN SA _________.
A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan.
B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga
desisyon.
C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang
ekonomiya.
D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging
matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay

13. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa


pangkabuhayan at pamumuhay ng tao at ng bansa. Alin sa sumusunod ang
nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Ang ekonomiks ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman na kailangan sa
pag-unawa ng mga pangkabuhayang kalagayan ng ating bansa
B. Ang ekonomiks ay nakatutulong upang maunawaan ang ugnayan ng
sambahayan, bahay kalakal, at industriya
C. Ang ekonomiks ay nagsisilbing gabay upang maunawaan ang ating
pagkakakilanlan bilang bahagi ng lipunan
D. Ang ekonomiks ay nagsisilbing sukatan ng kagalingan ng isang bansa.

4
14. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong
buhay bilang isang mag-aaral?
A. Gagawa ako ng isang matalinong desisyon sa buhay na magbibigay sa
aking ng malaking kapakinabangan
B. Magkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay.
C. Ipapamalas ko ng aking talino at galing sa lahat ng aking gagawin sa aking
buhay.
D. Magiging modelo ako sa aking kapwa kabataan na gumawa ng kabutihan
sa lahat ng pagkakataon

15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng direktang relasyon ng


kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa paggawa ng wastong desisyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan?
A. Nakatutulong ang ekonomiks upang makakuha ng mga kaisipan sa
nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at patakaraan na
makaaapekto sa takbo ng bansa.
B. Sinusuri ng ekonomiks ang antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang
dapat makamit upang maging produktibong mamamayan.
C. Nakakatulong ang ekonomiks sa paggawa ng desisyon tungkol sa wastong
paggamit ng mga pinagkukunang yaman at tamang desisyon upang
maging matalinong mamimili.
D. Tinuturo ng ekonomiks ang tamang pagbabadget ng oras, pera, at mga
produkto.

5
Balikan

Mahusay! Ipinamalas mo ang iyong pagkatuto at pagkaunawa sa paksa. Iyong


ibinahagi ang iyong kagalingan sa pagsagot sa bawat gawain. Handa ka na ba para
sa susunod na aralin?

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang kahulugan ng Ekonomiks at kung paano


ito nakaaapekto sa iyong pang-araw araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan. Ang ekonomiks ay ang pag-aaral sa tamang
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Natutunan mo na ang pag-aaral
ng Ekonomiks ay nakaaapekto sa aspekto ng ating buhay mula pagkagising sa
umaga hanggang sa pagtulog. Iyong nauunawaan na bawat kilos o gawain ay
gumagawa tayo ng mga desisyon o tamang pagpili na magbibigay sa atin ng higit na
kapaki-pakinabangan.

Samakatuwid, sa diwang ito, ang Ekonomiks ay ginagamit natin upang


magbigay sa atin ng pamantayan sa pagbuo ng mga matalinong desisyon sa buhay.
Gaya na lamang kung paano mo tutugunan ang iyong mga pangangailangan at
kagustuhan sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang
yaman. Sa modyul na ito, mas mauunawaan mo ang kahalagahan ng ekonomiks sa
iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Mga Tala para sa Guro


Upang lubos at higit na maunawaan ang mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks.
Basahin at unawain ang mga teksto at mga
gawaing inihanda.

6
Tuklasin

Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa


kahalagahan ng Ekonomiks at kung paano ito magagamit bilang batayan ng
matalinong pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

GAWAIN 1: PAG-ISIPAN

Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat


ito ng magkasunod-sunod ayon sa kahalagahan. Isulat ang iyong sagot sa mga
patlang sa ibaba.

PamprosesongTanong:
1. Anong bagay ang pinakamahalaga para sa iyo? Bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano ang mga naging batayan mo sa ginawang listahan?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Magaling! Nasagutan mo nang maayos ang Gawain 2. Ipinakita sa Gawain


na ito ang pagtugon at ang pagkaiba-iba ng mga pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit may mga pag-aaral na isinasagawa sa
Ekonomiks.

7
Likas sa bawat tao ang magkaroon ng mga pangangailangan at kagustuhan.
Sa araw-araw na buhay gumagawa tayo ng mga paraan upang matugunan ang mga
ito. Subalit sa kagustuhan natin na makamit lahat ng ating mga pangangailangan
nakakalimutan natin ang kahalagahan ng pagbalanse at pagdesisyon nang tama.
Ano ba dapat ang uunahin, ang ating mga pangangailangan o ang ating mga
kagustuhan? Ano nga ba ang pagkakaiba nito at gaano ba ka halaga ang mga
konseptong ito:

Pangangailangan (needs) ay tumutukoy sa mga bagay na mahalaga sa


pagpapanatili ng buhay ng tao. Mga halimbawa nito ay pagkain, damit, tirahan at
kalusugan. Samantalang, ang kagustuhan (wants) ay tumutukoy sa mga bagay na
magpapagaan ng uri ng pamumuhay at magbibigay kasiyahan sa tao. Mga
halimbawa nito ay mga aplayanses, kotse, alahas at magagarang kagamitan
(Gonzales, 2004).

Magkaiba ang pangangailangan at kagustuhan ng bawat indibiduwal. May


mga bagay na sa iba ay pangangailangan at sa iba naman ito ay kagustuhan lamang.
Upang higit mo na maunawaan ito ipagpalagay, ang buhay ng isang ordinaryong
mag-aaral, ang pagkakaroon ng cellphone ay isang kagustuhan lamang ngunit para
sa iba, na ang mga magulang ay nagtratrabaho sa malayong lugar, ang pagkakaroon
ng cellphone ay isang pangangailangan sapagkat ito ang naging daan upang
magkaroon sila ng komunikasyon ng kanyang mga magulang. Samatuwid may
bagay kang gustong maabot o makuha dahil nagbibigay ito ng dagdag kaginhawaan
sa iyong buhay. Ang pangangailangan at kagustuhan ay bahagi sa buhay ng tao,
kapag sinabing pangangailangan ito yong mga bagay na lubhang importante upang
ikaw ay mabuhay habang kagustuhan ito ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan
at kulay sa iyong buhay. Sa bahaging ito, hindi mo pwedeng husgahan ang isang tao
sa pagkamit ng mga bagay na sa tingin mo ay hindi mahalaga dahil baka lingid sa
iyong kaalaman na ang mga bagay na iyon ay bahagi o mahalaga pala para kanyang
hanapbuhay.

Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang katapusan ngunit ang


pinagkukunang yaman ay limitado kaya ang tao ay kailangang gumawa ng pagpili.
Ang pangangailangan ng tao ay may ibat-ibang digri o tinatawag na Herarkiya ng
Pangangailangan, ayon sa kakayahan ng tao na makamit at matugunan ang mga
ito at magkaroon ng kasiyahan (Imperial, 2015). Ika nga “People are motivated to
achieve certain needs. When one need is fulfilled a person seeks to fulfil the next one,
and so on.” Tingnan ang pigura 1 na nasa ibaba.

8
Self-
Actualization

Esteem Needs

Pigura 1. Herarkiya ng Pangangailangan ni


Love and Belongingness Abraham Maslow (Imperial, 2015)

Safety Needs

Physiological Need

1. Physiological needs (pisyolohikal) – ang pinakamababang bahagi ng piramide,


kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin,
at tulog.
2. Safety needs (pangkaligtasan) – ito ay nauukol sa mga pangangailangan para sa
kaligtasan at katiyakan sa buhay, kabilang dito ang katiyakan sa hanapbuhay at
kaligtasan.
3. Love/Belonging needs (Pangangilangang makisalamuha, makisapi at
magmhal) – ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng
pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng pamilya dahil sa kailangan ng tao ang
pagmamahal at pagtanggap ng ibang tao.
4. Esteem needs (pangangailangang mabigyan ng pagpapahalaga ng iba)– nauukol
sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
5. Actualization (pangangailangang maipatupad ang kaganapang pagkato) – ang
pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang
sa kanyang sariling potensyal, ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.

Batay sa teorya, nagagawa lamang matuon ng tao ang kanyang pansin sa mas
mataas na antas kung napunan na ang nasa ibabang antas. Ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao ang itinuturing na pinakaugat ng suliraning
may kaugnayan sa kakapusan (Rillo, 2005).

Ayon kay Imperial (2015) nararapat na maging matalino sa pagpapasya ukol


sa paggamit ng may kakapusang pinagkukunang-yaman. Kinakailangang bigyang-
tuon ang mga bagay na makapagbibigay sa tao ng higit na kapakinabangan at
kasiyahan. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag-aaksaya at hindi na magiging
malaking suliranin ang kakapusan. Ayon naman ky Rillo (2005) bukod sa
matalinong pagpili o pagpapasya, dapat tiyakin ang mahusay na alokasyon ng mga
pinagkukunang-yaman batay sa dapat paggamitan.

Makatutulong din ang pagpipigil ng mga tao sa kanilang kagustuhan. Ang


pagpapaliban sa mga kagustuhan ay nangangahulugan ng pagbibigay-halaga sa
mga pangangailangan. Maaring magbunga ng suliranin ang maling pasya.
Kailangang matiyak na pinakakapaki-pakinabang ang ginawang pasya hindi lamang
sa isang tao kundi sa marami (Cruz, 2000).

9
Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay
makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa
suliranin sa kakapusan. Ikaw bilang mag-aaral mayroon kang maraming
pangangailangan at kagustuhan na nais at gusto mong makuha. Laging
pagkatandaan na hindi masama ang maghangad sa bagay na nagbibigay kasiyahan
sa atin pero pakaisipin na kailangang pag-isipang mabuti kung mga bagay na
ninanais mo ay magbibigay ba ng malaking kapakinabangan sa iyo dahil ang bawat
desisyon ng inyong gagawin ay may malaking epekto sa takbo ng ating ekonomiya.
Mahalagang maunawaan ninyo, kahit sa murang edad kinakailangan na sa paggawa
ng desisyon o pagpipili kaakibat nito ay paggawa ng matalinong desisyon.

GAWAIN 2: PAGSULAT NG SANAYSAY


Panuto: Sagutin ang katanungang na nasa ibaba:

Bakit mahalagang pag-aralan ang pangangailangan at kagustuhan bilang


salik sa pagtukoy sa kahalagahan ng ekonomiks?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Mahusay! Sa gawaing ito nagpamalas ka ng angkin galing sa pagsagot sa


sitwasyong ibinigay. Ipinakita mo iyong abilidad sa pagtugon sa naturang hamon.
Handa ka na sa susunod na gawain.

Gabay sa Pagwawasto (Rubric)

3 2 1
Wasto at makatotohanan Maayos na nailahan Inilahad ang mga
ang impormasyon. May ang impormasyon. sagot gamit lamang
dalawa I higit pang Mayroong isang pag- ang isang pag-aaral o
Nilalaman

pinagbatayang pag-aaral, aaral, artikulo, o artikulo


artikulo, o pagsasaliksik pagsasaliksik ang
ang ginamit sa ginamit sa
pagsalaysay. pagsalaysay.

10
Kumprehensibo at Malinaw ang daloy Kakikitaan ng dalawa
Organisasyon malinaw ang daloy ng ng pagkakasulat. o higit pang kamalian
pagkakasulat. Walang Subalit kakikitaan ang sagot
maling makikita sa ng isang mali (pagkakabaybay,
pagkakasulat sa mga pagkakasulat sa mga paglalahad ng mga
sagot. sagot. pangungusap, at iba
pa)

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa


aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng
mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin sa bahaging ito ay matutuhan mo
bilang isang mag-aaral ang ilang konsepto ng ekonomiks at ang kahalagahan
nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Suriin

Ang limitadong pinagkukunang yaman ng bansa at ang pagtugon sa walang


hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang pangunahing layunin ng
Ekonomiks. Dahil dito, kinakailangang magkaroon ng isang sistema ng pamamahagi
o alokasyon na siyang sasanayin sa ekonomiks (Cruz, 2000). Bilang mag-aaral
mahalagang iyong matutunan ang kahalagahan ng Ekonomiks dahil makakatulong
ito sa iyo sa paggawa ng iyong tamang desisyon. Upang mas lalo mo itong
maintindihan, basahin mo ang tungkol sa Kahalagahan ng Ekonomiks.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Ang sumusunod ay kahalagahan ng ekonomiks ayon sa iba’t ibang


manunulat:

➢ Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya. Ayon kay Cruz (2000)


ang natalakay na mga kaisipan sa ekonomiks ay nagpapatunay na ang
ekonomiks ay sadyang mahalaga. May bahaging ginagampanan ang ekonomiks
sa pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagtatamo ng
pagsulong at pag-unlad ng mga tao at ng mga bansa ay nakasalalay sa mabuting
pamamahala at pagpapalago ng ekonomiya

➢ Nauunawaan ang napapanahong isyu. Ayon naman kay Balitao (2015),


nakakatulong ang ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu
na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Sa
pamamagitan ng ekonomiks, higit mong mauunawaan ang mga patakaran ng
pamahalaan at ang mga suliraning hinaharap ng bansa.

11
➢ Minumulat ang kaisipan ng kabataan. Ayon kay Rillo (2005), nakakatulong sa
mga mag-aaral ang pag-aaral sa ekonomiks sapagkat sa murang edad pa lamang
ay alam nila ang tamang paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na yaman
ng bansa. Pinapaunlad din ng pag-aaral ng ekonomiks ang kaisipang kritikal ng
mga kabataan. Bukod rito nauunawaan din ng mga kabataan ang maayos na
pangangalaga, pagkokonserba sa mga likas na yaman.

➢ Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon.


Ayon kay Imperial (2015), sa sa kanyang aklat na ang ekonomiks ay mayroong
malaking kontribusyon sa paggawa ng wastong desisyon at aksyon. Ang pagiging
mulat sa mga isyung pang-ekonomiya, at ang mga kaalaman sa konsepto ng
ekonomiks ay nakakatulong sa paghubog ng wastong asal, gawi, at kilos na
mahahalagang salik sa tama o wastong pagdedesisyon. Idinagdag pa ni Balitao
(2015) na ang kaalaman ng tao ay makatutulong upang makapagbigay ng
makatuwirang opinion tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon sa loob ng
pamilya.

KAHALAGAN NG EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pagtitipid at Pag-iimpok

Sa panahon ngayon nahaharap ang ating bansa sa pandemiyang COVID-19


ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan mula sa mga
produktong pagkaing, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay, gas at iba pa. Dahil
sa sitwasyong ito, nararapat mong matutunan ang magtipid, at mag impok. Ano nga
ba ang pagtitipid at pag-iimpok? Ang pagtitipid ay tumutukoy sa kasanayan ng
pamamahala sa iyong pera. Habang ang pag-iimpok ay tumutukoy din sa pag-
sisikap ng isang tao na makaipon ng sapat na salapi o aria-rian para sa kanyang
kinabukasan.

Sa iyong pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks ay matututunan mo ang


konseptong pagtitipid at pag-iimpok, at ang paglalapat nito sa iyong buhay. Marahil
ay mas nauunawaan mo na ngayon na ang pagtitipid at pag-iimpok ay magbibigay
sa iyo ng malaking insentibo sa hinaharap. Maaaring mayroon kang gustong bilhin
ngunit ipinagpaliban mo muna ito, ginawa mong opportunity cost ang bagay na iyon
upang makapag-ipon para sa mas mahalagang bagay na kakailanganin mo sa
hinaharap. Samakatuwid, malimitahan ang paggastos sa di makabuluhang bagay at
mapaglalaanan ng sapat na halaga ang mga mas importante. Mahalaga ang
ekonomiks sapagkapat ituturo sa iyo ang praktikal na paalala tulad ng paglilista ng
bawat gastos araw-araw upang iyong masuri at mapag-aralan nang mabuti kung
anong mga gastusin pa ang dapat alisin o malimitahan man lang. Sa ganitong
paraan sinisimulan mo nang turuang disiplinahin ang iyong sarili sa
paggasta. Pagkatandaang napakahalaga ng pagtitipid at pag iimpok dahil ang iyong
naipon at natipid ay magagamit pagdating ng panahon.

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pangkonsumo

12
Ang pagkonsumo ay bahagi ng iyong buhay simula ng ikaw ay isilang sa
mundo. Ang Pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng mamimili
sa mga produkto at serbisyo. Mas mapapalalim mo pa ang aralin tungkol dito sa
mga kasunod na module. Sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang kahalagan ng
ekonomiks sa pangkonsumo. Upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pagkonsumo, isipin mo na sa tuwing recess, ikaw ay pupunta sa
canteen upang bumili ng pagkain. Ang pagbili mo ng pagkain ay gumawa ka na ng
pagkonsumo. Sa bawat pagkonsumong gagawin ay may pakinabang kang
makukuha mula rito na tinatawag na kasiyahan (satisfaction). Paano mo
masasabing may nakuhang kapakinabangan ka sa produktong iyong binili? Ito ay
kapag patuloy ka sa pagbili ng produktong ito at nakaramdaman ka ng pagkabusog
o kasiyahan sa tuwing ikaw ay kumakain o bumibili nito. Nararapat na magkaroo
ng tamang padedesisyon sa pangkonsumo upang maggamit ng maayos ang budget
na mayroon ka.
Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pagnenegosyo

Mahalaga ang kaalaman sa ekonomiks sa isang negosyo. Ang mahalagang


desisyong ginagawa ng mga negosyante ay makakatulong upang mapalaki ang
kanilang tubo at maging maunlad ang negosyo. Nakakatulong ang kaalamang ito
para maging kritikal sa pagsusuri sa mga nangyayari upang maunawaan kung
anong aksyon ang gagawain na makabubuti sa negosyo. Ang mga kaalamang ito ay
magtuturo sa iyo na mag-isip nang lohikal at malaman ang mga teorya, Sistema, at
balangkas tungkol sa pamilihan. Bilang mag-aaral, marahil isa sa iyong pangarap
ay isang maging entreprenyur. Ituturo sa iyo ng ekonomiks ang mga isyu at konsepto
na umuusbong sa mga kumplikadong aspeto ng isang ekonomiya at kung paano mo
ito mailalapat sa iyong sariling negosyo sa hinaharap.

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pag-alaga sa Kapaligiran

Ang mga likas na yaman ay mahalagang dimensyon ng kabuhayan at


kaunlaran ng isang lipunan. Mula sa mga yamang likas ay nakakukuha ng pagkain
at mga hilaw na materyal na sangkap sa iba't ibang industriya. Mahalaga ang
bahaging ginagampanan ng ekonomiks upang maunawaan ang kahalagahan ng
kapaligiran sa buhay ng isang tao. Ang kaalamang ito ay makakatulong upang
maunawaan na may limitasyon at maaaring maubos kapag labis ang paggamit dito.
Dahil kapag hindi malinaw sa tao ang layunin ng paggamit ng likas na yaman walang
nakakamit na kapakinabangan sa mga ito. Ang ekonomiks ay makakatulong upang
maggamit nang maayos ang likas na yaman upang hindi ito maabuso at patuloy na
mapangalagaan.

Kahalagahan ng Ekonomiks sa Indibiduwal at Pamilya

Ang pagdedesisyon at ang paghahanapbuhay sa ngayon ay ginagampanan ng


iyong mga magulang, ang kanilang desisyon at pagkilos ay batay rin sa nga
pangangailangan at kagustuhan ng kanilang mga anak. Subalit, sa maliit na paraan,
ikaw ay gumagamit din ng salapi, pumipili, namimili, gumagamit ng mga
pinagkukunang-yaman, tumutulong sa paghahanapbuhay, at sa paggasta at

13
pagtitipid sa iyong tahanan (Cruz, 2000). Samakatuwid, sa pagpili ng iyong
pagkakagastusan, nagagamit mo ang prinsipyo ng alokasyon at pamamahala.

Kung matalino kang magdesisyon, maaaring may maiambag ka sa


pangangailangan ng iyong pamilya kahit kaunti gaya ng pag-iimpok mo ng iyong
baon para sa panahon ng pangangailangan. Kung tutuusin, mula sa pagdilat ng
iyong mga mata sa umaga, hanggang sa muli mong pagtulog sa gabi, kaagapay mo
ang ekonomiks sa pagtahak ng landas ng pagsulong at pag-unlad. Kung lubusan
mong mauunawaan bilang isang mag-aaral ang mga konsepto at prinsipyong
nakapaloob sa agham na ito, matututo kang maging mapagsuri at mapagtanong sa
mga nangyayari sa ating ekonomiya. Makagagawa ng isang matalinong
pagdedesisyon sa buhay at mababatid mo kung gaano kahalaga at kalawak ang
epekto ng ekonomiks sa iyong buhay (Imperial, 2015).

Pagyamanin

Marahil malinaw na sa iyo ang kahalagahan ng Ekonomiks, buhat sa mga nabasa


mo sa araling ito. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman. Maghanda ka na,
umpisahan mo nang sagutin ang gawain 3.

GAWAIN 3: SITWASYON-SURI

Panuto: Basahin ang mga pahayag o pangungusap na nasa ibaba at tayain kung ano
ang kahalagahan ng ekonomiks na inilalarawan sa pahayag o pangungusap. Piliin
ang sagot sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at aksyon


B. Minumulat ang kaisipan ng kabataan
C. Nauunawaan ang napapanahong isyu
D. Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya

1. Natanggap ni Brian ang kaniyang unang sahod sa trabahong kaniyang


pinapasukan. Inanyayahan siya ng kaniyang mga kaibigan na mag-inuman
bilang selebrasyon sa unang sahod na kaniyang natanggap. Bago siya gumawa
ng pagpapasya, pinag-isipan mo na niya ito ng ilang beses. Napagpasyahan niya
na ipagpaliban muna ang pagsama sa kaniyang mga kaibigan dahil may mas
importanteng bagay siya na pinaglalaanan ng kaniyang unang sahod.

2. Ang mga mamamayan sa Barangay Malinaw ay nagkaroon ng suliranin sa baha.


Lagi nila itong nararanas sa tuwing may malakas na pag-ulan. Bilang solusyon
at tugon sa naturang problema, nagpulong pulong ang mga lideres sa naturang
barangay upang malaman kung ano ang dahilan bakit binabaha ang kanilang
lugar at nalaman nila na ang sanhi ng pagbaha ay ang dumadaming water lily sa
sa ilog. Upang maiwasan ang pagbaha, naisipan nila na pakinabangan ang
tinuturing nilang salot upang maging nahanapbuhay at dagdag kita. Ginamit nila

14
ang water lily upang makagawa ng isang panibagong produkto na pwede nilang
ipagbili sa merkado.

3. Si Mariano ay lumaki sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya na may


pagpapahalaga sa pera. Kaya sa tuwing binibigyan siya ng pera ng kaniyang lolo
at lola sa tuwing maganda ang ani sa bukid, sinisigurado ni Mariano na
gagamitin sa maayos at makabuluhang bagay ang kaniyang pera. Bukod doon
nagtatabi siya ng pera para may maitabi at magamit sa araw ng kagipitan.

4. Ipinanganak na mayaman si Cherry, hindi siya nakaranas na hirap sa buhay


dahil lahat ng kaniyang pangangailangan at kagustuhan ay ibinibigay ng
kaniyang mga magulang. Isang araw, nagsara ang kanilang mga negosyo dulot
ng COVID-19, kahit lumaki si Cherry sa masaganang pamumuhay sa kabila nito
naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Natuto siyang magtipid
at mahalagahan ang mga bagay na meron siya.

GAWAIN 4: TAMA O MALI

Basahin ang mga pahayag o pangungusap sa ibaba. Isulat ang


salitang TAMA kung ang pangungusap o pahayag ay tama at kung MALI
palitan ang salitang may salungguhit ng tama salita upang maging tama
ang pahayag o pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Kung matalino kang magdesisyon, maaaring may maiambag ka sa


pangangailangan ng iyong pamilya kahit kaunti gaya ng pag-iimpok mo ng
iyong baon para sa panahon ng pangangailangan.

2. Ayon kay Cruz, may bahaging ginagampanan ang ekonomiks sa


pangkabuhayang pamumuhay ng bansa at ng daigdig. Ang pagtatamo ng
pagsulong at pag-unlad ng mga tao at ng mga bansa ay nakasalalay sa
katalinuhan ng mga namumuno sa bansa.

3. Ayon kay Imperial ang pagiging mulat sa mga isyung pang-ekonomiya, at ang
mga kaalaman sa konsepto ng ekonomiks ay nakakatulong sa paghubog ng
wastong asal, gawi, at kilos na mahahalagang salik sa tama o wastong
pagdedesisyon.

4. Ayon kay Rillo, nakakatulong sa mga mag-aaral ang pag-aaral sa Araling


Panlipunan sapagkat sa murang edad pa lamang ay alam nila ang tamang
paraan ng paggamit ng mga limitadong likas na yaman ng bansa.

5. Kung marunong kang magtipid at mag-impok tiyak na mayroon kang


magandang kinabukasan, pagdating ng araw kapag ikaw ay nagigipit meron
kang madudukot, di mo na kailangang magmakaawa sa iba para humingi ng
tulong.

15
Magaling, mag-aaral sapagkat natapos mo ng suriin ang kahalagahan ng
ekonomiks at kung paano mo ito mailalapat sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Bilang buod, basahing mabuti ang Isaisip bago kang magsimula sa aplikasyon
ng araling ito.

Isaisip

Ngayon ay inaasahang batid mo na ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks


sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral.

Mahalaga ang Ekonomiks sapagkat…

Matutuhan mo ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon.


Malalaman mo ang kahalagahan ng pagpatupad at pagganap sa
tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay
ang pag-unlad ng ekonomiya.

Nalilinang ang iyong kaisipan ukol sa pang-araw-araw na nagaganap


sa buhay ng tao at kung paano naapektuhan ang pamumuhay ng
tao sa mga pangyayari sa ating lipunan.

Mauunawaan mo ang konsepto ng ekonomiks at epekto nito sa iyong


pamumuhay bilang isang mag-aaral. Gaya na lamang sa pagbili mo
sa tindahan, naaaplay mo ang mga konsepto ng ekonomiks.

Magiging matalas ang iyong obserbasyon at interpretasyon sa mga


bagay na may kaugnayan sa pangkabuhayang pag-unlad. Higit mong
mauuunawaan ang mga patakaran ng pamahalaan at ang mga
suliraning hinaharap ng bansa.

Nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya.

Nauunawaan ang napapanahong isyu.

Minumulat ang kaisipan ng kabataan.

Nakakatulong sa paggawa ng rasyonal at matalinong desisyon at


aksyon.

16
Isagawa

Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang


mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahalagahan ng ekonomiks.

GAWAIN 5: TAYAHIN MO
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tayahin mo ang desisyong ginawa
ni Cherry at Crisitne gamit ang talahanayan na nasa ibaba ng bawat sitwasyon.
Kung sa tingin mo ay tama ang desisyon i-tsek ang OO, kung mali naman i-tsek and
HINDI. Isulat din ang dahil kung bakit sang-ayon ka o hindi sa desisyong nagawa ni
Cherry at Cristine. Isulat din ang iyong suhestiyon para kay Cherry at Cristine upang
mas mapabuti ang kanilang pagdedesisyon.

Gagamitin ang sumusunod na rubrik pagbibigay ng puntos sa bawat tanong:


5 4 3 2
Ang pagtatayang Ang pagatatayang Ang Ang pagtatayang
sinulat ng may sinulat ay may pagtatayang sinulat ay hindi
kaugnayan sa kaugnayan sa sinulat ay hindi maiuugnay sa
paksa. Ito rin ay paksa at masyadong paksa at hindi
makabuluhan at makabuluhan. maiuugnay sa masyadong
Nilalaman

nagpapakita ng Subalit kakikitaan paksa ngunit makabuluhan.


malalim na ito ng isang ito ay Kakikitaan ang
pagkatuto ng mag- maling pahayag, makabuluhan. sagot ng tatlo o
aaral ukol sa paksa. Kakikitaan ito higit pang maling
Lahat ng detalyeng ng dalawang pahayag,
naggamit bilang maling
basehan ng pahayag,
pagtataya ay tama.

A. Mayroong 10,000 pesos na naipon. Inilaan niya ito upang bumili ng bagong
cellphone na magagamit niya sa online classes. Habang siya ay nagbabasa
ng mga binebentang cellphone sa internet, nakita niyang mayroong second
hand na i-phone na 6s 64GB, at mayroong 70% battery life na naggamit na
sa loob ng dalawang taon ng unang may-ari, at brand new na android
phone na 128GB, at 64 mega-pixels. Napagdesisyunan ni Cherry na bilhin
ang second hand i-phone 6s sapagkat matagal na niyang pangarap ang
magkaroon ng ganitong cellphone.

Tanong Oo Hindi Bakit


Tama ba ang naging desisyon ni
Cherry sa pagbili ng second hand i-
phone 6s?
Tama bang isaalang-alang ang
kaniyang kagustuhan o pangarap
na makagamit ng i-phone?
Ano ang iyong suhestiyon kay
Cherry?

17
B. Si Cristine ay may naipong 300 pesos mula sa kaniyang pang-araw-araw
na baon. Hinikayat siya ng kaniyang kaibigang si Cathy na kumain sa
bagong Korean Restaurant na nagbebenta ng samgyeopsal (isang sikat na
pagkaing Koreano). Kahit hindi gutom si Cristine ay pinili niyang sumama
kay Cathy sapagkat ayaw niyang magalit ang kaibigan at gustong-gusto
niyang makipaghalubilo sa mga bagong kailbigan ni Cathy na sasama rin
sa kanila.

Tanong Oo Hindi Bakit


Tama ba ang desisyon ni Cristine
na gamiting and kaniyang ipon
upang makasama lang ang mga
kaibigan kahit hindi siya
nagugutom?
Tama bang unahin ni Cristine ang
makipaghalubilo sa mga kaibigan?
Tama bang ikonsidera ni Cristine
ang nararamdaman ng kaibigang si
Cathy sa kayang paggasta?
Ano ang iyong suhestiyon para kay
Cristine?

Kasiya-siya ang ipinakita mong galing sa pagsagot sa gawain ito. Handa ka para sa
susunod na gawain. Halina’t umpisahan mo na!

18
Tayahin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng direktang relasyon ng


kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa paggawa ng wastong desisyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan sa larangan ng
suliranin sa kakapusan at kakulangan upang matugunan ang pangangailangan
at kagustuhan ng tao?
A. ang pag-aaral na ito ay nagkakaroon pagsusuri sa epekto ng populasyon
sa antas ng pagkatuto, sa antas ng kasanayang dapat makamit upang
maging produktibong mamamayan.
B. ang pag-aaral ng ekonomiks nagkakaroon ka kaalaman sa wastong
paggamit ng mga pinagkukunang yaman at tamang desisyon upang
maging matalinong mamimili.
C. sa pag-aaral na ito ay nakakatulong upang makakuha ng mga kaisipan
sa nakaraan na magiging batayan sa paggawa ng desisyon at patakaraan
na makaaapekto sa takbo ng bansa.
D. sa pag-aaral ng ekonomiks natutuhan kong magbudget ng tama, gamitin
ng maayos ang aking oras, at suriin ang mga bagay-bagay nang sa gayon
ay hindi maluko sa mga produktong aking bibilhin.

2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


kaalaman sa ekonomiks maliban sa _________.
A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan.
B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga
desisyon.
C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang
ekonomiya.
D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging
matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay.

3. Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa iyong


buhay bilang isang mag-aaral?
A. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng magiging modelo ako sa aking kapwa kabataan na
gumawa ng kabutihan sa lahat ng pagkakataon
B. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan paggawa ng isang matalinong desisyon sa buhay na
magbibigay sa aking ng malaking kapakinabangan
C. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang disposisyon sa buhay.
D. maipapakita ko ang kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks sa
pamamagitan ng pagpapamalas ng aking talino at galing sa lahat ng aking
gagawin sa aking buhay.

19
4. Ano ang pinakamabuting dulot ng pag-aaral ng kahalagahan ng ekonomiks
A. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga mahalagang konsepto sa Ekonomiks upang
madaling makapasa sa kolehiyo.
D. Makatutulong sa iyo upang maging tama ang mga pamamaraan, gawi at
mga desisyon sa buhay.

5. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-


araw-araw na pamumuhay?
A. Batid ng isang mag-aaral na ang paggastos ay nakalimita lang dapat sa
kung ano lang ang mga mahahalaga.
B. Ang pagbili ng kape sa mamahaling coffeeshop na itinaguyod ng
dayuhang kaibigan
C. Pagpunta sa mall tuwing araw ng sahod upang magshopping sa
paboritong boutique shop
D. Pagbili ng limited edition na sapatos pandagdag sa iyong koleksyon

6. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dulot ng pandemiyang COVID-19,


kailangan nilang mag doble sikap at makipagsapalaran sa ibang lugar upang
maibigay ang inyong mga pangangailangan. Bilang panganay sa magkakapatid,
ikaw ay inaasahang hahalili sa iyong mga magulang. Ibinigay sa iyo ang
responsibilidad na pangasiwaan ang pagbubudget sa pang-araw-araw ninyong
gastusin. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng aplikasyon
sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay?
A. Sa pagbubudget lagi siyang humihingi ng tulong sa mga kaibigan
B. Sa pagbubudget pinag-iisipan niyang maigi kung anong bibilhin upang
masigurado na ang produktong bibilhin ay magbibigay ng mas malaking
kapakinabangan sa kanilang magkakapatid.
C. Upang hindi mahirapan sa pagbubudget at paghahanda ng pagkain
laging siyang umoorder sa food panda.
D. Upang magamit nang maayos ang perang ibinigay maglalaan siya ng
kaunting halaga ng pera para sa kanilang pangangailangan at ang natira
ay kanyang itatabi.

7. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa


pangkabuhayan pamumuhay ng tao at ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagbibigay ng praktikal na kaalaman na
kailangan sa pag-unawa ng mga pangkabuhayang kalagayan ng ating
bansa.
B. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong upang maunawaan ang
ugnayan ng sambahayan, bahay kalakal at industriya.
C. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nagsisilbing gabay upang maunawaan ang
ating pagkakakilanlan bilang bahagi ng lipunan.
D. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay makakatulong upang maging mabuting
mamamayan.

20
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malaking epekto sa paggawa ng
desisyon at pagpili upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan batay
ng pag-aaral ng ekonomiks?
A. naging matipid ako sa aking mga gastusin sa pang-araw-araw
B. natutuhan kong huwag magpadala sa bugso ng aking damdamin
C. naging mas matanong at mulat sa mga nangyayari sa aking paligid
D. mas pinag-iisipan ko na ng mabuti ang pagpili at desisyong gagawin kung
ito ba ay magbibigay ng malaking kapakinabangan sa akin

9. Bilang isang mag-aaral bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng


matalinong desisyon sa ating mga personal na pangangailangan at kagustuhan?
A. Mapunan ang mga pansariling luho at kasiyahan.
B. Mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
C. Hindi masayang ang limitadong mga pinagkukunang-yaman.
D. Itaguyod at isulong ang pagkonsumo sa mga likas na yaman

10. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-


araw na buhay?
A. nakatutulong ito upang makalaya sa kahirapan ng buhay
B. nakakatulong ito upang maunawaan ang pagbabagong nagaganap sa
lipunan
C. nakakatulong ito upang matugunan ang lahat ng pangangailangan at
kagustuhan ng tao
D. nakakatulong ito upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa
mga kaganapan sa ating lipunan.

11. Bakit kailangang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa


pagtukoy ng kahalagan ng ekonomiks?
A. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala ng limitadong
pinagkukunang yaman.
B. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong ito sa pagkakaroon ng plano ng produksiyon at
masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang.
C. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may
kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
D. Mahalagang pag-aralan ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan
sapagkat magagamit ito upang makaahon sa kahirapan.

21
12. Bilang bahagi ng lipunan bakit kinakailangang maging matalino sa
pagdedesisyon ang isang tao pagdating sa pagtugon ng kanyang
pangangailangan at kagustuhan?
A. dahil magamit ng maayos ang mga produkto
B. dahil may hangganan ang lahat dito sa mundo
C. upang hindi masayang ang limitadong pinagkukunang yaman
D. upang hindi masayang ang pera sa pagkonsumo ng mga produkto

13. Ano ang epekto ng pag-aaral ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay


ng isang mag-aaral
A. Pagbili sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanyang sarili at
pamilya.
B. Natutong magbahagi ng kanyang opinyon sa mga nangyayari sa kanyang
paligid.
C. Natutuhan kong gamitin ng maayos ang aking allowance sa mas
makabuluhang bagay.
D. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman na
hahantong sa kakapusan.

14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


kaalaman sa ekonomiks maliban sa _________.
A. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan.
B. Ito ay nagbibigay sa tao ng kaalamang makatutulong sa paggawa ng mga
desisyon.
C. Ito ay makatutulong upang maunawaan kung paano gumagalaw ang
ekonomiya.
D. Ito ay makatutulong sa mga konsyumer at manggagawa upang maging
matalino sa pamimili at pagpapasya ukol sa paghahanapbuhay

15. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng


ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na gawain.
A. Magpanic buying sa tuwing may sales sa mall.
B. Maglaan ng oras para sa sarili, pamilya at kaibigan.
C. Gamitin ang natitirang oras sa paglalaro ng mobile legend.
D. Ipunin ang natitirang baon upang may magamit sa oras ng
pangangailangan.

22
Karagdagang Gawain

Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSIYON

Buuin mo ang sumusunod na matrix. Magbigay ng sariling halimbawa,


batay sa obserbasyon mo sa pang-araw-araw na buhay, ng isang
kahalagahan ng Ekonomiks para sa bawat hanay. Magbigay ng halimbawa
ng mga nakikita mo sa iyong paligid kung paano nakatutulong o
makatutulong ang kaalaman sa ekonomiks sa iyong sarili, sa isang pamilya,
sa barangay o pamayanan, sa bansa, at sa daigdig.

Kahalagahan ng Ekonomiks

SARILI

PAMILYA

BARANGAY

BANSA

DAIGDIG

5 4 3 2
Ang nilalaman ng Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay
may kaugnayan sa may kaugnayan hindi masyadong hindi maiuugnay
paksa. Ito rin ay sa paksa at maiuugnay sa sa paksa at hindi
Nilalaman

makabuluhan at makabuluhan. paksa ngunit ito ay masyadong


nagpapakita ng Subalit makabuluhan. makabuluhan.
malalim na kakikitaan ito ng Kakikitaan ang Kakikitaan ang
pagkatuto ng mag- isang maling sagot ng dalawang sagot ng tatlo o
aaral ukol sa paksa. pahayag, maling pahayag, higit pang maling
Lahat ng isinulat ay pahayag,
tama.

Mahusay! Ang iyong naging sagot ay nagpapakita ng lubos na pag-unawa at


kaalaman sa nasabing paksa. Ngayon, handa ka na para sa maikling pagsususlit.

Binabati kita at natapos mo ang pagsusulit. Natapos mo na ang lahat ng mga


gawain sa araling ito. Handa ka susunod na paksa para sa mas mapalalim ang iyong
kaalaman sa Ekonomiks.

23
24
Gawain 1: Pag-isipan
1. Notebook 5. Baon 9. Art materials
2. Ballpen at lapis 6. Tubig 10. Correction tape
3. Aklat 7. Cellphone at charger
4. Papel 8. Bag
Pamprosesong tanong
1. Mahalaga ang mga ito dahil magagamit ko ito sa aking pag-aaral
2. Ang aking naging batayan sa paggawa ng desisyon ay kung ano ang malimit gamitin
sa klase. SUBUKIN
Gawain 2: Pagsulat ng sanaysay Paunang
✓ Makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa Pagsusulit
pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sapagkat kapag isinaalang-alang mo ang
konseptong ito, magiging makahulugan ang pagdedesisyong isasagawa dahil mas 1. C
pipiliin ng tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kanyang kagustuhan.
2. C
PAGYAMANIN 3. D
4. C
Gawain 3: Sitwasyon suri
5. A
1. A 2. D 3. B 4. C
6. C
Gawain 4: TAMA O MALI 7. D
1. TAMA 3. TAMA 8. C
2. MABUTING PAMAMAHALA AT PAGPAPALAGO NG EKONOMIYA
9. C
3. TAMA
4. EKONOMIKS 10. D
5. TAMA 11. D
12. A
ISAGAWA
13. A
Gawain 5: PAGDEDESISYON 14. A
(Nakabatay ito sa pagtataya ng mag-aaral sa sitwasyon) 15.A
KARAGDAGANG GAWAIN
TAYAHIN
Gawain 6: PAGSULAT NG REPLEKSYON
1.C
SARILI Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sa buhay ko bilang isang mag-aaral 2.A
dahil maaaring mahubog ang aking pag-unawa, ugali at gawi sa pamaraang makatutulong sa 3.B
aking pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
4.D
PAMILYA Nagagamit ang kaalaman sa asignaturang ekonomiks ng aking pamilya 5.A
sapagkat gumagawa tayong ng pagpipili, pagdedesisyon at pagbabadget sa pang-araw-araw 6.B
na pumumuhay. Gamit ang kaalaman sa ekonomiks higit ka na makagagawa ng isang 7.A
matalinong desisyon sa buhay. Mas nagiging mapanuri at mapagtanong ka sa mga nangyayari
sa iyong kapaligiran upang makapagbigay ng rasyonal na interpretasyon sa mga nangyayari. 8.D
9.C
BARANGAY Nagagamit din ang kaalaman sa ekonomiks ng aming barangay sapagkat 10.D
pinamamahalaan ang mga opisyalis ng barangay ang limitadong resources na mayroon ang 11.A
aming komunidad upang matugunan ang ibat-ibang pangangailangan ng kanyang
nasasakupan. 12.C
13. C
BANSA Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakapokus sa pangkalahatang 14. A
pagpapaunlad ng kalakalan, pananalapi, at kagalingang panlipunan sa loob at labas ng bansa
15.D
o sa buong daigdig. Dito nakapaloob ang pagsusuri sa GNP at GDP, mga paglago ng kita
produksyon ng iba’t ibang sektor, at ang paglutas ng kahirapan.
DAIGDIG Dahil sa kaalaman ng ekonomiks, nagagamit ito ng mga lideres sa ibat-
ibang bansa upang magamit ng maayos ang yaman ng kanilang bansa para sa ikauunlad ng
kanilang bansa. Nagagamit din nila ang nasabing kaalaman upang matugunan ang ibat ibang
pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C.
D. 2015. Kayamanan: Ekonomiks. 3rd ed. 856 Nicanor Reyes Sr. Street 1977
CM Recto Avenue Manila Philippines. Rex Bookstore.

Balitao, B.R., Buising, M.D., De Guzaman, A.D., Garcia, E. D.J Lumibao, Jr.
J.L. Mateo, A. P. Mondejar, I.J. 2015. Ekonomiks 10, Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral. 1st ed. 5th Floor, Mabini Building, DepEd Complex
Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600. Vibal Group.

Balitao, B.R., Cruz, N.B., Rillo, J.D. 2005. Makabayan Serye: Ekonomiks sa
Pagsulong at Pag-unlad. 4th ed. Pilipinas ng Vibal Publishing House Inc., 1253
Gregorio Araneta Avenue Queszon City

Cruz, N.B., Lim, A. L., Rillo, J.D., Villoria, E. M. 2000. Ekonomiks, Batayang
Aklat parsa sa Ikaapat na Taon. 2nd ed. G. Araneta Avenue, cor. Ma. Clara St.,
1107 Quezon City Philippines. SD Publication, Inc.

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

26

You might also like