You are on page 1of 1

ELEKSYON 2022: DAPAT BANG ITULOY?

Ang halalan 2022 ay malamang na magiging isa sa pinakamahalaga sa kasaysayan ng


bansa dahil ang bagong hanay ng mga pinuno na lilitaw ay responsable sa pag-angat ng Pilipinas
pataas at pasulong matapos ang kabag ng ekonomiya na dulot ng pandemiya. Ito rin ang dahilan
sa pagpili ng mga botante kung sino ang kapat-dapat na umupo bilang mga pinuno ng bansa.
Ngunit sa lagay ng panahon ngayon, ang mga tao ay nangangamba dahil sa hindi pa humupa ang
pandemiya baka magkahawa-hawa na yung virus kung sila ay magsiksikan sa pag buto.
Sa tanong na “Dapat Bang Ituloy ang Eleksyon 2022?.” Sa palagay ko ay hindi muna
dapat ituloy ang eleksyon, sapagkat may krisis pa tayong hindi pa natin maiwasan at
nangangailangan pa ito ng solusyon upang humupa na ang pandemiya. Ngunit naisip kong
maaari itong ituloy dahil sa si Pangulong Duterte ay matanda na at hindi na kaya ng kanyang
katawan mas mabuting magpahinga na muna si Pangulong Duterte at hayaan niyang ang bagong
maupong pangulo na ang bahala sa mga problema sa Pilipinas. Mas makabubuti na rin na iboto
ang tamang kandidato sa pagkapangulo nang sa ganoon ay maitawid niya sa tamang landas at
maiangat niya ang bansang Pilipinas.
“Isang Boto para sa Tamang Kandidato” ito ay isang simpleng kataga na may malalim na
kahulugan. Ibig-sabihin, huwag nating piliin ang mga kandidato na sa pakiramdam nila ay pera
lang ang makapag pa-angat sa kanila sa butuhan gayun paman piliin natin ang mga kandidato na
nagpapakita sa kanilang responsibilidad bilang mamumuno na kayang baguhin at palaguin ang
bansang Pilipinas. Piliin natin ang tamang kandidato ngayong eleksyon 2022.

You might also like