You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 3

Pangkalahatang Panuto:

A. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 40 aytem tungkol sa mga kasanayang


pampagkatutong binigyang tuon sa buong markahan. Basahin at unawaing mabuti
ang bawat aytem bago sumagot.
B. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pamimilian at isulat ang titik nito sa
naibigay na hiwalay na sagutang papel.
C. Huwag sulatan ang talatanungang ito.

Panuto: Piliin ang angkop na letra ng inyong sagot sa bawat tanong o pahayag.

Para sa 1-4. Isulat ang letra ng kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Hatinggabi na nang maganap ang lindol.


A. kalagitnaan ng gabi
B. kalagitnaan ng hapon
C. kalagitnaan ng umaga

2. Kailangang mahinahon at may lakas-loob na harapin ang pandemya.


A. malusog
B. masaya
C. matatag

3. Madaling-araw na’y di pa makatulog.


A. araw na madali
B. bukang liwayway
C. madali ang araw

4. Kapit-bisig na sinugpo ng mga tao ang suliranin sa kanilang lugar.


A. nagkakaisa
B. nagsasaya
C. nagtatalo

Para sa bilang 5-10.


Sinasabing ang mga Pilipino ay sobrang mahilig sa musika. Hindi kataka-taka
na maraming nagtatayuang karaoke bar sa ating paligid. Maraming magagaling at
hinahangaang mga mang-aawit ang nananalo sa ibang bansa.
5. Tungkol saan ang kuwento?
A. Pagkahilig ng mga Pilipino sa musika
B. Nagtatayuang mga karaoke bar
C. Mga mang-aawit ng mga Pilipino

6. Alin ang sumusuporta sa pagkahilig ng mga Pilipino sa musika?


A. Maraming nagtatayuang karaoke bar sa ating paligid.
B. Maraming mga Pilipino ang sumasali sa iba’t ibang paligsahan.
C. Ang mga Pilipino ay sadyang magagaling at matatalino.

7. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng kuwento?


A. Ang Pilipino at Ang Musika
B. Ang Karaoke Bar sa Ating Paligid
C. Ang mga Mang-aawit sa Ating Bansa

8. Bakit maraming karaoke bar ang naitatayo sa Pilipinas?


A. mayayaman ang mga Pilipino
B. madaling itong maitayo sa Pilipinas
C. maraming Pilipino ang mahilig kumanta

9. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong basahin ang teksto?


A. Nalungkot dahil maraming mga Pilipino ang mahilig sa musika.
B. Natakot dahil maraming mga Pilipino ang may karaoke bar.
C. Masaya dahil maraming mga Pilipino ang nakikilala sa pagkanta.

10. Ano kaya ang maaaring mangyari kung patuloy ang pagkahilig ng mga Pilipino sa musika?
A. Lalong mahahasa ang galing ng mga Pilipino sa musika.
B. Yayaman ang mga taong nagpapatakbo ng karaoke bar.
C. Lalong gagaling ang mga Pilipino sa paggawa ng karaoke.

Para sa bilang 11-16.


Si Lea ay batang magalang. Gumagamit siya ng po at opo. Nagmamano siya sa
kaniyang magulang at matatanda. Iniiwasan niyang makipagtalo sa kapuwa. Dahil
sa mga ito, marami ang natutuwa sa kaniya.

11. Ano ang paksa ng kuwento?


A. Ang magalang na si Lea
B. Ang paggamit ng po at opo
C. Ang pagmamano sa magulang

12. Alin ang detalyeng sumusuporta sa pagiging magalang ni Lea?


A. Gumagamit siya ng po at opo.
B. Tinutulungan niya ang kaniyang mga magulang.
C. Pinalaki siya nang maayos ng kaniyang mga magulang.

13. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng teksto?


A. Ang Pakikipagkapuwa
B. Ang Magalang na Bata
C. Ang Magagalang na mga Salita
14. Bakit maraming natutuwa kay Lea?
A. nagmamano siya
B. palagi siyang magalang
C. gumagamit siya ng po at opo

15. Anong aral ang nais sabihin ng kuwento?


A. Ang batang magalang ay tuwa ng matatanda
B. Maraming natutuwa dahil magalang na bata si Lea.
C. Ang pagiging magalang ay dapat taglayin ng lahat.

16. Ano ang maaaring mangyari kapag lahat ay may paggalang?


A. Magiging bata ang mga matatanda.
B. May katahimikan at pag-unawa sa kapwa.
C. Magiging matatalino at masisipag ang lahat.
Para sa bilang 17-22.
Masipag mag-aral si Robin. Binabasa at lalong niyang iniintindi ang kaniyang leksiyon bago
matulog. Isang araw, nagkaroon sila ng pagsusulit. Nasagot niya lahat ang mga tanong.

17. Tungkol saan ang kuwento?


A. Kasipagan ni Robin sa pag-aaral
B. Katalinuhan ni Robin sa pagsagot
C. Pagkuha ni Robin ng mataas na marka

18. Alin ang sumusuporta sa pagiging masipag ni Robin sa pag-aaral?


A. Isang araw, nagkaroon sila ng pagsusulit.
B. Binabasa niya ang kaniyang leksiyon bago matulog.
C. Mataas ang nakuha niyang marka sa kanilang pagsusulit.

19. Alin ang pinakaangkop na pamagat ng kuwento?


A. Ang Mahabang Pagsusulit
B. Ang Batang Masipag Mag-aral
C. Ang Mabilis na Pagsagot sa mga Tanong

20. Bakit nasagot ni Robin ang lahat ng mga tanong?


A. nag-aral siyang mabuti
B. nangopya siya sa kaniyang katabi
C. madali ang naibigay na mga tanong

21. Anong marka kaya ang makukuha ni Robin?


A. mataas
B. mababa
C. pasang-awa

22. Ano ang maaaring mangyari kung ipagpapatuloy ni Robin ang kasipagan sa pag-aaral?
A. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.
B. Laging matataas ang makukuha niyang marka.
C. Hindi siya pagagalitan ng kaniyang mga magulang.
Para sa bilang 23-27.

Nagising si Zelpha dahil sa ingay ng mga tao sa labas. Nagmamadali siyang tumayo at
lumabas ng kaniyang silid. Laking gulat niya nang makita ang nakatayo sa kanilang pintuan.
“Papa!” Napalundag siya sa tuwa. ‘’Bakit di po kayo nagsabi na uuwi na kayo?”
“Gusto ko kasi kayong sorpresahin,” sagot ng ama.
Naiyak sa tuwa si Zelpha at yumakap ng mahigpit sa kaniyang ama. Tatlong taong hindi
niya nakasama ang ama dahil nagtatrabaho sa ibang bansa.

23. Tungkol saan ang kuwento?


A. Tungkol sa ama ni Zelpha
B. Tungkol sa pag-uwi ng ama ni Zelpha
C. Tungkol sa pagkagulat ni Zelpha

24. Alin ang sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng kuwento?


A. Nagising si Zelpha dahil sa ingay ng mga tao.
B. Nagtrabaho ang ama ni Zelpha ng tatlong taon.
C. Nakita niya ang ama na nakatayo sa kanilang pintuan.

25. Alin ang pinakaangkop na pamagat ng kuwento?


A. Ang Batang si Zelpha
B. Ang Pag-uwi ng Ama ni Zelpha
C. Ang Pagtatrabaho sa Ibang Bansa

26. Sa unang bahagi ng kuwento bakit nagising si Zelpha?


A. ginising siya ng kaniyang ama
B. maingay ang mga tao sa labas
C. naramdaman niya ang pagdating ng ama

27. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong basahin ang kuwento?


A. natuwa
B. nagalit
C. nag-alala

Para sa bilang 28-29. Isulat ang letra ng pinaangkop na opinyon o reaksiyon sa nabasang isyu.

28. Isyu: Pamumutol ng mga punongkahoy sa kabundukan at kagubatan ipagbabawal na!


A. Tama lang na ipagbawal upang gawing konkreto ang mga bahay.
B. Hindi dapat ipagbawal dahil marami pa namang puno sa paligid.
C. Dapat lang na ipagbawal dahil unti-unti nang nauubos ang mga puno.

29. Isyu: Hindi puwedeng pumasok ang batang walang suot na face mask.
A. Opo, kailangan magsuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
B. Puwedeng pumasok kahit walang face mask dahil kakaunti lamang ang mga batang
nag-aaral.
C. Opo, dapat siyang magsuot ng face mask dahil may naibibigay namang libre.
30. Ano ang maaaring ipalit sa unang pantig ng sumapit para maging kumapit?
A. ku
B. su
C. um

31. Kapag dadagdagan ng /ng/ ang saya, ito ay magiging _______.


A. sayan
B. sayag
C. sayang

32. Kung ang salitang bala ay dadagdagan ng titik /k/ sa hulihan, anong salita ang
mabubuo?
A. balag
B. balak
C. balat
Para sa bilang 33-36. Isulat ng letra ng tamang pang-abay na bubuo sa pangungusap.

33. Maganda ang presentasyon ng mga bata kaya ng mga magulang ay pumalakpak nang
_______.
A. mabilis
B. malakas
C. masaya
34. Si Joseph ang nanalo dahil siya ang ________ na tumakbo.
A. pinakamabilis
B. pinakamalayo
C. pinakasmatagal
35. Nakarating agad si Nena dahil ______ siyang maglakad.
A. mabagal
B. mabilis
C. mahinhin

36. Maagang umuwi si tatay dahil ______ na natapos ang kaniyang ginagawa.
A. agad
B. mahusay
C. pagod

Para sa bilang 37-40. Isulat ang letra ng wastong pang-ukol.

37. Naghanda ang mag-anak ng mga kagamitang pamproteksyon _________ malakas na


bagyo.
A. ayon sa
B. laban sa
C. tungkol sa

38. Ang mga mamamayan ay nagkaisa ____________ ikauunlad ng ating


bansa.
A. ayon sa
B. laban sa
C. para sa
39. _____________ balita, pinayagan na ng pangulo ang limited face-to face classes.
A. Ayon sa
B. Laban sa
C. Tungkol sa

40. Ang ipininta ng mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang ay _____ pagkakaisa.


A. ukol sa
B. laban sa
C. tungkol sa

*Wakas ng Pagsusulit*

You might also like