You are on page 1of 24

Mother Tongue

Kwarter 3

Paksa: Angkop na Panahunan


ng mga Salitang Kilos

Marilyn D. Permalino
Grade 2 – Mahogany
Tayabas West Central School I
1. Umupo ng maayos habang
nakikinig sa guro.
2. Magtaas ng kamay kung
nais sumagot o magsalita.
3. Hintaying tawagin ng guro
bago magsalita.
4. Gumamit ng magagalang
na pananalita katulad ng “po
at opo”.
Balik – Aral

Laro:
“Tagubilin ni Ina,
Gagawin Ko, Hulaan
Mo!”
Sabihin ang bawat
kilos na ginawa sa
larawan

Handa ka na ba?

Ipabasa ang mga sagot ng bata. Itanong kung ano ang isinasaad ng mga
salitang ito at kung anoang tawag dito.
Kakain
lumalangoy
namamasyal
nagdadasal
pumapasok
Bawat tao o batang katulad
mo ay may kakayahang
kumilos. Ano-ano ang kaya
mong gawin o isakilos?

Alam mo ba na
pandiwa ang tawag
sa mga ito?
10
Kumain si Faye ng budin
kahapon.

Nagsimba kami sa Basilika ng


San Miguel Arkanghel noong
Linggo.

Pangnagdaan
Kumakain si Faye ng
budin araw-araw.

Sumisimba kami
ngayon sa Basilika ng
San Miguel Arkanghel.

Pangkasalukuyan
Kakain si Faye ng budin
bukas.

Sisimba kami sa Basilika ng


San Miguel Arkanghel sa
Linggo.

Panghinaharap
Suriin mo ang mga
pagbabagong
naganap sa mga
salitang kilos.

Pansinin mong mabuti kung


ano ang mga pagbabago sa
bawat salitang kilos ayon sa
panahunan o aspekto ng
pandiwa.
Pangnagdaan Pangkasalukuyan Paghinaharap

kumain kumakain kakain


nagsimba sumisimba sisimba

Ano ang iyong napansin sa mga pagbabago ng


bawat salita sa bawat panahunan?

Napuna mo rin ba ang mga salitang binilugan


sa mga pangungusap na iyong binasa?
Magaling! Tama ang
iyong mga kasagutan.
Natukoy mo ang mga
salitang kilos o pandiwa.

Bago ninyo gawin ang ating


pagsasanay, ano ang inyong
dapat gawin?
Punan ng tamang pandiwa ang patlang upang mabuo
ang talaan ayon sa panahunang nakatala.

Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap


(ginawa na) (ginagawa pa) (gagawin pa lamang)

nagwalis nagwawalis ___________________


umawit umaawit ___________________
___________________ umaalis aalis
naglaro ___________________ maglalaro
__________________ sumasayaw sasayaw
tumula ___________________ tutula
kumain kumakain __________________
1. Pangkat Masipag: Iguhit Mo!

2. Pangkat Masunurin: I-konek Mo!

3. Pangkat Matapat: Itama Mo!


Pag – uulat ng
bawat pangkat

1. Pangkat Masipag

2. Pangkat Masunurin

3. Pangkat Matapat
Ano ang tawag sa mga
salitang nagpapakita ng
kilos o galaw? Ano ang
tawag sa mga
pandiwang ginawa na,
ginagawa pa, at
gagawin pa lamang?
Bilugan ang tamang pandiwa sa loob ng
panaklong upang mabuo ang pangungusap.
1. Tuwing Linggo ay (pumunta, pumupunta,
pupunta) kami sa Parke ng Patio Rizal.
2. (Namasyal, Namamasyal, Mamamasyal) ang
pamilya Reyes sa Tayabas sa darating na bakasyon.
3. Si Maricel ay (bumili, bumibili, bibili) ng yema
cake kaninang umaga.
4. Palagi siyang (sumusunod, sumusunod, susunod)
sa kaniyang tatay at nanay.
5. (Nag-aral, Nag-aaral, Mag-aaral) ka ba ng iyong
aralin araw-araw?
Kasunduan
Basahin ang mga pandiwa.
Gamitin ang bawat isa sa
pangungusap.
1. Tumakbo
2. Lumangoy
3. naglalaba
4. naglalakad
5. dadalaw

You might also like