You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
STO. NIÑ O DISTRICT

FOURTH QUARTER EXAMINATION IN MAPEH 5


2022-2023

Name: Grade: Score:

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

MUSIC
1. Ano ang tawag sa elemento ng musika na nagpapakita ng paglakas at paghina ng isang awitin?
a. tempo b. form c. dynamiks d. timbre
Pag-aralan ang iskor ng awiting “Ako ay Pilipino” sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa bilang 2 at 3.

2. Anong simbolo ng antas ng dynamiks ang makikita sa unang bahagi ng iskor ng awiting “Ako ay Pilipino”?
a. p b. pp c. mp d. ff
3. Paano inaawit ang unang bahagi ng awiting ito?
a. mahina b. malakas c. higit na mahina d. higit na malakas
4. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi nang tama tungkol sa antas ng dynamiks na crescendo?
a. higit na malakas ang tunog
b. hindi gaanong malakas ang tunog
c. dahan-dahang paghina ng tunog at may simbolong >
d. dahan-dahang paglakas ng tunog at may simbolong <
5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad nang tama tungkol sa dynamiks maliban sa
isa. Aling pangungusap ito?
a. Ang mahinang musika ay nagpapahayag ng kalungkutan at katahimikan.
b. Ang antas ng dynamiks ng musika ay nakakaapekto sa damdamin ng tao.
c. Ang dynamiks ay ang pag-awit na may kaukulang bilis o bagal sa pagtugtog.
d. Ang malalakas na tunog ay nagpapahayag ng galit, tagumpay at lakas ng tao.
6. Anong elemento ng musika ang tumutukoy sa bilis at bagal ng isang awitin?
a. form b. tempo c. timbre d. dynamiks
7. Aling awitin ang may iba’t-ibang tempo?
a. Rehiyon Dose c. South Cotabato Hymn
b. Pandangguhan d. Twinkle, Twinkle Little Star
8. Aling pangungusap ang HINDI nagsasaad nang tama tungkol sa tempo at uri nito?
a. Nasusukat sa pamamagitan ng metronome ang tempo ng awitin.
b. Ang tempo ay iba’t ibang antas ng lakas at hina ng isang tugtog o musika.
c. Angkop ang tempo na largo sa mga awiting pampatulog sa bata.
d. Tempo ang naglalarawan ng bilis at bagal ng awitin o tugtugin

1|Page
Pag-aralan ang iskor ng awiting “Bahay Kubo” sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa bilang 9 at 10.

9. Ilang tempo ng musika ang makikita sa iskor ng awiting “Bahay Kubo”?


a. isa b. dalawa c. tatlo d. apat
10. Tukuyin ang unang tempo na makikita sa iskor ng awiting “Bahay Kubo”. Paano awitin ang
tempong ito?
a. mabilis b. mabagal c. papabilis d. papabagal
11. Ito ay elemento ng musika na nagsasaad ng kung gaano karami ang tunog o melodiya na naririnig
sa isang musika o awit.
a. tempo b. melodiya c. ritmo d. tekstura
12. Sa anong tekstura ng musika nabibilang ang isahang awit na walang saliw o tunog ng
instrumento?
a. Homophonic b. Monophonic c. Polyphonic d. Unison
13. Tukuyin sa mga sumusunod ang awiting may teksturang polyphonic..
a. Kumakanta si Kuya Julius ng “Kamusta ka” habang tumutugtog ng gitara.
b. Umawit ang grupo ng mga bata noong Linggo para sa pagdiriwang ng “Fathers’ Day”.
c. Lupang Hinirang na bersyon ni Lea Salonga na walang saliw o tunog ng instrumento
d. Tumugtog ng piano si Jemimah habang nagsasayaw ang may kaarawan at ang kanyang ama.
14. Alin sa mga sumusunod ang ugat na nota ng major triad dominant?
a. so-me-do b. fa-la-do c. so-ti-re d. do-re-mi
15. Alin sa mga sumusunod na larawan ang tumutukoy sa sub-dominant triad?
a. b. c. d.

ARTS
16. Anong gawaing sining na nagmula sa bansang Tsina na ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng
disenyo na nakatali sa isang tali o lubid?
a. mobile art b. paper mache c. paper beads d. kahoy na
inukit Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa bilang17-18.

17. Tukuyin kung anong 3-D o tatlong dimensyonal na sining ang ipinapakita sa mga larawan.
a. mobile art b. paper mache c. paper beads d. kahoy na inukit
18. Aling mga kagamitan ang kailangan sa paggawa ng sining na ito?
a. kahoy, barnis, sinulid at pang-ukit
b. hulmahan, lumang dyaryo, pandikit, cutter at pintura
c. sanga ng kahoy, laso o yarn, gunting, pintura at mga lumang bagay
d. makukulay na papel, gunting, pandikit, stick, barnis, sinulid at karayom
19. Tukuyin kung anong 3-d o tatlong dimensyonal na sining ang isinasaad sa mga pangungusap sa
ibaba.
 ginagawa mula sa papel na inirolyo upang makabuo ng beads.
 gawaing sining na nagmula sa bansang Inglatera
 ginagamitan ng barnis upang maging matibay at lumiwanag ang kulay
a. mobile art b. paper mache c. paper beads d. kahoy na inukit
20. Ano ang maaaring gamit ng mobile art?
a. kwintas b. pulseras c. laruang kabayo d.palamuti sa pintuan

2|Page
21. Anong elemento ng sining ang ginagamit sa paggawa ng mobile art upang maging malaya ang
paggalaw ng disenyo o palamuti.
a. hugis b. kulay c. balanse d. tekstura
22. Tukuyin kung aling gawaing sining ang kailangan ng elemento na hugis.
a. kwintas b. pulseras c. replica ng hayop d. palamuti sa bintana
23. Alin ang HINDI nagsasabi ng totoo tungkol sa elemento ng sining?
a. Ang kulay ay nagpapaganda ng gagawing disenyo.
b. Ang kulay ay hindi maaaring gamitin sa sining na paper mache.
c. Ang hugis ay nabubuo sa isang obra na nagpapayaman ng detalye nito.
d. Ang balanse ay ginagamit sa paggawa ng mobile art upang maging malaya ang paggalaw ng
disenyo o palamuti.
24. Paano mo mas mapapaganda ang mga likhang sining?
a. paggamit ng iba’t ibang elemento ng sining tulad ng kulay, hugis at balanse
b. paggawa nang madalian para hindi na mahihirapan
c. pag search sa internet kung paano ito gawin nang tama
d. Ang sagot sa titik a at c ay parehong tama.
25. Paano mo magagamit ang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng 3d o tatlong dimensyonal na sining
sa pagpapabuti ng iyong kabuhayan at kapaligiran?
a. maaaring mapagkakakitaan upang makatulong sa ating pamilya
b. mabisang paraan upang mapakinabangan pa ang mga lumang kagamitan
c. maaaring maipagyabang sa kaibigan ang mga nagawang sining.
d. Ang sagot sa titik a at b ay parehong tama.
P.E
26. Ang ay abilidad ng katawan na mag-iba ng posisyon sa tamang paraan.
a. speed o bilis b. agility o liksi c. balance o balanse d. coordination o koordinasyon

27. Ito ay kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa na
walang kalituhan.
a. power b. reaction time c. speed o bilis d.coordination o koordinasyon
28. Anong kakayahan ng katawan na gumalaw o makasaklaw ng distansiya sa maikling takdang
panahon?
a. reaction time b. speed o bilis c. agility o liksi d. balance o balanse
29. Aling gawain ang nagpapalinang ng balanse?
a. soccer b. basketball c. swimming d. gymnastics
30. Si Pedro ay magaling sa larong track and field. Siya ay palaging nangunguna dahil mabilis ang
tugon niya sa putok ng starting gun sa pagsisimula ng takbo. Anong sangkap ng skill-related
fitness ang nalinang ni Pedro?
a. power b. speed o bilis c. reaction time d. balance o balanse
31. Anong gawain ang nagpapakita ng kasanayan sa reaction time?
a. curl ups b. sit and reach c. pagsalo ng bola d. tiptoe sa sayaw na ballet
32. Bakit kailangan ang balanse sa pagsayaw?
a. upang hindi madaling mapagod
b. upang mabilis ang pagkilos ng katawan
c. para sa sabay-sabay na pagkilos ng mga bahagi ng katawan
d. para maging mahusay sa pagsagawa ng mga iba’t ibang galaw
33. Alin ang gawaing hindi tumutulong sa paglinang ng balanse ng katawan?
a. mag-ensayo palagi
b. manood sa kaibigang naglalaro ng video games
c. panatilihing maayos ang tikas ng pangangatawan
d. sumali sa mga isports na naglalayong mapanatili ang balanse ng katawan
34. Bakit kailangan ng isang manlalaro na sumunod sa reaction time?
a. upang magulat ang manlalaro
b. upang maging sikat na manlalaro
c. upang maging malusog ang mga manlalaro
d. upang maiwasan ang mga hindi inaasahang bagay o pangyayari
35. Anong sayaw ang ginagamitan ng panyo at abaniko?
a. Itik-Itik b. Cariñosa c. Tinikling d. Sayaw sa Bangko
36. Sino ang grupong mga dayuhan ang nagpakilala ng sayaw na Cariñ osa?
a. Tsino b. Hapon c. Espanyol d. Amerikano
37. Bakit patago-tago ang babae sa panyo o abaniko sa sayaw na Cariñ osa?
a. dahil ito ang turo sa sayaw
b. dahil hindi niya gusto ang binata
c. dahil nais niyang itago ang hindi niya kagandahang mukha
d. dahil may gusto siya sa lalaki ngunit hindi niya ito masagot ng oo.

3|Page
38. Si Lito at Ellen ay magagaling na mananayaw sa ikalimang baitang. Anong benepisyo nila sa
gawaing ito?
a. maging sikat sa eskwelahan c. marami ang pupuri sa kanilang galing
b. maiiwasan ang mga karamdaman d. madagdagan ang timbang ng katawan
39. Alin sa mga sumusunod na benepisyo sa pagsasayaw ang pangkalusugang sosyal?
a. nakababawas ng timbang c. nabubuo ang tiwala sa sarili
b. nagpapatibay ng memorya d. nakatutulong na magkaroon ng malakas na buto
40. Paano nakatutulong ang pagsasayaw sa ating pangkalusugang pang kaisipan?
a. nakasisira ito ng kaisipan ng kabataan
b. nakapagpapatibay ito ng buto ng ating utak
c. naitataguyod at nagpapatibay ito ng memorya
d. nakabubuo ito ng bitamina sa loob ng ating utak
HEALTH
41. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng wastong pahayag tungkol sa first aid o paunang tulong
panlunas maliban sa isa. Alin ito?
a. tulong na maaari ding ibigay sa mga hayop
b. pagpapanatiling ligtas ang buhay ng isang tao
c. hindi mabisang paraan upang maagapan ang pasyente
d. pangangalaga sa taong napinsala ng sakuna o karamdaman
42. Ano ang maaaring mangyari sa mga taong naaksidente at walang paunang-lunas?
a. gumaling nang kusa c. kusang lalakas ang katawan
b. lulubha ang kalagayan d. walang mangyaring masama
43. Nagkaroon ng pagdurugo ng ilong ang iyong kaklase. Ano ang maari nyang gawin para matigil ang
pagdurugo ng ilong?
a. mahiga b. yumuko c. uminom ng tubig d. iwasan ang pagsinga
44. Paano maiiwasan ang impeksiyon sa sugat?
a. Linisin at banlawang mabuti ang sugat.
b. Palitan ang bandage isang beses sa isang linggo
c. Magpaturok ng anti-tetanus kapag ito ay malala na.
d. Patigilin ang pagdurugo gamit ang maruming tela.
45. Ito ay ang bagay na dapat nating sinisiguro at isinasaalang-alang sa pang araw-araw na
pamumuhay upang hindi tayo mapahamak.
a. gamot b. tulong c. aksidente d. kaligtasan
46. Bakit mahalagang may alam tayo sa paggawa ng paunang tulong panlunas o first aid?
a. upang maiwasan na dumagdag ito sa aksidente
b. upang makatulong ngunit walang kasiguraduhan
c. para maipagmalaki sa lahat na ikaw ay matulungin
d. para maipakita sa mga taong nakapaligid na may alam ka
47. Bakit kailangang lunasan kaagad ang mga karaniwang pinsala o kondisyon?
a. para hindi lumala at lumaki ang pinsala
b. para madaling gumaling ang sugat
c. para wala ng gagawin ang doktor
d. para maging sikat sa social media
48. Ano ang mabisang gawin upang madaling malunasan ang paso?
a. tusukin ang mga lintos
b. pahiran ang napasong bahagi ng toothpaste
c. dagling ibabad sa malamig na tubig ang napasong bahagi
d. gamutin sa bahay kapag malaking bahagi ng katawan ang napaso
49. Aksidenteng nalason ng pagkain ang iyong nakababatang kapatid. Aling paraan ang hindi
nakatutulong sa kanya?
a. Painumin ng maraming tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan.
b. Sumangguni sa doktor kapag tumagal ng isang linggo ang pagsusuka at pagtatae.
c. Kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya upang mapigilan ang lason.
d. Painumin ng isang basong mainit-init na tubig na may ilang patak ng lemon at kaunting
asukal at asin.
50. Nahimatay ang iyong nanay nang malamang naaksidente ang iyong kapatid. Ano ang iyong dapat
iwasan na gawin?
a. Itaas ang ulo ng mas mataas sa binti.
b. Paluwagin ang collar at sinturon ng damit.
c. Ipaamoy sa pasyente ang gamot na ammonia.
d. Buhatin ang pasyente nang dahan-dahan lamang.

GOD BLESS!

4|Page
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
STO. NIÑ O DISTRICT

FOURTH QUARTER EXAMINATION IN MAPEH 5


2022-2023

ANSWER KEY FOR MAPEH 5

Music Arts P.E. Health


1. c 16. a 26. b 41. c
2. b 17. b 27. d 42. b
3. c 18. b 28. b 43. d
4. d 19. c 29. d 44. a
5. c 20. d 30. c 45. d
6. b 21. c 31. c 46. a
7. b 22. c 32. d 47. a
8. b 23. b 33. b 48. c
9. d 24. d 34. d 49. b
10. b 25. d 35. b 50. a
11. d 36. c
12. b 37. d
13. b 38. b
14. c 39. c
15. a 40. c

5|Pag
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
STO. NIÑ O DISTRICT

TABLE OF SPECIFICATIONS
Fourth Quarter Examination in MAPEH 5
2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT

Comprehension
Understand/
Remember /

Application
Knowledge

Evaluation
Synthesize
Evaluate /
Analyze /
No. of

Analysis

Create /
Apply/
COMPETENCY CODE
Items

MUSIC
1. Uses appropriate musical
terms to indicate variations
MU5DY
in dynamics: piano (p), 1 2,3,4 5 5
–Iva-b -2
mezzo piano (mp), forte (f),
mezzo forte (mf), crescendo,
decresendo.
2. Uses appropriate musical
terminology to indicate
MU5TP
variations in tempo: largo,
–IVc-d - 6 7,8 9 10 5
presto, allegro, moderato,
2-
andante, vivace, ritardando,
accelerando.
3. Describes the texture of a MU5TX
11 12 13 3
musical piece –IVe-1
4. Uses the major triad as
MU5HA
accompaniment to simple 14 15 2
–IVh-2
songs
ARTS
1. Natutukoy ang iba’t ibang
kagamitan at paraan ng
A5EL-
paggawa ng 3-d o tatlong 16 18 17 3
IVa
dimensyonal na sining:
mobile, papier-mache, at
paper beads.
2. Natutukoy ang iba’t ibang
pamamaraan sa paggawa ng A5EL-
19 1
tatlong dimensyonal na IVb
sining.
3. Natatalakay ang posibleng
gamit ng likhang 3-d o A5EL-
20 1
tatlong dimensyonal na IVc
sining.
4. Nagagamit ang kaalaman sa
kulay, hugis, at balanse sa A5EL-
21 22,23 24,25 5
paglikha ng 3-d o tatlong IVd
dimensyonal na sining.
P.E.
1. Assesses regularly PE5PF-
26,27,
participation in physical IVb-h- 29 32 30,31 33,34 9
28
activities based on the 18
Philippine Physical Activity

6|Pag
Pyramid.

2. Recognizes the value of PE5PF-


38,39
participation in physical IVb-h- 35,36 37 6
,40
activities. 19
HEALTH
H5IS -
1. Expalins the nature and 41,45 42 3
IVa - 34
objectives of first aid.
2. Discusses first aid principles H5IS - 46,47,
43,44 48,49, 7
IVb - 35 50
TOTAL NUMBER OF ITEMS 10 8 9 11 12 0 50

Prepared by:

CHERYL C. HERRERA, T-III


Test Writer
Checked by:

ANNIE J. TIRADO
Master Teacher II

Reviewed by:

MARY JANE F. PANALIGAN RANDY F. LAPASARAN MAYLANE S. ORTIGAS


Principal I Principal I Principal I

APPROVED:

DENNIS L. GALVE
Public Schools District Supervisor

7|Pag

You might also like