You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department Of Education
LAGUINDINGAN DISTRICT
MAUSWAGON INTEGRATED SCHOOL
Grade 10
Filipino
nd
2 Grading

Name:____________________________________________ Date: __________________

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Bilugan lamang sa iyong
sagutang papel ang titik ng mapipili mong sagot.

1. Bakit kailangang pag-aralan ang mitolohiya?


A. dahil ito ay may salamangka at mahika
B. dahil malakas at may kapangyarihan ang mga tauhan
C. upang makikita at mapapahalagahan ang kaugalian, uri ng pamumuhay,
paniniwala at kultura ng isang bansa
D. dahil ito ay naglalahad ng sinaunang kuwento

2. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng .


A. pag-aalala B. pagmamalasakit
C. pagmamahal D.pagtanaw ng utang na loob

3. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay
nangangahulugang hindi niya .
A. alam na naunang nagising si Thor
B. nalalaman ang sikreto ni Thor
C. naramdaman ang paglipad ng ibon
D. naramdaman na tinaga siya ni Thor

4. Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa .


A. kapani-paniwala ang wakas
B. may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya
C. may salamangka at mahika
D. tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

5. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante


upang sila ay mapasakop sa kapangyarihan nito” ay
A. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
B. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D. Matalino man ang matsing napaglalamangan din

6. Ito ay elemento ng mitolohiya na tumatalakay tungkol sa paniniwalang panrelihiyon.


A. banghay B. tagpuan C. tauhan D. Tema

7. Siya ang diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir.


A. Loki B. Odin C. Skrymir D. Thor
8. Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala at ang
kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. dula B. maikling kuwento C. mitolohiya D. Tula

9. Nang mapansin ni Thor na bali ang paa ng isang kambing ay nanlilisik ang kanyang
mata. Ano ang damdaming ipinahahayag sa pangungusap?
A. pagkaawa B. pagkagalit C. pagkalungkot D. Pagkatuwa

10. Tuwing maririnig ni Thor ang ungol ng higante ay mag-iinit ang kanyang ulo at
pinupukpok niya ng maso ang higante. Si Thor ay nagpapakita ng
A, pagkamaawain C. Pagkamahiyain
B. pagkamainipin D. pagkamainitin ang ulo

11. Si Razel ay may _ _ na puso


A. bago B. bakal C. bakla D.mabango

12. Si Teresa ay may magandang_ _ mata.


A. pilik B. makapal C. mapungayD. kisap

13. Kapit- ang mga mamamayan habang nagpoprotesta sa harap ng munisipyo.


A. bisig B. ginto C. likod D. tuko

14. Naglaho ang kanyang pag-ibig sa isang _ mata.


A. kisap B. pilikC. piso D. tambo

15. Ang salitang balat at sibuyas kapag pinagsama ay naging balat-sibuyas na


nagtataglay ng kahulugang _ _.
A. mabango B. maramdamin C. pagkain D.rekado sa ulam

16. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama ng


isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong kahulugan.
A. etimolohiya B. kolokasyon C. sanaysay D. tula

17. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay


nangangahulugang _ _ .
A. away o gulo B. nababasag C. nabasag ang ulo D. Pagtatalo

18. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.


A. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan

19. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng buhay ay
A. inalisan ng kabuhayan B. naglakbay C.namatay D. walang karapatan

20. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay _


A. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield

21. (Hingi) ng tulong ang mga na-stranded na residente dahil sa lock down. Ang
angkop na pandiwang dapat gamitin ay _
A. hiningi B.ipinanghingi C. naghingi D. nanghingi

22. Namukod siya sa hanay ng kabataang kataon niya tulad ng isang brilyante sa tumpok
ng mga bato. Ano ang salitang-ugat ng salitang namukod?
A. bukod B.lukod C.mukod D.namo

23. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?


A. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
B. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
C. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
D. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.

24. Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap.
A. layon B. pandiwa C.pokus D. D.tagaganap

25. Kung ang paksa sa pangungusap ang siyang gumaganap sa ng pandiwa ito ay
nasa pokus sa .
A. layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

26. Nasa pokus sa _ ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ang layon ng pandiwa.
A. layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

27. Si Skrymir ay nagbigay ng payo kay Thor. Ang pokus ng pandiwa ay


A.layon B.pinaglalaanan C. sanhi D. tagaganap

28. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus sa tagaganap?


A. ibinili, malaman, pag-aaralan B. ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi
C. ipinambili, ipansulat, ipanghakot D.lumikas, nag-ani, magsulat

29. Ang sumusunod na pangungusap ay nasa pokus sa layon maliban sa isa.


A. Binabalot nila ang pagkain.
B. Inihahasik ng guro ang karunungan sa kanyang tinuturuan.
C. Nagpapakita rin sila ng magandang halimbawa.
D. Tinatahi nila ang sirang sapatos.

30. Gumugol siya ng panahon sa paggawa ng kabutihan. Alin ang tuwirang layon ng
pangungusap?
A. gumugol B. ng kabutihan C. ng panahon D. sa paggawa

31. Sa kanya nakaramdam ng wagas na pag-ibig si Romeo.


A. Nars B. Juliet C. Paris D. Tybalt

32. Ipinagkasundo ni Lord Capulet si Juliet sa isang maharlikang si Paris. Walang


nagawa si Julieta kahit tumutol siya sa ama. Mailalarawan si Lord Capulet na _
A. mapagmahal sa anak C. makapangyarihan sa angkan
B. maingat sa kanyang kayamanan D. walang pakialam sa nararamdaman ng anak
33. Pinsan ni Romeo na namatay dahil sa pakikipaglaban kay Tybalt.
A. Benvolio B. Lawrence C. Mercutio D. Paris

34. Lalaking naging kaagaw ni Romeo kay Juliet.


A. Benvolio B. Lawrence C. Mercutio D. Paris

35. Matimpi at kagalang –galang na ginoo. Mayaman din katulad ni Ginoong


Capulet. Ama siya ni Romeo.
A. Benvolio B. G. Montague C. Mercutio D. Paris

36. Tagapamagitan ng mga mga Capulet at Montague. Siya ang nagkasal kina Romeo at
Juliet sa pag-asang maayos ang gulo sa pagitan ng dalawang pamilya.
A. Lawrence B. Juan C. Paris D. Tybalt

37. Pinuno ng isa sa mga Estado ng Italya. Pinsan siya ni Paris.


A. Escalus B. Juliet C. Nars D. Tybalt

38. Ang agarang pagpapakasal ni Romeo kay Juliet ay paglalarawab sa kanya bilang
_____ na tao.
A. Bukas ang isip B. Mapagmahal C. Mapusok D. Matalino

39. “Ang marahas na ligaya ay may marahas na hangganan, parang apoy at pulburang
nauubos. Kaya’t magtimpi ka sa pag-ibig; ganito ang mahabang pagsinta.” Ito ay
pahayag ni _ para kina Romeo at Juliet.
A. Escalus B .Nars C. Padre Lawrence D. Tybalt

40. Sa pagpayag na maikasal sina Romeo at Juliet, masasabi nating si Padre Lawrence
ay _
A. hindi nag-iisip sa girian ng dalawang pamilya.
B. handang tumulong sa sinumang nangangailangan.
C. konsintidor dahil Kinukunsinti ang desisyon ng magkasintahan.
D. umaasang sa pamamagitan nito ay maresolba ang sigalot sa pagitan ng pamilya
ni Juliet at pamilya ni Romeo.

You might also like