You are on page 1of 4

Daet Elementary School

Unang Markahang Pagsusulit


MTB- MLE 2
SY 2023-2024

Name _____________________________________________________Section ___________________

A. Piliin ang magagalang na pananalita na akma sa bawat sitwasyon.

1. Habang nakapila kayo sa kantina ay hindi sinasadyang natapakan mo ang batang nasa
unahan mo. Ano ang dapat mong sabihin?
A.Pakalat-kalat kasi ang paa mo. B.Sori na nga. C. Pasensya ka na.
2. Naghahabulan kayo ng kapatid mo sa sala nang matabig mo ang isang plorera. Ano ang
sasabihin mo sa iyong ina?
A.Bilhan ko po kayo ng bago, Inay. B.Di ko nakita ang plorera, Inay.
C.Patawad po. Di na po kami maghahabulan
3.Natanawan mo sa bintana ang iyong kaibigan. Sinenyasan ka niya na lumabas sa bahay
nyo. Ngunit nag-uusap sa may pintuan nyo ang iyong nanay at lola. Ano ang sasabihin mo sa
kanila?
A.Padaan, ha? B.Makikiraan po. C.Walang sasabihin.

B. Uriin ang mga larawan kung ito ay tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

4. A. bagay B. hayop C. lugar D.pangyayari E. tao

5. A. bagay B. hayop C. lugar D.pangyayari E. tao

6. A. bagay B. hayop C. lugar D.pangyayari E. tao

7. A. bagay B. hayop C. lugar D.pangyayari E. tao

8. A. bagay B. hayop C. lugar D.pangyayari E. tao

C . Bilugan ang titik ng tamang sagot.

9. Alin naman ang tumutukoy sa lugar?


A. Pilipinas B. Pilipino C. magalang
10. Ang mga salitang lolo, kuya, tatay, at tito ay tumutukoy sa kasarian ng
A. pambabae B. panlalaki C. walang kasarian
11. Ano ang kasarian ng madre?
A. panlalaki B. pambabae C. walang kasarian
12. Ang kasarian ng lapis ay ________________.
A.panlalaki B.pambabae C. Walang Kasarian
13. Ang ______ ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa loob ng unang pantig
ng salita.
A.diptonggo B.kambal-katinig C.pangngalan

14. Si Mang Ben ay isang masipag na dyanitor. Alin ang salitang may kambal-katinig sa
pangungusap.
A.dyanitor B.isang C.Ramon

15. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kasama sa pangkat?


A.braso B.grasa C.relihiyon
16. Nagbigay ng prutas si Dora sa kanyang guro. Alin sa sumusunod ang salitang may
kambal katinig?
A.nagbigay B.prutas C. Dora
17. Alin ang kambal-katinig o klaster?
A. plantsa B. baso C. bulaklak
18. Sabi ni Monica, Ano ang salitang ugat ng tulungan?
A.tula B.tulong C. tulog
19. Ano ang salitang ugat ng kabundokan?
A. bundok B. kabun C. bundokan
20. Sa salitang aklatan ang salitang ugat ay aklat, ano naman ang tawag sa an na idinagdag
sa salitang aklat?
A. salitang ugat B. gitlapi C. hulapi
21. Ang Unlapi ay matatagpuan sa __________ ng salitang ugat.
A. gitna B. unahan C. hulihan
22. Sabi ng aking lola, may kayamanan daw sa dulo ng bahaghari. Aling salita ang may
tambalang salita?
A. kayamanan B . lola C. bahaghari
23. Alin sa sumusunod ang salitang may tambalang salita?
A.punong-kahoy B. balat-sibuyas C. lahat ng nabanggit
24. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap?
A. Ang mangingisda C. Si Yohan ay nagpunta sa hardin.
B. ay pumalaot D. Sa malawak na bukid
25. Piliin ang hindi pangungusap.
A. Ang malaking bahay ay malapit sa bundok.
B. Binili niya ang halaman sa palengke.
C. pininturahan kahapon
D. Pinuntahan niya ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay.
26. Piliin ang angkop na reaksiyon sa mga sumusunod.
Tinawag ka ng guro dahil maraming basura sa ilalim ng upuan mo.
A. Hindi ko papansinin ang aking guro.
B. Pupulutin ang mga basura at itatapon sa tamang basurahan.
C. Itatago ko sa ilalim para di makita ng aking guro.
27. Isang gabi, umuwi ang tatay mo na may dalang pasalubong. Hinati niya iyon sa inyong
magkakapatid pero ikaw na lamang ang gising.
A. Uubusin ko ang lahat ng pagkain. Hindi naman nila alam.
B. Ibibigay ko sa kanila ang pagkain kinabukasan.
C. Sasabihin ko na walang pasalubong si tatay.
28.. Tapos na ang reses. Niyaya ka ng kamag-aral mo na maglaro at huwag munang bumalik
sa silid-aralan. Ano ang sasabihin mo?
A. “Ayoko, may klase pa tayo”.
B. “Sige, tara maglaro tayo”.
C. “Sige, maghabulan na muna tayo”.
29. Pareho kayong pinawisan ng kapatid mo sa paglalaro ng badminton. Nag-unahan kayo
sa pagpasok sa banyo para maligo.
A. Itutulak ko siya dahil mas malaki ako sa kanya.
B. Pauunahin ko na siyang maligo.
C. Isusumbong ko siya kay nanay.
30. Pareho kayo ng laruan ng iyong kamag-aral. Kaya lamang mas bago ang sa kanya.
Minsan, kayo’y naglaro at naiwan niya sa inyong bahay ang kaniyang laruan.
A.Ang lumang laruan ko ang isasauli ko sa kanya.
B. Ang tunay na laruan niya ang isasauli ko.
C. Sasabihin ko na wala siyang naiwan na laruan.
Inihanda ni:

JOAN C. ZUŇIGA
T-III

You might also like