You are on page 1of 6

Guro JENALYN P.

PADILLA Baitang/ Antas


Petsa Asignatura
Oras Markahan
I. Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa Panahon
Pangnilalaman ng Katutubo, Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Nabubuo ang isang makatotohanang
MASUSING BANGHAY-ARALINproyektong panturismo
Pagganap
C. Gramatika Paghahambing
D. Mga Kasanayan sa F8WG-Ia-c-17: nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng
Pagkatuto makabuluhang pangungusap na kaugnay ng mga larawan.
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral
ay inaasahang;
a. nahihinuha ang inilalarawan sa tulang noon at ngayon;
b. naibabahagi ang sariling karanasan sa paghahambing; at
c. naibibigay ang angkop na paghahambing upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.
II. NILALAMAN Tulang Noon at Ngayon, Paghahambing at Uri ng Paghahambing
III. KAGAMITANG
PANTURO
Julian, Ailene A., Del Rosario, Mary Grace G., atbp.(2015) Pinagyamang
A. Sanggunian Pluma 8 K to 12. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon Ave.,
Quezon City. Pahina 20-21
1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang Pang-Mag- 20-21
aaral
3. Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://www.slideshare.net/SmileNiNadjhe/paghahambing-na-
mula sa Portal ng magkatulad-at-di-magkatulad
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang PowerPoint Presentation, kagamitang biswal at laptop
Panturo

IV. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin o Pagsisimula ng
Bagong Aralin (5 minuto)

Magandang umaga klas!


Magandang umaga rin po Ma’am!
Tayo ay magdasal.

Bago kayo umupo, ayusin muna ang mga upuan at


pulutin ang mga kalat
(pagtatala sa mga lumiban)

Bago natin simulan ang talakayan, may ipakikita


muna akong mga larawan. Ang mga larawan na ito
ay inyong bibigyan ng interpretasyon. Opo Ma’am
Naintindihan ba?
Kung gayon, ano ang ipinapakita sa larawan?

- Mausok na kalikasan sa kaliwa at


sa kanan naman ay maayos at
kaaya-aya .

- Mga bata noon na masaya sa


paglalaro sa labas at mga batang
tutok sa paggamit ng gadgets.

Mahaba at itim na buhok at maikli at


Mahusay! olades na buhok

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (2 minuto)


Ang ating ginawa ay may kinalaman sa ating
paksang tatalakayin ngayong araw na ito.

Batay sa inyong ginawa, tungkol saan kaya ang


ating paksa?
Paghahambing po.
Tama! Ang ating paksa ay tungkol sa
paghahambing.

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (2


minuto)
Batay sa paghahambing na ginawa niyo kanina tungkol
sa mga larawan, ano ang kahulugan ng paghahambing.

Magaling! Ginagamit din ito upang mailhad natin nang


malinaw an gating nais iparatin sa mga tao.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng


Bagong Kasanayan #1 (10 minuto)
bago natin talakayin ang paghahambing, atin
munang basahin ang tulang “noon at ngayon”.
(Ang pagbabasa ay salitan)

Naintindihan ba ang tula klas?


Opo!
Kung gayon, ano ang binabanggit na noon at
ngayon ng tula?
Ang pagkakaiba ng ugali ng mga bata
noon at sa ngayon.
Tama! Dahil sabi roon na ang mga bata ngayon ay
puro dabog kung napag-iisipan. Totoo ba ito?
(ang kasagutan ay nakadepende sa mga
Naniniwala ba kayo sa sinasabi ng tula? mag-aaral)

Oo, dahil ang mga bata ngayon ay


palasagot na sa magulang.

Hindi, dahil ito nama’y nakadepende sa


Ano sa palagay mo ang sagot sa tanong na iniwan kung papaano pinalaki ang mga bata.
sa huling bahagi ng tula?

Nag-iba ang pag-uugali ng mga bata dahil


sa panahon sapagkat ang pag-usbong ng
teknolohiya at pagkalulong ng mga bata sa
paggamit ng gadgets ay nagbubunga ng
kawalan ng oras upang magkaroon ng oras
Klas, pansinin ang mga salitang may diin sa tula.
sa pamilya at hindi natuturuan ng maayos
Sa inyong palagay, saan ginagamit ang mga
ng mga magagandang-asal.
salitang higit na at mas?

Tama klas! Ito nga’y ginagamit upang maibigay


ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang Sa paghahambing po.
bagay.

Batay sa aking mga sinabi, sino sa inyo ang


makapagbibigay kahulugan sa paghahambing?

Ang paghahambing ay ginagamit upang


Kung inyong mapapansin, ang paghahambing ay alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay dalawa o higit pang bagay.
gaya kapag namimili ng mga damit.
Batay sa inyong karanasan, ibahagi ang mga
pangyayaring nagagamit niyo ang paghahambing.

Pamimili ng pagkain
Pamimili ng masasakyan at iba pa
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan #2 (10 minuto)
Ngayon klas, atin nang alamin ang dalawang uri ng
paghahambing.

Uri ng Paghahambing

A. Paghahambing na magkatulad Sa magkatulad na katangian ay ginagamit


ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-,
sim, sin, magsim-, magsin-, pareho, kapwa
(magbibigay halimbawa ang mga mag-
aaral)
B. Pahambing sa Di-magkatulad
1. Palamang Nakahihigit sa katangian ang isa sa
dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang
higit, lalo, mas, di-hamak.
(magbibigay halimbawa ang mga mag-
aaral)
2. Pasahol
Kulang sa katangian ang isa sa dalawang
pianghahambing. Ginagamit ang di-gaano,
di-gasino, di-masyado.
(magbibigay halimbawa ang mga mag-
aaral)

F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment) (3 minuto)
Ngayon naman klas, may mga pangungusap rito.
Isulat ang wastong panlapi o salitang ginagamit sa
paghahambing upang mabuo ang diwa nito.
(magtatawag isa-isa na mag-aaral)

1. ______ mabait ang magulang ni Ana.


(magkatulad)
2. Masunuring bata si Angela ngunit _____ - Parehong
masunurin si Jenny.(di-magkatulad-palamang)
3. ________ masipag si Liza kumpara sa mga - mas
kapatid nito. (di-magkatulad -pasahol).
4. _______ talino ang magkaibigang sina Joy at - di-gasinong
Senya (magkatulad)
- magkasing-
5. ______ na malakas sumigaw si Gino kaysa kay
Luis. (di-magkatulad-palamang) - higit
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay
(15 minuto)
Upang higit pa ninyong maunawaan ang ating
aralin. Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto
upang isagawa ang Gawain.`

Pamantayan: Kaugnayan –5
Disiplina -2
Presentasyon – 3
Kabuoan - 10 Unang pangkat: Paghahambing sa
dalawang larawan gamit ang mga uri ng
paghahambing.

Ikalawang pangkat: Gumawa ng kasabihan


gamit ang alin mang sa dalawang uri ng
paghahambing

Ikatlong pangkat: Gumuhit ng larawang


nagpapakita ng paghahambing. Ipaliwanag
gamit ang paghahambing

(presentasyon ng awtput)
H. Paglalahat ng Aralin (3 minuto)
Ngayon at lubos niyo nang naunawaan an gating paksa,
sino ngayon ang makpagbibigay ng kahulugan ng
paghahambing? Ang paghahambing ay ginagamit sa
paglalahad ng pagkakaiba at pagkakatulad ng
dalawang tao, bagay at pangyayari
Ano naman ang dalawang uri nito?
Magkatulad at Di-magkatulad na palamang at
pasahol
I. Pagtataya ng Aralin (10 minuto)
A. Nakikilala ang Paghahambing na ginamit sa bawat Pangungusap
Panuto: Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa kahon kung
anong uri ito ng paghahambing.

1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.


2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kompara sa dati.
3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.
4. Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung
ihahambing sa kabataan noon.
5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila.
B. Napupuna ng Angkop na uri ng Pahambing ang pangungusap.
Panuto:Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita sa loob
ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.
1. ___________(gusto: di-magkatulad) kong magbasa kaysa manood ng telebisyon kapag wala
akong ginagawa.
2. ___________(maganda: magkatulad) ang pananaw naming magkaibigan sa buhay dahil ito
ang turo ng aming magulang.
3. Ako ay __________(matanda: di-magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro.
4. ___________(mahirap: di-magkatulad) ang buhay ng aking magulang kompara sa magandang
buhay na ibinigay nila sa akin ngayon.
5. Ang aking tatay at nanay ay ___________(bait:magkatulad) kaya’t mahal na mahal ko silang
dalawa.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


A. Sa isang buong papel, lumikha ng isang tula na may apat na saknong gamit ang mga
uri ng paghahambing.
Pamantayan:
Nilalaman -5
Wastong gamit ng salita - 5
Kabuoan 10 puntos
B. Basahin ang Alamat ng Durian sa pahina 25 ng inyong aklat.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na masosolusyunan sa
tulong ng aking punongguro at supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

JENALYN P. PADILLA
Guro sa Filipino

You might also like