I. Isulat sa patlang ang mga pang-abay na naglalarawan sa mga kilos.
____________1. Kumain ng mabilis ang bata para hindi mahuli sa paaralan.
____________2. Ang mga estudyante ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan. ____________3. Naglakad ng mabagal ang ale dahil madami siyang bitbit. ____________4. Maingat na nagsampay si Lea ng kanyang nilabhang damit. ____________5. Malinaw magsalita ang guro nila Daniel sa Filipino. ____________6. Masiglang sumayaw ang baitang apat sa entablado. ____________7. Mahilig kumain ang kaibigan ni Jacob. ____________8. Masayang naglaro ang bata ng matapos ang kanyang aralin. ____________9. Malakas tumawa ang kaklase ni Bryan kaya napagalitan ito. ____________10. Masipag magtanim ang kapatid ni Jessica.
II. Tukuyin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulang kung ito ay pang-uri o pang-abay.
____________11. Masipag na bata si Jacob kaya natutuwa ang lahat sa kanya.
____________12. Inalagaang mabuti ni Jasmine ang kaniyang kapatid. ____________13. Mataas tumalon ang bata kaya napilay siya. ____________14. Masisipag ang mga kabataan sa aming bayan. ____________15. Malakas kumain ang kaibigan ni Bryan. ____________16. Payapang pamumuhay ang nais ni Justin. ____________17. Tajimik ang buhay sa aming probinsya. ____________18. Matiyagang nakinig si Lea sa kaniyang guro. ____________19. Malawak ang aming lupain sa probinsya. ____________20. Maingat na umalis ang bata sa bahay para makapaglaro sa labas.
III. Isulat ang KT kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at OP kung nagsasaad ng opinyon.
________21. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
________22. Sa aking palagay mas mananalo muli si Manny Pacquio. ________23. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani. ________24. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw. ________25. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain. ________26. Maganda Daw ang Bulkang Taal ayon kay Maxene. ________27. Sinabi ni Angel na mainit sa Baguio ngayon. ________28. Si Jose Palma ay ang nagsulat sa ating pambansang awit. ________29. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay pula kaysa sa dilaw. ________30. Ang isda ay namumuhay sa tubig.