You are on page 1of 8

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

First Quarter

Table of Specification
No. of No. of Item
Objectives Percentage
Days Items Number
Natutukoy ang mga impormasyong
kailangan upang maayos na 1 20% 5 1-5
maipakilala ang sarili
Nagagamit ang magagalang na
pananalita sa pagbati, pakikipag-usap 2 40% 10 6-15
at paghingi ng paumanhin
Nakikilala at napagyayaman ang
talasalitaan sa pamamagitan ng
1 20% 5 16-20
paggamit ng salitang
magkasingkahulugan
Nakikilala at napagyayaman ang
talasalitaan sa pamamagitan ng 1 20% 5 21-25
paggamit ng salitang magkasalungat
TOTAL 5 100% 25 25

Punan ang patalang ng tamang sagot.


1. Sa unang araw ng klase, ipinakikilala ang ating ______.
2. Sa pagpapakilala, unang sinasabi ang aking _______.
3. Sinasabi din ang araw, buwan at taon ng aking ________.
4. Ang lugar kung saan ako nakatira ay tumutukoy sa aking _______.
5. Binabanggit din ang pangalan ng aking mga ________.
Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Pista sa Aming Bayan


Bata’t matanda ay abalang-abala. Lahat ay tumutulong sa paghahanda sa nalalapit na
kapistahan. May kabataan na nagtutulong-tulong sa paggawa at paglalagay ng mga banderitas.
May ilang kababaihan naman ang nag-aayos ng bulaklak sa mga sasakyan na gagamitin sa
prusisyon. Ang mga lalaki naman ay nag-aayos ng mga ilaw.
Ang mga nanay ay abala na sa paghahanda ng mga pagkain tulad ng suman, halaya, atsara
at iba pang kakanin. Ang mga tatay ay nagtutulungan sa pagkakatay ng baboy, baka at kambing. At
ang ilan ay nag-aayos naman ng kanilang bakuran.
Ang mga batang tulad ko ay hindi rin pahuhuli. Kami ay katulong sa paglilinis ng aming
bahay.

6. Ano ang magaganap sa bayan?


7. Ano ang kanilang pinagtutulu gang ilagay?
8. Saan gagamitin ang mga bulaklak na iniaayos sa sasakyan?
9. Sino ang abala sa paghahanda ng mga pagkain?
10. Ano naman ang ginagawa ng mga bata?
11-15.Basahin ang tula at sumipi ng 5 pares ng mga salitang magkatugma.

Mga Bahagi ng Aklat


Bahaging pabalat
laman ay ngalan ng aklat
Ang paunang salita
mula sa may-akda
Ang talahuluganan
nagbibigay ng kahulugan
Talaan ng nilalaman
pagkakasunod-sunod naman.
Kung nais makita’y kabuuan
sumangguni ka sa katawan
At sa karapatang-ari naman
malalaman limbag kung saan at kalian.
Tukuyin ang bahagi ng aklat na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
a. Pabalat d. Talaan ng Nilalaman
b. paunang salita e. Katawan ng Aklat
c. Karapatang-Ari f. Talahuluganan
16. Ang bahagi ng aklat kung saan matatagpuan ang aralin o nilalaman nito.
17. Bahaging nagmula sa may-akda na nagpapaliwanag kung ano at para kanino ang aklat
18. Ang ______ ang nagsisilbing diksyonaryo ng aklat kung saan matatagpuan ang mga salitang ginamit sa aklat
at ang kahulugan nito
19. Ang matigas at makulay na bahagi ng aklat ay ang _______.
20. Sa bahaging ito makikita ang mga aralin at pahina kung saan ito matatagpuan.
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3
First Quarter

Table of Specification
No. of No. of Item
Objectives Percentage
Days Items Number
Nakababasa at nakasusulat ng mga salitang may 2-3 na
1 17% 5 1-5
pantig
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbati,
2 32% 10 6-15
pakikipag-usap at paghingi ng paumanhin
Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa
pamamagitan ng paggamit ng salitang 1 17% 5 16-20
magkasingkahulugan
Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa
1 17% 5 21-25
pamamagitan ng paggamit ng salitang magkasalungat

TOTAL 6 100% 30 30

Isulat ang mga salitang ididikta ng guro


1. brigada
2. kasarinlan
Iayos ang mga sumusunod na pantig upang makabuo ng salita.
3. bu-yan-ka-ha
4. san-ki-bu-na-ka
5. ni-ba-han-ya

Isulat ang titik ng tamang sagot.

6. Sa iyong pagmamadali, natamaan mo ang ulo ng iyong katabi. Ano ang sasabihin mo?
a. Makikiraan po c. Sori, hindi ko sinasadya
b. Maari po bang lumabas d. Nakaharang ka kasi.
7. Hinati ng kaibigan mo ang kanyang baon at ibinigay sa iyo. Ano ang sasabihin mo?
a. Maraming salamat c. Makikiraan po
b. Walang anuman d. Sa susunod ulit ha.
8. Isang umaga, papunta ka na sa inyong silid-aralan ay nakasalubong mo ang isang guro. Ano ang
sasabihin mo?
a. Hi mam! c. Magandang hapon po.
b. Kamusta? d. Magandang umaga po
9. Hiniram ng kaklase mo ang iyong aklat. Matapos niya itong gamitin, isinauli niya ito at saka
nagpasalamat. Ano ang isasagot mo?
a. Wag ka ng hihiram ulit c. Walang anuman.
b. Okay lang yun d. Okay
10. Di sinasadyang nabasag mo ang plorera ng nanay mo. Ano ang sasabihin mo?
a. Ipagpaumanhin niyo po. Hindi ko sinasadya. c. Hindi ko na uulitin
b. Hindi po ako ang nakabasag niyan. d. Hindi ko alam yan
11. Ibig mong magtanong sa isang guro kung saan ang silid ni Bb. Cruz. Ano ang sasabihin mo?
a. Alam mo ba ang silid ni Bb. Cruz? c. Saan matatagpuan si Bb. Cruz?
b. Saan ba rito ang silid ni Bb. Cruz? d. Maaari po bang malaman ang silid ni Bb. Cruz?
12. Sa labas ng gate ay may nagtanong sa iyo kung saan ang opisina ng punongguro. Alin ang
pinakatamang direksiyon ang maibibigay mo?
a. Pagpasok po ninyo ng gate ay lumiko kayo sa kaliwa. Ang unang gusali na inyong madadaanan
ay ang opisina nan g punongguro.
b. Pumasok po kayo sa gate at dire-diretsuhin niyo lang ang daan patungo sa court.
c. Diyan lang yun sa malapit.
d. Hindi kop o alam.
13. Nagtanong ka sa isang batang tulad mo ng bahay ng iyong kaklase at madali niya itong naituro sa
iyo. Ano ang sasabihin mo?
a. Samahan mo ako c. Sige uwi ka na
b. Maraming salamat d. Walang anuman.
14. Nais mong ipakilala ang iyong kaibigan sa iyong nanay. Ano ang sasabihin mo?
a. Ruben, siya ang nanay ko. Nanay, siya po si Ruben, kaibigan ko.
b. Nanay, siya po si Ruben, kaibigan ko. Riben, siya naman ang nanay ko.
c. Nanay si Ruben. Ruben si Nanay to.
d. Ruben siya si Nanay. Nanay siya ang kaibigan ko.
15. Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay pagpapakita ng ______.
a. pagiging matulungin c. pagiging magalang
b. pagiging masipag d. pagiging matapat

Basahin ang salita at iayos ang mga letra sa tapat nito upang mabuo ang salitang magkasingkahulugan.
16. maganda - (tmiraik) ___________
17. huwaran - (domelo) ___________
18. matalim - (talmaas) ___________
19. mapanglaw - (langmutok) ___________
20. mabisa - (gilangma) ___________

Pagdugtungin ng guhit ang magkasalungat na kahulugan.


21. maliksi madalas
22. maramot makupad
23. bihira matanda
24. bata masikip
25. maluwag palabigay
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3
First Quarter

Table of Specification
No. of No. of Item
Objectives Percentage
Days Items Number
Naibibigay ang tauhan, tagpuan at banghay ng kuwento 1 17% 4 1-4
Nasasagot ang mga tanong mula sa kuwentong nabasa 1 17% 5 5-9
Nagagamit ang ako, ikaw at siya sa usapan o sitwasyon 1 17% 5 10-14
Nagagamit nang wasto ang kami, kayo, tayo at sila sa
1 17% 5 15-19
pangungusap
Nagagamit ang mga panghalip pamatlig sa pangungusap 1 18% 6 20-25
Nagagamit ang mga panghalip panaong paari sa
1 17% 5 26-30
pangungusap
TOTAL 6 100% 30 30

Isulat ang Tama kung ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagsunod sa panuto at Mali kung
hindi.
1. Nakagagawa ng maraming mali sa gawain.
2. Nagiging tama ang lahat ng ginagawa.
3. Mapabilis ang ginagawa.

Sundin ang mga sumusunod na panuto.


4. Gumuhit ng malaking bilog. Sa loob ng bilog isulat ang pangalan ng paaralan. Sa baba ng bilog,
gumuhit ng parihaba at sa loob ng parihaba isulat ang pangalan ng iyong guro.
5. Isulat ang buong pangalan sa isang tatsulok. Sa kanang bahagi ng tatsulok maglagay ng isang puno,
lagyan ng bunga ang puno.

Kumpletuhin ang hinihingi ng organizer matapos basahin ang kuwento.


6-9

Pangyayari
Tagpuan
Tauhan
Pamagat ng
Kuwento

Paglalakbay sa Baguio

Isa si Ruth sa mga batang babaeng iskawt na napili upang magtungo sa


Baguio. Natuwa siya ng payagan siyang sumama ng kaniyang mga magulang.
Agad niyang inihanda ang kaniyang mga dadalhin. Naghanda na siya ng ng
listahan kaya madali na niya itong matatapos. Ngunit nawawala ang kaniyang alampay.
Hindi puwedeng wala ito. Hinanap niya ito sa kanyang cabinet ngunit talagang wala.
Napaiyak si Ruth. Hindi na siya makakasama kung bakit ba naman iyong pinakaimportante
ang nawawala.
Pumasok ang kaniyang Nanay. Dala-dala ang bagong plantsang alampay.
Napalundag sa tuwa si Ruth na ipinagtaka ng kaniyang Nanay.

Punan ng panghalip na ako, ikaw at siya ang patlang.


Ang Pangarap ni Ivy
Nasa bakuran ang magkaibigan. Pinanonood nila ang mga bituin.
Divine: Hayun, tingnan mo may falling star
Ivy : Yehey. Nagwish ako. Eh, (10) _____ Divine ano ang wish mo?
Divine: Wish ko na makarating (11)_____ sa buwan. Ano ang wish mo?
Ivy : Makita kung sino ang nagpapadala ng mga falling stars.
Divine: Weh, tao bay un?
Ivy : Kung sino man(12) _____ ay gusto ko siyang Makita.
Divine: Bakit gusto mong makita (13)_____?
Ivy : Hihingi (14)____ ng maraming bituin, para mas maraming wishes.

Suriin ang bawat pangungusap at ilagay ang angkop na panghalip sa bawat patlang.
10. Si Marco, Gab at ako ay magasasanay sa badminton.
______ ay lalahok sa paligsahan sa badminton.
11. Sina Peter, Gary, ikaw at ako ay nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit.
______ ay nag-aral na mabuti.
12. Sina Mang Carding, Aling Perla at ikaw ay modelong hinahangaan ng karamihan.
______ ay tumutulong sa mga taong nangangailangan.
13. Sina Carlos, Jenny at Edward ang nanalo sa palaro.
______ ay pinarangalan sa aming barangay.
14. Si Albert, ikaw at ako ang naatasang maglinis ngaung hapon.
______ ay maiiiwan pagkatapos ng klase.

Punan ang patlang ng mga panghalip na ito, iyan, iyon, doon, dito, diyan.
15. Siya ____ na nakasakay sa Bangka.
16. Ang aklat na _____ ay nais kong ibigay sa iyo.
17. Hindi, ______ na nasa kamay mo ang gusto ko.
18. _____ ako matutulog sa tabi mo.
19. Ang bahay nila ay _____ sa bundok.
20. ______ ko lang inilagay nawala na agad.

Isulat kung anong salita ang nagpapahayag ng pag-aari sa bawat pangungusap. Piliin sa mga panghalip paari:
akin, ko. Iyo, mo, kanya, niya, atin, amin, inyo, kanila.
21. Alam ____ bang maganda ka?
22. _____ ang laruang ito at hindi sa iyo.
23. Hindi ka daw ____ nakita kanina.
24. Kung hindi ito sa inyo, hindi din sa amin baka sa _____
25. Pupunta ba ____ sa bahay namin mamaya?
IKAAPAT NA LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3
First Quarter

TALAAN NG ESPESIPIKASYON

Bilang ng No. of Item


Mga Layunin Percentage
Araw Items Number
Nasasagot ang mga simpleng
tanong mula sa kuwentong 1 20% 5 1-5
nabasa.
Naibibigay ang angkop na
wakas o kinalabasan ng mga 1 20% 5 6-10
pangyayari/ sitwasyon
Nasasagot ang mga tanong
1 20% 5 11-15
tungkol sa pictograph
Nagagamit ang malaki, maliit
na letra at wastong bantas sa 1 20% 5 16-20
pangungusap
Nakasusulat ng talata na may 5
1 20% 5 21-25
pangungusap
TOTAL 5 100% 25 25

Basahin ang kuwento upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

Nagmamadali Pa Naman
Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at
nagbihis ng uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na
talaga siya.
Malapit na siya sa gate ng kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid.
Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin niya hinintay na
makarating siya sa tamang tawiran.
“Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya.
Muntik na siya.
Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang
pasok nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman
niyang hindi ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa
tuntunin sa pagtawid sa kalsada.

1. Sino ang tauhan sa kuwento?


2. Saan-saan naganap ang kuwento?
3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa?
4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran?
5. Bakit nagmamadali si Rosa?

Ibigay ang angkop na wakas ng mga sumusunod na pangyayari.


6. May sakit si Celia. Dinala siya sa doktor.
7. May pagsusulit sina Peachy. Napuyat siya dahil sa computer games.
8. Maraming basura sa paligid ng bahay nina Kenneth.
9. Sa umaga ay nagtitinda muna ng diyaryo si Jayson bago pumasok sa paaralan.
10. Inaalagaang mabuti ni Annie ang mga pananim.
Pag-aralan ang pictograph at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Mga Pusong Ginawa ng Ikatlong Baitang

Pangkat Mga Pusong Ginawa

ONE

TWO

THREE

FOUR

FIVE

Bawat isa ay katumbas ng 5 puso

11. Ilang puso ang nagawa ng iKatlong Pangkat?


12. Anong pangkat ang may pinakamaraming pusong nagawa?
13. Anong dalawang pangkat ang pareho ang nagawa?
14. Ilan ang nagawa ng may pinakamaunting nagawa?
15. Ilan lahat ang pusong nagawa?

Sa iyong sagutang papel, isulat nang wasto ang sumusunod na pangungusap.


16. naku maraming namatay sa lindol
17. bakit ayaw niyang sumama
18. nakita ko silang namamasyal sa luneta
19. wow ang ganda ng babae na nanalo sa miss world.
20. saan ka nakatira ngayon

Sumulat ng isang talatang binubuo ng 5 pangungusap. Gamitin ang mga pamantayan sa wastong
pagsulat ng talata. (5 pts)

“Ang Aking Hiling”

You might also like