You are on page 1of 7

University of Caloocan City

1 College of Liberal Arts and Sciences


BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula

Ang Kagawaran ng Kalusugan o “Department of Health” ay isang ahensyang

nangunguna sa pag-aasikaso sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayang Pilipino. Malaki

ang kanilang papel sa ating bansa at mamamayang Pilipino sapagkat magmula sa tayo’y

isinilang ay tumutungo tayo sa ospital o mga klinik upang magpa-konsulta – sila ang ating

takbuhan sa oras na magka-problema sa ating kalusugan, maliit man o malaki. Isa sa mga

suliraning kinakaharap ng Pilipinas ay ang estado ng sistemang pangkalusugan dito sa ating

bansa partikular sa pasilidad at serbisyong hinahandog sa mga pampublikong ospital sa mga

probinsya at pook kung saan malaking populasyon ng mga tao ay dito dumidiretso upang

magpagamot.

Ang mga problema na kinakaharap sa sector ng kalusugan na dapat tutukan ay inilahad

ng isang medical group sa artikulo mula kay La Verdad (2016), ayon kay Dr. Antonio Dans,

kakulangan sa health worker/health staff ang pangunahing problema, dahil sa bawat apat na

pung libong mga pasyente, isang doctor lamang ang maaaring makatugon sa kanyang problema

sa kalusugan; karamihan sa mga staff ay pinipili sa pribadong ospital magtrabaho dahil sa mga

kakulangan sa pasilidad ng mga pampublikong ospital tulad ng mga hospital bed, kagamitan ng

mga nars/doctor, mga makinaryang maaaring makatulong agad sa pasyente. Isa rin ang

serbisyo ng ospital ang sistema ng mga programa sa ospital. “Kakulangan sa pasilidad ng

ospital, banta sa buhay ng mga pasyente”, iyan ay isang headline sa GMA News TV noong

2011 patungkol sa kakulangan sa pasilidad sa kadahilanang nagkaroon ng bagyong Yolanda


University of Caloocan City
2 College of Liberal Arts and Sciences
BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

noon, pero kung pupunta ka sa kasalukuyan, ay mukhang tugma pa rin sa sitwasyon ngayon

ang headline. Ang suliraning ito ay dapat pagbigyang aksyon ng kagawaran dahil maraming

pasyente ang maapektuhan kung hind ito matutugunan agad.

Ang mga dahilan rin sa hindi magandang serbisyo ng mga pampublikong ospital ay

dahil sa kakulangan sa staff, ngunit ang pasok ng pasyente ay minsan doble pa o triple, na

isang mahirap na harapin ng isang medical staff. Malayo pa tayo sa sistemang bigayan ng

libreng paggamot sa lahat, isa itong nakaka-dismayang sitwasyon dahil ang tingin ng mga

Pilipino ay kung wala kang pera ay isa itong problema kung gusto mong magamot.

Napakaimportanteng isyu itong dapat tutukan ng gobyerno at ng kagawaran upang mapaganda

ang sistema at makatulong pa sa mamamayang Pilipino. Sa kalalukuyan, nakatutok ang

Kagawaran ng Kalusugan o DOH sa kalusugan ng mga mahihirap isa itong magandang balita

dahil tutugunan ng DOH ang mga kakulangan sa mga ward ng mga provincial hospitals upang

mapabuti pa ang kalidad ng serbisyo ng sektor ng kalusugan.


University of Caloocan City
3 College of Liberal Arts and Sciences
BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa karanasan ng mga naging pasyente sa pasilidad

at serbisyo ng pampublikong ospital sa lungsod ng Kalookan na naglalayong masagutan ang

mga sumusunod:

1. Ano ang mga karanasan ng naging pasyente sa pasilidad at serbisyo ng pampublikong

ospital ng Kalookan?

2. Ano ang mga kakulangan sa mga pasilidad at serbisyo ang naranasan ng mga naging

pasyente ng pampublikong ospital ng Kalookan?

3. May pananagutan ba ang pamunuan ng ospital sa mga kakulangan sa pasilidad at

serbisyo sa pampublikong ospital ng Kalookan?

4. May kakulangan ba ang gobyerno sa pagsuporta sa mga pampublikong ospital ng

Kalookan upang maging maayos ang pasilidad at serbisyo nito?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga iba’t sa karanasan ng mga

naging pasyente sa pasilidad at serbisyo ng pampublikong ospital sa lungsod ng Kalookan

Layunin din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Upang malaman ang karanasan sa mga pasilidad at serbisyo ng naging mga pasyente ng

pampublikong ospital ng Kalookan;

2. Upang malaman ang mga sapat na impormasyon patungkol sa napapanahong suliranin

patungkol sa sektor ng kalusugan;


University of Caloocan City
4 College of Liberal Arts and Sciences
BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

3. Upang malaman ang mga problema o kakulangan sa pasilidad at serbisyo ng

pampublikong ospital ng Kalookan;

4. Upang malaman ang susunod na hakbang ng pamunuan ng mga pampublikong ospital ng

Kalookan, Kagawaran ng Kalusugan, at ng gobyerno.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa Pamunuan ng Ospital

Magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa mga problema sa pasilidad at serbisyong

naranasan ng mga naging pasyente at nang sa gayon ay mapabuti nila ito para sa mga susunod

nilang pasyente.

Sa Gobyerno

Upang malaman nila at karanasan sa pasilidad at serbisyo ng pampublikong ospital at

mabigyan ng sapat na budget para matugunan ang mga kakulangan sa pasilidad at serbisyo.

Sa mga nagta-trabaho sa Ospital

Upang magsilbi itong motibasyon sa hirap ng kanilang trabaho at matugunan ang

hinaing ng mga pasyente.

Sa mga Pasyente

Upang sila ay makatanggap ng sukdulang serbisyong dapat hinahandog hind lang sa a

pampublikong ospital ng Kalookan kundi sa ibang lugar din ng walang pagkiling.


University of Caloocan City
5 College of Liberal Arts and Sciences
BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay saklaw lamang ang karanasan ng mga naging pasyente sa

mga pasilidad at serbisyo sa pampublikong ospital sa Lungsod ng Kalookan.

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa limitadong pag-aaral ng pagkalap ng

impormasyon batay sa responde ng mga naging pasyente.

Teoretikal na Balangkas

Ayon kay Winslow, na malawakang tinatanggap ngayon, ang pampublikong

pangkalusugan ay isang samahan na naglalayong maiwasan ang mga sakit, pahabain ang

buhay, mapahusay ang kalusugan ng pisikal at kaisipan at pagbutihin ang kahusayan sa

pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap sa lipunan. Iyon ang dapat gawin ng agham at

teknolohiya. Ang pangunahing materyal ng mga programa sa pampublikong pangkalusugan ay

kinabibilangan ng: 1. Kalinisan (tubig at dumi sa alkantarilya, pagtatapon ng basura, kontrol sa

gamot, kontrol sa polusyon sa kalinisan, pagpaplano sa lungsod, atbp.) 2. Personal na kalinisan

(pag-iwas sa mga nakakahawang sakit, pag-iwas sa mga sakit sa may sapat na gulang, maternal

at kalusugan ng bata, kalusugan ng kaisipan, pagpapahusay ng nutrisyon, pagsulong ng pisikal

na fitness, atbp.). 3. Ang mga pangunahing aktibidad sa larangan ng pampublikong kalusugan

(sentro ng kalusugan, mga programa sa nars sa kalusugan ng publiko, edukasyon sa kalinisan,

mga proyektong pang-medikal, mga istatistika sa kalinisan, mga pagsusuri sa diagnostic, atbp.)

ay maaring nabanggit.
6

w
(
)
K
iA
tu
.lb
y
s
d
o
e
r
g
p
n
h
k
a
m
, n g
University of Caloocan City
College of Liberal Arts and Sciences
BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

Konseptuwal na Balangkas

A k o n s e p

OUTPUT Method. Ang una ay Input, dito nakalahad ang layunin ng pag-aaral patungkol sa

karanasan sa pasilidad at serbisyo ng pampublikong ospital ng Kalookan. Pangalawa ay


t

Process, dito nakalahad ang hakbang at proseso sa pagsisiyasat ng mananaliksik. Ang pangatlo

ay Output, dito makikita ang resulta o kinalabasan ng pagsisiyasat ukol sa pag-aaral ng

mananaliksi – kasama na dito ang nakalap na datos patungkol sa karanasan sa pampublikong

ospital.
u w
University of Caloocan City
7 College of Liberal Arts and Sciences
BACHELOR OF SCIENCE MAJOR IN PSYCHOLOGY

DEPINISYON NG TERMINO

Kagawaran ng Kalusugan - ang ahensiyang ito ang nangunguna sa pangangalaga sa

kapakanang pangkalusugan ng mga mamamayan ng bansa.

Pangangalagang Pangkalusugan - ay ang pagpapanatili ng kalusugang pang-isipan at

pangkatawan sa pamamagitan ng pag-iwas o paggamot sa mga sakit sa pamamagitan ng mga

serbisyong inaalok ng propesyong pangkalusugan at ng mga tauhan nito. Kabilang sa

pangangalagang pangkalusugan ang lahat ng makatuwiran at kailangang tulong na

pangmedisina, pagsusuring pampanggagamot, paglulunas na pangmedisina, diyagnosis na

medikal, mga ebalwasyong pangmedisina, at mga serbisyong pangmedisina. Ang karapatan sa

pagkalingang pangkalusugan ay itinuturing na isa sa mga karapatang pantao sa piling ng

internasyunal na batas na pangkarapatan ng tao, pati na kaseguruhang panlipunan (panlipunan

na seguridad).

Pasilidad - tumutukoy sa mga bagay, kagamitan, istruktura, o lugar na may partikular na gamit

o layon.

Serbisyo - Ang serbisyo ay tumutukoy sa sektor ng paglilingkod na tumutukoy sa nagbibigay

ng serbisyo (professionals) sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal,

pananalapi, pamahalaan, pangkalusugan, at turismo.

You might also like