You are on page 1of 21

ANG TAUHAN

(CHARACTER)
By:
GINA L. YONGCO
ANG TAUHAN (CHARACTER)
Ang mga tauhan ay ang mga tao o
persona na nagpapagalaw sa kuwento. Tulad
ng nabanggit na, ang tauhan ay karaniwang
tao, at maari din naming hayop halaman,
bagay kung ang anyo ay pabula o cartoon.
PROTAGONISTA / BIDA vs.
ANTAGONISTA / KONTRABIDA
Dahil maikli lamang nag isang maikling
kuwento, dapat na kaunti lamang ang mga
tauhan. Sa karaniwan, dalawa lamang ang
mga pangunahing tauhan: ang protagonista
at ang antagonista.
PROTAGONISTA / BIDA
Ang protagonista/bida ang pangunahing tauhan
na siyang dahilan kung bakit may maikling kuwento.
Sa kaniya nakapokus ang mas mraming bahagi ng
akda. Ang mangyayari sa kaniya at ang kahihinatnan
niya ang mahigpit na sinusubaybayan at binabantayan
ng mambabasa. Mabibigo o magtatagumpay ba siya?
Buhay o patay ba siya sa wakas? Bilang tagapagdala
ng tema ng akda, ano ang pahayag / paninindigan ng
wakas kaugnay ng protagonista/bida ng tema?
PROTAGONISTA / BIDA
Hindi aandar ang kuwento o masasabik
ang mambabasa na sundan ang mangyaari sa
protagonista/bida kung wala siyang haharapin
at kakalabaning antagonista/kontrabida.
ANTAGONISTA / KONTRABIDA
Ang antagonista ay hindi palaging isang tao o mga
tao. Ito ay maari ding mga sumusunod: puwersa ng
kalikasan (hal., nasa gitna ng dagat ang bangka ng
protagonista at may matinding unos); hayop (hal., torero
na katunggali ang mabangis na toro); halimay, tikbalang
at multo; puwede rng ang kaniyang sarili mismo
(paranoid ang tauhan); o ang mismong Diyos (isang
tauhan na nawalan ng pananampalataya dahil sa mga
kabiguan sa buhay).
ANTAGONISTA / KONTRABIDA
Ang antagonista ang kalaban ng protagonista.
Tungkulin niyang guluhin ang buhay ng
protagonista sa maliit o malaking paraan.
Kailangang maitulak niya ang protagonista sa
isang dead eand 0 literal man (hal., ihuhulog niya
sa bangin ang bida) o metaporikal (hal., ginigipit
niya sa buhay ang bida) – upang ang protagonista
ay gumawa ng sariling pagpapasiya at aksiyon.
PROTAGONISTA / BIDA vs.
ANTAGONISTA / KONTRABIDA
Sa karaniwan, kapag positibo ang mga katangian ng
protagonista, bayani (hero) ang tawag sa kaniya. Mas maraming
akda ang may protagonista na bayani. Sa kabilang banda, hindi
man madalas, may mga akdang ang protagonista ay negatibo
(hal., magnanakaw, adik, kirminal). Sa mga pelikula halimbawa,
ginagamit ang istorya ng buhay ng mga totoong criminal na
nabilanggo at pinalaya na, o nakabilanggo pa, o nalapatan na ng
parusang kamatayan. Katunayan, kaya sumikat at kumikita ang
ibang mga lalaking artista ay dahil sa ganitong negatibong tipo ng
protagonista na tinatawag na kontra-bayani (anti-hero
PAGLALARAWANG-TAUHAN /
KARAKTERISASYON
Ang mg tauhan, dahil kumakatawan sa
mga totoong tao sa tunay na buhay, ay
mangyari pang dapat na makatotohanan. Sa
katunayan, mahirap gumawa ng mga tauhan
dahil lagi’t lagi silang maikokompara sa mga
totoong tao sa tunay na buhay.
PAGLALARAWANG-TAUHAN /
KARAKTERISASYON
Dapat sikapin ng manunulat na kapani-
paniwala ang kaniyang mga tauhan, lalo’t
higit ang protagonista at antagonista. Dapat
na ang mga tauhan ay nag-iisip, nagsasalita,
gumagalaw, nagpapasiya ayon sa identidad
na ipinaangkin sa kanila ng sumulat, sila man
ay mga tauhang tao, paranormal, taga-ibang
plantea, atbp.
PAGLALARAWANG-TAUHAN /
KARAKTERISASYON
May mga paraan para magawang kapani-paniwala at
makatotohanan ang mga tauhan. Magagamit ang mge detalye mula sa
masusing obserbasyon sa mismong mga tao sa paligid – (paano sila
manumit, magsalita, kumilos, mag-isip, atbp.). Ang pagmamasid sa mga
tao ay isang impormatibong libangang magagawa araw-araw o kaya
naman ay isang direktang pananaliksik kapag susulatna ng maikling
kuwento. Maari ding saliksikin sa pamamagitan ng pagbabasa ang mga
kailangang impormasyon para sa lilikhang isang particular na tauhan.
Halimbawa, para sa gagawing tauhang paranoid, kailangang saliksikin
kung ano ang paranoia, kailangang magbasa ng sapat na case studies ng
mga taong paranoid.
BILUGANG TAUHAN vs. TAUHANG FLAT

Ang husay o kahinaan sa paglalarawang-


tauhan/karakterisasyon ay nagbubunga ng
dalawang tipo ng mga tauhan:
bilugang/dinamikong tauhan (rounded /
dynamic character) cardboard / static
character.)
BILUGANG TAUHAN vs. TAUHANG FLAT

Sa mraming mambabasa, may dating na hindi


kapani-paniwala ang black / white characters.
Posible ba ang isang taong wala ni bahid man
lamang ng kasamaan (maaaring hindi nakikita ng
iba ang kaniyang masamang gawa, pero paano
naman kaya ang kaniyang masamang iniisip laban
sa iba na siya lamang ang nakaaalam? Ang isa bang
taong masama ay wala man lamang nagawa o
naisip na mabuti kahit isa man lamang?
BILUGANG TAUHAN vs. TAUHANG FLAT
Sa pangkalahatan, mas makatotohanan at kapani-
paniwala ang tauhang abuhin (gray character) dahil
gayon naman ang tao – hindi perpekto kaya nagkakamali
at nagkakasala. Kung tutuusin, mas madaling paniwalaan
ng iba na puwedeng maging demonyo ang isang tao,
pero di-kapani-paniwala ang isang taong sa kabaitan ay
tulad ng isang anghel, maliban na lamang kung mahusay
at masinop na paglalarawang-tauhan / karakterisasyon
ang manunulat. Ang mamabasa ang magpapasiya kung
naging makatotohanan at kapani-paniwala ang tauhan.
PAANO NAPAPALITAW AT NAPALULUTANG
ANG KARAKTERISASYON?
Ang husay o kahinaan sa paglalarawang-
tauhan/karakterisasyon ay nagbubunga ng
dalawang tipo ng mga tauhan:
bilugang/dinamikong tauhan (rounded /
dynamic character) cardboard / static
character.)
PAANO NAPAPALITAW AT NAPALULUTANG
ANG KARAKTERISASYON?
Gawing halimbawa ang tauhang Mareng
Mensiya (Fanny A. Garcia, “Mareng Mensiya”)
na nailarawan sa mambabasa sa
pamamagitan ng kamalayan ng tauhang
“ako”:
MGA MAHUSAY AT EPEKTIBONG
KARATERISASYON
Hindi basta-basta at mekanikal ang paglikha ng mga tauhan. Ang
mga maktotohanan at epektibong tauhan ay bunga ng metikolosong
pagmamasid at obserbasyon sa mga tao sa paligid. Wika nga, ang
people-watching ay maaaring likas na sa manunulat o kaya naman ay
isang sadyang aktibiad bilang paghahanda sa pagsulat. Halimbawa,
kuung may tauhang tinedera sa palenge, maaaring mas madadalian sa
paglikha ng tauhang tindera sa palenge kung may kamag-anak na
tindera sa palengke, lalo pa nga ba kung magsusulat ay madlas sa
palengke. Maari ding walang kalam-alam tungkol sa mga tindera sa
palengke ang manunulat, at gayon ay magmamasid-masid siya sa mga
tindera bilang paghahanda sa pagsulat.
MGA MAHUSAY AT EPEKTIBONG
KARATERISASYON
Kung gayon, hindi sapat ang basta paghugot lamang sa
sariling karanasan. Ang sadyang pagtungo sa lugar,
pagmamasid, lalo pa ang pakikisalamuha sa mga taong
magiging batayan ng lilikhaing tauhan, ay kasama sa
pananaliksik ng susulat.
Bahagi rin ng pananaliksik ang pagbabasa ng mga sulatin
(na maaring interbyu, o bunga rin ng pananaliksik. Hal., tungkol
sa buhay-buhay ng basketball player sa loob at labas ng
basketball court).
MGA MAHUSAY AT EPEKTIBONG
KARATERISASYON
Sa katunayan, hindi lamang basta kaugnay ng mga
tauhan ang pananalisik, lalo pa nga ba sa mga detalyeng
walang alam ang susulat. Halimbawa, kung importante sa
kuwento na ang tauhan ay maglilinis ng ripple, alam ba ng
susulat kung paano baklasin , linisin, muling pagkabit-kabitin
ang mga parte ng ripple? Kaya para sa magsisimulang
magsulat, malaking bentahe ang sulatin muna ang mas
pamilya sa kaniya.
MGA MAHUSAY AT EPEKTIBONG
KARATERISASYON
Nag malikhaing pagsulat ay hindi basta
pagtingala sa buwan at babagsak na sa palad ng
manunulat ang kaniyang mga tauhan at ang
kailangang salita. Bago pa magsulat at makasulat,
nangangailangan ito ng masusing pagmamasid at
pakikisalamuha, pagbabasa, at pananaliksik.
PAGBABAGO/PAG-UNLAD NG TAUHAN
(CHARACTER CHANGE/DEVELOPMENT
Kailangang ang protagonista ay may gawin sa
istorya na magbubunga ng kaniyang pagpapasiya at
aksiyon tungo sa kaligtasan o kapahamakan. At kahit pa
nga ba status quo ang kahinatnan, nakita pa rin ng
mambabasa kung paano naitulak ng tauhan ang
kaniyang kapalaran o ng kapalaran ang tauhan. Mas
mainam kung siya mismo ang nagtulak sa kaniyang
kapalaran

You might also like