You are on page 1of 576

3

Araling Panlipunan
Kagamitan ng Mag-aaral

Rehiyon III
Gitnang Luzon

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Ikatlong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral – Rehiyong III Gitnang Luzon
Unang Edisyon 2019

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Konsultant at Editor: Angelica M. Burayag, Ph.D., Virgilio L. Laggui, Ph.D., Alma G.
Pineda, Nida Blanca L. Fisco, Emmanuel V. de Mesa, Cesar G.
Legaspi, Juanito L. Lumibao Jr., Catherine F. Basa
Mga Manunulat: Ma. Rosalie S. Austria, Jeaneth B. Doyog,
Mary Abigail R. Bautista, Diosdado S. Mateo, Jose R. Galang,
Teodora J. Mendoza, Angelique A. Romero,
Mary Jane N. De Vera, Grace E. Almera, Alma A. Lingat
Tagaguhit: Ireneo A. Bucsit, Jr., Krislene Ida N. Mercado,
Perry Lou M. Eugenio, Mauryl P. Maulawin,
Jane Racquel P. Tarriela, Maelyne L. Yambao,
Niño M. Ignacio, Joseph Ruel M. Mostoles, Romeo C. Ordoñes
Tagalapat: Jay Ahr E. Sison, Jeremy P. Daos, Jacqueline E. Libut,
Leonardo S. Amarila, Karen D. Romero,
Richard M. Payawal, Erwin H. Iruma, Ethel Joy T. Bagtas
Mga Tagapamahala: Bureau of Learning Delivery
Bureau of Learning Resources
CLMD – Learning Resource Management Section (LRMS) -
Rehiyon III

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________________________

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Office Address: Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph; blr.lrpd@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita

Sa pag-iral ng programang K to 12, maraming mahahalagang


pagbabago sa nilalaman at pamantayan sa pagkakatuto sa Baitang 3.
Pangunahin dito ang masusing pag-aaral tungkol sa Rehiyon ng Pilipinas
na kinabibilangan ng mag aaral, na siyang pangkalahatang pokus ng
baitang na ito.

Ang aklat na ito ay nahahati sa apat na yunit. Bawat yunit ay


tumatalakay ng mga paksa tungkol sa rehiyon ng mag-aaral.

Yunit I - Ang Lalawigan sa Ating Rehiyon


Yunit II - Ang mga Kuwento ng Lalawigan sa Ating
Rehiyon
Yunit III - Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Ating
Rehiyon
Yunit IV - Ekonomiya at Pamahala ng Ating Rehiyon

Maliban sa talakayan, ang bawat aralin ay may mga gawain na


higit na magpapaunlad sa kaalaman ng mga mag aaral at upang gawing
kasiya-siya ang pagtalakay sa aralin.

Inaasahan sa pamamagitan ng aklat na ito ay malinang sa


mga mag aaral ang pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa
lipunang Pilipino kundi gayundin sa kapuwa mamamayan nito.

Punong Tagapangasiwa

iii
Talaan ng Nilalaman

YUNIT 1: Mga Lalawigan sa Ating Rehiyon.........................1


Aralin 1: Ang mga Simbolo sa Mapa....................................2
Aralin 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa
Rehiyon Batay sa Direksiyon..............................11
Aralin 3: Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan
sa Ating Rehiyon.................................................20
Aralin 4: Katangian ng mga Lalawigan ng Ating
Rehiyon...............................................................27
Aralin 5: Populasyon sa Aking Pamayanan........................44
Aralin 6: Populasyon ng mga Lalawigan sa Ating
Rehiyon...............................................................53
Aralin 7: Katangiang Pisikal na Nagpapakilala sa
mga Lalawigan ng Ating Rehiyon.......................63
Aralin 8: Ang mga Anyong Tubig at Anyong Lupa
sa Ating Rehiyon.................................................70
Aralin 9: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong
Tubig at Anyong Lupa ng mga Lalawigan
sa Ating Rehiyon.................................................81
Aralin 10: Paggawa ng Mapa ng Mahahalagang
Anyong Tubig at Anyong Lupa ng Ating
Lalawigan, Rehiyon, at mga Karatig Nito
88
Aralin 11: Ang mga Lugar na Sensitibo sa
Panganib Batay sa Lokasyon at
Topograpiya.........................................................98
Aralin 12: Maagap at Wastong Pagtugon sa mga
Kalamidad.........................................................105

iv
Aralin 13: Ang mga Pangunahing Likas Yaman sa
mga Lalawigan sa Rehiyon...............................115
Aralin 14: Wasto at Di-Wastong Pangangasiwa ng
Likas na Yaman ng Ating Lalawigan at
Rehiyon.............................................................119
Aralin 15: Ang Wastong Pangangasiwa ng Likas
Yaman: Kaunlaran ng Rehiyon at mga
Lalawigan..........................................................127
Aralin 16: Ang Kapaligiran ng Ating Lalawigan at
mga Karatig na Lalawigan sa Rehiyon . 134
YUNIT 2: Ang mga Kuwento ng Lalawigan sa Ating
Rehiyon 141
Aralin 17: Ang Pinagmulan ng mga Lalawigan sa
Ating Rehiyon...................................................142
Aralin 18: Ang Pinagmulan ng Lalawigan Ayon sa
Batas..................................................................152
Aralin 19: Ang mga Pagbabago sa Lalawigan at
mga Karatig Lalawigan ng Rehiyon.................164
Aralin 20: Timeline ng Makasaysayang Pangyayari
sa Ating Rehiyon...............................................174
Aralin 21: Paraan ng Pakikipagtulungan ng mga
Lalawigan sa Ating Rehiyon.............................184
Aralin 22: Ang mga Pagbabagong Nangyayari sa
Ating Lalawigan at Rehiyon.............................194
Aralin 23: Ang mga Kuwento ng Kasaysayan at
mga Makasaysayang Pook sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon............................201
Aralin 24: Ang mga Natatanging Simbolo at
Sagisag ng Ating Lalawigan.............................215

v
Aralin 25: Ilang Simbolo at Sagisag na
Nagpapakilala sa Iba’t Ibang Lalawigan
ng Ating Rehiyon..............................................224
Aralin 26: Kahulugan ng Opisyal na Himno ng mga
Lalawigan sa Ating Rehiyon.............................232
Aralin 27: Iba pang Sining na Nagpapakilala ng
Ating Lalawigan at Rehiyon.............................243
Aralin 28: Ang mga Bayani ng Ating Lalawigan at
Rehiyon.............................................................252
Aralin 29: Pagpapahalaga sa mga Bayani ng
Lalawigan at Rehiyon.......................................262
Aralin 30: Paglikha ng Iba’t Ibang Anyo ng Sining
Tungkol sa Bayani ng Lalawigan at
Rehiyong Nais Tularan.....................................269
Aralin 31: Ako at ang Kuwento ng mga Lalawigan
sa Ating Rehiyon...............................................277
YUNIT 3: Ang Pagkakakilanlang Kultural ng Ating
Rehiyon 285
Aralin 32: Ano ang Kultura?............................................286
Aralin 33: Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa
Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa
Isang Lugar........................................................299
Aralin 34: Ang Kultura ng mga Lalawigan sa Ating
Rehiyon.............................................................310
Aralin 35: Mga Pangkat ng Tao sa Ating Rehiyon
327
Aralin 36: Ang mga Wika at Diyalekto sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon............................338
Aralin 37: Nakikilala ang Kultura ng Ating Rehiyon
sa mga Makasaysayang Lugar Nito..................345
vi
Aralin 38: Kultura Ko, Kultura Mo Magkaiba,
Magkapareho.....................................................361
Aralin 39: Nakikilala Tayo sa Ating Kultura....................368
Aralin 40: Mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan at
Rehiyon, Igagalang Ko......................................376
Aralin 41: Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining
ng Lalawigan.....................................................384
Aralin 42: Mga Kaugalian, Paniniwala, at Tradisyon
ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon................391
Aralin 43: Mga Katawagan sa Iba’t ibang Layon
ng Ating Rehiyon..............................................403
Aralin 44: Ang Mapang Kultural ng Ating Rehiyon
410
YUNIT 4: Ekonomiya at Pamamahala ng Ating
Rehiyon 423
Aralin 45: Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon............................424
Aralin 46: Likas na Yaman sa Ating Rehiyon..................434
Aralin 47: Pinanggalingan ng mga Produkto at
Industriya sa mga Lalawigan ng Ating
Rehiyon.............................................................442
Aralin 48: Mga Produkto at Kalakal ng Ating
Rehiyon.............................................................450
Aralin 49: Magkakaugnay na Pangkabuhayan ng
mga Lalawigan sa Ating Rehiyon.....................461
Aralin 50: Pakikipagkalakalan Tungo sa Pagtugon
ng Pangangailangan ng mga Lalawigan
sa Ating Rehiyon...............................................468
Aralin 51: Kahalahagan ng Impraestruktura sa
Kabuhayan ng mga Lalawigan..........................474
vii
Aralin 52: Ang Aspekto ng Ekonomiya sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon 483
Aralin 53: Ang Pamunuan sa mga Lalawigan ng
Ating Rehiyon 494
Aralin 54: Mga Namumuno at Kasapi ng mga
Lalawigan 505
Aralin 55: Mga Tungkulin at Pananagutan ng mga
Namumuno sa Ating Lalawigan .. 513
Aralin 56: Paraan sa Pagpili ng Pinuno ng mga
Lalawigan 521
Aralin 57: Kahalagahan ng Pamahalaan sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon 528
Aralin 58: Paglilingkod ng Pamahalaan sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon 535
Aralin 59: Pakikilahok sa mga Proyekto ng
Pamahalaan sa mga Lalawigan ng Ating
Rehiyon 543
Aralin 60: Kabahagi Ako sa Pag-unlad ng Aking
Lalawigan sa Ating Rehiyon 551

viii
YUNIT 1: Mga Lalawigan
sa Ating Rehiyon
Aralin 1:AralinAng1: Angmgamga SimboloimbolosaMapasa Mapa

Panimula

Isang masayang pagtuntong sa Ikatlong Baitang!

Noong nasa Ikalawang Baitang ka pa, napag-aralan mo ang


tungkol sa iyong kapaligiran. Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong
kaalaman ukol sa iyong lalawigan at maging mga karatig na lalawigan
na kabilang sa iyong rehiyon.

Marahil ang ilang matatanda gaya ng magulang mo ay


nagtatanong sa mga tao o kaya naman ay gumagamit ng mapa upang
matunton ang isang hindi pamilyar na lugar. Maraming simbolo ang
makikita sa mapa. Mahalagang malaman mo ang mga simbolong
ginagamit sa mapa upang mapadali ang pagtunton sa mga lugar na nais
mapuntahan o malaman.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa


karunungan!

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

࿿%0%࿿࿿࿿࿿%100%38%38% ⮌ 搡࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿d 匌尗࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿e ╦ᦥ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿ f ᷰ㍚࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿


㞍࿿%0%࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿i 䙼ᶑ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿j ㊺ㅠ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿k 䰢䐴࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿l ‫ﳼ‬Ꮝ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿m
࿿࿿࿿࿿࿿o naiisa-isa ang mga simbolo na ginagamit sa mapa;

%࿿࿿%0%࿿࿿࿿࿿%100%38%38% ⮌ 搡࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿d 匌尗࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿e ╦ᦥ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿


࿿࿿࿿࿿࿿࿿%0%࿿h 韀㞍࿿%0%࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿i 䙼ᶑ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿j ㊺ㅠ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿k 䰢䐴࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿
࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿n 뱦ǝ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿o nabibigyang kahulugan ang mga simbolo na
ginagamit sa mapa sa tulong ng mga panuntunan; at

%࿿࿿%0%࿿࿿࿿࿿%100%38%38% ⮌ 搡࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿d 匌尗࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿e ╦ᦥ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿


࿿࿿࿿࿿࿿࿿%0%࿿h 韀㞍࿿%0%࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿i 䙼ᶑ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿j ㊺ㅠ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿k 䰢䐴
࿿࿿࿿࿿m 䗤䜗࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿n 뱦ǝ࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿࿿o natutukoy ang kahalagahan
ng bawat simbolo na ginagamit sa mapa.
2
Alamin Mo

Ano kaya ang


ibig sabihin ng
mga simbolo sa
mapa

Tuklasin Mo

Ang mapa ay isang larawan o representasyon sa papel ng isang


lugar na maaaring kabuoan o bahagi lamang nito, na nagpapakita ng
pisikal na katangian, mga lungsod, kabisera, mga daan at iba pa.

Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang simbolo upang


kumatawan sa mga bagay. Ginagamit ang mga simbolong ito upang
ipahiwatig ang ilang mga bagay, katangian, at iba pang impormasyon
ukol sa mga lugar. Tumutukoy ito ng eksaktong kinalalagyan ng isang
lugar o pook at ng mga bagay na matatagpuan dito.

Bago pa naimbento ang mapa, ang mga tao ay gumagawa na ng


sariling simbolo upang magamit nila sa pagtunton ng lugar. Ikaw rin ay
maaaring mag-isip ng mga simbolo ng mga bagay upang ipakita sa
mapa. Ang mga imbentong simbolo ay hindi ginagamit sa mga aktuwal
na mapa na nabibili. Ang mga imbentong simbolo ay pananda lamang ng
mga taong gumagamit nito.

3
Gumuhit ng mapa ng silid-aralan. Lagyan ito ng mga simbolo,
halimbawa, simbolo ng upuan o mesa ng guro. Ipabasa sa iyong kaklase
ang mapa. Matutukoy ba niya ang kinalalagyan ng mga upuan at mesa ng
iyong guro?

Ang mga simbolo o panandang ginagamit sa aktuwal na mapa ay


may kahulugan. Kailangang malaman at maintindihan ang bawat
simbolo upang mas madaling makilala o mapuntahan ang isang lugar.

Madali lamang kilalanin o intindihin ang mga simbolo sa mapa.


Karaniwang ginagamit na larawan sa mga simbolo ng mga bagay ay
ang mismong hugis nito. Isang halimbawa ay ang hugis ng bundok na
kagaya nito . At kung ang lugar ay bulubundukin, nakikita ang
ganitong simbolo sa mapa.

Ibigay ang sinisimbolo ng mga larawang ito. Isulat ang sagot sa


notbuk.

_________________

________________

_______________

Sasabihin ng inyong guro ang tamang sagot. Nahulaan ba ninyo


lahat ang sagot? Ano-ano ang ginamit na palatandaan?

4
Gawin Mo

Gawain A

Talakayin ang bawat simbolo na maaaring makita sa isang mapa.


Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng mga simbolo batay sa
talakayan. Ang mga simbolong ito ay maaaring nagpapahayag ng isang
anyong lupa, anyong tubig, gusali, at iba pa.

Simbolo Kahulugan

1. _____________________
2. _____________________

3. _____________________

4. _____________________

5. _____________________

6. _____________________

7. _____________________

8. _____________________

5
Gawain B

Iguhit sa notbuk ang simbolo ng sumusunod:


bundok
talon
kapatagan
lawa
bulkan

Gawain C

Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Alamin ang simbolong makikita sa


mga lalawigan at ibigay ang kahulugan nito.

6
Punan ng sagot ang mga kahon sa talahanayan.
Gawin ito sa sagutang papel:
Simbolo sa Kahulugan ng Lugar Kung Saan
Mapa Simbolo Ito Matatagpuan
1. bulubundukin Aurora
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain D
Pangkatang Gawain

Sundin ang sumusunod na gawain sa inyong pangkat. Mga


Dapat Tandaan sa Pangkatang Gawain
Pumili ng lider sa bawat pangkat.
Basahing mabuti ang mga gawain sa Task Card na magmumula
sa guro.
Magsagawa ng talakayan ukol sa paksa.
Paghandaang mabuti ang pag-uulat ng pangkat.
Lahat ay makikipagtulungan sa gawain ng pangkat.
Tapusin ang mga gawain sa takdang oras.

7
Mapa at Simbolo

Ikonek ang mga putol-putol na linya upang mabuo ang mapa ng


Rehiyon III.
Lagyan ng kaukulang simbolo ang mahahalagang anyong lupa,
anyong tubig, at istruktura na matatagpuan sa mga lalawigan.
Idikit sa nakalaang lugar ang inyong nagawang mapa upang makita
rin ng ibang grupo.

Mga Pananda sa Mapa ng Rehiyon III

8
Natutuhan Ko

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga simbolo na nasa


Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. a. ilog

2. b. ospital

3. c. bulubundukin

4. d. kagubatan

5. e. bulkan

6. f. paaralan

7. g. lawa

8. h. talampas

9. i. kabahayan

10. j. burol

9
Lagyan ng kaukulang simbolo ang mga kahon sa mapa.
Gawin ito sa sagutang papel.

Mapa ng Lalawigan ng Zambales

10
Aralin 2: Kinalalagyan Aralinngmga2:LalawiganKinalalagyansaRehiyonBatay sa Direksiyon
ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Batay sa Direksiyon

Panimula
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kahulugan at kahalagahan
ng mga simbolo sa mapa. Nalinang din ang iyong kakayahan na
maiguhit ang mga simbolong ito upang ipakita ang kinalalagyan o
lokasyon ng isang lugar o bagay.

Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Saan ba matatagpuan ang iyong


lalawigan sa mapa? Paano tutukuyin ang lokasyon ng mga karatig-
lalawigan sa iyong rehiyon? Makikita sa mapa ang Hilagang direksiyon
at ang distansiya ng mga lugar o bagay sa isa’t isa. Upang mas madali
mong matukoy ang kinalalagyan ng isang lugar, kailangan mong pag-
aralan at maintindihan ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng kinalalagyan ng bawat lalawigan sa rehiyon gamit


ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon; at

nailalarawan ang kinalalagyan ng iba’t ibang lalawigan sa


rehiyon gamit ang mapa.

11
Alamin Mo

Ano-ano kaya
ang Paano natin
pangunahin at matutukoy ang mga
pangalawang lugar sa
direksiyon? pamamagitan ng
distansiya at mga
direksiyon?
Tuklasin Mo

Ang lahat ng mapa ay nakaayon sa Hilaga. Kung titingnan ang


mga mapa, mapapansin sa isang panig nito ang may ganitong simbolo,
Hilaga (H). Kung ito naman ay nasusulat sa Ingles, North (N) ang
makikita. Ang kaalaman mo sa mga direksiyon ay makatutulong nang
malaki upang masanay ka sa pagbasa ng mapa.

Ang Hilagang direksiyon (kumakatawan sa


North Arrow) ay palaging nakikita sa mga mapa. Ito
ay gabay upang matukoy ang ibang direksiyon ng mga
lugar
sa mapa. North Arrow

May mga mapa naman na gumagamit ng


pananda na nagpapakita ng cardinal o
pangunahing direksiyon
katulad ng nasa larawan. Tinatawag itong compass
rose. Ipinakikita nito ang Hilaga, Timog,
Silangan at Kanluran.
Compass Rose

12
Ang isang instrumento na
nakatutulong sa pagtukoy ng direksiyon
ay ang compass. Ito ay
laging nakaturo sa Hilaga. Nakikita
mo ba ang mga pangunahing
direksiyon na nakalagay dito?
Nakakita ka na ba at nakagamit
nito? Ang mga iskawt at manlalakbay
ay gumagamit ng compass upang
hindi sila maligaw. Compass

Paano kung ang isang lugar ay hindi eksaktong makikita sa cardinal


o pangunahing lokasyon at ito ay nasa pagitan ng Hilaga at Silangan? Ng
Timog at ng Kanluran? Paano sasabihin ang kinaroroonan nito?
Kailangan nating
gumamit ng pangalawang direksiyon. Ang tawag natin dito ay ang
ordinal na direksiyon.

Kung ang lugar ay nasa pagitan ng hilaga at silangan, sinasabing


ito ay nasa Hilagang-silangan (HS). Kung ang lugar ay nasa pagitan ng
timog at silangan, ang
kinaroroonan nito ay nasa Timog-
silangan (TS). Samantala, ang
direksiyon sa pagitan ng timog at
kanluran ay Timog-kanluran (TK).
Hilagang-kanluran (HK) naman
ang nasa pagitan ng hilaga at
kanluran. Masdan ang compass
rose na may pangunahin at
pangalawang direksiyon.

Sa pagbasa ng mapa, gumagamit tayo ng pananda o simbolo upang


malaman ang aktuwal na distansiya ng mga lugar sa isa’t isa.

13
Nakikita ang Mapa ng Rehiyon III
pananda sa ilalim na
bahagi ng mapa kagaya
ng nasa larawan. Ito ang
iskala.

Ang iskala ay bahagi


ng mapa na nagpapakita ng
katumbas na distansiya sa
mapa sa aktuwal na
distansiya sa lupa.

Makikita sa Mapa A kung paano sinukat ang distansiya ng


Lungsod San Fernando hanggang Lungsod Tarlac. Gamit ang iskala na
may katumbas na sukat na 50 kilometro bawat isang putol na may
dalawang kulay na itim at abo. Mapapansin na ang tinatayang distansiya
sa pagitan ng
Lungsod Tarlac at Lungsod San Fernando ay 70.9 kilometro.
Ilang putol at kulay ang nagamit sa pagsukat?
Mapa A

14
Mapa B

Subukan mo namang sukatin ang distansiya mula sa Iba, Zambales


hanggang Baler, Aurora na may layong 333 kilometro. Ilang putol at
kulay kaya ang magagamit mo?
Sasabihin ng iyong guro ang tamang sagot. Saang direksiyon
nakapuwesto ang bawat bilang? Isulat ang mga sagot sa notbuk.

1. Hilaga .
2. ______________________
3. ______________________
4. ______________________
5. ______________________
6. ______________________
7. ______________________
8. ______________________

15
Gawin Mo

Gawain A

Tingnan ang mapa ng ilang lalawigan ng rehiyon.


Sagutin ang sumusunod na tanong.

Ayon sa mapa, ang nasa pinakakanlurang bahagi ng rehiyon ay ang


____?
A. Bataan C. Nueva Ecija
B. Bulacan D. Zambales
2. Anong lalawigan ang nasa timog na bahagi ng rehiyon?
A. Aurora C. Bulacan
B. Bataan D. Tarlac

16
Gawain B

Tingnan ang mapa ng iyong rehiyon. Punan ang bawat


patlang ng angkop na lalawigan upang maging wasto ang bawat
pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang Zambales ay nasa gawing hilagang-kanluran ng


______________________.
Ang lalawigan ng ______________________ ang nasa dulong
silangan ng rehiyon.
Ang ______________________ ay nasa gawing timog-silangan
ng rehiyon.
Ang ______________________ ay nasa direksiyong
kanluran ng rehiyon.
Ang ______________________ ay nasa direksiyong timog-kanluran
ng rehiyon.

Gawain C

Gamit ang mapa ng Rehiyon III na may iskala sa pahina


14, sukatin ang tinatayang distansiya ng mga kabisera na
tinutukoy sa bawat bilang.

Iba, Zambales hanggang Malolos, Bulacan (164


kilometro)
Lungsod Palayan hanggang Baler, Aurora (100
kilometro)
Balanga, Bataan hanggang Lungsod Tarlac (111
kilometro)
Lungsod San Fernando hanggang Baler, Aurora (184
kilometro)
Iba, Zambales hanggang Lungsod Palayan (239
kilometro)

17
Natutuhan Ko

A. Iguhit ang sumusunod:

Compass
Compass Rose
North Arrow

B. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


Alin dito ang pananda para sa Hilagang-kanluran?
A. HK C. TK
B. HS D. TS
2. Bawat mapa ay may simbolo o sagisag na palaging nakaturo sa
direksiyong ________________.

A. Hilaga C. Silangan B. Kanluran D.


Timog
Madaling hanapin ang kinaroroonan ng isang lugar sa
pamamagitan ng paggamit ng __________.

A. guhit C. mapa B. larawan D. panturo


4. Ano ang ibang tawag sa pangunahing direksiyon?
A. bisinal C. ordinal
B. cardinal D. North Arrow
Kung ilalarawan ang pangalawang direksiyon,
binabanggit muna ang direksiyong __________.

A. cardinal C. relatibo B. bisinal D.


silangan
18
C. Pag-aralan muli ang mapa ng sariling rehiyon at sagutin ang
sumusunod na tanong gamit ang pangunahin at pangalawang
direksiyon.

Anong mga lalawigan ang nasa timog na bahagi ng rehiyon?


Anong mga lalawigan ang nasa timog-kanluran na bahagi ng
rehiyon?
Anong mga lalawigan ang nasa hilagang-silangan na bahagi ng
rehiyon.
Anong lalawigan ang nasa dulong hilaga na bahagi ng rehiyon?
Anong mga lalawigan ang nasa silangan?

19
AralinAralin3:Relatibong3:RelatibongLokasyonngmga LalawigLokasyonnsaAtig

ng mga LalawiganRehiyonsa Ating Rehiyon

Panimula
Sa nakaraang aralin, sinubukan mong ilarawan ang
kinaroroonan ng iyong lalawigan at maging ang mga karatig na
lalawigan nito sa mapa gamit ang mga pangunahin at pangalawang
direksiyon. Isang paraan lamang ang pag-alam ng mga direksiyon
upang matukoy ang kinalalagyan ng mga lugar.

Nasubukan mo na bang magtanong sa isang tao ukol sa isang


gusali pero ang naging sagot sa iyo ay ang katabi nito na mas kilala na
gusali? Maaaring mas mapadadali ang pagtunton sa hinahanap na gusali
dahil may katabi itong mas kilalang gusali. Gayundin ang pagtukoy ng
mga lugar sa mapa. Maaari ding tukuyin ang mga lugar sa mapa batay sa
mga katabi o kalapit na lugar.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng relatibong lokasyon ng mga lalawigan sa rehiyon


batay sa mga kalapit na lugar; at

nakapaglalarawan ng lokasyon ng mga lalawigan sa rehiyon batay


sa mga nakapaligid dito.

20
Alamin Mo

Ano-ano ang
pangunahin at Paano mo
pangalawang matutukoy ang
direksiyon? mga lugar sa
pamamagitan ng
distansiya at mga
direksiyon?

Tuklasin Mo

Maliban sa paggamit ng mga pangunahin at pangalawang


direksiyon, pananda, at distansiya, ang
pagtukoy ng isang lugar ay ibinabatay din sa kinaroroonan ng mga nasa
paligid at katabing-pook nito. Relatibong lokasyon ang tawag dito.

Halimbawa, kung gusto mong ituro ang kinaroroonan ng inyong


bahay, sasabihin mo ang mga katabi o nakapaligid dito. Katabi ba ito
ng paaralan? Malapit ba ito sa pamilihan? Malapit ba ito sa dagat?

Kung ang isa namang lugar sa mapa ang iyong ituturo, sasabihin
mo ang lugar na malapit dito. Hindi eksakto ang ibinibigay na direksiyon
ng relatibong lokasyon pero nagagamit ito upang matunton ang lugar na
nais mong makita.

21
Gamitin nating halimbawa ang mapang ito.

Pagbatayan natin ang parke na nasa gitna ng lahat ng mga gusali


batay sa larawang ito. Saan makikita ang parke? Anong gusali ang nasa
harap nito? Anong gusali ang nasa likod nito? Kung ang gusaling
pamahalaan ang pagbabatayan, paano mo tutukuyin ang lokasyon ng
parke? Kung ikaw ay nasa gusaling pamahalaan at nakaharap sa parke,
anong gusali ang nasa gawing kanan mo?

Pansinin ang mapa ng Rehiyon III, kung iba’t ibang lugar ang
pagbabatayan, mapapansin na nagbabago ang pagtukoy ng lokasyon ng
mga ito. Halimbawa, kung tutukuyin ang lokasyon ng Nueva Ecija at
gagawing batayan ang Bulacan, ito ay nasa Hilaga ng Bulacan. Subalit
kung Tarlac ang gagawing batayan, ang lokasyon nito ay nasa Silangan
ng Tarlac.

22
Mapa ng Rehiyon III

Pag-aralan ang pagtukoy ng mga kinalalagyan ng lalawigan


ng rehiyon. Suriin ito sa tulong ng mapa.

Ang Zambales ay nasa kanluran ng Tarlac.


Ang Tarlac ay nasa hilaga ng Pampanga.
Ang Aurora ay nasa silangan ng Nueva Ecija.
Ang Pampanga ay nasa kanluran ng Bulacan.
Ang Bataan ay nasa timog ng Zambales.

23
Gawin Mo

Gawain A

Ipinakikita sa mapa ang labing-apat na lungsod sa Rehiyon III.


Tukuyin ang kinalalagyan ng mga lungsod gamit ang relatibong
lokasyon. Isulat sa sagutang papel.
Mapa ng mga Lungsod sa Rehiyon III

Ang Gapan ay nasa _________________ ng


Cabanatuan.
Ang Tarlac ay nasa _________________ ng Mabalacat.
Ang San Jose Del Monte ay nasa _________________ ng Malolos.
Ang Mabalacat ay nasa ________________ ng Angeles.
Ang Tarlac ay nasa __________________ ng
Cabanatuan.

24
Gawain B

Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Ibigay ang mga detalye ayon


sa relatibong lokasyon ng mga lugar. Isulat ang mga pangungusap
sa sagutang papel.

Halimbawa:
Ang paaralan ay nasa silangan ng palengke.
__________________________________________
__________________________________________

Gawain C

Gumuhit ng isang parke sa notbuk. Ilagay ang


sumusunod ayon sa tinutukoy na direksiyon.

fountain – gitna ng parke


mga halamang namumulaklak – gawing silangan at kanluran ng
fountain
malalaking puno – sa likod ng mga halaman
palaruan – gawing hilaga ng parke
lawa – gawing timog ng parke

25
Natutuhan Ko

Pag-aralan ang mapa ng Rehiyon III.

Mapa ng Rehiyon III

Tukuyin ang mga lalawigan na nilalarawan sa bawat bilang.


Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Aling lalawigan ang nasa pinakatimog ng Rehiyon III?


Kung ang pagbabatayan ay ang lalawigan ng Nueva Ecija, saang
direksiyon ang lalawigan ng Aurora?
Saan naroon ang lalawigan ng Zambales kung ang pagbabatayan
ang lalawigan ng Tarlac?
Kung ang pagbabatayan ay ang lalawigan ng Bulacan, saan naroroon
ang lalawigan ng Nueva Ecija?
Saan naroroon ang lalawigan ng Bataan kung ang pagbabatayan ay
ang lalawigan ng Pampanga?

26
AralinAralin4:4: Katangianatngingmga LalawiganngmgangAtingLalawiganRehiyon
ng Ating Rehiyon

Panimula
Kung may magtatanong sa iyo, mailalarawan mo ba ang iyong
lalawigan o rehiyon? Mahalagang malaman mo ang mga katangian ng
sariling lalawigan at rehiyon. Dahil ang kaalaman sa mga impormasyon
patungkol dito ay makatutulong upang maunawaan ang mga gawi at
pamumuhay sa iyong rehiyon.

Makatutulong din ito upang mas maliwanag mong mapaghambing


ang mga lalawigan sa iyong rehiyon. Magiging mas tiyak din ang
paglalarawan sa mga pisikal na katangian ng bawat lalawigan na
kabilang sa iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga katangian ng lalawigan sa sariling rehiyon batay


sa kanilang mga lokasyon, direksiyon, laki, at kaanyuan;

nailalarawan ang sariling lalawigan at ng mga karatig nitong


lalawigan sa rehiyon; at

naihahambing ang mga lalawigan sa sariling rehiyon ayon sa mga


nabanggit na katangian nito.

27
Alamin Mo

Paano mo
mailalarawan Paano nagkakaiba-iba o
ang iyong nagkakapare-pareho
sariling ang mga katangian ng
lalawigan? iyong lalawigan sa mga
karatig lalawigan?

Tuklasin Mo

Ang ating bansa ay biniyayaan ng magandang lokasyon sa


mundo. Ito ay isang kapuluang binubuo ng
7 641 na mga pulo. Ito ay ayon sa pahayag ni Dr. Peter N. Tiangco,
administrador ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR), National Mapping and Resource
Information Authority (NAMRIA) noong Enero, 2017.

Ang Luzon sa hilagang bahagi ng bansa ay siyang


pinakamalaking pulo. Sa gitnang bahagi naman ay ang mga pulo ng
Visayas, at sa pinakatimog na bahagi naman ang pulo ng Mindanao.

Malaki ang pagkakaiba-iba ng katangiang pisikal ng mga pulo ng


bansa. Karamihan sa mga pulo ay mayroong mga bulubunduking
bahagi. Mayroon ding kapatagan, lambak, at burol. Sa mga lugar ng
kapatagan naninirahan ang karamihan ng mga tao. Ito ang nagiging
pamayanan at nabubuo bilang mga bayan at lalawigan. Isang halimbawa
ay ang kalakhang Maynila. Dahil sa paglipat ng tao sa maliliit na bayan
sa baybayin ng Look Maynila,

28
lumawak ang sakop ng Kamaynilaan. Nagkaroon ng maraming lungsod
na nakasama sa buong National Capital Region (NCR).

29
Ano naman ang katangiang pisikal ng iyong rehiyon? Basahin
ang pisikal na katangian ng iyong lalawigan at maging mga karatig
lalawigan sa iyong rehiyon.

Ang Rehiyon III o tinatawag na Gitnang Luzon ay binubuo ng


pitong lalawigan. Ito ay ang mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan,
Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales (ABBU N. PATAZ).
Mayroon itong labing-apat na
lungsod, 116 na munisipalidad at dalawamput-isang congressional
districts at economic zones tulad ng Clark Freeport Zone, Subic
Bay Freeport Zone, at Freeport Area of Bataan (FAB). Ito ay
matatagpuan sa hilaga ng NCR. Ang
relatibong mga lugar na nakapalibot dito ay ang sumusunod: NCR sa
timog, Philippine Sea sa silangan, West Philippine Sea sa kanluran, at
Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan
Valley sa hilaga.

Umaabot sa 21 151 874 ektarya ang lupaing sakop nito kung saan
ang lupang ginagamit sa agrikultura ay 747 448 ektarya. Kilala ang
Gitnang Luzon sa malawak na kapatagan na nagbibigay ng malaking
suplay ng bigas sa Pilipinas.

Bawat lalawigan sa rehiyong ito ay nakikilala sa sariling pisikal


na katangian.

AURORA

Ang Aurora ay may kabuoang sukat na 3 147.32 kilometro


2
kuwadrado (km ). Ito ay nasa rehiyon ng Gitnang Luzon at napaliligiran
ng mga lalawigang tulad ng Quezon sa Timog, Nueva Ecija sa Kanluran,
Nueva Vizcaya, Quirino, at Isabela sa Hilaga. Ang Dagat Pilipinas ay
nasa silangang bahagi ng Aurora. Baler ang kabisera ng lalawigan.

30
Kung pagmamasdan ang mapa, ang Aurora ay tulad ng isang
taong ang posisyon ay nagdarasal. Napaliligiran ito ng mga
Bulubunduking Sierra Madre at Dagat Pilipinas.

Ang Aurora ay binubuo ng walong munisipalidad. Kabilang


dito ang Baler, Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dingalan,
Dipaculao, Maria Aurora, at San Luis.

Ang lalawigang ito na dating bahagi ng Rehiyon IV ay


napabilang sa Rehiyon III sa pamamagitan ng Executive Order No.
103.

Ang kalupaan ng Aurora ay mas malaki kaysa sa mga lalawigan


ng Bulacan, Tarlac, Pampanga, at Bataan. Mas maliit naman kaysa sa
mga lalawigan ng Nueva Ecija at Zambales.

31
BATAAN

Ang lalawigan ng Bataan ay isang peninsula o anyong lupa na


napaliligiran ng katubigan. Ito ay may lawak na
2
373.0 kilometro kuwadrado (km ). Halos walumpong porsiyento ng
kalupaan nito ay mga burol at bundok. At sa mapa ay mapapansin na ito
ay kahugis ng ulo ng kabayo.

Ito ay nasa katimogang bahagi ng Gitnang Luzon na


napaliligiran ng Look Maynila sa Silangan, Look Subic at Dagat
Kanlurang Pilipinas sa Kanluran at Dagat Kanlurang Pilipinas sa
Katimogan.

Binubuo ito ng mga bayan ng, Abucay, Bagac, Balanga,


Dinalupihan, Hermosa, Limay, Mariveles, Morong Orani, Orion,
Pilar, at Samal.

32
Ang Bataan ay ang may pinakamaliit na kalupaan sa Gitnang
Luzon sa kabila ng mataas ng industriyalisasyon.

BULACAN

Ang lalawigan ng Bulacan ay may lawak na 2 774.85 kilometro


kuwadrado (km2). Ito ay matatagpuan sa katimogan ng Gitnang Luzon
na nasa Hilaga ng Maynila. Makikita sa mapa na ang hugis nito ay
katulad ng isang sapatos.

Sa Silangang bahagi ng Bulacan ay matatagpuan ang lalawigan ng


Aurora, Look Maynila sa bandang timog at kanluran, at Nueva Ecija sa
hilaga. Matatagpuan din ang Pampanga sa kanlurang bahagi ng
lalawigang ito.

33
Ito ay binubuo ng dalawampu’t isang bayan. Ito ay ang mga
bayan ng Angat, Balagtas, Baliwag, Bocaue, Bulakan, Bustos,
Calumpit, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Hagonoy, Marilao,
Norzagaray, Obando, Paombong, Pandi, Plaridel, Pulilan, San
Ildefonso, San Miguel, San Rafael, at Sta. Maria.

Mayroong tatlong lungsod ang Bulacan. Ito ang mga lungsod ng


Malolos, Meycauayan, at San Jose del Monte.

Ang Bulacan ay mas malaki ang kalupaang sakop kaysa sa mga


lalawigan ng Tarlac, Pampanga, at Bataan. Ngunit ito ay mas maliit
kaysa sa mga lalawigan ng Aurora, Zambales, at Nueva Ecija.

NUEVA ECIJA

Ang lalawigan ng Nueva Ecija ang may lawak na


943.62 kilometro kuwadrado (km2). Nakapaligid dito ang lalawigan ng
Nueva Vizcaya sa hilaga, Aurora sa silangan, Bulacan sa timog at
Tarlac sa kanluran. Kung pagmamasdan sa mapa, ang hugis ay tila
isang oso.

Binubuo ito ng mga bayan ng Aliaga, Bongabon, Cabiao,


Carranglan, Cuyapo, Gabaldon, General Natividad, General Tinio,
Guimba, Jaen, Laur, Licab, Llanera, Lupao, Nampicuan, Pantabangan,
Peñaranda, Quezon, Rizal, San Antonio, San Isidro, San Leonardo, Santa
Rosa, Santo Domingo, Talavera, Talugtug, at Zaragoza.

Mayroon itong limang lungsod na kinabibilangan ng


mga lungsod ng Cabanatuan, Gapan, Palayan, San Jose, at Muñoz.
Ang lungsod ng Muñoz ang nag-iisang Science City sa Pilipinas at
ikalawa sa buong mundo.

34
Ang Nueva Ecija ang may pinakamalawak na
kapatagan sa Gitnang Luzon. Ito rin ang may pinakamalawak
na kalupaan sa buong rehiyon.

PAMPANGA

Ang Pampanga ay may lawak na 2 044.99 kilometro kuwadrado


2
(km ). Itinuturing na pinakasentrong lalawigan sa Gitnang Luzon. Nasa
silangan nito ang Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, Zambales sa
kanluran at Bataan sa timog.

Kung titingnan sa mapa, ang hugis nito ay katulad ng isang


pagong.

35
Ang Pampanga ay isang malawak na kapatagan. Dito
matatagpuan ang Bundok Arayat sa hilagang-silangan at kabundukan ng
Zambales sa gawing kanluran.

Binubuo ito ng tatlong lungsod, ang Angeles, Mabalacat, at


San Fernando.Labing-siyam na munisipalidad, ang Apalit, Arayat,
Bacolor, Candaba, Floridablanca, Guagua, Lubao, Macabebe,
Magalang, Masantol, Mexico, Minalin, Porac, San Luis, San
Simon, Sasmuan, Sta. Ana, Sta. Rita, at Sto. Tomas.

Ang lalawigan ng Pampanga ay ang ikalawang pinakamaliit na


lalawigan sa buong rehiyon. Ang kalupaang sakop nito ay maituturing na
doble sa sukat kaysa Bataan na itinuturing na pinakamaliit na lalawigan
sa buong rehiyon.

36
TARLAC

Ang Tarlac ay lalawigan sa Gitnang Luzon na may lawak na 2


736.64 kilometro kuwadrado (km2). Nasa hilaga nito ang Pangasinan,
Pampanga sa timog, Nueva Ecija sa silangan, at Zambales sa kanluran.

Ang hugis ng Tarlac kung titingnan sa mapa ay kamay na naka-


thumbs up.

Binubuo ito ng labing-pitong munisipalidad gaya ng Anao,


Bamban, Camiling, Capas, Concepcion, Gerona, La Paz, Mayantoc,
Moncada, Paniqui, Pura, Ramos, San Clemente, San Jose, San Manuel,
Santa Ignacia, at Victoria. Ang nag-iisang lungsod nito ay ang Lungsod
Tarlac.

37
Ang Tarlac ay mas malaki sa mga lalawigan ng Pampanga at
Bataan. Mas maliit naman ito sa mga lalawigan ng Aurora, Bulacan,
Nueva Ecija, at Zambales.

ZAMBALES

Ang Zambales ay nasa kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon. Ito


ay may lawak na 3 714.83 kilometro kuwadrado (km2). Nasa hilaga nito
ang lalawigan ng Pangasinan, nasa
silangan naman ang Tarlac at Pampanga. Bataan sa Timog at sa kanluran
ang West Philippine Sea.

38
Sa mapa naman ng Zambales ay mapapansin na ito ay tila isang
asong nakadapa.

Binubuo ito ng labing-tatlong munisipalidad: Botolan,


Cabangan, Candelaria, Castillejos, Iba, Masinloc, Palauig, San
Antonio, San Felipe, San Marcelino, San Narciso, Sta.
Cruz, at Subic. Ang Lungsod Olongapo ay ang nag-iisang lungsod sa
lalawigan.

Ang Zambales ang ikalawang pinakamalaki na kalupaan


sa rehiyon.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

Ano-ano ang lalawigan na bumubuo sa iyong rehiyon?


Anong lalawigan ang may pinakamalaking sukat ng kalupaang
sakop? Alin naman ang pinakamaliit?
Paghambingin ang laki ng lalawigan ng Bataan at Nueva Ecija.
Ano-ano ang lugar na nakapaligid sa lalawigan ng Pampanga
batay sa pangunahing direksiyon?
Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang mga lalawigan sa
iyong sariling rehiyon?

39
Gawin Mo

Gawain A

Hanapin ang pangalan ng mga lalawigan sa wordhunt puzzle.

N U E V A E C I J A
A B B A T A A N P Q
U D E F G H I A R T
R J L M N O G S T A
O Y B E H N M P S R
R B U L A C A N T L
A Z C P I K N Q U A
X A M F N U E V A C
Y A D G J L O R V Z
P Z A M B A L E S Y

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

Aling lalawigan ang may pinakamalawak na kapatagan?


Aling lalawigan ang itinuturing na peninsula na
napaliligiran ng Look Maynila at Subic?
Aling lalawigan ang nasa kanlurang bahagi ng Gitnang
Luzon?
Aling lalawigan ang may pahabang hugis sa mapa?
Aling lalawigan ang napaliligiran ng mga lalawigan ng Nueva Ecija,
Pampanga, at Zambales?

40
Gawain B

A. Punan ng tamang impormasyon ang bawat kahon sa ibaba upang


makumpleto ang talaan ng mga katangian ng mga lalawigan.

Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon III


Lalawigan Lokasyon at Sukat Hugis at Pisikal
Direksiyon na Anyo
payat at pahaba
Aurora silangan ng 2 bulubundukin
3 147.32 km
rehiyon hugis taong
nagdarasal
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

B. Sabihin kung anong direksiyon ang tatahakin ng mga tao kung sila ay
pupunta sa mga lugar sa rehiyon sa bawat bilang.

Mula Zambales papuntang Bulacan? _______________


Mula Bataan papuntang Nueva Ecija? _______________
Mula Pampanga papuntang Aurora? _______________
Mula Bulacan papuntang Tarlac? _______________
Mula Aurora papuntang Bataan? _______________

41
Gawain C

Gamit ang talahanayan tungkol sa katangian ng mga lalawigan sa


Rehiyon III. Pumili ng isang lalawigan mula sa rehiyon at ihambing ito
sa sariling lalawigan. Gawin sa notbuk.

Venn Diagram

42
Natutuhan Ko

Sa pamamagitan ng ginawang talahanayan sa Gawin Mo, sagutin


ang sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Ano ang pinakamalaking lalawigan sa iyong rehiyon?


Alin sa mga lalawigan ang pinakamaliit?
Aling lalawigan ang matatagpuan sa gitnang bahagi ng iyong rehiyon?
Kung mula sa Pampanga, ang Zambales ay pakanluran, ang Aurora
naman ay ______________.
Aling lalawigan sa rehiyon ang halos binubuo lamang ng burol at
bulubundukin?
Saang lalawigan sa Rehiyon III mo puwedeng makita ang Dagat
Pilipinas?
Aling lalawigan sa rehiyon ang matatagpuan sa hilaga ng lalawigan ng
Pampanga at silangan ng Zambales?
Aling lalawigan ang nakaharap sa Dagat Kanlurang Pilipinas?
Aling lalawigan ang pang-apat sa pinakamalawak na lalawigan sa
rehiyon?
Kung ang Bulacan ay hugis sapatos ang Tarlac ay
_________________.

43
Aralin5:Populasyon5: saPopulasyonAkingPmaanan
Aralin
sa Aking Pamayanan

Panimula
Ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kaniya-kaniyang dami ng
tao o populasyon. Ang pag-alam at pag-unawa ng populasyon ng sariling
pamayanan ay mahalaga upang malaman ang mga hakbang sa pagtugon
ng mga suliranin maaaring dulot nito. Makatutulong din ang kaalaman sa
populasyon upang maipakita ang pagmamalasakit ng mga taong
bumubuo sa pamayanan sa bawat isa.

Isang magandang paglalarawan ng pagkakaiba o


pagkakapareho ng mga populasyon ng mga lugar ay ang paggamit ng
bar graph. Ang bar graph ay isa lamang uri ng
graph na nagpapakita ng dami ng mga tao sa iba’t ibang pamayanan.
Maraming impormasyon ang makukuha tungkol sa populasyon ng mga
lugar sa paggamit ng bar graph.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


nakatutukoy ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan
sa sariling lalawigan;
nakapaghahambing ng mga populasyon ng iba’t ibang
pamayanan sa sariling lalawigan;
nailalarawan ang populasyon ng mga pamayanan sa bayang
kinabibilangan gamit ang bar graph; at
nabibigyang halaga ang katangian ng populasyon sa pamayanang
kinabibilangan.

44
Alamin Mo

Gaano kaya karami ang mga taong


naninirahan sa inyong lugar?
Kung ihahambing ba sa karatig-bayan, anong
masasabi mo tungkol sa populasyon ng iyong
bayan?

Tuklasin Mo

O Jing at Ding, narito ang kailangan ninyong saliksikin. Alamin


ninyo ang populasyon ng iba’t ibang pamayanan dito sa atin.
Tayo’y pupunta sa munisipyo
upang makuha ang mga datos na kailangan natin.
Tandaan ang mga bilin ko!

Opo, Gng. Reyes.

45
Narito ang kailangan ninyong mga datos:
Ilan ang populasyon ng limang barangay sa Lungsod San Jose del
Monte, Bulacan?
Ilan ang mga babae at lalaki sa bawat barangay?
Ilan ang mga bata at ilan ang matatanda?

Huwag kalimutang magpasalamat pagkatapos maibigay ang


impormasyon na kailangan. At sa huli, magalang na magpaalam sa
mga tumulong sa atin.

Nakuha na natin ang


impormasyong kailangan
natin. Ngayon naman ay
tingnan natin at pag-
aralan ang populasyon sa
bawat lugar o barangay sa
ating lugar.

46
Talahanayan A

Populasyon ng Ilang Barangay ng


Lungsod San Jose del Monte
Barangay Populasyon
Assumption 4 560
San Martin De Pores 2 775
Sto. Niño 1 3 068
Sto. Niño 2 3 478
Lawang Pare 4 284

Talahanayan B

Bilang ng mga Babae at Lalaki


Barangay Babae Lalaki Kabuoan
Assumption 2 072 2 488 4 560
San Martin De Pores 1 435 1 340 2 775
Sto. Niño 1 1 587 1 481 3 068
Sto. Niño 2 1 751 1 727 3 478
Lawang Pare 2 310 1 974 4 284
Talahanayan C

Bilang ng Matatanda at Bata

Barangay Bata (edad Matatanda Kabuoan


(edad 19
18 pababa)
pataas)
Assumption 2 821 1 739 4 560
San Martin De Pores 1 690 1 085 2 775
Sto. Niño 1 1 752 1 316 3 068
Sto. Niño 2 2 091 1 387 3 478
Lawang Pare 2 219 2 065 4 284
47
Sagutin ang mga tanong batay sa mga impormasyon sa itaas.

Ilang barangay ang pinagkuhanan ng impormasyon at datos nina


Jing at Ding tungkol sa populasyon? Ano ang mga ito?
Anong barangay ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan?
Anong barangay ang may pinakamalaking bilang ng naninirahan?
Aling mga barangay ang mas maraming naninirahang
babae kaysa lalaki?
Ano-anong barangay naman ang mas marami ang nakatirang mga
matatanda kaysa mga bata?
Ilan ang kabuoang bilang ng mga babae at mga lalaki ang nasa
San Martin De Pores?
Anong barangay ang may pinakamalaking bilang ng mga babae?
Ilan ang kabuoang bilang ng mga matatanda at bata sa Lawang
Pare?
Bakit kaya may malaki at may maliit na populasyon ang mga
pamayanan?
Ano kaya ang epekto ng malaki at maliit na populasyon?

48
Gawin Mo

Gawain A

Ang nasa ibaba ay isang uri ng graph na hindi kumpleto ang


detalye. Gawin itong bar graph sa pamamagitan ng paglalagay ng
tamang bar sa bawat barangay gamit ang mga impormasyon sa
Talahanayan A. Gawin ito sa sagutang papel.

Bilang ng mga Tao sa Barangay ng


Lungsod San Jose del Monte

5000

4500

4000

3500

3000

2500

2000

1500

1000

500

0
Assumption San Martin Sto. Niño 1 Sto. Niño 2 Lawang Pare
De Pores

49
Gawain B

Batay sa sumusunod na bar graph, sagutin ang mga tanong.


Isulat ang tamang sagot sa notbuk.

Bilang ng mga Babae at Lalaki sa mga Barangay


ng Lungsod San Jose del Monte
Babae Lalaki

2500

2000

1500

1000

500

0
Assumption San Martin De Sto. Niño 1 Sto. Niño 2 Lawang Pare
Pores

Alin sa mga barangay ang may pinakamaraming babae? Alin naman


ang may pinakamaraming lalaki?
Aling mga barangay ang mas marami ang nakatirang lalaki kaysa
mga babae?
Paghambingin ang bilang ng mga babae sa mga barangay ng
Sto. Nino 1 at ng Lawang Pare.
Paghambingin ang bilang ng mga lalaki sa mga barangay
Assumption at San Martin.
Aling barangay ang pinakakaunti ang populasyon?

50
Gawain C

Pag-aralang muli ang datos ng limang barangay ng Lungsod


San Jose del Monte. Paghambingin ang mga barangay na nabanggit
sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap.

Bilang ng Matatanda at Bata

3000 Bata Matatanda

2500

2000

1500

1000

500

0
Assumption San Martin Sto. Niño 1 Sto. Niño 2 Lawang Pare
De Pores

Sa Barangay Assumption mas __________, ang


matatandang nakatira kaysa mga bata.
Halos magkasing-dami ang matatanda at mga bata sa
__________________.
Ang Barangay _____________ ang may pinakamaliit na bilang ng
mga bata.
Sa mga barangay ng Sto. Niño 1 at Sto. Niño 2, ang mga
matatanda ay ______________ kaysa mga bata.
Mas lubos na mapapakinabangan ang mga lugar palaruan sa
Barangay _____________.

51
Natutuhan Ko

Punan ng datos ang talahanayan tungkol sa populasyon ng


barangay sa inyong bayan tulad ng nasa Talahanayan A sa pahina 47.

Barangay Populasyon

Ilang barangay ang kinuhanan ng datos tungkol sa populasyon?


Kung ikaw ay nakatira sa lugar na pinakamarami ang tao, anong
lugar ito ayon sa graph?
Ang mga kamag-anak mo ay matatagpuan sa
barangay na pinakakaunti ang tao, anong barangay ito?
Kung ang bahay ng iyong kapatid ay matatagpuan sa
lugar na ikalawa sa pinakamalaking populasyon, anong
barangay ito?
Mayroon bang mga barangay na magkasindami ang bilang ng mga
tao?

52
Aralin 6: Populasyon Aralinngmga6: LalawiganPopulasyonsaAtingRehiyon
ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon

Panimula

Sa araling ito, matatalakay at maihahambing ang populasyon ng


mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon gamit ang mapa ng
populasyon. Maipakikita rito ang pagkakaiba-iba ng dami ng tao sa
mga lalawigan at ang epekto nito sa pamumuhay ng mamayang
naninirahan sa mga lalawigan ng rehiyon.

Mahalagang malaman mo ang populasyon ng mga lalawigan at


ang kaugnayan nito sa pagsusulong at pagpapabuti ng mga lalawigan
sa iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakagagamit ng mapa upang mailarawan ang populasyon ng


mga lalawigan sa sariling rehiyon;

nakapaghahambing ng mga lalawigan sa sariling rehiyon ayon sa


dami ng populasyon gamit ang mga datos ukol sa populasyon; at

nakagagawa ng talata tungkol sa iba’t ibang pangkat ng tao at kung


paano sila mapahahalagahan.

53
Alamin Mo

Tuklasin Mo

Ang pamayanan ay kinabibilangan ng mga tao na siyang


bumubuo ng populasyon. May dalawang uri ang karaniwang pagsukat
ng populasyon. Ang isa ay ang simpleng pagbilang ng mga tao sa isang
pamayanan. Ang isa pa ay ang pagsukat ng dami ng populasyon batay
sa dami ng taong naninirahan sa isang bahagi nito.

Ginagamit ang mapa


ng populasyon sa pagtukoy
ng bilang ng mga taong
naninirahan sa bawat
pamayanan. Nagagamit
din ang ganitong mapa sa
pagtukoy at
paghahambing ng
populasyon ng mga tao
sa iba’t ibang lugar na
nakatira rito.

54
Suriin ang Mapa ng Populasyon ng Rehiyon III. Ang Rehiyon III
ay malapit sa National Capital Region (NCR) kung saan matatagpuan
ang kabisera ng ating bansa. Dito rin sa NCR makikita ang maraming
sentrong pangkomersiyo at industriya.

Ano sa palagay ninyo ang epekto nito sa populasyon ng


rehiyon? Gaano kalaki o kaliit ang populasyon ng rehiyon? Sa datos
na nakalap tungkol sa populasyon ng bansa noong 2015, ang Rehiyon
III ay sumusunod sa CALABARZON at NCR sa may pinakamalaking
populasyon sa bansa. Sa mapa makikita ang populasyon ng mga
lalawigan ng rehiyon noong taong 2015.

Populasyon ng mga Lalawigan ng Rehiyon III Taong 2015

Pananda: = 100 000 katao

55
Tingnan muli ang mapa ng rehiyon, malaki ba ang nasasakupang
populasyon nito? Tinatayang ang kabuoang lupain ng Rehiyong III ay
umaabot sa mahigit 21 000 kilometro kuwadrado na lupain.

Pag-aralan sa mapa ang dami ng populasyon sa bawat lalawigan


ng Rehiyon III at ang talahanayan tungkol dito. Bakit kaya magkakaiba
ang bilang ng mga tao sa iba’t ibang lalawigan?

Talahanayan ng Lawak ng Nasasakupan


at Populasyon ng Rehiyon III
Lalawigan Lawak ng Nasasakupan Populasyon

Aurora 3 147.32 kilometro kuwadrado 214 000

Bataan 1 372.98 kilometro kuwadrado 761 000

Bulacan 2 774.85 kilometro kuwadrado 3 292 000

Nueva Ecija 5 943.62 kilometro kuwadrado 2 151 000

Pampanga 2 044.99 kilometro kuwadrado 2 610 000

Tarlac 2 736.64 kilometro kuwadrado 1 366 000

Zambales 3 714.40 kilometro kuwadrado 824 000

Suriin ang mga paglalarawan ng bawat lalawigan ng rehiyon.


Makakatutulong ba ito upang mabigyang kasagutan ang pagkakaiba-
iba ng mga populasyon ng mga lalawigan sa rehiyon?

56
Lalawigan Katangian Kabuhayan Lokasyon

malawak na pangingisda, silangang


kabundukan
Aurora pagsasaka, at bahagi ng
may mahabang
turismo rehiyon
baybayin
malawak na pagsasaka at
industriyalisasyon,
kabundukan
pangingisda,
halos napaliligiran timog na
paggawa ng
Bataan ng dagat ang bahagi ng
fishtraps,
kanluran at rehiyon
pamamasukan sa
silangang bahagi
mga pabrika,
nito
turismo
pagsasaka,
malawak na paggawa ng mga timog-
produktong
Bulacan kapatagan,
marmol, paggawa
silangang
may bahagi na bahagi ng
ng alahas,
bulubundukin rehiyon
pangingisda
komersyo
malawak na
bahagi ang pagsasaka at agri-
kapatagan, may industriyalisasyon,
bahaging pag-aalaga ng hilagang
Nueva Ecija talampas, hayop, paggawa bahagi ng
kabundukan ng ng tsinelas, rehiyon
Sierra Madre, paggawa ng
Caraballo, at sidecar
Cordillera
pagsasaka
Pampanga malawak na pangingisda gitnang
paghahayupan, bahagi ng
kapatagan
komersyo rehiyon
turismo
agrikultura hilagang-
malawak na kanlurang
Tarlac paggawa ng
kapatagan bahagi ng
asukal
rehiyon
may kapatagang
bahagi, agrikultura kanlurang
Zambales malawak na pagmimina,
bahagi ng
bulubundukin, pangingisda,
rehiyon
mahabang turismo
baybayin

57
Magkakaiba-iba ang mga pangkat ng tao na kabilang
sa populasyon ng bawat lalawigan. Sa rehiyon ito, malaking
bahagi ang mga pangkat ng tao ayon sa kanilang
kabuhayan. Kung kaya’t marami rito ang mga magsasaka,
mangingisda, at mga manggagawa sa iba’t ibang
kompanya at pabrika.

Ang buong rehiyon ay tinatawag na Rehiyon ng mga


Katagalugan dahil sa wika. May ilang maliit na bahagi ng populasyon
na kasama sa katutubong pangkat katulad ng mga Aeta at mga
Dumagat. Sila ang mga naunang mga pangkat na nanirahan sa
malawak na lupain ng inyong rehiyon. Paano mo mapahahalagahan
ang iba’t ibang pangkat ng tao sa mga lalawigan ng iyong rehiyon?

Sagutin ang mga tanong:


Anong masasabi mo tungkol sa populasyon ng bawat lalawigan sa
iyong rehiyon? Isulat sa kahon ang iyong sagot. Gawin sa
notbuk.

Lalawigan Dami ng Populasyon

Bakit nagkakaiba-iba ang populasyon sa bawat lalawigan?

58
Populasyon ng mga Lalawigan ng Rehiyon III Taong 2015

Pananda: = 100,000 katao

Gamit ang mapa ng populasyon, sagutin ang


sumusunod na tanong:

Aling lalawigan ang may pinakaraming pananda? Ano kaya ang ibig
sabihin nito?
Aling lalawigan ang may pinakakaunting pananda? Ano kaya ang ibig
sabihin nito?
Aling lalawigan ang may pinakasiksikan ang mga pananda?
Bakit kaya sila nagsisiksikan?
Aling lalawigan ang may pinakamaluwag ang mga pananda?
Bakit kaya kakaunti ang pananda sa lalawigang ito?

59
Gawin Mo

Gawain A

Tingnan ang talahanayan ng populasyon ng tao sa mga lalawigan


sa rehiyon. Alin ang pinakamalaki? Alin ang pinakamaliit? Gumuhit
ng pananda sa mapa na may tamang bilang sa bawat lalawigan. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

Lalawigan Populasyon

Aurora 214 000


Bataan 761 000
Bulacan 3 292 000
Nueva Ecija 2 151 000
Pampanga 2 610 000
Tarlac 1 366 000
Zambales 824 000

Pananda: = 100,000 katao

60
Gawain B

Paghambingin ang sumusunod na populasyon ng mga lalawigan


gamit ang mga simbolo na mas maliit (<), mas malaki (>), at
magkasindami (=). Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pananda: = 100,000 katao

Zambales ______ Tarlac


Aurora _____ Bulacan
Nueva Ecija _____ Pampanga
Bataan _____ Zambales
Bulacan _____ Bataan

61
Natutuhan Ko

Pagsunod-sunurin ang mga lalawigan mula sa pinakamaraming


bilang ng tao hanggang sa pinakakaunti. Isulat ang bilang 1 – 7.

______ Aurora
______ Bataan
______ Bulacan
______ Nueva Ecija
______ Pampanga
______ Tarlac
______ Zambales

Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa mapa ng


populasyon sa sagutang papel.

___________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_________________________

62
Aralin 7: Katangi AralinngPisikal7: naKatangiangNagpapakillasa mgaPisikalLalwigan
na NagpapakilalangAtngRehiyonsa mga Lalawigan
ng Ating Rehiyon

Panimula
Paano mo mailalarawan ang iyong lalawigan?
Maipagmamalaki mo ba ito at ang iyong rehiyon? Paano mo ba ito
ipinakikilala? Ang pagkilala sa sariling lalawigan ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kinabibilangang lalawigan.

Pahalagahan mo ang iyong lalawigan sapagkat dito ka nabibilang


at dito rin nakatira ang iyong pamilya at mga kaibigan. Kaya’t marapat
na alamin mo kung ano ang natatangi sa iyong lalawigan at mga karatig-
lalawigan sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, lubos mong maipakikilala
ang mga ito sa mga tao sa ibang lalawigan. Halika at pag-aralan natin
ang magagandang lugar sa iyong lalawigan at mga anyong pisikal na
makikita rito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagsasabi ng ilang katangiang pisikal ng mga lalawigan sa


rehiyon;
nakatutukoy ng mga anyong tubig o anyong lupa na nagpapakilala
sa lalawigan at rehiyon;
nakapaghahambing ng katangiang pisikal ng iba't ibang
lalawigan sa rehiyon; at
nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal na
nagpapakilala ng lalawigan at rehiyon.

63
Alamin Mo

Tuklasin Mo

Inimbitahan ni Bella ang pamilya ng kaniyang pinsan na si Sofia


na makipiyesta sa kanila. Malapit na kasi ang piyesta sa Malolos,
Bulacan. Manggagaling pa sa Zambales sina Sofia.
Narito ang kanilang usapan sa telepono.

Hello. Paano ba Madali lang pumunta


pumunta sa sa amin mula sa
inyo Bella? Olongapo. Dadaan
kayo sa bulubunduking
lugar ng Zambales
papuntang Bataan.
Dadaan kayo sa
sigsag na daan
hanggang marating
ninyo ang
kapatagang bahagi
ng Bataan papasok ng
Pampanga.

64
Halos kabundukan
pala ang nasa
pagitan natin.

May malawak na kapatagan


ka namang makikita sa Pampanga
liban sa nag-iisang bundok, ang
Bundok Arayat na nakatayo sa
kalagitnaan nito. Bulacan na ang
susunod na lalawigan, halos
kapatagan din, matatanaw mo lang
ang Bulubunduking Sierra
Madre sa silangan. Lalabas kayo ng
North Luzon Expressway (NLEX)
papasok
sa Pulilan, at malapit na kayo dito sa
Malolos. Naku, makulay na
pagdiriwang ang masasaksihan mo!

O sige, titingnan na lang


namin sa mapa ang papunta
sa inyo. Asahan mo kami sa
piyesta. Sabik na rin kaming
makita kayo, pinsan!
Paalam.

65
Sagutin ang sumusunod:

Tungkol saan ang usapan ng magpinsang sina Bella at Sofia?


Ano-ano ang katangian ng mga lalawigan na
madadaanan nila Sofia mula sa Zambales hanggang
sa Malolos, Bulacan?

Lugar Katangian
Zambales Kabundukan
Bataan
Pampanga
Bulacan

Gawin Mo

Gawain A

Batay sa pisikal na mapa ng sariling rehiyon, isulat ang mga


nakikitang mga pisikal na katangian ng mga lalawigan. Isulat sa sagutang
papel.

Lalawigan Mga Simbolong Ipinahihiwatig na


Nakikita sa Mapa Katangiang Pisikal
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

66
Gawain B

Halina't tayo’y maglakbay! Alam mo ba ang mga natatanging


lugar sa iyong lalawigan at mga karatig nito? Isulat sa sagutang papel
kung saan matatagpuan ang mga kilalang anyong tubig at anyong lupa
na nasa larawan. Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba.

Ang dam na ito ay matatagpuan


sa Gitnang Luzon na may taas na
131 metro. Ito ay nagbibigay ng
Ito ay kilalang bulkan sa Luzon.
malinis na tubig sa Metro Manila.

Gumagamit ng gatas ng kalabaw


ang kainang ito na nasa harap ng
Ito ay dating tinaguriang Rio Philippine Carabao Center,
Grande de Pampanga. Ito ang Science City of Muñoz.
ikalawang pinakamalaking ilog sa
pulo ng Luzon.

Aurora Bataan Bulacan Nueva Ecija


Pampanga Tarlac Zambales

67
Gawain C

Iguhit ang anyong tubig o anyong lupa na nagpapakilala sa


iyong lalawigan. Buoin ang brochure
tungkol dito at hikayatin ang mga tao na pumunta rito sa
pamamagitan ng paglalarawan ng kagandahan nito.

Ang aking lalawigan ay ____________________.


Makikita rito ang tanyag na ____________________.
Ang anyong tubig o anyong lupa na ito ay
____________________. Marami ang pumupunta rito
dahil ____________________ kaya't inaanyayahan
namin kayo na dalawin ang tanyag na lugar na ito sa aming
lalawigan. Tiyak na masisiyahan kayo.

68
Natutuhan Ko

Buoin ang bawat pangungusap upang ilarawan ang iba't ibang


lalawigan sa sariling rehiyon. Gawing batayan ang mga napag-aralang
pisikal na katangian ng rehiyon. Isulat ang sagot sa notbuk.

Ang malaking bahagi ng lalawigan ng Bataan ay


____________.
Ang lalawigan ng _______________ ang may pinakamalawak na
kapatagan sa buong rehiyon.
Ang pinakatanyag na bulkan na matatagpuan sa ikatlong
rehiyon ay ang _______________.
Ang lalawigan ng _______________ ay nakaharap sa Karagatang
Pasipiko kaya naman naggagandahan ang mga dalampasigan
dito na dinarayo ng mga turista.
Sa lalawigan ng __________________ matatagpuan ang ikalawang
pinakamalaking ilog sa pulo ng Luzon.

69
Aralinlin8: Ang8: mgaAngAnyongmgaTubigAnyongatAnygLupaTubigsaAting
at Anyong LupaRehiyonsaAting Rehiyon

Panimula

Karamihan sa pinagkukuhanan ng pangkabuhayan ng mga tao sa


lalawigan ay ang mga anyong lupa at anyong tubig. Mahalagang
pangalagaan ang mga anyong lupa at anyong tubig ng ating rehiyon.
Kaya’t halika at muling tuklasin ang kagandahan ng ating mga anyong
lupa at anyong tubig.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng iba’t ibang anyong tubig at anyong lupa ng sariling


lalawigan at mga karatig lalawigan sa rehiyon; at

nakapaghahambing ng mga pangunahing anyong lupa at anyong


tubig ng mga lalawigan sa sariling rehiyon.

70
Alamin Mo

Basahin ang liham sa ibaba.

28 Brgy. Apollo
Orani, Bataan
Mahal kong Joseph,

Kumusta na? Narito ako ngayon sa Orani, Bataan. Maganda


pala sa lugar na ito. Nakita ko ang matataas na anyong lupa habang
bumabagtas ang bus na aming
sinasakyan. Namasyal kami sa tabing dagat. Nakita ko roon
ang mga mangingisdang nanghuhuli ng masasarap at iba't ibang uri ng
isda. Sana ay may ganito ring tanawin sa ating lugar.

Ang iyong kaibigan,

Angel

Tuklasin Mo

Basahin ang teksto sa ibaba upang mapagyaman pa ang


kaalaman sa Rehiyon III.

Maraming anyong lupa at anyong tubig ang kilala sa iba’t ibang


lalawigan ng rehiyon. Dito matatagpuan ang malalawak na baybayin ng
Aurora, Bataan, at Zambales na nagiging atraksyon sa mga turista. Ang
mayamang lupain sa

71
Nueva Ecija, Tarlac, at Bulacan na
taniman ng palay, tubo, at sibuyas at
iba pang produkto mula sa pagsasaka.
Sa Zambales makikita ang kilalang
Bulkang Pinatubo. Sa Bataan
matatagpuan ang bundok Samat, dito
nakatindig ang
Dambana ng Kagitingan. Dito rin makikita ang Bundok Malasimbo at
Bundok Natib. Sa Nueva Ecija makikita ang Bundok Kiligantian. Sa
Tarlac naman matatagpuan ang Bundok Telakawa. Sa Pampanga
matatagpuan ang Bundok Arayat. Ang mga kabundukan ang nagbibigay
proteksiyon sa atin sa malalakas na hangin, ulan, at bagyo.

Narito rin sa rehiyon ang pangalawa sa pinakamahabang ilog sa


Luzon, ang Ilog Pampanga. Ang
Ilog Angat sa Bulacan, kung saan
naroon ang Angat Dam na
pinaglalagakan ng tubig na
dumadaloy sa mga kabahayan sa
Bulacan at halos sa buong Metro
Manila. Isang magandang tanawin
din ang mga Isla El Grande,
Capones, at
Potipot sa Zambales. Kilala ang mga islang ito sa maputing
buhanginan. Dapat din nating kilalanin ang mga Talon ng Pajanutic,
Gabaldon, at Palaspas maging ang Bukal Bubuyarok sa Nueva Ecija.

Sadyang mayaman sa kalikasan ang Rehiyon III. Ang mga ito ang
nagpapatanyag sa bawat lalawigan dito. Dapat nating pangalagaan at
ipagmalaki ang mga likas na yaman sa ating rehiyon.

72
Pag-aralan natin ang mga katangian ng ilang anyong lupa at
anyong tubig ng bawat lalawigan. Ano kaya ang masasabi natin tungkol
sa mga ito? Alin kaya rito ang nagpapakilala ng bawat lalawigan sa
ating rehiyon?

Ilang Ilog sa Rehiyon Ilang Bundok sa Rehiyon


Ilog Sukat o Laki Bundok Taas
Angat 1 085 km2 Samat 544.7 m
Pampanga 9 759 km2 Pinatubo 1 486 m
Tarlac 1 900 km
2 Arayat 1 026 m

Sagutin ang sumusunod na tanong:


Ano-ano ang nabanggit na anyong tubig at anyong lupa sa iyong
rehiyon?
Anong masasabi mo tungkol sa bawat anyong lupa at anyong tubig
na nabanggit sa talata?

Lugar Anyong Lupa Pangalan Katangian


Pampanga bundok Bundok mataas,
Arayat maganda

Ano pang ibang mga anyong tubig at anyong lupa sa iyong rehiyon
ang alam mo? Ano-ano ang katangian nito?
Paano naapektuhan ng anyong lupa at anyong tubig
ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa kinalalagyan nito?
Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng
kagandahan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa rehiyon?

73
Gawin Mo

Gawain A

Kopyahin at pag aralan sa iyong kuwarderno ang tsart. Batay sa


mapa ng anyong lupa sa ating rehiyon at sa teksto na binasa, lagyan ng
tsek (/) ang angkop na kolum na nagpapakita ng mga anyong lupa at
anyong tubig sa bawat lalawigan.

Anyong Lupa

Bulubundukin
Kapatagan
Lalawigan
Talampas
Bundok

Bulkan

Isla
Burol

Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

Sagutin ang mga tanong tungkol sa ginawang


talahanayan.
Ano-anong anyong lupa ang mayroon sa inyong lalawigan?

74
Aling mga lalawigan ang may mga anyong lupa na bundok?
Aling lalawigan ang may talampas?
Aling mga lalawigan ang may kapatagan?
Aling lalawigan ang may bulkan?

Mapang Topograpiya ng Rehiyon III (Anyong Lupa)

75
Anyong Tubig

Lalawigan

Karagatan

Talon
Lawa
Dagat

Look
Ilog
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

Sagutin ang mga tanong tungkol sa ginawang


talahanayan.

Ano-anong anyong tubig ang mayroon sa inyong lalawigan?


Aling mga lalawigan ang may mga anyong tubig na ilog?
Saang lalawigan ang may lawa?
Aling mga lalawigan ang may karagatan?
Aling mga lalawigan ang may mga look?
Saang mga lalawigan mayroong talon?

76
Mapang Topograpiya ng Rehiyon III (Anyong Tubig)

77
Gawain B

Ano-ano ang mga anyong lupa at anyong tubig ang makikita sa


bawat lalawigan sa ating rehiyon. Isulat sa sagutang papel.

Batay sa mapa at tsart ng mga anyong tubig at anyong lupa,


paghambingin ang mga anyong lupa at anyong tubig sa bawat
lalawigan. Maaaring sundan ang halimbawa sa ibaba.

Ang Ilog Pampanga ay mas malawak kaysa Ilog Angat.


____________________________________________________.
____________________________________________________.

78
Gawain C

Ipakita ang iyong pagpapahalaga sa mga natatanging anyong lupa


at anyong tubig sa inyong lalawigan. Gumawa ng plakard na nakasulat
ang Proud and Ready to Care. Magpakuha ng litrato sa lugar na
inihanda ng guro na may tarpapel na nagpapakita ng larawan ng anyong
lupa at anyong tubig para sa gawaing ito.

Natutuhan Ko

Ano-anong uri ng anyong lupa at anyong tubig ang makikita sa


mga natatanging lugar sa ating rehiyon? Mag-isip ng ilan at
isulat mo ito sa sagutang papel.
Gamitin ang halimbawang talahanayan.

Pangalan ng Lugar Uri ng Anyong Lupa o


Anyong Tubig
Bulkang Pinatubo Bulkan

79
Tingnan ang datos sa ilang pangunahing anyong lupa o anyong tubig
sa lalawigan at rehiyon. Paghambingin ang mga katangian nito.

Ilang Ilog sa Rehiyon Ilang Bundok sa Rehiyon


Ilog Sukat o Laki Bundok Taas
Angat 1 085 km2 Samat 544.7 m
Pampanga 9 759 km2 Pinatubo 1486 m
Tarlac 1 900 km2 Arayat 1026 m

Isulat ang T sa sagutang papel kung tama ang pahayag


at M kung mali.

Ang Ilog Tarlac ay mas malaki kaysa Ilog Pampanga.


Ang Bundok Arayat ay mas maliit kaysa Bundok Samat.
Ang Ilog Angat ay mas maliit kaysa Ilog Pampanga.
Ang Bulkang Pinatubo ay mas mataas kaysa Bundok Arayat.
Ang Ilog Pampanga ay ang pinakamahabang ilog sa buong rehiyon.

80
Aralin 9: Pagkakaugnay-ugnay
Aralin 9: Pagkakaugn y-ugn y ng mga Anyong Tubig at Anyong
ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa
Lupa ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon

ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon

Panimula

Matapos pag-aralan at maihambing sa nakaraang aralin ang iba’t


ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng iba’t ibang lalawigan sa
sariling rehiyon, tatalakayin naman ang pagkakaugnay-ugnay nito sa bawat
isa.

Alam mo bang marami tayong mga natatanging anyong lupa at


anyong tubig sa ating lalawigan at rehiyon na magkakaugnay?

Mayroong isang aktibong bulkan sa Kanlurang Luzon na


nasasakupan ng mga lalawigan ng Zambales,
Pampanga, at Tarlac. Ito ay ang Bulkang Pinatubo. Ang malaking
bahagi ng Bulkan at ang bunganga (crater) nito
ay nasa Zambales, ngunit naiisip ba ninyo kung bakit mas
naapektuhan ang Pampanga noong pumutok ang nasabing Bulkan?

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā
ᜀ Ȁ ̀Ā Ȁ ⸀Ā Ā ĀĀĀ Ā ȀȀ⸀Ā ̀Ā
ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ
Ā Ā Ȁ ⸀Ā ᜀ Ā ᜀ nakapa
gsasabi ng pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at anyong
lupa sa lalawigan at rehiyon; at

ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ȁ
ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā ᜀ Ā
ᜀ Ā ᜀ nakapagpapahalaga sa pagkakaugnay-
ugnay ng mga anyong tubig at anyong lupa sa sariling lalawigan at
rehiyon.

81
Alamin Mo

Anong mga anyong lupa o anyong tubig ang


magkakaugnay-ugnay?
Ano ang kahalagahan ng pag-alam mo sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito?

Bigkasin nang maayos ang tula at sabay-sabay na isagawa.

Pag-ugnayin Natin

Sa Rehiyon III ay matatagpuan,


mga bundok, burol, at aktibong bulkan makikita rin
dito, malawak na kapatagan ang mga ito ay anyong lupa
kung turingan.

Mayaman din ang rehiyon sa Ilog at lawa, may dagat at


talon na kaiga-igaya mga isda at lamang dagat dito
nagmumula ang mga ito ay anyong tubig na kahanga-hanga.

Anyong lupa at anyong tubig ating pag-ugnayin


upang makilala rehiyong kinabibilangan natin.
Ating alagaan at ganda'y panatilihin,
ipagmalaki ito at ating mahalin.

82
Tuklasin Mo

May mga anyong lupa at anyong tubig na nag-uugnay sa


iba’t ibang lalawigan sa ating rehiyon.

Sa Rehiyon III matatagpuan ang Bulkang Pinatubo. Ito ang nag-


iisang aktibong bulkan sa rehiyon na nag-uugnay sa tatlong lalawigan na
kinabibilangan ng Zambales, Tarlac, at Pampanga. Naganap ang
matinding pagsabog nito noong taong 1991 na nagdulot ng matinding
pinsala sa tatlong lalawigan na kinaroroonan nito. Tinatayang ang
lalawigan ng Pampanga ang lubhang napinsala.

83
Ang Kapatagan ng Nueva Ecija ay makikitang kaugnay ng
kapatagang bahagi ng Tarlac. Makikita rin ang parehong sitwasyon sa
pagitan ng kapatagan ng Pampanga at kapatagan ng Bulacan. Malimit na
ang pagkakapare-pareho ng anyong lupa sa iba’t ibang lalawigan ay isa
sa mga dahilan ng pagkakapare-pareho ng kanilang kabuhayan at
pamumuhay.

Mayroon ding anyong tubig na makikita sa rehiyon na nag-


uugnay sa iba’t ibang lalawigan. Ito ang Ilog Pampanga na dating
tinatawag na Rio Grande de Pampanga. Ang ilog na ito ay nagmumula
sa Aurora, bumabagtas sa lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, at
nagtatapos sa Bulacan.

Sagutin mo:

Anong mga anyong lupa ang nabanggit sa iyong binasa?


Anong anyong tubig naman ang nabanggit din sa iyong binasa?
Anong mga lalawigan ang pinag-uugnay ng Bulkang Pinatubo?
Ano namang mga lalawigan ang pinag-uugnay ng Ilog
Pampanga?
Aling mga lalawigan ang pinag-uugnay ng anyong lupang
kapatagan?
Mayroong bang epekto ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong
lupa at anyong tubig sa mga lalawigan?
Paano nakakaapekto ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong lupa
at anyong tubig sa mga lalawigan?
Sa iyong sariling lalawigan, may nalalaman ka bang
mga anyong lupa o anyong tubig na nag-uugnay sa iba pang
lalawigan?

84
Gawin Mo

Gawain A

Isulat sa talahanayan o talaan ang magkakaugnay na mga anyong


lupa at anyong tubig na matatagpuan sa iyong rehiyon.

Mga Lalawigang
Anyong Lupa o Anyong Tubig
Pinag-uugnay

Gawain B

Gamit ang blangkong mapa ng rehiyon na ibibigay ng guro, kulayan ang


bahagi ng mga lalawigan na natukoy na pinag-ugnay ng isang anyong
lupa o anyong tubig. Kulayan ng berde ang bahagi na
napag-uugnay ng anyong
lupa at asul naman para sa
mga lalawigan na pinag-
ugnay ng anyong tubig na
napag-aralan mo. Sa iyong
lalawigan, gamit ang mga
nakatalagang kulay, may nais
ka pa bang idagdag na mga
anyong lupa at anyong tubig
na nag-uugnay sa ibang
lalawigan.

85
Gawain C

Pangkatang Gawain
Sundin ang sumusunod na gawain sa inyong pangkat.

Mapa at Simbolo
Ikonek ang mga putol-putol na linya upang mabuo ang mapa ng
Rehiyon III.
Iguhit sa mapa ang kaukulang simbolo ng mga anyong lupa at
anyong tubig na nag-uugnay sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
Idikit sa nakalaang lugar ang inyong nagawang mapa upang makita
rin ng ibang pangkat.

86
Natutuhan Ko

Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pahayag ay tama at


malungkot na mukha ( ) kung mali. Gawin sa sagutang papel.
Ang anyong lupa at anyong tubig ay maaaring sumakop sa
isa o higit pang lalawigan.
Ang Ilog Pampanga ay dapat pangalagaan ng mga taga-
Pampanga lamang.
Ang pinsalang dulot ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo ay
nakaapekto lamang sa lalawigan ng Zambales.
Ang dalawang lalawigan na pinag-ugnay ng isang anyong
lupa o anyong tubig ay madalas na magkatulad ang
pamumuhay.
Pangalagaan ang mga anyong tubig at anyong lupa na
matatagpuan sa iyong lalawigan at sa buong rehiyon.

87
Aralin 10:AralinPaggawa 10:ngMapaPaggawangMahahal gangng AnyongMapaTubig at
ng Mahahalagang Anyong Tubig
Anyong Lupa ng Ating Lal wig n, Rehiyo , at mga Karatig Nito
at Anyong Lupa ng Ating Lalawigan,
Rehiyon, at mga Karatig Nito

Panimula
Ano ang iyong ginagawa kung may mga dayuhang napupunta
sa iyong lalawigan? Hindi ba ipinakikilala mo ang iyong lalawigan sa
kanila. Paano kung hindi nila napuntahan lahat ang mga
magagandang tanawin sa iyong lalawigan? Marahil kailangang
bigyan mo sila ng mapa upang matunton nila ang iyong lugar. Halika,
gumawa tayo ng mapa.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang
anyong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon; at
nakagagamit ng mapa sa pagtukoy ng mahahalagang anyong
lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

Paano mo maipakikita ang mga anyong lupa at


anyong tubig ng iyong lalawigan at rehiyon?

88
Tuklasin Mo

Gayahin mo ang mapa ng iyong lalawigan. Sa paggawa ng


iyong mapa, isaalang-alang ang mga pangunahing direksiyon sa
paglalapat ng mga hinihinging impormasyon. Balikan ang pahina 71-
73 para sa mga impormasyon na kailangan sa pagbuo ng iyong mapa.

Sa isang sagutang papel, markahan ang mapang ginawa ng mga


anyong lupa at anyong tubig. Natatandaan mo pa ba ang naging
talakayan tungkol sa anyong lupa at anyong tubig?

89
90
91
92
Gayahin mo ang mapa ng Rehiyon III. Sa isang sagutang papel,
markahan ang mapang ginawa ng mga anyong lupa at anyong tubig.

93
Gawin Mo

Gawain A

Tukuyin ang lalawigan na inilalarawan ng sumusunod na pahayag.


Isulat ang tamang sagot sa patlang. Gawin ito sa notbuk.

_____ 1. Dito makikita ang Bundok Samat.


_____ 2. Dito matatagpuan ang Lawa Pantabangan.
_____ 3. Sa lalawigang ito makikita ang Burol Doña Remedios
Trinidad na kilala rin sa tawag na Chocolate Hills ng Rehiyon
III.
_____ 4. Sa lalawigang ito makikita ang Talon Ditumabo o
Mother Falls.
_____ 5. Matatagpuan dito ang malaking bahagi ng
Bulubunduking Sierra Madre.
_____ 6. Dito matatagpuan ang Ilog Sto. Tomas.
_____ 7. Sa lalawigang ito makikita ang Bundok Arayat.
_____ 8. Dito makikita ang Lawa Pinatubo.
_____ 9. Dito naman makikita ang Talampas Pantabangan.
_____10. Sa lalawigang ito matatagpuan ang Ilog Tarlac.

Gawain B

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasiyon.


Sagutin ang mga katanungan sa Task Card sa
bawat estasiyon upang makuha ang piraso ng puzzle. Buoin ang puzzle ng
mapa ng mga lalawigan pagkatapos nito.

94
Estasiyon 1: Lalawigan: ____________________
Tanong:
Ang ilog ng __________ ay isa sa mga anyong tubig
dito. Ito ang pinakamalaking ilog sa rehiyon. Ano ang
lalawigang tinutukoy dito?

Maaari nang kunin ang piraso ng puzzle pagkatapos na masagot


nang tama ang tanong.

Estasiyon 2: Lalawigan: ____________________


Tanong:
Saang lalawigang matatagpuan ang lawa ng Angat na kinaroroonan
ng Angat Dam?

Maaari nang kunin ang piraso ng puzzle pagkatapos na masagot


nang tama ang tanong.

Estasiyon 3: Lalawigan: ____________________


Tanong:
Sa lalawigang ito ay matatagpuan ang malaking bahagi ng
Bulubundukin ng Sierra Madre.

Maaari nang kunin ang piraso ng puzzle pagkatapos na masagot


nang tama ang tanong.

Estasiyon 4: Lalawigan: ____________________


Tanong:
Sa lalawigang ito matatagpuan ang bunganga o crater ng nag-
iisang aktibong bulkan sa rehiyon, ang Bulkang Pinatubo.

Maaari nang kunin ang piraso ng puzzle pagkatapos na masagot nang


tama ang tanong.

95
Estasiyon 5: Lalawigan: ____________________
Tanong:
Ito ang pinakamalawak na kapatagan sa rehiyon.

Maaari nang kunin ang piraso ng puzzle pagkatapos na masagot nang


tama ang tanong.

Gawain C

Iayos ang mga piraso ng puzzle upang mabuo ang mapa ng


Rehiyon III. Ipakita ang anyong lupa at anyong tubig sa bawat
lalawigan sa pamamagitan ng pagguhit ng mga simbolo nito. Huwag
kalimutang isulat ang mga pangalan ng mga ito sa tabi ng guhit na
sumisimbolo sa kanila. Ipakita sa mga kaklase ang nagawa.

Natutuhan Ko

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na


kalagayan:

Buwan ng Mayo kung kaya't panahon na ng bakasyon. Ang


magpipinsang Jeremy, Kris, at JR ay mga bata mula sa ikatlong baitang.
Nais nilang magbakasyon sa kanilang lolo at lola sa Tarlac. Subalit hindi
nila alam ang pagpunta roon. Dahil abala rin ang kanilang mga
magulang sa paghahanapbuhay ay hindi sila masasamahan sa pagtungo
roon.

Tanging isang nakatatandang kapatid lamang ni Kris ang


maaaring sumama sa kanila. Sila ay kasalukuyang nakatira at nag
aaral sa Muñoz Central School, Lungsod Agham ng Muñoz.

96
Sinabihan sila ng kanilang magulang na magdala ng mapa
upang hindi sila mawala.

A. Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa kuwentong binasa.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Sa pagpunta nila Jeremy, Kris, at JR sa Tarlac, ano ang kailangan


nilang makita sa mapa? Ang makikita nila ay
________________.
ang mga daanan papunta sa Tarlac
kung gaano kataas ang bundok sa Tarlac
kung ano ang kabisera ng Tarlac
ang mga pangalan ng lokal na namumuno

Aling mapa ang gagamitin nila para mas madali nilang matunton
ang bahay ng kanilang lolo’t lola?
mapang pangklima
mapang pang-ekonomiya
mapang pangkultura
mapang pisikal

Gumawa ng mapa ng rehiyon upang matulungan sina Jeremy,


Kris, at JR sa pagpunta sa kanilang mga lolo at lola.

Kulayan ng dilaw ang lalawigang madaraanan nila at pula sa mga


lalawigang hindi nila madaraanan.
Lagyan ng mga simbolo ng mga anyong lupa at anyong tubig
ang mga lalawigan.

97
Aralin 11: Ang AralinmgaLugar11:na AngSesitibomgasaPnganibLugarBtay sa Lokasyon
na SensitiboatTpogrsa piyaPanganib
Batay sa Lokasyon at Topograpiya

Panimula
May mga panganib na naidudulot ang iyong kapaligiran.
Mahalagang malaman mo kung ano-ano ang likas na panganib na ito
upang mapaghandaan at maiwasan ang anumang sakuna na maaaring
maidulot nito.

Bunsod ng nag-iibang klima o climate change, ang Pilipinas


partikular sa bahagi ng Rehiyon III ay nakararanas ng paiba-ibang uri ng
panahon. Ang Rehiyon III ay madalas na daanan ng mga bagyong
pumapasok sa ating bansa taon-taon.

Sa pag-aaral mo ng iyong sariling lalawigan at rehiyon,


mahalagang matukoy at malaman mo ang mga lugar na sensitibo sa
panganib. Ito ay ang mga landslide, flashflood,
storm surge o daluyong, lindol, pagbaha at pagputok ng bulkan.
Mababatid mo dito kung ano ang kaugnayan ng topograpiya at lokasyon
ng lalawigan o rehiyon na maaaring magbunga ng panganib sa buhay at
ari-arian. Higit sa lahat malalaman mo ang tamang pagtugon at
paghahanda upang manatiling ligtas sa tuwing haharap sa ganitong
sitwasyon o kalamidad.

98
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
nakapagtutukoy ng mga lugar na mapanganib sa sariling
lalawigan at rehiyon gamit ang hazard map; at
nakagagawa ng mga hakbang bilang paghahanda sa mga
posibleng sakuna sa sariling lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

May kalamidad bang nangyari sa iyong


lalawigan? Sa ating Rehiyon?

Anong kalamidad ang hindi mo


malilimutan? Bakit?

Tuklasin Mo

Ang Bulkang Pinatubo

Ang nananahimik na bulkan sa


Rehiyon III ay ginulantang ang buong
bansa at maging ang buong mundo sa
hindi inaasahang pagsabog nito noong
Hunyo 15, 1991.

Ayon sa ABS-CBN News Online, umabot sa 722 ang kabuoang


bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng bulkan. Ayon naman sa
National Disaster Coordinating

99
Council (NDCC) na ngayon ay mas kilala bilang National Disaster
Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang mga residente
sa mga lalawigan ng Zambales, Tarlac,
at Pampanga ang lubhang naapektuhan nito dahil sa milyong toneladang
sulfur dioxide at abo na ibinuga nito.

Ang Panganib Dulot ng Lokasyon at Topograpiya

Ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar ay
nagiging dahilan ng mga panganib
na maaaring maranasan ng mga
taong nakatira rito. Ang
mabundok na lugar tulad ng ilang
bahagi ng Aurora, Bulacan,
Bataan, at Zambales ay
humaharap sa mga panganib tulad ng landslide o pagguho
ng lupa. Ang mga pamayanan na malapit sa baybayin o coastal areas
tulad ng Aurora, Bataan, Bulacan, at Zambales ay maaaring
makaranas ng tsunami at storm surge o daluyong. Ang mga
mababang lugar na
kapatagan na malapit sa paanan ng mga bundok ay nalalagay rin sa
panganib na dulot ng flashflood. Ito ang
biglaang pagbaha sa mga nasabing
lugar. Sa mga mababang lugar tulad
ng ilang bahagi ng Bulacan at
Pampanga ay nakararanas naman ng
malalim at matagal na pagbaha.
Ang ganitong sitwasiyon ay nagdudulot ng mga
suliraning pangkalusugan tulad ng dengue, leptospirosis, at
iba pa.

100
Sa ating rehiyon, matatagpuan ang mga aktibong fault line. Ito
ay ang bitak sa ilalim ng lupa na maaaring
gumuho at magdulot ng malalakas na paglindol. Kabilang dito ang
Digdig Fault sa Nueva Ecija, Iba Fault at East Zambales Fault Line
at ang Valley Fault Line System sa
Pampanga. Ang paggalaw ng mga fault line na ito ay malimit na
nagdudulot ng malalaking pinsala.

Hazard Map ng Rehiyon III

101
Gawin Mo

Gawain A

Kopyahin ang tsart sa sagutang papel. Lagyan ng tsek


ang kolum na tumutugma sa panganib na hinaharap ng bawat
lalawigan. Gawing gabay ang mapa at teksto na tinalakay.

Banta ng Panganib

Storm Surge/ Tsunami

Pagputok ng Bulkan
Lalawigan
Pagbaha

Lindol

Flashflood

Landslide

Pagbagyo

Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

102
Gawain B

Kopyahin ang tsart sa sagutang papel. Gamit ang hazard


map, punan ng impormasyon ang data retrieval chart.

Topograpiya at
Sensitibo sa Anong
Lokasyon
Panganib? (lindol,
(mabundok, malapit
sa bagyo, landslide,
Lalawigan pagbaha, pagputok ng
baybayin, nasa fault bulkan, flashflood)
line, malapit sa
bulkan, mababang
lugar)

Gawain C

Mula sa mapang ibibigay ng guro, taluntunin ang mga lugar na


sensitibo sa panganib batay sa lokasyon at topograpiya.

103
Natutuhan Ko

Muling pag-aralan ang hazard map. Sagutin ang


sumusunod na tanong sa sagutang papel.

Aling lalawigan ang may dalawang fault line?


Bulacan
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Bakit madalas ang pagbaha sa Bulacan at
Pampanga?
dahil ito ay mababang kapatagan
dahil ito ay malapit sa kabundukan
dahil ito ay malapit sa bulkan
dahil ito ay malapit sa dagat
Saang lugar madalas nararanasan ang landslide?
malapit sa baybayin
malapit sa ilog
malapit sa kabundukan
malapit sa kapatagan
Aling pahayag ang tama ang isinasaad?
may pagputok ng bulkan sa Aurora
may tsunami sa kabundukan ng Bulacan
may storm surge o daluyong sa Pampanga
may flashflood sa Nueva Ecija
Alin sa mga lalawigan ang hindi nakaranas ng
matinding pinsala ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo
noong taong 1991?
Aurora
Pampanga
Tarlac
Zambales

104
Aralin Aralin12:Maagap12: atMaagapWstongPagtugonatWastongsamgaKalamidad
Pagtugon sa mga Kalamidad

Panimula

Ayon sa Philippine Disaster Report 2012, isa ang Pilipinas sa may


pinakamaraming naranasan na sakuna dulot ng kalikasan sa buong
mundo. Tinatayang mahigit sa labindalawang (12) milyon na katao ang
naapektuhan sa mga pagbaha, paglindol, at iba pang panganib.

Sa naturang datos, ang Pilipinas ang may pinakamaraming


namatayan sa mga ganitong pangyayari sa nasabing taong 2012.

Patuloy ang mga nararanasan na panganib tulad ng bagyo,


lindol, at pagguho ng lupa sa ating bansa. Kung kaya’t nararapat
lamang na talakayin ang mga bagay na maaaring magawa ng mga
batang kagaya mo sa mga ganitong pagkakataon.

Sa pag-aaral ng sariling rehiyon, mahalagang matukoy mo ang


maagap at wastong pagtugon sa mga kalamidad na madalas maranasan.
Mahalagang malaman mo rin ang wastong paghahanda sa mga
kalamidad, kung ano ang dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng
kalamidad.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay: nakatutukoy at


nakapagsasagawa ng maagap at wastong pagtugon sa mga kalamidad na
madalas maranasan sa sariling rehiyon.

105
Alamin Mo

Tuklasin Mo

Nag-uusap ang magkakaibigang Alma, Cesar, Abie at Angel ukol


sa mga nangyari pagkatapos ng pananalanta ng Bagyong Ondoy.

Alma: Ano ang naranasan ninyo noong panahon ng Bagyong


Ondoy?

Abie: Umabot hanggang baywang ang baha sa amin.

Angel: Nabalitaan ko sa radyo na maraming tao ang naapektuhan ng


bagyo. Marami ang mga humingi ng tulong para sila ay mailikas.

Cesar: Marami ang hindi nakapaghanda sa mabilis na pagtaas ng


baha.

Naitala ang sumusunod na datos ng mga apektadong pamilya


mula sa Rehiyon III.

106
Bilang ng Apektadong Pamilya sa Rehiyon III
Lalawigan Apektado
Barangay Pamilya Indibidwal
Aurora 6 84 253
Bataan 2 140 700
Bulacan 171 42 666 176 894
Nueva Ecija 219 51 594 247 284
Pampanga 569 235 769 1 493 772
Tarlac 4 720 3 600
Zambales 3 1 191 6 441
Kabuoan 947 332 164 1 928 944
Pinagkuhanan: National Disaster Coordinating Council, Setyemre 2009

Alma: Marami nga pala talaga ang naapektuhan ng pagbaha


dulot ng bagyo.

Angel: Paano ba tayo makakapaghanda sa pagbaha?


Anong paghahanda ang dapat gawin?

Abie: Kailangan may paghahandang gagawin bago ang bagyo o


pagbaha. Tulad ng paggawa ng emergency
kit na may lamang pagkaing hindi agad masisira, tubig, first
aid kit, flashlight, battery, mga damit at
radyong de baterya. Maaari na ring isama ang lubid at whistle o
pito na pantawag ng tulong.

Alma: Sa panahon naman ng bagyo o baha, kailangang manatili sa


bahay at makinig sa balita. Huwag tayong lulusong sa baha dahil
maaari tayong magkasakit.

Cesar: Pagkatapos ng bagyo, iwasang pumunta sa mga lugar na


binabaha pa, patuloy na makinig sa radyo.

Angel: Ngayon ay nalaman ko na mahalagang maghanda sa pagdating


ng anumang sakuna. Ito ay para sa kaligtasan nating lahat.

107
Sagutin ang sumusunod na tanong:
Ano ang nangyari noong Bagyong Ondoy?
Ano ang naranasan ng mga tao?
Bakit sila humingi ng tulong?
Ano ang nararapat gawin sa pagdating ng isang bagyo?
Paano ka makakapaghanda sa panahon ng bagyo?

Maagap at Wastong Pagtugon sa Baha

Bago Mangyari ang Baha:


Tumulong sa mga magulang o
nakatatanda sa paghahanda ng
emergency kit na may lamang
pagkaing hindi agad masisira,
flashlight, battery, radyong de
baterya, kapote, mga damit at gamot.

Alamin ang antas ng pagbaha sa inyong lugar.


Makinig sa balita ukol sa pagbaha sa inyong lugar.

Sa Panahon ng Baha:
Makinig ng balita tungkol sa kalagayan ng pagbaha sa inyong
lugar.
Huwag lulusong sa baha upang makaiwas sa sakit.

Pagkatapos ng Baha:
Makinig ng balita tungkol sa mga lugar na apektado pa ng baha.
Iwasang pumunta sa mga lugar na binabaha pa.

108
Maagap at Wastong Pagtugon sa Bagyo Bago
Mangyari ang Bagyo:
Tumulong sa mga magulang o nakatatanda sa paghahanda ng
emergency kit na may lamang pagkain, flashlight, radyong de
baterya, kapote, mga damit at gamot.
Alamin sa balita ang antas ng bagyo at saang direksiyon
ang tatahakin nito.
Sa Panahon ng Bagyo:
Iwasang lumabas ng bahay sa panahon ng bagyo.
Makinig sa balita tungkol sa bagyo.
Pagkatapos ng Bagyo:
Manatili sa bahay hanggang may abiso nang ligtas ng lumabas.
Tingnan ang pinsalang naidulot ng bagyo sa tahanan.

Maagap at Wastong Pagtugon sa Lindol


Paghahanda sa Lindol:
Tumulong sa mga magulang
o nakatatanda sa
paghahanda ng
emergency kit na may
lamang pagkain,
flashlight, radyong de
baterya, mga damit at
gamot.
Makilahok sa mga
earthquake drill.

Sa Panahon ng Lindol:
Isagawa ang Duck, Cover, and Hold.
Iwasan ang pagkataranta (panic).

109
Pagkatapos ng Lindol:
Mabilis at maayos na lumabas ng gusali o bahay.
Siguraduhing ligtas ang gusali o bahay bago pumasok muli.

Maagap at Wastong Pagtugon sa


Pagguho ng Lupa (Landslide)

Paghahanda sa Pagguho ng Lupa:


Alamin sa mga magulang o
nakatatanda kung kayo ay nasa
ligtas at iwas
sa lugar na may mataas ang
posibilidad ng pagguho ng
lupa.
Maging alerto kung nagkaroon ng lindol o kaya
ay malakas at matagal na pag-ulan na
maaaring maging sanhi ng pagguho.
Alamin sa mga magulang o mga nakatatanda ang nagawang maayos
na plano sa paglikas kung gumuho ang lupa.

Sa Panahon ng Pagguho ng Lupa:


Agad na lisanin ang lugar.

Pagkatapos ng Pagguho ng Lupa:


Makinig sa balita tungkol sa naganap na kalamidad.
Lumayo muna sa lugar na gumuho dahil baka may kasunod pang
pagguhong mangyari.
Magpatulong sa mga rescuers kung may nangangailangan ng
tulong sa gumuhong lugar.

110
Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain
Gumawa ng graphic organizer tungkol sa maagap na pagtugon
sa iba’t ibang sakunang naranasan o maaaring maranasan sa sariling
lugar.

Maagap at
Wastong
Pagtugon
sa
___________

Pangkat 1 - Maagap at Wastong Pagtugon sa Bagyo Kasama


ang Pagbaha at Storm Surge

Pangkat 2 - Maagap at Wastong Pagtugon sa Pagguho ng Lupa


(landslide)
Pangkat 3 - Maagap at Wastong Pagtugon sa Lindol

111
Gawain B

Pangkatang Gawain

Batay sa karanasan o mga napakinggan sa mga magulang,


telebisyon, o radyo, ano-ano ang dapat tandaan sa mga panahon ng mga
sakuna? Magtalakayan sa inyong pangkat at punan ng impormasyon ang
data retrieval chart. Isulat ang inyong mga sagot sa manila paper na
ibibigay ng inyong guro.

Maagap at Wastong Pagtugon sa mga Kalamidad


Storm Surge Bagyo Pagguho
Lindol
at Tsunami Baha ng Lupa

Gawain C

Sa nagdaang mga araw ay nakaranas ng matinding


sakuna ang maraming lalawigan sa Pilipinas. Bilang pakikiisa, inatasan
kang gumawa ng isang information kit para sa
mga batang kagaya mo. Ano ang dapat na laman ng information kit na
ito? Pumili ng isang panganib na madalas maranasan kagaya ng bagyo
at pagbaha, pagguho ng lupa, o paglindol. Isipin ang dapat gawin ng
mga bata bilang paghahanda.

112
Maaaring gumawa ng outline kagaya sa ibaba. Isulat ang sagot
sa notbuk.

Bago dumating ang sakuna A.


B.
Habang nangyayari ang sakuna A.
B.
Pagkatapos mangyari ang sakuna A.
B.

Natutuhan Ko

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik


ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
Sa panahon ng bagyo nararapat na ako ay__________.
maligo sa ulan
manatili sa loob ng bahay
sumilong sa ilalim ng mesa
mamasyal sa labas ng bahay
Kapag lumilindol kailangang kong __________.
manatiling nakaupo sa sariling upuan
mataranta at magsisigaw
sumilong sa ilalim ng mesa
itulak ang aking mga kamag-aral
May bagyong parating kaya’t ako ay __________.
makikinig ng balita tungkol sa bagyo
babaliwalain ang mga babala
magtatago sa ilalim ng mesa
mamamasyal sa parke

113
Malakas ang ulan kaya bumaha sa inyong lugar. Ano ang nararapat
mong gawin?
Ipagwalang-bahala ang pagtaas ng tubig.
Mag-imbak ng tubig ulan upang ipanlinis.
Makipaglaro sa mga kaibigan sa baha.
Sumunod kaagad sa panawagang lumikas.
Nakatira kayo sa gilid ng bundok at malakas ang ulan. Napansin mong
malakas na ang agos ng tubig mula sa
bundok at may kasama na itong putik. Ano ang nararapat
mong gawin?
maglaro sa ulan
lumikas na kaagad
manatili na lamang sa bahay
paglaruan ang putik mula sa bundok

B. Itambal ang mga pangungusap mula sa Hanay A sa Hanay B.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
Pagtugon sa mga Kalamidad Mga Kalamidad
1. Iwasang lumusong a. bagyo

sa tubig. b. baha
2. Isagawa ang duck, c. lindol
cover, and hold. d. pagguho ng lupa
Lumikas na ng tirahan kung
malakas na ang agos ng tubig
mula sa bundok.
Kung malakas na ang ihip ng
hangin manatili na lamang sa
loob ng bahay.

114
AralinAralin13:Ang13:mgaAngPaunahingmgaLikasPangunahingYamansamgaLalawiganLikassa

Yaman sa mga RehiyonLalawigan sa Rehiyon

Panimula

Marahil ay alam mo na kung gaano kayaman sa likas na yaman


ang bansang Pilipinas. Ang bawat lugar dito ay biniyayaan ng maraming
likas na yaman na nakukuha sa iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig.
Alamin kung ano-ano ang likas na yaman na matatagpuan sa iba’t ibang
lalawigan ng isang rehiyon sa ating bansa.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay: nakapaglalarawan ng


pangunahing likas na yaman na matatagpuan sa iyong lalawigan at
rehiyon.

Alamin Mo

115
Tuklasin Mo

Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

Ang mga Likas na Yaman ng mga Lalawigan


Lalawigan Yamang Lupa Yamang Yamang Yamang
Tubig Mineral * Gubat
iba’t tabla,
buko, ibang uri troso,
Aurora kabundukan, ng isda at Manganese wildlife
palay lamang (buhay-
dagat ilang)
iba’t tabla,
ibang uri buhangin at troso,
Bataan kabundukan ng isda at wildlife
graba
lamang (buhay-
dagat ilang)
iba’t tabla,
ibang uri marmol, troso,
Bulacan kabundukan ng isda at wildlife
apog, luwad
lamang (buhay-
dagat ilang)
palay, sibuyas, iba’t Feldspar,
ibang uri
Nueva Ecija iba’t ibang White Clay, tabla
ng isdang
gulay buhangin
tabang
iba’t luwad,
Pampanga ibang uri
buhangin
ng isda
tubo, palay, Manganese,
Tarlac tanso,
mais
asbestos
iba’t Chromite,
mangga, ibang uri
Zambales ng isda at White Clay at tabla
kabundukan
lamang Limestone
dagat
(Pinagkuhanan: DENR - Mines and Geosciences Bureau)*

116
Mula sa talahanayan, gumawa ng paglalarawan ng mga likas na
yaman na mayroon sa bawat lalawigan.
Halimbawa:
Ang Zambales ay mayaman sa likas na yaman tulad ng
mangga, kabundukan, iba’t ibang uri ng isda, lamang dagat,
Chromite, White Clay, Limestone, at tabla.

Gawin Mo

Gawain A

Iguhit ang mga yamang tubig at yamang lupa na mayroon sa


iyong lalawigan sa sagutang papel.

Gawain B

Pangkatang Gawain

Ilagay ang mga pangunahing likas na yaman ng mga lalawigan sa


sariling rehiyon sa data retrieval chart. Isulat ang sagot sa papel.

Lalawigan Yamang Yamang Yamang Yamang


Lupa Tubig Mineral Gubat
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

117
Gawain C

Ang mga likas na yaman ng lalawigan ay pinagkukunan ng


pangkabuhayan ng mga tao. Mahalagang mapangalagaan ang mga ito.
Anong mungkahi ang maaaring mong ibigay upang mapangalagaan ang
mga likas na yaman ng rehiyon? Alin dito ang kaya mong gawin?
Isulat sa sagutang papel.

Natutuhan Ko

Sa sumusunod na mga salita, isulat bago ang mga bilang ang


YL kung Yamang Lupa, YT kung Yamang Tubig, YM kung Yamang
Mineral, at YG kung Yamang Gubat sa iyong sagutang papel.

Chromite
mangga
isda
tabla
luwad
palay
lahar
buhay-ilang
Manganese
tubo

118
Aralin 14: AralinWastoat Di14:-WastongWastoPangangasiwaatDi-ngWastongLikasnaYaman ng

PangangasiwaAtingLalwiganng atLikasRehiyonna Yaman


ng Ating Lalawigan at Rehiyon

Panimula
Sa nagdaang aralin ay naisa-isa mo ang mga likas na yaman sa
iba’t ibang lalawigan ng inyong rehiyon.

Sa araling ito, alamin ang mga paraan ng wasto o matalino at


di-wasto o di-matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman.
Tatalakayin din ang bawat pamamaraan upang higit mong
maunawaan ang kahalagahan nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay: nakapagsusuri nang matalino


at di-matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ng
sariling lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

Alam mo ba kung ano-ano ang paraan ng


matalinong pangangasiwa ng mga likas
na yaman? Bakit kaya ito mahalaga?

119
Tuklasin Mo

Pag-aralan ang mga larawan. Isulat ang M kung ito ay nagpapakita


ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman at DM naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa papel.

1. 2.

3. 4.

Lahat ba ng nasa larawan ay nagpapakita ng matalinong


pangangasiwa sa likas na yaman?
Alin ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na
yaman? Ipaliwanag ang sagot.
Alin ang hindi? Bakit mo nasabi ito?

Pangangasiwa sa Likas na Yaman

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng masaganang likas na


yaman. Mayroon tayong mayamang kagubatan, pangisdaan, at minahan
sa ating kapaligiran. Ito ay nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay at
katatagan

120
ng ating kabuhayan. Makikita ang mga ito sa iba’t ibang lalawigan o
rehiyon ng ating bansa.

Paano natin mapapangalagaan ang mga likas na yaman? Ano-


anong paraan o hakbang ang dapat gawin ng isang lalawigan o rehiyon
upang matalinong mapangasiwaan ang mga ito? Narito ang ilang
pamamaraan ng matalino at di-matalinong pangangasiwa ng mga likas
na yaman.

Pangangasiwa sa Yamang Tubig


Matalinong Pangangasiwa Di-Matalinong Pangangasiwa
1. Hindi paggamit ng 1. Paggamit ng dinamita,
mga nakapipinsalang koryente, cyanide o lason
pamamaraan sa at pagsasagawa ng
pangingisda. sistemang muro-ami, o
2. Pangangalaga sa paggamit ng pinong
mga bakawan o lugar lambat sa pangingisda.
kung saan 2. Pagtatapon ng dumi o
nangingitlog ang mga basura sa mga anyong
isda. tubig.
3. Paggamit ng lambat 3. Labis na paggawa ng
na may malalaki o baklad o isang uri ng
katamtamang mga kulungan ng mga isda sa
butas. katubigan.
4. Hindi pangingisda sa 4. Pagtatapon ng dumi ng
panahon ng mga pabrika sa mga
pangingitlog ng mga katubigan na nagdudulot
isda. ng polusyon.
5. Hindi pagtatapon ng 5. Pagpapabaya sa
dumi, basura at iba’t pagdami ng water lily na
ibang kemikal sa ilog, nakahahadlang sa
dagat, lawa, at sapa. pagdaloy ng tubig.
6. Pagtatayo ng mga bahay
sa mga tabing ilog.

121
Pangangasiwa sa Yamang Kagubatan
Matalinong Pangangasiwa Di-Matalinong Pangangasiwa
1. Maagap na pagtatanim 1. Hindi pagpansin sa
sa mga nakalbong kampanya laban sa ilegal
kagubatan. na pagputol ng mga
2. Pagpigil sa gawaing puno.
pagkakaingin. 2. Pagkakaingin o pagsunog
3. Pagputol ng punong may ng mga kagubatan.
sapat na gulang lamang. 3. Pagmimina nang kulang
4. Pagtatanim ng bagong ang kaalamang
puno bilang kapalit ng panteknolohiya.
pinutol na puno. 4. Maaksayang paggamit ng
5. Paghuli ng mga ibon at mga yamang mineral.
buhay-ilang sa panahon
lamang ng open season
o panahon na
pinapayagan ng batas.

Pangangasiwa sa Yamang Mineral

Matalinong Pangangasiwa Di-Matalinong Pangangasiwa


1. Pagkontrol sa polusyong 1. Paghuhukay upang
idudulot ng pagmimina. magmina ng walang
2. Pag-aaral sa makabago pahintulot.
at siyentipikong 2. Pagsasagawa ng
pamamaraan ng pagmimina kahit walang
pagmimina sa bansa. sapat na kaalaman at
3. Pag-iingat sa pagkasira kasanayan.
ng lupang- minahan. 3. Pagtatapon ng
pinagminahan sa ilog na
nagiging sanhi ng
pagkalason ng tubig.
4. Paggamit ng kemikal sa
pagmimina.

122
Pangangasiwa sa Yamang Lupa
Matalinong Pangangasiwa Di-Matalinong Pangangasiwa
1. Pagpapanatili sa topsoil o 1. Ginagawang subdibisyon,
matabang bahagi ng mall, pabrika, sementeryo,
lupa. at golf course ang mga
2. Muling pagtatanim ng lupain sa halip na taniman
mga puno upang ng pangunahing pagkain.
mapigilan ang pagguho 2. Labis na paggamit ng
ng lupa. mga kemikal at pataba.
3. Paggamit ng mga 3. Pagpapalit ng pananim sa
nabulok na dahon, mas pagkakakitaang
basura, at dumi ng hayop pananim o high value
sa compost pit bilang crops para maipagbili sa
pataba ng lupa. ibang bansa tulad ng
4. Pagtatanim sa pagitan asparagus, prutas, at iba
ng mga pananim o crop pa sa halip na palay, mais,
rotation upang ang at tubo.
lupang ibabaw ay
mapanatiling mataba.
Sagutin ang mga tanong:

Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa tao?


Ano ang mangyayari kung hindi mapapangasiwaan nang wasto
ang mga likas na yaman?
Ano ang dapat gawin ng mamamayan sa isang
lalawigan o rehiyon upang matalinong mapangasiwaan ang
kanilang mga likas na yaman?
Bilang isang mag-aaral may maitutulong ka ba upang
mapangasiwaan nang may katalinuhan ang mga likas na yaman sa
inyong lalawigan o rehiyon? Paano?
Maliban sa mga natalakay tungkol sa wasto at di-
wastong pangangasiwa sa likas na yaman, mayroon ka pa bang
maidadagdag? Ano ang mga ito?

123
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain
Gumawa ng poster tungkol sa wastong pangangasiwa ng likas na
yaman. Sumulat ng maikling talata tungkol sa ginawa. Isulat din ang
mga halimbawa ng hindi matalinong pangangasiwa ng likas yaman.
Pangkat 1 – Yamang lupa
Pangkat 2 – Yamang tubig
Pangkat 3 – Yamang gubat
Pangkat 4 – Yamang mineral

Gawain B
Pangkatang Gawain
Ano-ano ang naiisip ninyong gawain ng matalino at di-
matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa iyong lalawigan at
buong rehiyon? Punan ang cluster map ng
hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot ng pangkat sa sagutang
papel.

Matalinong
pangangasiwa
ng likas na
yaman

124
Di-matalinong
pangangasiwa ng
likas na yaman

Gawain C

Pangkatang Gawain

Talakayin ang paksa ng mga nabuong pangkat. Gumawa ng


islogan kung paano mapapahalagahan ang sumusunod na likas na
yaman:

Pangkat 1 – Yamang mineral


Pangkat 2 – Yamang lupa
Pangkat 3 – Yamang tubig
Pangkat 4 – Yamang kagubatan

125
Natutuhan Ko

Iguhit ang masayang mukha kung wastong pangangasiwa sa


likas na yaman ang ipinahihiwatig ng pangungusap at malungkot na
mukha kung hindi wasto. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang basura ay itinatapon sa kanal, sapa, ilog, at dagat.


Gumagamit ng pinong butas ng lambat sa panghuhuli ng
isda.
Nagtatanim na muli bilang pamalit sa mga pinutol na puno.
Nagwawalis ng bakuran at kapaligiran upang mapanatiling
malinis.
Pagsusunog ng mga bundok upang gawing kaingin.
Nagdidilig ng mga halaman para maging sariwa at mabuhay ito.
Pitasin ang mga bulaklak at bungangkahoy sa mga lugar na
pinupuntahan.
Pagpuputol ng mga puno na matatagpuan sa kabundukan.
Paggamit ng lason sa panghuhuli ng hipon at isda sa ilog at sapa.
Paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

126
Aralin 15: Ang Wastong Pangangasiwa
Aralin 15: Ang Wastong Pangangasiwa Likas Yaman: Kaunlaran ng
ng Likas Yaman: Kaunlaran ng Rehiyon
Rehiyon at mga Lalawigan

at mga Lalawigan

Panimula

Sa katatapos na aralin, nagkaroon ka ng batayang kaalaman


tungkol sa mga paraan ng matalino at di-matalinong pangangasiwa ng
likas na yaman. Natutuhan mo rin ang wastong pangangalaga nito.
Masusing tatalakayin ang kinalaman ng matalinong pangangasiwa ng
likas na yaman sa pag-unlad ng sariling lalawigan at rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


nakabubuo ng kongklusyon na ang wastong pangangasiwa ng likas na
yaman ay may kinalaman sa pag-unlad ng sariling lalawigan at
rehiyon; at
nakapagbibigay ng mga halimbawa ng lalawigan o rehiyon na
umunlad dahil sa wastong pangangalaga ng kanilang likas na
yaman.

Alamin Mo

Paano kaya makatutulong ang wastong


paggamit ng mga likas yaman sa pag-unlad
ng kabuhayan ng ating lalawigan at rehiyon?

127
Tuklasin Mo

Pansinin ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong na nasa


ibaba ng mga larawan.

Ano ang masasabi mo sa mga larawan?


Ano kaya ang inihahatid na mensahe ng bawat larawan?
Ano kaya ang naging epekto ng mga gawain ng tao sa kapaligiran?
Paano natutulungan ng ganitong mga gawain ang kabuhayan ng
mga tao rito?

Basahin sa sumunod na pahina ang maikling kwento tungkol sa


tanyag na likas na yaman ng isang lalawigan.

128
Ang Ilog Angat

Maraming ilog ang makikita sa ating bansa. Bahagi sila ng mga


likas na yaman na ipinagkaloob sa atin. Alam mo ba ang mga
pakinabang na naibibigay sa atin ng mga ilog? Ang Bulacan ay isa sa
mga lalawigan sa Rehiyon III na may mayamang kalikasan, isa na rito
ang Ilog Angat. Sa loob ng mahigit na apatnapung taon malaking
pakinabang ang naibibigay nito sa Metro Manila. Ito ang nagsusuplay ng
tubig at inumin sa halos buong lungsod.

Ito ay umaagos mula sa Bulacan at dumadaan pababa sa Ilog


Pampanga, ito ang nagbibigay ng tubig sa
halos 30 000 ektaryang lupang taniman sa Bulacan. Ito rin ang
pinanggagalingan ng halos 200 megawatt na hydroelectric power sa
buong rehiyon. Sa laki nitong 6 600
ektarya, hindi imposibleng mapayabong nito ang mga pananim ng mga
magsasaka hindi lamang sa Bulacan pati na rin sa mga katabi nitong
lalawigan.

Ilog Angat

Malaki talaga ang pakinabang na naibibigay ng mga ilog. Kung


susubukan mong pasyalan, makikita mo ang pakinabang nito sa mga
namumukod tanging yaman ng

129
kagubatan. Pinagaganda at pinalalago nito ang mga puno at halaman.
Dahil din dito pinanirahan ang gubat ng animnapung uri ng mga hayop
tulad ng mga reptilya at ampibya gaya ng ahas, palaka, pawikan, at iba
pa.

Marami ng naipasang mga batas tungkol sa pag-iingat at


proteksiyon sa mga likas na yaman sa bansa. Halimbawa, ang Forest Act
of 1904, Forest Administrative Order No.7, at National Integrated
Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992. Ang mga ito ay
nagdedeklara na ang mga lugar ay dapat protektahan, pangalagaan at
ipreserba para sa susunod pang henerasyon ng lahing Pilipino.

Sagutin:

Ano ang likas na yaman sa Bulacan na kilala dahil sa malaking


pakinabang dito?
Ano-anong batas ang ipinatutupad sa bansa upang mapanatili ang
mga likas na yaman na tulad nito?
Sa palagay mo, kung hindi mapapangasiwaan nang
maayos ang Ilog Angat, marami pa kayang
makikinabang na mga tao rito?
Paano nakatutulong sa lalawigan ang pag-iingat sa
mga likas na yaman sa pag-unlad ng kapaligiran,
kabuhayan, at turismo?
Maliban sa Ilog Angat, may alam ka bang iba pang
likas na pinagkukunang yaman ng isang lalawigan o rehiyon?
Paano ito nakatutulong sa kanilang pag-unlad?
Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa
pangangalaga ng mga likas na yaman sa inyong lugar?

130
Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain
Gumawa ng poster ng sumusunod batay sa itinakda sa inyong
pangkat. Maaaring gamitin ang likas na yaman ng sariling lalawigan.

Pangkat 1 – Pagpapanatiling Malinis ng Kapaligiran Pangkat


2 – Pangangalaga sa mga Punongkahoy Pangkat 3 – Pagtitipid
ng Tubig
Pangkat 4 – Wastong Paraan ng Pangingisda

Gawain B
Indibiduwal na Gawain
Batay sa larawan, ipaliwanag kung paano ito
nakatutulong sa pag-unlad ng isang lugar.

Ano ang ipinapakita sa larawan? Paano ito


nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan?

131
Ano ang isinasaad ng larawan? Sa paanong paraan sila
nakatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan?

Ano ang ipinakikita sa larawan? Paano ito nakatutulong


sa pag-unlad ng kabuhayan?

Gawain C

Pangkatang Gawain

Bumuo ng apat na pangkat. Sumulat ng maikling tula na may


dalawang saknong kung paano nakatutulong sa pag-unlad ang
matalinong pangangasiwa sa mga likas na yaman. Lagyan ito ng
magandang pamagat.

132
Natutuhan Ko

A. Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

Ano-anong likas na yaman ng iyong lalawigan ang


pinagkukuhanan ng hanapbuhay ng mga tao?

Likas na Yaman Pangunahing


Hanapbuhay
1.
2.
3.

Bakit mahalaga na pangalagaan ang mga likas na yaman?

Ano ang mga gawain na nakapagpapanatili ng likas na yaman?

B. Punan ang tsart. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Lalawigan Likas na Matalinong Epekto sa


Yaman Pangangasiwa Kabuhayan
Aurora baybayin pagpapanatiling pagdami
malinis ng turista

133
Aralin 16:AralinngKapaligiran16:AngngAtingKapaligiranLlawiganatmgaKaratig na

ng Ating LalawiganLlaansa Rehiyonatmga Karatig


na Lalawigan sa Rehiyon

Panimula
Lakbayin mo ang iyong lalawigan at ang rehiyon sa kabuoan
gamit ang mapa. Paano mo kaya mailalarawan ang hitsura o
katangiang pisikal ng iyong lalawigan at rehiyon?

Ang araling ito ay pagbubuod ng mga katangian upang mailarawan


mo ang iyong lalawigan at rehiyon. Ang iyong kaalaman sa iyong
lalawigan at karatig lalawigan ay magbibigay ng mataas na pagkilala sa
iyong rehiyon. Ito rin ay magbibigay sa iyo ng sapat na paalala upang mas
mapangalagaan at mapaunlad mo ang iyong kapaligiran.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagtutukoy ng ilang katangiang pisikal katulad ng klima,


panahon, lokasyon, at kabuoang kaanyuan ng kapaligiran ng
sariling lalawigan at ng mga karatig-lalawigan ng rehiyon gamit
ang mapa;
napahahalagahan ang mga natatanging katangiang pisikal at
kabuoang kaanyuan ng pisikal na kapaligiran ng sariling
lalawigan at karatig- lalawigan ng rehiyon; at
nakabubuo ng sariling interpretasyon o paglalarawan ng kapaligiran
ng kinabibilangang lalawigan at karatig-lalawigan ng rehiyon.

134
Alamin Mo

Paano mo ilalarawan ang iyong iyong lalawigan?

Paano nagkakapareho o
nagkakaiba ang mga katangian ng
mga lalawigan sa ating rehiyon?

Tuklasin Mo

Ako si ABBU N. PATAZ. Ako ay nakatira sa


Rehiyon III. Ang pangalan ko ay hango sa pangalan
ng mga lalawigan na bumubuo sa ating rehiyon. A
para sa Aurora, B para sa Bataan, BU para sa
Bulacan, N para sa Nueva Ecija, PA
para sa Pampanga, TA para sa Tarlac at Z para
sa Zambales.

Ang ating rehiyon ay binubuo ng kapatagan, kabundukan, at ilang


lalawigang nakaharap sa mga karagatan. Sagana rin ang ating rehiyon sa
mga anyong tubig tulad ng ilog, lawa, bukal at talon. Masasabing ito ang
dahilan kung bakit ang mga pangunahing pagkain ay sapat sa
pangangailangan natin dito sa lalawigan at sa buong rehiyon. Ito rin ang
dahilan kung bakit ang ating mga produkto o ani ay naibabahagi natin sa
iba’t ibang panig ng bansa.

135
Dito rin sa ating rehiyon ay masayang naninirahan ang iba’t ibang
pangkat ng mga tao tulad ng Tagalog, Sambal, Dumagat, at Aeta.
Bagamat sa unang tingin ay parang magkakaiba, tayo ay binibigkis ng
pagkakaisang mapaunlad ang ating rehiyon. Tayo rin ay kilala sa
pagiging matatag, masipag, at matiyaga dahil sa kabila ng ating lokasyon
na malimit na nakararanas ng hagupit ng bagyo, banta ng pagputok ng
bulkan, lindol, pagbaha, at pagguho ng lupa ay patuloy ang pagsulong at
pag-unlad.

Masigla ang negosyo, produksiyon ng pagkain, at turismo sa


ating rehiyon. Dahil sa matalinong paggamit ng ating mga likas na
yaman nananatili tayong isa sa mga nangungunang rehiyon sa ating
bansa.

Sagutin ang mga tanong:

Ano-ano ang katangiang pisikal ng iyong lalawigan? ng iyong


rehiyon?
Bakit sinasabing matatag at matiyaga ang mga tao sa rehiyon?
Ano ang kaugnayan ng katangiang pisikal ng iyong rehiyon sa
pag-uugali ng mga tao rito?
Malaki ang ginagampanang papel ng Rehiyon III sa produksiyon ng
pagkain sa buong bansa. Tama o Mali? Bakit?
Ano-ano ang sinasabing dahilan sa patuloy na pagsulong at
pag-unlad ng iyong rehiyon?

136
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Gamit ang napag-aralan sa mga nakaraang aralin, talakayin ng


nabuong pangkat at punan ang data retrieval chart ng mga hinihinging
impormasiyon.

Natatanging Mga Mga


Lalawigan Pisikal na Anyong Anyong Klima
Kaanyuan Lupa Tubig
Aurora

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

137
Gawain B

Gamitin ang mga salita sa loob ng kahon at kumpletuhin ang


unang pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin din kung ito ay tama
o mali at ilahad ang kadahilanan sa sagutang papel.

talon bulkan kapatagan baybayin


1. Ang Rehiyon III ay mayroong ________________________.
Ito ay________________, sapagkat ____________________.
(tama o mali)

isda mangga palay buko


Ang Rehiyon III ay prodyuser ng pagkain tulad ng
_________________________. Ito ay ________________,
sapagkat ____________________. (tama o mali)

kapatagan bulubundukin baybayin disyerto


3. Ang Rehiyon III ay may malawak na ___________________.
Ito ba ay _____________, sapagkat ___________________.
(tama o mali)

Gawain C

Tingnan ang mapa ng sariling rehiyon. Gamit ang kaalaman sa


mga nagdaang aralin, ilarawan ang mga lalawigan sa sariling rehiyon
sa pamamagitan ng pagsulat ng isa hanggang dalawang talata tungkol
dito. Maaaring paghambingin ang dalawa o higit pang lalawigan sa
rehiyon. Gawing gabay ang mga impormasyon mula sa Gawain A.

138
Natutuhan Ko

Batay sa mapa ng rehiyon, piliin ang pinakaangkop na


paglalarawan ng pisikal na katangian ng mga lalawigan at rehiyon.

Si Herminia ay taga-Lungsod Agham ng Muñoz at naimbitahan ng


kaniyang pinsan na bisitahin siya sa
Zambales. Paano niya ilalarawan ang kaniyang biyahe papuntang
Zambales?
Siya ay dadaan sa isang lawa.
Siya ay dadaan sa bulubunduking lugar.
Siya ay bibiyahe sa patag na daan.
Siya ay dadaan sa isang kagubatan.
Ang pinakamabilis na paglalakbay mula Hagonoy, Bulacan
papuntang Bataan ay sa pamamagitan ng pagsakay sa isang
barko sapagkat __________.
isang ilog ang madadaanan papunta roon.
isang lawa ang madadaanan papunta roon.
isang dagat ang madadaanan papunta roon.
isang look ang madadaanan papunta roon.
Alin sa mga sumusunod na lalawigan ang hindi
kabilang sa ikatlong rehiyon?

A. Aurora C. Pangasinan B. Bulacan D.


Tarlac
4. Alin sa mga lalawigan ang hindi tabing-dagat?

A. Zambales C. Aurora B. Pampanga D.


Bataan
Ano ang katangiang pisikal ng lalawigan ng Nueva Ecija?
A. baybayin C. halos bulubundukin
B. maburol D. malawak na kapatagan

139
Aling lalawigan ng Rehiyon III ang napaliligiran ng mga bundok?
A. Bulacan C. Bataan
B. Nueva Ecijia D. Pampanga
Aling bulkan ang pumutok pagkatapos ng ilang daang
taon at nasa mga lalawigan ng Zambales, Tarlac, at
Pampanga?
Bulkang Bulusan
Bulkang Mayon
Bulkang Pinatubo
Bulkang Taal
Bukod sa gawain ng tao, ang mabilis na pagbaha sa
Bulacan ay dulot ng pisikal na katangian nito. Kung
kaya ito ay tinuturing na __________?

A. mataas na lugar C. kapatagan B. mababang


lugar D. kagubatan
Alin sa mga sumusunod na lalawigan ang hindi dinaanan ng
Ilog Pampanga?
A. Aurora C. Bulacan
B. Bataan D. Nueva Ecija
Anong Ilog sa Bulacan ang nagsusuplay ng tubig sa malaking
bahagi ng Metro Manila?
Ilog Agno
Ilog Angat
Ilog Pampanga
Ilog Tarlac

140
YUNIT 2: Ang mga Kuwento
ng LalawiganngLalawigansaAting
sa AtingRehiyonRehiyon

141
Aralin 17: AralinAngPinagmulan17:AnggmgaPinagmulanLalwigansaAtig Rehiyon
ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon

Panimula
Maligayang pagdating dito sa Ikalawang Yunit!
Sa Unang Yunit, natutuhan mo kung paano matunton ang iyong
lalawigan at ang mga karatig- lalawigan sa iyong rehiyon gamit ang
mapa. May mga pagkakaiba at pagkakapareho ang mga ito. Sa nakaraang
aralin, hindi lamang ang iyong lalawigan ang iyong napag-aralan kung
hindi ang mga karatig-lalawigan din nito. Bakit nga ba nagbubuklod-
buklod ang mga lalawigan sa rehiyon? Saan nagmula ang pagsasama-
sama ng mga lalawigan sa rehiyon?

Sa Yunit na ito, mas lalawak pa ang kaalaman mo tungkol sa


iyong rehiyon. Matututuhan mo ang mga
kasaysayan ng mga lalawigan kabilang ang mga simbolo o sagisag,
official hymn, at iba pang anyo ng sining nito.
Makikilala mo rin ang mga bayani na tiyak na maipagmamalaki
mo sa ibang tao. Handa ka na ba? Simulan na natin ang aralin.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mahahalagang pangyayari sa pinagmulan


ng iyong lalawigan at mga karatig lalawigan; at
nakapagsasalaysay ng pinagmulan ng sariling lalawigan at mga
karatig-lalawigan sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag
at iba pang anyo ng sining.

142
Alamin Mo

Tuklasin Mo

Ano ang Kasaysayan ng Aking Lalawigan?

Ang Gitnang Luzon ang may pinakamalawak na kapatagan


sa buong bansa. Dito nanggagaling ang
suplay ng bigas sa maraming lalawigan sa Pilipinas kaya
tinagurian itong Rice Granary of the Philippines o
Kamalig ng Bigas sa Pilipinas. Noong una, anim na lalawigan
lamang ang sakop ng Rehiyon III: ang Bataan, Bulacan, Nueva
Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales. Dala ng pag-unlad ng
mga lalawigan, naibilang na ang mga malalaking lungsod gaya
ng Olongapo ng Zambales at Angeles sa Pampanga.

143
Nagsunuran na rin ang mga Lungsod ng Balanga sa Bataan,
Lungsod Cabanatuan, Palayan, Science City of Munoz, Gapan, at
San Jose sa Nueva Ecija, Lungsod San Fernando, at Mabalacat sa
Pampanga, Lungsod San Jose del Monte, Malolos, at Meycauayan
ng Bulacan at Lungsod Tarlac sa lalawigan ng Tarlac. Sa bisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 103, naisama rin ang Aurora
bilang lalawigan na dating sakop ng Rehiyon IV. Umabot na sa
labing-apat na lungsod at pitong lalawigan ang Rehiyon III.
Sa kasalukuyan, ang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon ay
nabuo upang mas lalong matugunan ang mga pangangailangan ng
bawat mamamayan nito. Isa sa mga magandang dahilan ng
pagsama-sama ng mga lalawigang ito ay ang pagiging magkalapit
ng kanilang mga pinagmulan na hitik sa kasaysayan. Alamin ang
mga kuwento ng bawat lalawigan sa rehiyon.

Ang Lalawigan ng Aurora

Noong 1572, si Juan de Salcedo, isang Espanyol na


manlalakbay at mananakop na bumisita sa rehiyon habang
ginagalugad niya ang hilagang baybayin ng Luzon. Bumisita si
Salcedo sa mga bayan ng Casiguran, Baler, at Infanta. Ang mga
naunang misyonero sa lalawigan ay ang mga Pransiskano na
nagtatag ng misyon sa Baler at Casiguran noong 1609. Hindi
naglaon, ito ay pinamahalaan ng mga misyonerong Agustino at
Recolletos dahil sa kawalan ng mga tauhan ng mga Pransiskano.

144
Ang Lalawigan ng Bataan

Ang Bataan ay dating teritoryong pagmamay-ari ng


Pampanga at corregimiento ng Mariveles kasama
ang Maragondon sa Cavite. Mas kilala ito dati sa tawag na
Vatan. Itinatag ito noong 1754 ni
Gobernador Heneral Pedro Manuel Arandia. Ang
lalawigang ito ay naging bahagi ng mga makasaysayang
kaganapan sa bansa.

Ang Hukbong Pandagat ng Olandes ay sinubukang


sakupin ang bansa noong 1647 at pinagpapatay ang mga
mamamayan ng Abucay.

Noong huling bahagi ng 1700, ang piratang si Limahong


ay ginamit ang Lusong Point sa kanlurang
bahagi ng Bataan bilang daungan ng kanyang hukbo para sakupin
ang Luzon. Lubos na nakilala ang Bataan noong Ikalawang
Digmaang Pandaidig dahil dito naganap ang madugong
pakikipaglaban ng magkasamang puwersang Pilipino at
Amerikano laban sa mga Hapones.
Pinagkuhanan: www.bataan.gov.ph

Ang Lalawigan ng Bulacan

Ayon sa mga tala, noong panahon ng mga


Espanyol, ang lalawigan ng Bulacan ay isa sa apat na alcaldias
ng Provincia de Pampanga na ang kabisera
ay ang Bulakan.
Ang paghahati-hati ng mga pamayanan bilang lalawigan at
bayan ay bahagi ng pagsasaayos ng buong kolonya ayon sa
pangangailangan ng mga Espanyol.

145
Kinubkob ang Intramuros sa Maynila at ginawang matibay
na moog. Binuo ang mga lalawigang susuporta sa mga
pangangailangan nila sa Intramuros. Isa na rito ang Bulacan na
nakita nilang maunlad. Dito unti-unting nabuo ang mga bayan ng
Malolos, Calumpit, Hagonoy, Polo, at Bulakan.

Noon pa mang ikalabing walong siglo, kinikilala na ang


mayamang lalawigan ng Bulacan hindi lamang sa yamang-lupa
kundi pati sa kalakalan dahil sa malapit ito sa Maynila. Ito ang
nagdulot ng malaking pag-unlad sa buong lalawigan.

Ang Lalawigan ng Nueva Ecija

Noong 1701, sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador


Heneral Don Fausto Cruzat y Gongora nabuo ang lalawigan.
Ipinangalan niya ito bilang pagkilala sa kanyang lupang
tinubuan sa lumang lungsod ng Ecija sa Seville, Espanya.

Unang narating ng mga misyonerong Agustino ang


Gapan at unti-unting pinasok ang mga bayan papuntang
hilaga. Sakop pa rin ng hilagang Pampanga ang mga lugar na
ito noong panahong iyon.

Nang iniwan ng mga Agustino ang kanilang misyon sa


kautusan ni Haring Carlos III, mga paring Pransiskano naman ang
namahala ng mga panirahan sa mga bayan. Nagtayo sila ng mga
simbahan, kumbento, paaralan, at bahay pamahalaan. Upang
mapag-ugnay ang mga panirahang itinatag ng mga Kastila,
nagpagawa sila ng mga daan at tulay. Nagpagawa rin sila ng
sistema ng irigasyon sa

146
Pantabangan na siyang pinagmulan ng teknolohiya ng pagsasaka sa
lalawigan.

Naitatag lamang ang Nueva Ecija bilang lalawigan noong


1848 na sinundan ng pagbabago ng mga lupang nasasakupan.
Naging benepisyal sa lalawigan ang malalapit na Ilog Pampanga,
Peñaranda, at Talavera. Ang mga ilog na ito ang nagpapataba sa
kalupaan ng Nueva Ecija na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
sector ng agrikultura.

Ang Lalawigan ng Pampanga

Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Pampanga


ay isa ng lumalaking pook panirahan na
matatagpuan sa mga pampang ng ilog nito. Ang salitang
pampang, kung saan nagmula ang pangalan
ng lalawigan, ay nangangahulugang tabing ilog. Dahil dito,
tinawag na mga Kapampangan ang mga sinaunang nanirahan dito.

Ginalugad ni Martin de Goiti ang Pampanga at tuluyang


napasailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila sa kalagitnaan ng
1572. Noong 1585, nagkaroon ng pag-aalsa ang mga
Kapampangan laban sa pang-aabuso ng mga encomendero.
Taong 1660, pinamunuan ni Francisco Maniago ang isang
armadong pag-aalsa dahil sa pagpapatupad ng sapilitang
paggawa at pangongolekta ng labis na tributo.

Lungsod San Fernando ang kabisera nito. La Pampanga ang


ipinangalan ng mga Kastila sa mga katutubong nanirahan sa tabing
ilog. Noong 1860, ang mga bayan ng Bamban, Capas, Concepcion,
Victoria,

147
Tarlac, Mabalacat, Magalang, Porac, at Floridablanca ay
nahiwalay sa Pampanga at napasailalim sa Comandancia Militar
de Tarlac. Noong 1817 naman ang apat na lugar ay naibalik sa
Pampanga at ang limang iba pa ay nanatiling munisipalidad ng
lalawigan ng Tarlac.

Noong Disyembre 8, 1941, binomba ng mga Hapones ang


Clark Air Base. Dito nagsimulang nasakop ang Pampanga. Noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Kapampangan sa
pamamagitan ng mga samahang gaya ng Hukbalahap at
Kapampangan Gerilya ay nakipaglaban hanggang sa mapaalis nila
ang mga Hapones.

Ang Lalawigan ng Tarlac

Ang Tarlac ay mayroong mahabang kasaysayan sa


larangan ng politika at himagsikan.

Ang Tarlac ay hango sa salitang Kastila na matarlak na


nangangahulugang talahib sa wikang
Kapampangan. Ito ay dating bahagi ng mga lalawigan ng
Pampanga at Pangasinan. Ang mga unang bayan nito ay ang
Paniqui (1574), Tarlac (1686),
Bamban, at Capas (1710). Taong 1860 nang lumikha ang mga
Espanyol ng isang comandancia mula sa
mga bayan ng Concepcion, Bamban, Capas, Mabalacat, Magalang,
Porac, Floridablanca, Victoria, at Tarlac. Ganap itong naging
lalawigan noong 1874.

Noong 1896, ang Tarlac ay isa sa walong


pinakaunang lalawigang nag-alsa laban sa mga Espanyol.
Ito ang naging bagong kuta ng Unang

148
Republika ng Pilipinas noong Marso 1899. Nagtagal lamang ito
ng isang buwan bago ilipat ang kuta sa Nueva Ecija dahil sa
tangkang paghuli kay Aguinaldo ng mga Amerikano.

Ang Lalawigan ng Zambales

Sa paggalugad noong 1572 ni Juan de Salcedo, napansin


niya na ang Zambales at La Union ay sakop ng Pangasinan.
Hiniwalay ang Zambales noong ikalabing walong siglo at
nilikhang isang lalawigan na may dalawampu’t dalawang bayan.
Ang mga unang naitatatag na bayan ay ang Masinloc, (1607), Iba
(1611), at Sta. Cruz (1612). Masinloc ang unang kabisera ng
lalawigan. Ngunit nang magkaroon ng sigalot tungkol sa pagpili
ng kabisera, hiniwalay ang mga bayan ng Infanta, Dasol, Anda,
San Isidro, Alaminos, Bani, Balincaguing, Agno, Dolores, Alos at
Bolinao at isinama sa Pangasinan. Labing-apat ang natira sa
Zambales. Ang bayan ng Iba ang ginawang kabisera ng
lalawigan.

Ang pangalan ng lalawigan ay nagmula sa salitang sambal,


isang terminong Kastila para sa sambali. Hango ito sa diyalekto
ng unang tribo na dumating at nanirahan sa lugar, ang mga
Sambal. Ang mga taong ito ay natagpuang nakatira sa mga
pamayanan sa kahabaan ng baybayin na sumasamba sa mga
espiritu. Sila ay tinawag na Sambales na hango sa salitang Malay
na samba na ang ibig sabihin ay pagsamba sa mga anito o mga
namatay na kamag-anak. Kalaunan ang Sambales ay naging
Zambales.
Pinagkuhanan: www.zambales.gov.ph

149
Sagutin ang sumusunod na tanong:
Ano-ano ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan ng
mga lalawigang nabanggit?
Ano-ano ang mahahalagang pangyayari naganap sa mga lalawigan?
Anong katangian ang ipinakikita ng mga tao na sumasalamin sa
kasaysayan ng kanilang lalawigan? Maipagmamalaki mo ba
ito? Bakit?

Gawin Mo
Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa pinagmulan ng


iyong lalawigan? Isulat ang sagot sa iyong notbuk.

Gawain B

Indibiduwal na Gawain

Iulat ang mahahalagang pangyayari sa pinagmulan ng iyong


lalawigan. Sundan ang mga gabay na tanong.

Ano ang dating pangalan ng iyong lalawigan (kung mayroon)?


Paano ito nabuo at naging isang lalawigan?
Anong mahalagang pangyayari ang naganap sa iyong
lalawigan?

150
Gawain C

Pangkatang Gawain

Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.


Gawin ang isinasaad nito.

Batay sa narinig na mga kuwento ng mga lalawigan sa rehiyon,


pagtulung-tulungan ng mga kasapi ang pagsasalaysay ng
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng lalawigan sa
pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing pamaraan (Hal. awit, tula,
poster).

Pipili ang bawat pangkat ng mga tagapagsalaysay ng nabuong


kuwento ng lalawigan. Maaaring magsaliksik ng pangyayari at
idagdag sa detalye ng kasaysayan ng lalawigang itinakda.

Natutuhan Ko

Sumulat ng isang talata sa iyong notbuk na


nagsasalaysay ng pinagmulan ng iyong lalawigan.

151
Aralin18:Ag Pinagmulan18:Angng PinagmulanLalawiganAyonsaBatas
Aralin

ng Lalawigan Ayon sa Batas

Panimula
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kuwento ng kasaysayan
ng iyong lalawigan at ang mga karatig lalawigan nito. Kung
mapapansin mo, may mga lalawigan sa iyong rehiyon na mas mahaba
ang kasaysayan kaysa iba. Mayroon pang mga lalawigan na nagkaroon
na ng komunidad bago pa man dumating ang mga dayuhan. Mayroon
din namang nabuo lamang sa kasalukuyang panahon. Ito ay sa
pamamagitan ng mga batas na ipinapasa ng pamahalaan.

Alamin mo kung sa anong bisa ng batas nabuo ang ilang


lalawigan sa iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga batas na nagbigay bisa sa pagbuo ng


lalawigan sa rehiyon; at

nakapagsasalaysay ng pagbuo ng sariling lalawigan at ng karatig


nito sa bisa ng batas.

152
Alamin Mo

Kapag nakikita mo ang simbolong ito, ano ang naiisip


mo?
Alam mo ba kung paano
nabuo ang iyong
lalawigan o lungsod sa
pamamagitan ng batas?

Noong Marso 10,1917, ipinalabas ang Act No. 2711 na naghahati


sa mga lalawigan sa Pilipinas. Ayon dito, ang Pilipinas ay binubuo ng
apatnapu’t dalawang lalawigan, kabilang ang pitong lalawigan ng
Mindanao at Sulu at ang teritoryo ng Lungsod Maynila.

Kabilang sa apatnapu’t dalawang lalawigan ang mga lalawigan ng


Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.

Ang Aurora ay dating bahagi ng lalawigan ng Quezon. Ito ay


ipinangalan sa asawa ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon bilang
parangal sa kanyang maybahay.

Noong 1951, ang mga munisipalidad ng Baler, Casiguran,


Dilasag, Dipaculao, Dinalongan, Maria Aurora, at San Luis ay opisyal na
naging bahagi ng Aurora sa bisa ng Batas Republika 646. Si Atty. Luis S.
Etcubaez na nagsilbing unang gobernador ng Aurora. Ang Aurora ay
naging ika-pitumpu’t tatlong lalawigan ng bansa noong 1979. Noong
Agosto 13, 1979, opisyal na kinilala ni Pangulong Ferdinand E. Marcos,
ito bilang lalawigan sa bisa ng Batas Pambansa Bilang 7.

153
Unang hinati ang bansa sa mga rehiyon noong panahon
ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand
Marcos. Sa bisa ng Atas ng Pangulo Bilang 1, itinatag ang labing
isang rehiyon kaugnay ng Integral Reorganization Plan matapos
ideklara ang Martial Law noong Setyembre
1972. Upang mas mapadali ang pamamahala at mabilis na maipaabot sa
mga mamamayan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan,
pinagsama sama ang mga lalawigan ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,
Pampanga, Tarlac, Zambales, at Pangasinan at tinawag itong Gitnang
Luzon. Makalipas ang isang taon, inilipat ang Pangasinan sa Rehiyon ng
Ilocos alinsunod sa Atas ng Pangulo Bilang 224. Itinalaga namang
sentro ng Gitnang Luzon ang San Fernando, Pampanga. Noong Mayo
2002, inilipat naman ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang
lalawigan ng Aurora sa Gitnang Luzon batay sa itinakda ng Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 103.
Sa kasalukuyan, ang mga lalawigan o lungsod ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga batas. Ayon sa Local Government Code 1991,
may mga hakbang na kailangang
gawin bago mabuo ang isang lalawigan o lungsod batay sa batas.
Narito ang mga hakbang:

Magkaroon ng panukala sa kongreso na


1 magkaroon ng bagong lalawigan.

Titingnan ng kongreso kung maaaring magkaroon ng


2
lalawigan ayon sa ilang batayan.

Kapag nakapasa sa mga batayan magkakaroon ng


3
botohan o plebesito ng mga botante sa lalawigan.

154
Magkakaroon ng bagong lalawigan kapag karamihan sa
4 mga tao ay bumoto o pumabor para rito.

Batay sa resulta ng plebisito isasabatas ng


5
kongreso ang pagkakaroon ng bagong lalawigan o
lungsod.

Paano kung hindi sinang-ayunan ang panukalang


magkaroon ng bagong lalawigan o lungsod? Nangyayari ito kapag ang
panukalang lalawigan ay hindi naging karapat-dapat batay sa sumusunod
na batayan:

Sapat ang Sapat ang Sapat ang


kinikita ng dami ng laki ng lugar
lugar upang populasyon upang
matustusan sa nasabing mamuhay na
ang mga panukalang maaliwalas
kasapi nito lalawigan ang mga
kasapi nito

Ngunit kahit pa nasunod ang lahat ng batayan na ito, maaari pa ring


hindi maisabatas ang pagbuo ng bagong lalawigan. Kailangan ang
karamihan sa mga botante na naninirahan sa panukalang lalawigan o
lungsod, na bumuto pabor sa pagbuo nito. Kapag hindi nakuha ng boto ang
karamihan, hindi maipapasa ang panukalang batas.

155
Tuklasin Mo

Naiisip mo na ba kung paano nagkakaroon ng bagong lalawigan


o lungsod ayon sa batas? Tuklasin kung paano naging lalawigan o
lungsod ang isang lugar.

Basahin ang mga pangyayari sa pagbuo ng isang


lalawigan. Paano nagkakaiba o nagkakapareho sa pagbuo ng iyong
lalawigan?

Lungsod Angeles

Noong 1796, ang


Kapitan-mayor ng San
Fernando na si Don Angel
Pantaleon de Miranda, kasama
ang kanyang asawa at ilang
tagasunod, ay nagtungo sa isang
bagong lugar na pinangalanan
nilang Kuliat, dahil sa dami ng
halamang Kuliat sa lugar na
iyon. Ito ay matatagpuan
dalawampung milya sa hilaga ng kabisera ng Pampanga. Nanatiling
isang baryo ang Kuliat ng San Fernando sa sumunod na tatlumput-
tatlong taon. Noong 1829, naging hiwalay na bayan at pinangalanan
itong Angeles.

Noong Disyembre 8, 1829, nang matanggap nito ang opisyal na


municipal charter, ang bayan ay mayroon ng 661
katao, 151 bahay, at sukat na 38.65 km2.

156
Noong Enero 1, 1964, naging lungsod ang Angeles sa bisa ng
Republic Act 3700.

Nanatiling maliit na lugar ang Angeles hanggang matapos ang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasalukuyan, kilalang bansag sa
lungsod ang Premier City in Central Luzon.

Lungsod San Fernando

Ang dating bayan ay


naging lungsod dahil sa
matagumpay na kampanya ng
dating punong bayan na si Rey
B. Aquino at Senadora Gloria
Macapagal-Arroyo noong Enero
6, 1997. Abril 27 nang taong
ding iyon, si Oscar Rodriguez,
kinatawan ng Ikatlong Distrito
ay nagpasa ng
House Bill Number 9267 na gawing lungsod ang San
Fernando.

Pinirmahan ng Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan na si


Arnulfo Fuentabella at ng Pangulo ng Senado na si Aquilino Pimentel ang
tsarter ng Lungsod San Fernando noong Disyembre 4 at 13, 2000. Ang
bayan na ito
ay naging opisyal na lungsod noong Pebrero 4, 2001 matapos ang
ratipikasyon ng Republic Act 8990 sa isang
plebesito.

157
Lungsod Mabalacat

Ang Lungsod ng Mabalacat sa lalawigan ng Pampanga ay


tinatawag na Makati of the North sa mga tuntunin ng pamamahala at
pag-unlad.

Ang kinatawan sa
Kongreso ng panahong iyon na
si Congressman Carmelo
Lazatin ay nag-akda ng House
Bill Number 2509 noong
Agosto 16, 2010 na gawing
lungsod ang dating bayan ng
Mabalacat. Ang bayan na ito ay
naging opisyal na
lungsod matapos ang
ratipikasyon ng Republic Act
10164. Ang batas ay
nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang Republic Act 10164 ang nagpatibay sa pagiging isang


ganap na lungsod ng Mabalacat sa bisa ng plebisito na ginanap noong
Hulyo 21, 2012. Nagtala ito ng 14 078 botong katumbas ng 72% ng
kabuuang populasyon ng dating bayan na pabor sa pagiging lungsod
nito. Sa kasalukuyan, ang lungsod ay binubuo ng dalawampu’t pitong
mga barangay.

158
Lungsod Tarlac

Ang tsarter ng Lungsod Tarlac ay orihinal na naisabatas noong


Hunyo 21, 1969 sa bisa ng Republic Act 5907. Hindi ito pinaboran ng
mga Tarlaqueños sa isang plebisito noong Nobyembre 11, 1969.

Matapos ang dalawampu’t


siyam na taon, ito ay naging
ganap
na lungsod sa bisa ng
Republic Act 8593 na
nilagdaan ni Pangulong Fidel V.
Ramos. Mahigit na 82.15% o 21
378 Tarlaqueños ang bumoto
pabor sa pagiging lungsod ng
Tarlac noong Abril 18, 1998.
Pormal na kinilala
bilang isang lungsod ang Tarlac noong Abril 19, 1998.

Naisakatuparan ang pagiging lungsod ng Tarlac dahil na rin sa


masidhing hangarin ni Punong Lungsod Gelacio Manalang na itinuturing
na Father of Tarlac Cityhood.
Pinagkuhanan: www. http://124.106.82.242/city-government/city-mayor.html

Lungsod San Jose Del Monte

Ang Lungsod San Jose del Monte ang itinuturing na


ikawalumpu’t anim na lungsod sa bansa ay orihinal na bahagi ng
Ikaapat na Distrito ng makasaysayang lalawigan ng Bulacan.

159
Ang kinatawan sa
kongreso noong panahong iyon
na si Congressman Angelito M.
Sarmiento ay nag-akda ng
panukala na gawing lungsod
ang San Jose del Monte. Ang
bayan na ito ay naging opisyal
na
lungsod matapos ang
ratipikasyon ng Republic Act
8797 na nilagdaan ni
Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo noong Setyembre 10, 2000. Sa
kasalukuyan, may limampu’t siyam na barangay na ang
bumubuo sa lungsod.

Lungsod Meycauayan

Ang Meycauayan ay
isa sa pinakamatandang
bayan sa lalawigan ng
Bulacan at sa buong
Pilipinas. Ang kinatawan
noon na si
Congresswoman Reylina
Nicolas ng Ikaapat na
Distrito ng Bulacan ay
nag-akda ng House Bill
Number 4397 na gawing
lungsod ang bayan ng
Meycauayan.

Ang bayan na ito ay naging opisyal na lungsod matapos


ang ratipikasyon ng Republic Act 9356 na

160
nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo noong Disyembre
10, 2000. Sa kasalukuyan, ang lungsod ay binubuo ng dalawampu’t
pitong mga barangay.

Lungsod Malolos

Ang bayan na ito ay


naging lungsod matapos
ang ratipikasyon ng
Republic Act 8754 na
inihain ni Kinatawan
Wilhelmino M. Sy-Alvarado
noong Nobyembre 4, 1999.
ngunit hindi ito sinang-ayunan
ng mga botante sa plebisitong
isinagawa nang taon ding iyon.
Taong 2001, nang
napatunayan na ang nanalo sa bilangan ay ang pabor sa yes.

Taong 2010 nang ipinasa ng sangguniang pang lungsod ang


resolusyon na nagtatakda sa Disyembre 18, bilang opisyal na araw
ng pagiging lungsod.

Sagutin ang mga tanong batay sa nabasang talata:

Sino ang nagpapanukala na magkaroon ng bagong lungsod sa isang


lalawigan?
Maaari bang maging lalawigan o lungsod kapag hindi ito isinabatas
ng Kongreso? Bakit hindi?
Ano-anong batas ang nagbigay bisa sa pagbuo ng mga lungsod sa
Rehiyon III?

161
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Batay sa binasang aralin tungkol sa pagbuo ng ilang lungsod sa


rehiyon, punan ng wastong sagot ang bawat hanay.
Pangalan Batas May-Akda

Lungsod Angeles
Lungsod Mabalacat
Lungsod Tarlac
Lungsod San Jose del Monte
Lungsod Meycauayan
Lungsod San Fernando
Lungsod Malolos

Gawain B

Pangkatang Gawain

Sa isang sagutang papel, isulat sa graphic organizer ang mga


hakbang sa pagkakaroon ng bagong lalawigan o lungsod.

162
Gawain C

Sa paanong paraan nakatutulong ang pagiging lungsod


upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan? Isulat
ang iyong saloobin tungkol dito.

Sa palagay ko, nakatutulong ang pagiging lungsod dahil


_________________________________________________.

Natutuhan Ko

Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagbuo ng bagong


lalawigan ayon sa batas batay sa mga pangungusap. Isulat ang bilang
isa sa unang hakbang hanggang sa pinakahuling hakbang.

Bilang Hakbang sa Pagbuo ng Bagong Lalawigan


o Lungsod
Nagbotohan sa pamayanan at nanalo ang mga gustong
maging lungsod ito.
Isinabatas ng Kongreso ang panukala na magkaroon ng
bagong lalawigan o lungsod.
Hiniling ng ilang sektor ng lipunan na kung maaari ay
maging lalawigan o lungsod na ang pamayanan.
Pinag-usapan sa Kongreso kung karapat-dapat ang
pamayanan maging lalawigan o lungsod o lalawigan ayon
sa batayan.
Magkakaroon ng bagong lalawigan kapag karamihan sa
mga tao ay bumoto o pumabor para rito.

163
AralinAralin19:Ang19:mgaAngPagbabagomgasa LalPagbabagowiantmgaKaratig

sa LalawiganLalawiganatng mgaRehiyon Karatig


Lalawigan ng Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang aralin ay natukoy mo ang kasaysayan ng pagbuo ng


iyong lalawigan ayon sa batas. Mula sa pinagmulan ng iyong lalawigan
ay may pagbabagong naganap tulad ng laki, pangalan, lokasyon,
populasyon, istruktura, at iba pa. Ang bawat lalawigan o rehiyon ay may
mga pinagdaanang pagbabago na sumisimbolo sa pag-unlad nito.
Mahalagang malaman ito para matukoy mo ang mga pagbabagong
naganap noon hanggang sa kasalukuyang panahon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga pagbabago ng isang lalawigan o rehiyon noon at


ngayon; at

nakapagsasalaysay ng mga pagbabago sa sariling lalawigan tulad


ng laki nito, pangalan, lokasyon, populasyon, impraestruktura,
at iba pa.

164
Alamin Mo

Ano kaya ang anyo ng ating


lalawigan o rehiyon noon?

Ano-ano naman kaya


ang naging
pagbabago nito sa
ngayon?

Tuklasin Mo

Ang Mga Pagbabago sa mga Lalawigan ng Bulacan

Ang lalawigan ng Bulacan ay may kabuoang lawak na 2 774.85


kilometro kuwadrado at may kabuoang populasyon na 3 292 071 ayon sa
tala ng 2015 Census ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang
Bulacan ay binubuo ng limandaan at animnapu’t siyam na barangay sa
dalawampu’t isang munisipalidad at tatlong lungsod.

Ang tatlong lungsod nito ay ang San Jose del Monte,


Meycauayan, at Malolos. Malolos ang kabisera ng lalawigan. Ang mga
munisipalidad ay binubuo ng mga sumusunod: Angat, Balagtas,
Baliwag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Hagonoy,
Marilao, Norzagaray, Obando, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San
Ildefonso, San Miguel, San Rafael, Sta. Maria, at Doña Remedios
Trinidad. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, ang

165
Bulacan ay binubuo na ng maliliit na mga nayon na tinatawag
na barangay.

Ang pagiging malapit nito sa Maynila ay isa sa mga itinuturing na


dahilan ng mabilis na paglago ng ekonomiya at kalakalan sa lalawigan.
Maraming mga korporasyon, pamumuhunan, at industriya ang
pinagmumulan ng kita ng lalawigan bagama’t nakadepende pa rin ito sa
agrikultura at pangingisda. Ang turismo sa lalawigan ay itinuturing din
na pangunahing industriya dahil sa mahalagang papel nito sa
kasaysayan ng Pilipinas at mga pamana sa ating kultura at sining.

Alamin mo ang mga pagbabago sa lalawigan ng Bulacan.

Pagbabago sa Pangalan Batay sa Kasaysayan


Ang lalawigan ng Bulacan ay nagmula sa salitang bulak. Isa itong
halamang mayabong na ginagamit ng mga unang taong nanirahan
sa paghahabi ng tela. Ito ang pangunahing kalakal nila noon. Sa
kasalukuyan, ito ay tinatawag ng Bulacan.

Pagbabago sa Gusali at Iba pang Impraestruktura. Ang gusali


(hal. pamilihan) noon at ngayon.

Noon

Pamilihang Bayan

166
Ngayon

Grocery, Mall o Department

Ang pagbabago ng tulay noon at ngayon.

Noon

Ngayon

167
Pagbabago sa Populasyon

Tingnan at suriin ang pagbabago sa populasyon ng Bulacan.


Bakit kaya mabilis na dumarami ang gustong manirahan dito?

Pinagkuhanan: https://psa.gov.ph

Ang mga Pagbabago sa Lalawigan ng Pampanga

May kabuoang sukat na 2 180.7 kilometro kuwadrado ang


lalawigan ng Pampanga at ayon sa Philippine Statistics Authority
(PSA), may bilang na 2 198 230 (census 2015) ang populasyon nito.

Binubuo ang nasabing lalawigan ng dalawampung bayan at


tatlong lungsod.

Alamin mo ang mga pagbabago sa lalawigan ng Pampanga.

168
Pagbabago sa Pangalan

Ang pangalang Pampanga ay ibinigay ng mga Espanyol dahil


napansin nila na ang mga sinaunang tao dito ay naninirahan sa tabing
ilog. Tinanong ng mga Espanyol
ang mga ito kung saan sila nakatira at ang kanilang sagot ay King
pang-pang ning ilog, Ketang pang-pang, na ang ibig sabihin ay sa
pampang o tabing ilog.

Dahil hirap ang mga dayuhang Espanyol na bigkasin ang


katagang “ng”, pinalitan nila ito ng “m” at iniklian nila ang “ngan” at
ginawang “ga” kaya ito ay naging Pampanga.

Pagbabago sa Impraestruktura

lubak-lubak na lansangan sementadong kalsada

Pinagkuhanan: www.angelescitytourism.gov.ph

169
lumang pamilihan makabagong pamilihan

mga lumang gusali makabago at mataas na gusali

170
Pagbabago sa Populasyon

Dami
nPopulasyo
n

Pinagkuhanan: https://psa.gov.ph/content/pampanga-
population-region-III-central-luzon-based-2015-census-population

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ano-ano ang pagbabago sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga


noon at ngayon ang napansin mo sa sumusunod:

pagbabago sa pangalan
pagbabago sa impraestruktura
pagbabago sa populasyon

Ano ang mga dahilan ng mga pagbabago sa iyong lalawigan o kaya


sa mga kalapit-lalawigan nito?

Pare-pareho ba ang mga pagbabago sa mga lalawigan sa


rehiyon? Bakit mo ito nasabi?

171
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain
Isalaysay sa pamamagitan ng maikling talata ang mga
pagbabagong naganap sa iyong lalawigan. Isulat ang talata ayon sa
pagbabago ng iyong kalsada, tirahan, populasyon, at iba pa.

Gawain B

Indibiduwal na Gawain

Isalaysay sa pamamagitan ng malayang pagguhit ang mga


pagbabagong naganap sa iyong lalawigan noon at ngayon. Iguhit ito sa
malinis na paper.

Gawain C

Pangkatang Gawain

Pumili ng pagbabago sa iyong lalawigan na sa iyong palagay ay


nakabubuti o nakatutulong sa kaunlaran. Pag-usapan sa grupo at
isadula ito.

Natutuhan Ko

Ano-ano ang pagbabagong nakikita mo sa iyong lalawigan?


Gumawa ng isang rap song o tula tungkol sa mga pagbabagong
naganap sa iyong lalawigan o rehiyon mula noon at ngayon.

172
Gawing gabay ang sumusunod na tanong:

Ano ang pangalan ng iyong lalawigan noon? Ano naman ang


tawag dito ngayon?

Sino-sino ang naninirahan sa iyong lalawigan noon? Sino-sino


naman ang nakatira ngayon?

Ayon sa kuwento ng iyong mga magulang, ano ang hitsura ng mga


gusali sa iyong lalawigan? Ano naman ang nakikita mo ngayon?

Masaya ka ba dahil naiiba na ang hitsura ng lalawigan mo? Bakit o


bakit hindi?

173
Aralin 20: Timeline ng Makasaysayang
Ar lin 20: Timeline ng Makasaysayang P ngy yari sa Ating Rehiyon
Pangyayari sa Ating Rehiyon

Panimula

Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo ang pinagmulan at


pagbabago ng iyong lalawigan at ang mga karatig-lalawigan nito sa
iyong rehiyon. Nalaman mo rin na ang mga bagong lalawigan o lungsod
at bayan ay nabubuo ayon sa batas ng ating bansa.

Nakapaghambing ka rin ng mga pagbabago sa sariling lalawigan


ayon sa laki ng populasyon nito, lawak at lokasyon, gusali, istruktura,
lansangan at marami pang iba. Natalakay rin sa nakaraang aralin ang
mahahalagang pangyayari sa sariling lalawigan at karatig-lalawigan sa
rehiyon.

Sa araling ito, ikaw ay gagamit ng estratehiyang timeline


upang higit na maunawaan ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa kasaysayan ng iyong lalawigan
at kinabibilangan nitong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagsusunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari sa


sariling lalawigan at rehiyon; at

nakabubuo ng timeline ng mga makasaysayang pangyayari sa


rehiyon sa iba’t ibang malikhaing pamamaraan.

174
Alamin Mo

Paano mo mapagsusunod-sunod nang wasto


ang mga makasaysayang pangyayari sa
iyong lalawigan o rehiyon?

Paano mo naipakikita ang


mahahalagang pangyayari sa
iyong rehiyon?

Tuklasin Mo

Naalala mo ba ang ginawa mong timeline noong ikaw ay nasa


ikalawang baitang pa lamang? Ang timeline mo ba ay kagaya nito?

My Timeline

Ano ang ipinakikita ng timeline na ito?

175
Ang timeline ay isang grapikong paraan ng pagpapakita ng
pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari. Ang pagkahati-hati ng panahon sa timeline ay
ayon sa itinakdang interval ng mga taon.
Ginagamit ito upang lubos na maunawaan ang ugnayan ng
magkakasunod na pangyayari sa kasaysayan ng iyong lalawigan.
Gamitin ang timeline upang mailarawan ang kasaysayan ng isang
lalawigan.

Kasaysayan ng Zambales

Ang Zambales ay nasa bahaging baybayin ng kanlurang Luzon na


nakaharap sa West Philippine Sea. Halos 60% ng kalupaan nito ay
bulubundukin.

Ang lalawigang ito ay unang narating ng mga Kastila noong 1572


sa pamumuno ni Juan de Salcedo. Ilan sa mga una nilang narating ay ang
mga bayan ng Subic (1572), Botolan (1572), Masinloc (1607), Iba
(1611), at Santa Cruz (1612). Masinloc ang unang ginawang kabisera,
subalit inilipat sa Iba dahil sa lokasyon nito. Ang unang Gobernador
Sibil ng Zambales ay si Kgg. Potenciano Lesaca mula 1901-1903.

Dito matatagpuan ang Subic Bay na ginawang kampo ng hukbong


dagat ng mga Amerikano mula 1945 hanggang 1992. Narito rin ang
Bulkang Pinatubo na sinasabing natutulog ngunit naging aktibo at
pumutok noong 1991 na tumabon sa kalupaan ng Botolan at iba pang
bayan ng mahigit anim na metrong lalim ng lahar.

176
Mula sa binasang kasaysayan, isulat ang mahahalagang taon o
petsa at makasaysayang pangyayari sa lalawigan ng Zambales. Kopyahin
ang tsart sa sariling sagutang papel.

Mahahalagang Makasaysayang Pangyayari


Taon o Petsa

Markahan kung saan banda sa timeline ang mga sagot sa


talahanayan. Sundin ang halimbawa sa ibaba.

1500 1600 1700 1800 1900 2000

Pumutok ang
Bulkang Pinatubo

177
Kasaysayan ng Pampanga

Ang lalawigan ng Pampanga ay nagsimula bilang isang misyong


pinuntahan ng mga paring Agustino noong 1571. Ito ay nangyari
pagkatapos manalo ang mga Espanyol sa pamumuno ni Miguel Lopez de
Legaspi laban sa mga kawal na Kapampangan na pinamunuan naman ni
Tarik Sulayman. Naganap ito sa Bangcusay, Tondo. Dito rin nagsimula
ang pamamahala ng mga Espanyol. Dahil dito, nakapagtayo sila ng mga
simbahan at munisipyo sa mga bayan ng Pampanga.

Ang bayan ng Bacolor ang naging kabisera ng Pilipinas noong


taong 1762 hanggang 1764 sa panahon ng pananakop ng Great Britain sa
bansa.

Ang paghahari ng Kapampangan ay nawala nang magsimula


silang malupig ng mga Espanyol noong taong 1872.

Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pampanga


ang isa sa mga lugar na nagkaroon ng mga madugong labanan. Ang Base
Militar ng mga Amerikano na makikita sa Lungsod Angeles ang unang
winasak ng mga Hapones.

Nakaranas din ng iba’t ibang sakuna ang lalawigan. May lindol


at lahar na mula sa Bulkang Pinatubo. Pumutok ito noong Hulyo 12,
1991 kasabay ng malakas na bagyo.
Marami sa mga bayan ng Pampanga ang halos nasira. Nasalanta ang
maraming lugar dito na naging sanhi ng pagkasira ng hindi lamang ng
mga ari-arian kundi maging ng kulturang kapampangan.

178
Mula sa kasaysayang binasa, isulat ang makasaysayang
pangyayari sa bawat mahahalagang petsa o taon tungkol dito. Sundin
ang tsart. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mahahalagang Taon o Makasaysayang Pangyayari


Petsa

1571

1762-1764

1872

1991

Lagyan ng tanda kung saan gawi sa timeline ang sagot sa tsart,


Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

1500 1600 1700 1800 1900 2000

Pumutok ang
Bulkang Pinatubo

Kasaysayan ng Tarlac

Ang Tarlac ay dating bahagi ng Pampanga at Pangasinan. Ito


rin ang huling lalawigan na isinaayos ng pamahalaang Espanyol
noong May 28, 1873.

179
Ang Tarlac ay isa sa walong lalawigan na unang lumaban sa
rehimeng Espanyol noong 1896. Ito ang naging sentro ng Unang
Republika ng Pilipinas noong Marso 1899. Hindi nagtagal ay nailipat sa
Nueva Ecija ang himpilan ng Republika ng Pilipinas. Isang pulong ang
idinaos ni Gregorio Aglipay noong Oktubre 23, 1899 sa Paniqui, Tarlac
para iayos ang pagbuo ng Philippine Independent Church. Nanawagan
sila para payagan ang mga paring Pilipino na tumulong sa simbahan. Ito
ang naging dahilan para magkaroon ng pagkahati-hati ng Simbahang
Katoliko, sa bansa kinubkob ng puwersang Amerikano ang Tarlac noong
1899 at sibil na pamahalaan ang binuo sa lalawigan noong 1901.

Ang Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac ang naging huling


destinasyon ng pamosong Bataan Death March.

Ilang tala ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Tarlac ang


sumusunod:

1874 – nabuo ang Tarlac bilang lalawigan sa ilalim ng pamumuno ng


mga Espanyol.

1899 – naging bagong luklukan ng Unang Republikang Pilipinas

1901 – naitatag ang Gobyerno Sibil ng Tarlac

1896 – nakipaglaban para sa kalayaan mula sa mga Espanyol

1950 – naging hantungan ng mga Hukbalahap sa pamumuno ni


Benigno Aquino Jr.

1942 – Bataan Death March

180
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Ilagay ang mga makasaysayang pangyayari ng Tarlac sa timeline


gamit ang mahahalagang tala sa pahina 180. Gawin ito sa sagutang
papel.

1850 1875 1900 1925 1950

181
Gawain B
Indibidual na Gawain

Pag-aralan ang timeline ng kasaysayan ng Bulacan at sagutin ang


mga tanong sa ibaba.

Narating Naghimagsik ang Pagsisimula ng Naitatag ang


ng mga mga Tsino laban pagpapa-lawak ng Unang
Espanyol sa mga Espanyol. nasasakupan ng Republika ng
ang Bulacan. Pilipinas sa
Bulacan. Malolos.

1572 1638-1640 1650-1800 1898

1575 1580 1942 1945

Kinilala Kinilala ang Sinakop ng Napalaya


bilang bayan ng mga Hapon ang
unang Bulakan ang Bulacan Bulacan
bayan ng bilang unang at ginamit mula sa
Bulacan kabisera ng ang Casa mga
ang lalawigan ng Real de Hapones.
Calumpit. Bulacan. Malolos
bilang
himpilan.

182
Sagutin ang sumusunod:

Batay sa timeline, anong bayan ang kinilalang pinakauna


sa Bulacan?
Sino ang naunang dumating sa Bulacan, Hapones, o Espanyol?
Kailan naging malaya ang lalawigan ng Bulacan mula sa mga
Hapones?
Batay sa timeline, sino kaya ang sumakop sa Bulacan bago pa
naitatag ang Unang Republika ng Pilipinas? Bakit mo nasabi
ito?
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) ay nangyari
mula taong 1941-1945. Batay sa timeline,
sino ang kalaban ng mga Pilipino noong panahon ng digmaang
ito?

Gawain C

Nagiging madali ba ang pag-aaral ng kasaysayan kung may


timeline? Paano nakatutulong ang timeline sa pag-unawa ng mga
pangyayari sa sariling lalawigan?
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong saloobin sa paggamit
ng timeline.

Natutuhan Ko

Magtanong sa nakakatanda sa inyong pamayanan tungkol sa


mahahalagang pangyayari sa huling sampung taon ng inyong lalawigan
(2000-2010). Ipakita ito gamit ang timeline.

183
AralinAralin21:1:ParaParaannngPakikipagtulunganngPakikipagtulunganngmgaLalawigansa
ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon
Ating Rehiyon

Panimula
Sa mga nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga mahahalagang
pangyayari sa pagbuo ng mga lalawigan sa iyong rehiyon. Gumamit ka
ng timeline sa pagtukoy ng mga mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng iyong lalawigan at rehiyon. Maraming dahilan ang
pagbubuklod-buklod ng mga lalawigan sa isang rehiyon. Isa na rito ay
upang maging madali ang pagtutulungan ng mga tao sa mga karatig na
lalawigan sa oras ng pangangailangan. Paano nga ba nagtutulungan ang
mga mamamayan sa mga lalawigan ng rehiyon?

Mahalagang matukoy mo na ang pagtutulungang ay isang


magandang katangian ng mamamayan sa mga lalawigan ng rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagsasabi ng mga paraan ng pakikipagtulungan ng mga


lalawigan sa rehiyon noon at sa kasalukuyan; at

nakapagsasabi ng kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga


lalawigan o lungsod.

184
Alamin Mo

Alam mo ba ang kahalagahan ng pagtutulungan


sa isang lalawigan o rehiyon?

Ano kaya ang mga paraan ng pagtutulungan noon


at ngayon sa ating lalawigan o
rehiyon?

Tuklasin Mo

Pakikipagtulungan sa Pangangalakal

Sa pakikipagtulungan, ang mga tao sa mga lalawigan ay


nakikipagkalakalan sa isa’t isa. Hindi lang isang produkto ang nagagawa
ng isang lalawigan. Halimbawa, ang karamihan sa mga magsasaka ay
nagtatanim lang ng palay. Minsan pinapalitan nila ito ng mais at iba pang
naaangkop sa kanilang kapaligiran. Sa karatig na lalawigan, iba naman
ang tinatanim. Maaaring sila ay nagtatanim ng iba’t ibang gulay ayon na
rin sa naaangkop sa kanilang lupain. Gayundin naman ang mga
manggagawa sa pabrika. Maaaring sa isang lalawigan ang kanilang
produkto ay ang paggawa ng tela. Sa ibang lalawigan naman ay mga
pabrika ng damit, maleta, at mga produktong yari sa iba pang materyal.
Sa kalakalan, ang mga magsasaka at manggagawa ang mga taga-gawa o
prodyuser ng mga produkto.

185
Sa kabilang dako naman, nangangailangan din ang mamamayan
ng mga lalawigan ng ibang produkto. Halimbawa, may mga lalawigang
hindi nagtatanim ng palay, kung kaya kailangan nilang mag- angkat nito
sa ibang lalawigan. Maaari din na ang lalawigan ay isang sentro ng
kalakalan dahil sa marami na ang mga taong naninirahan dito. Kung
kaya ang mga produkto na galing sa karatig na lalawigan ay ikinakalakal
sa nasabing lalawigan.

Ang mga nag-aangkat ng mga produkto ay tinatawag na taga-


konsumo o konsyumer. Kailangan ng mga taga-
gawa na may bumili ng kanilang produkto upang sila rin ay makabili ng
iba pang gamit sa kanilang pangangailangan. Sa madaling salita,
makikita na ang mga lalawigan, karatig man o hindi, ay nakikipag-
ugnayan sa isa’t isa upang matugunan ang kani-kanilang
pangangailangan.

Ang pagtutulungan ay mahalaga sa kaunlaran ng lalawigan, sa


kabuoan. Hindi lahat ng produkto, industriya, hanapbuhay, at likas na
yaman ay makikita sa isang lalawigan o lungsod.

Halimbawa, ang isang lalawigan ay sagana sa yamang dagat


ngunit kulang naman sa yamang mineral, kaya’t nakikipag-ugnayan at
nakikipagtulungan ito sa ibang lalawigan sa rehiyon at sa ibang rehiyon
sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.

Kagaya ng mga lalawigan, may iba-ibang paraan din ng


pagtutulungan sa ibang rehiyon. Pansinin ang datos tungkol sa
produksiyon ng produktong pang-agrikultura sa mga lalawigan ng
Rehiyon III.

Batay sa datos, aling lalawigan ang may pinakamalaking


produksiyon ng palay? Alin naman ang

186
may pinakamaliit? Anong mangyayari kapag mas malaki ang
pangangailangan ng palay kaysa sa dami ng produksiyon nito? Saan
siya mag-aangkat ng palay?

PRODUKSIYON NG PALAY SA REHIYON III (2017)


140,000

120,000

100,000

80,000

60,000

40,000

20,000

0
Aurora Bulacan Bataan Nueva Ecija Pampanga Tarlac Zambales

Series 1

Pinagkuhanan:http://rsso03.psa.gov.ph/201-volume-corn

Subukan nating sagutin ang sumusunod:

Aling mga lalawigan ang sa palagay mo ay may sapat na produksiyon


ng palay? Alin naman ang nangangailangan pa ng palay?
Sa palagay mo, aling lalawigan may kakulangan sa produksiyon
ng palay?
Batay sa datos, saan maaaring mag-angkat ng palay ang mga
lalawigan sa rehiyon?
Bakit sa Nueva Ecija nag-aangkat ng palay ang ibang lalawigan ng
rehiyon?

187
PRODUKSIYON NG MAIS SA REHIYON III (2017)
140,000

120,000

100,000

80,000

60,000

40,000

20,000

0
Aurora Bulacan Bataan Nueva Ecija Pampanga Tarlac Zambales

Series 1

Pinagkuhanan: http://rsso03.psa.gov.ph/201-volume-corn

Subukin nating sagutin ang mga ito:

Aling mga lalawigan ang sa palagay ninyo ay may sapat na


produksiyon ng mais?

Aling lalawigan ang nangangailangan pa ng mais?

Batay sa datos, saan maaaring mag-angkat ng mais ang mamamyan


ng mga lalawigan sa rehiyon?

Bakit sa Tarlac nag-aangkat ng mais ang mga tao ng ibang


lalawigan sa Rehiyon III?

188
Pansinin at suriing mabuti ang graphic organizer sa ibaba
tungkol sa mga yaman ng Bulacan at Pampanga.

Mga Yaman sa Bulacan

Pangunahing Produkto Natatanging Atraksiyon

bigas mga resort


yamang dagat makasaysayang pook

Industriya
Hanapbuhay
pabrika, alahas
turismo
pag -aalaga ng hayop
gaya ng manok,
kalabaw, baka,
baboy

Likas na Yaman

baybay dagat
pastulan

189
Mga Yaman sa Pampanga

Pangunahing Produkto Natatanging Atraksiyon


• palay • industriya ng turismo
• prutas • magagandang
tanawin

Hanapbuhay Industriya
• paglililok • turismo
• pagtatanim ng • produkto mula sa
palay at mais hayop

Likas Yaman
mina
troso

Batay sa graphic organizer, sagutin ang sumusunod na tanong:

Anong yaman mayroon ang lalawigan ng Bulacan?

Ano ang maaaring maangkat ng lalawigan ng Pampanga sa


Bulacan?

Ano ang maaaring matugunan ng Pampanga sa


pangangailangan ng Bulacan?

Paano nagtutulungan ang mga tiga-lalawigan ng Bulacan at


Pampanga? Bakit mo nasabi ito?

190
Gawin Mo

Gawain A
Malikhaing Pagsasalaysay

Basahin ang sitwasyon. Bigyan ng paliwanag kung paano


umaasa ang mga tao sa mga bayan ng mga lalawigan ng isang
rehiyon. Isulat ang paliwanag sa iyong notbuk.

Sitwasyon:
Sa lalawigan ng Zambales, ang bayan ng Subic ay naging puntahan
ng maraming turista dahil sa ganda ng mga beach dito. Dahil sa pagdagsa
ng turista, dumami ang
nanirahan dito. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga naninirahan sa
paglikha ng mga souvenirs para sa mga
turista. Ngunit, marami ring ibang pangangailangan ang bayang ito
dahil sa pagdagsa ng mga tao. Una na rito ang mga pagkain na mabibili
sa lugar dahil wala namang tanimang gaano dito.

Dumarayo pa ang mga taga-roon sa ibang bayan o sa sentro upang


bumili ng mga pangangailangan. Ano kaya ang maitutulong ng mga
karatig-bayan o lalawigan sa bayan ng Subic?

Gawain B
Pangkatang Gawain

Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay may mga sariling


pangangailangan. Minsan, hindi lahat ng pangangailangan ay natutugunan
sa loob ng lalawigan kung kaya nakikipag-ugnayan pa ito sa ibang karatig
na lalawigan. Batay sa mga

191
napag-aralang produkto ng rehiyon, magbigay ng isa hanggang tatlong
mungkahi kung paano matutugunan ng bawat lalawigan ang kanilang
pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan.

Ano-anong lalawigan ang may kakulangan nito at saan sila


makikipag-ugnayan?
Ano ang maaari nilang gawin upang matugunan ang kanilang
pangangailangan?
Pangkat 1 - Kakulangan sa Palay
Pangkat 2 - Kakulangan sa Mais

Gawain C

Nagmungkahi ang nasyonal na pamahalaan na pag-


ibayuhin ang mga natatanging produkto ng lahat ng lalawigan ng bansa.
Inatasan nito ang Department of Trade and Industry (DTI) na
ilunsad ang One Town, One Product Project. Sa proyektong ito,
hinihikayat ang bawat lalawigan na i-advertise ang kanilang produkto sa
mga trade and export shows sa mga piling lugar ng bansa. Bukod pa
rito,
layunin din ng proyekto, na bigyan ng karagdagang kita ang mga
lalawigan sa bawat produktong maipagbibili nito.

Magagawa lamang ito kapag hindi nagkakatulad ang mga


produktong ginagawa ng bawat lalawigan. Hindi maglalaban-laban ang
mga lalawigan sa bilang ng mga mamimili ng kanilang produkto, kaya
mas magiging malaki ang kita ng mga ito. Isa pang dahilan sa
pagkakaroon nito ay upang mahimok ang mga lalawigan na makipag-
ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng kalakalan. Kung tutuusin hindi
lahat ng kapaligiran ay magkakapareho. May mga produkto na
iniaangkop sa klase ng kapaligiran. Kaya ninanais ng pamahalaan na
mapadali ang produksiyon sa pamamagitan ng pagpili ng produktong
madaling

192
payabungin sa kapaligiran nito. Dahil nagkaroon ng mga sari-sariling
produkto, mangangahulugan na magkakaroon din ng mas matibay na
ugnayan ang bawat isa sa pagtugon ng mga pangangailangan nila.

Sagutin ang tanong ayon sa binasang talata: Paano


makatutulong ang maunlad na lalawigan sa ibang karatig lalawigan?

Natutuhan Ko

Magbigay ng paraan kung paano nagkakatulungan ang mga


lalawigan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa sa
rehiyon.

193
Aralin Aralin22:Ag 22:mga PagbabagongAngmgaNangyayariPagbabagongsaAtingLalawian at
Nangyayari sa Ating Lalawigan
Rehiyon
at Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga mahahalagang


pangyayaring naganap sa kasaysayan ng iyong lalawigan. Gamit ang
timeline ay naitala mo ang ilang detalye ng mga nangyari rito. May mga
bagay kang napansin sa iyong lalawigan noon. May nakikita ka bang
pagbabago sa iyong lalawigan sa ngayon? Ano-ano naman ang mga ito?
Ang pisikal na kapaligiran ba ng iyong lalawigan ay nagbago? Pareho pa
rin ba ang mga hanapbuhay ng mga tao?

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay: nakatatalakay ng mga


pagbabagong nagaganap sa sariling lalawigan at sa kinabibilangang
rehiyon.

194
Alamin Mo

Ano-anong bagay ang


nagbago sa ating
lalawigan?
Ano-ano naman ang
nagpatuloy at nakikita pa rin
hanggang ngayon?

Tuklasin Mo

Sa paglipas ng panahon, may mga pagbabagong nagaganap sa


ilang lugar. Ang mga pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng
pagbabago sa kasaysayan. Mabuti man o hindi ang naging bunga ng
pagbabagong ito, siguradong nag-iiwan ito ng mga alaala sa isipan ng
bawat mamamayan.

Pag-aralan ang mga larawan at talata sa ibaba. Itala ang


pagkakaiba ng mga ito NOON at NGAYON ayon sa sumusunod:

Mga Istruktura
Noon Ngayon

195
Ang karamihan sa mga gusali ay hanggang unang palapag
lamang ngunit sa pagdaan ng panahon, marami sa mga gusali ang
nagkaroon na ng maraming palapag.
Maging ang mga uri ng materyal sa mga kabahayan ay nagbabago
rin.

Ano ang mga nakikita mong pagbabago sa mga gusali,


lansangan, at istruktura sa iyong lalawigan?
May mga nakikita ka bang hindi nagbago?

Populasyon at mga Tao

Noon Ngayon

Pansinin mo ang mga tao sa iyong paligid sa tuwing ikaw ay


namamasyal. Marami kang nakakasalubong na hindi mo kakilala.
Dumarami ang mga tao sa isang lugar na dati ay iilan lang ang nakatira.

Bakit kaya dumarayo ang mga tao sa iba’t ibang lalawigan at


nanatili roon?
Ano ang epekto nito sa iyong lalawigan?

196
Mga Libangan

Noon Ngayon

Kung tatanungin mo ang iyong mga magulang kung saan ang


kanilang pook pasyalan noon, sigurado na may babanggitin silang lugar.
Ngunit sa ngayon ay masasabing nagbago na ang anyo ng mga lugar na ito.
Kung noon ang mga nilalaro ng iyong mga magulang ay patintero, piko,
tumbang preso, habulan, at taguan, ngayon marami na ang mga laruang
teknolohiya kagaya ng computer games
at maging ang mga napapanood sa telebisyon.

Noon ay may mga sinehan na ngunit maliliit na gusali lamang.


Ngayon ay malalaking gusali na.

Sa palagay mo, ano kaya ang mga bagong bukas na pasyalan ng mga
tao ngayon sa iyong lugar?

Ano naman sa mga libangan ang patuloy pa rin na ginagawa ng


mga tao?

197
Mga Gawain

Noon Ngayon

Sinasabi na sa ating bansa ang mga tao ay maraming naging gawain


sa iba’t ibang pagkakataon, may okasyon man o wala. Halimbawa,
marami pa rin ang sama-samang mag-anak na nagsisimba sa kanilang
pook-sambahan sa takdang araw ayon sa kanilang pananampalataya. Isa
pang gawain ng pamilya ay ang pagsalubong ng Bagong Taon. Ngunit sa
mga nakaraang taon, may mga pamilya na ring mas pinili ang
magpalipas ng bagong taon sa mga pook pasyalan. Saan man sila
magpalipas ng naturang okasyon, sama-sama pa rin ang pamilya sa
pagdiriwang nito.

May mga alam ka bang mga gawain ng pamilya na sama-sama


pa rin nilang ginagawa ngayon?

May pagbabago kaya sa mga ganitong gawain?

198
Pag-aralan ang sumusunod na larawan.

1. Ano ang pagbabago sa kapaligiran tulad ng beach resort na nasa


larawan?
Noon Ngayon

Ano ang pagbabago sa gusali at lansangan sa lalawigang


ito?

Noon Ngayon

Ano ang pagbabagong makikita sa pook pangkomersiyal ng


lalawigang nasa pahina 202?

199
Noon Ngayon

Batay sa mga nakita mong pagbabago, ano ang mas gusto mo sa


dalawang larawan? Bakit?

Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain
Isalaysay ang mga pagbabago noon at ngayon sa iyong
lalawigan.

Pagbabago sa kapaligiran – Pangkat 1


Pagbabago sa gusali at lansangan – Pangkat 2
Pagbabago sa pangkomersiyal – Pangkat 3

Natutuhan Ko

Sa isang bond paper, gumawa ng poster na nagpapakita ng


pagbabago sa iyong lugar o lalawigan.

200
AralinAlin23: 23:AngmgaAngKuwentomgangKasaysayanKuwentoatmgangMakasaysKasaysayanangPooksa

at mgamgaMakasaysayangLlawiganngAtingRehiyonPook
sa mga Lalawigan ng Ating Rehiyon

Panimula

Nalaman mo sa mga nakaraang aralin ang pinagmulan ng iyong


lalawigan o rehiyon. Nailarawan mo rin ang mga makasaysayang
pangyayari tungkol dito. Bahagi ng kasaysayan ng bansa ang pinagmulan
ng iyong lalawigan at rehiyong kinabibilangan nito. Patuloy na
nagkakaroon ng mga mahalagang pangyayari sa lalawigan at rehiyon na
humuhubog sa iyong kultura. Ang iba sa mga pangyayaring ito ay
makikita sa makasaysayang lugar at bagay sa lalawigan. May napuntahan
ka na ba sa mga pook na ito? Alam mo ba ang mga ambag ng mga
makasaysayang pook na ito sa kasaysayan ng iyong lalawigan at
rehiyon?

Mahalaga ang pag-aaral ng mga makasaysayang pangyayari sa


lalawigan at rehiyon upang maunawaan mo ang mga pangyayari na
nagbigay-daan sa mga pagbabago ng lalawigan at rehiyon sa
kasalukuyan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay: nakapagsasalaysay ng kuwento


ng makasaysayang pook o pangyayaring nagpapakilala sa iyong
lalawigan sa pamamagitan ng pagsasadula at iba pang malikhaing paraan.

201
Simbahan ng Baler
https://baler.gov.ph/about-
baler/history/

Alamin Mo
Ano kaya ang
kuwento ng
makasaysayang
pangyayayari sa
iyong lalawigan?

Tuklasin Mo

Mga Kuwento ng Makasaysayang Pook o Pangyayari sa


mga Lalawigan sa Rehiyon

Simbahan ng Baler

Ang Simbahan ng Baler ay matatagpuan sa Baler,


Aurora. Ito ay unang ipinatayo na gawa sa nipa at kawayan
ng mga paring Pransiskano sa
Tibag (ngayon ay Sabang)
dahil sa pagtangkilik ni San Luis
Obispo De Tolosa noong 1611.
Inilipat ito sa pamamahala ng
mga Rekoletos noong 1658 at
muling ibinalik sa mga
Pransiskano taong 1703. Ito ay
nawasak ng daluyong noong
Disyembre 27, 1735. Inilipat sa
kasalukuyang kinatatayuan at
naging isang bagong

202
simbahang yari sa bato. Si Manuel L. Quezon, ang unang pangulo ng
Komonwelt ng Pilipinas ay bininyagan dito noong 1878. Naging garison
ito ng mga Espanyol noong panahon ng himagsikan at kinubkub ito ng mga
Pilipinong rebolusyonaryo mula Hunyo 27, 1898 hanggang Hunyo 2, 1899.
Napasailalim ito sa pamamahala ng mga sekular noong 1899 at muling
ipinagawa ni Pangulong Quezon noong 1939. Inilipat ito sa pangangasiwa
ng mga Karmelitas noong 1947 at muling ibinalik sa mga sekular sa
taong1983.
Pinagkuhanan: https://baler.gov.ph.about-baler/history

Ermita Hill

Pinagkuhanan: https://baler.gov.ph/about-baler/history/

Isang malahiganteng alon na tinawag na Tromba Manna ang


humampas sa Baler, Aurora noong Disyembre 27, 1935. Maraming
buhay ang nawala sa sakunang ito. Pitong pamilya na kinabibilangan ng
angkan ng Angara, Bijasa, Bitong, Carrasco, Ferreras, Lumasac, at
Poblete ang umakyat sa Ermita Hill. Ito ang pinakamalapit at mataas na
lugar na maari nilang puntahan upang sila ay makaligtas sa malalaking
alon.

203
Bataan Death March

Ang Bataan Death March ay ang sapilitang


pagpapalakad sa mahigit kumulang na 70,000 bilanggo ng digmaan
(Prisoners of War o POW) na binubuo ng mga
Pilipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapones sa kasagsagan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula ito noong Abril 9,
1942 sa Mariveles, Bataan at nagtapos sa Himpilang O’Donnell sa
Capas, Tarlac. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.
Pinagkuhanan: https://ncca.gov.ph.sagisag-kultura

Ang kaliwang larawan ay Death March na mula sa Mariveles,


Bataan. Sa kanang larawan ay ang marker o palatandaan ng
isinagawang Death March.

Pinagkuhanan: http://www.officialgazette.gov.ph/wp-
content/themes/govph/assets/araw_ng_kagitingan/images/maps /6/1.png

204
Dambana ng Kagitingan

Ang Dambana ng Kagitingan ay isang pambansang dambana na


matatagpuan malapit sa tuktok ng Bundok Samat, isang makasaysayang
bundok sa Diwa, Pilar, Bataan. Itinayo ang Dambana bilang pagkilala sa
kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban at nag-alay ng buhay para sa
kanilang bansa noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig. Naging tagpo
ang Bundok Samat ng Labanang Bataan, ang pinakamadugong yugto ng
pananakop ng hukbong Hapones sa Pilipinas at mahigit sandaang
sundalong Pilipino at Amerikano ang namatay. Sinimulan ang paggawa
ng Dambana noong 1966 at natapos noong 1970. May lawak itong 73
665 ektarya at nagtatampok ng Colonnade at Memorial Cross. Ang
kolonado ay may tuktok na yari sa
marmol. Sa gitna nito ay isang altar, at sa likod ng altar ay tatlong stained
glass mural na idinisenyo ni Cenon Rivera at
ginawa ng Italyanong si Vetrate D’Arte Giulani.

Pinagkuhanan: ncca.gov.ph/sagisagkultura

205
Simbahan ng Barasoain

Ang Simbahan ng Barasoain ay matatagpuan sa Lungsod


Malolos, Bulacan. Sa simbahang ito naganap ang tatlong mahahalagang
pangyayari sa ating bansa ang Pagpupulong ng Unang Kongreso ng
Pilipinas noong Setyembre 15, 1898; Ang Pagbalangkas sa
Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggang
Enero 21, 1899; at ang Pagpapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas
noong Enero 23, 1899.

Ito ay iprinoklama ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang isang


Pambansang Liwasan sa pamamagitan ng Atas ng Pangulo bilang 260,
noong Agosto 1, 1973.
Pinagkuhanan: https://nhcp.gov.ph/museums/barasoain-church-historical-
landmarks

206
Casa Real De Malolos

Ang Casa Real


de Malolos ang
bahay palimbagan noong
panahon ng Unang
Republika. Ito rin ang
naging himpilan ng
Pamahalaang Militar ng
Pilipinas noong
1899 hanggang 1900, at
naging luklukan ng
pamahalaan ng Bulacan
noong 1900
hanggang 1930. Ginawa rin itong himpilan ng mga Hapones ng masakop
nila ang Bulacan.
Pinagkuhanan: https://nhcp.gov.ph/museums/case-realshrine/

Unang Sigaw ng Nueva Ecija

Ang Unang Sigaw ng Nueva


Ecija ay isang pag-aaklas noong
Setyembre 2,1896 sa pangunguna nina
Heneral Mariano Llanera ng Cabiao at
Pantaleon Valmonte ng bayan ng Gapan,
Nueva Ecija. Ang Nueva Ecija ang
ikalawang lalawigang naghimagsik sa
mga Espanyol noong 1896 sumunod sa
Maynila.
Pinagkuhanan:
Hen. Mariano Llanera https://ncca.gov.ph.sagisag-kultura
Pinagkunan:ncca.gov.ph ./sagisag-kultura

207
Camp Pangatian Shrine

Ang Camp Pangatian Shrine ay matatagpuan sa Lungsod


Cabanatuan, Nueva Ecija. Ito ay ginamit na kampo ng mga militar para sa
pagsasanay ng mga sundalo
bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig subalit ito ay ginawang
concentration camp ng mga prisoners of war
(POW) noong panahon ng mga Hapones.
Pinagkuhanan: nhcp.gov.ph/the-camp-pangatian-shrine

Pampanga

Sagana sa likas na yaman at kasaysayan ang Pampanga. Isang


patunay ang pagkakasali nito sa walong sinag ng araw ng watawat ng
Pilipinas. Mababakas dito ang katapangan nila ng sila ay sumali sa
rebolusyo at nakipaglaban sa mga Espanyol. Nakalulungkot isipin na
marami ang nagdusa at namatay sa digmaang ito, subalit

208
ang Pampanga ay naging bahagi din sa pagbabalik ng kasarinlan ng
ating bansang Pilipinas.

Macabebe

Ang bayan ng Macabebe ay isa sa pinakamatandang bayan ng


Pampanga. Tinawag nila itong Macabebe dahil ang tirahan ng mga unang
nakatira rito ay itinayo sa tabing
ilog. Sila ang unang mga Kapampangan na kinilalang lumaban sa mga
Espanyol para ipaglaban ang kanilang

209
mga lupain at kalayaan. Sa pamumuno ng isang hindi kilalang
kabataan na nakipaglaban sa puwersa ni Miguel Lopez de Legazpi sa
Bangkusay.
Pambansang Dambana ng Capas

Ang Pambansang Dambana ng Capas (Capas National


Shrine) sa bayan ng Capas ay ipinatayo at pinangalagaan ng
pamahalaan ng Pilipinas bilang isa sa
alaala ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na namatay sa Camp
O’Donnell matapos ang Martsa ng Kamatayan sa
Bataan. Mahalaga ang lugar na ito dahil sa kaugnayan nito sa Araw ng
Kagitingan sa Pilipinas na ipinagdiriwang tuwing Abril 9.

210
Sinaunang Tahanan ng mga Aquino

Ang Sinaunang Tahanan ng mga Aquino ay nakatayo sa isang


malawak na lupain sa Concepcion, Tarlac. Ito ay isang magarang
mansiyon na naitayo bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang
arkitekto nito ay galing sa Laguna ngunit masinsing sinubaybayan ni
Apung Ignu, ang ama ni Ninoy Aquino. Ito ay idineklara ng National
Historical Commission of the Philippines (NHCP) bilang isang
makasaysayang pook noong 1987 dahil ito ay naging tahanan ng mga
dakilang bayani mula sa pamilyang Aquino.
Pinagkuhanan: http://1.president.gov.ph/news /aquino-leads-unvealing-of-
historical-marker-in-aquino-house-in-tarlac

Ancestral House ng mga Aquino sa Tarlac


Pinagkuhanan: nhcp.gov.ph/nhcp photo collection 2011

211
Capones Island Lighthouse

Ang Capones Island Lighthouse ay isang makasaysayang


parola na matatagpuan sa Capones, Grande Island sa baybayin ng
barangay Pundaquit, San
Antonio, sa lalawigan ng Zambales. Ito ang nagsisilbing gabay na
liwanag ng mga international vessels na
nagmumula sa hilaga hanggang hilagang-kanluran patungo sa
Subic Bay o sa Corregidor Island.

Pinagkuhanan: www.zambales.gov.ph

St. Augustine Cathedral

Ang Katedral ng San Agustin sa Iba ay isang


makasaysayang simbahan na gawa mula sa korales at limestone.
Ipinagawa ito ng mga misyonerong Agustino
noong 1703. Sa kasalukuyan, luklukan ito ng Obispo ng
Simbahang Katoliko ng lalawigan.

212
Noong Agosto 28, 1901, naganap dito ang
pagpupulong ng Second Philippine Commission sa
pamumuno ni Gobernador Sibil William Howard Taft at itinatag
ang lalawigan ng Zambales sa pamamahala ng mga Amerikano.
Kalaunan, nahirang na Pangulo ng Amerika si Taft.
Pinagkuhanan: ibazambales.gov.ph/history-of-iba/

St. Augustine Cathedral

Kuha ni Jeaneth B. Doyog


Sagutin ang mga tanong:

Ano ang ipinakikita ng mga makasaysayang lugar o bantayog ng


isang lalawigan?

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga bantayog


upang gunitain ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong
lalawigan? Bakit mo nasabi ito?

Paano mo mapahahalagahan ang mga pangyayari sa iyong lugar?

213
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Isadula ang makasaysayang pangyayaring naganap sa iyong


lalawigan. Bibigyan kayo ng sitwasyon ng iyong guro.

Gawain B

Magsaliksik ng isang makasaysayang pangyayaring naganap sa


iyong lalawigan. Ipakita ito sa pamamagitan ng malikhaing paraan.

Gawain C

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga mo sa mga


makasaysayang ito? Gumawa ng isang mungkahi upang maisulong
ang paggunita sa mahalagang pangyayaring ito. Isulat ang iyong
mungkahi sa sagutang papel.

Natutuhan Ko

Magsagawa ng pantomime tungkol sa mga kuwento ng mga


makasaysayang pook o mga pangyayari ng iyong lalawigan.

214
Aralin 24: Ang mga Natatanging Simbolo at Sagisag ng Ating
Aralin 24: Ang mga Natatanging Simbolo
at Sagisag LalawiganngAting Lalawigan

Panimula
Naranasan mo na ba ang maglakbay sa ibang lalawigan? Ano-
ano ang napapansin mo sa mga larawang nakadikit sa harapan ng
kapitolyo? May mga nakikita ka rin ba na mga simbolo sa kanilang
bandila o kaya sa mga
bantayog? Napapansin mo rin ba ang mga karaniwang hugis bilog kung
saan nakikita ang mga katagang sagisag ng lalawigan? Ang tawag dito
ay mga opisyal na simbolo at
sagisag ng isang lalawigan.

Sa nakaraang aralin, tinalakay mo ang mga makasaysayang pook


na matatagpuan sa iyong mga karatig-lalawigan. Dito mo naunawaan ang
kaugnayan ng mga lalawigang pinag-isa ng kanilang kasaysayan.
Ngayon, alamin ang mga simbolo at sagisag na makikita sa bawat
lalawigan ng iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng ilang simbolo at sagisag ng iyong lalawigan at


mga karatig-lalawigan nito; at

nakatatalakay ng ilang kahulugan ng mga simbolo at sagisag na


nakikita sa opisyal na sagisag ng lalawigan at ng mga karatig-
lalawigan sa rehiyon.

215
Alamin Mo

Ano kaya ang ibig


pakahulugan ng mga simbolo
at sagisag sa isang lalawigan?

Alam mo ba ang ibig sabihin ng


mga simbolo at sagisag na
nakikita mo sa iyong lalawigan?

Tuklasin Mo

Ang opisyal na sagisag at simbolo ng isang bansa ay


pagpapakita ng kasarinlan (independence) nito sa iba
pang mga bansa ng mundo. Ang lahat ng bansa ay may opisyal na
simbolo at sagisag. Gayundin, ang bawat lalawigan sa ating bansa.
Makikita ang mga simbolo ng lalawigan sa mga gusaling pampubliko at
ng mga lokal na pamahalaan. Ang simbolo ng lalawigan ay
nagpapahayag ng katangian nito kabilang ang kultura at iba pang
pagkakakilanlan ng lalawigan. Ang simbolo ang nagbibigkis ng lahat ng
mga mamamayan tungo sa kanilang pagkakaisa bilang mga kasapi ng
lalawigan.

216
Aurora

Ang simbolo ng Aurora ay


may walong bituin na sumasagisag
sa walong bayan nito. Ang walong
sinag naman ng araw ay
sumasagisag sa patuloy na pag-
unlad ng mga bayan. Ang puno ng
niyog ay tanda ng pangunahing
produkto ng lalawigan. Ang
bangka ay sumasagisag naman sa
pangunahing hanapbuhay ng mga
naninirahan dito.

Bataan

Ang nasa gitnang bahagi


ng simbolo ay ang nag-aapoy
na espada na sumasagisag sa
katapangan ng mga sundalo at
gerilya na nakipaglaban noong
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang tatlong bituin
ay sumisimbolo sa heograpikal
na rehiyon na
nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

217
Bulacan

Nakikita ang
mahahalagang
kasaysayan ng lalawigan
ng Bulacan sa mga
sagisag na ito. May apat
na bahagi ang simbolo.
Ang Kawayang Bocaue
o Kawayang Bansot na
sagisag ng katapangan
ng mga Bulakenyo, ay
ginamit na palaso at sandata ng mga Katipunero sa
kanilang pag-aaklas laban sa Espanyol. Ang simbahan sa gitna ng
official seal ay ang Simbahan ng Barasoain kung
saan idinaos ang kauna-unahang Kumbensiyong Konstitusyonal at
tahanan ng Unang Republika ng Pilipinas. Ang dalawang bundok naman
ay kumakatawan sa Kakarong de Sili sa Pandi at Biak-na-bato sa San
Miguel kung saan naitatag ang Republika ng Kakarong at Republika ng
Biak-na-Bato. Ang kulay bughaw sa bahaging likuran nito ay
sumasagisag sa kapayapaan, katotohanan, at katarungan.

Nueva Ecija

Ang kulay bughaw sa


sagisag ay tanda ng payapang
papawirin ng mga Novo
Ecijano. Ang dilaw na kulay
naman ay kumakatawan sa
aanihing palay. Ang dalawang
tumpok ng dayami ay
sumasagisag sa pangunahing
produktong

218
pang agrikultura ng lalawigan. Ang kalabaw ay sumasagisag sa kalabaw
bilang katulong ng mga magsasaka sa bukid. Ang tatlong bituin naman
ay kumakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang bundok ay
sumasagisag sa mga Bulubundukin ng Caraballo at Siera Madre.

Pampanga

Sa simbolo ng
lalawigan ng Pampanga ay
makikita ang bundok na
sumasagisag sa maganda
at kaakit-akit na Bundok ng
Arayat. Gulong na may
ngipin naman ang simbolo
ng pag-unlad ng industriya
sa lalawigan. Tangkay ng
Palay ang simbolo ng
nangungunang produkto
ng lalawigan at ang apat na haligi ay sumasagisag sa apat na distritong
kongresyonal nito.

Tarlac

Makikita sa simbolo ang


tatlong bituin na sumasagisag sa
tatlong malalaking pulo, ang
Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang
kumpol ng halaman ay
kumakatawan sa palay, mais, at
asukal na mga pangunahing
produkto nito. Ang gitnang bahagi
na

219
palipit na baging ang kumakatawan sa grupo ng mga taong pinagbuklod
upang makabuo ng mga mamamayang malusog, malakas, at mapagmahal
sa kalayaan. Ang Golden Horizon ay kumakatawan sa masidhing
damdamin na magkaroon ng payapang buhay, kalayaan, at kasiyahan sa
ilalim ng lipunang umiiral ang demokrasya at katarungan .

Zambales

Makikita sa simbolo ng
Zambales ang kulay
bughaw na sumasagisag
sa kapayapaan. Kulay
dilaw para sa
pagkamakabansa at kulay
pula para sa katapangan.
Ang angkla ay
kumakatawan sa
mayamang industriya ng
mga barko sa Zambales.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ano-anong katangian mayroon ang mga kalalawigan mo na makikita sa


inyong opisyal na sagisag?

Nailalarawan ba ang iyong lalawigan batay sa opisyal na sagisag


nito? Bakit mo ito nasabi?

Nahihikayat ba ang mga kalalawigan na ipagmalaki ang inyong


lugar? Bakit mo ito nasabi?

220
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Bigyan ng sariling pakahulugan ang mga simbolong nakikita sa


opisyal na sagisag ng iyong lalawigan. Isulat ang sarili ninyong kahulugan.
Tingnan ninyo kung magkapareho ang mga kahulugan na ibinigay ng
inyong mga kaklase.

Bahagi ng Simbolo Sariling Pakahulugan

221
Gawain B

Pangkatang Gawain

Tatalakayin ng bawat pangkat ang mga larawan ng opisyal na


sagisag ng lalawigan. Iugnay ang mga ito sa mga pagdiriwang,
paniniwala, tradisyon, kasaysayan, mga produkto, pagkain, gusali, at
disenyo ng bahay na may kaugnayan sa bawat larawan.

Halimbawa:

Ang paggamit ng kawayan sa kinaugaliang prusisyon sa ilog o


Piyesta ng Pagoda sa Bocaue na tinatawag ding Piyesta ng Krus sa
Wawa bilang paggunita sa Itim na Krus na sinasabing natagpuang
palutang-lutang sa bunganga ng Ilog ng Bocaue noong 1850.

222
Gawain C

Indibiduwal na Gawain

Gumawa ng sariling simbolo ng iyong lalawigan. Tandaan


ang mga paalala sa paggawa ng simbolo sa ibaba.

Ang simbolo ay dapat na:

kumakatawan sa lalawigan.

simple at walang dekorasyon na hindi naman naaangkop.

iguhit lamang ang pinakamahalagang katangian nito.

madaling matandaan ng mga tao sa lalawigan.

Natutuhan Ko

Ibigay ang kahulugan ng bawat simbolo sa opisyal na simbolo ng


iyong lalawigan.

223
Aralin Aralin25:Ilang Simbolo25:IlangtSagisagSimbolonaNagpatpakilSagisaglaaIba’t Ibang

na NagpapakilalaLalwigansangIba’tAtingRehiyonIbang Lalawigan
ng Ating Rehiyon

Panimula

Ang mga lalawigan sa iyong rehiyon ay nagtataglay ng simbolo


at sagisag na nagpapakita ng kanyang mga katangian. Bawat larawan
sa simbolo o sagisag ay nagtataglay ng kahulugan na itinuturing na
napakahalagang bagay sa mamamayan ng isang lalawigan.
Mahalagang malaman mo ang ilang mga simbolo at sagisag na ito pati
na ang sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyong iyong kinabibilangan. Sa
ganitong paraan, makikilala mo rin ang mga karatig-lalawigan, ang
kanilang mga pinahahalagahan at itinuturing na yaman.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagsusuri ng mga simbolo at sagisag ng bawat lalawigan sa


rehiyon;

nakapaghahambing ng ilang simbolo at sagisag na nagpapakilala ng


iba’t ibang lalawigan sa rehiyon; at

nagpapakita ng pagmamalaki sa mga katangian ng iba’t ibang


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

224
Alamin Mo

Paano ba Bakit kaya


nagkakaiba magkakaiba
ang mga ang mga
simbolo ng simbolo ng
mga lalawigan mga lalawigan
sa ating sa ating
rehiyon? rehiyon?

Tuklasin Mo

Nalaman mo na ang iba’t ibang simbolo at sagisag ng mga


lalawigan sa iyong rehiyon. Natatandaan mo pa rin ba ang mga
katangian ng bawat lalawigan sa Rehiyon III?
Mailalarawan mo bang muli ang mga simbolo at sagisag nito?

Narito ang larawan ng simbolo at sagisag ng bawat lalawigan sa


ating rehiyon. Pagmasdan mo ang mga ito at kilalanin. Pag-isipan mo
ang sagot sa sumusunod na mga tanong.

225
Ano-ano ang katangian ng bawat lalawigan sa ating rehiyon?
Ano- ano ang nakikitang larawan sa bawat simbolo ng lalawigan?
Alamin natin ang bawat isa.

Ano ang
ipinakikita ng simbolo
ng lalawigan ng
Aurora? Anong
katangian ng taga –
Aurora ang ipinakikita
rito? Mayroon din
bang ganitong
katangian ang
naninirahan sa
Bataan?

Ano ang
ipinakikita ng sagisag
ng lalawigan ng
Bataan? Ano ang
pagkakaiba nito sa
sagisag ng lalawigan
ng Aurora? Ano ang
kaugnayan ng
sagisag sa katangian
ng mga taga-
Bataan?

226
Pagmasdan ang mga
larawan sa opisyal na
sagisag ng lalawigan ng
Bulacan. Magkatulad ba
ang kahulugan ng tatlong
bituin sa simbolo ng Bataan
at Bulacan?

Paano naiiba ang


sagisag ng lalawigan ng
Nueva Ecija sa lalawigan
ng Pampanga? Ano kaya
ang kahulugan ng kalabaw
sa gitna ng sagisag ng
lalawigan? Anong
katangian ang ipinakikita
ng kanilang sagisag
tungkol sa mga Novo
Ecijano?

227
Ano ang
kahulugan ng apat
na poste sa gitnang
sagisag? Ano ang
pagkakaiba nito sa
simbolo ng
lalawigan ng Tarlac?

Paano naiiba ang


sagisag ng lalawigan
ng Tarlac sa lalawigan
ng Zambales? Anong
katangian ng mga taga-
Tarlac ang
ipinapahiwatig ng
sagisag?

228
Ano ang ipinakikita ng
sagisag ng Zambales? May
pagkakatulad ba ito sa simbolo
at sagisag ng Tarlac?

Pinagkuhanan ng lahat ng sagisag: Bureau of Local Government


(1975). Symbols of the State: Republic of the Philippines

Batay sa mga nalaman mo tungkol sa mga katangian ng bawat


lalawigan, punan ang talahanayan ng pagkakatulad at pagkakaiba nito.
Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Larawang Pagkakatulad at


Lalawigan Nakikita sa Opisyal na
Pagkakaiba
Simbolo
Aurora at
Bataan
Bulacan at
Nueva Ecija

Pampanga,
Tarlac, at
Zambales

229
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Basahin ang sumusunod na pangungusap tungkol sa pagkakatulad


at pagkakaiba ng opisyal na simbolo ng bawat lalawigan. Lagyan ng tsek
✓ 
( ) kung ito ay tama at ekis ( ) kung mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Ang tatlong bituin sa simbolo ng Bulacan at Bataan ay
kumakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang bundok na nasa simbolo ng Aurora, Tarlac, at Zambales ay


sumasagisag ng kanilang kabundukan.

Ang kulay pula sa simbolo ng Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija


ay nagpapakilala ng katapangan ng mga naninirahan doon.

Lahat ng simbolo ng pitong lalawigan sa Rehiyon III ay may


bituin.

Ang mga simbolo at sagisag ng pitong lalawigan sa Rehiyon III


ay may pagkakatulad at pagkakaiba.

230
Gawain B

Pangkatang Gawain

Gamit ang Venn diagram sa ibaba, paghambingin ang simbolo


ng iyong lalawigan at isa pang lalawigan na nais mo sa Rehiyon III.
Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito?

Kasaysayan Likas na
Kasaysayan yaman
at
likas na yaman

Natutuhan Ko

Isulat sa isang talata ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pitong


lalawigan sa Rehiyon III.

231
Aralin 26: Kahulugan ng Opisyal
Aralin 26: Kahulugan ng Opisyal na Himno ng mga Lalawigan sa Ating

na Himno ng mga Lalawigan sa


AtingRehiyonRehiyon

Panimula
Ang mga lalawigan sa iyong rehiyon ay may awitin o
komposisyong kinikilala bilang opisyal na himno nito. Mahalagang
malaman mo ang nilalaman ng opisyal na himno upang higit mong
makilala at maipagmalaki ang lalawigan na iyong kinabibilangan.
Gayundin, nararapat lamang na alamin mo ang tunay na kahulugan o
mensahe ng awiting ito sapagkat ito ay sagisag ng iyong lalawigan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagbibigay kahulugan ng nilalaman ng opisyal na himno ng


sariling lalawigan;
nakapaglalarawan ng kinabibilangang lalawigan; at
nakapagmamalaki ng katangian ng iyong lalawigan.

Alamin Mo

Nais mo bang malaman kung ano ang opisyal na awit ng iyong


lalawigan?

232
Tuklasin Mo

Nakarinig ka na ba ng awit tungkol sa iyong lalawigan?


Paano inilalarawan ang iyong lalawigan ng awit na ito?

Karamihan sa mga lalawigan ay may sariling opisyal na awitin.


Karaniwang sinusulat ito upang pukawin ang damdamin ng mga taga-
lalawigan sa kagandahan ng kanilang lugar. Ang ibang awit ay nag-
uudyok na mahalin nila ang kanilang mga lalawigan upang lalo itong
umunlad. Kagaya ng karaniwang awit sa radyo, ang mga opisyal na awit
ay madaling sabayan at maintindihan. Ngunit, hindi rin ito kagaya ng
karaniwang awit dahil ginagamit lamang ito sa panlalawigang
pagdiriwang. Mahalagang awitin ito nang may paggalang at
pagpapahalaga.

Bago mo pag-aralan ang awitin ng iba’t ibang rehiyon, halina’t


awitin mo muna ang awit ng iyong rehiyon.

AWIT NG REHIYON TATLO


Titik: A.L. Miranda / S.R. Imperio
Tugtugin: Salvador R. Imperio

Ang Gitnang Luzo’y katangi-tangi


Sa dibdib ng ating lahi
Siya’y nangunguna sa lahat
Kung kaunlaran ang siyang hangad

Itong rehiyon tatlo’y pakaibigin


Na siyang dangal ng bayan natin
Tanghalin siya’t ating awitan
Kamanyang ay ating ialay.

(Ulitin ang simula)

233
Subukin mo namang pag-aralan ang awitin ng iba pang lalawigan.
Magkapareho ba ang mensahe ng opisyal na awitin na ito sa iyong
lalawigan?

HIMNO NG LALAWIGAN NG AURORA


O AURORA
Musika at Titik ni Benjamin P. Galban
Isinaayos ni N. Arnel A. De Pano

Isigaw natin: “Mabuhay ang Aurora!”


Isigaw natin: “Mabuhay ang Aurora!”

O Aurora, inang bayan


Ika’y makasaysayan
Sagana ka sa kalikasan
Dulot ng Poong Maykapal

Pag-ibig ko’y ilalaan


Mga palayan mong luntian
Punong niyog, kabukiran
Yaman na pang-agdong buhay
Nakabibighaning kagandahan
Malago mong kagubatan
Mga ilog, karagatan
Mabiyaya at masagana
Ika’y bayang pinagpala

Kultura’t malayang isip


Likas na iwi mong bait
Sa lilim ng iyong araw
Pag-ibig ay nananahan
Bayan ka ng pananalig
Laban sa gawang lihis
Kung tayo’y magsama-sama
Buhay ay giginhawa

Isigaw natin: “Mabuhay ang Aurora!”


Isigaw natin: “Mabuhay ang Aurora!”

234
HIMNO NG BULACAN
Titik ni: Mandy Centeno
Musika ni: Jacinto Garcia

Ipagbunyi natin bayang sinilangan


Lahi ng magiting na mamamayan
Mga bayaning nagbuwis ng buhay
Hindi malilimot kailanman

Hinahangaang mutyang may kagandahan


Mayuyuming paraluman
Kabalikat ng pamahalaan
Karangalan ng Bulacan

Kalinangan natin ngayon galing Pook ay nakamtan


Magkaisa’t magmahalan, magdamayan habang buhay
Kabataa’y nakalaang maghandog ng kagitingan
At pag-asa sa kinabukasan

Ipagmalaki natin tayo’y pang Number One Sa lahat ng mabuting


larangan Kooperatiba at palakasan Kalusugan at kalinisan

Magkapit-bisig tayo ating ialay Nakamit na


tagumpay Karangalan mo’y walang kapantay
Lalawigan ng Bulacan.

Ang BULACAN!

235
HIMNO NING KAPAMPANGAN
Composer & Arranger: Monsignor Gregorio Canlass
/Lyrics: Serafin Lacson

Kapampangan misapwak King legwan na ning Alaya Gabun ding


pantas at marangal Sibul ning lugud karinan ning tepangan
Batis ning katalarwan at panamdam makabalen
Ligaya mi ing miye payapa
King malugud mung kandungan
Kapampangan, sale ning leguan
Kapampangan, sandalan ning katimawan
Kilub ding pusu mi atin kang dambana
Luid ka! Luid ka! Palsintan ming Kapampangan (2x)

Sagutin ang sumusunod:

Patungkol saan ang Himno ng Rehiyon Tatlo? Ang Himno ng


Bulacan? Ang Himno ng Aurora?
Ano ang damdamin ng mamamayan ng Rehiyon Tatlo sa kanilang
lalawigan? Ang mga taga Bulacan? Ng mga taga Aurora?
Ayon sa himno anong uri ng mamamayan ang mga taga-Rehiyon
Tatlo? Ang Bulacan? Ang Aurora?
Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa iyong
lalawigan?
Suriin ang awitin, paano inilarawan ang lalawigan ng Bulacan? ng
Aurora?

236
AWIT NG NUEVA ECIJA
Musika at Titik ni: Felipe de Leon

Sa ubod nitong Luzon


Ay may lupang hinirang
Sa likas niyang kagandahan
Ay walang kapantay
Dito ang bukirin
Na pinag-aanihan
Ng gintong butil ng buhay
Na pagkain ng tanan

Isang lalawigan ang diwa at damdamin


Pinagtali ng maalab at dakilang mithiin
Dito ang balana’y may pusong magiting
Na patnubay at sagisag ng banal na layunin

Aming Nueva Ecija ang loob mo’y tibayan


Sa landas ng pita ng pagbabagong buhay
Taglayin sa puso ang dakilang aral
Ng mga bayaning naghandog ng buhay

Aming Nueva Ecija sa iyong pagsisikap


May gantimpala ka sa pagdating ng oras
Aming Nueva Ecija hayo na’t ikalat
Ang mga silahis ng ‘yong pangarap.

AWIT NG TARLAC
Musika at Titik: Rodolfo C. de Leon
Inayos ni: Lucio San Pedro

Ibat’t ibang ugali at gawi


Sa may Gitnang Luzon umuuwi
Ang hangaring minimithi
Ay ang pagwawagi

237
Ang samyo ay tulad sa bulaklak Busilak ka mahal
naming Tarlac Bayan-bayan huwaran ang linis
Kandungan mo’y may buhay at tamis Pugad ka ng
may giting at dangal Luklukan ng mga taong banal
Sa lawak ng iyong pitak
Pag-unlad ay tiyak
Luntiang kulay ng kabukiran
Naghahari ay katahimikan
Sa landas na aming tinatahak
Buhay namin ay kalong mo.
Tarlac

MARTSA ZAMBALEÑA
Composer: Prof. Mateo Fredeluces

Pakinggan natin ang Martsa


Ating Martsa Zambaleña
Lalawigan kong mahal biyaya ng Maykapal
Halina ating awitin
Himig niya ating ibigin
Awitin ang Martsa
Martsa Zambaleña

Dito sa Zambales ay masaya


Walang lungkot at mapayapa
Mga bukid at parang kay ganda
Kung tingnan mo’y maaaliw ka na
Mga bundok at dagat ay sadyang
Nagbibigay sa ating kasiyahan
Nagdudulot ng ‘yong kapurihan
Kapurihang walang hanggan
Kay sarap mabuhay
Sa piling ng sariling atin

238
Sapagkat naroon ang magulang nating mahalin
Lagi sa isipan ang ating pinanggalingan.
Sinisinta kong Zambales
Awit nitong aking boses
Sa iyo’y umaawit
Ikaw ang aking mithi
Halina o kababayan
Himig niya’y ating awitan
Awitin ang Martsa
Martsa Zambaleña

Sagutin ang sumusunod:

Ano-ano ang katangian ng lalawigan na binabanggit sa mga awit?


Bakit dapat na mahalin at ikarangal ang iyong lalawigan?
Bakit sinasabing pinagpala ang iyong lalawigan? Naniniwala
ka ba rito? Bakit?
Anong pagpapahalaga sa lalawigan ang nais ipahatid ng
himno?

Gawin Mo

Gawain A

Iguhit sa papel ang larawan ng iyong lalawigan ayon sa


binabanggit ng awit. Kulayan ito.

239
Gawain B

Punan ang mga patlang ng nawawalang salita upang mabuo ang


awit ng iyong lalawigan. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Himno ng Bulacan

Ipagbunyi natin bayang sinilangan


Lahi ng ____________ na mamamayan
Mga bayaning nagbuwis ng buhay
Hindi malilimot kailanman
Hinahangaang mutyang may kagandahan
Mayuyuming ____________
Kabalikat ng pamahalaan
Karangalan ng Bulacan
Kalinangan natin ngayon
Galing Pook ay nakamtan
Magkaisa’t magmahalan, magdamayan habang buhay
Kabataa’y nakalaang maghandog ng kagitingan At pag-asa
sa kinabukasan
Ipagmalaki natin tayo’y pang Number One Sa lahat
ng mabuting ____________ Kooperatiba at
palakasan
Kalusugan at kalinisan
Magkapit-bisig tayo ating ialay
Nakamit na ____________
Karangalan mo’y walang kapantay
Lalawigan ng ____________. Ang
BULACAN.

240
Martsa Zambaleña

Pakinggan natin ang Martsa


Ating Martsa Zambaleña
Lalawigan kong mahal ____________ ng Maykapal
Halina ating awitin
Himig niya ating ibigin
Awitin ang Martsa
____________ Zambaleña
Dito sa Zambales ay masaya
Walang ____________ at mapayapa
May bukid at parang kay ganda
Kung tignan moy maaaliw ka na
Mga bundok at ____________ ay sadyang
Nagbibigay sa ating kasiyahan
Nagdudulot ng ‘yong kapurihan
Kapurihang walang hanggan
Kay sarap mabuhay
Sa piling ng sariling atin
Sapagkat naroon ang ____________ nating mahalin
Lagi sa isipan ang ating pinanggalingan.
Sinisinta kong Zambales
Awit nitong aking boses
Sa iyo’y umaawit
Ikaw ang aking mithi
Halina o ____________
Himig niya’y ating awitan
Awitin ang Martsa
Martsa Zambaleña.

241
Gawain C

Pangkatang Gawain

Ipakita sa pamamagitan ng interpretative dance ang opisyal na


himno ng lalawigan.

Awitin nang may damdamin at buong pagmamalaki ang opisyal na


himno ng iyong lalawigan.

Natutuhan Ko

Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng


sumusunod:

Ano ang iyong nararamdaman habang inaawit ang himno?

Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa iyong


lalawigan?

242
Aralin 27: Iba AralinpngSining27:naIbaNgpappangkilala ngSiningAtgLalawigan
na NagpapakilalatRehiyonng Ating Lalawigan
at Rehiyon

Panimula
Ano ang karaniwang naririnig mo sa radyo o kaya nakikita sa
telebisyon? Hindi nga ba’t karamihan sa mga ito ay pawang mga awit at
sayaw na banyaga? Sa kabutihang palad ay marami-rami na rin ang mga
sayaw at awit ng modernong Pilipino. Gayunpaman, madalang kang
makarinig ng mga awit at makapanood ng mga sayaw na galing mismo sa
iyong lalawigan.

Upang lubos mong makilala ang lalawigan na iyong


kinabibilangan, mahalaga na malaman mo ang iba’t ibang sining na
nagmula rito. Bilang mamamayan ng iyong lalawigan, nararapat lamang
na ang mga sining na ito ay iyong alamin at ipagmalaki.

Mainam ding alamin mo ang ilang mga sining na


nagpapakilala ng iyong lalawigan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


nakatutukoy ng iba pang mga sining na
pagkakakilanlan ng lalawigan; at

nakapagpapakita ng pagpapahalaga ng mga sining sa iyong


lalawigan.

243
Alamin Mo

Sa aling sining at pagdiriwang pa


nakikilala ang ating lalawigan at
rehiyon?

Tuklasin Mo

Alam mo ba na maliban sa opisyal na himno, may iba pang


sining na pagkakakilanlan ang iyong lalawigan?
Tingnan mo ang mga sumusunod na larawan. Ang mga ito ay
nagpapakita ng iba pang sining na nagmula sa iyong lalawigan. Basahin
mo at kilalanin ang mga ito.

AURORA

Ang Moro-Moro Zarzuela


ay ipinalalabas sa Baler, Aurora
tuwing Pebrero 19 bilang bahagi ng
pagdiriwang ng Araw ng Aurora.
Ito ay isang dulang tinatampukan ng
awit at sayaw. Binubuo ito ng ilang
tagpong nagpapakita ng tunggalian
sa pagitan ng mga Muslim at
Kristiyano. Mga tunay na kutsilyo
at itak ang ginagamit ng mga
tauhang nagtatanghal nito upang mas maging makatotohanan
ang paglalahad ng mga tagpo.

244
BATAAN

Ang arkitektura ng
Gitnang Luzon ay isa ring
patunay ng mayamang
sining ng rehiyon. Ang
Simbahan ng Abucay sa
Bataan ang isa sa mga
pinakalumang simbahan sa
Pilipinas. Ipinatayo ito sa
pangunguna ng mga paring
Dominikano noong ikalabing-
anim na siglo
gamit ang estilong arkitektural ng
Rennaisance.
Sikat din ang simbahang ito dahil sa limang antas ng belfry na
ginagamit upang paalalahanan ang mga mamamayan ng Abucay na
manalangin at magsimba.

BULACAN

Ang singkaban ay isang sining ng pagkayas at pagpapalamuti sa


kawayan upang maging isang arko na ipinahihiyas sa pintuan ng
bakuran o tahanan bilang pambati sa panauhin. May palatandaan na
isang sinaunang kaugalian ang paggawa ng singkaban kapag may
pagdiriwang. Ang kaugaliang ito ang ipinagpatuloy sa paggawa ng mga
dekorasyong arkong kawayan o pinilipit na kamuning na tinutusukan ng
mga bulaklak, at ipinupuwesto sa pintuan at altar ng bisita at simbahan
kung piyesta at Mahal na Araw.

245
Bahagi na ito noon sa
gayak ng mga piyesta, kasal, at
malaking pagtitipon sa
maraming pook sa bansa.
Nangunguna ngayon ang
Bulacan sa pag-iingat ng sining
ng singkaban.

NUEVA ECIJA Ang Singkaban sa Bulacan


Pinagkuhanan: ncca.gov.ph./
sagisag-kultura

Isa rin sa dinarayong


simbahan sa Gitnang Luzon
ang Simbahan ng Parokya
ng Tatlong Hari na
matatagpuan
sa Lungsod Gapan.
Bukod sa magandang
arkitektural na disenyo,
ito rin ang
pinakamalaki at ang
pinakamatandang
simbahan sa Nueva
Ang Simbahan ng Parokya ng Tatlong Ecija. Kilala rin ang
Hari, Lungsod Gapan simbahan bilang
tahanan ng mapaghimalang imahen ng La Virgen Divina Pastora. Ang
istruktura ng simbahan ay purong tisa.
Nananatili pa rin itong matatag sa kabila ng maraming kalamidad na
nanalasa sa buong lalawigan. Ipinatayo ito

246
noong ika-labingwalong siglo ng mga misyonerong Agustino sa tulong
ng mga mangagagawang Gapanense.

NUEVA ECIJA

Kulang ang pagdiriwang ng mga


piyestang-bayan kung walang mga
marching bands. Ito ang nagbibigay-
buhay sa mga pagdiriwang
nagbibigay-buhay sa mga
pagdiriwang ng mga
piyesta ng iba’t ibang patron. Ang
unang lokal na bandang nabuo sa bansa
ay ang Banda Zabat na
itinayo ni Padre Eliodoro Chico, isang paring
Pilipino, noong Nobyembre 22, 1820 sa
Gapan, Nueva Ecija. Mula noon, unti- unting
dumami ang mga bandang nagtatanghal sa
Banda ng Zabat iba’t ibang lugar ng bansa upang mas
Pinagkuhanan:ncca.gov. pasiglahin at bigyang buhay ang mga
ph./sagisag-kultura pagdiriwang.
Pinagkuhanan:ncca.gov.ph.sagisag-kultura

PAMPANGA

Ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa Pilipinas.


Pagsapit pa lamang ng buwan ng Setyembre ay
abalang- abala na ang maraming pamilya sa paglalagay ng mga
palamuting pamasko gaya ng parol. Isinasabit ang
parol sa mga bintana ng bahay at sa mga poste sa kalsada bilang
pagpapaalala sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko. Ang tradisyonal na
parol ay yari sa patpat ng kawayan at

247
binalutan ng makulay na papel
de hapon. Nilalagyan ito ng
ilaw sa loob at ng mga buntot
sa dulo ng mga tulis ng bituin.
Sa kasalukuyan, sikat sa
Pampanga ang mga higanteng
parol na may de-koryenteng
ilaw na animo’y nagsasayaw sa
saliw ng musika o awitin,

metal ang tadyang, at


kapis, cellophane at
makukulay na plastik ang
pambalot.

Ang Belen sa Tarlac


Pinagkuhanan:ncca.gov.ph/sag isag-
kultura
Mga Higanteng Parol sa Lungsod
San Fernando
Pinagkuhanan:ncca.gov.ph./sagi
sag-kultura

TARLAC

Bukod sa parol, ang


belen ang isa pa sa mga
pinakasikat na palamuting
pamaskong ginagamit ng mga
Pilipino. Inilalarawan nito ang tagpo
ng pagsilang kay Hesus sa sabsaban
noong unang pasko. Ang Tarlac ang
itinuturing na Kapitolyo ng
Belen sa bansa. Nagdaraos ito ng
Belenismo sa Tarlac, isang
taunang patimpalak sa paggawa ng
belen. Malalaki
at magagarbong belen na may iba’t ibang tema ang makikita sa
Tarlac sa buong panahon ng patimpalak.

248
Ang Basulto sa Tarlac
Pinagkuhanan:ncca.gov.ph.
/sagisag-kultura

Ang Habanera Botoleña


ng Zambales
Pinagkuhanan:ncca.gov
.ph./sagisag-kultura
Hindi lamang sa arkitektura,
pagtatanghal, at mga palamuti kilala
ang Rehiyon III. May mga awit na sa
Gitnang Luzon nagsimula. Isa rito ang
basulto. Ang basulto ay
isang mapang-uyam na awit ng pag-
ibig at may kalapat na sayaw.
Nagmula ito sa Victoria, Tarlac at may
impluwensiyang Kapampangan. Ang
awit at ang sayaw ay ginaganap nang
salitan- isang bahagi ng awit ang
kinakanta at saka
isinasayaw ang ibig sabihin. Muling kakantahin ang kasunod na bahagi
at isasayaw muli ito. Gayon ang salitan hanggang matapos ang
pagtatanghal.

ZAMBALES
Isa rin sa mga kilalang sining sa
rehiyon ang pagsasayaw. Sa lalawigan ng
Zambales ay naging bahagi na ng kanilang
kultura ang pagsasayaw ng habanera. Ito
ay isang mabagal na sayaw at tumutukoy
rin sa musika ng sayaw na ito.
Pinaniniwalaang naging popular ito sa
bansa noong pagtatapos ng ika- labing
siyam na siglo.
Tradisyonal na isinasayaw ang
Habanera Botoleña para sa
papaalis na pari sa Botolan,
Zambales. Kalaunan ay naging sayaw ito sa kasal, binyag, o
piyesta.

249
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Paano inilalarawan ang mga sayaw at sining ng sariling lalawigan?


Ano ang pagkakaiba o pagkakapareho ng sayaw at
sining ng iyong lalawigan at nang natalakay na mga sining?
Paano inilalarawan ang pananampalataya ng mga mamamayan ng
Gitnang Luzon?
Paano ito naiiba o nakakapareho sa ibang lalawigan?
Paano mo naipapakita ang pagpapahalaga sa sining ng iyong
lalawigan?

Gawin Mo

Gawain A

Panoorin ang isang video na nagpapakita ng sayaw at iba pang


awit o pagdiriwang na kilala ng sariling lalawigan. Sagutin ang
sumusunod batay sa sining, awit, o pagdiriwang na iyong nakita. Iulat sa
klase ang iyong mga sagot.

Ano ang sining na nagpapatanyag sa iyong lalawigan?


Ilarawan ang sining. Paano ipinakikita ng sining na ito ang
katangian ng mga tao sa lalawigan?
Paano mo mahihikayat ang mga tao na pahalagahan ang sining na
ito?

250
Gawain B

Batay sa napag-aralang mga sining, paano mo


maihahambing ang sariling sining at ang sining ng karatig na lalawigan?
Punan ang Venn diagram.

Sining ng aming Sining ng


lalawigan Sining sa ibang
dalawang lalawigan
lalawigan

Gawain C

Pangkatang Gawain

Sa inyong pangkat, pumili ng sining na pinakagusto ninyong


gampanan. Isipin ang pinakatanyag na sining ng lalawigan at ipakita ito
sa buong klase. Maaaring isadula ang mga pagdiriwang ng lalawigan o
awitin ang mga awit na nagpapatanyag sa sariling lalawigan.

Natutuhan Ko

Mag-isip ng tatlo pang sining na kilala sa iyong


lalawigan. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap
na naglalarawan sa bawat sining na binanggit.

251
Aralin Aralin28:Angmga28:BayaniAngAtingmgaLalwigBayaninatRehiyon
ng Ating Lalawigan at Rehiyon

Panimula
Ang bawat lalawigan ay may mga natatanging kasapi na sadyang
maipagmamalaki ng lalawigan. Kung minsan ay nakikilala ang lalawigan
dahil sa mga kahanga-hangang kasapi na ito. Sila ay ang mga bayani ng
lalawigan. Paano ba nagiging bayani?

Maraming uri ng bayani ang nakikita sa lalawigan. Ang karaniwan


ay ang nag-alay ng kanilang buhay upang maging malaya ito. Ang ibang
bayani ay sumapi naman sa mga samahan na may layuning isulong ang
kalayaan ng bansa. Ngunit, alam mo ba na mayroon ding bayani na hindi
man nag-alay ng buhay sa digmaan, inalay naman ang sarili para
mapaunlad ang lalawigan? Pag-aaralan mo sa araling ito ang mga bayani
ng iyong lalawigan.

Mahalagang makilala sila upang mapahalagahan ang kanilang


natatanging ambag. Ngunit bukod pa rito, kailangan din na maunawaan
kung paano natutukoy ang bayani. Sa pamamagitan nito, higit mo pang
makikilala ang iyong lalawigan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapaghihinuha ng mga katangian ng isang bayani batay sa


kanilang mga nagawa at kontribusyon sa bayan;

252
nakikilala ang mga bayani ng sariling lalawigan at rehiyon; at

nakagagawa ng simpleng pananaliksik tungkol sa isang bayani


ng lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

Sino-sino kaya ang kinikilalang


bayani ng ating lugar?

Bakit sila itinanghal na


bayani?

Tuklasin Mo

Sino-sino ang itinuturing na mga bayani? Sila ba’y mga namatay


sa digmaan? May nakikita ka rin bang tao na nagmamalasakit sa kapwa
sa pamamagitan ng pagbibigay-serbisyo sa mga mahihirap? Ano naman
ang turing mo sa mga taong nagpasikat sa lalawigan sa larangan ng
edukasyon, palakasan, at iba pang sining? Sila ang mga ordinaryong
mamamayan na nakapag-ambag sa ikauunlad ng sariling bayan- sa
digmaan man o sa kapayapaan.

Sa iyong lalawigan, sino-sino kaya ang mga taong ito? Basahin


muna ang sipi ng talambuhay ng ilang mga mamamayang nag-alay ng
kanilang buhay at talento para sa kanilang lalawigan. Paano mo
maihahambing ang nagawa nila sa iba pang mga bayani?

253
AURORA

Si Manuel Luis Quezon ay


ipinanganak sa Baler, Aurora.
Siya ang kauna-unahang
Pangulo ng Komonwelt sa
ilalim ng pamamahala ng mga
Amerikano. Siya rin ang unang
pangulo ng pamahalaang Komonwelt
at itinuturing na
Ama ng Wikang Pambansa
dahil sa pagpapahayag niya sa
Tagalog bílang batayan ng Wikang
Pambansa. Siya ang unang pangulong
Pilipino na nanirahan sa Malacañang
at nanungkulan habang nasa Manuel L. Quezon
Pinagkuhanan: nhcp.gov.ph
Estados Unidos dahil sa pananakop ng mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

BATAAN

Isinilang naman sa Bataan ang isa sa


mga itinuturing na pinakamagaling na hukom sa
buong bansa. Siya si Cayetano Arellano.
Ipinanganak siya sa Orion,
Bataan at kinikilala bilang kauna-unahang punong
mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng
Pilipinas. Siya rin
ang pinakamatagal na nanungkulang bilang
punong mahistrado ng bansa mula 1901
hanggang 1920. Isang bantayog ang ipinatayo
sa Orion, Bataan dahil sa kanyang mga
kontribusyon para sa bansa
Cayetano Arellano
Pinagkuhanan: Official
gazettePH@gov.ph

254
mula 1901 hanggang 1920. Isang bantayog ang ipinatayo sa Orion,
Bataan dahil sa kanyang mga kontribusyon para sa bansa.
Pinagkuhanan:
sites.google.com/a/bataan.gov.ph/tourism/historical-landmarks/cayetano-arellano-
marker
.

BULACAN

Kilala mo ba si Gregorio H. del Pilar? Siya ang Bayani ng


Pasong Tirad na ipinanganak sa Bulakan, Bulacan. Siya ang isa sa mga
pinakabatang heneral na lumaban sa mga Amerikano noong panahon ng
panunungkulan ni Emilio Aguinaldo, ang pangulo ng Unang Republika
ng Pilipinas na naitatag sa Malolos. Bilang isang heneral, namatay
siyang nakikipaglaban para sa kasarinlan ng bansa.

Gregorio H. del Pilar


Pinagkuhanan: https://www.bulacan.
gov.ph /generalinfo/hero.php?id=17

255
sa Bulakan, Bulacan. Siya ay
kinilala bilang Dakilang
Propagandista at naging
patnugot ng La Solidaridad.
Ang La Solidaridad ay isang
pahayagang pampolitika na
nagsilbing tinig ng Kilusang
Propaganda na nanawagan ng
pagbabago sa pamamahala at
pagkakaroon ng kalayaan ng
Pilipinas.

Hen. Mariano Llanera


Pinagkuhanan:ncca.gov.ph.
/sagisag-kultura
Siya naman si Marcelo
H. del Pilar na ipinanganak
Marcelo H. del Pilar
Pinagkuhanan:https://ncca.go
v.ph./sagisag-kultura

NUEVA ECIJA

Noong Setyembre 2,
1896 ay pinangunahan nina
Heneral Mariano Llanera at
Pantaleon Valmonte ang kauna-
unahang pagsiklab ng rebolusyong
Pilipino sa
Gitnang Luzon na kilala sa
tawag na Unang Sigaw ng
Nueva Ecija. Si Heneral
Mariano Llanera ay isang
matapang na lider ng
Himagsikang Pilipino at
naging pinuno ng mga
Katipunero sa Cabiao, Nueva Ecija. Naglingkod din siya bilang
heneral sa ilalim ni Aguinaldo mula Biyak na-Bato hanggang
Digmaang Pilipino-Amerikano. Naiiba ang kaniyang bandilang itim
ang kulay at may nakahiyas na puting bungo, magkakrus na buto, at
titik na K.

256
Si Pantaleon Valmonte, kaibigan
at kamag- aral ni Dr. Jose Rizal sa
Ateneo de Manila, ang nanguna sa
pangangalap ng mga bagong kasapi ng
Katipunan sa Gapan. Nang malaman ng
mga Espanyol ang tala ng miyembro ng
lihim na kilusan, lihim siyang nakipag-
usap kay Heneral Llanera upang
planuhin ang pag- atake sa San Isidro-
ang kabisera ng pamahalaang Kastila sa
Nueva Ecija.
Pantaleon Valmonte
Pinagkuhanan:nhcp.gov.ph

PAMPANGA

Magiting ding
nakipaglaban sa mga Hapones ang
ating mga bayani. Si Jose Abad Santos
ay ipinanganak sa
San Fernando, Pampanga. Dahil sa
kanyang angking talino bilang abogado
at sistematikong pamamaraan sa
paghawak ng hustisya, tatlong beses
siyang nahirang bilang Kalihim ng
Kagawaran ng Katarungan at naging
Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Jose Abad Santos
Pinagkuhanan:ncca.gov.ph
./sagisag-kultura
Hukuman ng Pilipinas noong 1941. Pinili niyang ialay ang kanyang
sariling buhay para sa bansang Pilipinas kaysa sa makipagkaisa sa
mga Hapones.

257
TARLAC
Si Francisco S. Makabulos ay
isang heneral ng rebolusyonaryong
hukbo sa Tarlac noong Himagsikan ng
1896, at tagapagtatag ng isang
pansamantalang pamahalaan sa Gitnang
Luzon sa panahong ito. Naging
inspirasyon siya ng mga taga-Tarlac sa
taglay niyang katapangan para sa
pakikipaglaban sa kalayaan. Dahil dito
unti-unti rin niyang nagising ang
damdaming makabansa ng mga tao.
Francisco S. Makabulos
Pinagkuhanan:ncca.gov.p
h./sagisag-kultura

Si Benigno S. Aquino, Jr. o mas


kilala sa tawag na Ninoy ay
ipinanganak sa Concepcion, Tarlac
noong Nobyembre 27,
1932. Iminulat niya ang kaisipan ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng
kanyang mga sakripisyo, mapayapa, at
tahimik na pakikipaglaban upang
labanan ang diktatorya. Siya ay naging
pangunahing kritiko ni Pangulong
Marcos. Pinatay siya sa Paliparang
Pandaigdig sa Maynila noong Agosto
21, 1983. Bilang Benigno S. Aquino, Jr.
Pinagkuhanan:ncca.gov.ph
./sagisag-kultura
parangal ipinangalan sa kanya ang Ninoy Aquino International
Airport. Ibinuwis ni Ninoy ang kanyang buhay
alang-alang sa demokrasya ng bansa.

258
Ramon F. Magsaysay
Pinagkuhanan:ncca.gov.
ph./sagisag-kultura
ZAMBALES

Kilala mo ba si Ramon F.
Magsaysay? Dahil anak-mahirap
at may imaheng makamahirap, si
Ramon F. Magsaysay ay tinaguriang
Idolo ng Masa. Sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya
ay sumikat bilang lider ng kilusang
gerilya. Nahirang siyang gobernador
militar ng Zambales. Naging landas ito
sa politika hanggang sa magwagi siyang
pangulo ng Republika ng Pilipinas
noong 1953. Ipinagpatuloy niya
ang simpleng buhay at katapatan sa bayan. Sa kaniyang pagpanaw nang
bumagsak ang eroplanong sinasakyan sa Bundok Manunggal, Cebu
noong Marso 17, 1957, nagluksa ang buong bansa.

Sagutin ang sumusunod:

Sino-sino ang bayaning nabanggit? Ano-ano ang naging


kontribusyon nila sa bayan?
Ano-ano ang katangian ng mga bayaning binanggit sa talata? Ano
sa palagay mo ang iba pang katangian na dapat taglayin ng
isang bayani?
Sino-sino pa ang kinikilalang bayani sa iyong lugar?
Ano ang mga naging kontribusyon nila sa iyong lalawigan o
rehiyon upang ituring silang bayani?
Ang simpleng pagtulong sa kapwa at bayan ay maituturing na
kabayanihan. Ipaliwanag.

259
Gawin Mo

Gawain A

Punan ang graphic organizer. Isulat ang hinihinging


impormasyon sa bawat kolum. Sundan ang ibinigay na halimbawa.

Bayani Katangian Mga Iginawad na


Nagawa Parangal
Sumulat ng Ipinangalan sa
kanya ang
Mahusay mga tula
bayan ng
Francisco na tulad ng
Balagtas at
Balagtas manunu- tanyag na
pinatayuan din
lat Florante at
siya ng
Laura
monumento.

260
Gawain B

Magsagawa ng isang palaro na tulad ng Pinoy Henyo. Sa kahon,


bubunot ang isang mag-aaral ng pangalan ng isang bayani. Pahuhulaan
ang pangalan ng bayani sa iba pang kasamahan sa pangkat. Ang mga
kasamahan ay magtatanong ng mga bagay na may kaugnayan sa
hinuhulaang bayani at sasagutin lamang ito ng OO, HINDI, o PUWEDE.
Bibigyan lamang ang bawat grupo ng takdang oras upang mahulaan ito.

Gawain C

Mag-isip ng isang tao na maituturing mong bayani ng iyong


lugar. Magsagawa ng simpleng pananaliksik tungkol sa kaniya at
kaniyang mga nagawa para sa lalawigan. Isulat ang mga ito sa notbuk.

Natutuhan Ko

Punan ang mga patlang ng hinihinging impormasyon upang


mabuo ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Kinikilala nating bayani ang isang tao dahil


sa ____________________. Hindi lamang ang mga taong
nagbuwis ng buhay ang maituturing na bayani kundi maging
ang ____________________.

261
Aralin 29: Pagpapahalaga sa mga Bayani
Aralin 29: Pagpapahalaga sa mga Bayani ng Lalawigan at Rehiyon

ng Lalawigan at Rehiyon

Panimula
Sa nakalipas na aralin, nakilala mo ang mga bayani sa sariling
lalawigan at rehiyon. Nabigyan mo ng pagpapakahulugan ang konsepto
ng isang pagiging bayani.

Marami ka na bang nakilalang mga bayani ng iyong lalawigan o


rehiyon? Paano nila ipinakita ang kanilang kabayanihan? Paano mo
naman ipakikita ang pagpapahalaga mo sa kanila? Iba-iba ang maaaring
gawin upang maipakita ang pagmamalaki mo sa mga kabayanihang
nagawa nila. Isang gawaing pagpapahalaga ay ang paggunita sa kanilang
alaala kung sila ay namatay na. May mga buhay na bayani kung ituring
ng lalawigan, kung kaya’t bilang pagpupugay, sila ay
pinararangalan sa mga pansibikong gawain. Sila itong nakikita mong
tumanggap ng outstanding award, hindi ba?

Sa araling ito, bibigyang pansin ang pagpapahalaga sa


pagpupunyagi ng mga bayani at ipagdiwang ang mga kapuri-puri
nilang nagawa para sa lalawigan at rehiyon.

262
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
nakapagbibigay ng pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga bayani
ng lalawigan at rehiyon sa isang malikhaing pagpapahayag; at
nakapagmamalaki ng kinikilalang bayani ng lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

Paano mo maipakikita ang


pagpapahalaga at
pagmamalaki sa mga
bayani ng sariling
lalawigan at rehiyon?

Tuklasin Mo

Benigno ‘NInoy’ Aquino

Pinagkunan:nhcp.gov.ph

263
Marcelo H. Del Pilar Ramon Magsaysay

Manuel Luis M. Quezon Jose Abad Santos

Ang mga bayani ng ating bansa ay nagmula sa iba't ibang lugar.


Ang ilan sa kanila ay maaaring nagmula sa ating lalawigan o rehiyon.
Iba-iba ang dahilan kung bakit sila itinanghal na bayani, ngunit iisa ang
kanilang naging adhikain. Ito ay dahil sa pagtatanggol sa ating bansa
mula sa mga dayuhan.

264
Sa ating lalawigan o rehiyon ay mayroon ding mga tao na
kinikilala kahit sa simpleng kabayanihan. Ginugugol nila ang kanilang
panahon sa paglilingkod sa mga kababayan at paglilingkod sa Diyos.
Ang kanilang prinsipyo at layunin ang nagiging sandigan nila upang
makapagsilbi sa bayan.

Kadalasan ay ginugunita ang kanilang mahalagang araw upang


ang kanilang alaala ay magpatuloy sa mga susunod pang henerasyon.
Minsan naman ay inaalala ang araw ng kanilang kamatayan upang
sariwain at muling balikan ang kabayanihang kanilang nagawa. Sa mga
simpleng programa ay naipagmamalaki ang kanilang kontribusyon sa
bayan. Kabilang dito ang pag-aalay ng mga bulaklak sa kanilang
bantayog bilang pagpapasalamat sa kanilang kadakilaan at
pagpupunyagi.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papel.

Sino ang tanyag at kinikilalang tao sa iyong lugar?

Bakit siya naging tanyag? Ano ang kanyang nagawa para sa iyong
bayan?

Maituturing ba itong kabayanihan? Bakit?

Paano pinapahalagahan ng iyong lalawigan o rehiyon ang kanilang


mga nagawa sa bayan?

Sa iyong simpleng paraan, paano mo maipakikita ang


iyong pagpapahalaga sa mga bayani ng iyong lalawigan o
rehiyon?

265
Gawin Mo

Gawain A

Punan ang hinihinging detalye sa fishbone map. Gawing


batayan ang sumusunod sa pagsagot ng hinihinging
impormasyon:

Ulo ng isda - tumutukoy sa pangalan ng bayani


Tinik sa itaas na bahagi - nagawa o accomplishments ng itinuturing
na bayani
Tinik sa ibabang bahagi - paano pinapahalagahan ang mga
bayani
Buntot - katangian o pagkakakilanlan sa bayani

Mga Nagawa sa Lalawigan o Rehiyon

Katangian

1.

Bayani
2.

3.

Pagpapahalaga sa Bayani

266
Gawain B

Gumawa ng poster na naglalarawan ng


pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng isang bayani ng lalawigan at
rehiyon. Gawin ito sa isang bond paper.

Panuto:
Ihanda ang mga kagamitan para sa paggawa ng poster.
Basahing mabuti ang mga pamantayan sa pagtatasa ng poster.
Ipakita ang sumusunod na aspekto sa paggawa ng poster:

kabuoang larawan - kalinisan, kulay,


pagkamalikhain
kabuoang ideya - pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng
bayani
kaugnayan - pagkakaugnay-ugnay ng mga larawan o disenyo
sa poster

Gawain C

Indibiduwal na Gawain
Gumawa ng scrapbook.
Ihanda ang mga kinakailangang kagamitan at mga bagay na
ilalagay sa gagawing scrapbook.
Gumamit ng mga pahayagan, magasin, aklat, larawan ng mga
istrakturang may kaugnayan sa bayani o kinikilalang tao, mga
disenyo sa mga maliliit na bagay, at iba pa.
Idikit ang mga nakalap na bagay sa scrapbook.
Itanghal ang ginawa sa klase.

267
Natutuhan Ko

Iguhit sa patlang ang kung ang pahayag ay nagpapakita


ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa
pagpupunyagi at kabayanihan ng mga kilalang tao sa lalawigan at
rehiyon. Iguhit naman ang kung hindi ito nagpapakita ng
pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Nagdaraos ng isang maikling programa tuwing araw


ng kamatayan o pagsilang ng isang bayani sa lalawigan
at rehiyon.

_____2. Isinusunod sa pangalan ng bayani ng lalawigan at


rehiyon ang mga gusaling pampubliko at daan na may
malaking kaugnayan sa kaniya.

_____3. Binibigyang pansin ang mga espesyal na balita sa


radyo at telebisyon tungkol sa bayani ng lalawigan at rehiyon.

_____4. Nakikiisa sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng


bayani.

_____5. Ninanais na gawing bayani ang mga iniidolong mga


artista ng lalawigan at rehiyon.

268
Aralin 30: Paglikha ng Iba’t Ibang Anyo
Aralin 30: PaglikhangSiningngIba’tIbangTungkolAnyong SiningsaBayaniTungkolsaBayani ng

ng LalawiganLalawiganat RehiyongRehiyongNaisTularanNais Tularan

Panimula

Sa nakaraang aralin, natalakay ang mga paraan ng pagbibigay-


halaga sa mga ambag ng mga bayani ng lalawigan. Layon ng
pagpapahalagang ito ang paggunita sa kanilang kabayanihan.
Malilinang ang iyong pagkamalikhain sa araling ito sa pamamagitan ng
paggawa ng iba’t ibang likhang-sining na sumasalamin sa bayani ng
iyong lalawigan o rehiyon na nais mong tularan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakalilikha ng anumang likhang-sining tungkol sa bayani ng


lalawigan o rehiyon na nais tularan; at

nakapagpapaliwanag at nakapagmamalaki ng ginawang likhang-


sining tungkol sa mga bayani ng lalawigan o rehiyon na nais
tularan.

269
Alamin Mo

Anong likhang-sining ang


kaya mong gawin tungkol sa
bayani ng lalawigan o
rehiyon na nais mong
tularan?

Sinong bayani ng lalawigan o


rehiyon ang nais mong
tularan? Bakit?

Tuklasin Mo

Nakilala mo sa unang aralin ang mga bayani sa iyong rehiyon. Ilan


sa kanila ay sina Manuel Luis Quezon ng Aurora, Cayetano Arellano na
mula sa Bataan, Gregorio del Pilar at Marcelo del Pilar na ipinanganak sa
Bulacan, Mariano Llanera at Pantaleon Valmonte na tubong Nueva
Ecija, Jose Abad Santos ng Pampanga, Francisco Makabulos at Benigno
Ninoy Aquino, Jr. na mula sa Tarlac, at Ramon Magsaysay ng Zambales.

Sa lalawigan ng Aurora nagmula ang Ama ng Wikang Pambansa


at Unang Pangulo ng Komonwelt. Napakalaki ng

270
papel na ginampanan ni Pangulong Manuel L. Quezon upang ganap na
matamo ng bansa ang kalayaan. Si Cayetano Arellano naman ang
kauna- unahang punong mahistrado ng Kataas- taasang Hukuman ng
Pilipinas. Hindi matatawaran ang dedikasyong inilaan niya sa bansa sa
loob ng halos labing siyam na taon niyang pamumuno sa Korte
Suprema.

Sa lalawigan ng Bulacan, dalawa sa mga kinilalang bayani ay


ang magtiyuhing sina Gregorio H. del Pilar at Marcelo H. del Pilar.
Si Gregorio H. del Pilar ang Bayani ng Pasong Tirad at isa sa mga
pinakabatang heneral ay nakipaglaban sa mga mananakop at
naglingkod sa pamahalaan ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Si Marcelo H. del Pilar naman ay isang manunulat at patnugot ng


La Solidaridad na nagsulong ng pagbabago sa pamamahala sa ating
bansa. Mula sa taguri sa kanya, ipinangalan para sa kanyang karangalan
ang bayan ng Plaridel.

Sa Nueva Ecija naman, pinangunahan nina Heneral Pantaleon


Valmonte at Mariano Llanera ang pag- aalsa ng mga Novo Ecijano
laban sa mga Kastila. Kilala ito bilang Unang Sigaw ng Nueva Ecija.

Si Jose Abad Santos ng Pampanga ay naging Kataas-taasang


Hukom sa Korte Suprema. Mas mahalaga para sa kanya na manatiling
tapat sa Pilipinas kaysa makipagkaisa sa mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

271
Si Heneral Francisco S. Makabulos naman ang heneral ng
rebolusyonaryong hukbo sa Tarlac noong 1896 at tagapagtatag ng isang
pansamantalang pamahalaan sa Gitnang Luzon sa panahong ito. Naging
inspirasyon siya ng mga taga-Tarlac na ipaglaban ang kalayaan ng
bansa.

Si Benigno S. Aquino, Jr. naman na ipinanganak sa Tarlac ay


isang senador na naging pangunahing kritiko ni Presidente Marcos.
Anak niya ang naging ika-labing limang pangulo na si Benigno Simeon
Aquino III na kilala bilang Noynoy Aquino.

Sa lalawigan ng Zambales, kilala ang bayaning si Ramon F.


Magsaysay dahil sa katapangang kaniyang ipinamalas bilang lider ng
kilusang gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya rin ay
naging Pangulo ng Pilipinas mula 1953 hanggang 1957.

Maaari din nating tawagin na isang bayani ang mga taong naglaan
ng kanilang panahon, sarili, talino, o talento, at mga pagpupunyagi
upang makapag-ambag ng malaki sa kaunlaran ng isang lugar. Kahit
hindi sila nagbuwis ng buhay, ang kanilang mga nagawa para sa bayan
ay maituturing na kabayanihan. Sa simpleng paraan ay maaari mo silang
bigyang-parangal.

Hindi man kayo makagawa ng rebulto o makapagsadula ng buhay


nila sa teatro, maaari mo silang parangalan sa pamamagitan ng mga iba’t
ibang likhang-sining tulad na tula, awit, poster, at simpleng dula-dulaan.
Sa iyong mga simpleng paraan, maaari mo rin silang bigyang-parangal.

272
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Sino-sino ang mga bayani sa iyong lalawigan o rehiyon?


Sinong bayani ng lalawigan o rehiyon ang nais mong tularan?
Anong katangian ng bayani ng lalawigan o rehiyon ang nais mong
tularan?
Paano pinararangalan ng mga mamamayan ang mga bayani sa kanilang
lalawigan o rehiyon?
Bilang mag-aaral, paano mo mapararangalan ang bayaning nais
mong tularan?
Anong likhang-sining ang kaya mong gawin tungkol sa bayaning nais
mong tularan?

Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain
Gumawa ng isang simpleng tula o awit tungkol sa mga bayani ng
lalawigan o rehiyon na natalakay sa unang aralin at bigkasin o awitin ito
sa harap ng klase.

Pangkat 1- Manuel L. Quezon


Pangkat 2- Cayetano Arellano
Pangkat 3- Gregorio del Pilar at Marcelo H. del Pilar Pangkat
4- Mariano Llanera at Pantaleon Valmonte Pangkat 5- Jose
Abad Santos
Pangkat 6- Francisco Makabulos at Ninoy Aquino Pangkat
7- Ramon Magsaysay

273
Mga Panutong Dapat Tandaan sa
Pangkatang Gawain:

1. Pumili ng lider sa bawat


pangkat.
Magsagawa ng brainstorming ukol sa
paksa.
Pagtulungan ang gawaing itinakda
sa pangkat.
Siguraduhing maayos ang inyong
nagawa.

Gawain B

Indibiduwal na Gawain

Pumili ng isang bayani ng lalawigan o rehiyon. Punan ang


talahanayan ng hinihinging impormasyon:

Bayani ng Kahanga-
lalawigan o Katangiang
hangang
rehiyong nais nais tularan
nagawa
tularan

274
Gawain C

Indibiduwal na Gawain

Gumawa ng isang likhang-sining na naglalarawan sa bayani ng


lalawigan o rehiyon na nais mong tularan. Maaari kang pumili at
gumawa ng isa sa mga sumusunod o kaya naman ay lumikha ka ng
sarili mong sining.

poster collage
mosaic paper folding card

Ipaliwanag ang mensaheng ipinaaabot ng ginawa mong likhang-


sining.

Gamitin ang rubric sa paggawa ng likhang-sining para sa pagtatasa


nito.

Rubric para sa Paggawa ng Likhang- Sining

Mahusay na Mahusay Hindi


Batayan Mahusay Mahusay
(4-3 puntos)
(5 puntos) (2-1 puntos)
Nakagawa Nakagawa Hindi
ng isang
ng isang naipakita
likhang-
Pagka- likhang- ang pagka-
sining sa
malikhain sining sa malikhain sa
pinaka
malikhaing paggawa ng
malikhaing
paraan likhang-sining
paraan

275
Malinis Hindi
malinis at
ngunit hindi
Malinis at walang
Kalinisan gaanong
maayos ang kaayusan
at maayos ang
ginawang ang
kaayusan pagkagawa
likhang-sining ginawang
ng likhang-
likhang-
sining
sining
Naipaliwanag Hindi

naipaliwa-
sa
Naipaliwanag nag nang
pinakamalinaw
Interpre- sa maayos na malinaw at
at paraan ang maayos
tasyon pinakamaayos
ginawang ang
na paraan ang
likhang- sining ginawang
ginawang
likhang-
likhang- sining
sining

Natutuhan Ko

Gumawa ng isang logo o sagisag na sumisimbolo sa bayani ng


lalawigan o rehiyon. Lagyan ito ng paliwanag.

276
Aralin Aralin31:Ako at31:angAkoKuwentoatng angmgaLalawiganKuwentosaAting
ng mga LalawiganRehiyonsa Ating Rehiyon

Panimula
Batay sa mga nakaraang aralin, napag-alaman mo na ang iyong
lalawigan tulad ng ibang mga lalawigan sa iyong rehiyon ay may kani-
kaniyang kasaysayan at katangiang dapat ipagmalaki. Sa pamamagitan
ng pagsulat ng mga kuwento o mga talata, lubos mong mailalarawan at
maipakikilala ang iyong kinabibilangang lalawigan o rehiyon. Sa
ganitong paraan, maaari mong iparating sa iyong kapuwa ang
magaganda at katangi-tanging bagay tungkol sa lalawigan at maging sa
iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapaglalarawan ng lalawigan o mga lalawigan sa rehiyon na


naging katangi-tangi sa sarili;

nakapagbibigay ng pagpapahalaga sa natatanging katangiang ito; at

nakasusulat ng payak na kuwento na may isa hanggang dalawang


talata tungkol sa lalawigan ng kinabibilangang rehiyon na naging
katangi-tangi para sa sarili.

277
Alamin Mo

Sa mga nabasa mong


kasaysayan ng mga
lalawigan, alin ang naging
katangi- tangi sa iyo? Bakit
mo ito nasabi?

Ano-ano kaya ang maaari mong ipagmalaki tungkol sa


mga lalawigan ng iyong rehiyon? Paano mo
maipararating ang magagandang katangian ng mga
lalawigan ito sa ibang tao?

Tuklasin Mo

Sa lahat ng kuwento tungkol sa mga lalawigan na napag-aralan


na, mayroon ka bang napili na naging katangi-tangi para sa iyo?
Anong katangian ng lalawigan na ito ang iyong nagustuhan? Mainam
na maikuwento mo rin sa iyong mga kaklase ang natatanging katangian
ng lalawigang iyong nagustuhan.

278
Maraming paraan upang ikuwento ang tungkol sa natatanging
lalawigan. Karaniwan, ito ay inuumpisahan sa pinagmulan ng
lalawigan. Naalala mo pa ba ang pinagmulan ng napiling lalawigan?

Maaring isunod dito ang maikling pagpapaliwanag sa mga naging


katangi-tanging tao, ang ambag ng mga ito, at iba pang paraan upang
mailarawan mo ng mahusay ang napiling lalawigan. Naalala mo pa ba
ang mga katangiang taglay ng lalawigan ito?

Sa huli, maari mong ibigay ang iyong sariling dahilan o saloobin


kung bakit ang lalawigan ito ang iyong napili.

Narito ang ilang gabay o paraan kung paano mo mabubuo ang


kuwento ng natatanging lalawigang napili mo.

Upang madali mong maumpisahan ang iyong kuwento, maaari


mong isulat muna ang dalawang mahalagang pangyayari
tungkol sa pinagmulan nito.

May panimula ka na ba sa iyong kuwento? Kasama


na ba sa umpisa ng kuwento mo kung paano nabuo batay sa
batas ang iyong napiling lalawigan? Ano naman kaya ang
napapansin mong pagbabago sa lalawigan? Maganda rin
kung maisulat mo muna ang mga ito. Maaring sundin ang
halimbawa sa ibaba upang maitala ang mga ito.

279
Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga bagay na nagbago sa
lalawigan.

Mga Nagbago sa Lalawigan

Noon Kasalukuyang
Ginagawang Pagbabago

Mga
Gusali

Lansangan

Sa pagpapakilala ng bawat lalawigan, kailangang mabanggit


mo rin ang mga katangiang pisikal na nagpapakilala
rito.
Mayroon ba itong mga natatanging anyong tubig o anyong
lupa? Ano- ano ang tanyag na lugar dito? Maaring itala
ang mga ito sa pahina 282.

Mabanggit mo din kung sino-sino ang mga taong


nag-ambag upang maging maunlad ang lalawigan.
Maaaring sa kasaysayan, nabanggit na rin ang mga nagawa
ng mga natatanging anak ng iyong lalawigan na
nakapagbigay inspirasyon sa mga nakararami.

Halimbawa, sa lalawigan ng Bulacan, marahil


alam mo na sa lalawigang ito ipinanganak si Marcelo
H. del Pilar. Siya ang

280
nagpatnugot ng La Solidaridad, na naging inspirasyon ng
maraming Pilipino na makipaglaban upang makamtan ang
kalayaan laban sa mga Espanyol.

Sa lalawigang napili mo, mayroon ka bang katangi-


tanging tao na iyong hinangaan? Ano naman kaya ang
kanyang mga katangian?

Upang mapadali ang iyong pagsusulat, maaari


mong itala muna ang mga natatanging mamamayang ito
at ang kanilang mga nagawang ambag sa lalawigan.

Maaaring sundin ang nasa ibabang


halimbawa ng pagtatala.

Natatanging anak ng lalawigan

_____________________________

Natatanging ambag sa lalawigan

__________________________________

Kung naikuwento mo ang tanyag o kilalang mamamayan sa iyong


napiling lalawigan, maaari mo na ring idagdag sa iyong
kuwento ang mga tanyag na produkto, pagdiriwang, at
kultura tulad ng sining, katutubong sayaw at awit, at iba pa
na sadyang nagpapakilala ng lalawigan na iyong napili.
Punan ang talahanayan ng mga nasabing bagay upang
lubusan mong mailarawan ang napili mong lalawigan.

281
Mga Nagpatanyag sa Lalawigan A.
Pagkain o Pagdiriwang
Produkto Sining, Sayaw,
o Awit

B.
Anyong Lupa Anyong Tubig Natatanging
Pook

Ngayon, maaari mo nang pagdugtungin ang mga naisulat mo


tungkol sa lalawigan na napili mo. Maaari mong isulat ang iyong
saloobin kung bakit mo napili ang nasabing lalawigan. Subukin mong
sagutin ang sumusunod:

Ano ang natatangi sa lalawigan na ito?

Ano ang gusto mong tularan na katangian na ipinakikita ng mga


tao sa lalawigan na ito?

Bakit gusto mong tularan ang katangian na ito?

Dapat bang ipagmalaki ang katangiang ito?

282
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Magkaroon ng show and tell festival ng iba’t ibang katangian ng


mga lalawigan sa rehiyon. Sundin ang panuto ng bawat pangkat.

Panuto:

Ang bawat pangkat ay pipili ng lalawigan na naging katangi-


tangi.

Bilang isang pangkat, isulat ang mga katangian ng lalawigan.


Maaaring ibahagi ang mga gawain sa sumusunod:

Natatanging tao sa lalawigan

Natatanging produkto, sining at pagdiriwang ng lalawigan

Maghanda ng isang pagtatanghal upang ipakilala ang napiling


lalawigan, at ipaliwanag ang mga katangian nito.

283
Gawain B

Paano naipakikita na pinapahalagahan mo ang ambag ng


lalawigan ng iyong kinabibilangang rehiyon?

Gumawa ng isang poster na nagpapakilala ng mga katangi-


tanging bagay ukol sa lalawigan. Ipakita sa poster ang inyong saloobin
tungkol sa nasabing lalawigan.

Maghanda sa isang pag-uulat sa klase ng inyong nagawa.

Natutuhan Ko

Sumulat ng payak na kuwento tungkol sa lalawigan na naging


katangi-tangi para sa iyo. Gamitin ang pamagat na Ako at Ang Aking
Lalawigan. Ipakita ang sariling saloobin at pagpapahalaga tungkol sa
kinabibilangang lalawigan.

284
YUNITYUNIT3: Ang3:
PagkakAngagkkilakakilanlangKultural
KulturalngAtingAtingRehiyonRehiyon

285
Ano
Aralin 32: Aang Kultura?

Aralin 32: ang Kultura?

Panimula
Maligayang pagdating sa Ikatlong Yunit sa Araling
Panlipunan!
Sa Ikalawang Yunit, napag-alaman mo na ang iyong lalawigan
ay katulad din ng ibang lalawigan sa kinabibilangang rehiyon na may
kaniya-kaniyang kasaysayan at katangian na dapat ipagmalaki.
Ang pag-aaralan sa yunit na ito ay ang mas malalim na
pagkilala sa kultura ng sariling lalawigan at ng mga karatig nito sa
kinabibilangang rehiyon.
Sa ano-anong bagay nakikilala ang iyong lalawigan? Ano-anong
kaugalian at tradisyon ang alam mong
ginagawa sa iyong lalawigan at maging sa iba pang lalawigan sa iyong
rehiyon? Anong mga pagkain, produkto, wika, sayaw, musika, at awit
mayroon ang iyong lalawigan at iyong rehiyon? Aling mga kaugalian
ang nakagawian pa ring gawin hanggang ngayon?

Handa ka na ba? Simulan na natin!

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga


kaugnay na konsepto nito; at

nakapaglalarawan ng ilang aspekto ng kultura sa sariling


lalawigan.

286
Alamin Mo

Paano namumuhay ang mga tao sa


iyong lugar?
Paano nagkakapareho o nagkakaiba
ang pamumuhay sa ibang lalawigan
sa rehiyon?

Tuklasin Mo

Ang mamamayan ng bawat lugar ay may mga nakagawiang mga


gawaing nagpapasalin-salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa
kasalukuyan. Ito ang pamamaraang ginagawa ng mga tao upang sagutin
ang kanilang suliranin o tugunan ang kanilang pangangailangan. Ang
kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Nakikita ito sa
araw-araw nilang pamumuhay, sa kanilang mga tradisyon at paniniwala,
sa kanilang mga panlalawigang pagdiriwang, sa mga kagamitan, sa mga
kasabihan at pananaw, at sa kanilang mga awit at iba pang sining.

Ang lahat ng ito na naging paraan o sistema ng


kanilang pamumuhay ay kasama sa kanilang kultura. Ang
kultura ay may dalawang uri: materyal at di-materyal na kultura. Ang
materyal na kultura ay ang mga bagay na nakikita at nahahawakan.
Ang di-materyal na kultura ay
tumutukoy sa mga bagay na di-nakikita at di-
nahahawakan.

Suriin ang talaan sa kabilang pahiha. Mapapansin mo kung anong


mga kultura ang nakapaloob sa bawat uri.

287
Materyal Di-Materyal
1. Kasangkapan 1. Edukasyon
2. Kasuotan 2. Kaugalian
3. Pagkain 3. Pamahalaan
4. Tahanan 4. Paniniwala
5. Relihiyon o Pananampalataya
6. Sining o Agham
7. Wika

Magbalik tanaw tayo sa nakaraan. Alamin natin ang pagkakaiba ng


materyal at di- materyal na kultura sa ating lalawigan.

Materyal na Kultura

Mga Kasangkapan

Noong bago pa dumating ang mga banyagang mananakop, may


mga kasangkapan na ang ating mga ninuno. Sa pag-usad ng panahon,
napaunlad nila ang paggawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan para sa
pang araw-araw nilang pamumuhay. Ang ilan dito ay natuklasan sa mga
yungib na ginawa nilang panirahan at sa mga nahukay na banga.
Makikita sa larawan ang mga ginawa at ginamit ng ating mga ninuno.
Naipakikita rito ang katangian ng pagiging malikhain. Inukit, hinasa,
pinakinis, at nililok nila ang mga ito ayon sa kagamitang nais nilang
mabuo.
Mga Sinaunang Gamit

banga kuwintas na yari sa kabibe


(ginagamit bilang imbakan) (ginagamit bilang palamuti)

288
itak pana at palaso
(gamit bilang pamutol) (gamit sa pangangaso at
pakikidigma)

Sa kasalukuyan, nakikita ang ating kultura sa mga disenyo


ng ating kasangkapan, iba-iba man ang uri ng materyal nito.

Mga Kagamitang Nagpapakita ng Iba’t ibang Disenyo

lagayan ng sumbrero at kasangkapang


tungkod yari sa kahoy

289
Mga Kasuotan
Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno noon.
Nagkakaiba-iba ang kanilang kasuotan ayon sa pinagmulan, kalagayan
sa buhay, at pag-aangkop sa klima ng kapaligiran ng mga tao. Tingnan
ang paglalarawan sa kanilang kasuotan.

Paglalarawan ng mga Uri ng Kasuotan


Kasuotan
Sa mga Lalaki Camisa de Chino at Salawal
– pang-itaas at pang-
ibabang damit (lalaki sa
kanan at kaliwa)
Kangan – pang-itaas na
damit na walang kuwelyo at
manggas (lalaki sa gitna)
Bahag - kapirasong tela na
ginagamit pang ibaba (lalaki
sa gitna)
Putong - kapirasong tela na
iniikot sa ulo (lalaki sa kanan)

Sa mga Babae Baro - pang-itaas na damit


na may mahabang
manggas (babae sa kaliwa)
Saya – kapirasong tela o
tapis na iniikot sa baywang,
patadyong naman ang
tawag ng mga taga-Visaya
rito (babae sa kaliwa)
Tapis – din ang tawag sa
damit ng mga babaeng
Aeta (babae sa kanan)

Sari-saring alahas din ang isinusuot ng ating mga ninuno gaya ng


singsing, kuwintas, hikaw, at pulseras. Isinusuot ang mga ito hindi lamang
sa leeg, maging sa mga

290
kamay, at tainga. Sinasabitan din nila ang kanilang mga binti, braso, at
pagitan ng mga ngipin. Karaniwang yari ang mga alahas sa ginto at
mamahaling bato na kanilang minimina.

Sa kasalukuyan naman, karaniwan na ang modernong kasuotan sa


lahat ng Pilipino anuman ang antas sa buhay. Sa mga espesyal o pormal
na okasyon mas higit na nakikita ang pagkamalikhain ng mga Pilipino sa
paggamit ng mga karaniwang materyales na nakikita sa kanilang
kapaligiran gaya ng pinya, abaka, at seda.

Mga Kasuotang Yari sa Pinya, Abaka, at Seda

Mga Pagkain

Karaniwang nanggagaling sa dagat, ilog, at mga punongkahoy sa


kagubatan ang kanilang pagkain. Dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan
nila sa ibang pangkat ng tao sa lalawigan, natuto silang magsaka kung
kaya’t naidagdag sa kanilang pagkain ang kanin at mga lamang-ugat.

Niluluto nila ang kanilang pagkain sa palayok o sa bumbong ng


kawayan. Nakakamay sila kung kumain. Sa dahon o sa bao ng niyog
nakalagay ang kanilang pagkain.

291
Umiinom sila gamit ang pinakinis na bao o biyas ng
kawayan.
Mga Sinaunang Kagamitan Gamit sa Pagkain at Pagluluto

dahon ng saging biyas ng kawayan

palayok bao ng niyog

Ang pamumuhay ng mga ninunong Pilipino ay napananatili sa


maraming kasangkapang ginagamit pa rin hanggang ngayon. Ang
pagluluto sa palayok ay ginagawa pa rin sa iba’t ibang tahanan.

May maibibigay ka pa bang mga gamit sa pagkain at pagluluto


noon na ginagamit pa rin sa ngayon?

Tahanan

Walang naging tiyak na tirahan ang ating mga ninuno. Nagpalipat-


lipat sila ng tirahan at kung saan-saan sila

292
napadpad. Batay sa mga pananaliksik ng mga mag-aaral at dalubhasa
sa pinagmulan ng tao, nanirahan din sila sa loob ng kuweba.

Sa paglipas ng panahon, natuto silang gumawa ng isang


palapag na bahay na
yari sa pawid, kahoy, kawayan,
sawali, at kugon. Ang sahig ay
yari sa kawayan at nakaangat sa
lupa. Ang silong ng bahay ay
imbakan ng mga panggatong,
kagamitan sa pagsasaka, at
kulungan ng mga alagang hayop.

Di- Materyal na Kultura

Edukasyon

Ang karanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay sa kanilang


kapaligiran ang nagsilbing pagkatuto nila. Natuto silang sumulat at
bumasa bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa kalikasan. Sa
tahanan, ang mga babae ay tinuturuan ng kanilang ina ng gawaing
pantahanan tulad ng pagluluto, paglalaba, at pag-aalaga ng bata. Ang
mga lalaki naman ay tinuturuan ng kanilang ama sa mga gawaing
kailangan sa pang araw-araw na pamumuhay tulad ng pangangaso at
pangingisda.

Ang mga kalalakihan at kababaihan ay natuto ng iba’t ibang


gawaing pangkabuhayan dahil sila ay nagtutulungan sa pagbubungkal
ng lupa, pagtatanim, at pag-aani sa mga lupang sakahan.

293
Kaugalian

Maraming kaugalian ang ating mga ninuno. Isang halimbawa,


bago mag-asawa ang lalaki siya ay naninilbihan muna sa pamilya ng
babaeng ibig niyang maging asawa. Siya ay umiigib ng tubig,
nagsisibak ng kahoy, at tumutulong sa pagbubungkal ng lupa. Isa ring
kaugalian ang pagbibigay ng dote o bigay-kaya sa magulang ng babae.
Karaniwan ay ang pagbibigay ng mahahalagang bagay tulad ng alahas,
lupa, at bahay. Ito ang gagamitin ng mag-asawa upang magsimula ng
kanilang bagong buhay.

Kapag naman may namatay, nagpapakatay sila ng hayop upang


ihain sa mga naglalamay. Habang isinasagawa ang paglalamay, may mga
taong taga-iyak na siyang nagsasalaysay ng mga kabutihang nagawa ng
namatay. Ilan lamang ito sa mga kaugaliang naiwan sa atin ng ating mga
ninuno.

Pamahalaan

Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala ang ating mga


ninuno. Barangay ang tawag sa kanilang pamayanan na nagmula sa
salitang balangay. Binubuo ito ng tatlumpo hanggang isandaang pamilya.
Ang datu ang kanilang pinuno ngunit tinutulungan sila ng pangkat o
konseho ng mga matatanda na tinatawag na maginoo. Sila ang
nagbibigay-payo sa datu. Ang datu ang nagpapatupad ng mga itinakdang
batas.

294
Paniniwala at Relihiyon

Bathala ang isa sa mga tawag sa itinuturing na Panginoon ng ating


mga ninuno. Itinuturing nila itong pinakamakapangyarihan sa lahat.
Naniniwala silang may lugar na pinupuntahan ang mga kaluluwa.
Naniniwala rin sila sa kapangyarihan ng iba’t ibang ispiritwal na
tagabantay tulad ng diyos, diwata, at anito. Ang mga ito ay kaisa ng
kalikasan kaya’t sinasamba, pinahahalagahan, at pinangangalagaan nila
ang mga ito sa pamamagitan ng pagsamba sa imahe na yari sa kahoy,
bato, o ginto. Dinadasalan at inaalayan pa nila ang mga ito ng pagkain.

Sining at Agham

Makikita ang mga nakaukit at nakalilok sa bubong at ibang


bahagi ng bahay ng ating mga ninuno. Iba-iba rin ang disenyo at hugis
ng kanilang mga kagamitan gaya ng krus, bulaklak, tatsulok, at iba pa.
Ang pagkahilig nila sa sining ay ipinakikita rin sa mga tattoo nila sa
katawan. Ito ay patunay na naka-aangat sa buhay ang ating mga ninuno.

Wika

Apat na wika ang ginagamit sa Rehiyon III. Ito ay ang Tagalog,


Kapampangan, Ilokano, at Sambal. Tagalog ang gamit na wika sa
lalawigan ng Bataan at Bulacan.
Ginagamit din ito sa ilang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Zambales,
Pampanga, at Tarlac. Ginagamit din sa ilang bahagi ng mga lalawigang
ito ang Ilokano at Kapampangan. Kapampangan ang pangunahing wika
sa Pampanga at sa ilang bahagi ng mga lalawigang malapit dito. Ang
malaking bahagi ng Zambales ay gumagamit ng wikang Sambal.

295
Sagutin ang mga tanong:

Ano ang kahulugan ng kultura?


Ano ang dalawang uri ng kultura? Paano ito nagkaiba?
Paano natuto ang ating mga ninuno?
Bakit maituturing na malikhain ang ating mga ninuno?
Bakit mahalaga ang kalikasan sa pamumuhay ng ating mga ninuno?

Gawin Mo

Ano-ano ang pangunahing kaisipan tungkol sa kultura ng mga


sinaunang Pilipino? Gawin ang sumusunod.

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Iugnay ang mga pangungusap sa Hanay A at mga salita sa Hanay


B. Isulat ang titik ng kaugnay na mga salita na tinutukoy ng bawat
pangungusap. Maaaring maulit ang iyong sagot. Isulat ang mga sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Ang mga sinaunang a. edukasyon

Pilipino ay gumamit ng
mga pana, palaso, b. kasangkapan
at sibat sa pangangaso.
2. Baro’t saya ang c. kasuotan
kasuotan ng mga
kababaihan noong d. kaugalian
panahon ng mga Espanyol. e. pagkain
296
3. Ang mga magulang
ang nagtuturo sa kanilang f. pamahalaan
mga anak ng mga
gawaing bahay, g. paniniwala
pangangaso, pangingisda,
at pagsasaka. h. pananampalataya
4. Ang kanilang tirahan ay yari
sa pawid, kahoy, at kawayan. i. sining
5. Naniniwala ang ating
mga ninuno sa iba’t ibang j. tahanan
ispiritwal na tagabantay
tulad ng diyos, diwata, at k. wika
anito.
May apat na pangunahing wika ang
ginagamit sa rehiyon.
Ang namamahala sa buong komunidad
ng sinaunang Pilipino ay isang
datu.
May mga taong taga-salaysay ng mga
kabutihang nagawa ng taong namatay
sa burol nito.
Nakakamay kung kumain ang mga
sinaunang Pilipino.
Makikita sa mga haligi ng bahay ang
mga nakaukit at nakalilok na mga
disenyo.

Gawain B

Pumili ng isang materyal na kultura o di- materyal na kultura at


ilarawan ito sa pamamagitan ng malikhaing sining tulad ng sa kabilang
pahina:
Slogan
Tula
Awit o Rrap
Salaysay o Kuwento

297
Gawain C

Pangkatang Gawain
Sagutan ang talahanayan upang maipakita ang ilang aspekto ng
kultura ng iyong lalawigan noon. Isulat ang sagot sa manila paper at
iulat sa klase.

Lalawigan Tiraha Kasuotan Hanapbuhay


n

Natutuhan Ko

Sagutin ang sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Uri ng kultura na nakikita at isinasagawa ng mga tao.


Ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Ang uri ng kulturang kinabibilangan ng kasuotan, kagamitan, at
iba pa.
Ang uri ng kultura na di-nakikita o di-nahahawakan.
Ang bahagi ng bahay ng mga sinaunang Pilipino kung saan
matatagpuan ang imbakan ng mga panggatong.

298
AralinAralin33:Impluwensiya 33:ImpluwensiyangKlimaatLokayonsa ngPabuoKlimaatPaghubog

at LokasyonngPamumuhaysaPagbuosaIsangatLugarPaghubog
ng Pamumuhay sa Isang Lugar

Panimula
Mayroong kaugnayan ang pisikal na kapaligiran ng lugar at ang
uri ng pamumuhay ng mga tao rito. Kung natatandaan mo ang pisikal na
katangian ng iyong lalawigan marahil maiisip mo rin kung bakit naging
ganyan ang mga kaugalian at pamumuhay ng mga tao. Sa nakaraang
aralin ay natutuhan mo ang mga kaugalian, tradisyon, produkto, sining,
at iba pa na bumubuo ng kultura ng sariling lalawigan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagbibigay ng impluwensiya ng klima sa mga produktong


ginagawa sa isang lugar, uri ng pananim, at pagpili ng mga tao
sa kanilang trabaho; at

nakapagpapaliwanag ng epekto ng klima sa uri ng pamumuhay


ng mga tao sa isang lugar.

299
Alamin Mo

Magkakatulad ba ng klima ang


mga lalawigan sa ating rehiyon?
Paano kaya nakaaapekto ang
klima sa pamumuhay ng mga tao
dito?

Tuklasin Mo

Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay ng


mga tao. May impluwensiya ang mga ito sa mga produktong ginagawa sa
lugar, sa uri ng pananim, at maging sa pagluluto ng pagkain, pananamit,
uri ng bahay, at sa pagpili ng mga tao ng kanilang trabaho.

Sa mga taong nakatira sa pook urban, maaring ang kanilang


trabaho ay sa pabrika o opisina. Sa kabilang banda, maaaring ang
karamihan ng trabaho sa pook rural naman ay may kinalaman sa
pagsasaka at pangingisda.

Mas higit ang mga trabahong nakatutugon sa mabilisang takbo ng


pamumuhay ng mga naninirahan sa mga pook urban. Halos lahat ng
punong tanggapan ng iba’t ibang pribado at pampamahalaan, pati na ang
mga pamantasan ay makikita sa mga ito. Marami ring mga
malalaking pamilihan at tindahan, at malls na nagdudulot ng ilang
trabaho tulad ng sales lady, sales man, at utility workers.

300
Sa kabilang banda naman, sa lalawigan ng Aurora, kung saan
hindi kasing dami ang populasyon kaysa sa mga lungsod, kaunti ang
malalaking tingiang tindahan kumpara sa mga lungsod.

Bukod sa dami ng populasyon, nakaiimpluwensiya rin ang uri ng


pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay dito. Isang
halimbawa ay ang kaibahan ng uri ng produkto ng Bulacan o Nueva
Ecija, at ng Zambales o Bataan. Hindi nga ba’t napag-aralan mo na sa
nakaraang aralin, na nasa Rehiyon III ang karamihan sa mga palay ng
buong Luzon. Naaangkop ang kapatagan sa pagtatanim ng palay sa
Luzon.

Sa kabilang banda, halos napaliligiran ng tubig ang lalawigan


ng Zambales at Bataan kaya’t karaniwang pangingisda ang
hanapbuhay ng mga tao rito. Sa mga lugar na ito nanggagaling ang
mga produktong tulad ng mga isda at lamang dagat.

301
Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay sa
kapatagan ng Rehiyon III

Pangingisda ang karaniwang hanapbuhay sa


mga lalawigang napaliligiran ng tubig

302
Tingnan at suriin ang mapang pisikal ng Rehiyon III. Tukuyin
kung ano-anong hanapbuhay ang angkop sa bawat lalawigan. Bakit
kaya nagkakatulad o nagkakaiba ang kanilang hanapbuhay?

Ano ang klima ng iyong lalawigan ngayon? Paano


nakaaapekto ang klima sa pamumuhay sa iyong lugar?

303
Kagaya ng lokasyon, ang klima ay nagpapabago ng uri ng
pamumuhay sa isang lugar. Isang halimbawa ng impluwensiya ng klima
sa mga tao ay ang uri ng mga hanapbuhay sa iba’t ibang lalawigan.
Palay, mais, tubo, at iba pang gulay ang karaniwang itinatanim sa mga
lugar na may magandang klima at matabang lupa. Tubo at niyog naman
ang angkop na itanim sa mga lugar na ang klima ay higit na maulan
kaysa maaraw tulad ng Aurora at Tarlac.

Mga produkto tuwing Mga produkto tuwing


panahon ng tag-araw panahon ng tag-ulan

Kung panahon naman ng bagyo, lumiliit ang kita ng mga


mangingisda. Nararanasan ito ng mga mangingisda sa lalawigan ng
Zambales, Aurora, at Bataan. Hindi sila makapangisda dahil sa
mapanganib ang dagat dulot ng malalakas na hangin at malalaking alon.
Hindi rin sila nakapagbibilad ng isdang dinadaing.

Bago pa man dumating ang ganitong panahon, pinaghahandaan na


ng mga mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila ay nagtatanim,
gumagawa ng bagoong, asin, banig, walis, bakya, at iba pang maaari
nilang pagkakitaan.

Hindi lamang mga pananim at pinagkakakitaan ang


nakaiimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Ibinabagay din nila ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang klima. Sa mga
lugar na matataas at malalamig

304
tulad sa ilang bahagi ng Aurora, Mariveles, at Norzagaray, Bulacan,
ang mga tao ay nagsusuot ng damit panlamig upang hindi ginawin.
Gayundin, tuwing Disyembre hanggang Enero, ang mga naninirahan
sa kapatagan ng Rehiyon III ay nagsusuot ng makakapal na damit
dahil sa lamig ng panahon. Samantalang sa panahon ng tag-init,
manipis at maluwang na kasuotan naman ang isinusuot.

Sa mga lalawigan na ang lokasyon ay madalas daanan ng bagyo


at mababa tulad ng ilang bayan sa Bulacan at Pampanga, ang mga
naninirahan dito ay may kasanayan sa paghahanda sa ganitong
karanasan. Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay karaniwang
matataas at yari sa bato upang hindi maanod o masira. Dahil dito,
masasabing nakaiimpluwensiya ang lokasyon at klima sa uri ng
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Sagutin mo ang mga tanong:

Ano-ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa iyong


lugar?
May kaugnayan ba ang kanilang hanapbuhay sa uri ng lokasyon ng
iyong lugar? Ipaliwanag kung bakit.
Paano nakaaapekto ang klima ng isang lugar sa uri ng pamumuhay
ng mga tao?

305
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Alin sa sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay? Pag-ugnayin


ang sumusunod na aspekto ng kultura at ang klima ng lugar. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.

Kultura Klima ng Komunidad


1. Ang mga tao sa rehiyon a. Madalas daanan ng
ay nagsusuot ng maninipis bagyo at mababa
at maluluwang na damit. ang kanilang lugar.
2. Ang mga bahay sa b. Malamig ang
Bulacan at ilang bayan sa panahong
Pampanga ay matataas nararanasan sa
at yari sa bato. buong rehiyon.
3. Makakapal na damit ang c. Mainit ang klima na
isinusuot ng mga tao sa nararanasan tuwing
Rehiyon III tuwing Marso hanggang
Disyembre at Enero. Mayo.
4. Gumagawa ng bagoong, d. Mas mahaba ang
asin, bakya, banig, walis, tag-ulan.
at nagtatanim ang mga e. Mapanganib kung
tao sa lalawigan ng panahon ng tag-
Aurora, Zambales, at ulan at bagyo.
Bataan. f. Matagal ang
5. Tubo at niyog ang angkop panahon ng tag-init.
na pananim sa Tarlac at
Aurora.

306
Gawain B

Piliin ang kaugnay na pisikal na katangian ng isang lugar na


inilalarawan ng bawat aspekto ng kultura. Maaaring maraming beses
gamitin ang pagpipilian. Hanapin ang sagot sa kahon sa ibaba at isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Maagang nagigising ang mga tao sa pagpunta sa bukid.


Mabilis ang kilos ng mga tao papunta sa opisina.
Malaking bahagi ng produkto ay nanggagaling sa pangingisda.
Karamihan sa mga awit at kuwento ay ukol sa
pangangalaga sa kagubatan.
May mga awit na patungkol sa pagsasaka.

itaas ng bundok kapatagan


lungsod
tabing dagat

Gawain C

Pagmasdan ang larawan sa kabilang pahina. Anong uri ng lugar


ang makikita at anong klima mayroon sila? Ano kaya ang hanapbuhay
ng mga tao rito? Paano naiimpluwensiyahan ang kanilang pamumuhay
ng kanilang lokasyon? Sumulat ng tatlo hanggang apat na pangungusap
tungkol sa uri ng pamumuhay ng mga tagarito na may kaugnayan sa
lokasyon ng kanilang lalawigan. Gawin ito sa sagutang papel.

307
Isang Taniman ng Niyog sa Lalawigan ng Aurora

Natutuhan Ko

Unawain ang mga pangungusap. Iguhit ang bago ang bilang kung
ikaw ay sang-ayon at kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa


isang lugar.
Ang hanapbuhay pati na tirahan, kasuotan, at gawain ay
nakaiimpluwensiya sa pamumuhay ng mga tao.
Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat ng lugar.
Karaniwang yari sa kogon at kawayan ang mga bahay sa
bulubunduking lugar.
Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa mabagyong
lugar.
Sa mga lugar na maaraw at mainit, maninipis at maluluwang
ang kanilang mga damit.
Ang pag-aalaga ng hayop ang maaaring pagkakakitaan ng mga taong
nasa matubig na lugar.

308
Makapal ang kasuotan ng mga tao sa ilang bahagi ng mga lalawigang
nasa mataas dahil malamig sa kanilang lugar.
Angkop sa kapatagan ang pangingisda bilang hanapbuhay.
Mabilis ang kilos ng mga tao sa siyudad dahil nagmamadali
silang pumasok sa kanilang mga trabaho.

Ano ang masasabi mo sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong


sagot sa sagutang papel.

Kasama ka ng iyong pamilya na magbabakasyon ng tatlong araw


sa Baguio. Nabanggit ng iyong mga magulang na malamig ang klima
roon. Anong mga kasuotan ang dadalhin mo? Bakit?

309
AralinAralin34:34:AngAngKulturaKulturangmgaLalawiganngmgasaAtingLalawiganRehiyon
sa Ating Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo na ang lahat ng tao ay


mayroon sariling kultura. Ang kultura ay nakikita sa mga pinagsalin-
salin na paraan ng pamumuhay ng mga pangkat sa isang lugar. Kasama
na rito ang mga pagdiriwang, mga kaugalian, wika, sining, at mga
pagkain. Nagkakaiba-iba ang kultura ng mga pangkat ayon sa uri ng
kanilang komunidad.

Sa araling ito, pag-aaralan mo na ang mga bagay tungkol sa


kultura ng iyong lalawigan. Ang pagtukoy ng sariling kultura ay
kinakailangan upang higit mong maunawaan ang mga kahalagahan
nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga halimbawa ng ilang aspekto ng kultura ng


sariling lalawigan; at

nakapaglalarawan ng kultura na nagpapakilala ng sariling


lalawigan.

310
Alamin Mo
Allen, alam mo ba ang mga tanyag na
pagdiriwang sa atin? Hindi pa, kaya gusto
kong malaman.

Halika, sabay nating


tuklasin ang kultura ng
ating lalawigan!

Tuklasin Mo

Bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga Pilipino ay


maituturing na may mayamang kultura. Nakikita ito sa kanilang mga
kaugalian, sining, kasaysayan, at mga pagdiriwang.

Aurora

Ang Aurora ay dating bahagi ng Quezon. Sa katunayan, ang


pangalan ng lalawigan na Aurora ay hango sa pangalan ng maybahay ni
Pangulong Manuel Luis M. Quezon na si Aurora Aragon Quezon. Ang
mga mamamayan dito ay binubuo ng mga Tagalog at Ilokano.

Ang Araw ng Aurora ay pagdiriwang ng pagkakatatag ng lalawigan


na idinaraos sa araw din ng kapanganakan ni Aurora Aragon Quezon.
Itinuturing itong pinakamalaking pagdiriwang sa lalawigan, kung saan
ipinaparada ang iba't ibang mga karosa na nilagyan ng palamuti na naaayon
sa

311
pagdiriwang. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay
kinatatampukan ng pagpapamalas ng mga produkto ng lugar tulad ng
suman, mga kasangkapan, at produktong mula sa halamang yari sa
sabutan.

Ipinagdiriwang din sa
bayan ng San Luis, Aurora ang
Sabutan Festival tuwing
Agosto 22-
Itinatampok dito ang
kahalagahan ng pagtatanim ng
sabutan. Ang mga ito ay
kanilang hinahabi upang
makagawa ng iba’t ibang
produkto tulad ng
sombrero, pamaypay,
placemats at katutubong
kasuotan. Nagkakaroon din
ng tagisan sa Pagdiriwang ng Sabutan Festival sa
Lalawigan ng Aurora
pagpapakita ng katutubong gawain tulad ng sayaw, awit, at eksibit sa
naturang pagdiriwang.
Pinagkuhanan: https://newsinfo.inquirer.net/924033/this-weeks-festivals-
aug-20-26-2017

Bataan

Karamihan sa mga urban na sentral ng mga bayan ay malapit sa


anyong-tubig dahil hinihiwalay ng Bundok Natib (Mount Natib) ang
gitna ng Bataan. Karamihan ng mga popular na tabing dagat sa Bataan
ay nasa kanlurang bahagi ng Bataan. Pangingisda at pagsasaka ang
pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Bataan. Gayunman, sa paglipas
ng panahon, ang mabilis na

312
pagiging popular ng teknolohiya sa bansa ay nagbigay ng daan para
magtayo ng mga pabrika sa Mariveles.

Sa ngayon, isa ang Mariveles sa mga panguhaning pagawaan ng


mga produktong pangkalakalan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isa rin sa
mga sikat na lugar ang Bataan pagdating sa mga gawaing-kamay
(handicrafts).

Ilan sa mga kilalang produkto mula sa Bataan ay ang mga


kakanin, produktong dagat gaya ng tuyo, tinapa, bagoong, daing, patis,
at uraro o araro.
Pinagkuhanan: www.bataan.gov.ph/tourism/travel

Produktong kakanin mula sa Bataan

Produktong tuyo at daing mula sa Bataaan

313
Ipinagdiriwang
ng mga Bataeño ang
Pawikan Festival
tuwing Nobyembre 22-
25. Ito ay ginaganap sa
Morong, Bataan, kung
saan binibigyang
halaga ang panahon ng
pangingitlog ng mga pawikan. Iba’t ibang gawain ang isinasagawa sa
mga araw na ito gaya ng art eksibit, makulay na indakan sa kalye, parada
ng iba’t ibang produktong dagat at pagsaksi sa pagpapakawala sa dagat
ng mga napisang pawikan.

Bulacan

Ang Bulacan ay nakilala bilang isa sa makasaysayang lalawigan


at naging tanyag sa mayamang kultura at kalinangan. Ito ay itinuturing
na duyan ng mga mahahalagang pangyayari. Tahanan din ito ng mga
magigiting na
bayani at alagad
ng sining.

Ang
makasaysayang
Simbahan ng
Barasoain ay
makikita rin sa
Malolos,
Bulacan. Ito ay isa sa pinakamahalagang gusaling pang-relihiyon sa
Pilipinas. Ang gusaling ito ay tinaguriang Duyan

314
ng Demokrasya sa Silangan. Ito ay idineklarang isang pambansang
dambana at lugar kung saan naganap ang pagpupulong ng Unang
Kongreso at pagbalangkas ng Saligang Batas. Dito rin naitatag ang
Unang Republika ng Pilipinas.

Ang Bulacan ay kabilang din sa mga pinakamaunlad na lalawigan


sa Pilipinas. Likas sa mga Bulakenyo ang pagiging masipag, matiyaga,
at mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon. Dahil sa lokasyon nito,
mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan at mga industriya rito.
Pangunahing pinagkakakitaan pa rin ng lalawigan ang pagsasaka,
pangingisda, at gawaing-kamay. Ngunit marami ding mga korporasyon,
pamumuhunan, at kalakalan ang pinagkakakitaan dito dahil sa mayaman
nitong pinagkukunang-yaman, produktibong mga manggagawa, at
epektibong pamahalaan.

Mga Kilalang Produkto sa Bulacan

Pastilyas at Ensaymada

Ilan sa mga kilalang produkto mula sa Bulacan ay mga pagkaing


minatamis tulad ng pastilyas at ensaymada at mga gamit tulad ng
sombrero at bag na gawa sa hibla ng buntal. Meron ding mga produktong
paputok, mga pailaw, at iba pang mga bagay na gawa sa katad, marmol,
at alahas. Mayroon din silang limestone.

315
Mayaman din sa mga pagdiriwang ang lalawigan tulad ng Singkaban
Festival o Sining at Kalinangan ng Bulacan at iba pang mga pagdiriwang ng
kapistahan bilang parangal sa mga pintakasi at patron ng mga bayan dito.

Ang Singkaban
Festival ay isang
makulay at natatanging
pagdiriwang mula sa
dating Linggo ng
Bulacan. Ito ay
nagsisimula tuwing
Setyembre 8 at
nagtatapos tuwing
Setyembre 15.

Nagkakaroon ng iba’t ibang gawain at pagtatanghal tungkol sa


sining at kalinangan ng Bulacan. Itinatampok dito ang ilang paligsahan
tulad ng balagtasan, indakan sa kalye, mga awiting kundiman at
pagtatanghal sa mga sikat na lutuin. Nagbibigay din ng gawad parangal
sa mga Dangal ng Lipi ng Bulacan.

316
Nueva Ecija

Ang Nueva Ecija ang nangungunang prodyuser ng bigas sa


Gitnang Luzon. Ang Pantabangan Dam ang tampok na atraksiyon
dito dahil sa impraestruktura na kamangha-mangha sa larangan ng
enerhiya sa bansa.

Novo Ecijano ang tawag sa kanila. Wikang Tagalog at Iloko ang


gamit na salita ng karamihan sa kanila. Sila ay may pagpapahalaga sa
mga kultura at tradisyon.

Nakatatawag pansin sa mga turista ang mga simbahan


at
pagdiriwang sa
lalawigan. Isa na rito ay
ang Gapan Church o mas
lalong kilala bilang
Pambansang Dambana
ng La Virgen Divina
Pastora
dahil sa uri ng
arkitektura nito na
itinayo mula 1856 at
1872 at nagsilbing
daan sa mas higit na pananamplataya ng mga tao sa
Kristiyanismo.

317
Ang Tanduyong
Festival sa Lungsod San
Jose ay ginaganap tuwing
ikaapat na Linggo ng Abril
bilang pasasalamat sa
kanilang masaganang ani sa
kanilang mga pananim gaya
ng
sibuyas, bawang, palay at iba pang gulay.

Ang Uhay Festival sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija ay


ipinagdiriwang tuwing Enero. Nagkakaroon ng parada at tagisan sa
pagsayaw upang maipakita ang
yaman at kultura ng lungsod. Nagkakaroon din ng mga float display na
kung saan pinapalamutihan ang mga sasakyan
ng mga produktong nagpapakilala sa lalawigan.

318
Pampanga

Ang Pampanga ay may mga


ipinagmamalaking pagdiriwang at
produkto na may malaking kaugnayan
sa kanilang kultura.

Ang mga Kapampangan ay nakilala


sa pagiging malikhain.
Gumagawa sila ng iba’t ibang hugis, disenyo, at kulay ng mga parol sa
mga okasyon tulad ng Pasko, kaya nagkaroon sila ng pagdiriwang gaya
ng Ligligan Parul tuwing Disyembre. Pinaiilawan at ipinakikita rito ang
mga higanteng parol na gawa ng mga iba’t ibang barangay sa Lungsod
San Fernando.

Ang mga Kapampangan lalo na ang mga taga-Betis ay kilala sa


galing sa pag-uukit ng mga kasangkapang gawa sa kahoy tulad ng mesa,
pinto, at upuan.
Pinagkuhanan:
https://cityofsanfernando.gov.ph/forvisitors/giantlanternfestival

Ang Sisig Festival ay


sinasabi ring ang lutong
Kapampangan ang
pinakasikat at pinakadalisay
sa mga lutuing Pilipino.
Kaya naman ang Pampanga
ang tinaguriang Sentro
Kulinari ng Pilipinas. Ang
ilan sa mga pagkaing kilala rito ay sisig, batute tugak (stuffed frogs),
pindang kalabaw (carabao tocino), balo-balo (buru

319
o fermented rice), bringhe, taba ng talangka, at camaru (mole
crickets). Kilala rin ito sa paggawa ng masarap na tocino,
longganisa, at tsokalate batirol.

Sa Lungsod Angeles ay nagdaraos ng taunang Sisig Festival


upang maitampok ang iba’t ibang paraan ng pagluluto ng sisig.

Hot Air Baloons

Kilala rin ang Pampanga sa kanilang Hot Air Balloon


Festival. Ito ay ginaganap tuwing Pebrero sa loob ng tatlo
hanggang apat na araw sa Omni Aviation Center sa Clark Freeport Zone,
Angeles City. Ang mga makukulay at magagandang hot air balloons ay
ipinakikita sa madla. Binibigyan nito ang mga tao ng pagkakataong
maranasang sumakay sa mga hot air balloons.

320
Tarlac

Ang Tarlac ay matatagpuan sa kapatagang bahagi ng Rehiyon III.


Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay rito. Tubo at palay ang mga
pangunahing produkto rito.
Matatagpuan din sa lalawigan ang malalaking industriya ng asukal.

Ang Belenismo
Festival sa Tarlac ay
pinasimulan ni Isabel
Cojuangco - Suntay
(kapatid ng dating
ambassador na si Eduardo
Cojuangco) na naging
dahilan kung bakit Tarlac
ang tinaguriang Belen
Capital of the
Philippines. Ang
Belenismo Festival ay
nagsimula noong Setyembre 2007 na pinasimulan ng isang pagsasanay
sa paggawa ng belen. Ito ay kompetisyon ng pagandahan sa paggawa ng
belen na nilalahukan ng mga residente rito. Ang mga belen na ginawa ay
naka-display sa kalsada sa pagsapit ng Kapaskuhan o Christmas Season.

321
Ang Matarlak Festival

Ipinagdiriwang din
sa lalawigang ito ang
Matarlak Festival tuwing
Enero at
pinalitan bilang
Melting Pot Festival.
Ang pagdiriwang na ito
ay isinagawa bilang pag-
alala sa
mga sinaunang tao na nagtatag ng sibilisasyon sa lalawigan
– ang mga Aeta.

Zambales

Kilala ang
lalawigan ng Zambales
na may pinakamatamis
na bunga ng mangga,
kung kaya’t ang isa sa
pinakatanyag na
pagdiriwang dito ay
ang Mango Festival.
Kinilala ng Guiness Book
of World Records noong
1995 ang mangga ng
Zambales na siyang
pinakamatamis sa buong mundo. Idineklara rin ng Department of
Agriculture noong 2013 ang mangga ng Zambales na nananatiling
pinakamatamis sa buong mundo. Maging ang mga eksperto sa University
of the Philippines Los Baños, Laguna at ng Bureau of Plant Industry ay
kinilala ang

322
Zambales Sweet Elena variety ang nanatiling
pinakamatamis na manggang-kinalabaw para sa
komersiyalismo.

Ipinagdiriwang
naman sa Iba, Zambales
ang
Paynauen Duyan
Festival tuwing Abril 25
hanggang Mayo 1. Ito
ay ipinagdiriwang
bilang pag-alala sa
anibersaryo ng
probinsiya noong 1611.
Ang paynauen ay
salitang Sambal na
nangangahulugang pahingahan.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Sa aling pagdiriwang kilala ang iyong lalawigan?


Ano-ano ang pagdiriwang sa ibang lalawigan?
Ano ang kaugnayan ng mga mga pagdiriwang sa pamumuhay
ng tao?
Bakit kailangang pahalagahan ang pagdiriwang ng iyong
lalawigan?

323
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Sagutan ang hinihinging impormasyong naglalarawan ng kultura


sa sariling lalawigan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Ang Aming Ang Aming


Wika Paniniwala

Ang mga
Pinagmamalaking
Kultura ng
Aming Lalawigan Ang Aming
Ang Aming Tanyag na
Sayaw at Awit Pagkain

Ang Aming
Kilalang
Produkto

324
Gawain B

Pangkatang Gawain

Paano mo ilalarawan ang ilang aspekto ng kultura ng iyong


lalawigan o bayan? Pag-usapan ang aspekto ng kultura na makikita sa
inyong lalawigan o bayan. Magbigay ng isang halimbawa ang bawat
pangkat. Basahin ang panutong dapat tandaan. Isulat sa manila paper.

Pangkat 1 – Makasaysayang Pook Pangkat 2 –


Pagdiriwang at Tradisyon Pangkat 3 – Sayaw,
Awit, at Sining Pangkat 4 – Paniniwala at
Pamahiin Pangkat 5 – Wika at Diyalekto

Mga Panutong Dapat Tandaan sa


Pangkatang Gawain:

Pumili ng lider sa bawat


pangkat.
Magsagawa ng brainstorming ukol sa
paksa.
Paghandaang mabuti ang pag-uulat
ng pangkat.
Lahat ay makipagtulungan sa gawain
ng pangkat.
Tapusin ang mga gawain sa takdang
oras.

325
Gawain C

Indibiduwal na Gawain

Pag-isipan ang pinakatanyag na pagdiriwang sa inyong lalawigan.


Paano nag-umpisa ito? Punan ang bawat patlang sa talata tungkol sa
pagdiriwang upang mailarawan ito.

__________________
Pamagat

Ang aming pagdiriwang sa lalawigan ng


___________ ay tinatawag na __________. Ito ay
dinaraos tuwing ___________. Ang pagdiriwang
ay tungkol sa
_________________________________.
Ipinagdiriwang ito dahil __________. Kaming
mga taga rito ay __________ (ginagawa ng
mga tao) sa selebrasyon. Hinihikayat ko ang lahat na
pumunta sa aming lalawigan. Damhin ninyo ang
aming kultura.

Natutuhan Ko

Ang pagdiriwang ay isang pagpapakita ng kultura ng isang lugar.


Mag-isip pa ng ibang aspekto na nagpapakita ng kultura ng sariling
lalawigan o rehiyon. Sumulat ng isa hanggang dalawang talata ayon
dito.

326
AralinAr35:35:MgaMgaPank t PangkatngTaosaAtingngRehiyonTao

sa Ating Rehiyon

Panimula
Ang kamalayan sa iba’t ibang pangkat ng mga tao sa sariling
lalawigan ay mahalagang malaman upang lubusang maunawaan ang
mga pagkakaiba-iba ng mga nakatirang pangkat ng tao sa
kinabibilangang lalawigan at rehiyon. Sa pag-unawa sa mga pangkat ng
tao ay lalo pa silang mapahahalagahan at mapangangalagaan.

Sa araling ito matutukoy at mailalarawan mo ang mga katangian


ng mga pangkat ng tao sa mga lalawigan ng ating rehiyon. Sa
pamamagitan nito makapagbibigay ka din ng dagdag at bagong
impormasyon tungkol sa iyong lalawigan at pati na sa mga karatig na
lalawigan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng iba’t ibang pangkat ng tao sa mga lalawigan sa


sariling rehiyon; at

nakapaglalarawan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao sa mga lalawigan


sa sariling rehiyon.

327
Alamin Mo

Sino-sino ang nakatira sa


ating lalawigan?

Paano sila
nagkakapareho?
Paano sila nagkakaiba?

Tuklasin Mo

Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng mga taong


naninirahan sa iba’t ibang panig nito. Nakikilala ang bawat pangkat sa
kanilang mga pagkakakilanlan.

Ang grupo o pangkat na ito ay sama-samang naninirahan sa isang


lugar na may sariling wika, tradisyon, at paraan ng pamumuhay.
Mayroon silang mga katangian na kakaiba sa ibang pangkat. Sila at ang
kanilang natatanging pagkakakilanlan ay itinuturing na mahalagang
bahagi sa kabuoan ng kulturang Pilipino.

Mga Pangunahing Pangkat ng Tao sa Rehiyon III

Ang mga mamamayang naninirahan sa Rehiyon III ay nabibilang


sa iba’t ibang pangkat ng tao tulad ng Tagalog, Ilokano, Zambaleño, at
Kapampangan.

Tingnan at pag-aralan ang talahanayan sa ibaba upang makilala


ang mga pangkat ng tao sa mga lalawigan ng Rehiyon III.

328
Talahanayan ng mga Pangunahing Pangkat ng Tao,
Kanilang Lalawigan, at Wika
Lalawigan Kung Saan
Pangkat ng Tao Matatagpuan ang Wika Pangkat ng Tao
Tagalog Aurora, Bataan, Tagalog
Bulacan, Nueva Ecija,
Tarlac, Zambales,
Pampanga
Ilokano Aurora, Nueva Ecija, Ilokano
Tarlac, Zambales
Kapampangan Pampanga, Tarlac, Kapampangan
Nueva Ecija, Bataan,
Zambales
Zambaleño Zambales Sambal

Tagalog

Ang Tagalog ay nagmula sa salitang taga-ilog na ang ibig sabihin


ay nakatira sa baybaying ilog. Ang mga Tagalog ang isa sa may
pinakamalaking bilang ng pangkat ng tao sa rehiyon dahil sila ang mga
pangunahing pangkat ng tao sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan,
Bulacan, at Nueva Ecija. Sila rin ay naninirahan sa ilang bahagi ng
Tarlac, Zambales, at Pampanga.

Biniyayaan ang mga Tagalog ng mayamang lupa at dagat kaya


ang pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka at pangingisda. Sila ay
kinagigiliwan dahil sila ay masisipag, masayahin, matatapat, madasalin,
palakaibigan, at may pagpapahalaga sa edukasyon. Bunga marahil ito ng
pagiging malapit nila sa sibilisasyon, komersiyo, at pamahalaan.

329
Ilokano

Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Rehiyon III ay ang mga


Ilokano. Karaniwang nakatira sila sa bandang hilaga ng Luzon. May
mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, at
Zambales. Ang pamumuhay ng nakararaming Ilokano ay pagsasaka at
pag-tatanim. Kilala sila sa pagiging matipid at masipag.

Zambaleño

Ang mga Zambaleño, Tagalog, Ilokano, Kapampangan, at Aeta


ay ang mga pangkat ng tao sa Zambales. Nagmula sila sa iba’t ibang
bahagi ng bansa. Sambal ang kanilang katutubong wika. Nabigyan sila
ng hanapbuhay mula sa U.S. Naval Base Subic Bay (San Antonio at
Subic) at maging sa panahon ng Amerikano sa ating bansa. Ang
pananatili ng mga Amerikano sa Zambales ay nagdulot ng malaking
impluwensiya sa pamumuhay, uri ng pagkain, at maging sa estilo ng
pananamit sa mga tao.

Nanatili pa rin ang kanilang pagbibigay respeto sa matatanda kahit


may impluwensya sila ng kulturang banyaga. Ang mga pagdiriwang ng
kapistahan ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kanilang mga
patron sa bawat bayan at simbahan. Ang mga Zambaleño ay kilala rin sa
maayos na pagtanggap ng bisita.

Kapampangan

Ang Kapampangan ay nagmula sa salitang lele pampang, na ang


kahulugan ay tabing-ilog o pampang ng ilog. Sila ang pangunahing
naninirahan sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga
lalawigan ng

330
Nueva Ecija, Bataan, at ilang bahagi ng Bulacan. Sila ay kilala sa
pagiging relihiyoso, masayahin, mapustura, mahusay magdamit, at
masarap magluto.

Kapampangan din ang tawag sa wika ng mga katutubong


Kapampangan.

Mga Katutubong Pangkat ng Tao

Ang Ita, Agta, Aeta, o


Dumagat ay mga katutubong
naninirahan sa mga lugar sa Luzon.
Sila ang isa sa mga taong nanirahan sa
Pilipinas na pinaniniwalaang
nakarating sa lugar sa pamamagitan ng
pagsakay sa bangka o balangay. Sila
ay may maiitim na balat, makakapal na
labi, kulot na buhok, at maliliit. Kilala
sila sa pagiging matapang,
maliksi, at malikhain. Sa kasalukuyan, marami pa ring mga Dumagat o
Aeta ang patuloy na naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre,
Zambales, Bataan, Bulacan, at bulubunduking bahagi ng mga
lalawigan sa Timog Katagalugan.

331
May ilan pa ring katutubong mga
Aeta ang patuloy na naninirahan sa
kabundukang malayo sa mga
kabihasnan at nananatiling nakabahag.
Pagsasaka at pangangaso ang
pangunahing hanapbuhay nila.

Iba pang Pangkat ng mga Tao sa Rehiyon

May ilang pangkat ng mga dayuhan ang naninirahan sa mga


lalawigan ng ating rehiyon. Ilang pangkat ng mga Chinese o tinatawag
na Tsino ang matatagpuan sa ilang bahagi ng rehiyon. Halos lahat sa
kanila ay mga negosyante. Mayroon ding tinatawag na Indian na
nanggaling sa bansang India. Karaniwang tawag sa kanila ay mga
Hindu. Sila rin ay mahilig magnegosyo. May ilang dayuhan pa ang
patuloy na naninirahanan sa rehiyon gaya ng Amerikano, Hapon, at iba
pa.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ano-ano ang pangkat ng tao sa iyong lalawigan?


Ano-ano ang katangian ng mga taong naninirahan sa inyong
lalawigan?
Batay sa talahanayan, anong pangkat ng tao ang
matatagpuan sa halos lahat ng lalawigan ng Rehiyon III? Anong
pangkat naman ang matatagpuan sa iisang lalawigan?
Ano-ano ang katangian ng bawat pangkat ng tao?
Saang pangkat ka nabibilang? Ano ang nakikita mong

332
pagkakaiba o pagkakapareho ng katangian mo sa ibang pangkat
ng tao? Gamitin ang Venn Diagram sa pagsagot dito.

Ako Sila
Aming
Pagkakapareho

Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Tukuyin ang pangkat ng mga taong isinasaad ng bawat


pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Sila ang mga pangkat ng taong naninirahan sa Aurora, Bataan,


Bulacan, Nueva Ecija, at ilang bahagi ng Pampanga,
Tarlac, at Zambales.
Ang pangkat nila ay kilala bilang relihiyoso at masarap
magluto.
Sila ang mga pangkat ng taong kilala bilang matitipid.
Ang pangkat nila ay kilala sa pagiging maayos sa pagtanggap sa
bisita.
Sila ay ang mga dayuhang singkit na kilala bilang mahuhusay na
negosyante.

333
Gawain B
Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga Tagalog at
Dumagat. Isulat sa Kahon A ang katangian ng mga Tagalog na
kakaiba. Isulat sa Kahon B ang katangian ng mga Dumagat na kakaiba
at isulat sa Kahon AB ang parehong katangian ng dalawang pangkat.
Gawin ito sa kuwaderno.

A B
Anyong AB Anyong
Pisikal _____ Pisikal
Wika __ Wika
Gawi Gawi
Paniniwala Paniniwala

Gawain C
Pangkatang Gawain
Isadula ang buhay ng mga pangkat ng mga tao.
Gawing gabay ang mga sitwasyon sa ibaba.

Tagalog

Ang mga Tagalog ay masayang namumuhay sa isang pamayanan.


Sila ay nagtutulungan sa pamamagitan ng tinatawag na bayanihan o
tulong-tulong na pagbubuhat ng bahay ng isang pamilya para ilipat sa
ibang lugar. Kaugalian din ng mga batang Tagalog ang magmano sa mga
nakatatanda. Mayroon pa ring mga binata na napanatili ang kaugaliang
pagharana sa mga babaeng nililigawan.
Pagtatanim at pangingisda ang pangunahing kabuhayan
ng mga Tagalog. Ang bawat pamilya ay nagdarasal at
nagtitiwala sa Panginoon.

334
Dumagat

Ang mga Dumagat ay naninirahan sa mga kabundukan. Sila ay


nangangaso, nanghuhuli ng isda, at nagtatanim ng mga gulay at palay
para sila mabuhay. Ang mga Dumagat ay nanatiling nakatira sa
kabundukan na malayo sa maunlad na kabayanan at pamumuhay ng mga
taga-syudad.

Karaniwang ang mga lalaking Dumagat ang nagtatrabaho para sa


kanilang pamilya at ang mga babae naman ang nag-aalaga sa kanilang
mga anak.

Natutuhan Ko

Unawain ang mga tanong o pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Ano ang pinagmulan ng salitang Tagalog?


Taga-baryo
Taga-bundok
Taga-ilog
Taga-lungsod

Alin sa sumusunod ang tawag sa mga Dumagat?


Aeta
Kankana-ey
Malay
Zambaleño

335
Alin sa sumusunod na dahilan ang tama ayon sa
pagkakaroon ng mga Tagalog ng mataas na antas sa paglinang?

Ang mga Tagalog ay halos nag-aaral sa ibang bansa.


Ang mga Tagalog ay may malalaking paaralan at maraming
tao.
Ang mga Tagalog ay halos nasa kabihasnan at nasa sentro ng
komersiyo.
Ang mga Tagalog ay natural na mahusay simula pa noong
kapanganakan.

Ang sumusunod ay maaaring gawin ng ating pamahalaan upang


mapaunlad ang edukasyon at pamumuhay ng mga Dumagat,
maliban sa

Bigyan sila ng maraming pana at sibat gamit sa pangangaso.


Magtayo sa lugar nila ng mga paaralan at turuan ang mga bata.
Turuan ang mga kalalakihan ng paraan ng pagsasaka at
ibang paraan ng pamumuhay
Turuan ang mga kababaihan tungkol sa tamang pag-aalaga sa
kanilang pamilya.

336
Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang
maipagmalaki ang sariling pangkat?
Mag-aral nang mabuti para sa sariling kinabukasan.
Sabihin sa ibang pangkat ng tao na mas
magaling ka.
Makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan.
IV. Pumunta sa ibang lalawigan at doon
manirahan.

I at II
II at IV
III at IV
I at III

Gumawa ng isang saknong na tula na naglalawan sa katangian ng


pangkat ng taong iyong kinabibilangan. Isulat ito sa papel at ipasa
sa guro.

337
AralinAralin36:Ang36:mgaAngWika mgaatDiylektoWikasamgaat DiyalektoLalawiganngAting
sa mga Lalawigan ng Ating Rehiyon
Rehiyon

Panimula
Sa katatapos na aralin, nalaman mo na ang ilang impormasyon
tungkol sa mga pangkat ng mga tao na naninirahan sa iyong lalawigan
at maging sa iyong rehiyon. Natutuhan mo rin kung paano ipinakikita na
mahalaga ang mga pangkat na ito sa iyong pamayanan.

Sa araling ito, tatalakayin ang tungkol sa mga wika at diyalekto


ng lalawigan at rehiyon. Marahil nagtataka ka kung bakit iba-iba ang
mga salitang ginagamit kapag nag-uusap-usap ang mga tao sa iyong
rehiyon. Halika, pag-usapan natin nang tayo ay lalong magkaunawaan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga wika at diyalektong ginagamit sa sariling


lalawigan at rehiyon; at

nakapaglalahad ng kahalagahan ng mga wika at diyalekto at ang


wastong paggamit nito tungo sa maayos na ugnayan ng iba’t
ibang pamayanan sa sariling lalawigan at rehiyon magkaiba man
ang mga wikang ginagamit.

338
Alamin Mo

Ano-ano ang wika at diyalekto sa


iyong lalawigan at rehiyon?

Ano ang kaugnayan ng


lokasyon sa pagkakaiba o
pagkakapareho ng mga wika sa
mga lalawigan ng ating
rehiyon?

Tuklasin Mo

Ang Rehiyon III ay may iba’t ibang wikang ginagamit. Ito ang
wikang Kapampangan, Tagalog, Sambal, at Ilokano. Tagalog ang salita
ng karamihan sa mga taga Aurora, Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija.
Ilokano naman ang ginagamit ng ilang taga-Bataan, Nueva Ecija, Tarlac
at ilang bahagi ng Aurora at Zambales. Sambal sa Zambales at
Kapampangan sa mga taga-Pampanga at Tarlac.

Tingnan natin ang nakasulat sa susunod na pahina. Paano kaya


nagkakaiba ang mga magagalang na salita sa iba’t ibang wika ng
rehiyon? May maibibigay ka pa bang halimbawa?

339
Magagalang Wikang Wikang Wikang Wikang
Tagalog
na Pananalita Kapampa-
(Aurora, Bataan, Ilokano Sambal
Sa Wikang ngan
Bulaca, Nueva (Tarlac) (Zambales)
Filipino Ecija)
(Pampanga)

Magandang Magandang Naimbag Mayap a Maganday


umaga umaga nga bigat abak mahambak
Magandang Magandang Naimbag Mayap a Maganday
gabi gabi nga rabii bengi yabi
Salamat po Salamat po Agyamanak Salamat pu Malake ya
salamat
Kumusta Kumusta Kumusta Komusta Kumusta

Sinasabi na may kinalaman ang lokasyon sa pagkakapareho o


pagkakalapit ng wika ng mga lalawigan. Alin sa mga nabanggit na
lalawigan ang mga magkakahawig at alin naman ang naiiba? Ano ang
napapansin mo sa wika at punto ng mga lalawigang magkakalapit?

Ang Iba’t Ibang Wika sa Rehiyong III

Tagalog ang pangunahing wika ng mga naninirahan sa Rehiyon III


kabilang na ang mga lalawigan ng Aurora Bulacan, Nueva Ecija, at
Tarlac. Ang wikang ito ay ginagamit din sa mga lalawigan ng Cavite,
Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Tagalog din ang wika sa karamihan
sa rehiyon ng MIMAROPA, na binubuo ng mga lalawigan ng Mindoro,
Marinduque, Romblon, at Palawan.

Karamihan din sa mga naninirahan sa National Capital Region ay


gumagamit ng wikang Tagalog. Malaking bahagi ng wikang Tagalog
ang hinalaw sa pagbuo ng wikang pambansa, ang wikang Filipino.
Pinagkuhanan: http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

340
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Saang mga lalawigan sa Rehiyon III ginagamit ang wikang


Tagalog?
Nagkakaintindihan ba ang mga tao kapag magkaiba ang wikang
ginagamit? Ipaliwanag.
Bakit madaling maunawaan ng mga Tagalog ang wikang Filipino?

Kapampangan

Ang wikang Kapampangan ay pangunahing ginagamit na wika


sa lalawigan ng Pampanga at sa mga ilang lugar ng Tarlac. Isa ito sa
pangunahing wika sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding Pampango at
Pampangueño. Mayroon ding gumagamit ng wikang Kapampangan
sa ilang bahagi ng Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija.

Ang salitang Kapampangan ay nagmula sa salitang-ugat na


pampang na ang ibig sabihin ay tabing-ilog o pampang ng ilog. Ang
pampang din ay salitang tagalog na may kaparehong kahulugan.
Kakaunti lamang ang nakakaalam sa naturang wika bago pa dumating
ang mga Espanyol noong ika-labinglimang siglo. Sa kasalukuyan, ang
paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan
tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.

Kabilang sa mga malalapit na wika ng Kapampangan ay ang mga


wikang Sambal sa Zambales at ang wikang Bolinao sa bayan ng Bolinao,
Pangasinan. Taong 2000, naitala ng Philippine Census ang higit dalawang
milyong tao mula sa Luzon ang nagsasalita ng wikang Kapampangan.

341
Ilokano
Ang Iloko (o Iluko, Iloco, puwede ring Ilokano o
Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang
gamit (lingua franca) ng halos kabuoan ng Hilagang Luzon lalo na sa
Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng
Abra at Pangasinan.

Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Aurora, Nueva Ecija, at


Tarlac. Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibahan kung
ang wikang Iloko ang tinutukoy. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa
wika o salita at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao.

Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong
panumbas sa ibang dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng
wikang Tagalog.

Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Tukuying ang magagalang na pananalita kung saang wika ito


nagmula. Maaring maulit ang iyong sagot. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
A. Sambal B. Kapampangan C. Ilokano D. Tagalog
Ima, mayap a abak pu.
Maganda yabi komoyon kaganawan.
Naimbag nga rabii.
Malake ya salamat kawkabanuwa ko.
Maganday mahambak komoyon kaganawan.

342
Gawain B
Indibiduwal na Gawain
Magbibigay ng kopya ang iyong guro sa gawain word hunt.
Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ang mga magagalang na pananalita
na ginagamit mula sa iba’t ibang lalawigan.

M A G A N D A N G J U M A G A
A A L P T U H L X J T Y G J K
G G X K G K H D F D K F F I E
A Y Q O H H F C S R P D F H B
N A S M J K B B B F B D H D T
D M D U N G M N Y H N Y K S A
A A Y S K D H S R U G K B D E
Y N Y T U W Q S D I N F F V F
Y A M A Y A K A A B A K B Y H
A K G K W E A G Y Y D C O Y J
B T M A Y A P A B E N G I A D
I H H P S J Z P Y D G H T T T
M A L A K E Y A S A L A M A D
G H H Y L S H E N B S H F H H
S A L A M A T P O J U R D F G
Mga salitang hahanapin:
Magandang umaga
Mayap a abak
Mayap a bengi
Maganday yabi
Malake ya salamat

343
Gawain C
Pangkatang Gawain

Sa inyong pangkat, mag-isip ng mga salita na karaniwang


ginagamit sa inyong lalawigan. Ibigay ang kahulugan nito at
gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

Mga Salita sa Aming Kahulugan Pangungusap


Lalawigan
1.
2.
3.

Natutuhan Ko

Tukuyin ang salita o mga salitang inilalarawan sa sumusunod na


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ito ang wikang ginagamit ng karamihan sa Bulacan.


Ito ay isa sa mga wikang ginagamit sa ilang bahagi ng Zambales maliban
sa Tagalog at Kapampangan.
Malaking bahagi ng wikang Tagalog ang hinalaw sa pagbuo ng wikang
Pambansa, ang wikang Filipino.
Ito ang salitang-ugat na pinagmulan ng salitang Kapampangan na ang
kahulugan ay pampang.
Ito ang pangunahing wika na ginagamit ng ampanga at ilang
lugar sa Tarlac.

344
AralinAralin37:Nakikilala37: NakikilalaangKulturangAtingangRehiyonKulturasamga
Makasaysayang Lugar Nito
ng Ating Rehiyon sa mga Makasaysayang
Lugar Nito

Panimula

Sa nakaraang aralin sa Yunit II ay natalakay na ang kuwento sa


ilang makasaysayang lugar sa Rehiyon III. May kasabihang upang
maunawaan ang kultura ng mga ibang tao, mahalagang alamin mo muna
kung ano ang iyong kultura. Kung kaya pinag-aralan mo ang ilang
halimbawa ng mga bagay na nagpapakilala sa iyong lalawigan at
rehiyon gaya ng iyong wika, mga pangkat ng taong nakatira sa iyong
rehiyon, mga tradisyon, kaugalian, pagdiriwang, mga sining, pagkain, at
iba pa. Sa araling ito ay madagdagan ang pagkilala mo at pagpapahalaga
mo sa ilan pang makasaysayang lugar ng iyong lalawigan at rehiyon.

Sa pamamagitan ng kaalaman sa mga makasaysayang lugar na


matatagpuan mo sa iyong lalawigan at rehiyon, magkakaroon ka ng
dagdag na impormasyon upang maipakilala mo ang kultura ng iyong
lalawigan at pati na mga karatig na lalawigan sa rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng ilang makasaysayang pook ng lalawigan at


rehiyon; at

345
nakapaglalahad ng kahalagahan ng mga makasaysayang pook upang
makilala ang kultura ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

Ano ang ipinaiihiwatig ng mga


makasaysayang lugar ng iyong
lalawigan at rehiyon?

Paano ipinakikila ng mga


makasaysayang lugar ang
iyong lalawigan at rehiyon?

Tuklasin Mo

Mga Makasaysayang Lugar sa Rehiyon

May mga lugar na maituturing na saksi ng mga naganap sa isang


lalawigan o rehiyon. Ang mga lugar na ito ang nagsisilbing tanda ng mga
mahahalagang pangyayari na naganap sa isang takdang panahon na
nakapagpabago ng pamumuhay sa lalawigan. Marahil ay natatandaan pa
ng inyong mga magulang ang nangyari noong Pag-aalsa sa EDSA
(People Power) noong 1986 sa Maynila. Ito ay ang panahon na
nagprotesta ang mga tao laban sa pamahalaang pinamunuan ni
Pangulong Ferdinand Marcos. Nagkaroon ng kilos protesta ang milyon-
milyong mga Pilipino sa kahabaan ng EDSA.

346
Sa ngayon, makikita sa Ortigas Triangle ang isang malaking
bantayog ng Dambana ng Reyna ng Kapayapaan. Ang bantayog na ito ay
nagsisilbing alaala ng pangyayari sa EDSA noong 1986. Nakasulat sa
bantayog ang pangako ng sumunod na pangulo na si Corazon Aquino na
pangalagaan ang demokrasyang Pilipino. Ang ibig sabihin nito ay ang
pamahalaan ang mangangalaga sa kalayaan ng bawat isang Pilipino.

Nakapasyal ka na ba sa mga makasaysayang lugar sa iyong


lalawigan?

Tara! Libutin natin ang Rehiyon III.

Ang Rehiyon III ay mayaman sa makasaysayang lugar na


mahalaga sa pagbubuo ng kasaysayan ng Pilipinas. Ilan sa mga
makasaysayang lugar dito ay ang sumusunod:

Aurora
Ang Simbahan ng
Baler ay naging huling
kampo ng puwersang
Espanyol sa digmaan para
sa kalayaan ng Pilipinas.

Noong Hunyo 2,
1899 ang mga sundalong
Espanyol sa pamumuno ni Simbahang ginamit bilang garrison
ng mga Espanyol bago tuluyang
sumuko
Liuetenant Saturnino Martin Cerezo ay pumayag sa kasunduan ng pagsuko.
Ito ay nilagdaan nina Colonel Simon Tecson at Major Nemesio Bartolome
para sa hukbong Pilipino at ni Lt. Saturnino Martin at Vigil Quiñones para
sa hukbong Espanyol. Sa nilagdaang kasunduan ng pagsuko

347
ng Hukbong Espanyol ay hindi sila ituturing ng Prisoners of War.
Pinauwi ang mga sumukong Espanyol sa kanilang bansa.

Ang pagsuko ng mga sundalong Espanyol

Pinagkuhanan: http://nhcp.gov.ph/siege-of-baler

Bataan
Sa bayan naman ng Mariveles makikita ang Zero Kilometer
Marker kung saan nagsimula ang nakalulunos na Death March.
Pinalakad ang mga nabihag na Pilipinong
sundalo at Amerikano na laban sa ilalim ng pananakop ng mga Hapon.
Pinapatay ng sundalong hapon ang mga hindi na makalakad sa pagod at
gutom at mga nahuhuling tumatakas sa Martsya.

Zero Kilometer Death March, puwersahang paglilipat


Marker ng mga bilanggo

Ang Dambana ng Kagitingan, na matikas na nakatayo sa tuktok


ng Bundok Samat sa Bataan ang alaala ng

348
kagitingan, katapangan, at pagtatanggol sa kalayaan ng mga Filipino
noong panahon ng mga Hapon.

Pinagkunan: ncca.gov.ph

Sa Corregidor, inilipat ni Pangulong Manuel Luis M. Quezon ang


Pamahalaang Commonwelt. Noong Pebrero 20, 1942 nagtungo si Manuel
L. Quezon at maging ang kanyang pamilya sa Amerika. Sumakay sila sa
isang submarino upang makatakas sa mga Hapon. Naatasan naman si
Heneral Jonathan Wainwright bilang kapalit ni Heneral McArthur na
magtatanggol sa ating bansa. Naging matindi ang labanan at maraming
Pilipino at Amerikanong sundalo ang nasawi. Pinili ni Heneral Wainwright
na sumuko sa mga Hapon kaysa maubos ang kanyang mga tauhan sa
labanan. Ito ang dahilan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga
Hapones noong Abril 9, 1942

349
Isa sa mga makasaysayang gusali sa Corregidor na
piping saksi sa World War II
Pinagkuhanan:ncca.gov.ph/sagisagkultura

Bulacan

Kuweba Pinagrealan kuta ng mga


magigiting na katipunero

Ang Kuweba ng Pinagrealan sa Norzagaray, Bulacan ay


ginamit ding kuta ng mga sundalong Pilipino noong panahon ng
himagsikan.

350
Ang Biak-na-Bato ay isang masukal na lugar na nasasakop ng
mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, at Doña Remedios Trinidad sa
Bulacan ay nagsilbing kuta ng mga Katipunero sa pamumuno ni Emillio
Aguinaldo. Dito nilagdaan ang Saligang Batas ng Republika ng Biak-na-
Bato noong Nobyembre 1, 1897.

Ang Cacarong de
Sili sa Pandi, Bulacan kung
saan naganap ang malaking
labanan sa pagitan ng mga
Pilipino at Espanyol.
Maraming sundalo ang
napatay dito bilang
pagtatanggol sa republika.

Dito nasugatan si
Heneral Gregorio del Pilar.
Labanan ng mga Katipunero at
Nueva Ecija Espanyol sa Cacarong de Sili

Ang Camp Pangatian sa Cabanatuan City ay nagsilbing kampo


ng mga hapon at dito ikinulong ang mga sundalong Pilipino at
Amerikano na nanggaling sa Death March. Noong Enero 1945, nilusob
ng mga gerilyang Pilipino at sundalong Amerikano ang kampo. Malaking
bilang ng mga sundalong Hapon ang namatay. Pinaniniwalaang nasa 500
ang nasagip na nabihag ng Hapon.

351
Paglikas ng mga sundalong Amerikano
sa Camp Pangatian

Naging malaking bahagi ng tagumpay ng naturang paglusob ang


tulong ni Kapitan Juan Pajota nang pamunuan niya ang pagkalap ng gamit
at kasangkapan sa pagbuo ng mga kariton upang sakyan ng mga sugatang
sundalo. Ang ilan sa kanyang tauhan ang nanguna sa pagpapasabog ng
tulay sa Cabu upang maantala ang pagdating ng karagdagang sundalong
hapon.

Dito naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa


pagtulong sa mga sugatang Amerikano. Pinagkuhanan: The Great
Raid on Cabanatuan written by William B. Breuer

Sa Nueva Ecija din makikita ang Bahay ng Sideco na


nagsilbing Himpilan ng Republika ng Pilipinas noong Marso 29, 1899
nang ito ay ilipat ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Ginawa itong himpilan ng unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
noong mga panahong umiiwas siya sa mga Amerikanong mananakop
hanggang Oktubre 11, 1899 kasama niya ang kaniyang asawa at mga
gabinete kung

352
kaya’t ang San Isidro ay naging kapital ng bansang Pilipinas sa mahigit
limang buwan nilang paninirahan dito. Ito rin ang naging kapital ng
lalawigan.

Bahay ng Sideco ginamit bilang


pansamantalang himpilan

Pampanga

Pamintuan Mansion ipinatayo noong


taong 1890 na naging himpilan ng
hukbong himagsikan

Ang Pamintuan Mansion sa Lungsod ng Angeles sa


Pampanga ay naging headquarter ni Heneral Emilio

353
Aguinaldo noong panahon ng rebolusyon. Dito ginanap ang unang
anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1899. Noong
Oktubre 25, 2015 ito ay binuksan sa publiko bilang Museo ng
Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas. Ipinakikita rito ang
makasaysayang pangyayari na lumilinang sa kultura at uri ng
pamumuhay ng mga Pilipino.

Capas National Shrine, para sa


alaala ng mga sundalong
nagdusa sa Death March

Tarlac

Sa Capas National Shrine sa


Tarlac nagtapos ang 100 kilometrong
kalbaryo ng mga sundalong Pilipino-
Amerikano noong Abril 1942 na
tinawag na Death March. Itinayo ang
dambanang ito bilang paggunita sa
mga sundalong nagbuwis ng buhay sa
Death March. Ito ang monumentong
para sa alaala ng mga matatapang na
sundalo na nakidigma laban sa
mananakop noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Libo ang namatay sa 100 kilometrong
paglalakad mula sa Zero-Kilometer Marker sa Bataan.

Sa kasalukuyan, naglaan ang pamahalaan ng pader kung saan


nakasulat ang pangalan ng mga nakilalang sundalong naglakad at
nagdusa rito. Ngunit magpahanggang sa ngayon ay hindi pa naitatala
ang kabuoang listahan ng mga nangamatay.

354
Zambales

Alaala ng mayamang kasaysayan ng


Zambales maging ng ating bansa

Sa Ramon Magsaysay Ancestral House, Castillejos,


Zambales nakalagak ang mga kagamitan at alaala ng dating
Pangulong Ramon Magsaysay.

Dagdag pa rito, ang mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac,


Nueva Ejica, at Pampanga ay kabilang sa kumakatawan sa walong
sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas na unang lalawigan na nag-
aklas laban sa pananakop ng mga Kastila sa ating bansa.

Sagutin ang mga tanong:

Ano ang ipinakikita ng mga makasaysayang lugar, bantayog o


gusali?

Bakit mahalagang pangalagaan ang mga bantayog, gusali, o lugar na


ito?

Paano natin mapahahalagahan ang mga makasaysayang


pook sa ating rehiyon?

Bakit maituturing na bayan ng mga bayani ang Rehiyong


III?

355
Ano-anong katangian ng mga lalawigan ang ipinakita ng mga
makasaysayang lugar, bantayog, o gusali rito?
Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

Bukod sa mga nabanggit, ano pang maituturing mong


makasaysayang gusali, lugar, o bantayog sa inyong lalawigan?
Paano ito naging saksi ng kasaysayan ng inyong lugar?

Gawin Mo

Gawain A
Indibiduwal na Gawain

Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa


kahalagahan ng pangyayari sa sumusunod na makasaysayang lugar sa
Rehiyon III.

1.

356
2.

3.

4.

5.

357
6.

7.

Gawain B

Pangkatang Gawain

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Magpalabunutan tungkol sa


paksang tatalakayin. Ipakita ito sa klase.

Pangkat 1

Pumili ng isang makasaysayang lugar, gusali, o bantayog na alam


ninyo na nasa inyong lalawigan. Iguhit sa isang malinis papel at gumawa
ng maikling salaysay tungkol dito. Gawing salik ang sumusunod:
Saan ito makikita?
Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga makasaysayang
lugar sa inyong lalawigan?

358
Pangkat 2
Itala sa semantic web ang isang mahalagang makasaysayang
pook sa inyong rehiyon. Lagyan ng makasaysayang lugar at sagutin ang
sumusunod na tanong sa bawat istem.

Bakit makasaysayan
Saan ito?
ito?

Makasaysayang
Lugar

Paano mo ito Bakit mahalaga


ilalarawan? ito?

Pangkat 3

News Reporting: Gumawa ng talata tungkol sa isang


makasaysayang lugar sa inyong rehiyon. Iulat ito sa klase. Gawing
salik ang sumusunod:
Saan ito makikita?
Ano ang itsura nito?
Bakit mahalaga ito sa kasaysayan?

Pangkat 4

Pagpapahalaga sa mga saksi ng kasaysayan. Sagutin ang


sumusunod at iulat sa buong klase.
Bakit mahalaga na pangalagaan ang mga makasaysayang
pook sa ating rehiyon?
Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo
ang mga makasaysayang lugar sa inyong
lalawigan?

359
Gawain C

Indibiduwal na Gawain

Gumupit ng larawan ng isa sa mga makasaysayang lugar sa


inyong lalawigan. Gamit ang larawang ito, gumawa ng isang post card.
Ang impormasyon ng post card na ito ay tumutukoy sa sumusunod na
tanong.

Ano ang makasaysayang lugar na ito?


Ano ang naiambag nito sa kasaysayan ng inyong lalawigan?
Bakit mahalagang mapangalagaan ang makasaysayang
lugar na ito?
Paano ito nakatutulong sa turismo at kabuhayan ng inyong
lalawigan?

Natutuhan Ko

Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng isa hanggang


dalawang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bakit pinapatayuan ng pananda (marker) ang isang


makasaysayang pook?

Paano mo ipakikita na pinapahalagahan mo ang mga


bantayog o makasaysayang pook ng inyong
lalawigan?

360
AralinAralin38:Kultura38:Ko,KulturaKulraMoKo,Magkaiba,KulturaMgkaparehoMo

Magkaiba, Magkapareho

Panimula

Sa nakaraang aralin, napag-alaman mo na ang mga natatanging


makasaysayang pook o lugar sa iyong lalawigan ay nagsisilbing alaala
ng kasaysayan ng iyong lugar. May mga pook din na naipakikilala ang
mga katangian ng mamamayan ng isang lalawigan.

Sa araling ito matutuhan mo na may pagkakapareho at


pagkakaiba ang iyong kultura sa ibang karatig lalawigan sa iyong
rehiyon. Magkakaroon ka rin ng karagdagang impormasyon upang
makilala mo pa ang kultura ng mga karatig lalawigan sa iyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapaglalarawan ng ilang halimbawa ng kultura ng ilang


lalawigan sa karatig na rehiyon; at

nakapaghahambing ng ilang aspekto ng kultura ng karatig na rehiyon


sa sariling kultura.

361
Alamin Mo

Rainel, alam mo ba ang


mga kaugalian at paniniwala sa mga karatig
lalawigan natin?

Hindi pa nga, Crisa. Halika sabay nating tuklasin kung kaiba nga ba ang
kanilang tradisyon kaysa sa atin.

Tuklasin Mo

Ako at Ikaw, Saan nga ba Nagkaiba?

Araw ng Lunes, magkasamang naglalakad ang magkaibigang


Julia at Kerby habang patungo sa paaralan. Masaya sila habang nag-
uusap sa bago nilang pag-aaralang leksiyon. Sa wakas ay mararating din
nila ang kanilang paaralan, ang Gapan East Integrated School. Doon nila
nakita ang kanilang mga kapuwa mag-aaral na naghihintay sa labas.

Napansin nila ang isang batang babae na nakahiwalay sa


karamihan. Nilapitan nila ito at kinausap. Ang kaniyang pangalan ay
Sophia, isang bagong lipat na mag-aaral. Nalaman nila na kalilipat
lamang ng pamilya nito ng tirahan sa kanilang lugar kung kaya’t siya
ay doon na mag-aaral. Nahihiya man ay nakipagkamay ang bagong
mag-aaral.

362
Nang walang ano-ano ay dumating ang kanilang guro na si Ginang
Mangawang.

Mga Mag-aaral: Magandang umaga po G. Herrera.


Gng. Mangawang: Magandang umaga rin naman. Halina
kayo sa ating silid-aralan.

Pumasok na rin ang mga mag-aaral sa silid-aralan. Ipinakilala ni


Gng. Mangawang ang bagong mag-aaral sa kanilang klase.

Gng. Mangawang: Mga bata may bago kayong kamag-aral siya ay


nagmula sa Rehiyon II, o sa Lambak ng Cagayan.

Tinawag ng guro si Sophia upang magpakilala at magbigay ng


impormasyon tungkol sa kaniyang sarili. Binanggit ni Sophia na Ilocano
ang kaniyang wika. May mga pagdiriwang sa kaniyang rehiyon. Isa sa
mga pagdiriwang na dinarayo ng ibang lalawigan ay ang Pista ng Our
Lady of Piat. Tuwing ika-2 ng Hulyo sa Lungsod Tuguegarao ay
nagkakaroon ng prusisyon na dinadaluhan ng maraming deboto.

Ipinagpatuloy ni Gng. Mangawang ang pagtalakay sa Rehiyon II


bilang bahagi ng kanilang aralin.

Gng. Mangawang: Ang mga Cagayanon ay matipid, matapang,


matatag, at masipag sa trabaho tulad ng mga
Tagalog sa Rehiyon
Sila ay maka-Diyos at matulungin. Mayroon din
silang mga ugaling nagbabayanihan, pakikisama,
pagtanaw

363
ng utang na loob, at mabuting pagtanggap sa mga
bisita.

Ang mga Cagayanon ay masayahin at may mga


kaugalian at paniniwala tulad ng mga Tagalog.
Halimbawa, ang pagbabasa ng pasyon kapag may patay
o burol.

Tulad naman sa mga Katagalugan, kapag may


libing, ang mga batang kaanak na maliliit ay
binubuhat at pinadadaan sa ibabaw ng kabaong. May
kaugalian din sila na iniikutan ng mga kamag-anak
ang puntod matapos masarhan ito.

Naniniwala rin ang mga Cagayanon sa mga


pamahiin tuwing may kasalan. Tulad ng mga
Tagalog, bawal din sa kanila ang isukat ang damit
pangkasal. Nagbibigay din ng dote ang lalaki sa
pamilya ng babaeng mapapangasawa niya.
Kaugalian din nila ang pagbibigay ng pamilya ng
lalaki sa mag-asawa ng baul o aparador na may
lamang kagamitan na magagamit ng mga ikakasal.
Ilan sa mga tradisyon na mayroon sila ay Pasko,
Piyesta, at Bagong Taon. Isinasagawa rin nila ang
pag-aalala sa pasyon ng Panginoong Hesukristo
tuwing Mahal na Araw. Ang pagmamano at pagsagot
ng “wen Auntie” o “wen Manang” ay katumbas din
ng paggamit ng po at opo ng mga Tagalog

364
na pagpapakita ng paggalang sa
nakatatanda.

Pagkatapos ng talakayan ay nag-iwan ng pangkatang gawain


si Gng.Mangawang. Lumapit ang mga kamag-aral nila kay Sophia
at kinausap siya upang maging kaibigan nila.

Ayon kay Gng. Mangawang, mahalagang malaman ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga rehiyon. Nagkakatulad at
nagkakaiba man ng kaugalian, paniniwala, at tradisyon subalit
nagkakaisa pa rin ang lahat sa pagpapanatili nito.

Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain
Gamit ang Venn Diagram isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng kultura ng iyong Rehiyon at sa Rehiyong II.

Kultura ng Kultura ng
aking Aming Rehiyon II
Rehiyon Pagkaka-
Pareho

365
Gawain B

Alamin ang kaugalian, natatanging pagdiriwang, at iba pang


aspekto ng kultura sa sariling lalawigan. Sa iyong pangkat pumili ng
karatig na lalawigan sa rehiyon.
Halimbawa, kung ikaw ay taga Bulacan, pumili ng alin mang lalawigan
sa Rehiyon III. Itala sa data retrieval chart ang pagkakatulad at
pagkakaiba mo sa ibang lalawigan sa iba’t ibang aspekto ng kultura na
napag-aralan na.

Aspekto ng Sariling Lalawigan Ibang Lalawigan


Kultura
Wika at
Diyalekto
Pagkain at
Produkto
Sayaw, Sining,
at iba pa
Kaugalian
Paniniwala
Tradisyon

Gawain C

Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap na


nagpapahayag ng pagpapahalaga sa sariling kultura at sa kultura ng iba.
Isulat sa isang buong papel.

366
Natutuhan Ko

Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng magkapareho kung kapareho


ang kultura ng sariling lalawigan at ng karatig na rehiyon batay sa
kuwento mula sa guro at ekis (X) naman ang kolum ng magkaiba kung
ang dalawang kultura ay magkaiba

Kultura Magkapareho Magkaiba


1. Paggamit ng po at opo
2. Pagdaraos ng religious
festival

3. Wikang ginagamit
4. Uri ng paghahanda ng
pagkain
5. Paggalang sa mga
matanda

6. Mabuting pagtanggap
sa mga bisita
7. Mga natatanging sayaw
at awit
8. Pagdiriwang ng bagong
taon
9. Klase o uri ng pamahiin

367
Aralin 39: Nakikilala Tayo sa Ating Kultura
Aralin 39: Nakikilala Tayo sa Ating Kultura

Panimula
Sa mga nakaraang aralin, marami ka ng natutuhan tungkol sa
iyong kultura. Nagkaroon ka rin ng dagdag na impormasyon tungkol sa
mga sining, pagdiriwang, mga makasaysayang lugar sa iyong
lalawigan, at iba pang kultura na nagpapakilala sa iyong lalawigan at
rehiyon.

Marahil maitatanong mo kung bakit mahalagang malaman


mo ang iyong kultura.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapaglalarawan ng sariling lalawigan sa iba’t ibang aspekto ng


kultura kagaya ng mga pagdiriwang, paniniwala, wika, tradisyon, at
iba pang kaugalian; at

nakapagpapakita ng kahalagahan ng kultura upang makilala ang


sariling lalawigan at rehiyon.

368
Alamin Mo

Saan kilala ang kinabibilangan


mong lalawigan?

Ano-anong bagay ang nagpapatanyag sa iyong lalawigan?

Tuklasin Mo

Ang Aking Kultura

Magkakaroon ng lakbay-aral ang mga mag-aaral ng Sto. Rosario


Elementary School sa araw ng Biyernes. Buong siglang ibinalita ng
kanilang guro sa Araling Panlipunan ang paglalakbay sa Malolos.

Ang mga mag-aaral ng Baitang III-Caballero ay tuwang-tuwa


sa ibinalita ng gurong si Gng. Cacho. Narito ang kanilang pag-uusap.

Maxine: Narating mo na ba ang Simbahan ng Barasoain sa Malolos?

Julia: Hindi pa nga eh, nais ko talagang makarating doon.


Sasama ka ba?

Maxine: Oo naman, gusto ko talagang sumama sa lakbay-aral natin.

Julia: Kung ganun, magpaalam na tayo sa ating mga magulang


para makasama.

Maxine: Oo nga. Halika na sabay na tayong umuwi.

369
Dumating ang araw ng Biyernes. Lahat ay masayang naghihintay
sa bus na kanilang sasakyan. Maging sina Julia at Lito ay hindi
makapaniwalang makakasama sila.

Habang naglalakbay, nakita nila ang Simbahan ng Parokya ni


San Jose, sa San Jose del Monte. Isa ito sa mga
simbahang naitayo noong unang panahon, gayon din ang Simbahan ng
Imaculada Concepcion sa Sta. Maria, dito rin
nila nakita ang napakaraming panindang chicharon na nagpasikat sa
Sta. Maria. Mga bilihan naman ng fireworks
ang nadaanan nila sa Bocaue. Dumaan sila sa North Luzon Expressway
(NLEX), noon lamang sila nadaan sa malapad na daang ito na kay
bibilis ng mga sasakyan.

Mga pamilihan naman ng magagandang halaman ang kanilang


nakita paglabas ng expressway sa Guiguinto.
Nadaanan din nila ang mga bilihan ng sukang paombong sa gilid ng
daan papuntang Malolos. Pati na ang mga bilihan ng masarap na inipit
at ensaymada ng Malolos. Narating din nila sa wakas ang kanilang
destinasyon.

Julia: Narito na tayo sa Barasoain. Ito mismo ang nakikita natin sa


mga larawan na itsura ng simbahan.

Maxine: Oo nga! Di tayo nagkamali sa pagsama.


Julia: Halika, sundan natin sila sa loob.

Nadaanan din nila ang Casa Real na ginamit bilang bahay


palimbagan noong panahon ng Espanyol, na ngayon ay ginawang
museo kung saan nakalagak ang
mga nalalabi pang memorabilya ng kasaysayan. Nakita rin nila ang
Bahay ng Kamistisuhan na siyang nagpapakita ng
tipikal na mga gusali noong panahon ng Espanyol. Namangha sina
Julia at Lito sa kanilang nakita. Tunay na mayaman ang kultura ng
Bulacan, mula sa pagkain,

370
kasaysayan, mga likhang sining bukod pa sa mga taong naging
tanyag sa kani-kanilang panahon.

Julia: Ano kaya ang naitututulong ng kultura sa ating


lalawigan?

Maxine: Dito nasasalamin kung anong uri ng mga tao ang nakatira
rito, ano-ano ang kanilang kakayahan at paano sila
nakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa. Ito rin ang
nagpapakilala sa ating lalawigan.

Julia: Oo nga Maxine. Nakikilala tayo dahil sa magagandang


katangian natin at sining. Sana huwag silang mawala.

Maxine: Ayon sa nakita at nabasa ko nakatutulong din ito upang


mapanatili natin ang ating ugnayan sa ating mga ninuno at
sa hinaharap. Nagiging daan din ito upang mapaunlad natin
ang ating pamumuhay.

Julia: Tama ka dyan Maxine. Ako rin, nalaman ko na malaki


ang ginagampanang papel ng kultura natin sa turismo.
Nakikilala tayo sa ating kagalingan at pagpapahalaga sa
ating pagka-Pilipino.

Maxine: Tumpak! Ayun, mukhang paalis na ang bus natin. Halika


na baka maiwan tayo!

371
Sagutin ang sumunod na tanong:

Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng produkto,


pagdiriwang, o lugar. Ano-ano kaya sa mga larawang ito ang
makikita sa Bulacan?

Isang Uri ng Tinapay Pastillas

Chicharon Sukang Paombong

Mansiyon Mga Paputok

372
Simbahan ng Barasoain Simbahan ng Sta. Monica

Domorokdok Festival Mango Festival

Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Pumili ng isa sa mga pagdiriwang sa iyong lalawigan. Gumawa ng


isang poster ukol dito at sabihin sa klase kung
bakit ito ang iyong napili.

373
Gawain B

Pangkatang Gawain

Isipin ang mga bagay na nagpapatanyag sa sariling lalawigan.


Buoin ang semantic web tungkol sa kultura ng
inyong lalawigan at iulat sa klase.

Mga kilalang Mga kilalang


Pagdiriwang Produkto

Lalawigan
ng
____________

Mga kilalang Mga kilalang


Katangian Pagkain
ng mga Tao

Gawain C

Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakilala at nagpapahalaga


ng sariling lalawigan. Isulat ito sa isang buong papel

374
Natutuhan Ko

Isulat ang tsek (√) kung ang sumusunod ay tumutukoy sa papel na


ginagampanan ng kultura ng lalawigan at rehiyon at ekis (X) kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paglago ng turismo sa lalawigan o rehiyon.


Paglaganap ng krimen at kaguluhan.
Pagtaas ng antas ng kalagayan ng pamumuhay.
Pagdami ng problema sa kapaligiran.

Napapanatili ang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon.

Nakikilala ang angking katalinuhan at katangian ng mga mamamayan.


Pagkaunti ng kabuhayan at kita ng lalawigan at rehiyon.
Pagdami ng tiwali o di tamang gawain sa pamahalaan.

Pagkakaroon ng ugnayan ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon.


Pagdating ng kalamidad at kahirapan.

375
Aralin 40: MgaAralinPngkat40:ng MgaTaosaLalPangkatwigantRehiyon,ngTaoIgagalang Ko
sa Lalawigan at Rehiyon, Igagalang Ko

Panimula

Sa mga nakaraang aralin nadagdagan ka ng kaalaman sa mga


pangkat ng taong nakatira sa inyong lalawigan. Bagama’t magkaiba ang
kanilang mga itsura at katangian, silang lahat ay kasapi ng
kinabibilangang lalawigan.

Sa araling ito, marapat na palalimin mo pa ang pagkakaunawa sa


mga pangkat ng tao na kabilang sa lalawigang kinabibilangan. Ito ay
makikita sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng bawat
pangkat sa isa’t isa.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapaglalarawan ng pagtulong sa iba’t ibang pangkat ng


mga tao sa mga lalawigan ng kinabibilangang rehiyon; at

nakapagpapakita ng pagpapahalaga ng iba’t ibang pangkat ng mga


tao sa mga lalawigan ng kinabibilangang rehiyon.

376
Alamin Mo

Paano mo ipakikita ang


paggalang mo sa mga iba’t
ibang pangkat ng tao sa iyong
lalawigan?

Tuklasin Mo

Naranasan mo na bang layuan ka ng mga kaklase mo dahil


kakaiba ka? Naranasan mo na ba ang matukso o hamakin dahil hindi ka
nila kapareho? Paano mo itinuturing ang mga bata o kamag-aral na
naiiba sa kinabibilangan mong pangkat?

Si Isabelita ang Batang Dumagat

Si Isabelita ay isang batang Dumagat mula sa lahi ng mga Aeta.


Siya ay may maitim na kulay ng balat, makapal na labi, at kulot na
buhok. Nasa Ikatlong Baitang siya sa Paaralang Elementarya ng San
Roque. Lagi siyang tinutukso ng mga kamag-aral niya dahil siya ay
naiiba.

Halos nahihirapan si Isabelita sa pag-aaral dahil palagi siyang


nilalayuan ng kanyang mga kaklase at ayaw makipagkaibigan sa kanya.
Matalinong bata si Anita ngunit para sa kaniya ay hadlang ang kaniyang
lahi para makatapos sa pag-aaral upang maabot ang kanyang

377
pangarap sa buhay. Palagi siyang umiiyak dahil tinatawag siyang maitim
at kulot. Pagdating sa bahay ay kinakausap siya ng kaniyang mga
magulang na huwag ng pansinin ang sinasabi ng kanyang mga kamag-
aral. Dahil ang tunay na kabutihan ay wala sa panlabas na kaanyuan
kundi nasa panloob na anyo.

Sinusunod ni Isabelita ang bilin ng kanyang mga magulang


ngunit patuloy pa rin siyang tinutukso. Palagi niyang iniisip kung
bakit naging kakaiba siya.

Nalaman ni Gng. Ventura, guro sa Ikatlong Baitang ang


problema ni Isabelita kung kaya gumawa siya ng paraan. Sa kanyang
pagtuturo ay tinalakay niya ang mga bayaning katutubo na nagtanggol
sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga dayuhan. Tinalakay
din niya ang mga katutubong nagtugampay sa buhay at ngayon ay may
malaking ambag sa pag-unlad ng lalawigan. Sa bandang huli ay
tinalakay niya na ang mga Pilipino ay nasa iisang bansa na sama-
samang nabubuhay, nagtutulungan, at nagmamahalan magkakaiba man
ang kinabibilangang pangkat.

378
Dahil dito ay iminungkahi ni Gng. Ventura na hindi dapat
tuksuhin ang ibang tao na kabilang sa ibang pangkat. Sinabi rin
niya na hindi hadlang ang anumang anyo o katayuan para
magtagumpay. Ang mahalaga mayroon kang determinasyon para
magawa ang mga bagay na mapagtatagumpayan mo.

Naantig ang mga kamag-aral ni Isabelita sa narinig na kuwento ng


kanilang guro. Mula noong araw na iyon ay hindi na tinukso si Isabelita,
bagkus naging magkakalaro na silang lahat. Nagkaroon ng maraming
kaibigan si Isabelita.

Nakapagtapos siya sa elementarya nang may mataas na


karangalan.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ano ang dahilan ng panunukso kay Isabelita?

Ano ang naging payo ng mga magulang ni Isabelita sa problema niya?

Paano tinugunan ni Gng. Ventura ang naging problema ni Isabelita?

379
Paano tumugon ang mga kamag-aral ni Isabelita sa paliwanag ni
Gng. Ventura?

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong kamag-aral na


nabibilang sa ibang pangkat?

Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain
Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Iguhit ang

masayang mukha kung ang pahayag ay nagpapakita ng tamang

gawain. Lagyan naman ng malungkot na mukha kung hindi.
Gawin sa sagutang papel.

Tinutulungan ang kapwa kamag-aral sa ibang gawain.


Nakikipaglaro sa lahat ng mga kamag-aral anuman ang kinabibilangan
pangkat.
Iniiwasan ang kamag-aral na naiiba ang itsura sa tuwing sila ay
maglalaro.
Namimili ng mga batang maaaring kaibiganin sa paaralan.
Nakikihalubilo sa mga guro at kaklase sa mga gawain sa eskuwelahan.
Tinatangkilik ang mga produktong gawa ng mga katutubong
pangkat.

380
Pinagtatawanan ang mga katutubo dahil sa mga suot nitong
katutubong kasuotan.
Pagtawanan ang mga Mangyan dahil sa mga suot nitong
katutubong kasuotan.
Pabayaan lang ang kaklaseng Agta na hindi naghuhugas
ng kamay bago kumain.
Magsasabi sa mga kaklase na nandidiri siya sa mga batang
Mangyan dahil hindi naliligo ang mga ito.

Gawain B

Pangkatang Gawain

Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ipakita sa pamamagitan ng


pagsasadula ang mga bagay na dapat gawin sa mga sitwasyon.

Pangkat 1
Naglalakad kayo ng mga kaibigan mo sa parang nang may
makita kayong isang batang dayuhan na nadapa at nagkasugat sa
paa.

Pangkat 2
Sa loob ng inyong silid, nahihirapang bumasa ng Filipino ang
kaklase mo sapagkat siya ay Cebuano. Hindi rin siya makapagsalita
ng tuwid sa Tagalog.

381
Pangkat 3

Naglalaro kayong magkakaklase. Bilang lider kailangan


mong turuan ng patakaran sa laro ang iyong bagong kaklaseng
Mangyan.

Gabay sa Pagsasagawa ng Dula

Batayan 5 4 3 2 1
Malinaw at maayos ang pagsasadula.

Nagpapakita ang bawat miyembro ng pakikiisa


bago, habang, at pagkatapos ng pagsasadula.
Gumamit ang pangkat ng kakaibang istilo at mga
kagamitan sa pagsasadula.
Maganda ang kahulugan ng dula at kinakikitaan
ng giliw ang pangkat.

Gawain C

Gumawa ng isang journal na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa


mga katutubo. Isulat ito sa isang malinis na papel.

382
Natutuhan Ko

Unawain ang bawat sitwasyon. Sumulat ng dalawang


pangungusap kung ano ang dapat gawin sa bawat sitwasyon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Kumakain ka ng makita mo ang iyong kaklase na katutubo na


walang baong pagkain.

Bago ang guro ninyo sa asignaturang Agham, matigas siyang


magsalita ng English at Filipino. Dahil dito lihim siyang
pinagtatawanan ng mga kaklase mo.

Nabalitaan mong ang iyong kaklase ay nasalanta ng kalamidad.


Dahil dito ay naubos ang kanilang mga kagamitan.

Nakikisabay sa pag- uwi mo ang iyong kaklaseng Dumagat.

Nakita mong umiiyak ang iyong kaklse dahil sa siya ay tinutukso.

383
AralinAralin41:Sining41:Mo,SiningPahalagahanMo,PahalagahanMo:MgaSiningngLalawiganMo:

Mga Sining ng Lalawigan

Panimula
Sa nakaraang aralin, natalakay na ang sining tulad ng tula, awit, at
sayaw ay ang may pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan. Sa
mundo na ating ginagalawan, maraming pagpapaliwanag ang
ipinahahayag tungkol sa sining, may kani-kaniyang pagkaunawa at
nadarama tungkol dito.

Sa araling ito, kikilalanin mo ang mga uri ng sining na


nagpapakilala sa iyong lalawigan at maging sa rehiyon. Aalamin mo
pa ang iba pang mga tula, sayaw, at awiting nagpapatanyag sa iyong
lalawigan.

Tatalakayin din dito ang mga paraan ng pagpapahalaga sa


pamamagitan ng pakikilahok at pagsusulong sa mga gawang sining
ng iyong lalawigan.

Ang bawat lalawigan sa ating rehiyon ay may kaniya-kaniyang


gawang sining na ipinagmamalaki. Ito ay maaaring sayaw, awit, o mga
tula na sadyang likha ng lalawigan o rehiyon. At upang ito ay higit na
mapaunlad at makilala rin ng ibang lugar, marapat lamang na
tangkilikin at palaganapin ito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagsasabi ng ilang sining mula sa iba’t ibang lalawigan


tulad ng tula, awit, at sayaw; at

384
nakapaglalahad ng mga paraan upang mapahalagahan at
maisulong ang pag-unlad ng sining mula sa iba’t ibang
lalawigan.

Alamin Mo

Pamilyar ka ba sa mga tanyag na


sining sa iyong lalawigan?

Paano mo mapahahalagahan ang


mga kilalang sining ng iyong
lalawigan?

Tuklasin Mo

Ang mga tao sa lalawigan ng Bulacan ay bihasa sa paggamit ng


purong wikang Tagalog. Ang bantog na Balagtasan ay gumagamit ng
wikang Tagalog. Ang Balagtasan ay isang uri ng debate na may tagisan
ng talino sa isang paksa sa paraang patula. Halimbawa ng paksa: “Alin
ang mahalaga, Karunungan o Kayamanan?” Ang paksa ng Balagtasan ay
maaaring nakasentro sa pgpapahalaga sa kultura. Kadalasan ito ay
makikita sa mga tanghalan tuwing may pagdiriwang sa mga paaralan at
sa mga bayan ng mga lalawigan sa Rehiyon III.

Ang Rehiyong III ay may iba-iba ding mga katutubong awit at


sayaw na itinatanghal sa mga pagdiriwang ng kapistahan at sa mga
paaralan na nagmula sa iba-ibang lalawigan gaya ng Bataan, Bulacan,
Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales. Ang mga sayaw na ito ay
nais na mapanatili kaya patuloy itong itinatanghal sa mga paaralan at sa
komunidad kung may mga pagdiriwang.

385
Ang halimbawa ng mga sayaw ay ang Culebra, Basulto, Habanera
Botolena, Himig sa Nayon, Saway Panasahan at marami pang iba.

Sa kabilang banda marami ring mga pagdiriwang ang


napapalooban ng mga makukulay na sining sa Rehiyon.

Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari


hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa
krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong
apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya’y sa bakuran ng
simbahan. Sa katunayan ang lalawigan ng Pampanga ay nagsasagawa ng
pagpapalabas ng senakulo na kung saan ay taon-taon nila itong
ipinapalabas bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng Mahal na Araw at
paggunita sa buhay ng Poong Hesukristo.

386
Painting Festival ng Tarlac
Pinaunlad sa
lalawigan ng
Tarlac ang
tinatawag na Painting
Festival na
naglalarawan ng iba’t
ibang anyo ng
kasaysayan ng
kapaligiran.
Ang pagguhit sa larawan ay isang paraan upang maipabatid
ang ibig ipakahulugan ng alagad ng sining hindi sa pamamagitan
ng salita lamang.

Ang paligsahan sa pagguhit ay nilalahukan ng mga mag-aaral


sa kolehiyo na naging atraksiyon sa mga mamamayan at ilang
dumarayong mga turista.

Narito naman ang ilang halimbawa ng mga awitin ng iba-ibang


lalawigan.

Kundiman ng Bulacan

Sa Dilim Ng Gabi

Sa dilim ng gabi, mapanglaw ang buhay


Tinatawagan ka irog ikaw ba’y nasaan?
Sadian? Nasaan ka irog? Nasaan ka buhay ko
At natitiis mo sa gitna ng lagim
Manong maawa ka sa nahihirapan
At mamamatay na hirang ikaw ang dahilan.

387
Awiting Bayan ng Pampanga
Atin Cu Pung Singsing
Atin cu pung singsing
Metung yang timpucan
amana que iti
Quing indung ibatan
Sangcan queng sininup
Quing metung a caban
Me wala ya iti
Ecu camalayan
Ing sucal ning lub cu
Susucdul quing banua
Mi curus cung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manaquit
Quing singsing cung mana
Calulung pusu cu
Manginu ya kaya.

Awiting Bayan ng Zambales


Hay Ka-Ilangan Nin Mitata-Anak
Hay ka-ilangan nin mitata-anak
Bali ya maganda
Ginawa ni tatay
Pinalibutan, alal kawayan
Tinam-nan masitas, tinam-nan et golay
No mahilem hana, anti na hi tatay
Ampanandale ibat ha paliyan
Hiko boy hi kaka, ibat nag-aaral
Homakbat hi nanawy, bibi na hi totoy.

388
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Paano ipinakikita ng mga taga lalawigan sa Rehiyon III ang kanilang


sining? Saan ito nagmula? Ano ang layunin nito?
Sa palagay mo, paano ipinakikilala ng inyong lalawigan ang mga
tradisyong sining na nabanggit?
Dapat ba nating pahalagahan ang mga sining na ito ng sariling
lalawigan? Bakit?
Bilang isang mag-aaral sa Ikatlong Baitang, may
magagawa ka na ba upang mapaunlad ang mga sining na ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

5.
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Gumawa ng isang islogan na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa


sining ng iyong rehiyon. Isulat ito sa isang buong bond paper.

Gawain B

Pangkatang Gawain

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay


magsasaliksik at magtatanghal ng isang sikat na awitin, tula, sayaw, at
likhang sining ng sariling lalawigan o rehiyon. Maaaring gumamit ng
likhang sining ng ibang lugar kung hindi alam o wala nito sa sariling
lalawigan.

389
Pangkat I – Awit
Pangkat II – Tula
Pangkat III – Sayaw
Pangkat IV – Ibang Likhang Sining

Gawain C

Kung ikaw ang tatanungin, aling likhang sining ng inyong


lalawigan o rehiyon ang nais mong mapanatili at matutunan o
makita ng susunod na henerasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Natutuhan Ko

Unawain, sagutin, at ipaliwanag ang sumusunod na sitwasyon.


Sumulat ng maikling talata tungkol dito. Isulat ang talata sa sagutang
papel.

Niyaya ka ng iyong kaibigan sa kanilang lugar upang manood ng


patimpalak sa pag-awit. Hindi mo ito masyadong naunawaan
sapagkat katutubong wika nila
ang ginamit. Paano mo ipakikita sa kaibigan mo na
pinahahalagahan mo ang kanilang palabas?

Nanood kayo ng mga barkada mo ng palabas sa plasa tungkol sa iba’t


ibang sayaw. Nakita mo ang iyong
kaklase na tinutukso at pinagtatawanan ang isang
mananayaw. Ano ang gagawin mo?

390
Aralin 42:AralinMgaKaugalian,42:MgaPniniwala,Kaugalian,tTrdisyonPaniniwala,ngmgaLlawigan sa
ng
at Tradisyon mga Lalawigan
Ati g Rehiyon
sa Ating Rehiyon

Panimula

Ang bawat lalawigan sa isang rehiyon ay may iba’t ibang


paniniwala, kaugalian, at tradisyon na ipinamana ng ating mga ninuno na
nakabatay sa kanilang sariling kultura. Ang mga ito ay kinagawian na
bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa. Mahalaga ito sa
isang lugar sapagkat ito ang sumasalamin at kumakatawan sa kanilang
kultura. Ito rin ay may kaugnayan sa kanilang pananampalataya.

Ang pagdaraos ng mga kapistahan ay nagsimula sa mga ritwal


at seremonya ukol sa mga espiritu at diyos-diyosan noong unang
panahon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga natatanging kaugalian, paniniwala, at


tradisyon sa sariling lalawigan at iba pang lugar sa rehiyon;
at

nakapagpapakita ng iba’t ibang sining at pagmamalaki sa


mga natatanging kaugalian, paniniwala, tradisyon sa
sariling lalawigan at iba pang lugar sa rehiyon.

391
Alamin Mo

Ano-ano ang Dapat mo


paniniwala,
ba itong
tradisyon, at
ipagmalaki?
kaugalian sa
Bakit? Paano
inyong lalawigan?
mo ito
Ginagawa ba ito
pahahalaga
sa buong
han?
rehiyon?

Tuklasin Mo

Magkakapareho ba o magkakaiba sa kultura ang inyong


rehiyon? Lakbayin natin at alamin.

Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura. Magkakaiba ang mga


kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining, at produkto na makikita sa
bawat rehiyon ng bansa. Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng kultura na
minana pa sa kanilang mga ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay ating
pa ring nakikita. Ang mga ito ay patuloy pa ring pinagyayaman ng bawat
lalawigan ng rehiyon. Narito ang isa sa mga rehiyon na mayroong
mayamang kultura.

Ang Rehiyon III na binubuo ng pitong lalawigan ay may kani-


kaniyang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyong pagkakakilanlan.

Karamihan sa mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ay


nakabatay sa kanilang pananampalataya na

392
isinasagawa sa pamamagitan ng nakagisnang mga ritwal at seremonya
tulad ng sa sumusunod:

Panganganak ng Ina
Ibinabaon ang inunan ng sanggol na isinilang kasama ang isang estampita
at karayom. Ayon sa matatandang paniniwala may kapangyarihan
ang sagradong larawan sa estampita na ang kapangyarihan nito ay
ang bantayan ang inunan laban sa anumang
kapahamakan.

Kapag inilalabas naman ang mga sanggol nilalagyan


sila sa noo ng kapirasong sinulid na may laway.
Pag-iibigan ng Dalaga at Binata
Noon pa man hanggang sa kasalukuyan ay nagaganap pa rin ang
paghaharana upang maipahayag ng binata ang kaniyang
pagsinta sa dalaga.
Isang matandang kaugalian din ang pagsubok sa pag-
ibig sa pamamagitan ng paninilbihan.
Paglilibing sa Namatay na Kaanak
Ibinuburol muna ang bangkay at nagkakaroon ng lamayan.
Tuwing lamayan hindi maaaring maglinis, magwalis,
magprito ng mga pagkain, at maghatid palabas ng mga
nakikiramay.
Sa libingan, ihahakbang muna sa ibabaw ng kabaong
ang mga batang maliliit bago ipasok sa nitso ang bangkay at
gagawin ang ritwal na tinatawag na dapit.

393
Ilang pang mga kaugalian sa bawat lalawigan.

Bulacan

Ang Pandanggo kay Santa Clara na tinaguriang sayaw ng


lalawigan ay karaniwang sinasayaw naman ng mga kababaihan sa Obando
Fertility Rites, isang katangi-tanging tradisyong Katoliko na dinadaluhan ng
mga mag-asawang humihiling na magkaroon ng anak kay Santa Clara.

Ang Sayaw sa Obando ay isang pasayaw na pagdiriwang ng mga


Pilipinong isinasagawa sa Obando, Bulacan sa pangunguna ng
Obandenyo. Bawat taon, sa buwan ng Mayo, sa saliw ng tugtugin ng
mga instrumentong yari sa kawayan, nagsusuot ang mga kalalakihan,
kababaihan, at mga kabataan ng Obando ng mga tradisyunal na kasuotan
upang sumayaw sa kalsada at sinusundan ng mga wangis ng kanilang
mga pinipintakasing santo. Sila San Pascual Baylon, Santa Clara, at
Nuestra Señora de Salambao (Ang Senyora ng Salambaw), habang
umaawit ng kantang Santa Clara Pinong-Pino.

394
Dinarayo ang pagdiriwang ng mga turista mula sa iba’t ibang
panig ng Pilipinas at maging ng mga taga-ibang bansa na karamihan ay
humihiling ng anak na lalaki o babae mula sa mga patrong santo.
Nagsasayaw silang lahat bilang isang panatang prusisyon at paniniwala
upang pumasok sa sinapupunan ng mga kababaihan ang espiritu ng
buhay.

Ginaganap ang kapistahan ng sayaw sa sunud-sunod na tatlong


araw ng ika-14 ng Mayo. Karaniwang nag-uumpisa ang pista sa umaga
ng Mayo 17, sa pagmimisa ng kura paroko.

Pagkaraan, magkakaroon ng isang prusisyon para sa tatlong


santo. Na sinusundan ng pagsasayaw ng mga deboto at musikong
bumbong. Magpapatuloy ito ng tatlong araw na pangungunahan
naman ng mga poon.

Nueva Ecija

Taong Putik Festival

Ang Taong Putik Festival ay pagdiriwang na nagmula sa bayan


ng Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija kung saan ito ay
dinarayo ng mga deboto ni San Juan Bautista. Tinatawag din itong Pag-
sa-San Juan bilang parangal sa kanilang

395
patron na si San Juan. Nagaganap ito tuwing ika-24 ng Hunyo.

Sinasabing nagsimula ang ritwal nang dalhin ang patron sa


barangay ng mga unang nanirahan doon upang itaboy ang uri ng
makamandag na ahas palayo sa kanilang nayon. Ang Bibiclat na
pangalang ngayon ng lugar ay nagmula sa salitang biclat na ibig sabihin
ay ahas.

May isa pang alamat na nagsasabing nagsimula ang pagdiriwang


noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Binihag
ang mga lalaki ng nayon bilang paghihiganti sa pagkamatay ng
labintatlong sundalong Hapones. Biglang umulan at kinailangang
isilong ang mga bihag sa isang simbahan, noon ay nagpasya ang isang
sundalong bumihag sa kanila na palayain ang mga bihag.

Simula noon, pinaniwalaan nila na ang naganap ay isang milagro


sa tulong ni San Juan Bautista. Kaya bilang parangal at pasasalamat ay
nagsusuot sila ng katulad ng damit ng patron na ginagamitan naman nila
ng mga bagay mula sa mga katutubong materyales sa paligid tulad ng
putik at tuyong dahon ng saging.

Naglalakad sila sa mga lansangan at kumakatok sa mga bahay


upang humingi ng limos o kandila para ialay kay San Juan Bautista
bilang pasasalamat.

396
Bulacan
Carabao Festival

Bukod sa
Singkaban, kilala rin at
dinarayo ang
Kapistahan ng Kalabaw o
Carabao Festival sa
Pulilan, Bulacan tuwing
ikalabing-apat hanggang
ikalabinlima
ng Mayo na nagtatampok sa pambansang hayop bilang bida ng
pagdiriwang at sagisag din ng kasipagan ng mga Bulakenyo.
Ginagayakan ang mga kalabaw ng makukulay na kasuotan, palamuti, at
kinagigiliwan din ang tradisyunal na pagluhod ng mga ito sa utos ng
kanilang amo. Ito ay parangal din at pasasalamat sa Patron San Isidro
Labrador para sa masaganang an

Bataan

Galunggong Festival

Isa pa sa mga kaugalian ng Bataan ang pagdiriwang ng


Galunggong Festival sa Morong. Ipinagmamalaki rito ang kanilang
masaganang huli at iba’t ibang paraan ng

397
pagluluto ng galunggong. Ito rin ay isang paraan upang maipakita
ang kahalagahan ng mga mangingisda sa lalawigan.

Pampanga
Sinukwan Festival

Ang Sinukwan Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing


ika-1 hanggang ika-9 ng Disyembre sa San Fernando, Pampanga. Unang
ipinagdiwang ang Sinukwan Festival noong taong 1998 na dinaluhan ng
labingtatlong bayan sa Pampanga. Taon-taon ay isinasaayos ng Save
Pampanga Movement ang nasabing pagdiriwang, na ginagawa bilang pag-
alala kay Aring Sinukwan, diyos ng mga Kapampangan noong unang
panahon. Nagsimula ang pagdiriwang bilang isang paraan upang mapag-isa
ang mga kumunidad sa nasabing lalawigan. Naging bahagi ang Sinukwan
Festival ng pagdiriwang ng Pampanga Day at maihahalintulad sa mga

398
pagdiriwang sa ibang probinsya tulad ng Sinulog, Maskara at Bonok-
bonok. Binubuo ito ng isang linggong pagdiriwang na kinatatampukan
ng isang malaking sayawan sa kalye. Bawat bayan sa lungsod ng San
Fernando ay mayroong kani-kanilang mga grupo na kalahok sa nasabing
kumpetisyon.

Duman Festival

Kilala ang mga Kapampangan sa kanilang galing sa pagluluto.


Sinasabing ang Kapampangan ang nangunguna at pinakadalisay sa mga
lutuing Pilipino. Ang Pampanga ang tinaguriang sentrong kulinari ng
Pilipinas. Isa sa mga
kilalang kakanin nila ay ang duman. Sa Sta. Rita, Pampanga
ipinagdiriwang ang Duman Festival tuwing Disyembre. Ito ay
nagsimula noong 2002. Ang duman ay kulay berdeng kakanin at
gawa sa glutinous rice o lacatan.

399
Nueva Ecija

Pagibang Damara Festival

Daang taon na ang nakararaan, uso rito sa Gitnang Luzon ang


pagtatayo ng damara sa isang bahagi ng palayan bilang silungan ng mga
nagtatanim sa bukid. Hindi ito inaalis hanggang sa anihan. Matapos
maiuwi ang lahat ng inaning palay at mailagay sa kamalig tsaka pa
lamang gigibain ang damara at magsisimula naman ang selebrasyon
bilang pasasalamat sa masaganang ani.

Kasalukuyan, ang selebrasyon ng Pagibang Damara ay


ginaganap sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Tulong-
tulong sila sa paghahanda, bawat isa’y may kontribusyon sa ikagaganda
at ikasasaya ng selebrasyon.

Ang Pagibang Damara Festival ay sinimulan sa San Jose City


noong 1999. Nagkakaroon sila ng Street Dancing, Beauty Contest, at
mga Cultural Show.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ano-anong lalawigan ang tinalakay sa teksto?


Anong rehiyon ang may sakop nito?
Ano-anong tradisyon at kaugalian ng mga lalawigang ito ang
natutuhan mo?
May kabutihan bang naidudulot ang tradisyon at gawaing ito
sa lalawigan?
Mahalaga ba sa kanila ang gawaing ito? Bakit?
Bilang bahagi ng lalawigan at isang mag-aaral, paano
mo mapahahalagahan ang mga kaugalian at tradisyon ninyo?

400
Gawin Mo

Gawain A
Indibiduwal na Gawain

Magsagawa ng piping palabas na nagpapakita ng paniniwala,


tradisyon, at kaugalian ng Rehiyon III. Gamitin ang larong Charades o
It’s More Fun in the Philippines.
Panuto:
Bumunot ng tig-isang binilot na papel mula sa tatlong kahon.
Kahon 1 – Kaugalian Kahon 2 – Tradisyon Kahon 3 –
Paniniwala
Isagawa ang nakasulat sa nabunot na papel.
Sa loob ng isang minuto, pahulaan ito sa klase sa
pamamagitan ng character charades.
Sa itinakdang oras lamang maaaring hulaan ang nakasulat sa nabunot na
papel. Kung lumampas sa isang minuto, ang kabilang grupo naman
ang bibigyan ng pagkakataon manghula.
Ang makahuhula ay bibigyan ng puntos. Ang pangkat na may
pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo.

Gawain B

Pangkatang Gawain

Maraming kaugalian, tradisyon, at mga pagdiriwang ang iba’t


ibang lalawigan ng Rehiyon III. Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan
ang isang tanyag na pagdiriwang sa lalawigan na itinakda sa bawat
pangkat.

401
Iuulat ng pangkat sa klase ang tungkol sa pagdiriwang na ito.
Pangkat 1-___________________________________________
Pangkat 2-___________________________________________
Pangkat 3-___________________________________________

Gawain C

Indibiduwal na Gawain

Gumawa ng likhang-sining na ipinakikita ang pagmamalaki sa


natatanging kaugalian, tradisyon, at paniniwala sa inyong rehiyon.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagguhit, pagtula, pag-awit, o pagsulat
ng maikling talata tungkol dito.

Natutuhan Ko

Isulat sa talaan ang mga hinihinging impormasyon. Magbigay ng mga


paraang sining upang maipagmalaki ang sumusunod na aspekto ng
kultura sa inyong rehiyon.

Kaugalian Tradisyon Paniniwala

Sa tulong ng iyong mga kasama sa bahay, magsaliksik tungkol sa


tradisyon, kaugalian, at paniniwala ng iyong bayan o lalawigan.

402
AralinAralin43: Mga43:KatawMgaganKatawagansaIba’tibangLayonsa Iba’tngAtingibangRehiyon

Layon ng Ating Rehiyon

Panimula
L
Sinasabing ang mga Pilipino ay likas na magalang, malambing,
masipag, matulungin, at magiliw sa pagtanggap sa mga bisita. Ilan
lamang ito sa mga katangian ng Pilipino na hinahangaan ng mga
dayuhan. Masasalamin ito sa bawat kulturang mayroon ang bawat isa at
bawat lugar sa ating bansa.

Makikita rin ito sa ating pakikisalamuha. Kasama sa mga


katangian natin ang paggamit ng mga katawagan sa ating pakikipag-
usap sa ating pamilya at sa ating kapwa. Ang mga katawagang ito ay
ginagamit sa iba’t ibang wika ayon sa lalawigan o rehiyong
kinabibilangan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagbibigay ng iba’t ibang katawagan sa kinabibilangang


rehiyon; at

nagagamit ang mga katawagang ito ng rehiyon sa iba’t ibang layon.

403
Alamin Mo

Paano ka Mga ate! Mga kuya!


nakikipag-usap Halina na po kayo.
sa mga Puwede po bang
samahan ninyo kami sa
nakatatanda?
aming pag-aaral?

Tuklasin Mo

Mga Katawagan sa Iba’t ibang Layon

Ang wikang Tagalog ay sadyang nagpapakilala ng likas na ugali


nating mga Pilipino at iyon ay ang paggalang sa mga nakatatanda sa atin.
Napapansin ba ninyo na ang bawat isa sa atin ay gumagamit ng mga
katawagan sa pakikipag-usap? Ito ay pagpapakita ng paggalang sa ating
kapwa. Ang mga katawagang ito ay nauuri sa tatlo.

Ang unang katawagan ay ang magagalang na salitang ginagamit


sa pakikipag-usap sa mga matatanda. Ang mga halimbawa nito ay ang
paggamit ng kuya o ate sa nakatatandang kapatid. Ang pagbati ng
“magandang umaga”, “magandang gabi”, at iba pa ay kabilang din sa
uring ito.

404
Ang pangalawang katawagan ay ayon sa paghingi
ng paumanhin at pasasalamat. Ang mga pariralang
“pasensiya po”, “patawad po”, “paumanhin po”, ay mga
salita sa paghingi ng paumanhin samantalang ang mga
salitang “maraming salamat po” ay tanda ng pasasalamat.

Ang ikatlong katawagan ay ayon naman sa paghingi ng pahintulot.


Kabilang sa mga pariralang ito ang “maaari po ba”, “puwede po ba”, at
iba pa. Maaari ding gamitin ang mga katawagang ito sa paglalambing at
pagturing sa ating mga kaibigan, mahal sa buhay, at sa iba pa. Ang mga
katawagang ito ay magagamit sa pakikitungo at pakikisama sa ating
kapwa. Ipinapakita nito ang pagpapahalaga sa ating kinagisnang pag-
uugali noon pa man.

405
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Sa wikang Filipino, ano-ano ang uri ng mga


katawagang ginagamit natin sa iba’t ibang layon?

Anong ugaling Pilipino ang ipinakikita sa paggamit ng mga salitang


ito?

Ano-anong mga salitang paglalambing ang ginagamit sa inyong


lalawigan?

Ano ang iba pang mga salitang katawagan maliban sa mga napag-
usapan natin? Ano ang mga ito?

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga katawagang ito?

406
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Magtala ng iba pang mga salitang katawagan na ginagamit sa


inyong lugar. Gamitin ito sa pangungusap. Tukuyin ang layon ng
mga ito. (Maaaring gamitin ang sariling wika.)

Halimbawa:

Salita Pangungusap Layunin


Po Pabili po ng tatlong Paghingi ng
pirasong tinapay. Pahintulot
Maaari po bang ilagay sa
supot?
Gawain B

Indibiduwal na Gawain

Basahin at unawain mabuti ang sitwasyon. Sumulat ng maikling


pangungusap tungkol sa iyong saloobin. Gawin ito sa sagutang papel.

Dumating ang iyong pinsan na matagal nang naninirahan sa ibang


bansa upang magbakasyon dito sa Pilipinas. Napansin mo sa kaniyang
pakikipag-uusap na bagama’t hindi siya bihasa sa pagsasalita ng Tagalog
ay sinisikap niyang gawin ito. Isang araw, narinig mong kausap niya ang
inyong Tiyo Manuel at hindi siya gumagamit ng “po” at “opo” o
nakikisuyo man lamang kung may gustong ipagawa. Sa halip ay “oo” at
“hindi” ang kaniyang sinasabi.

407
Hindi naman ito pinapansin ng inyong Tiyo Manuel. Ano ang gagawin
mo? May magagawa ka ba? Paano?

Gawain C
Pangkatang Gawain

Gumawa ng maikling dula-dulaan. Gamitin sa usapan ang mga


katawagan sa iba’t ibang layon na tinalakay. Itanghal sa klase.

Pangkat I - Paggalang
Pangkat II - Paghingi ng pahintulot
Pangkat III - Paghingi ng paumanhin

Batayan 5 4 3 2 1
Malinaw at maayos ang pagsasadula.

Nagpapakita ang bawat miyembro ng pakikiisa


bago, habang, at pagkatapos ng pagsasadula.

Gumamit ang pangkat ng kakaibang istilo at mga


kagamitan sa pagsasadula.

Maganda ang kahulugan ng dula at kinakikitaang


giliw ang bawat miyembro ng pangkat.

408
Natutuhan Ko

Itala ang mga angkop na katawagan sa tamang hanay ng tsart.


Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Katawagan Mga Katawagan Mga Katawagan sa


sa Paggalang at sa Paghingi ng Paghingi ng
Pagbati sa Paumanhin at Pahintulot
Nakatatanda Pasasalamat

Sumulat ng sampung pangungusap na may mga salitang katawagan


ayon sa iba’t ibang layon. Salungguhitan ang mga ginamit na
salita. Isulat sa patlang kung ito ay paggalang,
pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin o pahintulot,
pagturing, o palambing.

409
Aralin Aralin44:Ang44:MapangAng KulturalMapangngAtingKulturalRehiyon

ng Ating Rehiyon

Panimula

Ang mapang kultural o mapang pangkalinangan ay sumisimbolo


sa kaunlaran ng isang rehiyon at ito ay mapa na nagpapakita ng mga
makasaysayang pagdiriwang, museo, teatro, at iba pa. Sa pamamagitan
ng mapang ito, maiuugnay mo ang pagkakapareho at pagkakatulad ng
mga kultura ng bawat lalawigan tulad ng sa pagkain, edukasyon,
pamahalaan, at marami pang iba.

Sa araling ito, susubukan ang iyong kakayanang


makagawa ng payak na mapang kultural ng inyong rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga kulturang kinabibilangan ng rehiyon; at

nakagagawa ng payak na mapang kultural ng iba’t ibang lalawigan sa


kinabibilangang rehiyon.

410
Alamin Mo

Ano-ano ba ang
kinagisnan mong Kaya mo bang
kultura sa ating gumawa ng payak
rehiyon? na mapa na
nagpapakita ng
iba’t ibang kultura
ng ating rehiyon?

Tuklasin Mo

Ang Mapa ng Rehiyon III o Gitnang Luzon

Ang mga lalawigang ng Rehiyon III ay nasa sentro ng Luzon


kaya tinawag itong Gitnang Luzon. Ito ay nasa hilagang bahagi ng
Maynila.

Ang City of San Fernando sa Pampanga ang sentrong panrehiyon


ng Gitnang Luzon. Dito matatagpuan ang panrehiyong tanggapan ng mga
sangay ng pamahalaan tulad ng Land Transportation Office (LTO),
Department of

411
Education (DepEd), at Department of Budget and
Management (DBM).
Ang Muñoz ang kauna-unahang Science City sa buong
Pilipinas ay matatagpuan sa Nueva Ecija.

Pag-aralan ang mapang kultural ng ating rehiyon at alamin ang


mga kulturang nagpapatanyag sa bawat lalawigan dito.

Mapang Kultural ng Rehiyon III


(Mga Pagdiriwang)

Taong Putik
Festival

Suman
Festival

Painting
Festival
Taong Putik

Libad Festival

Domorokdok
Festival

Lantern
Banga Festival
Festival

412
Mapang Kultural ng Rehiyon III
(Mga Pananda sa Bawat Lalawigan)

Camp Pangatian Memorial


Shrine (Cabanatuan, Nueva
Ecija)
Quezon Memorial Park
(Baler, Aurora)

Capas National
Shrine
(Capas, Tarlac)

Simbahan ng
Magsaysay Barasoain
Ancestral (Malolos, Bulacan)
House
(Castillejos,
Zambales)

Himpilang
Dambana ng Daang-Bakal
Kagitingan (San Fernando, Pampanga)
(Mt. Samat, Bataan)

413
Maraming mga paaralan ang sumusulong sa edukasyon upang
mapaunlad ang mga mamamayan dito dahil tunay na pinahahalagahan
ng mga tao sa rehiyon ang edukasyon. Matatagpuan sa rehiyon ang Don
Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Pampanga,
sa Muños, Nueva Ecija ang Central Luzon State University at Nueva
Ecija University of Science and Technology, sa Bataan ang Bataan
Peninsula State University, Ramon Magsaysay Technological
University sa Zambales, at Aurora State College of Technology sa
lalawigan ng Aurora at iba pa. Ang mga ito ay pawang pag-aari ng
pamahalaan at nagbibigay ng murang matrikula upang makapag-aral
ang lahat pati na ang mga pinakamahirap. Bukod sa mga ito mayroon
ding pribadong paaralan sa bawat lalawigan.

Rehiyon III: Mayaman sa mga Makasaysayang Lugar

Bukod sa pagsulong sa edukasyon, nakilala ang Rehiyon III sa


kanyang makulay na kuwento ng kasaysayan. Ang mga ito ay may
malaking bahagi sa kultura ng bawat lugar.

Museo de Baler ng Aurora

Ang Museo de Baler ay matatagpuan sa Quezon Memorial Park


sa Baler, Aurora. Dito nakalagak ang mga larawan ng mga pangkat
etniko tulad ng Dumagat at Ilongot at ng dating pangulo na si Manuel
L. Quezon kasama ang kanyang pamilya at iba pang taong nakilala sa
lalawigan. Dito makikita ang mga pangyayari sa kasayasayan ng
Aurora simula noong panahon ng mga Espanyol, Amerikano, at
Hapones.

414
Pinagkuhanan:http://www.aurora.gov.ph/tourism-2/tourist-
attractions/historical-sights/

Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan

Kilala ang
Bataan sa kanyang
magagandang
dalampasigan. Isang
resort ang nakakatawag
pansin dahil dito muling
itinayo at pinagsama-
sama ang mga lumang
bahay na naitayo mula pa noong ika- 17 siglo hanggang
ika-19 na siglo na inayos at pinreserba ni Jose Acuzar na isang
negosyante. Ilan sa mga mansiyon ay replica na
lamang subalit ang karamihan ay mga orihinal na istruktura na
kinolekta mula sa iba’t-ibang probinsiya at maingat na inayos at
pinreserba. Ang Las Casas Filipinas De Acuzar ay binuksan sa publiko
noong 2010 upang maipakita ang kahalagahang kultural at arkitektural
ng mga ito at ang naging bahagi nito sa kasaysayan ng bansa.

415
Simbahan ng Barasoain ng Bulacan

Isa sa mga
simbahang Katoliko na
itinayo ng mga paring
Agustino kung saan
maraming
importanteng
pangyayari ang
naganap dito. Ito ang
naging
pansamantalang tirahan ng bayaning si Emilio Aguinaldo. Sa
simbahang ito itinatag ang Malolos Congress Setyembre 15, 1898, ang
pagbuo ng Malolos Constitution noong Setyembre 29, 1898 hanggang
Enero 21, 1899 na sinulat ni Felipe Calderon at ang inagurasyon ng
First Philippine Congress noong Enero 21, 1899. Dito rin sumumpa ang
naging dalawang pangulo ng bansa na sila Emilio Aguinaldo at Joseph
Estrada noong 1998.

San Agustin Parish Church sa Lubao, Pampanga

Ito ang
pinakamatandang
simbahan sa
Pampanga na
itinayo noong 1572.
Ang simbahang ito
ay nagawa sa
pamamagitan ng
mga batong bricks
at klaro ng itlog na hinalo sa buhangin. Dahil sa taglay na

416
tibay ng simbahan minabuti ng pamahalaang bayan ng Lubao na
ipreserba ang orihinal na istruktura nito.

Aquino Center Museum sa Tarlac

Ang Aquino Center Museum ay itinayo upang magbigay pugay


sa dalawang taong naging dahilan upang makamit ang demokrasya ng
bansa, si dating Senador Benigno Aquino, Jr. na kilala rin sa tawag na
Ninoy at ang kanyang asawa na si dating Presidente Corazon Aquino o
Cory.

Sa Museo makikita ang mga larawan at memorabilia ng


pamilyang Aquino. Dito rin makikita ang mga larawan ng kaganapang
nangyari mula sa People Power Revolution sa EDSA hanggang sa
tuluyang maibalik ang demokrasya sa bansa sa panunungkulan ni Cory
Aquino.

Ang Aquino Center Museum ay nakatayo sa Hacienda Luisita,


San Miguel, Tarlac City at idinisenyo ng isang kilalang arkitekto na si
Francisco Manosa at pinangangalagaan ng Benigno Aquino Jr.
Foundation.

417
Sideco House sa San Isidro, Nueva Ecija

Noong Marso 29, 1899 inilipat ni General Emilio Aguinaldo ang


kapital ng Republika ng Pilipinas sa San Isidro, Nueva Ecija mula sa
Malolos, Bulacan. Dito nanirahan at ginawang himpilan ang Sideco
House ni Aguinaldo, ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas
noong siya ay umiiwas sa mga Amerikanong mananakop hanggang
Octubre 11, 1899. Ang makasaysayang bahay na ito ay pag-aari ni
Crispulo Sideco o mas kilala bilang Kapitan Pulong. Ginamit din ang
bahay na ito bilang garrison noong panahon ng mga Hapon. Ito ang
pinakamakasaysayang bahay sa buong San isidro at sa lalawigan ng
Nueva Ecija. Ang Sideco House ay naging tahanan ni General Emilio
Aguinaldo ng kanyang pamilya at mga gabinete sa loob ng mahigit
limang buwan.

418
Casa San Miguel King ng San Antonio, Zambales

Sa Casa San Miguel itinatag ni Alfonso “Coke” Bolipata, isang


tanyag na biyolinista sa konsiyerto ang Casa San Miguel Foundation sa
lalawigan ng San Antonio, Zambales na naglalayong maisama ang
kultura sa pag-unlad ng Zambales. Ang kanyang grupo ay nagpasimula
ng iba’t-ibang programa at pagsasanay upang mabigyan ng oportunidad
ang bawat miyembro ng komunidad na palawakin ang interes at talento
ng mga nakarita rito.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


Ano ang iba pang tawag sa Rehiyon III?

Ano-anong kultura ang makikita mo sa bawat lalawigan ng Rehiyon III?

Ano-ano ang mga paaralan o unibersidad ang makikita rito?


Saan makikita ang makasaysayang Las Casas Filipinas?

Saan lugar matatagpuan ang Apolinario Mabini Memorial


Shrine?

419
Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Pag-aralang mabuti ang mapa ng Rehiyong III. Itala ang mga


nakikitang mga sentrong gusali sa iba’t ibang lungsod o lalawigan ng
rehiyon. Gamitin ang talahanayan na kagaya sa ibaba.

Lungsod o Sentrong Paaralan Pangkultura


Lalawigan Pamahalaan

Gawain B
Symbol Chart Model

Gamit ang mapa ng Rehiyon III, itapat at idikit ang simbolo ng


mga kulturang makikita sa bawat lalawigan ng Rehiyon III tulad ng
nasa loob ng kahon. Gamitin ang simbolo sa paglalagay nito sa mapa.

420
Pananda:

Pamahalaan

Paaralan

Makasaysayang pook

Sentrong pangkultura

Simbahan

Sentrong Pangrehiyong
Ahensya ng Pamahalaan
ang Lungsod ng San
Pamahalaan Fernando sa Pampanga

Central Luzon State

University
Paaralan
Sentrong
Pangkultura Aquino Center Museum

Simbahan Simbahan ng Barasoain

Corregidor, Bataan
Makasaysayang Pook

421
Gawain C

Gumawa ng isang mapang kultural na nagpapakita ng mga


pagdiriwang sa iyong bayan.

Natutuhan Ko

Pag-aralan ang mapa ng Rehiyon III at sagutin ang


sumusunod na tanong.

Saang lalawigan makikita ang Apolinario Mabini Memorial


Shrine?

Ano ang makasaysayang pangyayari sa Simbahan ng Barasoain sa


Malolos?

Ano-ano ang pinagdiriwang sa Bulacan?

Ano ang pinakamatandang simbahan sa Pampanga at saan ito


makikita?

Saan sa Nueva Ecija unang sinimulan ang Pagibang Damara


Festival.

422
YUNIT 4: Ekonomiya
at Pamamahala ng
Ating Rehiyon

423
Aralin Aralin45:Kapaligiran45:KapaligiranatIkinbubuhysaatmgaIkinabubuhayLalwiganngAting Rehiyon

sa mga Lalawigan ng Ating Rehiyon

Panimula

Maligayang pagdating sa Ikaapat na Yunit ng Araling


Panlipunan!

Sa Ikatlong Yunit, lubos mo pang nakilala ang iyong


lalawigan, pati na ang mga karatig na lalawigan nito sa loob ng isang
rehiyon. Napag-aralan mo na ang mga katangiang kultural ng iyong
lalawigan katulad ng mga tanyag na pagkain, sining, tradisyon at
pagdiriwang.

Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng


mga tao sa lalawigan. Sa kapaligiran din nagmumula ang mga
ikinabubuhay ng mga tao sa isang lugar. Iniuugnay din ng mga tao
ang uri ng kasuotan, pananim, at gawain sa kanilang kapaligiran.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapag-uugnay ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng


kinabibilangang lalawigan o lungsod; at

nakapaglalarawan ng uri ng ikinabubuhay ng


kinabibilangang lalawigan o lungsod ayon sa
kapaligiran.

424
Alamin Mo
Saan kumukuha ng
ikinabubuhay ang mga
tao sa inyong lugar?
Ano ang kaugnayan ng
kapaligiran sa uri ng
pamumuhay sa inyong
lalawigan?

Tuklasin Mo

Ating alamin ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang


kapaligiran.

Ang Kapaligiran at Ikinabubuhay ng mga Lalawigan


sa Gitnang Luzon

Ang Gitnang Luzon ay mayaman sa produktong agrikultural. Ito


ay tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Pilipinas dahil sa malaking
produksiyon ng bigas na nanggagaling sa malawak na kapatagang
angkop sa pagtatanim.
Ang Gitnang Luzon ay nagtataglay ng mga pangunahing anyong
tubig. Sa hilaga dumadaloy ang Ilog Tarlac.
Ang Ilog Pampanga na nagmumula sa kabundukang Caraballo
ay bumabagtas sa kahabaan ng Nueva Ecija at Pampanga.

Ang Ilog Angat na nagmumula naman sa kabundukan ng Sierra


Madre ay dumadaloy sa mga bahagi ng lalawigan ng Bulacan at
nagtatapos sa Look ng Maynila.

425
Sa Nueva Ecija matatagpuan ang Lawa ng Pantabangan na
nagtutustos sa patubig sa mga sakahan. Ito ay isa sa pinakamalawak na
lawa sa Timog-silangang Asya.

Sa pangkalahatan, mainit o tuyong panahon ang nararanasan mula sa


buwan ng Disyembre hanggang Mayo. Ang tag-ulan ay mula Hunyo
hanggang Nobyembre.

Ang katangiang pisikal at klima ng rehiyon ay nagkaroon ng


malaking papel sa pag-unlad ng agrikultural na pamumuhay sa rehiyon.

Aurora

Ang Aurora ay isang mabundok


na lalawigan na bahagi ng Kabundukan
ng Sierra Madre. Ito ay dating kabilang
sa Rehiyon IV-A ngunit nalipat sa
Rehiyon III sa bisa ng Executive Order
Bilang 103 s. 2002.

Ang lalawigan ay
mayaman sa magagandang baybayin,
mga diving, at surfing
spot na dinarayo ng mga turista. Niyog at palay ang
pangunahing produkto nito.

Bataan

Ang lalawigan ng Bataan ay matatagpuan sa kanlurang baybayin


ng Gitnang Luzon. Halos walumpung porsiyento ng Bataan ay
mabundok at maburol.

426
Pangingisda ang pangunahing
industriya sa lalawigan. Kilala ang
lalawigan sa paggawa ng iba’t ibang
uri ng lambat-pangisda.

Nagtatanim din ang mga tao


ng palay, mais, at mga halamang-
ugat. Dahil ang Bataan ay isang
Peninsula patuloy ang pag-unlad ng
turismo rito patunay ay ang
mga resort sa kahabahan ng baybayin nito.

Bulacan

Ang lalawigan ng Bulacan ay


humigit kumulang labing-apat na
porsiyento ng buong sukat ng Luzon.
Napaliligiran ito ng mga bulubundukin
ng Sierra Madre sa hilagang-silangan,
mga baybayin, at kapatagan. Dahil sa
malawak na kapatagan at mga
baybayin nito ang pangunahing
pinagkakakitaan
ng mga tao ay pagsasaka, paghahayupan, at pangingisda.

Kilala rin ang lalawigan na isa sa mga pangunahing


destinasyon ng mga turista dahil sa mayamang kultura at kasaysayan
nito. Ang lalawigang ito ay unti-unti na ring
nakikilala sa mga industriya tulad ng paggawa ng alahas, paputok,
sitsaron, handicrafts, at mga kakanin o native sweets.

427
Nueva Ecija
Ang Nueva Ecija ang
pinakamalawak na lalawigan sa
Gitnang Luzon. Ang lupain nito ay
nagsisimula sa mga latian sa timog-
kanluran sa hangganan ng lalawigan
ng Pampanga, bulubundukin ng Sierra
Madre sa silangan, at ang Caraballo at
Cordillera naman sa hilaga.

Ang lalawigan ay
tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Gitnang Luzon. Agrikultura
ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito. Dito
nagmumula ang malaking produksiyon ng bigas, mais,
sibuyas, bawang, at tubo. Mayroon ding mga lugar sa
Nueva Ecija na may deposito ng mga mineral tulad ng
Manganese at Copper.

Pampanga

Ang Pampanga ay may


malawak na kapatagan. Dito rin
matatagpuan ang Bundok
Arayat.

Ilog Pampanga ang


pinakamalaking ilog sa
lalawigan. Sakahan at pangingisda ang dalawang pangunahing
industriya rito. Kilala rin sa tawag na Culinary Capital of the
Philippines dahil sa husay ng mga Kapampangan sa larangan ng
pagluluto.

428
Kilala rin ang lugar sa industriya ng iskulturang kahoy, paggawa
ng muwebles o kasangkapang gawa sa kahoy at iba pang produktong
gawang kamay tulad ng mga higante at makukulay na mga parol.

Tarlac
Ang lalawigan ng Tarlac
ay matatagpuan sa hilagang
bahagi ng Gitnang Luzon.
Napaliligiran ito ng apat na
lalawigan. Ito ay ang Pampanga
sa timog, Nueva Ecija sa
silangan, Pangasinan sa hilaga at
Zambales sa kanluran. Ang
silangang bahagi ng lalawigan ay
kapatagan at ang
kanlurang bahagi naman ay maburol at bulubundukin.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao rito, tubo at


palay ang mga pangunahing pananim. Ang iba pang mga pananim ay
ang tabako, mais, at niyog. Ito ay may malawak na sistema ng patubig
mula sa mga ilog nito. Mayroon ding industriya ng pagtotroso mula sa
mga kabundukan hanggang sa hangganan ng lalawigan ng Zambales.

Zambales

Ang lalawigan ng Zambales ay matatagpuan sa kanlurang bahagi


ng Gitnang Luzon. Ang hilagang bahagi nito ay latian at dalampasigan at
ang bahaging lupa ay mababa kung saan matatagpuan ang mga
pamayanan.

429
Kilala ang
lalawigan sa dami
ng deposito ng lahar
dahil sa pagdaloy
nito sanhi ng
pagputok ng
Bulkang Pinatubo
noon.

Bulubundukin ang iba pang bahagi na may malawak na depositong


mineral tulad ng Chromite. Ang agrikultura ay isa rin sa pinagkukunang-
yaman ng lalawigan. Bukod sa pangingisda at pagmimina ang kanilang
pangunahing mga produkto ay mangga, palay, mais at mga halamang-
ugat. Maunlad din ang turismo sa Lungsod Olongapo na dating base ng
Hukbong-dagat ng Amerika sa Pilipinas.

Sagutin ang sumusunod:

Anong uri ng kapaligiran mayroon ang mga lalawigan ng Gitnang


Luzon?

Anong uri ng hanapbuhay mayroon ang mga


mamamayan na napaliligiran ng kabundukan, nasa kapatagan,
at malapit sa baybayin?

Gawin Mo

Gawain A

Tukuyin ang lalawigan ayon sa uri ng kapaligiran nito. Isulat ang


sagot sa mga tanong na nasa pahina 431. Gawin sa sagutang papel.

430
Dito matatagpuan ang Bulkang Pinatubo.
Ang lalawigang ito sa Gitnang Luzon ay kilala sa diving at
surfing spots.

Ito ang lalawigang may pinakamalawak na kapatagan sa


Gitnang Luzon.

May malawak na kapatagan at dito matatagpuan ang Bundok


Arayat.
Napaliligiran ito ng apat na lalawigan.

Gawain B
Pag-ugnayin ang mga lalawigan sa hanay A sa mga kabuhayan
nito sa hanay B. Isulat ang titik sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Aurora a. pagawaan ng malalaking


parol
2. Bataan b. pagtatanim ng tubo

3. Bulacan c. paggawa ng mga lambat-


pangisda
4. Nueva Ecija d. pagtatanim ng manga

5. Pampanga e. pagtatanim ng sibuyas at palay

6. Tarlac f. paggawa ng alahas, paputok, at


sitsaron

7. Zambales g. pagtatanim ng niyog at palay

431
Gawain C

Pag-aralan ang larawan. Iguhit sa kahon ang angkop na


hanapbuhay. Gawin ito sa malinis na papel.

432
Natutuhan Ko

Hanapin sa Hanay B ang angkop na hanapbuhay sa uri ng


kapaligiran sa Hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. a.

2. b.

3. c.

433
Aralin 46: Likas na Yaman sa Ating Rehiyon
Aralin 46: Likas na Yaman sa Ating Rehiyon

Panimula

Sagana sa likas na yaman ang bawat lalawigan sa iba’t ibang


rehiyon ng ating bansa. Maraming pakinabang ang nakukuha mula sa
mga likas na yamang ito. Pinagkukuhanan ito ng mga hilaw na
produkto na ginagawang sangkap sa pagbuo ng yaring produkto na
nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ito rin ang
sumusuporta at pinanggagalingan ng pangunahing pangangailangan ng
tao.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng likas na yaman ng kinabibilangang lalawigan at


rehiyon; at

nakapaglalarawan ng pakinabang pang-ekonomiya ng mga likas


na yaman ng lalawigan at rehiyon.

Alamin Mo

Ano ang mga


nakukuhang kabuhayan
mula sa mga likas na yaman ng
mga lalawigan sa ating
rehiyon?

434
Tuklasin Mo

Kayamanang Likas ng Gitnang Luzon

Ang
Gitnang Luzon ay
pinagpala ng
malalawak na
kapatagan.
Sagana ang
mga lalawigan
nito sa likas na
yaman, na
Kapatagan sa Gitnang Luzon
pangunahing pinagkukunan
ng pangangailangan at
pagkakakitaan ng buong rehiyon.
Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Rehiyon.
Maliban dito, ang pangingisda, paghahayupan, pagmimina,
pamamasukan sa industriyang pantahanan, at pagpoproseso ng asukal
ang iba pang hanapbuhay ng mga mamamayan dito.

Ang Gitnang Luzon ay


sagana sa ulan, kaya mayaman
at mataba ang lupa dito na
angkop sa pagsasaka. May
maganda ring sistema ng
irigasyon sa rehiyon kung
kaya’t kahit tag-init ay may
sapat na tubig ang mga
bukirin.
Kalabaw at traktora na
ginagamit sa pagsasaka

435
Ang Rehiyon III ay kilala rin sa malawak nitong sakahan na
pangunahing pinagkukunan ng bigas sa buong bansa. Ang lalawigan ng
Nueva Ecija ang nangunguna sa produksiyon ng palay sa buong
Pilipinas. Dito nagmumula ang pinakamalaking aning palay sa rehiyon.

Nagtatanim din ang mamamayan ng rehiyon ng tubo, mais, milon,


pakwan kasama na rin ang matatamis na mangga mula sa Zambales at
iba’t ibang uri ng gulay na pinagkakakitaan ng mga tao.

Paggawa ng asukal ang pangunahing industriya sa lalawigan ng


Tarlac at Pampanga. Mayroon ding malalaking babuyan, manukan, at
palaisdaan ng bangus, sugpo at iba pa sa lalawigan ng Bataan,
Bulacan, at Pampanga.

Kasama sa
kayamanan ng rehiyon
ang malalawak na
kabundukan ng Aurora
at Zambales. Marami
ang mga matitibay at
magagandang
puno rito na
Kabundukan sa Gitnang Luzon pinagkukuhanan ng tabla
at poste na ginagamit sa paggawa ng bahay, upuan, mesa,
aparador, muwebles at iba pang mga gamit na gawa sa kahoy.

436
Matatagpuan din sa Zambales ang minahan ng Chromite,
tanso at
ginto. Mayroon ding
minahan ng bakal, apog,
at marmol sa Bulacan at
Bataan, Manganese sa
Tarlac, buhangin at
luwad naman sa
Pampanga.
Mina ng marmol sa Bulacan

Maraming mga yamang dagat tulad ng mga isda, hipon, pusit, at


iba pang pinagkakakitaan ang mga tao sa rehiyon. Lalo na sa mga
lalawigan ng Bataan, Bulacan, at Zambales.

Mga yamang dagat sa Rehiyon III

Ang magagandang dalampasigan o baybay dagat sa Aurora,


Bataan, at Zambales ay madalas ding gawing pasyalan ng mga turista
dahil sa kaakit-akit na kaanyuan

437
nito. Isa ang industriya ng turismo sa nakatutulong sa pag-unlad o
pagsulong ng ekonomiya sa rehiyon.

Bukod sa pagsasaka, pagmimina, at pangingisda na pangunahing


pinagkakakitaan, mayroon ding uri ng hanapbuhay na pantahanan tulad
ng paggawa ng silya at basket na yari sa yantok. Mayroon ding mga
pagawaan ng sawali sa Tarlac, pagawaan ng alahas at kultihan ng balat
ng mga hayop, pagawaan ng kutsilyo, itak, bakya, at paso sa lalawigan
ng Bulacan. Ang Pampanga naman ay tanyag sa paggawa ng mga higante
at makukulay na mga parol at mga muwebles.
Sa kabuoan, ang sektor ng agrikultura ang nangunguna sa
malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon. Makikita ito sa mataas na
produksiyon ng palay, mais, at iba pang mga pananim at paghahayupan.
Pumapangalawa naming nakaaambag sa ekonomiya ng rehiyon ay ang
mga ikinabubuhay sa mga industriya.

Sagutin ang sumusunod:


Ano ang mga kapaligiran sa Gitnang Luzon?
Ano ang mga likas na yaman mula sa kapaligiran ng rehiyon?
Ano ang mga produktong nakukuha sa bawat likas na yaman na ito?
Itala ang sagot sa ibaba.
Paano natin pangangalagaan ang mga likas na yaman?

438
Gawin Mo

Likas na Yaman Produktong Makukuha

Gawain A

Pagmasdan ang mga larawan. Iguhit sa tapat ang likas na yaman


na makukuha sa kapaligiran at ang mga produktong magagawa mula
rito. Iguhit ang produkto sa angkop na likas na yaman. Gawin ito sa
sagutang papel.

Likas na Yaman Mga Produkto

439
Gawain B
Isulat ang pakinabang na makukuha mula sa
kapaligiran ng mga lalawigan sa sariling rehiyon. Anong mga produkto
at hanapbuhay ang nakikita rito? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Lalawigan Mga Produkto Hanapbuhay


Aurora
Bataan
Bulacan
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Zambales

Gawain C

Sumulat ng tatlong pangungusap kung paano mo pangangalagaan


ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taong nakatira sa lalawigan.
Isulat sa sagutang papel.

440
Natutuhan Ko

Basahin ang mga sitwasyon at sagutin ang mga tanong.


Isulat ang sagot sa notbuk.

Ang lalawigan ay biniyayaan ng kapatagan at mabundok na anyong


lupa na angkop sa pagtatanim
ng niyog. Ano ang pakinabang na maidudulot nito sa lalawigan?

Ang lalawigan ay pinagpala sa malawak nitong kagubatan. Anong


pakinabang ang makukuha ng
lalawigan at rehiyon sa mga kagubatang ito na nasa mga
kabundukan?

Kilala ang lalawigan sa industriya ng turismo dahil sa


magandang dalampasigan nito. Anong pakinabang ang
idinudulot ng industriyang ito sa lalawigan?

Ang mga lalawigan ay mayaman sa yamang mineral tulad ng marmol,


Nikel, bakal, ginto, at tanso. Paano
makatutulong sa kabuhayan ng rehiyon ang mga yamang
ito?

Ang mga lungsod ay pinakasentro ng kalakalan at


komersiyo ng mga karatig lalawigan nito. Paano ito makatutulong
sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon?

441
AralinAralin47:47: Pinanggalinganinanggalingngmga ProduktongmgaatIndustriyaProduktosamga

at IndustriyaLalwigsanmgangAtingLalawiganRehiyon
ng Ating Rehiyon

Panimula

Ang bawat lalawigan ay lumilikha ng mga produkto. Nakikilala


ang mga lalawigang ito dahil sa mga natatanging produktong nalilikha
nila. Ito rin ang dahilan kaya naman nagkakaroon ng iba’t ibang
industriya na nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon. Sa
kabilang banda, ang bawat industriya ay tumutugon naman sa
pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga industriya na galing sa sariling lalawigan at


rehiyon; at

nakapagpapaliwanag na ang paglaganap ng mga nasabing


industriya ay nagmumula sa likas na yaman ng kinabibilangang
lalawigan at rehiyon.

442
Alamin Mo

Saan nagmumula ang mga


produkto ng mga pangunahing
industriya ng iyong lalawigan at
rehiyon? Paano nakatutulong sa
iyong lalawigan ang mga produkto
o pangunahing industriya nito?

Tuklasin Mo

Kabuhayan Mula sa Likas Yaman

Ang Aurora ay isang lalawigan sa Rehiyon III na dinarayo ng mga


turista dahil sa magaganda nitong dalampasigan at mga dagat, na kilala
bilang mga diving at surfing spot. Mula naman sa mga kalupaan at
kabundukan, ikinabubuhay din ng mga tao rito ang pagsasaka. Niyog at
palay ang pangunahing produkto nila.

Ang lalawigan ng Bataan ay kilala sa pangingisda. Kilala din ito sa


paggawa ng bagoong, patis, tuyo, daing, at tinapa. Mayroon din itong
pagawaan ng lambat na ginagamit sa pangingisda. Sa mga kapatagan
naman, may mga taniman ng palay, mais, at tabako.

Ang Bulacan ay kilala sa paggawa ng alahas, paputok, at katad.


Mayroon ding pagawaan ng sitsaron at mga
native na kakanin tulad ng pastilyas, minasa, inipit, at
ensaymada. Kabuhayan din dito ang aquaculture at
paghahayupan.

443
Ang Nueva Ecija ay kilala sa malalawak na taniman ng palay,
sibuyas, at gulay. Narito ang Philippine Carabao Center na nagpaparami
ng kalabaw na pinagkukuhanan ng sariwa at masustansiyang gatas.
Narito rin ang Philippine Rice Research Institute (PhilRICE), isang
ahensiya ng pamahalaan na nag-aaral at lumilikha ng matataas na uri ng
palay. Pinauunlad nito ang pag-aaral sa teknolohiya ng pagsasaka.

Ang Pampanga ay kilala sa paggawa ng mga malalaki at makukulay


na parol, mga muwebles at kasangkapang yari sa kahoy, at mga paso at iba
pang gamit na yari naman sa luwad. Pagmimina ng buhangin ay isa ring
ikinabubuhay dito. Bukod sa naging tanyag ito sa may mahuhusay
magluto, ang Pampanga ay nakilala rin sa pagawa ng naprosesong mga
pagkain mula sa karne.

Ang Tarlac ay kilala sa malalawak na mga taniman ng tubo sa


rehiyon. Mayroon din itong malalawak na taniman ng palay, mais,
tabako, at mga gulay.

Ang Zambales ay tanyag sa taniman ng matatamis na mangga.


Maunlad ang pagsasaka rito na ang pangunahing pananim ay palay, mais,
gulay, at mga halamang-ugat. Sagana rin ang lalawigan sa yamang tubig
na nakukuha sa West Philippine Sea.

Sektor ng Agrikultura
Ang probinsiya ng Nueva Ecija ang pinagmumulan ng
pinakamaraming aning palay sa buong rehiyon. Bukod sa palay may mga
taniman din dito ng tubo, niyog, mais, milon, pakwan at mga gulay.

444
Maraming pakinabang ang nakukuha mula sa mga aning palay
sa Rehiyon III dahil ito ang nagsisilbing pangunahing pagkain ng mga
tao. Mula sa aning palay, ginagawa ang ipinagmamalaki nating mga
kakanin gaya ng suman na iniluluwas pa sa iba-ibang bansa.

Ang bawat lalawigan ng rehiyong ito ay may malalawak na


kapatagan na pinagtataniman ng halaman na pinagmumulan ng mga
iba’t ibang produkto kaya ito ay tinawag na Sentro ng Agrikultura.

Ang Central Azucarera de Tarlac Incorporated ay gumagawa ng


asukal mula sa inaning tubo sa malalawak na taniman ng Tarlac at
Pampanga. Ang Pampanga’s Best
at Mekeni Food Products naman ay kilalang gumagawa ng tusino,
longganisa, at hotdog na iniluluwas sa iba-ibang
lalawigan ng rehiyon at maging sa iba pang lugar sa buong bansa. Ang
mga probinsiya ng Bataan, Bulacan, at Pampanga ay mayroon ding
malalawak na palaisdaan ng bangus, hipon, talangka, at iba pang uri ng
isda.

Iba Pang Kabuhayan sa Rehiyon III

Bukod sa pagsasaka at pangingisda na nangungunang kabuhayan


sa Gitnang Luzon. Nagsisilbing kabuhayan din ang paggawa ng bangko,
basket, salakot, at iba pang produktong yari sa kawayan. Mga pagkaing
tulad ng araro o uraro, pastilyas, silvanas, sitsaron, suman at mga
kakanin. Gumagawa naman ng sawali ang mga taga-Tarlac, alahas sa
Bulacan at iba pa gaya ng paso, kutsilyo at mga produktong gawa sa
balat ng hayop.
Pinagkuhanan: www.dti.gov.ph/profileofregion III

445
Sagutin ang sumusunod:

Ano ang mga pangunahing industriya ng bawat lalawigan?


Ano ang mga naging dahilan sa paglago ng nasabing industriya?
Saan nanggagaling ang mga produkto na naging dahilan sa paglago
ng mga industriya?
Paano naaapektuhan ang pamumuhay ng mga tao ng kanilang
industriya?
Tignan mo ang paligid ng iyong lalawigan, ano pa ang maaaring gawing
hanapbuhay ng mga tao rito?

Gawin Mo

Gawain A

Gamit ang talahanayan, ipakita ang pinanggalingan ng mga


produkto na naging industriya sa mga lalawigan ng rehiyon. Ang una
ay nagawa na upang maging batayang halimbawa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Kapaligiran Pinagmulang Hilaw na Mga


Sangkap Produkto
kapatagan pananim na palay bigas,
(produkto ng lalawigan) suman

kabundukan

dagat

446
Gawain B

Ang mga industriya sa mga lalawigan ay lumalago batay sa


kanilang kapaligiran. Buoin ang graphic organizer
tungkol sa pinagmulan ng mga produkto ayon sa mga industriya
ng rehiyon.

Hanapbuhay

Uri ng
Industriya ng
Kapaligiran
Lalawigan

Mga
Produkto

Gawain C

Pagmasdan ang larawan ng kapaligiran. Anong industriya ang


maaaring manggaling sa kapaligirang ito? Punan ang mga patlang upang
mabuo ang maikling talata. Isulat ito sa sagutang papel.

447
Kapatagan

Natatanaw ko ang isang magandang tanawin.


Malawak ang (1) _________. Ang kapaligiran ay malinis.
Maraming tanim na (2) _________ dito. Mula sa kanilang
pananim, nagkaroon ng produktong (3) ___________. Dahil sa
mataba ang lupang sakahan, ang ibang tao rito ay nagtatanim naman ng mga
(4) _________. Hindi naglaon, ang
iba’y nagtanim ng mga (5) _______.

Dumami ang kanilang industriya ng (6) _________.


Lumago ang mga naani mula sa bukid ng mga tao. Karamihan sa
kinikita nila ay nanggagaling sa pananim sa mga bukid ng lalawigan.
Ang ekonomiya ng lalawigan ay nakasalalay dito. Kung kaya para sa
lalawigan, ang industriyang ito ay naging pangunahing pinagkakakitaan
sa lalawigan.
sakahan palay gulay
bigas bukirin mais

Natutuhan Ko

Basahin ang mga sitwasiyon. Sagutin ang sumusunod na


katanungan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Ang lalawigan ay biniyayaan ng kapatagan at mabundok na


anyong lupa na angkop sa
pagtatanim ng niyog. Ano ang pakinabang na maidudulot
nito sa lalawigan?

Ang lalawigan ay pinagpala sa malawak nitong


kabundukan. Anong pakinabang ang makukuha ng rehiyon sa
kabundukang ito?

448
Kilala ang lalawigan sa industriya ng turismo dahil sa magandang
dalampasigan nito. Anong
pakinabang ang idinudulot ng industriyang ito sa
lalawigan?

Ang mga lalawigan ay mayaman sa mineral tulad ng marmol,


nikel, ginto, at tanso. Paano
makatutulong sa ekonomiya ng rehiyon ang mga yamang
ito?

Ang mga lungsod ang pinakasentro ng kalakalan at komersiyo ng


mga karatig lalawigan nito. Paano ito
makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon?

449
Aralinralin48: Mga48: ProduktoMgaProduktoatKalakalng atAtingKalakalRehiyon
ng Ating Rehiyon

Panimula

Tulad ng nabanggit sa katatapos na aralin, ang karamihan sa


mga lalawigan sa Rehiyon III ay mga lalawigang agrikultural. Ang
pagiging agrikultural nito ang pinagkukunan ng hilaw na sangkap
para makagawa ng produkto upang ikalakal. Ito ang pinagkukuhanan
ng pangangailangan at hanapbuhay ng mga lalawigang sakop ng
rehiyon. Ang bawat lalawigan nito ay may mga natatanging produkto
at kalakal mula sa likas na yaman nito.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

naiisa-isa ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa


kinabibilangang lalawigan at rehiyon;

nakapag-uugnay na ang pinanggagalingan ng produkto at kalakal na


kinabibilangan ng lalawigan at rehiyon ay mula sa likas na yaman
nito; at

nakapaglalarawan ng kahalagahan ng wastong paggamit ng likas na


yaman sa pagpapatuloy ng kabuhayan ng mga tao sa
kinabibilangang lalawigan at rehiyon.

450
Alamin Mo

Ano kaya ang mga produkto at kalakal


na nagmumula sa ating lalawigan at
rehiyon?
Saan at ano namam kaya ang
pinanggagalingan ng mga
produktong ito?
Paano ba mapananatili ang
pinagkukunan ng mga produkto
ng ating lalawigan at rehiyon?

Tuklasin Mo

Paano kaya ang pakikipagkalakalan ng mamamayan ng mga


lalawigan sa bawat rehiyon? Ano-ano ang produktong kinakalakal mula
sa mga lalawigan ito ng rehiyon?

Alamin natin sa isang dula-dulaan kung ano-ano ang ikinakalakal


ng mga lalawigan sa isa’t isa. Magkapareho ba ang mga produkto ng
mga lalawigang nabanggit sa inyong lalawigan at rehiyon?

Produkto at Kalakal sa Rehiyon ng Gitnang Luzon

Nagpatawag ng pagpupulong si Gitnang Luzon sa kaniyang


mga lalawigan upang pag-usapan ang mga produkto at kalakal nito.

451
Gitnang Luzon
Tinawag ko kayo upang
pakinggan ang inyong ulat
tungkol sa mga produkto at
kalakal na mayroon sa inyong
lalawigan. Maaari ka bang
magsimula Aurora?

Aurora

Sa aming lalawigan pagsasaka


ang aming pangunahing
hanapbuhay. Mga palay, gulay, at
niyog ang aming mga produkto.
Dinarayo rin ng mga turista ang
aming mga magagandang
dalampasigan.

Gitnang Luzon

Isang magandang balita iyan!


Ipagpatuloy natin ang pag-
uulat. Handa ka na ba Bataan,
Bulacan, Nueva Ecija,
Pampanga, Tarlac, at
Zambales?

452
Bataan Dahil kami ay isang Peninsula,
marami kaming nahuhuling isda, sugpo,
alimango, at iba pang yamang tubig.
Kilala kami sa paggawa ng mga lambat
na pangisda. Nagtatanim din kami ng
palay at mga gulay. Kilala rin ang aming
lugar sa mga pagawaan at pabrika.

Bulacan
Sa lalawigan ng Bulacan maunlad
ang pag-aalaga ng manok at baboy.
Mayaman din ang aming lalawigan sa
deposito ng marmol, bakal, at limestone
kaya’t maunlad din dito ang pagmimina.
Nagtatanim din kami ng mga palay at
iba pang gulay. Kilala rin ang lugar
namin sa paggawa ng mga paputok,
alahas, sitsaron, at mga pagkain tulad ng
ensaymada, inipit, pastilyas, at minasa.

453
Nueva Ecija Malugod ko pong ibinabalita sa inyo na
kami ang kinikilalang Kamalig ng Bigas sa
rehiyon dahil sa maunlad na industriya ng
pagtatanim ng palay. Masagana ang ani ng mais
at sibuyas sa aming lalawigan. Nagtatanim din
kami ng mangga, saging, bawang at iba pang
mga gulay. May tsinelas, gatas ng kalabaw at
mga kakanin tulad ng pastilyas, silvanas at
suman.
Mayaman din kami sa feldspar na ginagamit
sa paggawa ng salamin at ceramics.

Pagsasaka rin ang hanapbuhay


Pampanga
ng mga tao sa aming lalawigan.
Palay, mais, at tubo rin ang ilan sa
aming mga produkto. Gumagawa rin
kami ng mga naprosesong pagkain
tulad ng tusino, longganisa, at sisig.
Mga parol, muwebles na yari sa
kahoy, at mga paso at iba pang bagay
na yari sa luwad ay amin ding
ginagawa.

454
Tarlac

Sa aming lalawigan ng
Tarlac, pagsasaka rin ang
pangunahing industriya. Nag-aani
kami ng tubo, mais, bawang,
sibuyas, at iba pang mga gulay.

Zambales

Sa lalawigan ng Zambales,
matatagpuan ang matatamis at
malalaking mangga. Nagtatanim din
kami ng palay, mais, at mga gulay.
Maunlad din sa aming lugar ang
pagmimina ng Chromite, Copper, at
ginto.

455
Maraming salamat sa inyong Gitnang Luzon
pag-uulat. Inaasahan ko na ang
ating produkto at kalakal ay
makatutulong sa higit na paglago
ng ekonomiya ng ating rehiyong
Gitnang Luzon. Ganoon pa man,
nais kong malaman ninyo na ang
mga produkto
mula sa mga likas yaman ng ating
mga lalawigan ay nauubos din.
Marapat na sa kabila ng saganang ani, isipin natin kung
paano mapananatili at maaalagaan ang mga ito. Dapat nating
isipin ang wastong paggamit nito upang may magamit pang
likas na yaman ang mga susunod na henerasyon.

Noong 2015 ang Gitnang Luzon ang nanguna sa pag-aani ng tilapia at


sugpo, pangalawa sa produksiyon ng alimango, at pang-apat sa
produksiyon ng bangus sa buong Pilipinas.

Sagutin ang sumusunod.

Ano ang mga produktong nanggagaling sa lalawigan ng Pampanga


at Tarlac?

Ano ang mga produktong nakukuha sa mayamang dagat ng


Bataan?
Bakit tinaguriang Kamalig ng Bigas ang Nueva Ecija?

Ano ang mga yamang mineral mayaman ang Zambales at


Bulacan? Ano-anong produkto ang nagmumula rito?

456
Ano ang mga produkto at kalakal ang nakikita mo sa iyong lalawigan
at ano ang pinanggagalingan nito?

Gawin Mo

Gawain A

Iguhit sa tapat ng lalawigan ang pangunahing produkto o kalakal


nito. (Gamitin ang mapa ng Rehiyon III) Gawin sa malinis na papel.

457
Gawain B

Pangkatang Gawain

Batay sa talakayan ng buong klase. Punan ng angkop na sagot


ang bawat kahon sa tsart.

Lalawigang
pinanggalingan
ng likas na
yaman

Pinanggalingan
na hilaw na
sangkap

Mga
hanapbuhay Epekto sa
dahil sa pamumuhay
industriya ng mga tao

458
Natutuhan Ko

Pagtambalin ang lalawigan sa Hanay A at produkto nito sa


Hanay B. Isulat ang tamang titik sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Aurora a.

2. Bataan b.

3. Bulacan c.

4. Nueva Ecija d.

459
5. Pampanga e.

6. Tarlac f.

7. Zambales g.

460
AralinAralin49:Magkakaugn49:MagkakaugnayynaPangkabuhyannag mgaPangkabuhayanLalawigansaAtingRehiyon

ng mga Lalawigan sa Ating Rehiyon

Panimula

May epekto sa pamumuhay ng mga tao ang pagbabago sa kapaligiran


kasama na ang klima at panahon sa lugar. May mga pagkakataon na hindi
nakaaani ng sapat. Habang saganang ani naman sa ibang lalawigan. May
pagkakataon na ang pangangailangan ng isang lalawigan ay matutugunan
ng ibang lalawigan.

Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang makipag-ugnayan ang


mga lalawigan ng rehiyon upang mapunan ang ilang mga
pangangailangan ng sariling lalawigan at rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagsasabi ng mga sitwasyon kung paano natutugunan


ng ibang lalawigan o rehiyon ang pangangailangang
pangkabuhayan ng sariling rehiyon; at

naipakikita ang pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan ng sariling


lalawigan o rehiyon sa ibang lugar.

461
Alamin Mo

Ano kaya ang mga


pangangailangan ng
lalawigan kaugnay sa
kanilang kalakal? Paano
natutugunan ng mga
lalawigan ang
pangangailangan ng bawat
isa?

Tuklasin Mo

Mga Panahon ng Pag-aani

Nakapunta na ba kayo sa isang grocery store? Napag-isipan na ba


ninyo kung saan nanggagaling ang mga produktong nabibili sa tindahan?
Narinig mo na ba ang ganitong usapan?

Naku, Oo nga Mare,


Mare! hindi kasi
panahon ng ani
Ang
ngayon.
mahal
Kinukuha pa kasi
pala ng
sa ibang
mangga
lalawigan ang
ngayon. manga eh!

462
Paano nagkakaroon ng mangga sa mga grocery store gayong wala
namang ani sa bukid? Saan kaya nanggagaling ang mga produkto sa
tindahan?

Pansinin sa talahanayan ang mga produkto ng mga lalawigan sa


Rehiyon III. Nakalagay dito ang mga produkto ng bawat lalawigan sa
iba’t ibang panahon.

Talahanayan 1: Produkto ng mga Lalawigan


Mula Enero hanggang Hunyo 2013

Dami ng
Lalawigan Produkto Dami ng Pangangailangan
Produksiyon ng mga Kasapi sa
Buong Rehiyon
Aurora niyog 2 500 1 900 tonelada
tonelada
Bataan sugpo at 3 300 kilo 2 400 kilo
alimango
Bulacan baboy at 6 000 kilo 4 500 kilo

manok

Pampanga palay 4 200 kaban 3 500 kaban


Nueva palay 5 500 kaban 4 000 kaban
Ecija
Tarlac tubo 2 300 3 100 tonelada
tonelada
Zambales mangga 4 300 kilo 4 500 kilo

Sa talahanayan makikita ang mga produkto ng bawat lalawigan at


kung ilan ang pangangailangan ng buong rehiyon. Kung mapapansin mo sa
unang talahanayan, ang kabuoang pangangailangan ng palay ay 3 500 na
kaban sa

463
Pampanga at 4 000 kaban sa Nueva Ecija. Kung pagsasamahin ang
produksiyon ng dalawang lalawigan ay 9 700 kaban.

Sapat ba ang dami ng palay sa pangangailangan ng buong


rehiyon? May 3 300 kilo ang produksiyon ng sugpo at alimango sa
Bataan at ang pangangailangan ay nasa 2 400 lamang. Saan dadalhin ng
rehiyon ang ibang sobrang produkto? Ilan naman ang kulang sa
produksiyon ng tubo?

Ano ang gagawin ng bawat lalawigan upang matustusan ang


kanilang pangangailangan? Kung mapapansin ang bawat lalawigan ay
may kaniya-kaniyang produkto, ngunit mayroon ding mga produkto na
kailangan nila ngunit wala silang produksiyon.

Batay sa talahanayan, saan kaya kukuha ng tubo ang mga


lalawigan ng rehiyon? Anong lalawigan naman kaya ang mag-aangkat
ng sugpo at alimango? Ano ang ipinakikita ng pag-aangkat ng mga
lalawigan sa kanilang karatig na lalawigan?

Sagutin ang mga tanong:


Paano nakatutulong ang produkto ng isang lalawigan sa ibang
lalawigan?

Paano nakatutulong ang pag-uugnayan ng mga lalawigan sa pag-


unlad ng ekonomiya?

Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagdaraos ng


mga piyesta ng produkto sa pag-uugnayan ng mga lalawigan o
rehiyon? Bakit?

Paano nakikipag-ugnayan ang iyong lalawigan sa ibang lalawigan


ng rehiyon?

464
Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Pag-aralang mabuti ang
talahanayan. Pag-usapan sa inyong pangkat at sagutin ang sumusunod na
tanong batay sa talahanayan.

Talahanayan 2: Produkto ng mga Lalawigan Mula Hulyo hanggang


Disyembre 2013
Pangangailangang
Lalawigan Produkto Dami ng Dami ng mga
Produksiyon Kasapi sa Buong
Rehiyon
Aurora niyog 3 100 2 800 tonelada
tonelada
Bataan sugpo at 4 700 kilo 3 500 kilo
alimango
Bulacan baboy at 6 500 kilo 5 000 kilo
manok
Pampanga palay 5 300 kaban 4 800 kaban
Nueva palay 6 100 kaban 4 500 kaban
Ecija
Tarlac tubo 2 600 3 500 tonelada
tonelada
Zambales mangga 4 500 kilo 5 000 kilo

Saan mag-aangkat ang ibang lalawigan ng palay?


Ano ang maitutulong ng lalawigan ng Nueva Ecija sa buong
rehiyon?

465
Ano sa palagay ninyo ang magiging presyo ng mangga sa buwan ng
Hulyo hanggang Disyembre batay sa datos? Bakit?
Ano naman ang presyo ng sugpo at alimango sa buwan ng Hulyo
hanggang Disyembre?

Ano ang mabuting idudulot ng pag-aangkat ng produkto sa ibang lalawigan


sa karatig lalawigan ng rehiyon?

Gawain B

Batay sa talahanayan, itala sa Hanay A ang mga produktong


inaangkat ng iyong lalawigan at sa Hanay B naman ang lalawigang
pinanggalingan ng produkto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay B
Hanay A
Pinanggagalingang
Pangalan ng Produkto
Lalawigan

Gawain C

Pangkatang Gawain

Gumawa ang mga pangkat ng isang poster na nagpapakita ng


ugnayan ng mga lalawigan sa inyong rehiyon. Sagutin ang mga gabay
na tanong upang mabuo ang iyong kaisipan sa iyong gagawing poster.

466
Ano ang mga produkto ng mga lalawigan ang iniluluwas sa
iba-ibang lalawigan?
Ano namang mga produkto ang kailangan ng mga karating nitong
lalawigan?

Paano inaangkat ng isang lalawigan ang isang produkto


mula sa ibang lalawigan?

Natutuhan Ko

Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang


papel.

Ang lalawigan at rehiyon ay umaasa sa ibang lugar upang matugunan


ang ______________ sa kanila.
Ang mga kompanyang gumagawa ng bahay at gusali na
nangangailangan ng produktong mineral bilang isa sa mga
materyales ay umaangkat sa lalawigang may
__________ ng mineral.

Ang mga palengke ng isang lungsod ay umaangkat ng mga palay at


mais sa lalawigang may__________.

Ang Aurora ay kilala sa produktong __________.

Ang mga pangunahing produkto ng mga lalawigang malapit sa dagat


ay mga __________________.

pangangailangan
mga produktong pang-agrikultura
minahan
niyog at palay
lamang dagat

467
Aralin 50:AralinPakikipagkalakalan50:PakikipaglakalnTugoTungosaPagtugonsa ngPagtugon
ngPanganPangangailanganilannngmLalawiganngmgasaAtingLalawiganRehiyon
sa Ating Rehiyon

Panimula

Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang mga produkto at kalakal


ng mga lalawigan ng iyong rehiyon. May mga pangangailangan ang
ibang lalawigan na wala sa kaniyang lalawigan at maging sa kaniyang
rehiyon. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang makipag-ugnayan
ang mga mamamayan ng mga lalawigan ng rehiyon sa ibang rehiyon
upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagpapakita ng ugnayan ng kabuhayan ng mga lalawigan sa


kinabibilangang rehiyon at sa ibang rehiyon; at

nakapagsasabi ng ilang paraan upang maging matagumpay


ang pakikipagkalakalan.

468
Alamin Mo

Paano kaya nakikipag-ugnayan ang


mga lalawigan ng ating rehiyon sa
ibang rehiyon ng bansa?

Paano rin kaya nakikipag-ugnayan


ang iyong lalawigan sa ibang pang
mga lalawigan ng rehiyon?

Tuklasin Mo

Ugnayan at Kalakalan ng mga Lalawigan sa Gitnang Luzon

Itinatag ng pamahalaan ang mga rehiyon upang mapabilis ang


paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan at paglilingkod sa mga
lalawigan, bayan, at barangay. Ang bawat rehiyon ay may mga pinunong
namamahala upang matugunan ang mga pangangailangang ito.

Ang suliranin ng kawalan at kakulangan ng isang rehiyon ay


matutugunan ng ibang rehiyon gayundin sa mga lalawigang sakop nito.
Halimbawa ang mga nahuhuling isda sa lalawigan ng Bataan at Zambales
ay ipinadadala sa ibang lalawigan ng rehiyon at iba pang panig ng bansa na
may kakulangan o hindi kaya ay nangangailangan ng isda.

Ang lalawigan ng Aurora na nagtutustos ng niyog upang gawing


kopra ay malaki rin ang ambag sa iba pang

469
lalawigan at rehiyon na may pangangailangan sa produktong
ito.

Ang lalawigan ng Bulacan ay kilala sa mga minatamis na kakanin


at pagkain tulad ng ensaymada, minasa, inipit, at pastilyas. Mayroon din
silang mga minahan ng marmol at iba’t ibang uri ng produkto ng
gawaing-kamay tulad ng mga bag at sombrero, alahas at katad.

Ang mga gulay, mais at palay na mula sa Nueva Ecija, Tarlac,


Bulacan at Pampanga ay dinadala sa iba’t ibang pamilihan ng iba pang
lalawigan ng Gitnang Luzon. Hindi lamang sa mga likas na produkto
nagkakaroon ng ugnayan ang mga lalawigan sa rehiyon ng Gitnang Luzon,
maging sa iba’t ibang industriya ay umaasa rin sila sa isa’t isa.

Ang lalawigan ng Zambales ay kilala rin sa mga minahan at


matatamis na mangga. Nakikilala nang lubos ang mga produktong ito
sa tuwing idinaraos ang piyesta.

Isa pang uri ng pag-uugnayan ng mga lalawigan sa rehiyon ay


ang pagdaraos ng mga festival kaugnay ng
kaniya-kaniyang pangunahing produkto. Sa ganitong paraan ay
nakikilala ang mga produktong ito na nagbibigay sa mga lalawigan at
rehiyon ng malaking kita. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng kanilang
ekonomiya.

Sagutin ang sumusunod:

Ano ang mga paraan ng pag-uugnayan ng mga lalawigan sa


rehiyon?
Paano nakatutulong ang produkto ng isang lalawigan sa ibang
lalawigan?

470
Paano nakatutulong ang pag-uugnayan ng mga lalawigan sa
pag-unlad ng ekonomiya?
Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagdaraos ng
mga festival ng produkto sa pag-uugnayan ng mga lalawigan o
rehiyon? Bakit?
Paano nakikipag-ugnayan ang iyong lalawigan sa ibang lalawigan ng
rehiyon?

Gawin Mo

Gawain A

Gumupit sa mga diyaryo o pahayagan ng balita


tungkol sa pakikipag-ugnayan ng iyong lalawigan sa ibang lalawigan.
Idikit sa malinis na papel.

Gawain B

Itala sa talahanayan ang mga produktong inaangkat ng iyong


lalawigan sa ibang lalawigan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangalan ng Produkto Pinanggalingang


Lalawigan

471
Gawain C

Itala sa talahanayan ang mga produkto ng bawat lalawigan na


dinadala sa ibang lalawigan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangalan ng Produkto Pinanggalingang


Lalawigan

Natutuhan Ko

Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.

Ang isang lalawigan ay isang kapatagan. Saan ito mag-aangkat ng


produktong dagat?
sa karatig lalawigan na nasa tabing dagat
sa karatig lalawigan na nasa tuktok ng bundok
sa malayong lalawigan na nasa tabing dagat
sa malayong lalawigan na nasa tuktok ng bundok

Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura


katulad ng palay at mais
sa karatig na mga lalawigan. Alin kaya ang maaaring dahilan
nito?
Tamad ang mga taga-lungsod kaya hindi sila nagtatanim.
Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng mga
gusaling pangkomersiyo.

472
Maraming sakahan sa lungsod ngunit walang gustong
magtanim ng palay at mais.
Maraming anyong lupa at anyong tubig ang mga lungsod.

Saan maaaring mag-angkat ang mga taga-lungsod ng mga produktong


tulad ng Chromite?
sa mga lalawigan na nasa tabing dagat
sa mga lungsod na maraming modernong opisina
sa mga lalawigan na maburol
sa mga lalawigan na may minahan ng Chromite

Saan maaaring iluwas ng mga lalawigan na sagana sa yamang dagat ang


kanilang mga produkto?
sa mga lalawigan sa tabing dagat
sa mga malalayong lungsod
sa mga malalayong lalawigan sa kabundukan
sa mga karatig na lungsod

Sa paanong paraan pinupunan ng ilang lalawigan ang


pangangailangan ng ibang lalawigan?
sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng produkto
sa pagbebenta ng produkto nito sa mas mataas na halaga
sa pagpapahiram nito ng salapi na gagamiting puhunan sa
itatayong negosyo
wala sa nabanggit

473
AralinAralin51:Kahalahagan51:KahalahaganngImpraestrukturangsaKabuhayImpraestrukturanngmgaLalwigan

sa Kabuhayan ng mga Lalawigan

Panimula

Matututuhan mo sa araling ito kung ano ang ibig sabihin ng


impraestruktura at ang iba’t ibang uri nito na matatagpuan sa sariling
lalawigan at rehiyon. Ang pagtukoy mo sa mga impraestrukturang ito ay
magiging gabay upang mabigyang pansin ang kahalagahan nito sa
kabuhayan sa iyong lalawigan at rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapaghihinuha ng kahalagahan ng impraestruktura sa


kabuhayan sa lalawigan at sa kinabibilangang rehiyon;

nakasusuri ng epekto sa kabuhayan ng pagkakaroon o pagkawala


ng impraestruktura sa lalawigan at sa kinabibilangang
rehiyon; at

nakapaglalarawan ng mabuting dulot ng impraestruktura sa


kabuhayan sa lalawigan at sa kinabibilangang rehiyon.

474
Alamin Mo

Bakit kaya mahalaga ang


impraestruktura sa kabuhayan
ng mga nasa lalawigan at
rehiyon?

Tuklasin Mo

Bigyang pansin ang usapan o diyalogo sa ibaba.

Muling nagkita ang matalik na magkaibigan na sina Peter at


Angelica sa parke.

475
PETER: Wow! Napakalaki na talaga nang ipinagbago ng Rehiyon
III.

ANGELICA: Tama ka diyan. Katulad na lamang ng mga sinementong


mapuputik at sira-sirang daan na nagpadali sa pag-aangkat
at pagdadala ng mga produkto mula sa ibang bayan
patungo rito sa atin. Malaking tulong ang NLEX, SCTEX,
TPLEX, at Mac Arthur Highway.
PETE Oo nga. Ang isa pa eh yung mga bagong itinayong
R: pamilihang bayan. Napakatagal na rin nating walang
sentralisadong pamilihan noon kaya naman nahihirapan
ang mga taong bumili ng mga produktong kailangan nila.

ANGELICA: Dahil sa bagong palengke at malls ay mas dumami rin


ang nabigyan ng pagkakataong makapagnegosyo at
makapagtinda.

PETE Mabuti na lang at pinatibay na rin ang mga tulay sa mga


R: lalawigan. Madali na nilang nadadala ang iba’t ibang lokal
na produkto papunta sa mga pamilihan. Kung dati ay
kinakailangan pa nilang isakay sa bangka ang kanilang
produkto upang maitawid sa ilog. Ngayon ay pwede na nila
itong idiretso sa pamilihan.

ANGELICA: Ngayon nga ay may mga nakahanay pang proyekto para sa


mga bayan katulad ng irigasyon, dam at kongkretong pantalan
o piyer. Tulad ng Pantalan ng Mariveles, Capinpin, Orion, at
Lamao sa Bataan at Dinggalan sa Aurora. Paano kaya kung
walang mga impraestrukturang kagaya ng mga ito ang
naipatayo sa ating

476
rehiyon? Siguro ay mabagal ang pag-unlad ng
kabuhayan ng mga tao rito sa atin, ano sa palagay mo?

PETER: Marahil ay ganoon nga. Ang Clark at Subic International


Airport ay nakakatulong upang makarating ang mga dayuhang
turista at negosyante sa Gitnang Luzon. Ang Subic
International Seaport ay daungan ng mga dayuhang barko
patungo sa Pilipinas. Sana ay mas marami pang
impraestrukturang maipatayo rito sa atin upang lalong umunlad
ang ating kabuhayan sa ating lalawigan.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Tungkol saan ang pinag-usapan nina Niño at Dory?

Bakit nila naisip na may pag-unlad sa Rehiyon III?

Isa-isahin ang mga impraestrukturang nabanggit sa


usapan. Sabihin ang kahalagahan ng bawat isa sa kabuhayan
ng mga tao?

Kung mawawala o masisira ang mga impraestruktura,


ano kaya ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga tao?
Magbigay ng kongkretong halimbawa.

477
Gawin Mo

Gawain A

Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at


MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mas mabilis ang pagbibiyahe ng mga produkto dahil sa mga


kongkretong daan.

Ang mga paliparan ay nakatutulong upang maayos at ligtas na


makalapag ang mga eroplano.

Nahihirapan ang mga taong bumili ng mga kailangang produkto sa


palengke dahil sa mga impraestrukturang naipagawa ng kanilang
punong bayan.

Lumalawak ang mga lugar na pang-agrikultura at gumaganda ang mga


ani dahil sa maayos na irigasyon.

Mas nabibigyan ng pabor ang mga kontratista o kontraktor sa mga


ipinagagawang impraestruktura kaysa sa mamamayan.

478
Gawain B

Isulat sa sagutang papel ang magiging epekto ng mga


ipinakikita sa bawat larawan sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Epekto:

1.

2. Epekto:

Epekto:
3.

479
Epekto:

4.

Epekto:
5.

Gawain C

Pangkatang Gawain

Bumuo ng dula-dulaang magpapakita ng epekto sa


kabuhayan ng pagkakaroon o pagkawala ng iba’t ibang
impraestruktura sa sariling lalawigan at rehiyon.

Natutuhan Ko

Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

Napag-uugnay ang magkahiwalay na lugar at madaling


naitatawid ang mga produkto at serbisyo dahil sa
__________.

480
A. bangka B. tulay
C. pantalan D. trak

Nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan dahil


__________.

mas nagiging mabilis ang transportasiyon ng produkto


maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto
dahil sa bako-bakong mga kalsada
C. madaling napupuntahan ang mga sakahan at lugar kung
saan naroroon ang kabuhayan
D. lahat ng nabanggit ay tama

Dahil sa pagkakaroon ng sentralisadong pamilihan, ang mga


mamamayan ay __________.

nawawalan ng direksiyon sa pagbili ng mga produkto


nalulugi dahil maraming kakompitensiya sa
pagbebenta ng produkto
nabibigyan ng pagkakataon na paunlarin ang kanilang
kabuhayan dahil may tiyak na lugar na pagdadalhan ng
mga produkto
nalilito sa dami ng mga bilihin na nakikita sa pamilihan

Ipinagawa ang mga irigasyon para sa mga magsasaka


upang __________.

matustusan nila nang sapat na tubig ang kanilang mga pananim


at sakahan kahit malayo sa pinagkukunan

481
B. magkaroon ng outlet ang ilog na pinagmumulan ng tubig
C. magkaroon ng lugar na mapaglilinisan ng kanilang kagamitan
sa pagsasaka
D. magsilbing tirahan ng mga isda

Ang mga impraestruktura ay mahalaga sa kabuhayan ng mga


mamamayan dahil __________.

nakatutulong ang mga ito sa mabilis na pagproseso ng mga


produkto at serbisyo at ang pagpapalitan ng mga ito
mas lalong nakikilala ang isang lugar
gumagastos nang malaki ang pamahalaan para maipagawa ang
mga ito
walang kinalaman ang impraestruktura sa pag-unlad ng
kabuhayan

482
AralinAralin52:Ag52:AspektoAngng AspektoEkonomiyasangm aEkonomiyaLalawiganngAting

sa mga LalawiganRehiyonng Ating Rehiyon

Panimula

Ang bawat lalawigan ay may mga sariling likas na yaman na


pinagkukunan ng kanilang mga produkto. Natutugunan nito ang
kanilang pangangailangan mula sa mga likas na yaman ng kanilang
kapaligiran. Ngunit, may mga pagkakataon na ang pangangailangan ay
kailangan pang kunin sa karatig na lugar o ibang tao. Dito naipakikita
ang pakikipagkalakalan ng mga tao sa isa’t isa upang matugunan ang
pangangailangan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng gawaing pangkabuhayan


upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa
lalawigan; at

nakapagpapakita ng mahahalagang aspekto ng ekonomiya


gamit ang graphic organizer.

483
Alamin Mo

Ano kaya ang mangyayari kapag


kulang ang kalakal? Kapag
sobra naman ang kalakal?

Bakit kaya kailangan


makipagkalakalan ang mga
lalawigan?

Tuklasin Mo

Nasubukan na ba ninyong bumili sa palengke pero nasabihan kayo


na wala na kayong mabibili? Narinig ba ninyo ang inyong magulang na
nasabihan ng tindera na nagkaroon ng bagyo kaya hindi nakarating ang
mga inangkat na gulay o karne? Saan kaya nanggagaling ang mga
pagkain? Kahit alam mong walang inaani at nakukuhang produkto sa
sariling lalawigan ay nagkakaroon pa rin tayo nito sa ating mga pamilihan.
Halimbawa, ang mga taga lungsod ay nakakabili ng bigas, isda, at gulay
gayong hindi sila nagtatanim at nag-aalaga nito. Nangyayari ito dahil sa
pakikipagkalakalan ng mga nasa lungsod sa mga lalawigang may
produktong kailangan nila.

484
Pag-aralan ang mga larawang ito:

485
Paano natutugunan ang
pangangailangan ng bawat
pamilya?

Pangangailangan

Ang bawat mag-anak ay nangangailangan ng pang-araw-araw ng


pagkain, damit, at bahay upang mabuhay. Ngunit hindi lahat ay
nakakakuha ng sariling makakain o iba pang pangangailangan sa araw-
araw.

Halimbawa, kung ang iyong mga magulang ay nagtatrabaho sa


opisina, hindi na sila makapagtatanim o makapangingisda upang
mayroon kayong makakain sa araw-araw. Ang nagtatanim o nangingisda
ay ibang tao na. Sila ay ang mga magsasaka at mangingisda, ibinibenta
nila ang kanilang mga produkto sa inyong mga magulang. Minsan
naman, hindi lamang pagkain ang kailangan ng buong mag-anak. Kapag
nagkakasakit ang isa man sa inyo at hindi ito malunasan ng inyong
magulang, karaniwang dinadala kayo sa ospital upang doon ipagamot.
Dito may mga taong nagbibigay ng kanilang serbisyo, ito ay ang mga
doktor. Sila ang tumutulong upang gumaling ang mga maysakit.
Binabayaran ng inyong mga magulang ang kanilang serbisyo.

Ano pa ang ibang halimbawa ng mga serbisyong binabayaran ng


inyong mga magulang upang matugunan ang inyong pangangailangan?

486
Kakulangan

Kung iisipin mong mabuti, ang bawat mag-anak katulad ng sa


inyo ay may kaniya-kaniyang pangangailangan. Kapag pinagsama-
sama ang lahat ng pangangailangan ng bawat mag-anak, ito ay
nagiging pangangailangan ng buong lalawigan.

Halimbawa, maraming magsasaka at mangingisda sa inyong


lalawigan ngunit nagkataon naman na mas maraming mag-anak ang
nangangailangan ng pagkain. Mas marami pa sa naaani ng mga
magsasaka at nahuhuling isda ng mga mangingisda ang
pangangailangan ng pamayanan. Kung ganito ang sitwasyon, ano ang
mangyayari sa presyo ng bilihin?

Sa ibang aspekto naman, marami ang mag-anak sa inyong


lalawigan ang nangangailangan ng pagkain nagkataon naman na mas
maraming gulay, prutas, at isda ang naibabahagi ng mga magsasaka at
mangingisda upang itinda sa palengke. Kung ganito naman ang
sitwasyon, anong mangyayari sa presyo ng mga bilihin sa palengke?

487
Kapag ang pagkain ay sapat sa bilang ng pamilya, ang presyo ng
pagkain ay normal lamang.

Kapag ang bilang ng pagkain ay hindi sapat sa pamilyang


nangangailangan ang presyo ng pagkain ay tataas.

Kapag ang bilang ng pagkain ay marami at ang bilang ng pamilya


na nangangailangan ay kakaunti ang presyo ay bababa.

488
Sagutin ang sumusunod:

Ano ang mga aspektong pang ekonomiya ang ipinapakita sa


concept map sa Tuklasin Mo sa pahina 480?

Magbigay ng mga kongkretong halimbawa ng mga gawaing


pangkabuhayan tulad ng pagsasaka, pangingisda, na
matatagpuan sa ating sariling lalawigan o rehiyon.

Paano nagkakaugnay-ugnay ang mga aspekto ng ekonomiya?

Kung kulang na ang mga pinagkukunang yaman o kaya ay


walang matatag na industriya sa inyong
lalawigan, ano ang magiging epekto nito sa
ekonomiya?

Gawin Mo

Gawain A

Isulat sa patlang ang gampanin ng mga nasa larawan sa kalakal ng


lalawigan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Magsasaka Negosyante

Siya ang __________________ Siya ang _________________

489
Pamilya Tindera

Siya ang __________________ Siya ang _________________

Gawain B

Pangkatang Gawain

Basahin ang talata.

Si Langgam at si Tipaklong
ni: Virgilio S. Almario

Isang araw ang buong


pamilyang Langgam ay nagbibilad
ng mga butil ng palay na kanilang
naipon. Hindi alintana ang tindi ng
sikat ng araw, patuloy pa rin silang
nag-iimbak. Katuwiran nila, habang
tag-init, mainam mag-ipon ng
pagkain. At dumating nga ang tag-
ulan.

Habang kumakain ang mga


Langgam ay may Tipaklong na
nangahas na lumapit at
nagmakaawa na bigyan siya ng
ilang butil ng palay upang
maibsan ang

490
kanyang gutom. Sabi ng Langgam, “Ano’t hindi ka nakapag-
imbak ng pagkain noong tag-init? Anong pinaggagawa mo
noong nakaraang panahon?”

"Hindi ako nagkaroon ng panahon upang mag-imbak ng


pagkain," sagot ni Tipaklong. “Naging abala ako sa paggawa ng musika
kaya hindi ako nakapag-ipon."

“Naku, kasya lamang ang pagkain sa aming pamilya.


Dapat ay nag-ipon po kayo habang may panahon pa.
Ikinalulungkot namin pero kailangan po kayo maghanap sa
iba,” ang wika ng mga Langgam.

Punan ang talahanayan tungkol sa pangangailangan at kakulangan


na ipinapakita ng kuwento.

Ano ang
Ano ang
Paano tinutugunan naging
kanyang
Tauhan ang epekto sa
pangangai
pangangailangan? kanya o
langan?
Kanila?

Langgam

Tipaklong

Gawain C

Pangkatang Gawain

Batay sa napag-aralan, alin kaya ang maaaring mangyari sa bawat


sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawing batayan ang
halimbawa.

491
Halimbawa:
Tumigil ang sinasakyang bus na maraming pasahero sa isang
liblib na lugar. May nagtitinda ng prutas ngunit kakaunti lamang ito.
Ano kaya ang maaaring mangyari sa presyo ng itinitindang prutas sa
mga pasahero? Bakit?

Maaaring sagot: Maaaring magtaas ang presyo ng prutas dahil


marami ang gustong bumili ngunit kakaunti lamang ito.

Mga sitwasyon:

Ang mga naaning palay ng mga magsasaka ay dinala sa pamilihan


upang ipagbili. Ngunit hindi madaanan ang tulay papuntang
pamilihan kaya humanap pa ng
ibang maaaring madaanan. Hindi nakarating agad ang palay sa
pamilihan. Ano ang maaaring mangyari?

Nagpatayo ng maraming pamilihan sa isang lugar sa inyong


lalawigan. Kaunting tao ang nakatira rito.
Karamihan sa mga paninda ay hindi nauubos. Ano ang
maaaring mangyari?

Natutuhan Ko

Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang inyong


sagot sa sariling sagutang papel.

Alin dito ang nagpapakita na kakaunti lamang ang mga gulay sa


palengke?
mataas ang presyo nito sa palengke
mababa ang presyo nito sa palengke
walang pagkakaiba ang presyo
ipinamimigay na ang gulay sa palengke

492
Bumagyo sa lalawigan at hindi madaanan ang ilang
mga tulay. Alin dito ang maaaring mangyari sa mga presyo ng
isda sa palengke?
tataas ang presyo
bababa ang presyo
mananatili ang presyo
wala sa nabanggit

Kapag ang bilang ng kalakal ay hindi sapat upang matugunan


ang pangangailangan ng mga tao, sinasabing mayroong
___________.
kalabisan sa kalakal
kakulangan sa kalakal
magkapantay na bilang ng kalakal
wala ng kalakal para sa mga tao

Kapag ang bilang ng kalakal ay sobra sa pangangailangan ng mga


tao, sinasabing mayroong
__________.
kalabisan sa kalakal
kakulangan sa kalakal
magkapantay na bilang ng kalakal
marami ang nagugutom

493
AralinAralin 53:3:AngAngPamunuanPamunuansamgaLalawigansamgangAtingLalawiganRehiyon

ng Ating Rehiyon

Panimula

Paano ba napangangalagaan ang kapakanan ng mga kasapi ng


lalawigan o rehiyon? Kanino tumatakbo ang mga tao kapag may mga
sakuna na nangyayari sa lalawigan? Sino ang nagpapanatili ng kaayusan
sa mga lansangan? Marami pang ibang pangangailangan ang bawat
taong naninirahan sa lalawigan kung kaya’t napakahalaga na may
namumuno upang matugunan ang mga pangangailangang ito. Ang
bawat lalawigan ay may pamunuan upang masiguro ang kapakanan ng
bawat kasapi nito.

Mahalagang mabatid na ang bawat lalawigan sa kinabibilangang


rehiyon ay may sariling pamunuan upang tugunan ang mga
pangangailangan ng bawat kasapi nito. Kung kaya ang bibigyang-diin
sa araling ito ay ang mga namumuno sa sariling lalawigan at ng karatig
lalawigan sa rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga namumuno sa sariling lalawigan at mga


karatig nito sa kinabibilangang rehiyon; at

nakapagsasabi na ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigang


may sariling pamunuan.

494
Sino kaya ang tumutugon sa
pangangailangan ng lahat ng
kasapi ng iyong lalawigan?
Paano naman kaya natutugunan
ang pangangailangan ng mga
kasapi ng mga lalawigan sa ating
rehiyon?

Tuklasin Mo

Pagtugon sa Pangangailangan ng Bawat Lalawigan

Ang mga taong naninirahan sa isang bayan, lungsod, o lalawigan


ay may mga pangangailangang dapat tugunan. Pangunahin na rito ang
pagkakaroon ng sapat na mabibiling pagkain sa palengke, ang
pagkakaroon ng impraestruktura sa kuryente at tubig, maayos na daanan,
ang abot kayang serbisyong pangkalusugan, at ang pagkakaroon ng
katahimikan at seguridad sa pamayanan.

Sa papaanong paraan matutugunan ang mga


pangangailangan na ito ng mga lalawigan? Pansinin ang sumusunod
na sitwasyon at pag-isipan kung paano makakatulong ang pamunuan
sa mga tao.

495
Masyadong mataas
ang presyo ninyo.
Mapipilitan po
Hepe, nahuli po namin itong
kaming ipasara ito!
magnanakaw!
Pasensya na
po. Babaguhin
na po namin!
Magaling! Dalhin
na iyan sa presinto.

Misis, kailangan ng Dok, nahihirapan po


ipasok ang bata sa akong huminga, ano po
ospital. ang maaaring dahilan
nito?

496
Bili na suki!
Magkano po?
O para diyan P100. Naku!

Napakamah
al na talaga
ng bilihin.

Kapitan, talamak na
po ang nakawan dito
sa atin. Hayaan ninyo at ipapakalat
ko ang mas maraming
nagroronda.

497
Ang barangay ay
isang pamayanan na
pinamumunuan ng
Punong Barangay o Barangay
Captain. Siya ay
inihahalal ng kaniyang mga
kabarangay upang mamuno. Ang
mga barangay na ito ang
bumubuo sa mas malawak at
sentrong pamayanan na kung
tawagin ay bayan o di kaya’y
lungsod. Bayan man o lungsod ito
ay pinamumunuan ng punong
bayan o punong lungsod.

Ang mga punong barangay ay nasa ilalim ng pamumuno ng


punong bayan o punong lungsod kung saan naroroon ang kanyang
barangay. Ang mga ito ang siya namang bumubuo ng lalawigan na
pinamumunuan ng punong lalawigan. Katulad ng punong barangay,
punong bayan o punong lungsod ng lungsod o bayan at ang punong
lalawigan ng bawat lalawigan ay kapwa hinahalal ng kanilang
nasasakupan upang mangasiwa sa pagtugon ng kanilang
pangangailangan.

Kung mapapansin ninyo, bagaman ang ating lalawigan, kasama


ng karatig lungsod at lalawigan ay kasapi ng ating rehiyon, ang bawat
isang lalawigan at lungsod ay may sariling pamunuan. Hindi sinasakop
ng bawat pamunuan ang mga karatig na lalawigan o lungsod, bagkus,
nagtutulungan ang mga namumuno ng bawat lungsod at lalawigan sa
rehiyon upang lalong matugunan ng bawat isa ang pangangailangan ng
kani-kanilang nasasakupan.

498
Ang graphic organizer ay nagpapakita ng mga
namumuno sa bawat lalawigan.

Sa mga Lalawigan

Pananda: Linya ng superbisyon


---- Linya ng koordinasyon

Batay sa tsart, ang lahat ng lungsod o bayan ay nasasakop sa


pamumuno ng punong lalawigan ng lalawigan. Ngunit may ilang
lungsod na mayroong sariling
pamunuan sa ilalim ng isang punong lungsod. Bilang isang Chartered na
Lungsod, ang Punong Lungsod ay malayang

499
ipatupad at gastusin ang nakolektang buwis sa mga proyekto na
nakatutugon sa pangangailangan ng mga tao sa naturang lungsod na
hindi na kailangang kumuha pa ng permiso sa punong lalawigan.

Sa mga Chartered na Lungsod

Punong Lungsod

Pangalawang
Punong Lungsod

Sangguniang
Panlungsod

Punong Barangay

Sangguniang Barangay

Pananda: Linya ng superbisyon


Linya ng koordinasyon

Sagutin ang sumusunod:

Itala sa talahanayan ang mga namumuno sa bawat pamayanan.


Gawin ito sa sagutang papel.

500
Pamayanan Namumuno
Barangay
Bayan
Lungsod
Lalawigan

Sa aling sitwasyon dapat nakatutugon ang namumuno ng bawat


lalawigan? Isulat ang Oo o Hindi sa sagutang papel.

Sitwasyon Oo Hindi
a. paghahanapbuhay ng
bawat tao

b. kaligtasan ng mga tao

pagbibigay ng pera para may


makain ang mga tao

pagkakaroon ng ospital sa sentro


ng munisipyo

pagtingin sa mga tindahan upang


hindi magmamalabis sa
pagbebenta ng mga pagkain

501
Gawin Mo

Gawain A
Isulat ang TAMA kung ang ugnayan sa bawat sitwasyon ay tama
at MALI kung hindi naman. Kapag mali ang sagot, sumulat ng isang
pangungusap kung bakit ito ay mali. Isulat ito sa sagutang papel.

Ang punong lungsod ng Bulacan ang namumuno sa pagpapatayo ng


pampublikong ospital sa Lungsod ng Malolos.

Napagkasunduan ng mga namumuno sa Rehiyon III na magpapatupad ng


mga batas upang isulong ang pag-unlad sa kanilang rehiyon.

Ipinatawag ng punong lungsod ng Lungsod Malolos ang punong


barangay dahil sa malaking kaguluhan na naganap doon.

Ipinasara ng punong bayan ang mga tindahang nagmamalabis sa


pagbebenta ng kanilang produkto.

Mananagot ang punong lalawigan sa lahat ng kaniyang


proyektong ginawa.

Gawain B

Pangkatang Gawain

Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang ugnayan ng mga


pamunuan ng bawat lalawigan ng rehiyon batay sa itinakda sa bawat
pangkat.

502
Pangkat 1- punong barangay ng magkalapit na barangay sa iisang
bayan

Sitwasyon: May mga pamilyang nasunugan sa isang


barangay.

Pangkat 2- punong lalawigan ng mga lalawigan ng Rehiyon


III

Sitwasyon: Ang Region III ang naatasang maging host ng


Palarong Pambansa sa darating na taon.

Pangkat 3 – Mga punong bayan o punong lungsod

Sitwasyon: Magkakaroon ng cultural-expo sa lalawigan


kung saan ang mga kultura ng bawat lungsod o bayan ay
magkakaroon ng isang eksibit kung saan maraming tao ang
makakakita.

Natutuhan Ko

Sagutin ang sumusunod. Gamitin ang sagutang papel.



Iguhit ang ☺ kung tama ang isinasaad ng pangungusap at kung mali
ang pangungusap. Iwasto ang maling salita.

Punong lalawigan ang namumuno sa isang lalawigan.


Wastong Pangungusap:
______________________________________

Ang mga lalawigan ang bumubuo ng mga barangay.


Wastong Pangungusap:
______________________________________

503
Ang punong lungsod ang nagpapatupad ng mga programang
panlalawigan.
Wastong Pangungusap:
______________________________________

Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay may sariling pamunuan.


Wastong Pangungusap:
______________________________________

Hindi kailangan ang pamunuan upang matugunan ang


pangangailangan ng lalawigan.
Wastong Pangungusap:
______________________________________

Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa


isinasagawa o ginagawa ng mga namumuno sa isang lalawigan.
Isulat sa inyong notbuk.

504
Aralin 54: Mga Namumuno at Kasapi
ng mga Lalawigan

Panimula

Ang bawat lalawigan ay may nasasakupang mga tao o pangkat ng


tao. Ang mga kasapi ng lalawigan ay ang mga taong namumuhay dito.
Sa pamumuhay ng mga tao sa lalawigan, nagkakaroon ito ng mga
pangangailangan na dapat tugunan. Sa maliit na lalawigan, madaling
magpulong ang mga kasapi o ang mga taong namumuhay rito upang
mapag-usapan kung paano nila tutugunan ang kanilang pangangailangan.
Ngunit sa mga malalaking lalawigan at sa modernong panahon, hindi na
sapat ang mapag-usapan ng buong pamayanan ang kanilang suliranin.
Nangangailangan ito ng kinatawan ng mga tao na siyang tutugon sa
pangangailangan nila.

Mapag-usapan sa araling ito kung sino-sino ang kasapi ng


lalawigan at kung sino-sino naman ang namumuno upang matugunan ng
lalawigan ang pangangailangan ng kaniyang mga kasapi.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga kasapi at namumuno sa mga lalawigan o


lungsod o bayan; at

nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga ambag ng mga


kasapi at namumuno sa ikabubuti ng lalawigan.

505
Alamin Mo

Sino-sino kaya ang


mga kasapi ng
lalawigan?
Sino-sino ang
namumuno rito?

Tuklasin Mo

Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang ginagawa ng


mga tao na nasa larawan?

2. Bakit nila ito


ginagawa? Sino ang nag-
utos sa kanila na gawin
ito?

Mga Mamamayang Nagkakawanggawa

Ang bawat isang lalawigan ay may naninirahang mga tao,


indibiduwal man o mag-anak. Ang mga naninirahan dito ay itinuturing
na kasapi ng nasabing lalawigan. Ang paninirahan ng bawat isa ay may
kaakibat na pangangailangan na kailangang tugunan sa kaniyang
pamumuhay sa nasabing lugar.

506
Karaniwang pangangailangan ay ang pagpapanatili ng kaayusan,
katahimika, at kalinisan ng kapaligiran. Bukod pa rito, kailangan ding
matugunan ang pangangailangan ng mag-anak ng sapat na
mapagkukuhanan ng kanilang makakain at ang makapag-aral ang
kanilang mga anak. Habang lumalaki at lumalawak ang pamayanan,
lumalawak din ang mga saklaw ng pangangailangan ng mga kasapi
nito.

Sa maliit na pamayanan, ang mga suliraning kinakaharap ay


madaling mapag-usapan sapagkat halos magkakakilala ang mga tao.
Ngunit sa pagdami ng mga taong naninirahan sa isang pamayanan,
makikitang hindi magiging madali ang simpleng pag-uusap lang ng
mga magkakakilalang kasapi ng pamayanan.

May pamunuan na kailangang mamagitan upang maayos ang


anumang suliraning kinakaharap ng nasabing pamayanan. Sa puntong
ito, ang pamayanan ay nangangailangan ng mga batas o kautusan na
dapat sundin ng mga kasapi upang mapanatili ang kaayusan ng
pamayanan.

Ang pamunuan ng bawat pamayanan, bayan, lungsod, o lalawigan


man ang siyang nagpapatupad ng kaayusan ng pamayanan. Sa bayan o
lungsod, ang punong bayan o punong lungsod ang pinakapinuno at sa
lalawigan naman ay ang punong lalawigan. Bukod sa pinakapinuno ng
bawat lalawigan, lungsod, o bayan, may mga kaagapay sila sa pagtugon
ng pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Makikita sa
talahanayan ang mga naglilingkod sa pamunuan ng lalawigan, lungsod, o
bayan.

507
Pamunuan ng Lalawigan, Lungsod, Bayan,
at Baranggay
Lugar Mga Pamunuan Mga
Kabilang Dito Kaagapay
Lalawigan mga lungsod punong pangalawang
sa lalawigan lalawigan punong
panlalawigan
mga punong pangalawang
lungsod o lungsod o punong
bayan punong lungsod o
bayan pangalawang
punong
bayan
sangguniang
panlalawigan
mga punong sangguniang
barangay barangay barangay
Lungsod mga punong pangalawang
barangay lungsod punong
lungsod

punong sangguniang
barangay barangay

Bayan mga punong pangalawang


barangay bayan punong
bayan
punong sangguniang
barangay barangay
Barangay mga mag- punong sangguniang
anak barangay barangay

mga sangguniang
indibiduwal kabataan

508
Tungkulin ng bawat pamunuan na tugunan ang mga
pangangailangan ng mga taong nasasakupan nito. Sino-sino naman ang
dapat paglingkuran ng pamunuan? Lahat ng taong nakatira sa isang
pamayanan ay kasapi nito. Saang pamayanan ka nakatira? Sino-sino
ang namumuno sa iyong pamayanan?

Sagutin ang sumusunod:

Bakit nagkakaroon ng pamunuan sa isang pamayanan?


Sino ang kasapi ng pamayanan?
Sino ang pinuno ng inyong lalawigan?

Sino ang mga kaagapay ng mga punong lungsod o punong bayan?


Kasapi ka ba ng lalawigan kapag ang iyong barangay ay kabilang sa
nasabing lalawigan?

Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain

Magtanong sa magulang o nakatatanda kung sino-sino ang mga


namumuno sa inyong pamayanan. Ang bawat nabuong pangkat ay
gumawa ng talahanayan at isulat sa kahon ang mga nalamang pangalan
ng mga namumuno sa iyong pamayanan. Gamitin ang kasunod na
talahanayan.

509
Mga Namumuno sa
Lalawigan o Lungsod Pangalan
(Posisyon)
Punong Lalawigan
Punong Lungsod
Punong Barangay

Gawain B

Pangkatang Gawain

Pag-usapan ng bawat isang pangkat at sagutin ang sumusunod na


tanong. Isulat sa malinis na papel at iulat sa klase.

Ano ang mga proyektong ipinapatupad sa inyong


lalawigan, lungsod, o bayan?
Paano ipinapatupad ang mga proyekto sa inyong
lalawigan, lungsod, o bayan?
Ano ang nagagawa nito sa mga kasapi ng lalawigan,
lungsod, o bayan?

Iguhit ang isang proyekto na ipinapatupad ng pamunuan sa iyong


lalawigan, bayan, o lungsod. Ipakita kung paano nito
tinutulungan ang mga kasapi ng pamayanan.

510
Gawain C

Indibidual na Gawain

Batay sa mga larawang nasa kabilang pahina, sumulat ka ng talata


na tumutukoy sa papel na ginagampanan ng mga namumuno sa inyong
lalawigan. Gamiting gabay ang sumunod ng mga tanong.

PAMAHALAAN

511
Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ano-anong papel ang ginagampanan ng mga namumuno sa


inyong lalawigan?

Madali o mahirap bang gawin ang mga gawaing ito?

Paano tayo makatutulong sa pagtupad ng kanilang tungkulin?

Natutuhan Ko

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang


papel.

Sino ang mga pinuno ng bayan na inihalal ng mga mamamayan?

Sino ang mga pinuno ng lalawigan na inihalal ng mga mamamayan.

Bilang mag-aaral, ano ang katungkulan mo sa bayan?

512
Aralin 55: Mga Tungkulin at Pananagutan ng
mga Namumuno sa Ating Lalawigan

Panimula

Sa nakaraang aralin, natukoy mo ang mga namumuno sa inyong


pamayanan, maging lalawigan man ito, lungsod o bayan. Natukoy mo
ang tawag sa punong tagapamahala ng nasabing pamayanan at ang mga
ito ay inihahalal ng mga kasapi ng bawat pamayanan.

Ang pagkakaluklok ng mga pinuno ay may kaakibat na


tungkulin at pananagutan sa mga kasapi ng pamayanan, lalawigan,
lungsod, o bayan man ito. Mahalagang ipahayag ang damdamin ng
mga kasapi sa pagganap ng mga tungkulin ng mga pinuno. Tinitiyak
nito na mapaglingkuran na mabuti ang kanilang nasasakupan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng mga tungkulin at pananagutan ng mga


namumuno sa mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon; at

nakapagpapahayag ng saloobin tungkol sa pagganap ng mga


namumuno sa kanilang tungkulin upang matugunan ang
pangangailangan ng mga kasapi ng kanilang lalawigan sa
kinabibilang rehiyon.

513
Alamin Mo

Ano kaya ang mga tungkulin na


dapat gampanan ng mga namumuno sa
lalawigan?
Paano maipararating sa mga
namumuno ang mga tungkuling ito na
dapat nilang gampanan?

Tuklasin Mo

Basahin ang ilan sa mga kapangyarihan, katungkulan, at


pananagutan ng bawat namumuno sa lalawigan ayon sa Kodigo ng
Pamahalaang Lokal 1991.

Nasa sumusunod ang ilan sa mga kaakibat na tungkulin


ng mga namumuno ng lalawigan.

Punong Lalawigan

Siya ang pinakamataas na namumuno


sa lahat ng proyekto, programa,
serbisyo, at gawain sa lalawigan.

Sinisiguro niya na naipatutupad ang


lahat ng batas at ordinansa ng
lalawigan.

514
Namamahala siya sa paggamit sa pondo at iba pang pinagkakakitaan
para sa planong pangkaunlaran ng lalawigan.

Sinisiguro niya na ang serbisyong panlipunan ay


naipatutupad ayon sa batas.

Pangalawang Punong Lalawigan

Siya ang pangalawang pinakamataas


na pinuno ng lalawigan.

Siya ang namumunong Presiding


Officer ng Sangguniang
Panlalawigan.

Nagpapatupad ng tungkulin ng punong lalawigan kung ang posisyon ay


mababakante.

Katuwang ng punong lalawigan sa pamamahala at pagpapatupad ng


mga batas at alituntunin sa lalawigan.

Sangguniang Panlalawigan

1. Nagsasagawa sila ng mga batas.

2. Tumutulong sila sa pagpapatupad


ng proyekto sa distrito at sektor
na kanilang kinakatawan.

3. Nagpapatupad sila ng mga


tungkuling iniatang ng Konseho
o sanggunian.

515
Ilan sa mga kaakibat na tungkulin ng mga namumuno ng lungsod
o bayan.

Punong Lungsod o Punong Bayan

Siya ang pinakamataas na namumuno


sa lahat ng proyekto, programa,
serbisyo, at gawain sa lungsod o
bayan.

Sinisiguro niya na naipatutupad ang


lahat ng batas at ordinansa ng
lungsod o bayan.

Namamahala sa paggamit sa pondo at


iba pang pinagkakakitaan para sa
planong pangkaunlaran ng lungsod o bayan.

Sinisiguro niya na ang serbisyong panlipunan ay naipatutupad


ayon sa batas.

Ilan sa mga tungkulin ng mga kaagapay ng namumuno ng lungsod


o bayan:

Pangalawang Punong Lungsod o Pangalawang Punong Bayan

Siya ang pangalawang pinakamataas na namumuno sa lahat ng


proyekto, programa, serbisyo at gawain ng lungsod o bayan.

Sinisiguro niya na naipatutupad ang lahat ng batas at ordinansa ng


lungsod o bayan.

516
Namamahala sa paggamit sa pondo at iba pang pinagkakakitaan para
sa planong pangkaunlaran ng lungsod o bayan.

Sinisiguro niya na ang serbisyong panlipunan ay naipatutupad


ayon sa batas.

Sangguniang Panlungsod

Nagsasagawa sila ng mga batas.

Tumutulong sa pagpapatupad ng proyekto sa distrito at sektor na


kaniyang kinakatawan.

Nagpapatupad sila ng mga tungkuling iniatang ng konseho o


sanggunian.

Punong Barangay at Sangguniang Barangay

Pinapatupad nila ang


kinakailangang
proyekto upang
matugunan ang
kabuoang kapakanan
ng mga kasapi ng
barangay.

Pinapatupad nila
ang mga batas upang masiguro ang kaayusan sa buong
barangay.

517
Sagutin ang mga tanong:

Ano ang mga tungkulin at pananagutan ng bawat namumuno sa


lalawigan?

Saan nanggagaling ang kanilang katungkulan at kapangyarihan?

Ano ang mga dapat isaalang-alang ng mga namumuno sa lalawigan sa


kanilang pagpapatupad
ng kanilang tungkulin sa lalawigang kanilang
nasasakupan?

Gawin Mo

Gawain A
Pangkatang Gawain

Bumuo ng apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay tatalakay ng


mga sitwasyon, isyu, o kalagayan na nasa inyong lalawigan. Isadula
ang mga sitwasyon at mga paraan kung paano ang mga ito ay
natutugunan ng pamahalaang panlalawigan.

Pangkat 1: Panahon ng kalamidad.

Pangkat 2: Kalinisan at kaayusan sa lalawigan.

Pangkat 3: Maraming batang namamalimos at hindi nag-


aaral.

Pangkat 4: Maraming maysakit na kailangang gamutin.

518
Gawain B

Pangkatang Gawain

Sa mga kalagayang binanggit sa pahina 518, paano ipinakikita ng


mga namumuno sa inyong lalawigan o lungsod ang kanilang
pananagutan at tungkulin?
Punan ang talahanayan.
Pangkat
Suliranin: ________________________________

Mga Namumuno ng Paano Ipinakikita ng


Aking Lalawigan o mga Namumuno ang
Lungsod Pagganap sa Kanilang
mga Tungkulin at
Pananagutan?
Punong lalawigan

Punong lungsod o bayan

Punong barangay

Gawain C

Kung makakausap mo ang inyong punong lalawigan o punong


lungsod, ano ang hihilingin mo sa kanya para sa inyong paaralan?

519
Natutuhan Ko

Isulat sa graphic organizer ang mga tungkulin ng mga


namumuno sa lalawigan. Isulat sa sagutang papel.

Mga Tungkulin

Pangalawang
Punong Punong Sangguniang
Lalawigan Lalawigan Panlalawigan

520
Aralin 56: Paraan sa Pagpili ng Pinuno
ng mga Lalawigan

Panimula

Ang nakaraang aralin ay tungkol sa mga tungkulin at


pananagutan ng mga namumuno sa sariling lalawigan. Nakasaad sa
Kodigo ng Pamahalaang Lokal 1991 ang lawak ng kapangyarihan at
tungkulin ng mga opisyal sa lalawigan, lungsod, o bayan.

Paano nga ba napipili ang mga namumuno? Sa pamamagitan ng


pag-alam sa paraan ng pagpili ng mga namumuno, mas mauunawaan
ang kahalagahan ng tamang pamumuno sa pagpapaunlad ng mga
lalawigan, lungsod, o bayan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng paraan ng pagpili ng mga namumuno sa


lalawigan o lungsod; at

nakapagbibigay ng sariling saloobin sa ninanais na pamumuno sa


kinabibilangang lalawigan o lungsod.

521
Alamin

Paano kaya pinipili ang mga


namumuno sa lalawigan o
lungsod?

Tuklasin Mo

Naiisip ba ninyo kung ano ang nangyayari kapag may eleksiyon o


halalan? Ang halalan ay paraan natin ng pagpili sa mga maglilingkod sa
ating pamayanan, maging sa lalawigan, lungsod, bayan, o barangay man
ito. Pag-aralan natin kung paano naihahalal ang namumuno.

Nais kong
maglingkod sa
ating lalawigan.

Ang isang kasapi ng pamayanan na


nais maglingkod ay magpapahayag
ng kanyang kagustuhang Ang nais maglingkod ay
magligkod sa mamamayan ng maghahain ng kaniyang
kinabibilangang lalawigan, Certificate of Candidacy
lungsod, o bayan. (COC) sa Commission on
Elections (COMELEC).

522
Magkakaroon ng halalan at Bibilangin ang bilang ng
boboto ang mamamayan kung botong nakuha ng mga
saang paaralan sila kandidato.
nakarehistro.

Ang kandidatong naka-


Ang panunungkulan ng nahalal
kuha ng
na tagapaglingkod ay may
pinakamaraming boto
nakatalagang bilang na taon.
ang tatanghaling
panalo at
manunungkulan.

523
Ayon sa batas, hindi lahat ay
maaaring tumakbo upang
mahalal bilang
tagapaglingkod. Narito ang
mga dapat na makamit upang
makatakbo sa eleksiyon.
Kailangan ay isang Pilipino at
rehistradong botante.
Nakatira nang mahigit pa sa
anim na buwan kung saan
niya nais mamuno.
Dapat ay dalawampu’t isang
taong gulang pataas.
Marunong magbasa at
magsulat.

Gawin Mo

Gawain A
Magsagawa ng dula-dulaan tungkol sa isang halalan dito sa ating
silid-aralan. Ipakita ang mga hakbang sa pagpili ng mamumuno sa
lalawigan, lungsod o bayan. Maaaring sundin ang sumusunod:

Gumawa ng pangalan ng iba’t ibang partidong


magkakatunggali.
Ipakilala ang mga kandidato sa lahat ng posisyon.

524
Magsagawa ng kampanya.
Gawin ang halalan sa pamamagitan ng pagboto.
Bilangin ang mga boto.
Proklamasyon sa mga nananalo.

Gawain B
Pangkatang Gawain

Basahin ng inyong pangkat ang ilang probisyon sa Batas Republika Blg.


7166 o Batas na Nagsasaad para sa Sabay- Sabay na Halalang
Nasyunal at Lokal.

Batas Republika Blg. 7166


(Sabay-Sabay na Halalang Nasyunal at Lokal)
Isinasaad sa batas na ito ang sumusunod:

Magkasabay na halalang pambansa at lokal, isasagawa ito


isang beses kada tatlong taon.

Ang mga posisyon na inihalal sa lalawigan ay ang sumusunod:


punong lalawigan, pangalawang punong lalawigan, at mga kasapi
ng sangguniang panlalawigan (ang bilang nito ay depende sa
kung ilan ang distrito).
Binigyan ng pitumpu’t limang araw para sa
nominasyon ang kandidato.
Apatnapu’t limang araw lamang ang inilaan para sa
pangangampanya.

Ang bawat kandidato ay gagastus sa pangangampaya ng hindi


lalagpas sa tatlong piso (php3.00) kada botante.

525
Pinipili ang mga namumuno sa pamamagitan ng isang halalan. Ang
maaaring bumoto ay mga rehistradong botante na nasa
labinwalong taong gulang pataas.

Nakasulat sa opisyal na balota ang pangalan ng kandidato.


Ang termino ng mga nahalal na opisyal sa lalawigan o bayan ay
tatlong taon.

Talakayin ang mga sitwasyon sa halalan na nangyayari sa inyong


lalawigan. Paano sinusunod ng mga kandidato ang batas tungkol
sa halalan. Sabihin ang inyong saloobin tungkol dito.

Sitwasyon 1

May isang kandidato sa pagka-mayor sa inyong bayan o


lungsod. Sa isang pagtitipon namigay siya ng sobre na may
lamang limandaang piso (P500.00) kasabay ng pagsasabing siya
ang iboto sa darating na eleksiyon. Isa ang iyong pamilya sa
nabigyan ng pera.

Ano ang iyong saloobin sa ginawa ng kandidato?


Karapat-dapat bang iboto siya?

Sitwasyon 2
Natapos na ang halalan sa YES-O Club. Ngunit may isang
kandidatong nais magprotesta dahil mali daw ang talaan ng mga
botante sa paaralan. Isa ka sa mga nanalong kandidato na kapartido
ng magrereklamo.

Ano ang maaaring mong maimungkahi sa


sitwasyong ito?

526
Gawain C

Nagkaroon ng malawakang halalan sa Supreme Pupil


Government sa inyong paaralan. Ano ang mga natatandaan mong
mahalagang naganap sa halalan? Isulat ito sa sagutang papel.

Natutuhan Ko

Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa


sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. pinakamataas na a. Php 3.00
pinuno ng lalawigan
2. tamang edad para b. pagsulat sa balota
makaboto
3. bilang ng araw sa c. punong lalawigan
kampanya
4. paraan ng pagpili ng d. labing walong taong
pinuno gulang
5. gastos para sa bawat e. apatnapu’t limang
botante araw

II. Pagsulat ng Talata


Sumulat ng isang talata tungkol sa maayos na paraan sa pagpili
ng mga pinuno ng lalawigan.

527
Aralin 57: Kahalagahan ng Pamahalaan
sa mga Lalawigan ng Ating Rehiyon

Panimula

Sa Aralin Limampu’t Anim, napag-aralan natin na ang bawat


lalawigan ay may namumuno upang matugunan ang pangangailangan ng
mga kasapi ng lalawigan, lungsod, o bayan na nasasakop niya. Nalaman
din natin na may paraan sa pagpili ng mga pinuno upang manungkulan sa
lalawigan. Ang mga namumuno ay maaaring palitan tuwing sasapit ang
halalan ayon sa saloobin ng mga nasasakop nila. Kahit pa magpalit ang
mga taong nanunungkulan, patuloy pa rin ang pangangailangan ng bawat
kasapi ng lalawigan o lungsod. Kung kaya may pamahalaan na
nagpapatuloy ng mga proyektong ito.

Sa araling ito, tatalakayin naman ang kahalagahan ng pagkakaroon


ng pamahalaan sa bawat lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


pamahalaan sa bawat lalawigan sa kinabibilangang rehiyon;
at

nakasusulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng


pagkakaroon ng pamahalaan sa bawat lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon.

528
Alamin Mo

Bakit mahalaga ang


pamahalaan sa bawat
lalawigan, lungsod o bayan?

Tuklasin Mo

Ang mga lalawigan ay may pamahalaan na tumutugon sa mga


pangangailangan ng mga kasapi nito. Ang mga tao ang nagpapasiya
kung sino sa mga kasapi nito ang mamumuno sa kanila sa
pamamagitan ng isang halalan. Ang pamahalaan sa pamamagitan ng
mga nahalal na pinuno ang nagpapatupad ng mga batas upang
magkaroon ng kaayusan sa pamayanan.

Ang kahalagahan ng pamahalaan ay nakikita sa araw-araw na


pamumuhay ng mga nasasakupan ng lalawigan. Ang pagtamasa ng
sariling kalayaan ay isang pagpapakita ng kahalagahan ng pamahalaan sa
mga tao. Ang bawat kasapi ng lalawigan ay malayang nakakagalaw sa
nais nitong puntahan, makapamili ng mga nais nitong mga kagamitan at
makapagsasabi ng sariling saloobin sa mga namumuno ng lalawigan.

529
Pansinin ang mga larawan. Paano nakikita ang
pamahalaan sa bawat sitwasyon?
Aba! tumaas na
naman ang presyo
ng isda. Opo, kaunti lamang
kasi ang
huling isda.

Ang pamahalaan ng lalawigan ay mahalaga sa pagtugon sa mga


karapatan ng bawat kasapi nito. Iba’t

530
ibang uri ng karapatan ang tinatamasa ng bawat isang kasapi.
Pangunahin na rito ang karapatan na magkaroon ng proteksiyon sa
sariling buhay at ari-arian. Paano naipakikita ang proteksiyon sa buhay
at ari-arian ng bawat isa?

Tungkulin ng pamahalaan ang makapagbigay ng serbisyong


panlipunan sa mga nasasakupan nito. Bilang pagtugon sa karapatan ng
mga kasapi na magkaroon ng malusog na pamumuhay at ligtas sa
panganib. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng sapat na serbisyong
pangkalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pampublikong
pagamutan.

Ang lalawigan ay nangangailangan ng sapat na hukbo ng pulisya


upang bigyang proteksiyon ang buhay at ari-arian ng mga tao. Sa mga
panahon ng sakuna, ang pamahalaan ang unang takbuhan ng mga tao
kung kaya’t napakahalaga na may sapat na paghahanda ito upang
masiguro na ligtas ang mga nasasakupan nito sa mga ganitong
pagkakataon. Ano ang mangyayari kapag hindi natugunan ng
pamahalaan ang mga karapatan na ito ng kaniyang mga nasasakupan?
Isa pang kahalagahan ng pamahalaan ay ang maproteksiyunan ang
kapaligirang nasasakupan nito. Tungkulin nito ang pagpapanatili ng
kalinisan ng kapaligiran ng lalawigan at masiguro na ang kalikasan ay
mapangangalagaan. Mahalaga na mapanatili ang mga likas na yaman ng
lalawigan sa pamamagitan ng wastong paggamit at pangangalaga nito.
Ang karamihan ng kabuhayan ng mga tao sa lalawigan ay nakadepende
sa pagkakaroon ng sapat na pinagkukunang yaman ng lalawigan. Kung
kaya napakahalaga na ipatupad ang mga batas sa tamang paggamit ng
mga pinagkukunang yaman. Sa paanong paraan ka makatutulong dito?

531
Gawin Mo

Gawain A

Indibiduwal na Gawain

Lumikha ng poster na naipakikita na ang pamahalaan ay kailangan ng


mga kasapi ng lalawigan. Ang poster ay sumasagot sa sumusunod na
katanungan:

Ano ang mga ginagawa ng pamahalaan para sa mga kasapi ng


lalawigan?
Ano ang mga naging epekto nito sa pamumuhay ng mga tao?

Gawain B

Pangkatang Gawain
Talakayin ng mga nabuong pangkat ang epekto ng uri ng
pangangasiwa ng pamahalaan sa pangangailangan ng pamayanan. Punan
ang kahon sa ibaba.

Epekto ng Epekto ng
Pangangailangan Pamahalaan na Pamahalaan na
ng Mamayanan Tumutugon sa Hindi Tumutugon sa
Pangangailangan Pangangailan
Kalikasan ng
lalawigan
Kapayapaan sa
lalawigan
Kalusugan ng
mga tao

532
Gawain C

Isulat sa sagutang papel ang isang maikling sanaysay tungkol sa


kahalagahan ng pamahalaan sa sariling lalawigan.

Natutuhan Ko

A. Lagyan ng tsek (√ ) kung tama ang ipinahahayag ng bawat


pangungusap at ekis ( X ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

Ang pamahalaan ang nagbibigay ng mga serbisyo para sa


ikabubuti ng mamamayan.

Mabilis ang pag-asenso ng lalawigan kung walang pamahalaan.

Hindi na kinakailangan ng mga namumuno sa bayan dahil


nagtutulungan naman ang mga mamamayan.

Mahalaga rin ang suporta ng taong-bayan sa pamahalaan


para sa ikatatagumpay ng mga programang nito.

Ang pagkakaroon ng lokal na pamahalaan ay nakatutulong


para sa pambansang kaunlaran.

533
B. Piliin ang mga parirala o kaisipan na nagsasabi ng kahalagahan ng
pagkakaroon ng pamahalaan sa bawat lalawigan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

pinapanatili ang nagpapatupad ng mga batas


kaayusan at para sa pansariling interes ng
katahimikan mga opisyal

itinataguyod ang mga pinipigilan ang mga


karapatang pantao kagustuhan ng mga tao

ninanakaw ang pinauunlad ang kabuhayan ng mga


kaban ng bayan mamamayan

534
Aralin 58: Paglilingkod ng Pamahalaan sa
mga Lalawigan ng Ating Rehiyon

Panimula

Sa katatapos na aralin, nagkaroon ka ng batayang kaalaman


tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan sa mga
lalawigan.

Ang pamahalaan ay mahalaga sa pag-unlad at pagpapanatili ng


kaayusan at kapayapaan ng bawat lalawigan at rehiyon. May mga
paglilingkod na ibinibigay ang pamahalaan sa mga mamamayan ng
lalawigan nito.

Sa araling ito, mahalagang malaman mo ang mahahalagang


paglilingkod na tinatamasa ng mga kasapi ng bawat lalawigan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakapagpapakita ng malikhaing pamamaraan ng paglilingkod sa


pamahalaan ng mga lalawigan sa mga kasapi nito; at

nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga paglilingkod ng


pamahalaan sa mamamayan ng mga lalawigan sa kasapi
nito.

535
Alamin Mo

Ano-ano kaya ang paglilingkod na


ibinibigay ng pamahalaan sa mga
mamamayan ng lalawigan?

Bakit mahalaga ang


mga paglilingkod
na ibinibigay ng
pamahalaan sa
mga lalawigan na
kasapi nito?

536
Tuklasin Mo

Ang pamahalaan ng bawat lalawigan ay kumikilos upang


mapaglingkuran ang mga kasapi nito.

PAMAHALAAN

537
Ang pamahalaan ng lalawigan ay tumitingin kung sapat ang dami ng
mga bilihin ng batayang pangangailangan ng kaniyang mamamayan
katulad ng pagkain, tubig, at iba pa.

Ang pamahalaan din ang tumitingin kung may maayos na


serbiyong naibibigay upang magkaroon ng sapat na koryente, tubig, at
komunikasyon ang lalawigan.

Ang pamahalaan ay nagbabantay upang mapanatili ang


kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan. Mahalaga ang
tungkuling ito dahil hangad ng bawat kasapi nito ang isang mapayapa,
maayos, at ligtas na pamumuhay sa pamayanan kaniyang kinabibilangan.

Kasama rin sa mga tungkulin ng pamahalaan ay ang mapanatiling


ligtas sa sakit at karamdaman ang kaniyang mga kasapi, magbigay ng
libreng gamot at bakuna, at magbigay ng impormasyon upang
magkaroon ng kaalaman sa tamang bilang ng anak ang kanyang
mamamayan. Tungkulin din ng pamahalaan na mapanatili ang kalinisan
ng kapaligiran at magbigay ng libreng tirahan.

Nagsisikap ang pamahalaan na maibigay ang mataas na kalidad ng


edukasyon sa pamamagitan ng pagtingin sa kalidad ng serbisyo ng mga
pribadong paaralan sa lalawigan. Tumutulong din ito sa pagpapatayo ng
mga paaralang pampubliko upang matamasa ang edukasyon ng lahat.

Ang pamahalaan ay may mga proyekto sa pagpapatayo ng mga


lansangan, daungan ng barko, at paliparan upang masiguro ang paggalaw
ng mga serbisyo at mga produkto sa iba’t ibang mga lalawigan.
Sinisiguro din ng pamahalaan na may maayos na transportasyon upang
ang mga nagtrarabaho sa kompanya ay makakarating sa kanilang mga
opisina. Kung hindi maayos ang transportasyon, mahihirapan ang mga tao
na makarating ng madali at maayos sa kanilang mga destinasyon.

538
Sagutin ang sumusunod:

Ano ang mga halimbawa ng paglilingkod ng pamahalaan?

Anong mga pangangailangan ang tinutugunan ng mga


paglilingkod na ito?

Ano ang nangyayari sa mga lalawigan na


maayos ang pagbibigay ng paglilingkod sa kanilang
mamamayan?

Ano naman ang nangyayari sa mga hindi natutugunan


na paglilingkod?

Kung kayo ay kasapi sa pamahalaan, anong proyekto


ang gagawin ninyo upang matugunan ang
pangangailangan ng inyong mamamayan?

Gawin Mo

Gawain A

Punan ang graphic organizer upang ipakita ang dahilan ng


paglilingkod ng pamahalaan sa kaniyang mga mamamayan.

Dahilan ng paglilingkod Serbisyo ng pamahalaan

serbisyong
pangkapayapaan

539
serbisyong pang-
edukasyon

serbisyong
pangkalusugan

serbisyong
impraestruktura at
komunikasyon

serbisyong seguridad
sa pagkain

serbisyong
pangkabuhayan

Gawain B

Ano ang mga paglilingkod na ginagawa ng pamahalaan sa


sumusunod na sitwasyon? Gumawa ng poster na nagpapakita ng
paglilingkod ng pamahalaan ng mga lalawigan sa mga kasapi nito.

Nagkaroon ng matinding kalamidad sa lalawigan. Halos lahat ng


mga gusali at bahay sa pamayanan ay nagiba at hindi na
puwedeng tirahan. Wala ng mabiling pagkain o tubig na inumin
sa mga tindahan.

540
Wala na ring koryente at tubig. Anong paglilingkod ang
magagawa ng pamahalaan?

Halos lahat ng mga tao sa komunidad ay


nagtatrabaho sa iba’t ibang kompanya. Karamihan sa kanila ay
gumagamit ng pampublikong sasakyan. Ngunit sa sobrang taas ng
presyo ng gas, nagpasiya ang mga kompanya ng pampublikong
transportasyon na tumigil sa pamamasada. Walang masakyan ang
mga manggagawa ng mga kompanya. Anong
paglilingkod ang magagawa ng pamahalaan?

Sa isang lalawigan, nagbukas ang maraming negosyo dahil sa


mapayapa at malinis na kapaligiran nito. Nagkaroon ng maraming
oportunidad na magkatrabaho sa lugar. Kaya naman maraming
dayuhan ang pumiling tumira sa lalawigan. Dahil dito, dumami ang
mga batang kailangan mag-aral. Lumaki ang bilang ng mga bata sa
bawat baitang ng isang
lokal na paaralan. Ano ang paglilingkod na
magagawa ng pamahalaan?

Natutuhan Ko

Isulat ang uri ng paglilingkod na tinatanggap ng mamamayan mula sa


pamahalaan. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.
serbisyong pangkabuhayan libreng edukasyon
serbisyong pangkalusugan tulong teknikal
proteksiyon sa buhay at ari-arian
paglilingkod panlipunan

541
Pagpapatayo ng mga paaralan at pagbibigay ng scholarship sa
mag-aaral.
Libreng bakuna para sa mga sanggol.

Pag-aayos ng mga sirang kasangkapan ng mga technician.

Pagpapautang ng puhunan upang makapagpatayo ng maliit na


negosyo.

Paghuli ng mga may kapangyarihan sa gumagawa ng masama.

Isa-isahin ang mga paglilingkod ng pamahalaan ng mga lalawigan sa


mga kasapi nito. Isulat ang mga sagot sa Caterpillar Map. Gawin
ito sa inyong sagutang papel.

Mga
paglilingkod ng
pamahalaan

542
Aralin 59: Pakikilahok sa mga Proyekto ng Pamahalaan sa
mga Lalawigan ng Ating Rehiyon

Panimula

Sa katatapos na aralin, nagkaroon ka ng batayang kaalaman


tungkol sa mga dahilan ng paglilingkod ng pamahalaan ng mga
lalawigan sa mga kasapi nito.

Sa araling ito, tatalakayin ang mga proyekto ng pamahalaan ng


lalawigan sa kinabibilangang rehiyon. Masusing pag-aralan at
unawain ang mga proyektong ipinatutupad ng lalawigan para sa
kapakanan ng bawat mamamayan.

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

nakatutukoy ng ilang proyekto ng pamahalaan ng mga lalawigan


sa kinabibilangang rehiyon; at

nakapagpapakita ng pakikiisa sa mga proyekto ng pamahalaan


ng sariling lalawigan sa malikhaing pamamaraan.

543
Alamin Mo

Sa paanong paraan natin


maipakikita ang pakikilahok
sa proyekto ng pamahalaan?

Tuklasin Mo

Marami ang Oo nga! Isa rito ang


proyekto ng ating
reforestation. Ito yung
pamahalaan, di ba?
pagtatanim ng puno sa
ating mga nauubos na
kagubatan.

Bakit kaya
kailangan nating
gawin ito?

544
Batay sa graph mula 1992- Hindi ba ang ugat ng puno
2012, unti- unti nang nauubos ang sumisipsip ng tubig
ang ating mga kagubatan. ulan upang maiwasan ang
baha?

545
546
Programa ng Pamahalaan

Hinihikayat na Hinihikayat din ang mga


madagdagan ang kita ng pamilya na madagdagan
mga magsasaka ng ang kita sa pamamagitan
lalawigan sa pamamagitan ng paggawa ng produkto.
ng programang gulayan sa
pamayanan.

Kampanya sa Paghikayat sa bawat


pagpapatibay ng sariling mag-anak ng lalawigan
sining at kultura. na magtanim sa sariling
bakuran para sa
pansariling gamit.

Sagutin ang sumusunod:

Bakit nagpapatupad ng mga proyekto ang lalawigan?

Ano ang mga proyekto ng pamahalaan sa inyong lalawigan?

Alin sa mga proyektong ito ang inyong sinalihan?

Bakit ka lumahok sa mga proyektong ito ng


pamahalaan? Ipaliwanag.

547
Gawin Mo

Gawain A

Ano ang tatlong proyektong alam mo na nakatutulong sa


pagpapaunlad ng kalusugan, kabuhayan, kapaligiran, at kultura sa inyong
lalawigan? Isulat ito sa notbuk.

Gawain B

Paano ka nakikilahok sa mga proyekto ng lalawigan upang


mapaunlad ang mga kasapi ng lalawigan?

Proyekto ng Lalawigan Ang Aking Magagawa


Clean and Green Project
Hinihiling ng lalawigan na
maging malinis ang
kapaligiran ng bawat
pamayanan.

Solid Waste Management


Hinihikayat ang mga
mamamayan na mag-
segregate ng kanilang
mga basura.

Youth Welfare Program


Layon ng programa na
pangalagaan ang
kapakanan ng mga
kabataan kagaya ng
proteksiyon sa karahasan.

548
Reforestation Program
Hinihikayat ang bawat
isang kasapi na makilahok
sa pagtatanim ng mga
punla upang dumami muli
ang mga puno sa
kagubatan.

Gawain C
Basahin ang sanaysay. Ano ang iyong saloobin tungkol
dito?

Ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng lalawigan ay mahalaga sa


kaunlaran. Sa pagtutulungan, nagiging mas produktibo ang bawat
isa. Mabilis matapos ang nakatakdang gawain kung kaya marami
pang ibang bagay ang maaaring mapagtuunan ng pansin.

Saan nakikita ang pagtutulungan ng mga taga-lalawigan? Bilang


isang bata, paano ka nakikilahok upang makaambag sa pagtutulungang
ito? Sumulat ng isa hanggang dalawang talata tungkol dito. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Natutuhan Ko

Tukuyin ang tamang saloobin ng pakikiisa sa mga proyekto ng


pamahalaan ng lalawigan. Isulat ang dapat gawin at hindi dapat
gawin sa notbuk.

549
Sitwasyon Dapat Hindi
Dapat
Gawin Gawin
Sumali sa mga
paligsahan sa
paaralan
Tumupad sa mga batas trapiko
Umiwas sa pagpupulong ng mga
organisasyon ng mag-aaral sa paaralan
Putulin ang maliliit na puno

Hikayatin ang mga magulang na


makiisa sa Brigada Eskwela
Pumunta sa mga libreng medical mission
Makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng
Kalayaan
Linisin ang tapat ng bahay araw-araw
Ingatan ang mga pampublikong lugar
tulad ng parke at museo
Lumabag sa mga batas at
alituntunin ng pamahalaan

550
AralinAralin60:Kabahagi60:KabahagiAkosaP-unladAkong saAkingPagLalawigan-unladsaAting

ng Aking LalawiganRehiyonsa Ating Rehiyon

Panimula

Sa mga nakaraang aralin, nagkaroon ka ng batayang kaalaman


tungkol sa mga dahilan ng paglilingkod at iba’t ibang proyekto ng
pamahalaan ng kinabibilangang lalawigan bilang pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi nito.

Sa pagpapatupad ng mga proyektong ito, ang pamahalaan ay


nangangailangan ng pakikiisa ng mga kasapi nito upang masiguro ang
tagumpay ng nakalaang proyekto. May mga gawaing nakatutulong sa
pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng sariling lalawigan at
kinabibilangang rehiyon. Sapagkat ang pangunahing mabibiyayaan ay
tayong lahat na mga kasapi ng lalawigan, marapat lamang na
suportahan natin ang mga inilaang proyekto sa pamamagitan ng
pakikiisa sa mga layunin nito.

Masusing pag-aralan at isagawa ang iyong matutuhan sa araling


ito.

551
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
nakatatalakay ng mga proyekto ng namumuno sa
kinabibilangang lalawigan na nakakabuti sa lalawigan; at

nakapagpapakita ng gawaing nakatutulong sa pagkakaisa,


kaayusan at kaunlaran ng sariling lalawigan at
kinabibilangang rehiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang
sining.

Alamin Mo

Paano mo maipakikita na
ikaw ay kabahagi ng ating
lalawigan?

Tuklasin Mo

Ang pamahalaan ang nagtataguyod ng mga proyekto bilang


pangunahing tungkulin nito sa kaniyang sinasakupan. Ang mga
proyektong ito ay para sa kabutihan at kaunlaran ng lahat ng kasapi ng
pamayanan, maging lungsod o lalawigan man ito. Ang pagtaguyod na ito
ay hindi matitiyak ang tagumpay kung hindi nakikiisa ang mga tao sa
pamayanan. Kailangang gawin ng bawat kasapi ang kanilang tungkulin
upang mapaunlad ang lalawigan. Maraming paraan upang makatulong
ang bawat isa sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan. Pag-aralan natin
ang bawat isa.

552
Pagpapaunlad ng Sarili
Ang bawat pamayanan ay
nangangailangan ng mga tao upang
mapatakbo ng maayos ang mga kalakal
at serbisyo sa pamayanan. Magagawa
lamang ito kung ang mga kasapi ay
may kakayahan upang maging
produktibo sa pamayanan. Sapagkat
lahat tayo ay may ambag sa pamayanan
natin, marapat lamang na pahalagahan
natin ang ating sarili. Panatilihin natin
itong may
malusog na pangangatawan at pag-iisip na kapaki-pakinabang.
Maraming paraan ang pangangalaga sa sarili kabilang na rito ay ang
pagkain ng wastong klase ng pagkain, pag-eehersisyo, at pati na rin ang
pag-iwas sa mga bagay na nakasasama sa katawan.
Ano-ano ang dapat gawin upang maging laging malinis ang
katawan at ang kapaligiran?

Pangangalaga sa Pinagkukunang Yaman

Ang bawat lalawigan ay nabibiyayaan ng likas na yaman na dapat


pangalagaan. Sagana man ang yaman na pinagkukuhanan ng ating
lalawigan, hindi ito habang panahon. Ito ay may limitasyon o hangganan
din.

Ang yaman na pinagkukuhanan ng lalawigan ay maaaring maubos


kung hindi ito pangangalagaan. Isang halimbawa ay ang yaman ng tubig na
maiinom. Sa ilalim ng lupa ng bawat lalawigan ay nakaimbak ang malinis
na tubig na maaaring inumin. Dito kumukuha ng tubig ang mga

553
bahay at maging ang mga industriya. Minsan nakikita natin na sinasala
pa ito ng mga komersiyal na bilihan ng tubig. ngunit, kadalasan
kinukuhang direkta ng mga tao na kanilang pinang-iinom araw-araw.
Nababalik lamang sa pinagkukunang tubig mula sa mga ulan na
sumisipsip sa mga lupa na inimbak sa mga watershed. Sa puntong ito,
nakikita ang kahalagahan ng wastong paggamit ng likas na yaman.
Nauubos ang suplay ng ating tubig pang-inom kung maaksaya ang ating
paggamit nito. Ang watershed ay nangangailangan ng masukal na puno
upang mapanatili ang suplay ng tubig. Kung kaya ang pangangalaga at
pagtatanim ng mga puno sa mga watershed ay napakahalaga.

Sa paanong paraan pa natin nakikita ang wastong paggamit ng


pinagkukunang yaman? Kung susuriin, ang
ating lalawigan ay sagana sa mga kagamitang hilaw o raw materials para
sa iba’t ibang produkto. Bilang mag-aaral,
ano ang naiisip mong paraan upang mapanatili ang likas na yaman ng
iyong lalawigan?

554
Wastong Paggamit ng Kalakal at Paglilingkod

Nakikita natin ang wastong paggamit


ng kalakal kagaya ng paghain ng sapat
lamang na dami ng pagkain sa hapag-
kainan, paggamit ng mga timba o
palanggana sa paliligo o paghuhugas ng
pinggan, pagsasama-sama ng ilang tao sa
isang sasakyan sa halip na sasakay nang
paisa-isa sa bawat sasakyan.

Maaari rin maging aksaya ang paggamit ng kalakal tulad ng


pagbukas ng ilaw at gripo kahit walang gumagamit o di kaya’y maghain
ng maraming pagkain kahit wala namang kakain. Maging mga
kasangkapan sa bahay ay nasisira rin kapag hindi pinag-iingatan. Ang
pagpapalit-palit ng mga kasangkapan ay isang halimbawa ng
maaksayang pamumuhay. Ang bawat palit ng kasangkapan ay katumbas
ng pera na maaari pang mailaan sa ibang pangangailangan.

Pagtangkilik sa Sariling Produkto

Ang lalawigan ay mayroong mga


produktong dapat ipagmalaki at
tangkilikin. Habang dumarami ang
bumibili ng mga produkto, nadaragdagan
ang kapital at napalalago ang industriya na
nagkapagdaragdag sa hanapbuhay ng iba
pang tao

555
sa lalawigan. Sa makatuwid, ang pagtangkilik ng sariling produkto ay
nakatutulong sa kabuhayan ng mga kasapi ng lalawigan.

Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng
Sariling Kultura

Ang ilang mga pagdiriwang ng


lalawigan at rehiyon ay nagpapakita ng
sariling kultura na nakabatay sa
pangunahing produkto at industriya nito.
Sa papaanong paraan ka nakikiisa sa mga
pagdiriwang at sining ng iyong
lalawigan?

Sagutin ang mga tanong:

Sa papaanong paraan mo ipinapakita ang pakikiisa


mo sa mga proyekto ng pamunuan sa iyong
lalawigan?

Sa palagay mo, ano ang mga katangian ng kasapi na nakikiisa sa mga


proyekto ng lalawigan?

Gawin Mo

Gawain A

Pangkatang Gawain
Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang mga pangyayari na
nagpapakita ng gawain ng kasapi na

556
nakikiisa sa mga proyekto ng pamunuan ng lalawigan o lungsod.

Pangkat 1- Pagtangkilik sa Sariling Produkto


Pangkat 2- Wastong Paggamit ng Kalakal at Paglilingkod Pangkat 3-
Pagpapaunlad ng Sarili

Gawain B
Indibiduwal na Gawain

Alin sa mga pangungusap ang gawain ng kasapi na nakikiisa sa


proyekto ng pamunuan ng lalawigan? Isulat ang mga pangungusap sa
sagutang papel.
Tinatangkilik ang mga produktong gawa ng lalawigan.

Naghahain ang magulang ng labis-labis na pagkain at kapag hindi


naubos ay itinapon ang mga ito.

Ikinahihiya ang sariling lalawigan.

Nagkakalat sa lansangan dahil may mga basurero namang


nangongolekta ng mga basura.

Nakikisali ang buong mag-anak sa ehersisyong bayan sa tuwing


Sabado sa pook pasyalan ng lalawigan.

Nanghihingi ng pahintulot sa magulang na sasali sa tree planting na


gawain ng paaralan sa isang lugar ng lalawigan.

Ipinagmamalaki ang mga modernong bayani na nagpapaunlad ng


lalawigan kagaya ng mga guro at pulis.

557
Niyaya ang mga kaklase na lumikom ng mga donasyong damit at
pagkain para sa nasalanta ng bagyo sa kanilang lalawigan.

Sumali sa paligsahan ng barangay tungkol sa


paggawa ng mga likhang sining gamit ang mga recyclable
material o mga puwede pang gamiting patapon na
materyales.

Pinili ang mga imported na kagamitan kahit may magagandang klase ng


kagamitan mula sa lalawigan.

Gawain C

Pangkatang Gawain

Talakayin ng nabuong pangkat. Magbigay ng ilang mungkahi


upang maging maunlad ang inyong lalawigan. Paano kayo makikiisa
rito?

Pangkat 1- Pagpapaunlad ng Sarili

Pangkat 2- Wastong Paggamit ng Kalakal at


Paglilingkod

Pangkat 3- Pagtangkilik sa Sariling Produkto

Pangkat 4- Pagpapaunlad ng Sariling Kultura

558
Natutuhan Ko

Buoin ang talahanayan na ito:

Mga Proyekto Paraan ng Pakikiisa

1. Brigada Eskwela
2. Tree Planting Program

3. Libreng Medical Mission

4. Scholarship Program

5. Pagpapaayos sa mga
sirang kalsada at tulay
6. Pagpapatupad sa batas
trapiko
7. Pagpaplano ng pamilya

8. Curfew para sa mga menor


de edad
9. Libreng pag-aaral

10. Libreng bakuna sa mga


bata

559
560

You might also like