You are on page 1of 18

RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan-Unang Linggo

Aralin: Mga Isyung Moral Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga


sa Kapaligiran.

MELC:

12.1 Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kapaligiran.

12.2 Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at


pangangalaga sa kapaligiran.

Susing Konsepto

1
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Ayon sa Wikipedia “Ang kapangyarihan o lakas ay isang kakayahan ng


entidad, katauhan, o nilalang upang malabanan o kontrolin ang kapaligirang
nakapaligid sa kanya, kabilang ang ugali o asal ng iba pang mga entidad,
katauhan, o nilalang”. Kaugnay nito, marami sa mga tao ang may kapangyarihan
na may isyu sa tamang paggamit nito .Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

➢ korapsiyon- sistema ng pagbubulsa ng pera,


➢ pakikipagsabwatan o kolosiyon
➢ bribery o panunuhol- pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o
regalo kapalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap,
➢ kickback - bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong
itinalaga sa kaniya, ➢ nepotismo.

Dahil din sa malabis na paggamit ng kapangyarihan ay nanganganib din ang


ating kapaligiran kaya may mga isyu kaugnay sa pangangalaga dito. Ilan sa mga
ito ay ang iligal na pagputol ng kahoy, pagkawala ng biodiversity, mapanirang
pangingisda, global warming at climate change, komersiyalismo at urbanisasyon.

Gawain 1
Panuto: Gamit ang mga larawan tukuyin ang mga isyu kaugnay sa paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran. Piliin ang tamang kasagutan sa
loob ng kahon at isulat sa bilang ng katapat na larawan.

Korapsiyon Nepotismo Pakikipagsabwatan


Iligal na pagputol ng
Bribery o panunuhol Kickback kahoy
Mapanirang
Pagkawala ng biodiversity pangingisda

Komersiyalismo at
Global Warming at Climate Change
Urbanisasyon

2
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Source:https://media.philstar.com/photos/2020/01/
Source:http://embornasmay.blogspot.com/2016/09/ 23/gen6-bribe-money-hand2018-04-3022-47 korapsyon-sa-
pilipinas.html 11_2020-01-23_16-06-40.jpg

1.___________________________________ 2.__________________________________

Source: https://4.bp.blogspot.com/-l88J- Source:


https://docplayer.net/docskyg8RQ/WBW6_LRiC3I/AAAAAAAAAAk/XhA3OVdvF4QYXR images/65/54091208/images/71-
0.jpg
TmqRGZvjq8i1FFt_P2gCLcB/s1600/politicald.jpg

3
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

3.___________________________
4.__________________________

Source: https://encrypted- Source: https://encrypted-


tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQlvvpMjJBzov tbn0.gstatic.com/images?
abnGiPMrevJU6yp4PcaAdb5b5pfJOSRzJUO6DyFG4j0w_ q=tbn:ANd9GcSZKknd_SJct
ZXclXEcTdrww&usqp=CAU Mgtdoyi5RoeEUsU7zEHtgXfDJABo5TFC873Eda7kxYc
1i6hCVvPC_adEvM&usqp=CAU

5.______________________________________ 6.___________________________________

Source: 1https://ph.lovepik.com/image-
Source: https://bit.ly/3v341Xt
501553856/urban-construction-of-the-new-district-
under-construction-in-nan.html
7.______________________________________ 8.____________________________________

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos sagutan ang gawain? Ipaliwanag.

2. Ano ang ipinababatid ng mga larawan tungkol sa paggamit ng


kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran?

3. Sa simpleng paraan, paano mo bibigyang-pansin ang mga isyung ito?

Gawain 2

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at suriin ang mga maling gawi o kasanayan
na ipinakita ng mga tauhan. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

Si Mang Lando ay isang bagong halal na konsehal ng kanilang barangay.


Maganda ang kaniyang hangarin ang maglingkod sa bayan. Nang magkaroon ng
pagpupulong ang mga opisyales ng barangay ay nagplano na sila ng mga proyekto
na kanilang gagawin. Ang una nilang proyekto ay ang pagpapatayo ng palaruan
para sa mga kabataan. Nakita nila na malaki ang kanilang matitirang pera sa

4
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

proyektong ito. Dahil dito, nagdesisyon ang kanilang kapitan na paghati- hatian
nila ito. Sa kabila ng pagtutol ni Mang Lando wala siyang nagawa kundi
magpadala sa sistema. Sa paggawa ng proyekto ang kinuha ni Kapitan ay ang
kaniyang mga kamag- anak upang mabigyan sila ng trabaho at makatipid. Bago
simulan ang proyekto ay pinaputol niya ang mga puno ng hindi humihingi ng
permiso sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ipinapatag
din niya ang maliit na bundok upang maging maayos ang pagtatayuan ng
palaruan sa kanilang lugar. Pinayagan din ng kapitan ang isang negosyante na
magtayo ng pabrika ng plastic upang madagdagan din ang kita ng barangay ngunit
nagdulot ito ng pagkamatay ng mga isda dahil sa pagtatapon nila ng kemikal sa
ilog. Natuyo na din ang mga lupa dahil wala ng punong kumakanlong dito. Ang
mga taniman ay nabili na ng mga negosyante at nagpatayo na sila ng mga
tindahan at magagandang bahay. Dahil dito ay nagkaroon ng malaking income ang
kanilang lugar at umunlad ito.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-anong mga maling gawi o kasanayan na may kaugnayan sa


paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran ang nakita
mo sa kuwento? Isa-isahin ang mga ito.

2. Ano-ano ang mga dahilan ng mga maling gawi na ito? Ipaliwanag.

3. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin sa mga isyung
napag- aralan para sa ikalulutas ng mga ito?

Gawain 3
Panuto: Magtala ng 2 katiwalian sa paaralan at 3 katiwalian sa pamayanan.
Magbigay ng mga mungkahing solusyon para sa mga katiwalian. Sundin ang
pormat sa ibaba

Mga katiwalian sa paaralan o


pamayanan Mungkahing solusyon

Hal. Pag-aalok ng malaking halaga Hal.Huwag tanggapin ang inaalok na


kapalit ng pagpayag sa isang malaking
halaga.
proyekto na itatayo sa barangay. Hal.
Pangingikil sa kaklase ng pera
Hal.Isumbong sa guro ang kaklase na
nangingikil ng pera.

5
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

1. 1.

2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan- Ikalawa at Ikatlong Linggo

Aralin: Paninindigan sa Wastong Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga sa


Kalikasan

MELC:
12.3. Napangangatuwiranan na:

6
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung ang


lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay
tayo sa iisang kalikasan (Mother Nature).
c. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at
hindi maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
d. Binubuhay tayo ng kalikasan.

12.4 Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa


paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan ayon sa moral na
batayan.

Susing Konsepto

Sa Modyul 11 naunawaan mo ang kahulugan ng kalikasan na tumutukoy


sa lahat ng nakapaligid sa atin may buhay man ito o wala. Ito ay biyaya buhat sa
Maykapal bilang pagpapakita Niya ng pagmamahal sa atin na Kanyang nilikha.
Malaki ang papel na ginagampanan ng ating kalikasan (Mother Nature) sa ating
buhay. Buhat dito natutugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain, inumin, kasuotan at tirahan. Sa pamamagitan din nito ay
nagkakaroon ng pag-unlad sa larangan ng pangkabuhayan, pang-ekonomiya at
maging pangkalusugan.

Subalit sa kabila ng lahat ng pagpapalang ito ay nalilimutan ng mga tao ang


ating pananagutan sa ating kalikasan. Hindi na alintana ang walang habas na
pananamantala at pag-abuso sa biyaya ng kalikasan na nagiging sanhi ng
sunod-sunod na kalamidad. Sa mga ganitong mga pangyayari ay mauunawaan
natin ang epekto ng kapabayaan natin at hindi pagtalima sa itinagubilin ng
Panginoon bilang tayo na itinalagang tagapamahala sa lahat ng kanyang Nilikha.

Ang pagkakaroon ng bagyo, pagbaha, pagguho ng lupa, lindol, pagputok


ng bulkan, ilan lamang yan sa mga sunod-sunod na nararanasan hindi lamang
sa Pilipinas maging sa iba’t ibang panig ng daigdig. Dahil dito maraming ari-
arian ang nawasak, mga magulang ang nawalan ng mga anak, mga anak ang
nawalan ng mga magulang at mga pamilya ang nawalan ng mga mahal sa buhay.
Minsan, naitatanong mo sa sarili , bakit nangyayari ang lahat ng ito? Galit ba sa

7
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

atin ang Diyos? O ang kalikasan? Gumaganti ba sa atin ang mga puno na walang
habas nating pinuputol? Sino nga ba ang may pananagutan? At hanggang kailan
ba tayo makakaranas ng ganitong kalagayan? Totoo maaaring ganti ito sa atin ng
kalikasan dahil sa pang-aabuso nilang nararanasan sa kamay ng mga tao.

Bilang pinakamataas sa lahat ng nilikha ng Panginoon at binigyan ng mas


mataas na pagkakatawag, alam mo na may magagawa ka. Mahalaga ang papel mo
at magiging posisyon mo sa mga usapin hinggil sa kalikasan upang
mapangalagaan ito. Gayundin, ang mga may kapangyarihan upang mapigilan
ang tuluyang pagkawasak ng kalikasan at patuloy na maranasan ang epekto ng
pangaabuso rito. Ang posisyon mo ngayon ay maaaring makaimpluwensya sa
magiging kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. Kaya halika ka… Kilos
na!

Gawain 1: Picture Analysis

Panuto: Tingnan at unawaing mabuti ang mga larawan ng paalala sa ibaba. Piliin
ang mga larawan ng paalala na madalas mong nakikita sa inyong paaralan,
pamayanan o komunidad. Isulat ang titik sa kuwaderno.

(a) (b)

Source: Illegal Logging – History and Lessons Source: PAGSUSUNOG NG BASURA, Itigil na. – from
Indonesia | Kyoto Review of Southeast Suloy-Ultaw (wordpress.com)
Asia

8
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

(c) (d )

School

Source : Reduce Reuse Recycle - John Scottus

Source: No Littering / Bawal Magtapon ng


Basura
(wikimedia.org)
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno

1. Ano-ano ang paksang nais ipabatid ng mga larawan?


2. Saan mo madalas nakikita o nababasa ang ganitong mga paalala?
3. Sa iyong sariling pag-unawa, bakit mahalaga na mayroong mga
ganitong paalala hinggil sa pangangalaga ng ating kalikasan?
4. Bakit kaya sa kabila ng mga paalala ay patuloy pa rin ang mga tao sa
pangaabuso sa ating kalikasan? Ipaliwanag.
5. Bilang inatasan ng Diyos na tagapangalaga (steward) ng kalikasan,
ano ang nais mong gawaing paalala? Bakit?

Gawain 2: Pagninilay

Sa pamamagitan ng yamang kaloob ng ating kalikasan ay marami sa ating


mga pangunahing pangangailangan ay natutugunan nito. Ang sabi nga “Ang tao ay
nabubuhay dahil sa kalikasan”. Subalit, dahil sa pag-aabuso at walang habas na
pananamantala sa ating kalikasan ay patuloy ang pagkawasak nito. Maaaring sa
kasalukuyan ay mayroon pang natitirang yaman para sa atin subalit paano ang
susunod pang mga henerasyon. May kinabukasan at luntiang kapaligiran pa ba
silang aabutan?

9
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Panuto: Gumawa ng pagninilay hinggil sa kabutihang naidudulot ng kalikasan sa


ating buhay gayundin, ang mga halimbawa ng pang- aabusong ginagawa ng tao sa
ating kalikasan at ang sanhi at paraan upang maiwasan ito. Gawing gabay ang
tsart sa ibaba.

Mga mabuting Mga halimbawa ng Masamang Paraan ng


naidudulot ng pang-aabusong dulot nito Paglutas
kalikasan ginagawa sa kalikasan
Halimbawa:
1. Marami sa 1. walang tigil na 1. Marami sa 1. Magkaroon ng
ating pagkain pagtatapon ng ating mga isda panukalang
ay nagmumula basura sa mga at iba pang resolusyon ang
sa kalikasan anyong tubig tulad ng yamang-dagat pamunuan ng
tulad ng mga dagat, ilog at iba pa. ang namamatay komunidad hinggil
isda at iba sa wastong
pang yamang- pagtatapon ng
tubig basura.

2.

3.

4.

Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kwaderno


1. Ano ang iyong realisasyon sa natapos na gawain? Ipaliwanag.
2. Bilang isang mag- aaral o kabataan ano ang maari mong maiambag
upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan?

Gawain 3: Panukalang Batas

Panuto: Kung ikaw ay isang mambabatas, anong panukalang batas ang iyong
isusulong upang mapangalagaan ang ating kalikasan ayon sa moral na batayan?
Maaaring makatulong sa iyo ang pormat na nasa ibaba. Ilagay ang mga
sanggunian na iyong pinagbatayan sa ipinanukalang batas.

Halimbawa ng Panukalang Batas

Panukalang Batas Blg. 1


10
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Panukalang Batas ni: JUAN DELA CRUZ


Isang batas na : Nagsusulong na magkaroon ng tamang paghihiwalay ng basura
(solid waste management) sa bawat tahanan sa isang barangay.

Paliwanag ukol sa batas na ito at bakit mahalaga itong pagtibayin.

Ang panukalang batas na ito ay sumusuporta sa RA 9003 Ecological Solid Waste


Act of 2000 na naglalayong magkaroon ng tamang pamamaraan ng paghihiwalay
ng basura o solid waste sa mga barangay. Mahalaga itong pagtibayin upang
magkaroon ng disiplina sa tahanan pa lamang sa wastong Ngayon ay Ikaw
naman…pagtatapon ng basura at makabawas sa dami ng mga basurang
kinokolekta ng barangay dahil ang mga basurang nabubulok ay maaaring ibaon
na lamang

sa bakuran at gawing pataba sa halaman.

Panukalang Batas Blg.____________________

Panukalang Batas ni: _________________________

Isang batas na :
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Paliwanag ukol sa batas na ito at bakit mahalaga itong pagtibayin

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang naramdaman mo habang binabalangkas mo ang iyong
panukalang batas?
2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga na may batas para sa pangangalaga
ng kalikasan? Ipaliwanag.

Rubriks sa Pagmamarka

11
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Pamantayan Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman 5
Ideya 3
Presentasyon 2
Kabuuang Puntos 10

Gawain 3: Panayam

Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa inyong mga magulang tungkol sa


ginagawang hakbang ng pamunuan sa inyong barangay upang mapangalagaan ang
kalikasan. Sumulat ng isang artikulo o maikling sanaysay na may pagninilay ng
kinalabasan ng iyong panayam.

Narito ang kraytirya ng pagtataya ng awtput para sa Gawain 3.

1. Natutukoy ang mga ipinapatupad na batas sa barangay upang


mapangalagaan ang kalikasan.
2. Naipakikita ang mabuting dulot ng pangangalaga ng kalikasan sa
pagsusulong ng kaunlaran at kabutihang panlahat.
3. Malinaw at makatotohanan ang sinulat na sanaysay o artikulo.

Rubriks ng Pagmamarka

Kaukulang Puntos
Pamantay an Deskripsyon Nakuhang Puntos

Nilalaman Angkop ang 5


nilalaman sa
hinihingi batay sa
krayterya
Ideya Tama ang daloy ng 3
panayam/
paliwanag
Presentasyon Maayos at malinis 2
ang pagkakagawa
Kabuoan 10

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikaapat na Markahan – Ikaapat na Linggo

Aralin: Mga Isyung Moral Kaugnay sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at


Seksuwalidad

12
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

MELC:
13.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad.
13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
seksuwalidad.

Susing Konsepto
Ang seksuwalidad ng tao ay nagbibigay-daan tungo sa paghubog ng
ating ganap na pagkatao sa pamamagitan ng pagganap natin sa mga
tungkuling kaakibat ng ating pagkababae o pagkalalaki. Taglay ng bawat isa
sa atin ang kalayaan sa kung papaano natin tatanggapin at gagampan ang
mga tungkuling kaugnay ng ating seksuwalidad. Sa

paglinang ng ating seksuwalidad nararapat


lamang na tayo ay maging responsable at
iayon ito sa mabuting layunin na madama
ang tunay na pagmamahal na dahilan kung
bakit tayo nilikha ng Diyos.
Anomang gawain na nag-aalis ng paggalang sa seksuwalidad ay
katumbas din ng kawalan ng paggalang sa dignidad mo bilang tao. Ang mga
ganitong gawain ay nararapat lamang na iwasan. Subalit sa panahon ngayon,
hindi maitatago na marami ang sangkot sa mga ganitong isyu partikular ang
mga kabataan. Ano-ano ang mga isyung kaugnay ng kawalan ng paggalang sa
seksuwalidad at dignidad?

1. Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex) – Ito ay ang pakikipagtalik


ng hindi pa kasal ng mga taong wala pa sa wastong edad o nasa edad na.
Marami ang nagsasagawa nito dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik
ay paraan upang maipahayag ang pagmamahal sa isa’t isa. Kung
susuriing mabuti, ang

13
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay hindi maituturing na


batayan ng tunay na pagmamahal sapagkat inaalis nito ang
pagpapahalaga sa kapareha.

2. Pornograpiya – Ito ay mahalay na paglalarawang


seksuwal sa pamamagitan ng babasahin, larawan o palabas na
may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng
nakakakita nito. Ang pagkahumaling sa mga pornograpikong
materyal ay maaaring magdulot ng negatibong pagbabago sa isip
at kilos ng tao.

3. Pang-aabusong Seksuwal – Kadalasan ang pang-


aabusong seksuwal ay isinasagawa ng isang nakatatanda sa mas
nakababata sa pamamagitan ng pamumuwersa dito upang gawin
ang isang gawaing seksuwal. Sa panahon ngayon, ang internet
ang isa sa mga nagiging daan upang makakuha ng mga magiging
biktima ng pangaabusong seksuwal.

4. Prostitusyon – Ito ay ang pagbibigay ng panandaliang


aliw kapalit ng pera. Kadalasan, ang mga taong nasasangkot dito
ay nakararanas ng kahirapan, hindi nakapag-aral at minsan nang
nakaranas ng pang-aabuso. Ang mga taong pumapasok sa
ganitong gawain ay naniniwala na walang masama sa kanilang
ginagawa dahil ito ay pamamaraan nila upang buhayin ang sarili
o ang pamilya.

Ang ating buhay ay sagradong


biyaya ng Diyos. Nararapat lamang
na tayo ay mamuhay nang naayon sa
kanyang kalooban at panatihin ang
pagpapahalaga sa ating dignidad.

14
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Gawain 1

Panuto: Isulat sa mga kahon ang ideya na hinihingi upang mabuo ang graphic
organizer sa ibaba.

ISYUNG NAGPAPAKITA NG
KAWALAN NG PAGGALANG SA
SEKSUWALIDAD AT DIGNIDAD

Epekto sa Dignidad ng Tao


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________
________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa


seksuwalidad ng tao?

2. Bakit nababawasan ng mga isyung ito ang paggalang sa seksuwalidad


at dignidad ng tao?

15
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod: Iguhit ang hugis puso ( ) sa loob ng

kahon kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa seksuwalidad at dignidad ng tao at

ekis

( ) naman kung hindi.

1. Ang pagpayag na makipagtalik sa nobyo o nobya ay paraan


upang maipahayag ang pagmamahal sa isa’t isa.

2. Nararapat na iwasan ang panonood ng mga palabas na may


malalaswang tema na maaaring magdulot ng maling kaisipan.

3. May kalayaan ang sinoman na pasukin ang anomang trabaho na


naisin niya kahit na ang pakikipagtalik kapalit ang pera.

4. Ang ating kakayahang seksuwal ay maaaring gamitin ng dalawang


taong pinagbuklod ng kasal na may layuning bumuo ng sariling pamilya.

5. Nararapat na pangalagaan at gamitin nang wasto ang alinmang


bahagi ng katawan dahil ito ay sagradong kaloob ng Diyos.

6. Ang pakikipagtalik kahit hindi pa kasal ay tama kung may pagsang-


ayon ang magkapareha.
16
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

7. Ang pornograpiya ay maituturing na mabuti sapagkat ito ay isang uri


ng sining na may mabuting layunin.

8. Maiiwasan ang pagdami ng mga nabibiktima ng mga pang-aabusong


seksuwal sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagpapalaganap ng
kamalayan sa iba’t ibang uri nito at kung papaano ito maiiwasan.

9. Kapag ang prostitusyon ay isinagawa ng isang tao na may pagsang-


ayon, maaaring sabihin na hindi ito masama.

10. Ang tunay na pagmamahal ay may kaakibat na respeto sa isa’t isa.

Gawain 3
Panuto: Suriin ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad
at dignidad ng tao. Sa unang kolum, isulat ang mga isyung nagpapakita ng
kawalan ng paggalang sa seksuwalidad at dignidad ng tao. Isulat sa ikalawang
kolum ang mga maling pananaw kung bakit ito isinasagawa at sa ikatlong kolum
naman ang epekto ng pagsasagawa nito.

ISYUNG NAGPAPAKITA
NG KAWALAN NG
MGA MALING PANANAW EPEKTO SA SARILI
PAGGALANG SA
SA PAGSASAGAWA AT KAPWA
SEKSUWALIDAD AT
DIGNIDAD

17
RO_MIMAROPA_WS_EsP10_Q4

Mga Gabay na Tanong

1. Bakit maraming mga kabataan ang nasasangkot sa mga gawaing


salungat sa paggalang sa seksuwalidad at dignidad ng tao?

2. Paano naaapektuhan ang dignidad ng tao sa tuwing masasangkot sa


mga isyung kaugnay ng kawalan ng paggalang sa seksuwalidad?

3. Bilang kabataan, ano ang iyong magagawa upang maitaguyod ang


paggalang sa seksuwalidad at dignidad ng tao?

18

You might also like