You are on page 1of 6

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga

MONTESSORI GRADE SCHOOL DEPARTMENT

Lesson Plan in FILIPINO 6

Date: March 15, 2022

I. LAYUNIN

a. Naibabahagi ang sariling karanasan.

b. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita

c. Nagagamit ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng pag-


uugnay sa ibang asignatura.

d. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang anekdota.

Pagpapahalaga: Matapat na pakikitungo sa kapwa.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Si Pangulong Quezon sa harap ng kaaway

Pahina: Pinagyamang Pluma, pahina 182-184

Kagamitan: larawan at powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Paghahanda

A. Pangungumusta

Bago tayo mag umpisa sa ating


pag-aaralan, manalangin muna
tayo.

Iyuko natin ang ating mga ulo,


ipikit ang mata, at damhin ang
presensya ng Panginoon.
(Audio Visual Presentation)
(nananalangin)
Ngayon naman awitin natin ang
ating Pambansang Awit.
(umaawit)

Magandang Araw mga bata!


Magandang Araw din po Titser!

Ako po pala si Titser Jasmin! Ako


po ang magtuturo sainyo ngayon
sa Pagbasa.

Tingnan natin kung lahat ay


pumasok ngayong araw.

(tinatawag ang mga pangalan ng


mag-aaral)

B. Balik-Tanaw

Noong nakaraang pagkikita natin,


Nagbigay ng Activity ang inyong
Guro sa Filipino, ang activity na
kanyang binigay ay may
kinalaman sa ating tatalakayin
ngayon.

Ano ang pagkaka unawa niyo


tungkol sa “Ang matapat na
Pakikitungo at kabutihan sa kapwa
ay nagtatama sa gawang
masama”

Sige Mary Francine Mag-aaral 1: tumataas ng kamay.

Mag-aaral 1(nagsasabi ng kanyang


naunawaan sa talata)
Mahusay!
C. Pagganyak

May nakagalit kana ba o


nakasamaan ng loob?

Mag-aaral 2: Opo.
Paano ka makikiharap sa taong
iyong nakagalit, nakaaway o
nakatampuhan? Mag-aaral 2: Ako po mismo ang unang
kumakausap sakanya at humihingi ng tawad
Mahusay! Isang mabuting paraan kahit hindi ako ang may kasalanan.
ang ganyan. Tayo ay
nagpapakumbaba. Para hindi na
tumagal pa ang samaan ng loob.

D. Paglalahad ng Layunin

Bago natin talakayin ang tungkol


sa ating paksa. Alamin muna natin
ang layunin nito.

Maaari mo bang basahin ang mga


layunin?
(tumawag ng pangalan ng mag-
aaral)

Sa katapusan ng pagtatalakay
inaasahan na kailangan niyong:

Mag-aaral 3 (binabasa ang mga


a. Naibabahagi ang sariling layunin)
karanasan.

b. Nabibigyang-kahulugan ang
matalinghagang salita.

c. Nagagamit ang kahulugan ng


pamilyar at di kilalang salita sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa
ibang asignatura.
d. Nasasagot ang mga tanong tungkol
sa binasang anekdota.

E. Pagtatalakay

Alam mo ba?

Si Manuel L. Quezon ay
nagging pangulo ng bansa
noong panahon ng Komonwelt
o ng Malasariling Pamahalaan.

Bago siya naging pangulo ng


Pilipinas ay naging piskal,
gobernadora, senador, at
pangulo muna siya ng senado.
Siya rin ang tinaguriang Ama
ng Wikang Pambansa – ang
Filipino. Si Quezon din ang
tanging lider sa mga bansa sa
Asyang tumanggap sa mga
hudyo nang tumakas ang mga
ito sa Europa mula sa
karahasan ni Adolf Hitler
noong ikalawang Digmaang
Pandaigdig kahit may mga
nagpayo sa pangulong
kanyang tanggihan at huwag
kupkupin ang mga ito.

Matutunghayan mo sa
anekdotang iyong babasahin
ang patunay na talagang
busilak ang kalooban ni
Pangulong Manuel L. Quezon
lalo na nang makaharap niya
ang isang taong kaaway ang
turing sa kanya.

Bago niyo basahin ang


anekdota na “Si Pangulong
Quezon sa Harap ng kaaway”
Tuklasin muna natin ang mga
salita na maaring hindi
pamilyar sainyo o kaya’y bago
pa lang sa pandinig niyo.

Talasalitaan:
1. dugong-bughaw = isang
mahal na tao o Maharlika
2. napako = nalimutan/hindi
natupad
3. tumatahip ng dibdib =
kakaba-kaba
4. magaan ang dugo =
malapit agad ang loob
5. mababaw ang luha =
madaling umiyak
6. nasyonalismo =
makabayan
7. komonwelt = malasariling
pamahalaan
8. demokrasya = uri ng
pamahalaang nasa tao ang
kapangyarihan
9. entablado = tanghalang
pinagdarausan ng mga
palatuntunan gaya ng
talumpati
10. partido = Lapian,
samahan, pagkakapatiran

Basahin Natin!
Basahin ang kuwentong “Si
Pangulong Quezon sa
harap ng Kaaway”,
Sa pahina 182-184 ng
Pinagyamang Pluma.
Bibigyan ko kayo ng
sampung minuto para
basahin at unawain ang
kuwento.
F. Paglalapat

Sagutin Natin!
1. Sino si Mang Ibiong? Bakit siya
kinabahan at paano niya
pinaglabanan ito nang
ipatawag siya ng president ng
senado?
2. Paano pinakitunguhan ng
dating presidente ng Senado si
Mang Ibiong na ilang ulit nang
nanira ng kanilang itinayong
entablado parasa gagawing
pulong? Ano naman ang
naramdaman ni Mang Ibiong
sa pagkakataong iyon?
3. Ano ang ipinangako ng dating
president ng senado kay Mang
Ibiong? Paano ito tinanggap ni
Mang Ibiong?
4. Paano nabigyang-solusyon ang
suliranin ni Mang Ibiong at
ang problema ng partido ng
president ng Senado?
5. Anong mahalagang aral ang
iyong natutunan sa iyong
nabasa?

Inihanda ni : Iwinasto ni:

Ma. Jasmin B. Barela GNG. APRIL D. DASMARIÑAS

Area Chairperson Filipino

Noted:

G. JUAN P. HABER JR.

Assistant Principal

Approved:
GNG. JANICE A. BANZAGALES
Principal

You might also like