You are on page 1of 3

JOYCE O.

INTERIOR

Competency: (Filipino 1-4th Quarter)

Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa kuwento,


tekstong pang-impormasyon at tula

(RBI MELC Q4 Grade 1 page 17 of 38)

Story:

IDOL KO SI TITSER
Kwento ni: Joann R. Carranza
Guhit ni: Ricardo C. Tansioco

IDOL KO SI TITSER

Araw-araw ay sabik pumasok sa paaralan si Tamina. Nais niya laging


makita ang kanyang guro na si Titser Elena.
Pagpasok pa lang sa silid-aralan ay mababakas na ang sigla sa pisngi ni
Tamina. Sa loob ng silid-aralan ay lagi siyang masaya at handang matuto.
Hangang hanga si Tamina kay Titser Elena dahil sa kaniyang mga
kakayahan.
Sa saliw ng musika ay napapaindak niya ang kanilang maliliit na paa.
Sa pagtugtognaman ng gitara ay naiparirinig ang kanilang mumunting tinig.
Sa pagsulat ay lagi ring nakaalalay si Titser Elena.
Hindi rin nagsasawa sa paggabay sa kanilang pagbabasa.
Ang kakayahan sa pagguhit ay nakamit nila dahil sa matiyagang kamay ni
Titser Elena.
Sa paglalaro, ang kaniyang turo ay pakikipagkapwa-tao.
Pagbibigayan naman ang kaniyang pangaral sa oras ng kainan.
Bukod pa sa mga ito ay marami ring paalala si Titser Elena na palaging
isinasapuso ni Tamina.
Ang sabi ni Titser Elena, “Ang galit ay nakakawala ng bait.”
“Ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kapwa ay aani ng kapayapaan.”
“Igalang at sundin ang mga magulang at nakatatanda sapagkat sila ang
aalalay sa inyong tagumpay,” pangaral ni Titser Elena.
Minsan ay nag-usap sina Tamina, Ikoy, at Tala tungkol sa kanilang mga
idolo.
“Ang idolo ko ay si Tito Anton…isa siyang doctor,” bungad ni Ikoy.
“Gaya niya, nais kong manggamot at magligtas ng buhay ng mga tao,”
dagdag pa nito.
Sunod na tumayo si Tala. “Ang idolo ko naman ay si Lea Salonga. Isa
siyang magaling at sikat na mang-aawit.” “Katulad niya, gusto kong kumanta sa
entablado at makilala sa aking katangi-tanging talento,” sabi ni Tala.

“Ikaw, Tamina, sino ang idolo mo?” tanong nina Ikoy at Tala.
“Ang idolo ko ay si Titser Elena dahil siya ay may tiyaga sa paghahasa ng
ating mga talento. Ang mga pangaral niya ay tanda ng pagpapahalaga at
pagmamahal niya sa atin,” masayang sagot ni Tamina.
Naging masaya ang pag-uusap ng mga bata tungkol sa kanilang mga idolo at
naunawaan nila na ang kabutihan at kagandahang-asal ang dapat na iniidolo sa
isang tao.
“Mag-aaral ako ng mabuti, para matupad ko ang aking pangarap na maging
katulad ni Titser Elena,” sabi ni Tamina sa kaniyang sarili.

You might also like