You are on page 1of 17

3

Module 4

Filipino
“Saan ka Pupunta?”

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________________

Pangalan ng Guro:__________________________________

Pangalan ng Paaralan:______________________________

A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of the Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office within the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.” This material has been developed within the
Basic Education Assistance for Mindanao (BEAM) project. Prior approval must be
given by the author(s) or the BEAM Project Management Unit and the source must
be clearly acknowledged.

Produced by the Materials Development Center, Region XI


“Saan Ka Pupunta?”

Mahal na Mag - aaral

Ang modyul na ito ay mahalaga sa lahat na matutuhan


ang tamang direksyon. Makatutulong sa pagkilala ng angkop na
pananalita sa pagbibigay ng direksyon.

Ano ang matutunan mo ngayon?

Nagagamit ang wastong paraan at angkop na pananalita sa


pagtatanong at pagbibigay ng direksyon.

Subukan Mong Sagutin

Naglalaro sa bakuran si Jayson. May lumapit sa kanya na


lalaki. Tinanong ang bahay ni G. Ramon Reyes. Ito ang
direksyong ibinigay ni Jayson sa lalaki. Mula rito sa bahay,
lumakad ka ng padiretso. Pagdating mo sa kanto, lumiko ka sa
kanan. Bibilang ka ng limang bahay. Sa tapat ng tindahan ang
bahay ni G. Ramon Reyes.

1
Punuan ng angkop na salita ang patlang upang magamit ang
tamang direksyon:

1. Mula rito sa ____________(gitna, bahay, loob)

2. Lumakad ka nang _________________(padiretso, paliko,


patuwid).

3. Pagdating mo sa kanto, __________________ ka sa kanan.


(dumiretso, lumiko, tumakbo)

4. _________________ka sa limang bahay. (Titindig, Lalakad,


Bibilang).

5.Sa ____________ ng tindahan ang bahay ni G. Ramon Reyes.


(tapat, dulo, gilid)

Tapos ka na? Tingnan mo ang iyong sagot sa “ Susing Sagot


“ sa likuran ng modyul na ito. Isulat ang iskor sa laso.

Iskor

2
Tama ba lahat ang sagot mo? Kung 4 o 5 ang nakuha
mo magaling ka! Natutunan mo na ang modyul na ito.
Magpatuloy ka sa susunod na modyul.

Kung 3 o pababa ang nakuha mo, huwag mag –alala.


Para sa iyo ang modyul na ito! Magpapatuloy ka sa mga
sumusunod na gawain.

Mag – Aral Tayo

Nakatulong na ba kayo sa mga taong naghahanap ng


direksyon?
Alam mo ba ang angkop na pananalita sa pagbibigay ng
direksyon?
Basahin muna natin ang usapan upang malaman kung paano
ito gagamitin.

“Nasaan Na Ba Si Robert”

Robert: Magandang tanghali, Eric! Maaari


bang magtanong?

Eric: Aba, Oo.

Robert: Eric, saan po ba ang bahay ni


Engineer Tamayo?
Kanina ko pa hinahanap pero hindi
ko makita.

Eric: Sa Phase 2 sila nakatira. Diretsuhin


mo lang ang Kalyeng Nara. Pagdating mo
sa kanto, lumiko ka sa kanan at makita mo
ang Kalye Apitong. Bumilang ka ng limang
bahay mula sa kanto. Iyon ang bahay ni
Engineer Tamayo.

Robert: Salamat, Eric. Aalis na ako!

3
1. Bakit nagtatanong si Robert?
(Dahil naliligaw siya.)

2. Sino ang napagtanungan niya?


(Si Eric)

3. Ano ang kanyang sinabi?


(Saan ang bahay ni Engineer Tamayo)

4. Ibigay ang angkop na salitang ginamit ni Eric sa pagbibigay


ng direksyon.
- diretsuhin ang Kalye Narra
- lumiko sa kanan
- bumilang ng limang bahay

Mahalaga ang pagsunod ng direksyon tulad sa


sumusunod na pahayag:

Sa pagtatanong ng direksyon:

-Maging magalang. Gumamit ng magagalang na


pananalita gaya ng:

1. Maaari po ba?
2. Saan po kaya makikita ______?
3. Saan po ba ang daan papunta sa _______?

Sa pagbibigay ng direksyon

1. Gawing payak at maikli ang ibibigay na direksyon.


2. Sabihin sa maliwanag na pananalita ang ibibigay na direksyon.

Narito ang ilang pananlitang magagamit sa pagbibigay


direksyon.

• Lumakad kayo nang padiretso.


• Diretsuhin ang kalye______.
• Lumiko sa kanan/ kaliwa.
• Bumilang ng (tatlong/____) bahay.
• Sa tapat ng (simbahan) makikita_________.

4
Maging magalang sa nagtatanong at sa pagbibigay ng
direksyon.

• Magandang (umaga, tangahali, gabi).


• Walang anuman.
• Mag – ingat (ka, kayo).

Magsanay Tayo

Pag-aralan ang mapa ng Baranggay Concepcion. Handa ka


na ba sa unang Gawain? Okey Umpisahan mo! Pag-aralan ang
mapa ng Baranggay Concepcion.

B B C
Mataas na Paaralan ng Baranggay
U A O
P Concepcion L R N
KA
K
A
K K W A C
A A A N E
R G G P
L Simbahan Palengke L
A A G C
Y Y
L
E E N A I
A Ng Y O
KALYE QUEZON
N
M N
A
ABC Terminal G
R Plasa A
I A M S
O Z A U
S A S S B
P L Tamayo’s Angelo’s Nipa Mini A A D
I Dental Drug Store Mart Y G I
T Clinic A V
A N I
L A S
I
O
N

5
Gawain 1

Panuto: Ibigay ang angkop na pananalita sa pagbibigay ng


direksyon sa Baranggay Concepcion. Bilugan ang titik sa
pangkat na tama ang sinunod na direksyon, sa sitwasyon.

Naglalaro ka sa Plasa ng bayan.


Napagtanungan ka ng isang turista.
Ibig niyang malaman ang daan
patungo sa Masagana Subdivision.

A. Mula sa Plasa, kalye Rizal, paaralan, Masagana


Subdivision
B. Mula sa Plasa, simbahan, Nipa Mini Mart, Masagana
Subdivision
C. Mula sa Plasa, kalye Quezon, kalye Magsaysay,
Masagana Subdivision
D. Mula sa plasa, tumawid at dumaan sa Tamayo’s Dental
Cllinic, Angelo’s Drugstore,
E. Mula sa Plasa, tumawid at dadaan sa Tamayo’s Dental
Clinic, Angelo’s Drugstore, Nipa Mini Mart at tatawid sa
Kalye Magsaysay at ito na ang Masagana Subdivision.

Tingnan sa “ Susing Sagot” tama ba ang iyong sagot? Ano ang


iskor mo? ISKOR

Magpatuloy ka sa susunod na gawain.

6
Gawain 2

Panuto: Basahin ang diyalogo at sagutin ang mga tanong kung


nasunod mo ang tamang direksyon.

“Naligaw si Joseph”

Inutusan si Joseph ng kanyang kuya Allan sa pagsasauli


ng aklat kina G. Adrian Ramos. Nakatira ito sa malapit na
subdibisyon.
Mabilis na lumakad si Joseph ngunit nakalimutan niya
ang bilang ng tahanan ni G. Adrian Ramos. Hinanap ito ngunit
hindi niya nakita, nang masalubong niya si Eric na ka eskwela niya

Magandang tanghali,
Eric.Maaari bang
magtanong? Aba, Oo, Joseph

Doon sa Phase 2
sila nakatira.
Eric Saan kaya Diretsuhin mo
rito ang bahay ang kalyeng ito
ni G. Adrian ng Narra.
Ramos? Pagdating mo sa
kanto, lumiko ka
sa kanan. Iyon
ang kalyeng
Apitong.
Bumilang ka ng
limang bahay
mula sa kanto.
Iyon ang bahay ni
G. Adrian Ramos.

7
Salamat,
Eric. Sige
tuloy na
ako.

Magsimula ka sa pagsagot rito! Bilugan ang tamang sagot.

1. Sino ang napagtanungan ni Joseph?

a. Michael b. Eric c. Jayson


2. Ano ang kanyang sinabi kay Eric?

a. Magandang umaga Eric.


Maaari bang magtanong?
b. Magandang araw, Eric.
Maaari bang magtanong?
c. Magandang tanghali, Eric.
Maaari bang magtanong?

3. Alin sa sumusunod ang tamang pagkabigay ng direksyon?

a. Phase 2 kalye Apitong, pagdating sa kanto, lumiko


sa kanan ang bahay ni G. Adrian Ramos.
b. Diretsuhin ang kalye Narra, pagdating sa kanto,
lumiko ka sa kanan kalye Apitong, Bumilang ng
limang bahay. Iyon ang bahay ni G. Adrian Ramos.
c. Bumilang ng limang bahay mula sa kanto Narra.
Bahay ni G. Adrian Ramos.

4. Ano ang pananalitang nagamit sa pagbigay ng direksyon?

a. Lumiko sa kanan.
b. Salamat po
c. Magandang tanghali po.

8
• Nasagot mo bang lahat. Tingnan ang tamang sagot sa “
Susing Sagot.” Isulat ang iskor mo sa ribbon.
Congratulations!!! Magaling!!

Iskor

• Ngayon, alam mo na ba ang angkop na pananalita sa


pagtatanong at pagbibigay ng direksyon?

Tandaan Mo

• Maging magalang sa pagtatanong ng direksyon.


• Gumamit ng:
- Maaari po ba?
- Saan po kaya makikita_______?
• Ang mga pananalitang nagagamit sa pagbibigay ng
direksyon ay:
- Lumakad ng paderetso.
- Diritsuhin ang Kalye(Mabini)
- Lumiko sa kanan (kaliwa)
- Bumilang ng tatlong bahay.
- Sa tapat ng (simbahan) makikita.
• Inaasahan kong alam mo nang gamitin ang pagbibigay ng
direksyon.

9
Subukan Mo

Sa terminal may bagong guro ng dumating, itatanong


sayo ang daan patungo sa paaralan.

Ito ang direksyon patungong paaralan.


Mula sa terminal ng bus, tawirin ang daang Durian.
Lumiko sa daang Atis, hanggang makarating sa paaralan.

Panuto: Isulat ang bilang 1, 2, 3, 4, 5 sa kahon upang masunod


ang tamang direksyon patungong paaralan.

Lumiko sa daang Atis.

tawirin ang daang Durian.

mula sa Terminal ng Bus.

ito ang direksyon patungong paaralan.

hanggang makarating sa paaralan.

Tingnan ang tamang sagot sa “Susing Sagot” Ano ang iskor Mo?
Iskor

Kung 4 o 5 ang iskor mo, magaling ka! Magpapatuloy


ka sa susunod na modyul.
Kung 3 o pababa ang nakuha mo, sagutin mo muna
ang Subukang Muli nang lubos mong matutuhan ang araling ito.

10
Subukan Muli

Basahin ang kuwento tungkol sa isang taong


nagtatanong at sagutin ang sumusunod na mga tanong,
bilugan ang tamang sagot.

Madaling nakita ang Hinahanap

Tumigil ang isang dyip sa harap ng tindahan ni


Susan. Bumaba ang lalaking nagmamaneho at magalang
na nagsalita, “Magandang araw po. Maaari po bang
magtanong? Saan po ba makikita ang bahay ni Ginoong
Cruz?”
“Mula po rito ay lumakad kayo hanggang sa
ikaapat na kanto. Pagsapit po ninyo roon ay kumanan
kayo. Makikita po ninyo ang bahay ni Ginoong Cruz, na
may bilang 9”, sagot ni Susan.
Maraming pong salamat. Madaling nakita ng
lalaki ang kanyang hinahanap.

1. Bakit lumapit sa tindahan ang lalaking


nagmamaneho ng dyip?
a. Bumili ng pagkain sa tindahan.
b. Nagtatanong kung saan ang bahay ni Ginoong
Cruz.
c. Uninom ng tubig sa tindahan.

2. Kung ikaw ang pinagtanungan, ano ang isasagot mo


kung nagpapasalamat ang taong nagtatanong?
a. sa susunod tandaan mo ang daan.
b. Wala pong anuman.
c. Hawag ka ng bumalik, para hindi ka mawala.

11
3. Ano ang ginawa ng lalaki bago nagtanong?
a. sinabi na “ Magandang araw po. Maaari po bang
magtanong?
b. Saan po ba rito ang bahay ni Ginoong Cruz.
c. Samahan mo muna ako sa bahay ni Ginoong
Cruz.

4. Ano ang direksyong ibinigay ni Juan?


a. Mula po rito makita nyo ang bahay ni Ginoong
Cruz.
b. Mula po rito ay lumakad kayo hanggang sa
ikaapat na kanto.
c. Mula po rito ay lumakad kayo hanggang sa
kabilang kalye.

5. Pagkatapos mong makapagtanong ano ang


sasabihin mo sa pinagtanungan mong tao?
a. Marami pong salamat.
b. Walang anuman.
c. Paalam na po.

12
SUSING SAGOT

Subukan Mong Sagutin (pahina 3-4)

1. bahay
2. padiretso
3. lumiko
4. bibilang
5. tapat

Magsanay tayo (pahina 7-10)

Gawain 1

E. Mula sa Plasa, tumawid at dadaaan sa Tamayo’s


Dental Clinic, Angelo’s Drug Store, Nipa Mini Mart at tatawid sa
kalye Magsaysay at ito ang Masagana Subdivision.

Gawain 2 Subukan Muli (pahina 11-12)


1. b
2. c 1. b
3. b 2. b
4. a 3. a
4. b
Subukan Mo 5. a

4 Lumiko sa daang Atis

3 Tawirin ang daang Durian

2 Mula sa Terminal ng bus

1 Ito ang direksyon patungong paaralan


5 hanggang makaarating sa paaralan

13
ACKNOWLEDGEMENT

The Basic Education Assistance for Mindanao (BEAM)gratefully recognizes the special
people who have shared their expertise, skills, time and efforts which made the successful
completion of this Distance Learning Modules (Filipino-Grade III), to wit:

Executive Committee
Dr. Ian D’ Arcy Walsh – BEAM Australian Project Director
Mrs. Susana Teresa Estigoy – BEAM Phil. Project Manager
Mr. Roger Saunders – Materials Development Adviser
Mr. Ramon Bobier – Community Development Adviser
Deborah Helen Moulton – In – Service Adviser
Dr. Gloria Labor – BEAM Deputy Philippine Project Manager
Mrs. Emelita Salvado – Assistant Chief, Elementary Department

The Module Writers:


Hazel V. Luna – MT I
Rita Rellanos – MT I
Eustanisa Salces – MT I
Dr. Grilleta N. Irava, Learning Area Specialist
Emelita R. Salvado, Adviser

The Access Team:


Access Program Regional Coordinators – Mrs. Rosemarie D. Ygente (GOA)
And Mrs. Helen Arancon (GOP)
Project Development Officers – Mrs. Josephine K. Calag (GOP)
and Genevieve Cervantes (GOA)

The Materials Development Team:

Mrs. Ma. Ines C. Asuncion – RXI Manager


Flordelyn A. Alagao – Project Officer/ Desktop Publisher
Ross Marie Mabanglo – Project Officer
Gina Lumintac – Project Assistant/ Machine Operator

DLP Office (Digos)


Ms. Helen Arancon – DLP Coordinator
Aldis James Nevelle Moral – Encoder
Danreb C. Latras – Encoder
Eduard L. Pulvera - Encoder

A special thanks goes to Dr. Angelina C. Giducos, CESO V, Schools Division Superintendent
of Davao Del Sur for her strong leadership in providing most valuable technical support to
the writers and being responsible for helping BEAM implement this Distance Learning
Program.

The BEAM Management

14
15

You might also like