You are on page 1of 2

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V

UNANG MARKAHAN
PANGALAN:________________________________________BAITANG/SEKSYON_______________________ ISKOR_________

Panuto: Basahin ang salaysay at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik sa patlang o kung anuman ang
hinihinging sagot.

Magkasama sa outing ang magkakaibigan. Nang oras ng tanghalian, sama-sama sila sa mesa. Binuksan nila
ang kanilang mga baon.

“Iyan lamang ba ang baon mo?” “Kasya ba iyan sa iyo?” tanong ni Ditas kay Nenet.
“Oo naman. Marami na ito, Hindi ba?” Ani Nenet.
Tumawa si Ditas at patuloy na binuksan ang iba-iba niyang pagkain.
“O! Hayan ang baon ko. Kuha na kayo! Ganyan naman kayo e, matatakaw!” sabi ni Ditas.
Umabot na si Dindo ng baon ni Ditas. Biglang nabitawan niya ito nang marinig ang huling sinabi ni Ditas.
Hindi na kumuha ng kahit ano si Dindo sa pagkain ni Ditas.
“O, Boyet! Mirla! Kuha na kayo rito ng pagkain,” alok pa ni Ditas. “Itatapon ko lamang ito kapag natira at
hindi ko naubos,” sabi pa ni Ditas.
“Aba, itapon mo na lamang sa plato ko,” ani Boyet, at isinahod ang plato. Nilagyan ito ni Ditas ng pagkain.
Hindi kumuha si Mirla ng pagkain. Matalim ang irap niya kay Ditas. Nakita ito ni Nenet. Nagngitian si Nenet at
si Mirla.
_____1. Ilarawan si Ditas ayon sa kanyang kilos at pananalita.
a. mayabang at hindi marunong makibagay b. mabait c. mapagbigay
_____2. Ano ang kahulugan ng pahayag ni Ditas na “Iyan lamang ba ang baon mo?”
a. binibiro lamang niya ang kaibigan b. pinapasaya niya ang kaibigan. C. minamaliit niya ang
kaibigan.
_____3. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahayag ni Ditas: “ Kuha na kayo rito ng pagkain, itatapon ko lamang ito kapag
natira at hindi ko maubos.”
a. Ubod ng yabang b. mapagbigay c. matakaw
______4. Bakit binitawan ni Dindo ang ulam ng marinig ang huling salita ni Ditas?
a. Nagalit siya b. natuwa siya c. nagtampo siya
______5. Kung ikaw ay isa sa mga kaibigan ni Ditas,dapat mo ba siyang tularan?
a. Oo b. hindi c. pwede
______6. Bakit kaya umirap si Mirla kay Ditas?
a. Nagustuhan niya ang sinasabi ni Ditas b. nalito siya sa sinabi ni Ditas c. naiinis siya sa sinabi nito.
______7. Bakit nagngitian si Nenet at Mirla pagkatapos nga matalim na irap ni Mirla kay Ditas?
a. Nainis sila kay Ditas b. nasayahan sila sa sinabi ni Ditas c. nagandahan sila kay
Ditas.
______8. Sino sa magkakaibigan ang marunong makibagay at sumakay sa iba’t- ibang ugali ng tao?
a. Mirla b. Boyet c. Dindo

II. Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang
bago ang bilang.
Si lolo Jose ay nakatira sa Baryo Tacay sakop ng Buenavista. Isang gabing kabilugan ng buwan,naisipan
niyang mamasyal sa tabing-ilog. Sa paglalakad niya, nadaanan niya ang isang kamarin na nilagyan ng sako-sakong
apog. Habang lumalapit siya sa kamarin, may nakita siyang parang baga o siga sa may bubungan. Nang tingalain niya
ito, nakita niyang may nakaupong mataas at maitim na tao at nananabako. Malaki ang ulo nito at napakaitim
masyado. Dahil sa takot hindi nakagalaw si Lolo Jose sa kaniyang kinatatayuan. Nanindig bigla ang kanyang mga
balahibo at natakot na baka siya patayin nito. Sisigaw sana siya ngunit walang tinig na lumalabas sa bibig niya.
Hinimatay siyang bigla at nang pagbalikan ng diwa ay wala na roon ang kapre. Dali-dali siyang umuwi at ikinuwento
sa asawa at anak ang kaniyang karanasan.
_________9. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. Si Lolo Jose B. Si Lolo Juan C. Si Lolo Ramon D. Si Digong
_________10. Saan nangyari ang kuwento?
A. Sa Baryo Maligaya B. Sa Baryo Masagana C. Sa Baryo Tacay D. Sa Baryo Cubay
_________11. Ilarawan ang dinadaanan ng pangunahing tauhan habang siya’y naglalakad?
A. Isang kamarin na puno ng palay. C. Isang bahay kubo na maraming tanim sa paligid.
B. Isang kamarin na puno ng sako-sakong apog. D. Isang malaking puno ng balete.
_________12. Bakit natakot ang Lolo sa kanyang nakita?
A. Natakot siya na baka siya ikulong nito. C. Natakot siya na baka siya patayin nito.
B. Natakot siya na baka siya habulin nito. D. Natakot siya na baka siya isama sa bahay nito.
_________13. Ano ang huling pangyayari sa kuwento?
A. Pumunta siya sa kapitan ng kanilang barangay at ibinalita ang nangyari.
B. Umuwi siya at ikinuwento sa kanyang asawa at mga anak ang kanyang karanasan.
C. Pumunta siya sa bahay ng kanyang kaibigan at doon nagtago baka balikan siya ng kapre.
D. Pumunta siya sa istasyon ng pulis.
_________14. Ano ang maaaring maging paksa natin sa nabasang kuwento?
A. Ang kapre sa ibabaw ng bahay ni Lolo C. Ang kaibigan kong kapre
B. Ang kapre sa puno ng balete D. Ang Karanasan ni Lolo Jose sa Kapre
IV. Tukuyin kung ang pangngalang na nasa panaklong ay tahas, basal o lansakan. Isulat ang sagot sa puwang.
_____________15. Hiniram ni Helen ang (aklat) ni Jessie.
_____________16. Ang (katapatan) ay isang magandang ugali ng mga Pilipino.
_____________17. (Katapangan) ang ipinakita ni Gabriela Silang sa mga kababaihan.
_____________18. Nagkakaisa ang bawat (pangkat) sa paglilinis ng kani-kanilang bakuran.
_____________19. Kapuri-puri ang (pagwawagi) ni Jayran bilang Batang Matibay national awardee.
_____________20. Ang (grupo) nang mga mga mag-aaral ay sa ikalimang baitang ay nagkaroon ng patimpalak sa
pagtula.
VI. Tukuyin kung ang panghalip na nasa panaklong ay panghalip panao, pananong, o panaklaw . Isulat ang sagot sa
puwang bago ang bilang.
_____________21. Dalian mo! Nariyan na (sila) sa may tarangkahan.
_____________22. Para sa (amin) ang pinadalang ulam ni Horace?
_____________23. (Sino) ang may-ari ng radyong ito?
_____________24. Tiniis niya ang lahat (gaanuman) kabigat ang kanyang paghihirap.
_____________25. (Kailan) kaya matapos ang pandemyang naranasan natin sa kasalukuyan?
GOD BLESS!

You might also like