You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO

IKAAPAT NA KWARTER

Pangalan: ______________________________ Iskor:


______________________________
Seksyon:_______________________________ Guro:
______________________________

I. Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang.


1. Si Francisco Balagtas ay kilala bilang ___.
2. Ito ay ang araw ng kapanganakan ni Francisco Balagtas
3. Ito ang pinag-aralan ni Francisco sa Bigaa
4. Ang pangalan ng musa ni Francisco
5. Ito ay ang akda na isinulat ni Francisco habang siya ay nasa kulungan

II. Panuto: Nasa loob ng kahon ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

Pagpapalit-Tawag D. Matatalinghagang Ekspresyon


Tayutay E. Apostrope
Simili F. Simbolo

_____ 6. Ito ay mga pahayag na naglalaman ng malalalim na salita o may hindi tiyak na kahulugan.
_____ 7. Anong uri ng tayutay ang sumusunod: “Ang aking plumahe kung itinatahi, ang parang
korales na iyong daliri.”
_____ 8. Anong uri ng tayutay ang sumusunod: “Itong ‘di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, O
nalayong tuwa.”
_____ 9. “Puting Kalapati – Kalayaan” – ito ay isang _____.
_____ 10. Anong uri ng tayutay ang sumusunod: “Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?”

III. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin ang mga ito kung Tama o Mali.
Kung mali ang pahayag isulat ang salitang hindi angkop dito.
__________11. Naipakita ni Francisco Baltazar ang kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at ang
maling pananalampalataya.
__________12. Ipinakita ni Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring kalooban at ang mga
Kristiyano ay may mga kahinaan din, nagsisiraan at nagpapatayan din.
__________13. Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang
naranasan ni Balagtas sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain
ang walang kamatayang Florante at Laura.
__________14. Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral.Kailangan ng mga sakripisyo upang
ikaw ay matuto,pero lahat naman ng ito ay iyong pakikinabangan pagdating ng araw.
__________15. Isinulat ang akdang ito upang ipakitang may pag-ibig at katiwasayan ang Pilipinas sa
ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol.

IV. Panuto: Basahin at unawain ang mga saknong sa bawat bilang at piliin ang pinakaangkop
na sagot batay sa pagsasalarawan ng tagpuan nito.
16.“Sa isang madilim, gubat na madilim, dawag ay matinik at walang pagitan,”
A. Maaliwas ang kagubatan C . May halamang na nagpapalungkot sa paligid.
B. Madilim at malamig ang paligid D. Madilim ang gubat sa madilim dulot ng malagong
kahoy
17. “Paalam, Albanyang pinamamayaman ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan”
A. Magulo ang paligid C. Kataksilan at kaguluhan ang namamayani
B. Malungkot at nakakatakot D. Kaguluhan ang maririnig
18. “Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan ng palasyong batbat ng hiyas at yaman.”
A. Makinang ang mga gamit sa palasyo C. Maraming kagamitan sa loob ng palasyo
B. Puno ng palamuti ang buong kaharian D. Sagana ang kaharian sa anumang bagay.
19. “Naging santaon pa ako sa Atenas,hinintay ang loob ng ama kong liyag.”
A. lugar upang maglingkod sa Diyos C. lugar upang maging mabuting tao
B. lugar upang mag-aral D. lugar upang magsanay lumaban
20. “Saad sa kalatas ay biglang lumulan, at ako’y umuwi sa Albanyang bayan.
A. pinag-aralan C. kulungan
B. pinagbinyagan D. sinilangan

V. Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay na panghihikayat ang pangungusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
21. Si Antenor ay minamahal ng kanyang mga mag-aaral sapagkat siya’y ________ na matulungin.
A. sadya B. sigurado C. tunay D. mabuti
22. ________ hindi taga-Albanya si Menandro ay nagpakita siya ng pagpapahalaga at
pagmamalasakit kay Florante.
A. Ngunit B. Datapwa’t C. Subalit D. Bagama’t
23. ________ ang iyong layunin sa pagtulong sa kapwa. Ipagpatuloy mo.
A. Datapwa’t B. Sigurado C. Bagama’t D. Mabuti
24. _______na mapagmahal ang ama ni Florante na si Duke Briseo.
A. sadya B. sigurado C. tunay D. mabuti
25. Maganda ang hangarin niya _____ hindi epektibo ang nakapaligid sa kanya.
A. ngunit B. datapwa’t C. subalit D. bagama’t
26. Si Florante at Laura ay tunay na nag-iibigan _____ ito ay sadyang pinigilan ni Adolfo.
A. datapwa’t B. ngunit C. bagama’t D. subalit

VI. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:


Matatalinghagang Ekspresyon
27. haba ng buhok
28. isang paa sa hukay
29. kapilas ng buhay
30. pagsusunod ng kilay
31. bukas ang palad

Simbolismo
32. pusang itim
33. kulay puti
34. kulay pula
35. Kalapati
36. Ahas
37. Linta
38. Buwaya

VII. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat kategorya.


39-42.) Apat na Himagsik ni Francisco Baltazar
43-45.) Tatlong Tayutay na tinalakay

You might also like