You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6 – Kanlurang Bisayas
SANGAY NG CAPIZ

PANSANGAY NA PANIMULANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2


Taong Panuruan: 2021-2022

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pangalawang magulang ang turing sa akin ng mga


mag-aaral. Nagtuturo sa kanila sa pagbasa , pagsulat,
pagbilang at magagandang asal.
A. guro
B. pulis
C. doktor

2. Sa munti kong braso ikaw ay nakasabit.Ginagamit ko ito


upang di ako magkasakit. Umulan man o umaraw ay
lagi kong bitbit.
A. bag
B. suklay
C. payong

3. Nasalubong mo isang umaga ang iyong guro na si


Gng. Perez. Ano ang magalang na bati mo sa kaniya?
A. Magandang umaga po Gng. Perez.
B. Magandang umaga Gng. Perez.
C. Magandang umaga sa iyo.

4. Gusto mong hiramin ang payong ng iyong kaibigan.


Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
A. Pahiram ng payong.
B. Akin na ang iyong payong.
C. Maaari ko bang hiramin ang iyong payong?
5. Naglalakad ka kasama ang iyong kaibigan sa plasa.
Nakita mo ang magagandang bulaklak at gusto mo
itong pitasin, ngunit may nabasa kang karatula na
“Bawal pitasin ang mga bulaklak”. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Huwag pitasin ang mga bulaklak.
B. Ipakuha ito sa kaibigan.
C. Pitasin ang mga bulaklak dahil wala namang bantay.

6. Gumuhit ng bilog.Gumuhit ng araw sa loob nito.


Alin dito ang nakasunod sa panuto?

A. B. C.

7. Anong maikling salita ang makukuha sa salitang


kayamanan ?
A. kamay
B. yaman
C. naman

8. Ang kaniyang blusa ay pula. Anong salita sa


pangungusap ang may klaster?
A. ay
B. pula
C. blusa

9. Matindi ang sikat ng araw. Alin sa pangungusap ang


may tunog diptonggo?
A. sikat
B. araw
C. matindi

10. Nag-aaral nang mabuti si Mark ng kaniyang leksyon


gabi-gabi. Isang araw ay masayang-masaya siya.
A. Baka may natanggap siyang regalo.
B. Siguro mataas ang nakuha niyang marka.
C.Marahil alam niyang may nagawa siyang mali.
11. Ikalimampung taong _______ ngayon nina lolo at
lola bilang mag-asawa.
A. pista
B. kaarawan
C. anibersaryo

12. Ako, ikaw at si Jose ay aalis. ______ ay pupunta sa palaruan.


A. Sila
B. Ikaw
C. Tayo

13. Lorna ang pangalan ko. ______ ay anim na taong gulang.


A. Ikaw
B. Ako
C. Siya

14. Marami ang naging bektima ng sakit na COVID 19.


Alin ang tamang baybay ng salitang may salungguhit?
A. bektema
B. biktema
C. biktima

15. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng kilos?

A. B. C.

Hanapin ang katugmang salita sa loob ng kahon.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

A.payong C. tulay
B. aliw D. bilis

16. baliw A.

B.
17. kulay
18. Kahit madungis ang pulubi ay hindi ito pinagtatawanan
ni Berto. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. malinis
B. mabango
C. marumi

19. May sakit ang maarugang ina ni Rica kaya siya ang
gumagawa ng mga gawaing bahay. Ano ang kasalungat
ng salitang may salungguhit?
A. pabaya
B. maalaga
C. mabait

20. Niyaya _____ Aling Meding sina Abel at Elmo na dumalo


sa gaganaping pagpupulong sa paparalan.
A. ni
B. kay
C. nina

God bless…

You might also like