You are on page 1of 1

Lemuel C.

Genterola 9-Falcon

Elehiya sa Kamatayan ni Lola Ana

Sa tuwing ako'y nasasaktan.


lagi siyang handa para ako'y alagaan.
Sa oras na akoy sinumpong ng kasungitan
Lumapit siya't akoy niyakap sabay hagkan
Kahit anong laro, sinasabayan
Tinitiis, itong aking kakulitan
Palaging nandiyan para ako'y protektahan.
Hindi ka nag sasawa na ako'y samahan.

Sa usapang barya, akoy sa kaniya lumalapit


Siya'y ngingiti at dudukot sa pitakang maliit
Bago ibigay tatanungin kung anong kapalit
"Salamat" at yayakapin siya ng mahigpit
Siya ang unang nagturo sa akin
Ng mga tama at dapat na gagawin
Ngunit dunating ang araw na siyay kunin
Puso naming lahat nagluksa rin

Sino na ang makakalaro? Walang nang alam.


Makasama pa siya iyon ang kagustuhan.
Wala na ang kakampi, siyay namaalam
Hindi batid, kalungkutang naramdaman.
Kahit bata pa ako noon, tumatak siya sa aking isipan
Ngunit sa kabila nun, katawan lang ang namaalam
Hindi mawawala pagmamahal na inilaan.

You might also like