You are on page 1of 13

Paaralan Mababang Paaralan Baitang 6

ng Villareal
Guro Sheila Datur, Mary Joy Asignatura Filipino
Haz, Charlene Navalta
Petsa at Oras Mayo 02, 2022, 3:00 Markahan Ikatlo, Linggo 4, Araw 2
pm to 4:00 pm

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
Pangnilalaman pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.

B. Pamantayan sa Nakapagbibigay ng isang panuto.


Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit ang iba't ibang salita bilang pang- uri at pang-
Pagkatuto. abay sa pagpapahayag ng sariling ideya. (F6WG-IIId-f-9)

II. NILALAMAN Paggamit ng Iba't ibang salita bilang Pang-uri at Pang-


abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya
III. MGA
KAGAMITANG
PANTURO
Mga Sanggunian
1. Mga pahina ng
Alab Filipino 6 p.139-140
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Alab Filipino 6, 2016 pp. 141- 143
teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa MISOSA: Gamit ng Pang-uri at Pang- abay/lisang Baybay
portal ng Learning Magkaibang Bigkas at Kahulugan
Resources(LR)
B. Iba pang ,mga larawan, manila paper, pentel pen
Kagamitang
Pampagtuturo

IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-Aral sa Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din


nakaraang aralin at/o po, Guro.
pagsisimula ng bagong Tumayo muna ang lahat para sa
aralin ating panalangin. (Nagsitayo at
nanalangin)
Bago kayo umupo, tingnan muna
natin ang ilalim ng ating mga
upuan kung may basurang (Tiningnan ang ilalim ng
nagkalat. Atin itong pulutin at upuan kung may
itapon sa basurahan. basurang nagkalat)

Pagbalik- aralan natin ang aralin


natin kahapon.

1. Bakit mahalagang 1. Mahalagang


pangalagaan ang kalikasan? pangalagaan
ang kalikasan
dahil dito tayo
kumukuha ng
ating
ikinabubuhay.

2. Bilang isang mag-aaral, ano 2. Ang tungkulin


ang iyong tungkulin sa loob ng namin bilang
silid- aralan? mag- aaral ay
panatilihing
malinis at
maayos ang
silid- aralan.
3. Ano-ano ang mga iba't ibang 3. A. Sa pagkakalat
uri ng suliranin sa iyong ng basura.
kapaligiran at sa paanong paraan Itapon ang
ka makatutulong upang basura sa
masolusyunan ang mga tamang
suliraning ito. basurahan at
iwasan na ikalat
ang mga basura
at pinagkainan.
b. Polusyon.
Iwasan ang
pagtapon ng
basura sa ilog.
Itapon ang
basura sa
tamang
basurahan.
Iwasan ang
pagsiga/
pagsusunog ng
mga plastik at
iba pang mga
bagay.
c. Sobrang init
dahil sa kulang
na ng mga puno.
Tama ang inyong tinuran. Magtanim ng
mga
punongkahoy.

Sa araw na ito ay pagtutuunan


B. Paghahabi sa layunin natin ng pansin ang tungkol sa
ng aralin paggamit ng iba't ibang salita
bilang pang-uri at pang-abay sa
pagpapahayag ng sariling ideya.
Opo
Handa na ba kayo?
Opo
-Nakakita na ba kayo ng ilog?
Sa aming barangay po.
-Saan ninyo ito nakita?
Para po malinis, walang
-Bakit dapat natin pangalagaan dumi at para po
ang ating mga ilog? maliguan.

- Alam nyo ba ang pangalan ng


ilog na matatagpuan sa Maynila Hindi po.
at karatig pook?

Dahil hindi ninyo alam, ating


alamin kung ano ang pangalan at
kuwento ng ilog na ito.
(Handa ng makinig ang
Pagbasa ng kwentong "Ilog mga bata)
Pasig: Noon at Ngayon:"

Ang Ilog Pasig Noon


Ang ilog Pasig noon ay may
haba na 25 kilometro at hinahati
ang Kalakhang Maynila sa
dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog
San Juan ang pangunahing mga
sanga nito.
Ang Ilog Pasig noon ay malinis,
maayos at maganda. Katunayan
ito ay isang mahalagang ruta
pang-transportasyon ng mga
Kastila noon sa kanilang
pangangalakal o pagpapalitan ng
mga produkto sa ibang bansa.
May mga bahay man na nakatayo
malapit dito, pero napapanatili
nilang malinis at maayos ang Ilog
Pasig. Ang Ilog Pasig noon ay isa
sa mga ilog na lubos na
hinahangaan ni Dr. Jose Rizal.
Tignan natin ang Ilog Pasig
ngayon.Kitang kita ang malaking
kaibahan nito sa Ilog Pasig noon.
Ang dating malinis at magandang
Ilog Pasig ay naging madumi at
pangit. Marami nang nakatayong
mga bahay sa tabi ng Ilog Pasig.
Mga bahay na wala sa ayos kung
ating titignan. Naging tapunan at
tambakan na ng mga basura ang
Ilog Pasig ngayon. Mabaho ang
amoy at kulay itim na ang kulay
ng ilog. Ibang iba na talaga.

Ipabasa ang mga pangungusap.


"masaya at masayang
Suriin ang mga pangungusap at
po."
sagutin ang mga tanong sa ibaba

1. Masaya ang mga bata habang "Hindi po."


naglalaro sa ilog.

2. Masayang lumangoy sa malinis "Ang pangungusap 1 ay


na ilog. naglalarawan po sa
mga bata."
"Ang pangungusap ay
a. Ano ang mga salitang may naglalarawan sa
salungguhit? lumangoy."

b. Pareho ba ito ng pagkagamit


sa mga pangungusap? "Pang-uri at pang-abay
po."
c. Ano ang tungkulin ng salitang
nakasalungguhit sa pangungusap
bilang 1 at 2?

d. Ano ang tawag sa salitang


nakasalungguhit sa pangungusap
bilang 1 at 2?
Tama ang inyong mga sagot.

Ang tawag sa mga salita na


nakasalungguhit ay mga pang-
abay at pang-uri

Ang salitang nakasalunguhit sa


pangungusap 1 ay pang-uri at
ang pangungusap 2 ay pang-
abay.

Ang pang-uri at pang-abay ay


parehong naglalarawan o nag
bibigay turing.
Ang pang-abay bilang
paglalarawan ay gumagamit ng
mga salitang maglalarawan
mismo sa mga pandiwa, pang-uri
at kapwa pang-abay. Sa
pamamagitan ng mga salitang to
ay nabibigyang- turing ang mga
salita, mga kilos, katangian at
nahahawakan.

Hal:

1. Ang mga bata ay masipag


magtrabaho.

2. Sabik na tinawag ni Bon ang


kaniyang kaibigan.

3. Dapat gantimpalaan ang ale


sa kaniyang kabutihan.

Sa Pang-uri bilang paglalarawan,


mahalaga ang paggamit ng wika
ng pandama na naglalarawan sa
mga nakikita, naririnig, naaamoy,
natitikman at nahahawakan.
Makatutulong ito upang higit na
makilala ang mga tao at bagay.

Sa pamamagitan nito
nabibigyang- turing ang mga
pangngalan.
Hal:

1. Masarap ang tinapay sa


tindahan.

2. Bilog na bilog ang mukha ni


Pio.

3. Ang namamahala sa ampunan


ay napakasungit.

May ilang salita na maaaring


gamitin bilang kapuwa pang-uri at
pang-abay, depende sa gamit nito
sa pahayag.

1. Mainit ang sikat ng araw kaya


magdala ka ng payong. (Pang-
uri)

2. Mainit na sinalubong ng mga


mag-aaral ang kanilang bisita.
(Pang-abay)

C. Pag-uugnay ng mga Sino sa inyo ngayon ang gustong


halimbawa sa bagong sumagot ng hinihingi sa panuto?
aralin (Nagtaas ng kamay ang
Gawin Natin 1 mga bata at sumagot
sa gawain)
Panuto: Isulat sa patlang ang PU
kung pang-uri ang nakasalunguhit na
salita at PA kung pang-abay.
1. PU
____1. Ang tumatakbong kabayong
itim ay matulin. 2. PA
____2. Matulin tumakbo ang
kabayong itim.
____3. Masigla ang mga tao tuwing
3. PU
piyesta.
____4. Masiglang sumasayaw ang 4. PA
mga tao sa piyesta.
____5. Ang guro namin ay mahusay 5. PA
magpaliwanag ng mga
kababalaghan. 6. PU
____6. Mahusay ang paliwanag ng
aming guro tungkol sa mga
kababalaghan. 7. PA
____7. Magaling magsulat ng mga
kuwentong pambata si Flor. 8. PU
____8. Si Flor ay isang magaling na
manunulat ng mga kuwentong 9. PU
pambata.
____9. Ang tatay ni Doris ay isang
matiyagang manggagawa sa Saudi 10. PA
Arabia.
____10. Matiyagang
naghahanapbuhay ang tatay ni Doris
sa Saudi Arabia.

Naintindihan na po ba kung ano ang


pang-uri at pang-abay?

Magaling ga at! Tayo ng maghanda (Naghanda sa susunod


para sa pangkatang gawain. na gawain)

D. Pagtalakay ng bagong Magkakaroon tayo ng pangkatang (Nagpunta sa kanya-


konsepto at paglalahad gawain. Magkakaroon tayo ng kanyang grupo)
ng bagong kasanayan #1 dalawang pangkat.

Pangkat 1.
(Pumunta sa harap ang
taga-ulat)

Pangkat 2.

Salungguhitan ang Pang-abay a


pangungusap.

Tapos na ba ang lahat? Pumunta


ang bawat pangkat dito sa harap at
iulat ang mga sagot.
Para sa indibidwal na gawain,
E. Pagtalakay ng bagong kumuha ng papel at sagutan ito. (kumuha ng papel at
konsepto at paglalahad sumagot sa gawain)
ng bagong kasanayan #2 Bilugan ang panlarawan sa
pangungusap. Isulat ang PA sa
patlang kung ito ay pang-abay at
PU kung ito ay Pang-uri.

____1. Masuyong kinausap ng


magulang ang kanyang anak.

____2 Ang magulang ay


masuyong ama.

____3.Ang kanyang anak ay


masunuring bata.

____4.Magalang na sumunod
ang bata sa ina.

____5. Siya ay mapitagang


sumagot sa nakatatanda.

Para lubos nating maunawaan


F. Paglinang ng ang ating leksyon. Heto po ang
Kabihasaan ( tungo sa iba pang gawain.
Formative Assessment )
Salungguhitan ang salitang (Ginawa ang dagdag na
panlarawan sa pangungusap. gawain)
Isulat kung ito ay pang-uri o pang-
abay. Bumuo ng bagong
pangungusap mula rito. Bawasan
o dagdagan ang mga salita sa
pangungusap upang ibahin ang
tinuturingan nito.

Hal:

Pang-abay
Tunay na maaasahan ng ama
ang anak.

Pang-uri
Ang maasahang anak ay hindi na
sinasabihan pa ng gagawin.

1. Pinakamaliit na yunit ng
lipunan ang pamilya.

2. Ang mga anak ay responsable


sa kanilang tungkulin sa tahanan.

3. Ang taong responsable ay hindi


na naghihintay ng utos.

4. Gumawa siya nang tamang sa


lahat ng pagkakataon.

5. Matagumpay ang bata dahil


disiplinado at mahusay siya.

Tapos na po ba ang lahat? Ipasa


po ang papel sa harap.

Paano nga ba natin


G. Paglalapat ng aralin mapangalagaan ang ating mga
sa pang-araw-araw na ilog?
buhay
Pag sasagot po itaas ang kamay
at gumamit ng mga pang- uri at
pang abay. (Nagtaas ng kamay at
sumagot)

H. Paglalahat ng Aralin Ano nga ulit ang pang-uri? ang Sumagot ang mga bata
Pang-abay? sa mga tanong.

Bigyan n'yo nga ako ng tig iisang


halimbawa ng pang-uri at pang-
abay.
Kumpletuhin ang talata. Lagyan
I. Pagtataya ng Aralin ng angkop na pang-uri o pang-
abay ang mga pangungusap.

______ ang problema ng ilog


Pasig ngayon. _______ ang tubig
na dumadaloy sa ______ ilog na
ito dati. Ngayon ________ nang
ipinagbabawal ang paliligo at
pagkuha ng tubig upang gawing
inumin. Hindi na yata matututo
ang mga _______ taong nakatira
sa gilid nito. Kaya pala
__________ na nadudumihan
ang ilog simula ng tirhan ng mga
________ tao ang gilid ng ilog.
________ tao ang ginagawang
tapunan ng basura, palikuran o
banyo ang ilog. Kaya naman
_________ ang panawagan ng
gobyerno sa lahat ng
kinauukulan. Sama-sama nating
sagipin ________ ang ilog Pasig.
Huwag tayong magbingi bingihan.
Makiisa na!

(sinulat ang pagtataya)


Takdang Aralin: (sinulat ang takdang-
J. Karagdagang Gawain aralin at tumayo para
para sa takdang aralin Sumulat ng talata tungkol sa sa panalangin)
kapaligiran. Siguraduhing
gumamit ng pang-uri at pang-
abay.

Kung tapos na po. Tumayo na


para sa ating panalangin.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng nakakuha
ng 80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation

E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng
aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like