You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

Inihanda ni: SHELLA M. SALIBIO


Hunyo 30, 2021

I. Layunin
A. Matutukoy ang mga ahensiyang may kaugnayan sa kalusugan.
B. Maiisa-isa ang mga programa at serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan.
C. Mapapahalagahan ang mga programa at serbisyong pangkalusugan.

II. Paksa
A. Paksa: Programa ng Pamahalaan tungkol sa Pangkalusugan
B. Kagamitan: Aklat
C. Sanggunian: Araling Panlipunan 4, Kagamitan ng Mag-aaral, Pahina 273-278

III. Pamamaraan
A. Balik-aral
Itanong: 1. Bakit mahalaga na may pagkakakilanlang sagisag ang bawat ahensiya
ng pamahalaan?
2. Bakit mahalagang malaman ang sinasagisag ng mga
pagkakakilanlang ito?
B. Paglalahad
Sabihin: Nais nating malaman ngayon kung paano matutugunan ng mga programa
ng pamahalaan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan.

C. Pagtatalakay
Talakayin ang mga ito:
1. Ano-anong serbisyo ang nakapaloob sa mga programang pangkalusugan ng
pamahalaan?
2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa mga programang
pangkalusugan?
3. Saan maaaring pumunta upang makinabang sa mga serbisyo nito?
4. Bakit mahalaga ang mga paglilingkod na pangkalusugan?

D. Pangkatang Gawain
Bumuo ng tatlong grupo. Pag usapan sa bawat grupo ang mga sumusunod. Itala ang
napag-usapan at sabihin sa klase.
Unang Grupo: Benepisyong natamasa na ninyo o ng inyong pamilya buhat sa mga
serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan.
Pangalawang Grupo: Mga ahensiya ng pamahalaan at iba pang samahan sa inyong
pamayanan na nagkakaloob ng mga serbisyong pangkalusugan.
Ikatlong Grupo: Mga paraan upang mapalaganap sa inyong pamayanan ang
pagtataguyod sa mga serbisyong pangkalusugan sa inyong pamayanan.
E. Paglalapat
Itanong:
1. Ano ang naitutulong ng mga programang pangkalusugan sa ating mga mamamayan?
2. Paano makatutulong ang kaalaman natin sa programang pangkalusugan?
F. Paglalahat
Pangunahing tungkulin ng mga ahensiya ng pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan
ng mga mamamayan . Lubos na mapapakinabangan ng mga mamamayan ang mga
programang pangkalusugan para sa kanilang medical.
G. Pagtataya
Gawain II

IV. Takdang Aralin


Sagutin sa papel:
Sa palagay mo, paano mo mapauunlad ang mga serbisyong pangkalusugan ng ating
pamahalaan?

You might also like