You are on page 1of 3

Commission on Diocesan Schools

SAINT CHRISTOPHER ACADEMY


Central East #1, Bangar, La Union
Tel. No. (072) 619-6949
Email: st.christopher.academy.elyu@gmail.com
DepEd School ID: 400082 || ESC School ID: 0100068

BANGHAY-ARALIN FILIPINO 7
Marso 07,2022 (10:00 AM-11:00 AM)

SEKSYON: GRADE 7 SAINT JUDE

Nilalaman ng Pag-aaral
Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Pamantayang pangnilalaman: Ang mag-aaral ay nagpapamalas ng pag-unawa sa Ibong


Adarna bilang isang obra maestra sa panitikang Pilipino.

Pamantayan sa pagganap: Nasasagot ang mga tanong kaugnay ng binasa ng mga mag-
aaral ang buod ng kuwento.
Kasanayang pampagkatuto: Ang mga mag-aaral ay namumungkahi ng mga angkop na
solusyon sa mga suliranin sa akda.

Mga target sa pag-aaral:


Natutukoy kung anong hitsura ng Ibong Adarna
Nakapagsasaad ng mga bagay na nababatid patungkol sa Ibong Adarna
Nasasagot ang mga tanong kaugnay ng binasa;
Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliranin sa akda.

Pamaraan o Proseso ng Pagkatuto


PANIMULA
Panalangin
Pagtala ng lumiban o pagtsek ng atendans
Paglahad ng layunin ng paksa
Gawain 1
“4 PICS ONE WORD”
Kailangan sagutin ang mag-aaral ang palaisipan sa pamamagitan ng mga apat na
larawan. Maguunahan silang hulaan ang tamang salita at magiging patnubay nila ito
ang mga nakalagay na letrang nasa kahon upang mabuo ito.
Gawain 2
Ang mga estudyante ay kailangan na tukuyin kung alin ang mga nasa larawan ang
itsura ng Ibong Adarna at ano ang nalalaman nila ukol dito

INTERAKSYON
Ibong Adarna: Buod
Ilahahad ng guro ang tungkol sa Ibong Adarna at ang mga tauhan nito. Pagkatapos
ang mga estudyante ay magbabasa ng buod ng Ibong Adarna sa kanilang libro.

INTEGRASYON
Mayroong ibon na may pitong makukulay na balahibo’t isa-isa pipili ang mga piling
mag-aaral gamit ang “Wheel of names”. Ang mga balahibong iyon ay may kalakip na
tanong.
Ano ang pinakapaborito mong pangyayari? Bakit?
Kung isa ka sa mga tauhan sa kuwento, sino ka at bakit?
Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang pangyayari na matatagpuan sa Ibong
Adarna? Bakit?
Sang-ayon ka ba sa wakas ng Ibong Adarna? Bakit oo? Bakit hindi?
Kung ikaw ang manunulat at maari mo pang baguhin ang ilang tagpo at pangyayari sa
akda, alin sa mga ito at bakit?
Ano ang iyong mga natutuhan mula sa akdang ating natalakay?
Sa paanong paraan ito nakatulong o makatutulong sa iyong buhay?

PAGTATASA
Panuto: Suriin ang ilang mga pangyayari sa akda at piliin ang suliraning
panlipunang maiuugnay dito. Pagkatapos bigyang solusyon ang mga ito.
Hanay A Hanay B Solusyon
Di umano’y si Don Juan a. ang pagiging suwail ng
Bunso niyang minamahal mga kabataan sa mga
Ay nalilo at pinatay tagubilin sa kanila
Ng dalawang tampalasan

Kayapo kung pipigilan b. pagiging mapusok ng


Itong hangad kong magaling kabataan sa larangan ng
Di ko maging sala mandin ng pag-ibig
Umalis nang palihim

Anang matandang may dusa c. pagsasawalang halaga


“Maginoo, maawa ka ng buhay ng iba kahit na ito’y
Kung may baon kayong dala malapit sa iyo
Ako po’y limusan na”.
Ang prinsipe ko’y di kumibo d. labis na kahirapan
Ngunit nasaktan ang puso sa bansa
Ang matanda’y hinuhulo
Baka siya’y binibiro

Pagka’t di namakatiis e. marami na ang


Timpiin na ang pag-ibig nanggugulang sa kapwa
Ng prinsipeng sakdal rikit

KASUNDUAN
Magsaliksik tungkol sa iba pang banyagang kwentong-bayan na kahalintulad ng
koridong Ibong Adarna. Pumili ng isa at ihalintulad ito sa Ibong Adarna sa
pamamagita ng Venn Diagram.

Inihanda ni: Siniyasat ni:

Jonalyn D. Obina Gng. Remedios Sabado


Guro Punong-guro

You might also like