You are on page 1of 4

Pagpag sa Hapag : Isyu ng Kahirapan at Kalusugan

( Isang Proposal ng Kampanyang Pangmidya ni Cristina C.Irabagon-Angeles )


Ang Kaligiran at Suliranin
Tinatawag akong pagpag,
sa basura ako’y hanap,
Tira akong nilalasap.

Kapag ako’y natagpuan,


Nilalanghap pa lamang,
Kumakalma na ang tiyan.

Salamat sa dilang sawa,


Sa mata’t bibig ng dukha,
Ako ay naging biyaya. – ccia

Madalas kumain sa mga fastfood chain ang mga Pilipino ngayon sapagkat
kaya nitong maghain ng mga pagkaing naihahanda nang mabilis. “The recent
fast pace of living has influence people to seek a fast meal to fit into their short
lunch hours.”(Hanson,2002) Dito rin makikita ang mga pinggang may mga labis
na pagkain na kung hindi man pinagsawaan ay sadyang hindi na naubos sanhi
na rin marahil ng pagmamadali.Ngunit saan nga ba humahantong ang mga
pagkaing ito? Tamang itinatapon ito sa mga basurahan subalit bukod dito ay
may iba pa itong hantungan – ang hapag at sikmura ng pinakamaralitang mga
Juana at Juan.
Ang mga pagkaing pinagsawaan at itinapon sa basurahan ay nagiging
lamang-tiyan ng kapuspalad nating mga kababayan at posibleng maging dahilan
ng kanilang pagkakasakit at kamatayan.
Ang pagpag ay mga tira-tirang pagkain mula sa mga kainan o
restawran.Madalas na galing ito sa mga itinapong tira-tirang pagkain ng mga
fastfood chain gaya ng Mac Donalds, Jollibee,KFC at iba pa. Ayon kay Cruz
(2013), “pagpag is the local term for the leftovers found in the mounds of garbage
and disposal sites in the Philippines.” Ito ay salitang Tagalog na
nangangahulugang pagpagin ang dumi o alikabok at literal na ganito nga ang
ginagawa sapagkat mula sa basurahan ay pinapagpag lamang ang mga dumi
nito at agad na kinakain. Ang iba naman ay hinuhugasan ito at muling niluluto
upang maging ulam kinabukasan at nagiging kabuhayan din ng ilan.Sa pagkain
ng pagpag ay nagkakalaman ang tiyan subalit nasasakripisyo ang

1
kalusugan.Ang mga health professional ay nagbabala na sa pagkain ng pagpag
sapagkat makakukuha rito ng salmonella at maaring magkaroon ng parasitic
infection, diarrhea at iba pang mga kaugnay na sakit o di kaya naman ay
pagkalason.( Rodriguez, 2015).
Batay sa sarbey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) sa
unang bahagi ng taong 2016, tinatayang nasa 6.9 milyong pamilyang Pilipino o
31% ang nagsasabing sila ay “food-poor”. Isa itong pagpapatunay na ang
pagkakaroon nang sapat at malinis na pagkain ay seryosong suliranin ng/sa
bansa na dapat matugunan ng pamahalaan.
Ipinanukala ni Sen. Bam Aquino ang Senate Bill No.357 o ang Zero Food
Waste Act na naglalayong matigil ang pagtatapon ng mga pagkain sa basurahan
upang ito’y mapakinabangan at may bersyon din nito si Sen. Kiko Pangilinan,
ang Food Bank Law. Subalit ang mga batas na ito ay hindi sapat upang
matugunan ang problemang kakabit ng pagpag.Dapat na magkaroon nang higit
na makatotohanan at mapakikinabangang programa ang pamahalaan gaya ng
livelihood, housing programs, health awareness campaign at maging ang
feeding. Dapat na kumilos ang pamahalaan at magagawa ito sa pamamagitan ng
isang kampanyang pang-midya na magmumulat sa lahat ng sektor ng lipunan.
Mungkahing Midyum upang Mabilis na Matugunan ang Suliranin
Isa sa pinakaepektibo at mabilis na paraan upang mapansin at mapakilos
ang pamahalaan ay ang paggawa ng komersyal na magtatampok sa suliraning
binanggit. Ang komersyal ay isang adbertisment sa radyo’t telebisyon at hindi
matatawaran ang kapangyarihan nito. Ang paulit-ulit na pag-ere nito ay
nagbibigay ng retensyon ng mensahe sa mga tao at posibleng magbunga ito
nang pagkilos.Ayon kay Lacy (2008),”advertising is a paid mediated presentation
of information about services, products, or ideas with the specific goal of
persuading consumers to act or think in a particular way.
Mga Dahilan kung Bakit ito ang Dapat Gamitin
Ang radyo at telebisyon ay mabisang kasangkapan sa pagpapalaganap
ng kaalaman, karunungan at impormasyon dahil mas madali at mas mabilis itong
naipararating sa lalong malaking bilang ng populasyon (Lumbera,2005).Naaabot

2
ng telebisyon lalo na ng radyo kahit ang pinakaliblib na lugar (Angeles,2008). Sa
pamamagitan ng mga komersyal na ini-ere rito ay maipararating sa kinauukulan
ang suliranin ng kahirapan at kalusugan.Maaaring ang gobyerno at mga NGO ay
gumawa ng hakbang upang tumugon sa suliranin. Ang mga maralita nating
kababayan na tumatangkilik ng pagpag ay maaari ring mabuksan ang isip sa
mga usaping pangkalusugan.
Mga Posibleng Katanungan
Sino ang magbabayad sa pagbuo at pag-ere ng komersyal? Maaaring
lumapit sa mga politiko at mga NGO na ang adbokasiya ay kaugnay ng
suliraning inilahad upang makalikom ng pondo para sa pagbuo at pag-ere ng
komersyal. Gayundin sa mga kompanya at korporasyon na may ipakikilalang
produkto o konsepto na kaugnay ng paksa. Saang estasyon ng radyo at
telebisyon ito i-eere? Isang katotohanan na di birong halaga ang gugulin sa pag-
ere nito kung ito ay sa mga tanyag na estasyon sa bansa subalit maaari itong
simulan sa mga regional TV o radio network o kaya’y sa mga community channel
sa mga lugar na laganap ang suliranin upang maging simula ng paglikha ng
kamalayan kapwa ng mga pinakamaralitang mga Juana at Juan gayundin ng
mga namumuno sa bayan. Sa pagitan ng radyo at telebisyon, alin ang mas
praktikal na gamitin? Maaari rin namang unahin muna ang komersyal sa radyo
sapagkat ayon nga kay Pe (2012), “producing a simple 30-second radio
commercials is just a drop in the bucket compared to what advertisers spend on
a TV commercials”.
Panawagan Tungo sa Pagkilos at Pagsang-ayon sa Iminumungkahi
Upang matugunan nang wasto at agaran ang isyung inilahad, isang
epektibong daluyan ay ang pagbuo ng komersyal. Ayon nga kay Weber mula kay
Lynch(2016), “TV and radio are giant megaphones. When you want to get a
message out, that’s still really the most powerful means to do it.” Sa
pamamagitan ng komersyal sa radyo’t telebisyon ay wala ng pamilyang Pilipino
ang maghahain at kakain ng pagpag sa kanilang hapag.
Mga Sanggunian
http://t.manila.coconuts.co/2013/05/28/world-pagpag
http://www.rappler.come/move-ph/issues/hunger/53080-leftover-meal-hunger

3
http://www.rappler.com/move-ph/issues/hunger/50375-hungerproject-end-hunger
www.giapjournals.com/ijhss
( 947 na salita )

You might also like