You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V – BICOL
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10


Kwarter 2 – Gawain Bilang 3

Pangalan:
Grado at Seksyon: Petsa:
Sangguniang Modyul: Kwarter 2, Aralin 3 – Elemento, Suriin Mo, Sariling Tula,
Isuslat Mo

I. Panimulang Konsepto
Ang Tula at Mga Elemento Nito
Ang tula ay isang anyong pampanitikan na may matalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin. Ito ay isang awiting nagtataglay ng iba’t ibang
damdamin na sasakto sa nararamdaman ng isang tao. Tulad ng iba pang akdang
pampanitikan, ang tula ay binubuo ng mahahalagang elemento upang higit na maging
masining ang paglalahad. Ngunit naiiba ito sa iba pang anyo ng panitikan dahil sa
kakaiba nitong katangiang tinataglay.
Narito ang mga elemento ng tula.
1. Tugma
• ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat
taludtod ng tula. Ang dulumpatinig na ito ay maaaring nagtatapos sa
patinig o katinig.
Uri ng Tugma
a. Tugmang ganap- kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling salita
sa bawat taludtod
b. Tugmang di-ganap- kapag magkapareho lang ang tunog ng buling salita sa
bawat taludtod

2. Sukat
• Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong
Uri ng Sukat
a. Wawaluhin
Halimbawa: Is-da- ko- sa- Ma-ri-ve-les
Na-sa- lo-ob- ang –ka-lis-kis

1
b. Lalabindalawahin
Halimbawa: Ang-la-ki-sa-la-yaw-ka-ra-ni-wa’y-hu-bad
Sa-ba-it-at-mu-ni-sa-ha-tol-ay-sa-lat
c. Lalabing-animin
Halimbawa: Sa-ri-sa-ring-bu-ngang-ka-hoy-hi-nog-na-at-ma-ta-ta-mis
Ang-na-ro-on-sa-lo-o-bang-may-ba-kod-pa-sa-pa-li-gid

3. Talinghaga
• tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. Ito ang
pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig
ng may-akda
Halimbawa: Mula sa tulang “Tinapay” ni Amado V. Hernandez

Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga- Nararanasang gutom ng isang mahirap
4. Saknong
• ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula
Iba’t ibang bilang ng taludtod
a. 2 taludtod sa isang saknong o couplet
b. 3 taludtod sa isang saknong o tercet
c. 4 taludtod sa isang saknong o quatrain
d. 5 taludtod sa isang saknong o quintet
e. 6 taludtod sa isang saknong o sestet
f. 7 taludtod sa isang saknong o septet
g. 8 taludtod sa isang saknong o octave

Sa mga bilang na ito, pinakakaraniwang ginagamit ang saknong na may


dalawa, tatlo at apat na taludtod.

5. Simbolismo
• Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang
mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
Halimbawa: bituin- pangarap
Ilaw- pag-asa
6. Kariktan
• ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan
nito
Halimbawa: Mula sa tulang “Tinig na Darating” ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong hidwang kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing pantig, tugmang ganap at tayutay

2
7. Persona
• Tumutukoy sa nagsasalita sa tula: una, ikalawa o ikatlong panauhan

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa Most Essential Learning


Competencies (MELC)

Markahan MELC K-12 CG Codes


Nasusuri ang iba’t ibang
Ikalawa F10PB-IIc-d-72
elemento ng tula

III. Mga Gawain


Gawain A
Panuto: Suriin ang saknong ng tula ayon sa elementong hinihingi. Isulat ang iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

Ilipad mo ako sa masalimsim na


puntod ng iyong mga panganorin;
doon ang luha ko ay padadaluyin
saka iwiwisik sa simoy ng hangin!
mula sa “Gabi” ni Ildefonso Santos

SUKAT

TUGMA

3
Gawain B
Panuto: Basahin ang tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barret
Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43) at isagawa ang pagsusuri batay sa
elemento nito sa inyong sagutang papel.

ANG AKING PAG-IBIG (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII)


ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ni hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit- liitan
Laging nakahandang pag-utos-utosan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bat’hin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang panananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na ang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at angking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

4
Elemento ng Tula Pagsusuri
a. Sukat

b. Tugma

c. Saknong

d. Kariktan

e. Persona

Gawain C
Panuto: Sumulat ng tulang naaayon sa iyong interes na nagtataglay ng alinman sa
mga elementong nabanggi

_____________________________________
Pamagat

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
IV. Rubrik
Gawain C
Pamatayan Puntos
Elemento 10
Nilalaman 10
Kaisahan 5
Mekaniks 5
Kabuoan 30

V. Susi sa Pagwawasto
Mamarkahan batay sa ibinigay na rubrik
Gawain C

– nasa unang panauhan Persona


Tulad ng lumbay kong di malayang bathin
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin
– gumamit ng mga tayutay at matatalinhagang salita Kariktan
– 4 na taludtod sa isang saknong o quatrain Saknong
– Tugmang Ganap Tugma
– Lalabindalawahin Sukat
Gawain B

– Tugmang Ganap Tugma


– Lalabindalawahin Sukat
Gawain A

VI. Repleksiyon
Natutuhan ko na __________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Masasabi ko na ___________________________________________________
________________________________________________________________

6
VII. Sanggunian

• Kontekstwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino, Baitang 10 (Kwarter 2), pahina


48-51
• Filipino – Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral,Unang Edisyon
2015, Vibal Group Inc. Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd
Complex, Meralco Avenue Pasig City , Philippines 1600 Telefax: (02) 6341054
o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

Inihanda ni: LIEZL G. VENTURA


Teacher II – Bariw NHS
Tagasuri ng ARNEL D. JAROMAMAY
Nilalaman: MTII – OIC, School Principal – Nagotgot NHS
Tagasuri ng SARAH S. RED
Wika: MTI – MORMS
Tagalapat: RENE O. SACAYAN
Teacher III – Lower Binogsacan NHS
Tagapayo: QUIROBEN B. MATRIZ
Pansangay na Tagamasid sa Filipino

You might also like