You are on page 1of 3

Tulong Kalusugan:

Ang Problema at Kakalungan sa Pasilidad at Serbisyo sa Sektor ng Kalusugan

Isinumite ni:

Sari, Vianessa Janica C.

Isinumite kay:

G. Rodolfo Marucot

2019
KABANATA I

Panimula

Ang Kagawaran ng Kalusugan o “Department of Health” ay isang ahensyang nangunguna

sa pag-aasikaso sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayang Pilipino. Malaki ang kanilang

papel sa ating bansa at mamamayang Pilipino sapagkat magmula sa tayo’y isinilang ay

tumutungo tayo sa ospital o mga klinik upang magpa-konsulta – sila ang ating takbuhan sa oras

na magka-problema sa ating kalusugan, maliit man o malaki. Isa sa mga suliraning kinakaharap

ng Pilipinas ay ang estado ng sistemang pangkalusugan dito sa ating bansa partikular sa pasilidad

at serbisyong hinahandog sa mga pampublikong ospital sa mga probinsya at pook kung saan

malaking populasyon ng mga tao ay dito dumidiretso upang magpagamot.

Ang mga problema na kinakaharap sa sector ng kalusugan na dapat tutukan ay inilahad ng

isang medical group sa artikulo mula kay La Verdad (2016), ayon kay Dr. Antonio Dans,

kakulangan sa health worker/health staff ang pangunahing problema, dahil sa bawat apat na pung

libong mga pasyente, isang doctor lamang ang maaaring makatugon sa kanyang problema sa

kalusugan; karamihan sa mga staff ay pinipili sa pribadong ospital magtrabaho dahil sa mga

kakulangan sa pasilidad ng mga pampublikong ospital tulad ng mga hospital bed, kagamitan ng

mga nars/doctor, mga makinaryang maaaring makatulong agad sa pasyente. Isa rin ang serbisyo

ng ospital ang sistema ng mga programa sa ospital. “Kakulangan sa pasilidad ng ospital, banta sa

buhay ng mga pasyente”, iyan ay isang headline sa GMA News TV noong 2011 patungkol sa

kakulangan sa pasilidad sa kadahilanang nagkaroon ng bagyong Yolanda noon, pero kung

pupunta ka sa kasalukuyan, ay mukhang tugma pa rin sa sitwasyon ngayon ang headline. Ang

suliraning ito ay dapat pagbigyang aksyon ng kagawaran dahil maraming pasyente ang

maapektuhan kung hind ito matutugunan agad.


Ang mga dahilan rin sa hindi magandang serbisyo ng ospital ay dahil sa kakulangan sa

staff, ngunit ang pasok ng pasyente ay minsan doble pa o triple, na isang mahirap na harapin ng

isang medical staff. Malayo pa tayo sa sistemang bigayan ng libreng paggamot sa lahat, isa itong

nakaka-dismayang sitwasyon dahil ang tingin ng mga Pilipino ay kung wala kang pera ay isa

itong problema kung gusto mong magamot. Napakaimportanteng isyu itong dapat tutukan ng

gobyerno at ng kagawaran upang mapaganda ang sistema at makatulong pa sa mamamayang

Pilipino. Sa kalalukuyan, nakatutok ang Kagawaran ng Kalusugan o DOH sa kalusugan ng mga

mahihirap isa itong magandang balita dahil tutugunan ng DOH ang mga kakulangan sa mga ward

ng mga provincial hospitals upang mapabuti pa ang kalidad ng serbisyo ng sektor ng kalusugan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga iba’t ibang suliran at kadahilanan

ng mga problema at kakulangan sa pasilidad at serbisyo sa sektor ng kalusugan. Layunin din ng

pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Malaman ang mga sapat na impormasyon patungkol sa napapanahong suliranin patungkol sa

sektor ng kalusugan

2. Malaman ang mga opinyon at kalagayan ng mga pasyente at nagta-trabaho sa sektor ng

kalusugan

3. Makahanap ng karagdagang datos upang magbalangkas ng mga posibleng solusyon o

intervention sa suliraning ito.

You might also like