You are on page 1of 1

Performance Task #2

Project Proposal

Pag-iwas sa Pagpag; Hanapbuhay laging sagana


Taladro, Blesly Rina M.
Oktuber-19, 2023
LGU at lokal na baranggay

Sa Baranggay nang Happy Land Tondo Manila, isa ang pagpag sa solusyon nila sa mga kumakalam na sikmura, ika
nga nila “mura na, masarap pa”. Sa kadahilanang nais ng mga tao ang murang pagkain, hindi na nila inalintana ang mga naka
akibat na sakit nito, lingid sa kaalaman ng nakararami, pangatlo sa pagkalahatang basura ng bansa ay ang mga tirang pagkain
na tinatapon nalang sa basurahan, na tinatawag na 'pagpag'. Ito ay isang katawagang Tagalog para sa mga tirang pagkaing
itinapon ng mga restawran o kainan sa basurahan o sa tambakan ng basura na hinahalungkat o kinakalakal para lutuing muli
at kainin. Maaaring makukuha na mga sakit mula sa mga ito. Karaniwan sa mga sakit na makukuha mula sa mga marurumi o
kontaminadong pagkain ay ang malubhang pagtatae sa bata na sanhi ng mga virus o mikrobyo, disenterya (bacillary), typhoid
fever, pagkalason sa pagkain na dulot ng mikrobyo, disenterya (amoebic) na dulot ng parasito, hepatitis na dulot ng virus, at
cholera. Upang mabawasa o maiwasan ang mga mamamayang umaasa at tumatangkilik sa pagpag, mag ha-handog kami ng
livelihood program o pangkabuhayan sa mga nag ti-tinda o mga tumatangkilik sa pagpag upang hindi na sila umasa at mag
titiis pa sa pagpag o tira-tirang pagkain.

Layunin:
 Mag babahay-bahay ang baranggay upang maka kalap ng datos para sa mga nais ng pangkabuhayan.
(kikilatisin sila kung nararapat o dapat ba silang mabigyan ng pangkabuhayan) (5 linggo)
 Hahanap ng mga posibleng sponsor sa programa (1 linggo)
 Makapag tatag ng pangkabuhayan para sa mga karapat-dapat na mamamayan (1 taon)

Mga gastusin Halaga

I. Halaga ng pagpapapagawa ng pangkabuhayan batay Php 3,000,000,000.00


sa isinumite ng napiling contractor (kasama na rito
ang materyales at suweldo)

Kabuoang halaga Php 3,000,000,000.00

Malaki ang benipis’yo nito sakanila dahil hindi na sila aasa sa pagpag para lamang mabuhay o may makain.
Ang mag be-benipis’yo sa programang ito ay ang mga nag titinda ng pagpag at ang mga nararapat na taong may nais ng
kanilang sariling pang kabuhayan.

Sanggunian:

Dennis, V. (2010). Pagpag: Survival Food for the Poorest of the Poor. https://rhbillresourcepage.wordpress.com/2010/06/10/pagpag-
survival-food-for-the-poorest-of-the-poor/

George, M. (2015). Happyland meal: Kaldereta a la pagpag. https://www.rappler.com/moveph/89595-happyland-pagpag-


meal/

Federico, S. (2023). ‘Pagpag’: recycled garbage meat eaten by Manila’s poorest.


https://efe.com/en/other-news/2023-04-24/pagpag-recycled-garbage-meat-eaten-by-manilas-poorest/

You might also like