You are on page 1of 16

BAHAGI I – KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON

Para sa bilang 1-7, piliin ang pinakaangkop na pahayag sa bawat sitwasyon.

1. Nagkaroon ng isang paligsahan sa pag-awit. Nanalo ng unang gantimpala ang iyong kapatid.
Paano mo ipapahayag ang iyong pagkatuwa?

(A) Talagang mahusay iyan. Nasa lahi naming ang magagandang tinig. Kanino pa ba naman
magmamana!
(B) Taob silang lahat! Magaling talaga ang aking kapatid.
(C) Wala sa tono ang mga kalaban mo. Tama lang na ikaw ang nanalo!
(D) Natutuwa ako para sa iyo. Karapat-dapat ka sa iyong tagumpay!

2. Inis na inis ka na sa pamimilosopo ng nakababata mong kapatid sa paksang pinagtatalunan ninyo


at naniniwala kang baluktot ang katwiran niya. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
(A) Tumigil ka! Mas matanda ako sa iyo. Dapat ako ang pakinggan mo.
(B) Iyan ang paniniwala mo, pero makinig ka rin sa sinasabi ko.
(C) Tumigil ka kung ayaw mong tamaan sa akin!
(D) Init lang yan. Maligo ka.

3. Pinagpipilitan ng kaibigan mo na mas mainam magtrabaho sa ibang bansa pagkatapos ng pag-


aaral sa Pilipinas. Kung iba ang nasa loob mo, paano mo ito sasabihin?

(A) Puro ikaw ang mahusay. Bahala ka sa buhay mo.


(B) Huwag mong ipagpilitan ang ideya mo. Magkakagalit tayo.
(C) Hayaan mo munang ipaliwanag ko ang panig ko.
(D) Huwag mong igiit ang isang bagay na mahirap paniwalaan.

4. Ang pagsasalubong ng mga taong magkakilala kadalasan ay isang magandang


pagkakataon upang makapagpahayag ng mabubuting bagay sa kapwa natin. Ano ang maaari mong
sabihin sa kakilalang iyong nasalubong?

(A) Kumusta! Wow, ang ganda ng bihis natin, a saan ba ang lakad mo?
(B) Matagal tayong di nagkita. Ang taba mo ngayon! Parang si Dabiana ang dating mo, a.
(C) Galing ka ba sa sakit? Tila kulang sa pagkaing masustansiya.
(D) Akala mo ikaw lang ang kayang magbihis ng maganda, kung kaya mo, kaya ko rin.

5. Ano ang sasabihin mo para ipahayag ang mungkahi mo sa isang pulong ng samahan ng mga
kabataan sa inyong pook?

(A) Ginoong Pangulo, iminumungkahi kong mamigay tayo ng mga bulaklak na rosas sa Araw
ng mga Puso.
(B) Ginoong Pangulo, puwedeng mamigay tayo ng mga bulaklak na rosas sa Araw ng mga
puso.
(C) Ginoong Pangulo, gusto kong mamigay tayo ng mga bulaklak na rosas sa Araw ng mga
puso.
(D) Ginoong Pangulo, mamigay na lamang tayo sa Araw ng mga Puso ng mga bulaklak na
rosas.
6. Pangulo ka ng isang samahan. Tumawag ka ng isang pulong upang bumuo ng isang panukala na
susunugin o ibabaon na lamang ang mga basura sa mga mayroong bakuran at hindi na itatapon
pa. Nais mo nang simulan ang pulong. Paano mo ito sasabihin?

(A) Magsitahimik kayo! Kailangan na nating simulan ang pulong.


(B) Mangyaring sumaayos ang kapulungan.
(C) Pwede bang simulan na natin ang pulong?
(D) Mangyaring tumahimik ang lahat at sisimulan na ang pulong.
7. Magkakaroon kayo ng halalan ng bagong pamunuan ng samahan. Ipinahayag mo na unang piliin
ang pangulo. Ano ang sasabihin mo?

(A) Sino ang gusto ninyong maging pangulo?


(B) Sabihin ninyo kung sino ang gusto ninyo sa pagkapangulo.
(C) Bukas na ang hapag sa pagpasok ng mga pangalan sa pagkapangulo.
(D) Isusulat ko ang mga pangalan ng mga taong inyong ihahalal para sa pagkapangulo.

Para sa bilang 8 at 9, basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.

Kailangan mo ng part-time job para makapagpatuloy ng pag-aaral. Sa kabutihang palad, nabasa


mo ang karatula sa Wendy’s na nagangailangan ng isang taga-silbi. May kaunti kang karanasan sa
gawaing ito kaya’t nakipagkita ka sa namamahala para magpa-interbyu. Ano ang isasagot mo sa mga
sumusunod na katanungan ng nag-iinterbyu?

8. Bakit mo naman naisipang mag-aplay sa trabahong ito?


(A) Kailangan ko pong magtrabaho para makatapos ako ng pag-aaral.
(B) Mabuti nga pong magkaroon ako ng trabaho.
(C) Kailangan ko po kasi talagang magtrabaho .
(D) Kaya ko po naman kasi ang trabahong ito.

9. Alam mo ba na maliit lamang ang magiging suweldo mo kung sakali?

(A) Mabuti na po sa pansamantala.


(B) Pagtitiisan ko sa lang po.
(C) Pwede na rin po kahit maliit.
(D) Makakatulong din po iyon sa akin.

Para sa bilang 10-14, piliin ang salita o mga salitang angkop gamitin sa bawat patlang.

10. “ Magandang umaga po,” ang bati ni Zeny. “ Marami po palang nasunog sa inyo._______ ko ang
sakuna.

(A) Nakalulungkot (B) Nakalungkot


(C) Ikalungkot (D) Ikinalulungkot

11. “Itay, ___________ muna kayo. Ako na po ang gagawa niyan. Heto po ang mainit na kape. ______
ninyo nang mainitan ang inyong sikmura, “ ang sambit ni Angelie.

(A) magpahinga; Inumin (C) nagpahinga; Ininom


(B) pahinga; Inom (D) nagpapahinga; Umiinom
12. “Tata, ________ po kayo ng payong at baka _________. “
(A) magdala; uulan (C) nagdala; umulan
(B) dalhin; ulanin (D) dumala; mag-ulan

13. Isinasagawa lamang ang botohan ________ ang panukala ay lubusang natalakay.
(A) pati (B) saka (C) kapag (D) habang

14. Nagkakaroon muna ng botohan ang mga kasapi ng isang samahan kung sila ay may proyekto o
programa ___ ninanais nilang ilunsad o simulan.

(A) ng (B) na (C) o (D) at

Para sa bilang 15-17, basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang pangungusap na MALI ang
pagkakasulat.

15. (A) Sa araw na ito, marami ang magsisimba.


(B) Maraming magsisimba sa araw na ito.
(C) Ang magsisimba sa araw na ito ay marami.
(D) Ito marami ang magsisimba sa araw na.

16. (A) Itinuro na ng guro.


(B) Pakendeng-kendeng pa!
(C) Magsaliksik kayo.
(D) pupunta saan ka?

17. (A) Si Gel at si Edmund ay kapwa handa nang umalis.


(B) Kapwa handa nang umalis si Gel at si Edmund.
(C) Umalis na handa si Gel at kapwa si Edmund.
(D) Handa nang umalis si Gel at si Edmund.

Para sa bilang 18 at 19, tukuyin ang uri ng pahayag na inilarawan ng bawat pangungusap.

18. Para sa akin, hindi ako sang-ayon!

(A) pagmumungkahi (B) pakikiramay (C) paglibak (D) pagsalungat

19. Pagsisikapan kong di na mangyayari itong muli.


(A) pagmumungkahi (C) paghingi ng tawad
(B) pagpapahalaga (D) pagbibigay patawad

Magdalena
(Awit ni Freddie Aguilar)

Kaya’t ika’y namasukan,


Sa Mabini napadpad.
Mula noo’y binansagan,
Kalapating mababa ang lipad
20. Ang Kalapating mababa ang lipad ay kamakatawan sa mga babaeng nagbebenta ng ________.

(A) aliw (C) murang paninda


(B) kalapati (D) mababang halaga
________________________________________________________________________________

Ang Mangingibig
(Mula sa isang diyalogo sa pelikulang “ Sarhento Salcedo”)

Lalaki : Mahal mo ba ako?


Babae : Ang hirap sa iyo tangan mo na ang ilaw ay naghahanap pa ng liwanag. Halika na nga,
umuwi na tayo. Baka maghanap ka pa ng maraming ilaw.

21. Anong simbolismo ang matatagpuan sa diyalogo na kumakatawan sa kasintahan?

(A) Ilaw (C) Tangan


(B) Hiarap (D) Mahal

Sagutin ang bilang 22 at 23 batay sa sumusunod na artikulo:

Distritong Pagtitipon ng mga guro

Ang mga guro ng Davao Central District ay nagtitipon para


Sa pagdiriwang ng “Sentenyal ng mga guro.” Ang pagtitipon ay
Ginawa sa Venee’s Hotel noong Hulyo 9, 1998. Ang naging tema
Ng pagtitipon ay “Pilipino, Kaya Mong Maging Bayani.”

Ang superbisor ng distrito na si G. Pedrito C. Castillo, sa


Kanyang talumpati, ay nagsabi na “ Ang mga guro ay mga
Buhay na bayani dahil sila ang gumagawa ng mga bayani mula
Sa mga kabataang kanilang tinuturuan. “
Ang nasasabing pagtitipon ay nagtapos sa isang sayawan ng mga gurong nakadamit
Filipiniana.

22. Ano ang isinusuot ng mga guro bilang pagdidiriwang ng sentenyal?

(A) Kasuotang makabago (C) T-shirt at maong na pantaloon


(B) Kasuotang Filipiniana (D) Mga magagarang damit

23. Itinuturing ang mga guro na mga “buhay na mga bayani” dahil

(A) pinagpagawa nila ng proyekto ang mga kabataan tungkol sa mga bayani
(B) gumagawa sila ng mga bayani mula sa mga batang kanilang tinuturuan
(C) binibigyan nila ng pansin ang mga batang kanilang tinuturuan
(D) meron silang mga sariling negosyo
Sagutin ang bilang 24 at 25 batay sa mga sumusunod na artikulo:

Unang Ginang Tumulong kay Erap na Pagsisilbihan ang mga Mahihirap.


Unang Ginang, Dr. Luisa “Loi” Ejercito Estrada, ay masigasig na ginagampanan ang kanyang
papel bilang pagsuporta sa administrasyon ng kanyang asawa. Sa loob ng unang 100 araw, naipadama
niya ang pagtulong sa mga libo-libong mahihirap sa pamamagitan ng libreng serbisyo medical,
pamimigay ng libreng gamut at iba pa.
Ang opisina ng Unang Ginang ay tumutulong kahit na walang pondo mula sa pamahalaan.
Naging normal na ang pagdagsa ng mga humihingi ng tulong. Mayroong mga nangangaialangan ng mga
materyales para sa pabahay. Ang iba naman ay pera para sa pagpapaospital o paglilibing ang idinulog.
May mga pumupunta rin para makita lamang ng personal ang Unang Ginang.
________________________________________________________________________________

24. Bakit masigasig na ginagampanan ng Unang Ginang ang kanyang papel?

(A) Para siya ang tatakbo sa susunod na eleksiyon.


(B) Para sumikat siya.
(C) Para suportahan ang administrasyon ng kanyang asawa.
(D) Para matuwa sa kanya ang kanyang asawa.

25. Ang artikulo ay tungkol saan?

(A) unang araw ng administrasyong Estrada


(B) paghingi ng tulong ng mga tao sa Unang Ginang
(B) Ang Pangulo at ang kanyang asawa
(C) Pagtulong ng Unang Ginang sa mga mahihirap

Sagutin ang bilang 26-30 batay sa sumusunod na balita.

Mga Subdibisyon Nagtutulungan Para sa Friendship Routes

Bilang tugon sa pangangailangan mapabilis ang daloy ng trapiko sa Metro Maynila,


binuksan ng ilang subdibisyon sa Lungsod ng Las Piñas ang ilan sa kanilang mga pribadong lansangan.
Sa tulong ni Speaker Manny B. Villar, Jr., napagkaisahan ng mga Homeowner’s Association
ng limampu’t limamg subdibisyon na gawing alternatibong access roads ang kanilang mga lansangan na
kanilang tinaguriang “friendship routes.”

26. Ayon sa balita, aling problema ang natugunan ng mga residenteng Las Piñas?

(A) Pabahay (B) Basura (C) Batas (D) Trapiko

27. Bakit binuksan ng ilang subdibisyon ng lungsod ng Las Piñas ang ilan sa kanilang mga pribadong
lansangan?

(A) Para maging mabilis ang daloy ng trapiko sa Metro Maynila


(B) Para makadaan ang kanilang mga kaibigan
(C) Para mapadali ang kanilang pagsakay sa dyip
(D) Para hindi mahirapan ang nagtatrapik
28. Anong pagpapahalaga (value) ang makukuha sa balita?
(A) Pagbibigayan sa daan
(B) Pagsunod sa mga batas – trapiko
(C) Panggalang sa pamahalaan
(D) Paglalaan sa isang pribadong bagay para sa kabutihan ng lahat

29. Alin sa mga sumusunod ang ginawang sakripisyo ng mga homeowners dahil sa kanilang ginawa?

(A) magiging maingay na ang kanilang subdibisyon


(B) hindi ligtas ang kanilang subdibisyon
(C) hindi makapaglaro sa kalsada ang kanilang mga anak
(D) Lahat ng nabanggit

30. Ang ginawa ng Homeowner’s Association ay isang halimbawa ng


(A) pagbibigay-galang sa batas-trapiko
(B) pagsasakripisyo nang kaunti para sa kabutihan ng lahat
(C) pagiging isang mabuting kaibigan
(D) pagtugon sa pangangailangan ng sambayanan

Sagutin ang tanong 31- 32 batay sa sumusunod na artikulo:

Si Elmo ay 26 taong gulang at nakatira sa isang inuupahang kuwarto kasama ang asawa at
dalawang anak. Naghahanap siya ng bagong trabaho dahil itinaas ang boundary ng kanyang
ipinapasadang dyip sa isa’t kalaghating taon na niyang minamaneho. Sa kanyang paghahanap, nabasa
niya sa pahayagan ang Ad na nasa ibaba:

WANTED : FT Family driver, 24 yrs. ┼ exp. Preferred , stay in, quarter provided if married.
Married. Call 555-1836 bet.
1-5 pm. Wkdys.

31. Ayon sa Ad, ang drayber ay kailangang may


(A) karanasan sa pagmamaneho
(B) karanasan sa pagmamaneho ng bus
(C) dalawang taon nang nagmamaneho
(D) karanasan sa pagmamaneho ng dyip

32. Kapag nakuhang drayber si Elmo, siya at ang kanyang pamilya ay _________

(A) mawawalan ng tirahan


(B) Patuloy na mangungupahan
(C) magkakaroon ng Libreng Tirahan
(D) mangngupahan sa bahay ng kanilang amo
Sagutin ang mga tanong 33 at 34 batay sa sumusunod na artikulo:

Ang kasalukuyang kalagayan sa kalupaan ay lubhang mapanganib at ito ay ipinagwawalang


bahala at di binibigyang pansin. Kailangan natin ang malinis at malusog na kapaligiran. Marami nang mga
babala ang ipinarating sa tao hinggil sa pang aabuso sa kalupaan, ngunit ito ay ipinagwawalang-bahala at
di binibigyang pansin.

Ano ang ating magagawa upang makapagsimulang maging mabait sa ating kapaligiran? Marahil
ay hindi nga tayo maaaring magbago sa isang iglap lamang, ngunit mayroon tayong magagawa. Tulad
halimbawa ng dami ng carbon monoxide na ating nalalanghap sa araw-araw na dulot ng maruming
hanging nagmumula sa mga sasakyan. Ang maruming usok ay maaaring pagmulan ng sakit ng ulo,
pagkahilo, pagsusuka, pananamlay at mga sakit sa respiratori. Maaari nating pangangalagaan ang ating
mga sasakyan upang ang hanging ibubuga nito ay maging malinis.

Hindi tayo dapat magwalang-bahala at maghintay na lamang sa kung ano ang gagawin ng
pamahalaan. Tayo ay kumilos at manguna upang matamo ang malinis at malusog na kapaligiran.

33. Anong halagang pangkatauhan ang ibig ikintal sa isipan ng artikulong ito?

(A) Maging mabait sa kapaligiran


(B) magtiwala sa pamahalaan
(C) Ipagwalang-bahala ang kapaligiran
(D) Panatilihing maayos ang mga sasakyan

34. Ang buod ng artikulong ito at tumutukoy sa

(A) dulot ng maruming usok


(B) pangangalaga sa mga sasakyan
(C) Gawain ng pamahalaan
(D) kalagayan ng kalupaan

Sagutin ang bilang 35-37 batay sa sumusunod na artikulo:

PANAHO

Sa Kamaynilaan, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-


ulan sa dakong hapon at gabi. Banayad ang alon sa laot ng Maynila.
Katamtamang lagay ng panahon sa nalalabing bahagi ng bansa
maliban sa pabugsu-bugsong ulan sa Silangang Visayas at Mindanao. Agwat ng
Temperatura: 24 hanggang 36 antas ng sentiggrado. Sisikat ang araw sa bandang
5:39 ng umaga at lulubog sa bandang 6:11 ng gabi.

35. Kung gusto mong Makita ang paglubog ng araw sa maynila Bay, anong oras ka dapat pupunta roon?

(A) 6:00 ng umaga (C) 6:00 ng gabi


(B) 6:30 ng umaga (D) 6:30 ng gabi
36. Alin sa mga sumusunod ang tama ayon sa binanggit na panahon?

(A) Madaling matuyo ang mga damit na nilabhan


(B) Dapat magdala ng payong kung aalis ng bahay.
(C) Ang panahon ay mainam para magpiknik sa tabing-dagat.
(D) Ang panahon ay bagay sa pagsusuot ng shorts at sleeveless na damit.

37. Batay sa ulat-panahon, alin sa mga sumusunod ang tama?

(A) Delikadong mangisda sa laot


(B) Ligtas na mangisda
(C) May bagyong darating
(D) Maalon ang dagat

Sagutin ang bilang 38 at 39 batay sa sumusunod na artikulo:

Ang isang halimbawa ng pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga pamilyang maliit ang


kinikita ay ang tinatawag na “Bahay Pangarap,” isang P480 milyong proyekto sa pabahay para sa mga
iskwater sa kalakhang Maynila. Ang programang ito ay naglalayong bigyan ang mga iskwater ng
permanenteng tirahan sa murang halaga.
Ang bawat gusali ay maaaring tirahan ng 144 na pamilya. Ito ay konkreto at may apat na
palapag (36 na pamilya sa bawat palapag). May sariling kasilyas at paliguan ang bawat tirahan. Ang
panukalang buwanang hulog para sa isang yunit ay P500.00 sa loob ng 25 taon.

38. Sa artikulo, binigyang pansin ng pamahalaan ang problema sa

(A) Kabuhayan (C) Pabahay


(B) Kalinisan (D) Buwanang hulog

39. Anong programa ng pamahalaan ang maaaring maiugnay sa artikulo ?

(A) Reporma sa lupa (C) Pagpaplano ng pamilya


(B) Agrikultura (D) Pabahay

40. Si Marietta ay naghahanap ng mapapasukan. Sa anong bahagi ng diyaryo niya makikita ang mga
patalastas pangkabuhayan ?

(A) Obituwaryo (Obituary) (C) Movie Guide


(B) Business Section (D) Classified Ads

41. Sa mgs etiketa ng gamut, ang marking EXP. DATE 04 2000 ay nangangahulugang

(A) maaaring gamitin ang gamut hanggang Abril 2000


(B) hanggang apat na buwan na lamang magagamit ang gamut
(C) epektibo pa at magagamit ang gamut hanggang taong 2000
(D) epektibo pa ang gamut hanggang sa apat na buwang palugit pagkatapos ng taong 2000
Sagutin ang bilang 42 at 43 batay sa sumusunod na artikulo:

Ang “People’s Livelihood Foundation” (PLF) na inilunsad sa Capas, Tarlac ay isang katibayan
na sa pamamagitan ng agrikultura at kooperatiba ang mga kanayunan ay maaaring umunlad.

Nilalayon ng samahang ito na labanan ang mga humahawak ng malalaking negosyo at


sugpuin ang kahirapan. Ang pagtatayo ng matatag na kooperatiba ay isang paraan upang masugpo ang
pagsasamantala ng mayayamang mangangalakal sa ating bansa.

42. Nais ipaalam sa atin ng artikulo na


(A) ang mayayamang mangangalakal ay nasa Capas, Tarlac
(B) kailangang umasa tayo sa tangkilik at tulong ng pamahalaan
(C) kailangan ang kooperatiba upang sugpuin ang kahirapan
(D) maraming mayayaman sa kanayunan

43. Ang angkop na pamagat sa artikulong ito ay

(A) People’s Livelihood Foundation


(B) Kooperatiba: Sagot sa mga Mapagsamantala
(C) Kanayunan: Maaaring Umunlad
(D) Ang Pangangalakal sa Ating Bansa

Sagutin ang bilang 44 at 45 batay sa talaan sa ibaba:

Halaga ng Palitan
(Mayo 7, 1991)
________________________________________________________________________________
Perang Halaga
Dayuhan sa Piso

US Dollar 27.8330
Yen 0. 2005
Pound 15.9121
Hongkong Dollar 3.5716
Swiss Franc 18.8568
French Franc 4.7065
Canadian Dollar 24.1813
Australian Dollar 21.6069
S’opean Dollar 5.7005
Italian Lire 0. 0215
Iraqi Dinnar 0.0000
Brunei Dollar 15.6560
Saudi Rial 7.4453
Kuwait Dinar 0.0000
Bahrain Dinar 73.9244
44. Anong perang dayuhan ang may pinakalmalaking halaga?
(A) Saudi Rial (C) Canadian Dollar
(B) Bahrain Dinar (D) Australian Dollar

45. Magkano ang katumbas ng $1.00 sa piso?


(A) P21.6069 (C) P47.1491
(B) P24.1813 (D) P27.8330

Kasapi ka ng Sangguniang Kabataan sa inyong pook. Nais ninyong ilunsad ang “Pambarangay Linis
– Kanal “ bilang bahagi ng gawain ng inyong samahan. Naatasan ka ng inyong pangulo ng gumawa ng
poster ng Pagpatalastas.

ISANG PATALASTAS

1. PANGYAYARI : Oplan barangay tungo sa kalinisan, Kaayusan at Kagandahan


2. PETSA : Enero 31, 1999
3. ORAS : 4:00 PM.
4. POOK : Barangay Hall
5. GASTOS : P 10.00
6. MGA KASAMA : Baranmgay Pastoral Council

7. LAYUNIN :Pagkakaroon

Para sa bilang 46-48, piliin kung saan dapat ilagay sa poster ang mga sumusunod:

46. Ang “Enero 31, 1999” na nagsasabi kung kalian gaganapin ang pangyayari

(A) 2 (B) 4 (C) 6 (D) 7

47. “OPLAN BARANGAY TUNGO SA KALINISAN, KAAYUSAN AT KAGANDAHAN”

(A) 1 (B) 3 (C) 4 (D) 6

48. Ang halaga ng babayaran, P10.00 para sa meryenda


(A) 6 (B) 4 (C) 5 (D) 7

Pag-aralan ang cartoon at sagutin ang tanong bilang 49 at 50.

49. Ang mga sumusunod ay ang mga magkakaugnay na isyu na tinalakay sa cartoon MALIBAN sa isa. Alin
dito?

(A) Tumaas ang presyo ng manok at baboy


(B) Nagsamantala ang mga opisyal na pamahalaan.
(C) Maraming nawalan ng ikinabubuhay.
(D) Maraming isdang hindi nabibili.
50. Ang mga angkop na pamagat ng cartoon?

(A) Ang mga Paninda (C) Ang Red Tide


(B) Ang mga Mamimili (D) Ang Tindira

Suriin ang Tala ng mga Datos na Personal o Biodata at sagutin ang tanong bilang 51- 55:

TALA NG MGA DATOS NA PERSONAL

Pangalan: Apelyedo Pangalan Panggitnang pangalan


(1) _________________________________________________

Petsa ng Kapanganakan (2) ___________________________

Lugar ng Kapanganakan (3) ___________________________

Tirahan sa Lungsod (4) ___________________________

Tirahan sa Lalawigan (5) ___________________________

Kasarian (Sex) : (6) ● Lalaki (7) ● Babae

Katayuan sa Buhay (8) ● Walang asawa

(9) ● May asawa

(10) ● Balo

(11) ● Hiwalay

Narito ang Kalipunan ng mga datos na magagamit na pampuno:

Bb. Angeli Rosette Rivero Emperado, isinilang sa Mt. Carmel Maternity Clinic, Pampanga Street,
Manila noong ika-27 ng Enero, 1977, naninirahan sa 072 St. Francis (Gasak) Meycauayan, Bulacan,
nangungupahan sa 24 P. Noval Strfeet Sampaloc, Manila.

51. Alin ang dapat lagyan ng tsek ( ) para sa katayuan sa buhay?

(A) 8 (C) 10
(B) 9 (D) 11

52. Alin sa mga sumusunod ang dapat ilagay sa bilang 3?


(A) 24 P. Noval Street; Sampaloc , Manila (C) 072 St. Francis (Gasak), Meycauayan, Bulacan
(B) sampaloc, Metro Manila (D) Mt. Carmel Maternity Clinic, Pampanga Street, Manila

53. Alin ang lalagyan ng tsek ( / ) para sa kasarian?


(A) 7 (B) 9 (C) 8 (D) 9

54. Alin sa mga sumusunod ang dapat ilagay sa bilang 1?

(A) Emperado, Rivero Angeli Rosette


(B) Rivero, Angeli Rosette Emperado
(C) Emperado, Angelie Rosette Rivero
(D) Rivero, Emperado Angelie Rosette

55. Saang bilang dapat ilagay ang 24 P. Noval Street, Sampaloc, Manila?
(A) 3 (B) 4 (C) 5 (D) 2

Sagutin ang tanong bilang 56-60 batay sa sumusunod :

Si Rowel A. Longco ay magpapadala ng isang liham pangangalakal (business letter) sa Jollibee


Foods Corporation. Ginamit niya ang balangkas sa ibaba.

1. ______________________
______________________
______________________

2._______________________
_______________________
_______________________

3._______________________

4.______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. __________________________

6. __________________________

56. Alin sa mga sumusunod ang dapat ilagay sa bilang 5?


(A) Lubos na Gumagalang, (C) lubos na Gumagalang,
(B) lubos na gumagalang, (D) Lubos na gumagalang,

57. Ang “Rowel A. Longco” ay dapat isulat ang :

(A) 3 (B) 5 (C) 6 (D) 4

58. Saang bahagi ng liham dapat isulat ang :

Tagapamahala
Jollibee Foods Corporation
Poblacion, Meycauayan, Bulacan?

(A) 1 (B) 2 (C) 3 (D) 4

59. Alin sa mga sumusunod ang ilagay sa bilang 1 ?

(A) Enero 16, 1999


029 F. Dazo Street
Calvario, Meycauayan, Bulacan

(B) 029 F. Dazo Street


Calvario, Meycauayan, Bulacan
Enero 16, 1999

(C) Calvario, Meycauayan, Bulacan


029 F. dazo Street
Enero 16, 1999

(D) 029 F. Dazo Street


Calvario, Meycauayan
Enero 16, 1999

60. Alin sa mga sumusunod ang dapat ilagay sa bilang 3?

(A) Ginoo; (B) ginoo: (C) Ginoo, (D) Ginoo:

ANSWER SHEET TOTAL


NAME:_________________________________ Learning Center: _____________SCORE_________

BAHAGI –I BAHAGI- II BAHAGI-III BAHAGI-IV BAHAGI-V


A B C D A B C D A B C D A B C D A B C D
1.

2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41
42.
43.
44.
45.
46.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
53.
54.
55.
56.
57.
58.
59.
60.

Scores: _______ _________ __________ _________ _________

You might also like