You are on page 1of 5

Paaralan BAGONG SILANG Checked Signature

Grade Level FIVE


(School) ELEM.SCHOOL 4TH AVE. By: / Date
DAILY
LESSON
DR. GIRLIE
PLAN
S.Y. 2023- B.
Guro Learning VILLARBA
2024 MAUREEN DELA PENA ESP
(Teacher) Area
Master
Teacher

Quarter 2
DR.
Petsa/ ARCADIA
Oras JANUARY 17, 2024 G.
(Teaching V- Honesty PEDREGOS
Date & 12:00-12:30 Week 6 A
Time)
Principal

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang,
Pangnilalaman pahayag at kilos para sa kapakanan ng pamilya at kapwa.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at pagmmalasakit para sa kapakanan at
Pagaganap kabutihan ng pamilya at kapwa

C. Mga Kasanayan sa  Nagagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa o
Pagkatuto (Isulat ang
proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan.
code ng bawat
kasanayan)  Nailalahad ang mga paraan sa mapanagutang paggamit ng medya at
teknolohiya.
 Nababatid na ang paggamit ng medya at teknolohiya ay makapagdudulot
ng paggalang sa opinyon ng ibang tao. (EsP5P-lli-29)
II. NILALAMAN Media at Teknolohiya: Wasto ang Gamit Ko

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon

Sanggunian: (SLM, Link, ETULAY, DepEd TV, DepEd Common

B. Mga pahina sa Gabay Most Essential Learning Competency(MELC)


ng Guro
SLM

C. Mga pahina sa kwaderno at aklat


Kagamitang Pang-
Mag-aaral

D. Mga pahina sa
Teksbuk

E. Karagdagang SLM
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource

F. Iba pang Kagamitang Powerpoint presentation, aklat


Panturo

III. PAMAMARAAN

Panimulang 1. Panalangin
Gawain
2. Pagtala ng mga liban
3. Pagkanta

A. Balik-aral sa Tukuyin at isulat sa kwaderno ang mga pinahuhulaang salita. Gawing gabay ang
nakaraang aralin at/o mga kahulugang nakatala.
pagsisimula ng bagong 1. Isang larong elektroniko na may interaksyon. V_ _ _ _G_ _E
aralin 2. Isang instrumentong ginagamit para makapag-text at makatawag. C_ _ _ _H_ _E
3. Isang instrumentong ginagamit sa pagbabasa ng ebook. T_ _ _E_
4. Isang software application na ginagamit para makabuo ng isang
presentasyon na maaaring maglaman ng iba’t ibang medya. P_ _ _ _ _ _ _ _T
5. Kilala sa tawag na electronic mail; isa sa pinakamabilis na paraan ng
paghahatid ng komunikasyon. E_ _ _ _
B. Paghahabi sa layunin Talahulugan
ng aralin responsable - pagkakaroon ng obligasyon na gawin ang isang bagay, o pagkakaroon ng control o pangangalaga
sa isang tao bilang bahagi ng trabaho.
teknolohiya - kagamitan na ginagamit upang mapadali ang produksiyon o proseso ng isang bagay.
tungkulin - bagay na nararapat gawin o isakatuparan.medya - isang bagay na tumutulong makapagdala o
makapaglipat ng impormasyon.
opinyon - sariling pagtingin sa isang bagay; sariling pananaw na nagpapahayag ng haka-haka o imahinasyon.
nilahukan - sinalihan o sinamahan cyberbullying- pagpapahiya o pagbabahagi ng mga hindi totoong bagay para
sa ikasisira ng isang tao.
netiquette - tumutukoy sa mga tuntunin kung ano ang mga dapat at hindi marapat gawin.
rasyonal - may kakayahang mag-isip ng mahusay sa anumang bagay na nanaisin mo.
C. Pag-uugnay ng mga Ang Makatuwirang Paggamit ng Teknolohiya
halimbawa sa bagong ni: Ma. Chichirica T. Eltanal
aralin
Si Marielle ay isa sa mga mag-aaral mula sa ikalimang baitang na may matinding hangarin na maging mahusay sa
paggamit ng teknolohiya. Gusto niyang makarating sa ibang Lungsod upang magkaroon siya ng kakilala mula sa
iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas.
Nabigyan ng pagkakataong makapunta sa ibang lungsod si Marielle para
sa isang patimpalak. Siya ay nagsanay sa paggamit ng Microsoft Word, Excel, at
Powerpoint. Binigyan siya ng kanilang guro ng isang linggong palugit upang
magsanay sa bahay. Dahil sa matinding hangarin ni Marielle na maging mahusay
sa paggamit ng teknolohiya, gumugol siya ng mahabang oras sa pagsasanay sa
teknolohiya at nagpaturo pa siya sa isang Computer Engineer ng mga pamamaraan sa paggamit ng Powerpoint.
Matapos ang isang linggo, binigyan siya ng isang paksa. Inatasan siyang mag-ulat sa pamamagitan ng Powerpoint
gamit ang wikang Filipino. Pumayag
siyang gumamit ng mga retrato o artwork mula sa internet. Tatlong oras lamang
ang binigay sa kaniyang palugit upang tapusin ang kaniyang ginagawang
presentasyon ngunit nagawa niya ito nang maayos at hindi man lang siya
nahirapan sa paggawa nito.
Dahil sa tagumpay niyang maipamalas ang kaniyang natatanging kahusayan sa paggamit ng teknolohiya, napili si
Marielle na maging kalahok sa isang patimpalak na pangteknolohiya na gaganapin sa Baguio. Doon ay buong
husay din niyang ginanap ang tungkulin niya bilang kinatawan ng kanilang paaralan. Nagbunga ang lahat ng
kaniyang pagsasanay at nakatanggap siya ng isang napakalaking gantimpala dahil doon. Siya lang naman ang
itinanghal na kampyon sa patimpalak na pangteknolohiya. Tunay na magkakaroon ng
katuparan ang ating mga pangarap kapag tayo ay marunong magtiyaga at may
disiplina sa sarili.
D. Pagtatalakay ng Isulat ang tamang sagot batay sa nabasang kuwento. Gawin ito sa kwaderno.
bagong konsepto at 1. Ano ang pamagat ng kuwento?
paglalahad ng bagong ______________________________________________________________
kasanayan #1 2. Sino ang mag-aaral na may matinding hangarin na maging mahusay sa
paggamit ng teknolohiya?
______________________________________________________________
3. Bakit gusto ni Marielle na makarating sa Baguio?
______________________________________________________________
4. Ano ang ginawa ni Marielle upang makamit ang kaniyang hangarin na
makasali sa paligsahan sa Lungsod ng Baguio?
______________________________________________________________
5. Isa bang mabuting halimbawa ng pagiging responsableng mag-aaral si
Marielle? Bakit?
______________________________________________________________
6. Gusto mo bang sundin ang nagawa ni Marielle? Bakit?
______________________________________________________________
7. Ilarawan ang mabuting katangian ni Marielle.
______________________________________________________________
8. Paano mo gagamitin ang teknolohiya bilang isang mabuting mag-aaral?
E. Pagtatalakay ng Lagyan ng tsek (✔) kung ang pangungusap ay tama o nagpapahayag ng tamang
bagong konsepto at paggamit ng medya at teknolohiya at ekis (X) kung hindi.
paglalahad ng bagong 1. Sa pagbilis ng paglipas ng panahon, ang mundo ay hindi nakikisama sa bilis
kasanayan #2 ng pagbabago sa paggamit ng medya at teknolohiya. _________
2. Mahalaga ang papel ng medya at teknolohiya sa kaunlaran ng bansa.
________
3. Ginagamit ni Ana ang facebook upang makatulong sa kanilang family business. ________
4. Kinokopya ng iyong kaklase ang sagot mula sa internet upang magkaroon ng
mataas na marka. ________
5. Hindi mo alam ang paggamit ng instagram kung kaya’t inaral mo muna ito bago gamitin. ________
F. Paglinang sa Nakatala sa talahanayan sa ibaba ang ilang mga gawi sa paggamit ng medya
Kabihasan at teknolohiya. Tukuyin kung alin ang tama at mali at lagyan ng tsek (✔) sa espasyong ibinigay.
(Tungo sa Formative Mga Gawi sa Paggamit ng Medya at Teknolohiya Tama Mali
Assessment) 1. Ginagamit ang social media account upang magpakalat ng walang katotohanang balita.
2. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng article bago magkomento o magshare.
3. Naniniwalang lahat ng nakikita sa internet ay totoo.
4. Inuuna ang paglalaro sa computer bago ang paggawa ng mga takdang aralin.
5. Kumukuha lamang sa internet ng mga tula at sanaysay na kailangan na proyekto sa klase.
G. Paglalapat ng aralin sa Paano mo magagamit ang media at teknolohiya upang mapahusay pa ang
pang-araw-araw na mga gawaing pampaaralan?
buhay

H. Paglalahat ng Arallin Punan ang patlang ng sariling pahayag o ideya tungkol sa iyong natutunan
sa aralin.
Natutunan ko ang _____________________________________________________
Naisip ko na __________________________________________________________
Mula ngayon gagawin ko na ang__________________________________________
I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin ang mga uri ng medya at teknolohiya. Itala ang mga pamamaraan ng responsableng paggamit ng mga
ito. Isulat ang titik nang tamang sagot.
1. Nagkaayaan si Emma at Pita na lumiban sa klase para maglaro ng video games at nalaman mo ito.
a. Ipagsawalang bahala nalang ito.
b. Ipaalam sa inyong guro ang kanilang kasunduan.
c. Sabihin sa kanilang sasama ka.
d. Aawayin sila dahil hindi tama ang gagawin nila.
2. Nais mong sumama sa iyong kapitbahay sa computer shop upang gumawa ng proyekto.
a. Humingi muna ng pahintulot sa iyong mga magulang.
b. Sasama nang hindi nagpapaalam.
c. Kumuha ng pera sa pitaka ng iyong ina upang may pang-computer.
d. Hindi nalang gagawa ng proyekto sa takot na hindi ka papayagan ng iyong mga magulang na pumunta sa
computer shop.
3. Nakita mo ang iyong kaklase na gumagamit ng cellphone sa kalagitnaan ng klase habang nagsasalita ang guro
sa harapan. Bago pa man magsimula ang klase ay mahigpit na itong ipinagbabawal ng guro.
a. Kukunin ang cellphone ng kaklase.
b. Ipaalam sa guro ang nangyari.
c. Hayaan na lamang siya.
d. Ipagsabi sa buong klase ang ginagawa niya.
4. Kinunan ng nakakahiyang litrato ng iyong kaibigan ang isang mag-aaral na labis niyang kinaiinggitan.
Nalaman mo ang nais niyang pag-post nito sa facebook.
a. Susuportahan mo ang iyong kaibigan sa gusto nitong gawin.
b. Sasabihin sa kaniya na hindi mabuti ang kaniyang gagawin.
c. Tulungan siya sa pagpopost nito.
d. Hayaan na lamang siya.
5. Hiniram ng iyong nakababatang kapatid ang iyong cellphone dahil nais nitong
maglaro ng online games. Binigyan mo lang ito ng isang oras ngunit lumipas na ang ilang oras ay hindi niya pa
rin ito isinauli at panay pa rin ang paglalaro nito.
a. Hayaan na lamang ito.
b. Pagsabihan ang kapatid nang mahinahon at turuan ng pagdidisiplina sa paggamit ng teknolohiya.
c. Bilhan na lamang siya ng kaniyang sariling cellphone.
d. Sasabihin mo sa iyong ina na inagaw ng iyong kapatid ang iyong
cellphone.

J. Karagdagang gawain Isulat sa iyong journal ang mga paraan kung paano maipapakita ang tamang
para sa takdang-aralin paggamit ang medya at teknolohiya sa iyong kapwa.
at remediation

IV. Mga Tala


V. Pagninilay

A.Bilang ng mag-aaral na V-Honesty


nakakuha ng 80% sa pagtataya
5 4 3 2 1

B.Alin sa mga istratehiyang ___Metacognitive Development


pagtuturo nakatulong ng lubos? ___Bridging: Examples:
Paano ito nakatulong? ___Schema-Building: Examples:
___Contextualization:
___Text Representation:
___Modeling: Examples:

Prepared by: Checked by: Noted:

MAUREEN DELA PENA GIRLIE B. VILLARBA Ed.D ARCADIA G. PEDREGOSA Ed.D


Teacher III Master Teacher I Principal

You might also like