You are on page 1of 32

3

Mathematics
Ikatlong Markahan-Modyul 1:

 Mga Bilang na Odd at Even


 Fractions na Katumbas ng Isa
at Higit pa sa Isang Buo
MATHEMATICS – Ikatlong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Bilang na Odd at Even at Fractions na Katumbas
ng Isa at Higit pa sa Isang Buo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Perla P. Nequinto and Jezebel P. Asne

Editors: Mary Joy D. Bautista and Juvy B. Nitura

Reviewer: Mary Joy D. Bautista

Illustrator: Perla Nequinto and Jezebel P. Asne


Layout Artist: Jezebel P. Asne
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio- Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jay-ar S. Lipura- REPS, Math
Lalaine SJ. Manuntag - CID Chief
Nelida A. Castillo- Division EPS In Charge of LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz-Division ADM Coordinator
Roselyn G. Dardo- EPS, Mathematics

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Mathematics
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
 Mga Bilang na Odd at Even
 Fractions na Katumbas ng Isa
at Higit pa sa Isang Buo

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MATHEMATICS 3 ng Self Learning
Module (SLM) o Modyul para sa araling Mga Bilang na Odd at Even at Fractions
na Katumbas ng Isa at Higit pa sa Isang Buo!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MATH 3 ng Self Learning Module (SLM) o Modyul ukol sa
Mga Bilang na Odd at Even at Fractions na Katumbas ng Isa at Higit pa sa Isang
Buo!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta ka na? Handa ka na ba sa panibagong modyul


sa ikatlong markahan? Ngayon ay may panibagong mga
aralin na naman tayong pag-aaralan. Sana’y maging
makabuluhan ang mga araling ito upang lubos mong
maunawaan ang mga paksang ating tatalakayin at
magkaroon ka ng makahulugang pagkatuto sa ating mga
aralin.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang


mga sumusunod:

Aralin 1 – Pagkikilala (identifying) ng mga bilang na odd at even.


Aralin 2 – Pagsasalarawan (visualizing) at pagpapakita
(representing) ng fractions na katumbas ng isa at higit pa sa isang
buo gamit ang regions, sets, at number lines.
Aralin 3 – Pagbabasa at pagsusulat ng fractions na katumbas ng
isa at higit pa sa isang buo sa simbolo (symbols) at salita (words).
Most Essential Learning Competency
 Identifies odd and even numbers. (M3NS-IIIa-63)
 Visualizes and represents fractions that are equal to one
and greater than one using regions, sets and number line.
 Reads and writes fractions that are equal to one and
greater than one in symbols and in words. (M3NS-IIIb-76.3)
Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Layunin nitong
tulungan ka sa iyong pag-aaral. Sa pamamagitan ng modyul
na ito ay maaari mong gamitin ang iyong kakayahan at

1
kahusayan sa pang-unawa at pagsagot sa mga pagsasanay
na buong sipag naming inihanda para sa iyo.

Subukin

Sa araling ito ay pag-aaralan natin ang tungkol sa Mga


Bilang na Odd at Even; at Fractions na Katumbas ng Isa at Higit
pa sa Isang Buo. Subukin mong sagutan ang mga sumusunod
na gawain.

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng sumusunod na sitwasyon. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay mga bilang na even maliban sa _____.
a.) 532 b.) 785 c.) 1 238 d.) 2 796
2. Ako ay odd number na mas malaki sa 1 297 ngunit mas maliit
sa 1 301.
a.) 1 295 b.) 1 297 c.) 1 299 d.) 1 303
3. Ako ay isang fraction na katumbas ng higit pa sa isang buo. Ang
denominator ko ay 12.
13 12 11 10
a.) b.) c.) d.)
12 12 12 12
4. Anong fraction ang inilalarawan ng bahaging may
kulay (shaded) na nasa ilustrasyon o larawan?
3 4 3 4
a.) b.) 7 c.) d.)
7 8 8
7
5. Paano basahin at isulat sa salita ang fraction na ?
5
a.) seven fifths b.) seven-fifth
c.) seven-fifths d.) seven-five
2
Aralin
Pagkikilala (Identifying) ng
1 mga bilang na odd at even
Layunin: Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay
inaasahang:
a. nakikilala (identify)ang mga bilang na odd at even;
b. naisusulat nang wasto ang mga bilang na odd at even ; at
c. naisasagawa nang maayos at buong-husay ang mga
gawain.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang paghahati-hati


(dividing) ng mga bilang.
Halina’t subukin natin ang iyong kaalaman.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Isulat
sa iyong kuwaderno o learning activity sheet ang iyong sagot sa
katanungan.
Nang hinati ang 500 na mga bata, nagkaroon ng 20 na mga
bata ang bawat klase. Ilang klase ang nabuo na may tig 20 na
mga bata?

Tuklasin

Ngayon ay magsisimula na ang ating paglalakbay. Sana’y


magustuhan mo ang mga gawain na aming inihanda para sa iyo.

3
Ang araling ito ay nakatuon sa pagkilala ng mga bilang na odd at
even.
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
at isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel o learning activity
sheet.
Ang 25 mag-aaral sa ikatlong baitang ay pumunta sa health
center para magpa bakuna. Pumila sila. Binigyan sila ng mga
numero mula 1-25.

Mga Tanong:
1. Ilang mga bata ang dinala sa health center?
2. Ilang numero ang even? Anu-ano ang mga ito?
3. Ilang numero ang odd? Anu-ano ang mga ito?

Suriin

Ang pagkilala (Identifying) ng mga bilang na odd at even.


Halimbawa:
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ayusin nang magkakapares
ang mga bagay sa bawat grupo.

Tanong:
1. Aling grupo ng mga bagay ang magkakapares? Anong mga
bilang ito? Ano ang tawag sa mga bilang na ito?
2. Aling grupo ng mga bagay ang hindi magkakapares? Anong
mga bilang ito? Ano ang tawag sa mga bilang na ito?
4
Sagot:
1. Grupo ng mga doughnuts at grupo ng mga dalandan
ang mga bagay na magkakapares. Numero 6 ang grupo ng mga
doughnuts at numero 8 naman ang grupo ng mga dalandan.
Ang tawag sa kanila ay mga bilang na even o even numbers.
2. Grupo ng mga mais at grupo ng mga lapis ang mga
bagay na hindi magkakapares. Numero 3 ang grupo ng mga
mais at numero 5 naman ang grupo ng mga lapis. Ang tawag sa
kanila ay mga bilang na odd o odd numbers.
Tandaan:
1. Ang odd numbers ay mga bilang na hindi magkapares o hindi
puweding hatiin sa tigdalawa dahil laging may natitirang isa
(remainder 1). Ito ay mga bilang na may 1, 3, 5, 7, o 9 sa ones place
value tulad ng 11, 27, 35, 249 at iba pa.
2. Ang even numbers ay mga bilang na magkapares at puweding
hatiin sa tigdalawa. Ito ay mga bilang na may 0, 2, 4, 6, o 8 sa ones
place value tulad ng 16, 20, 52, 184 at iba pa.

Pagyamanin

Subukan mong sagutin ang iba pang mga pagsasanay.


Panuto: Suriin ang bawat bilang. Isulat ang salitang odd o even
kung ano ang isinasaad na mga numero sa bawat aytem. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.
1. 32
2. 101
3. 500
4. 1 457
5. 2 536
5
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat puwang ng nawawalang salita. Isulat


ang sagot sa iyong kwaderno

1. Ang _______________ ay mga bilang na hindi magkapares o hindi


pweding hatiin sa tigdalawa tulad ng 3, 45, 113, at 2,387.
2. Ang ______________ ay mga bilang na magkapares o pweding
hatiin sa tigdalawa tulad ng 2, 24, 96, 348, at 1,790.

Isagawa

Natukoy mong mabuti ang paglalahat. Marahil handa ka


nang ilapat ang iyong natutunan.
Panuto: Kopyahin ang sumusunod sa iyong kuwaderno. Bilugan
(encircle) ang bilang o numero kung ito ay odd number at ikahon
(box) naman kung even number.

247
17 3
34
3 981 21
2 296

6
Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin ang mga bilang na isinasaad sa sitwasyon. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Isa akong odd number na nasa pagitan ng 999 at 1 002.
a. 998 b. 1000 c. 1 001 d. 1 003
2. Ako ay pinakamalaking even number na mas maliit sa 800.
a. 797 b. 798 c. 799 d. 801
3. Ang kabuuan ng dalawang magkasunod (two consecutive)
na even numbers ay 178. Alin sa sumusunod ang dalawang
bilang na ito?
a. 87 at 89 b. 88 at 90 c. 86 at 88 d. 93 at 95

7
Pagsasalarawan (visualizing)
Aralin
at pagpapakita (representing)
ng mga fractions na katumbas
2 ng isa at higit pa sa isang buo
gamit ang regions, sets at
number lines.
Layunin: Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay
inaasahang:
a. naipakikita (visualizes) ang mga fractions na katumbas ng
isa at higit pa sa isang buo gamit ang regions, sets, at number
lines;
b. naisasalarawan (represents) ang mga fractions na
katumbas ng isa at higit pa sa isang buo gamit ang regions,
sets, at number lines; at
c. nabibigyang halaga ang pagbabahagi (sharing).

Balikan

Noong ikaw ay nasa ikalawang baitang, natutunan mo ang


pagkilala sa mga fractions na mas mababa sa isa.
Halina’t subukin natin ang iyong kaalaman.
Panuto: Kilalanin at isulat sa iyong kuwaderno o learning activity
sheet ang bahagi ng kabuuan na may kulay o shaded part.

1. 2. 3.

8
Tuklasin

Alam mo ba na ang fractions ay may malaking bahaging


ginagampanan sa pang-araw-araw nating pamumuhay?
Tunghayan ang sumusunod na sitwasyon.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.
Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Ilagay ang
iyong sagot sa iyong kwaderno o learning activity sheet.

Kaarawan ni Anita. Ibinili siya ng kanyang ina ng isang buong


chocolate cake. Dumating ang kanyang 3 kaibigan. Bagama’t
paborito niya ang chocolate cake, hinati niya ito sa 6 na
magkakaparehong bahagi. Siya, ang kanyang ama’t ina, at ang
3 kaibigan ay nabahaginan niya nang pantay-pantay.
Pagkatapos kumain sila nang sama-sama at masaya.

Mga tanong:
1. Ilang chocolate cake ang binili ng ina ni Anita para sa
kanyang kaarawan?
2. Paano niya hinati ang isang buong chocolate cake?
3. Bakit niya ito hinati sa 6 na magkakaparehong bahagi?
4. Kung ikaw si Anita, ganun din ba ang iyong gagawin? Bakit?
5. Anong pagpapahalaga o magandang asal ang ipinakita ni
Anita? Dapat ba siyang tularan? Bakit?

9
Suriin

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin at sagutin kung


ano ang hinihingi. Isulat sa kwaderno o learning activity sheet ang
iyong mga kasagutan.

A B C D
Mga Tanong:
1. Sa ilang bahagi nahahati na may magkakaparehong laki
ang hugis A? Hugis B? Hugis C? Hugis D?
2. Ano ang tawag sa bilang ng mga nahating bahagi na
may magkakaparehong laki sa bawat hugis?
3. Ilang bahagi ang may kulay o shaded sa hugis A? Hugis B?
Hugis C? Hugis D?
4. Ano ang tawag sa bilang ng mga bahaging may kulay o
shaded sa bawat hugis?
5. Anong bahagi ng isang buo (one whole) ang may kulay o
shaded sa hugis A? Hugis B? Hugis C? Hugis D?
3 4 6
6. Ano ang katumbas ng sumusunod na fractions? , , ,
3 4 6
9
at .
9
7. Kailan masasabi na ang fraction ay katumbas ng isang
buo o one whole?

10
Mga Sagot:
1. Ang hugis A ay nahahati sa 3 magkakaparehong laki, ang
hugis B ay nahahati sa 6, ang hugis C ay sa 9, at ang hugis D ay sa
4.
2. Denominator ang tawag sa bilang ng mga nahating
bahagi na may magkakaparehong laki sa bawat hugis. Ito ang
bilang o numero na nagsasabi kung sa ilang bahagi nahahati
ang isang buo (one whole). Ito ay isinusulat o matatagpuan sa
1
ilalim ng fraction bar. fraction bar
2 denominator

3. Ang bahaging may kulay o shaded sa hugis A ay 3, sa hugis B


ay 6, sa hugis C ay 9 at sa hugis D ay 4.
4. Numerator ang tawag sa bilang ng mga bahaging may kulay
o shaded sa bawat hugis. Ito ang bilang o numero na nagsasabi
kung ilang bahagi ng kabuoan (whole) ang iyong isinasaalang-
alang (being considered). Ito ay isinusulat o matatagpuan sa
1 numerator
itaas ng fraction bar. fraction bar
2
5. Ang bahagi ng kabuoan (whole) na may kulay (shaded)
3 6 9
sa hugis A ay , sa hugis B ay , sa hugis C ay , at sa hugis D
3 6 9
4
ay .
4
3 4 6 9
6. Ang katumbas ng , , , at ay isang buo (one
3 4 6 9
whole).
7. Ang fraction ay masasabi na katumbas ng isang buo (one
whole) kung ang numerator at denominator ay magkapareho,
magkapantay, magkasinghalaga, magkawangis o magkatulad.
Ang ibig sabihin ng fraction bar ay paghahati-hati (division).

11
9 100
Halimbawa: A. =9÷9=1 B. = 100 ÷ 100 = 1
9 100
Ngayon naman, pag-aralan mo at suriin ang sumusunod na
mga larawan.

Tanong:1. Ilang buong hugis ang nasa larawan?


2. Sa ilang magkakaparehong bahagi nahahati ang
bawat isa, at ano ang tawag sa bawat bahagi?
1
3. Ilang piraso ng ang may kulay (shaded) sa larawan?
2
4. Sa kabuoan, anong bahagi ang ipinapakita nito?
Sagot: 1. Dalawa (2) ang buong hugis sa larawan.
2. Nahahati sa dalawang (2) magkakaparehong bahagi
1
ang bawat isa at ang tawag sa bawat bahagi.
2
1
3. Tatlong (3) piraso ng na mga bahagi ang may kulay
2
(shaded) sa larawan.
3 1
4. Sa kabuoan, o 1 ang bahaging ipinapakita nito dahil
2 2

1 1 1 3 1
+ +2 =2 =3÷2= 1 .
2 2 2
3
Ang fraction na ay higit sa isang buo (more than one whole).
2
Ngayon naman, ating pag-aralan at suriin ang dalawang
sets ng mga bituin.

Ang bahagi ng mga bituin na may kulay (shaded) sa unang set


5
ay lima sa lima (five out of five) o , at sa pangalawang set
5

12
3
naman ay tatlo sa lima (3 out of five) o . Sa kabuoan, ang
5
bahagi ng sets ng mga bituin na may kulay (shaded) ay
nagpapakita ng higit pa sa isang buo (more than one whole),
1 1 1 1 1 1 1 7
dahil ang + + + + + + = .
5 5 5 5 5 5 5 5
Masasabi natin na ang fraction ay higit pa sa isang buo
(more than one whole) kung ang numerator ay mas malaki kaysa
(greater than) sa denominator.
7 2
Halimbawa: a. = 7 ÷ 5 = 1 remainder 2 = 1
5 5
17 5
b. = 17 ÷12 = 1 remainder 5 = 1
12 12

c. Suriin ang number line sa ibaba.

0 1 2 3
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
0
4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4

Tanong:1. Anong fraction ang katumbas (equal) ng isang buo


(one whole) sa number line?
2. Anu-anong mga fractions ang higit sa isang buo (more
than one whole)?

Sagot:1. Ang fraction na katumbas (equal) ng isang buo (one


4
whole) ay .
4
2. Ang mga fractions na higit pa sa isang buo (more than
5 6 7 8 9 10
one whole) na makikita sa number line ay, , , , , , ,
4 4 4 4 4 4
11 12
at .
4 4

13
Pagyamanin

Subukan mong muli ang iyong kasanayan sa pamamagitan


ng pagsagot sa sumusunod na mga gawain.
A. Pagsunod sa panuto.Gawin ang sumusunod na mga hakbang:
1. Kopyahin sa iyong kuwaderno ang number line sa ibaba.
2. Lagyan ng angkop na numerator o denominator ang fraction
na naglalarawan ng bawat bahagi.
3. Bilugan (encircle) ang fraction na katumbas (equal) ng isang
buo (one whole).
4. Ikahon (box) ang mga fractions na higit pa sa isang buo (more
than one whole).

0 1 2
1 2 5 7
4 4 4 4 4
B. Ipakita ang sumusunod na fractions sa pamamagitan ng
pagkulay (shading) ng mga bahaging isinasaad sa bawat
larawan.

1. 2. 3.
3 11 5
5 7 2

14
Isaisip

Ibuod natin ang natutunan mo sa araling ito.


Panuto: Subukan mong sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong kwaderno.
1. Kailan mo masasabi na ang fraction ay katumbas (equal)
ng isang buo (one whole)?
2. Paano mo isalarawan o ipakita na ang fraction ay higit pa sa
isang buo (one whole)?

Ang fraction ay masasabi na katumbas (equal) ng isang


buo o one whole kung ang numerator at denominator ay
magkapareho, magkapantay, magkasinghalaga,
magkawangis o magkatulad.
Masasabi natin na ang fraction ay higit pa sa isang buo
(more than one whole) kung ang numerator ay mas malaki
kaysa (greater than) sa denominator.

Isagawa

Panuto: Lutasin ang sumusunod na mga sitwasyon. Isalarawan at


ipakita ang tamang sagot sa pamamagitan ng pagguhit ng
regions, sets o number lines (pumili lamang ng isa). Tukuyin ang
fraction at isulat ito sa tapat ng iyong ilustrasyon o larawan.

1. Ako ay isang fraction na ang denominator ay 4 at ang


numerator ay 7. Anong fraction ako? Ako ba ay katumbas ng isang
buo (one whole) o higit pa sa isang buo (more than one whole)?

15
2. Katumbas ako ng isang buo (one whole). Ang numerator
ko ay five. Anong denominator mayroon ako?

Karagdagang Gawain

Panuto: Kopyahin ang talahanayan (table) sa iyong


kuwaderno. Sipiin ang mga fractions na nasa loob ng kahon at
isulat sa angkop na kolum sa talahanayan.

Fractions na mas Fractions na Fractions na higit pa


maliit sa isang buo katumbas ng isang sa isang buo
(Fractions less than buo (Fractions equal (Fractions more than
one whole) to one whole) one whole)

1 11 5 12 110 9
10 9 7 12 75 9

45 3 24 100 4 36
45 11 21 100 5 25

16
Pagbabasa at pagsusulat ng
Lesson fractions na katumbas ng isa at

3 higit pa sa isang buo sa


simbolo (symbols) at salita
(words).

Bago natin simulan ang araling ito, nais muna naming


ipabatid kung ano ang aming inaasahan mula sa iyo.
Layunin: Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, ikaw ay
inaasahang:
a. nakababasa ng fractions na katumbas ng isa at higit pa sa
isang buo sa simbolo (symbols) at salita (words);

b. naisusulat nang tama ang fractions na katumbas ng isa at


higit pa sa isang buo sa simbolo (symbols) at salita (words); at
c. mapagtanto ang kahalagahan ng sipag at tiyaga sa
paggawa.

Balikan

Panuto: Suriin at siyasatin ang halaga ng isang buo (one whole).


Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno o learning activity
sheet.
1
1. Kung ang ay kalahati o ng , ano ang katumbas
2
ng ?

17
2. Kung ang ay binubuo ng tatlong (3) anong
bahagi ng ang ?
3. Kung ang = ang tatlong (3) ay nagpapakita ng
anong bahagi ng ?

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang pambungad na sitwasyon.


Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno o learning activity sheet.

Si Lyndon ay tumulong sa kanyang ina na magtanim ng


mga rosas sa kanilang bakuran. Labindalawang (12) mga rosas
ang kaniyang itinanim. Lima (5) ang kulay puti at pito (7) ang
kulay pula. Dahil sa sipag at tiyaga ni Lyndon sa pag-aalaga ng
kaniyang mga tanim, nabuhay lahat ang kanyang mga rosas.

1. Ilan lahat ang mga rosas na itinanim ni Lyndon?


2. Anong bahagi ng mga rosas ang kulay puti?
3. Anong bahagi naman ang kulay pula?
4. Anong bahagi ng mga rosas ang nabuhay?
5. Paano nabuhay lahat ang itinanim niyang mga rosas?
Dapat ba siyang tularan? Bakit?

Suriin

Panuto: Sipiin at suriin ang mga bahaging may kulay (shaded)


sa sumusunod na mga larawan na kumakatawan sa mga
simbolo at salita ng sumusunod na mga fractions.

A B C D
18
Tanong: 1. Aling larawan ang kumakatawan (represents) sa
four-fourths? Isulat ang four-fourths sa simbolo (symbol).

2. Anong fraction ang kinakatawan (represented) ng


larawan A? Larawan C? Larawan D? Isulat ang mga ito sa salita
(words) at simbolo (symbols).

Sagot at Maikling Talakayan:

1. Ang larawan B ang kumakatawan (representing) sa


4
four-fourths. Sa simbolo (symbol), ito ay .
4

2. Ang fraction na kinakatawan (represented) ng


3
larawan A ay three-halves o . Samantalang ang larawan C
2
6
naman ay kumakatawan (represents) sa six-sixths o , at ang
6
larawan D naman ay kumakatawan (represents) sa three-thirds
3
o .
3

Mahihinuhang ang fractions na katumbas ng isa o higit pa


sa isang buo (one whole) ay mababasa at maisusulat sa
simbolo (symbols) at sa salita (words).

Ang denominator ng fractions ay mayroon ding singular


form at plural form. Unit fractions ang tawag sa mga fractions
1 1 1
na one (1) ang numerator tulad ng , , at Iba pa. Ang
2 3 10
mga ito ang kumakatawan sa mga fractions na nasa singular

19
form ang denominator. Samantalang nasa plural form naman
ang denominator ng fraction kung ang numerator nito ay higit
5 2
sa isa (1) gaya ng (five-thirds) (two-halves) at iba pa. Ang
3 2
mga fractions na katumbas ng isa at higit pa sa isang buo ay
binabasa at sinusulat sa salita na plural form ang denominator.

Tunghayan at pag-aralan ang tamang baybay (spelling)


ng sumusunod na mga halimbawa ng mga denominators na
ginagamit sa fraction:
Singular Form Plural Form
half halves
third thirds
eighth eighths
ninth ninths
twelfth twelfths

Pagyamanin

Ngayon, susubukin mo ang iyong kasanayan sa


pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga gawain. Isulat
sa iyong kuwaderno o learning activity sheet ang iyong mga
kasagutan.

A. Isulat ang simbolo (symbols) na katumbas ng mga


sumusunod na fractions.

1.) seven-fourths ________ 2.) ten-ninths __________

3.) five-fifths ____________ 4.) eleven-eighths ___________

20
B. Isulat ang sumusunod na fractions sa pamamagitan ng salita.

12 11
1.) __________ 2.) __________
12 9

9 3
3.) __________ 4.) __________
8 3

Isaisip

Paano mo binabasa at isinusulat ang fractions na


katumbas ng isa at higit pa sa isang buo?

Panuto: Kopyahin ang sumusunod na talata sa iyong


kuwaderno o learning activity sheet. Piliin at punan ng angkop
na salita mula sa kahon ang bawat patlang upang mabuo
nang makahulugan ang buod ng aralin na iyong natutunan.

simbolo denominator numerator


Plural form higit pa sa isang buo

Ang fraction ay binabasa at isinusulat sa salita at _______.


__________ ng __________ ang ginagamit sa mga fractions na
higit pa sa isa (1) ang ____________ kagaya ng mga fractions na
katumbas ng isa at _______________ (more than one whole).

21
Isagawa

Panuto: Hanapin sa sumusunod na sitwasyon ang mga fractions.


Isulat ang katumbas na simbolo (symbols) kung ito ay nakasulat sa
salita (words), at ang katumbas na salita (word) naman kung ito ay
nakasulat sa simbolo (symbols). Isulat ang mga ito sa iyong
kuwaderno o learning activity sheet.

10 9
Halimbawa:1.) ten-sevenths 2.) nine-thirds
7 3
15
Ngayong pandemic, tumaas ng halos sa supply ng mga
6
pagkain ang nabibili sa supermarket section ng mga malls araw-
araw kung ikukumpara sa mga panahong normal pa ang
sitwasyon. Karaniwang nasa five-fifths lamang ang naibebenta
noon. Sa ngayon, halos nagkakandarapa pa rin ang mga
pamilihan sa paghahanap ng sapat na supply dahil tumaas ng
higit pa sa sixteen-sixths ang pangangailangan ng mga
10
mamamayan. Halos sa mga mamamayan ang takot na
10
kapusin sa pagkain.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng sumusunod na sitwasyon. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

22
1. Ang sumusunod ay mga bilang na odd maliban sa _____.
a.) 687 b.) 789 c.) 1 230 d.) 2 795
2. Ako ay mga odd numbers na mas maliit sa 299 ngunit mas
malaki sa 293 .
a.) 295 at 297 b.) 297 at 299 c.) 299 at 301 d.) 301 at 303
3. Ako ay isang fraction na katumbas ng isang buo. Ang
denominator ko ay 10. Ano ako?
12 11 10 9
a.) b.) c.) d.)
10 10 10 10
4. Anong fraction ang inilalarawan ng bahaging walang
kulay o unshaded na nasa ilustrasyon o larawan?
3 4 3 4
a.) b.) 7 c.) d.)
7 8 8
12
5. Paano basahin o isulat sa salita ang fraction na ?
9
a.) twelve-nineths b.) twelve-ninths
c.) twelfth-ninths d.) twelve-nine

Karagdagang Gawain

Panuto: Kopyahin sa iyong kuwaderno o learning activity sheet ang


sumusunod. Ipakita ang fraction sa pamamgitan ng pagguhit at
pagkulay (shading). Gamitin ang regions o sets na ibinigay.

4
1.)
3
2.) nine-fifths

23
24
Aralin 3 –Answer Key Tayahin
Balikan 1. c 2. a 3. c 4. b 5. b
1. 2/2 o 1 o one whole
2. 1/3
3. 3/2 o 1 1/2
Tuklasin Aralin 2- Pagpapatuloy Aralin 2 –Answer Key Aralin 1 –Answer Key
Balikan Balikan
1. 12 Pagyamanin 1. ¼ (one-fourth) *25
2. 5/12 2. 5/6 (five-sixths)
3. 7/12 Tuklasin
4. 12/12 3. ½ (one-half) 1.) 25
5. Sa pamamagitan ng sipag at Tuklasin 2.)12
tiyaga sa pag aalaga ng (2,4,6,8,10,12,14,16,18,20,22, 24)
kanyang mga tanim. Opo, 3.
1. Isang buo (one
dahil sa anumang gawain whole)
mahalaga ang sipag at 3.)13
2. Hinati niya ito sa 6
tiyagaupang magtagumpay. Isaisip (1,3,5,7,9,11,13,15,17,19,21,23,25)
na
(Tanggap ang iba pang 1. Ang fraction ay magkakaparehong
kahalintulad na mga sagot) bahagi. Pagyamanin
katumbas ng isang buo
kapag ang numerator at 3. Upang 1. even
Pagyamanin mabahaginan niya 2. odd
denominator ay
silang 6 nang 3. even
A. magkapareho, pantay-pantay.
magkatulad o 4. odd
1. 7/4 (maaaring may iba
magkapantay. 5. even
2. 10/9 pang katulad at
3. 5/5 2. Sa pamamagitan ng positibong mga
4. 11/8 pagguhit at pagkulay sagot) Isaisip
B. (shading) gamit ang 4. Opo, dahil 1. bilang na odd (odd numbers)
1. twelve-twelfths
regions, sets, o number nakatutuwa at 2.bilang na even (even numbers)
2. eleven-ninths masaya sa
lines.
3. nine-eighths pakiramdamdam Isagawa
4. three-thirds ang pagbabahagi Encircle (3, 21, 17, 247, 3 981)
Isagawa ng kung anong
1.) 7/4 , higit sa isang buo Box (34, 2 296)
Isaisip mayroon tayo.
1. simbolo 2. 5 o five 5. Pagbabahagi nang
2. Plural form Karagdagang Gawain
pantay-pantay,
3. denominator 1. c
4. numerator Karagdagang Gawain mapagbibigay,(at
5. higit pa sa isang buo iba pang katulad 2. b
Fractions less than one na mga sagot) 3. b
Isagawa Opo, dahil
1. 15/6-fifteen- sixths 1/10, 5/7, 3/11, 4/5
nakatataba ng puso
2. five-fifths-5/5 ang pagbabahagi
3. sixteen-sixths- 16/6 Fractions equal to one sa iba.
4. 10/10- ten-tenths
12/12, 9/9, 45/45, 100/100 Pagyamanin
A
Fractions more than one 2.) 4,4,3,4,6,4,8
11/9, 110/75, 24/21, 36/25 Encircle 4/4
Karagdagang Gawain
1. Box 5/4, 6/4, 7/4, 8/4
B.
1.
2.
2.
Subukin
1. b 2. c 3. a 4. a 5. c
Sanggunian
a. aklat

Chingcuangco, Ofelia G., et.al, Mathematic 3 Kagamitan ng


Mag-aaral Tagalog.1st ed.,2014 pp.120-129

Chingcuangco, Ofelia G., et.al. Mathematics 3 Teacher’s Guide.


1st ed.,2015 pp.119-134

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito
ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinusunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

26

You might also like