You are on page 1of 2

Group 1 Script

Ang Kwento ni Romulus at Remus

Narrator: Noong unang panahon, may isang Lating Prinsesang nagngangalang Rhea. Hinuli siya ng
kanyang tiyuhin na ubod ng sama upang hindi siya manganak.

Tiyuhin: Dito ka lang! at wag na wag mong susubukang umalis!

Narrator: Lumipas ang ilang araw at iniwan ni Rhea ang kanyang tiyo at nagpakasal kay Mars, ang diyos
ng digmaan.

*magbobow sina Mars at Rhea habang sinasabuyan ng bulaklak”

Narrator: Si Rhea ay nagsilang ng kambal at pinangalanang Romulus at Remus

*sound effects na umiiyak na bata, nakatakip ng puting kumot”

Tiyuhin: Mabuti pa ang aking pamangkin ay Masaya at may pamilya, habang ako? Tss magisa lang sa
buhay.

Narrator: Naiingit ang tiyuhin ni Rhea at nagisip kung paano maaalis ang kanyang inggit

*nagisip – isip ang tiyuhin*

Tiyuhin: Alam ko na! papatayin ko na an gang aking pamangkin at ang kanyang asawa

*papatayin ng tiyuhin ang dalawa; war sound fx*

Narrator: Matapos paslangin sina Rhea at Mars, inutusan ng tiyuhin ang isang serbidora na patayin rin
ang kambal

*pupunt sa teacher’s table at akmang papatayin ang kambal*

Serbidora: kawawa naman ang dalawang batang ito, hindi ko naming kayang sundin ang inuutos sa akin.

Narrator: hindi nagawang patayin ng serbidora ang inutos sa kanya kaya’t nagpasya na lamang siya na
paanurin ang dalawa sa ilog ng Tiber.

*ilalagay sa basket ang dalawa at papaanurin; sound effects na umaanod ang tubig*

Narrator: Nakita ng isang lobo ang kambal at inampon niya ang mga ito.

*maglalakad lakad si Faustulus*

Faustulus: Ano kaya iyon? Nakakatuwa naman ang mga batang ito, tiyak na ikagagalak ng asawa ko ang
aking dala.

*uuwi si Faustulus kay Larentia*

Faustulus: Mahal! Tignan mo itong dala ko oh.

Larentia: kanino mga anak yan?

Faustulus: ‘di ko rin alam eh, nakita ko lang ito sa may pampang ng ilog Tiber.
Larentia: kawawa naman ang mga batang ito, ampunin na lang naten

Faustulus: Sige!

Narrator: Itinuring ng dalawa na parang tunay na anak sina Romulus at Remus. Lumipas ang ilang taon at
lumaki sina Romulus at Remus na malusog at malakas

*lalabas sa puting takip si Romulus at Remus*

*maguusap sina Romulus at Remus, tatango tango*

Narrator: Iniwan nila ang tahanan upang magtatag ng siyudad malapit sa ilog ng Tiber.

*maglalakbay ang dalawa*

Romulus: Kapatid, dahil ako ang panganay sa tingin ko ay nararapat lang na ipangalan sa akin ang
siyudad na ito.

Remus: Teka lang, tayong dalawa ang nagbuo ng siyudad na ito.

Romulus: ako ang panganay kaya ako ang masusunod!

Remus: Hindi pwede ang ninanais mong yan!

Romulus: Edi maglabanan tayo. Ang sino mang ,anatiling buhay ay sakanya ipapangalan ang siyudad na
ito.

Remus: Sige ba!

*kukunin ang sandata sa gilid*

Narrator: Naglaban ang dalawa hanggang sa mapatay ni Romulus ang kanyang kapatid na si Remus.

Romulus: Ngayon ay tatawagin ko ang siyudad na ito na Rome at ako ang unang hari ng Siyudad ng
Roma.

Narrator: At doon nagtatapos ang kwento ni Romulus at Remus.

*lilinya at magbobow*

________________________________________THE END______________________________________

You might also like