You are on page 1of 1

MGA LARO AT GAWAING PANGKLASRUM Pinanabikan nga mga mag-aaral ang iba’t-ibang

laro at gawaing pangklasrum. Nagdudulot ito ng ibayong sigla sa kanila upang makilahok sa
proseso ng pagkatuto. Nalulunasan ng mga laro o gawain ang pagkabagot at pagkapagod ng mga
mag-aaral sa matagalang pag-upo sa kanilang mga upuan at pakikinig sa talakay ng guro. Sa
paglalaro, nabibigyang-buhay ang kanilang pag-aaral at nagigising ang kanilang diwa.

Maaari itong gamitin ng guro bilang pangganyak sa kanyang mga estudyante upang mas lalong
ganahan sa pagkatuto ng kanilang aralin, bukod dito ay nagdudulot din ito ng mabuting epekto sa
aspekto ng pakikipagkapwa ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga laro at gawaing pangklasrum
ay natututunan ng mga mag-aaral na makisama sa kanyang kapwa mag-aaral. Subalit hindi rin
maiiwasan na magkaroon ng mga alitan at hindi pagkakaunawaan lalo na kung may kalakip na
kompetisyon ang isang laro kaya’t napakahalaga ng gabay ng guro. Sa ganitong mga pagkakataon
ay kailangang tiyakin ng guro na magig mabuti ang epekto nito sa mga mag-aaral at hindi
magdulot ng away o inggitan.

Home Mapúa Institute of Technology IT 154-Spring 2016 DULAY, TONNY JR S. Fil 142-A
(Kagamitang Pampagtuturo).pdf

You might also like