You are on page 1of 1

Code No. Objectives Placem No.

of Percenta
ent Items ge
EsP6P-IIa-c- Naipakikita ang kahalagahan ng 1-10 10 100%
30 pagiging reponsable sa kapwa:
2.3 pagiging matapat
Total 10 100%

Summative Test No. 3 Q2 – ESP 6 SEPTEMBER 8, 2017


Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Nakasunod kang naglalakad sa isang matandang babae at bigla mong nakita na nalaglag ang kanyang
pitaka. Ano ang dapat mong gawin?
a. Lapitan ang matanda at isauli ang nakita mong pitaka.
b. Itago sa bag dahil hindi naman alam ng matanda.
c. Tingnan muna ang paligid kung may taong nakatingin at kung wala itago ang pitaka sa bulsa.
2. Sobra ang sukli na ibigay ng tindera sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
a. Huwag kumibo at itago na lang sa bulsa.
b. Huwag nang ipaalam sa tindera dahil sayang iyong pera.
c. Isauli sa tindera ang sobrang sukli.
3. May naiwang bag sa loob ng taxi at naglalaman ito nga maraming pera.
Ano kaya sa palagay mo ang dapat gawin ng taxi driver?
a. Dalhin sa pulisya at ipanawagan sa radyo ang nakitang pera para masauli sa may-ari.
b. Iuwi sa bahay dahil wala naming nakakaalam.
c. Ipamigay ang pera sa mga mahihirap.
4. Nasira mo ang laptop ng iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
a. Aminin ang kasalanan sa kapatid at humingi ng tawad.
b. Itago ang laptop sa lugar na hindi makikita ng iyong kapatid.
c. Itanggi na ikaw ang nakasira sa laptop.
5. Mayroon kayong pagsusulit sa klase at hindi ka nakapag-aral. Ano ang gagawin mo?
a. Mangopya na lang ng sagot sa katabi.
b. Buksan ang notebook kapag hindi nakatigin ang guro.
c. Sasagutin ang pagsusulit sa abot ng aking makakaya.
6. Isang guro si Gng. Santos. Maaga siyang pumapasok sa paaralan, nagtuturo nang mabuti sa mga bata at
umuuwi sa takdang oras sa hapon. Ano ang ipinakita ng guro?
a. katapatan sa kanyang tungkulin b. katapatan sa mga magulang c. katapatan sa mga bata
7. May ipinadalang isang malaking supot ng tinapay ang iyong guro at ito ay iyong ipamimigay sa iyong mga
kaklase. Ano ang iyong gagawin?
a. Babawasan ang tinapay dahil hindi naman malalaman ng guro.
b. Ipamigay nang tama ang tinapay sa mga kaklase.
c. Ibenta ang ilang tinapay para mayroon kang pera.
8. Nakita mong nangungopya ng sagot ang iyong kaklase sa kanyang tabi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Gayahin ang kaklase. c. Huwag na lang pansinin.
b. Isumbong sa guro para mapagsabihan at matama ang maling gawain ng kaklase.
9. May nakita kang isang payong sa inyong paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Dalhin na lang sa bahay dahil wala kayong payong.
b. Itago sa bag dahil wala namang tao sa paligid.
c. Dalhin sa “Lost and Found Booth” ng inyong paaralan.
10. Ano ang ibig sabihin ng “Ang batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos binibiyayaan”?
a. Ang batang matapat ay palaging nananalangin sa Diyos.
b. Ang batang matapat sa lahat ng bagay ay palaging pinagpala ng Diyos.
c. Ang batang matapat ay palaging nagsisimba.

You might also like