Petmalu talaga ang lahing Pilipino lalo na noong ipinamalas
ni Bonifacio ang kanyang tapang at talino. Itinatag niya ang katipunan para sa sambayanang Pilipino. Nagkubli, nagbalak, nakipaglaban ang mga magigiting na katipunero nang hindi alintana ang anumang peligro.
Pero alam niyo ba kung ano lang talaga ang
nakakadismaya? at ano ang mas masaklap pa sa pagpaslang kay Bonifacio, pagbaril kay Rizal at pagkasawi ng marami nating bayaning katipunero? Iyon ay ang maging banyaga ang maraming Pilipino sa sariling bayan. Na mas tinatangkilik pa ngayon ang pagmamay-ari ng iba na tila limot na nga ang isa sa mga layunin ng himagsikan na sanayin natin ang ating mga sarili sa pagiging pagkamamamayan.
Ako po si Salvador na buong pusong ipinagmamalaki na
Pilipinas ang bayan ko at bilib ako sa lahi ko. Na mag iiwan po sa inyo ng tanyag na kataga ni Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa gaya ng inang sa atin ay nagpala."