You are on page 1of 8

PAGBUBUO

Natukoy natin at nasuri ang iba't ibang isyu tungkol sa


seksuwalidad. Nalaman natin ang iba't ibang epekto sa mga
taong sangkot sa mga ito gayundin ang iba't ibang pananaw na
kaugnay ng mga isyung ito. Mahihinuha rin natin sa mga
paglalahad na ang mga isyung seksuwal na mga ito ay hindi
nararapat gawin lalo na ng kabataan pa lamang. Ano ba ang
katotohanang ipinapahayag ng mga isyung ito? Sa malalim na
pagtingin, ano ang epekto ng mga isyung nabanggit sa
pagkatao ng tao o sa dignidad ng tao?
Ang pagpayag, pagsasagawa, at pagiging kaugnay sa
mga Isyung panseksuwalidad ay nagsasawalang-bahala
sa sumusunod na katotohanan:
1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sailing kaganapan,
at ang pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.
2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materya)
na kumikilos na magkatugma tungo sa isang telos o layunin.
3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng
tao ang kaniyang isip at kilos-loob a siyang magpapasiya kung ang kilos
at pamamaraan ay mabuti o masama.
•Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay
mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning
makamit at madama ang tuna na pagmamahal na siya
namang dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos.

•Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay


tumutukoy sa dalawang layuning maaari lamang gawin
ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal o
pag-iisang dibdib
- ang magkaroon ng anak.(procreative) at mapag-isa
(unitive).
Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang
seksuwal, ngunit ang
ating kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa
paggawa lamang ng mabuti. Ang
pakikipagtalik nang walang kasal, pagbebenta ng
sarili sa prostitusyon, pagbabasa
at pagtingin sa mga seksuwal na babasahin ay malaya
nating magagawa, ngunit
mabuti ba ang mga kilos na ito?
Kaakibat ng malayang kilos ay ang pananagutan na
alamin kung ang mga ito ay mali at kung may
naaapektuhan ba o wala. Nararapat na tingnan ng tao
kung ano ang kalalabasan nito sa kaniyang sarili at sa iba
kapag ito ay isinagawa. Sa pagsasagawa ng mga isyung
seksuwal na nabanggit, marapat ding alamin ng tao lalo
na ng kabataan kung ano ang layunin nila sa pagsasagawa
nito.
Ang layunin ba nila ay mabuti? Paano naman ang kanilang paraan?
Ang paraan ba ay mabuti? Sa ganito dapat maintindihan na ang
paraan sa paghantong sa layunin ay dapat na magkatugma. Layunin
mong ipahayag ang iyong pagkatao o kaya'y pagmamahal. Ngunit
kung sa pagpapahayag nito, ang pamamaraan ay hindi mabuti, hindi
rin maituturing na mabuti ang kilos. Dagdag pa rito, nararapat ding
tingnan sa ating pagpapasiya kung ang pinipili ba natin ay may mas
mataas o mababang pagpapahalaga. Sa paghusga ay nararapat na
piliin ang mga kilos na may mas mataas na halaga. Maaari mong
pagpasiyahang gamitin ang mga seksuwal mong kakayahan ngunit
nararapat mong isipin kung ano ang tunay na halaga at layunin ng
paggamit mo nito.
THANK YOU
SO MUCH

You might also like