You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
(063)227 – 6633, (063)341 – 5109
CALUBE INTEGRATED SCHOOL
501240
4TH QUARTER EXAMINATION ESP 10
Name:_______________________________________________Date:_____________________ Score:___________
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Tukuyin ang tamang sagot sa pagpipilian at isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
_____1. Paano mo lulutasin kung palagi mong nakikita ang iyong kapitbahay na hinihipo siya ng kaniyang ama?
A) Sisigawan C) Isusumbong sa alcalde B) Papanoorin D) Ipagbigay alam sa pulisya/DSWD
_____2. Alin ang HINDI sakop ng isyung moral tungkol sa seksuwalidad?
A) Pornograpiya C) Aborsiyon B) Prostitusyon D) Pagtatalik bago ang kasal
_____3. Inaanyayahan ka ng iyong mga kaklase na manood ng malalaswang pelikula sa Youtube, ano ang dapat
mong gawin?
A) Umiwas sa kanila
B) Manood kasama ang mga kaklase
C) Ang cellphone mo ang gagamitin upang masaya
D) Ipapaliwanag sa kanila ang epekto ng panonood ng malalaswang pelikula
_____4. Alin sa mga isyung moral ang may kaugnayan sa seksuwalidad?
A) Pornograpiya C) Aborsiyon B) Pagpapatiwakal D) Alkoholism
_____5. Bakit kailangang pahalagahan ang iyong dignidad?
A) Ito ang turo ng aking mga magulang B) Paggalang sa sarili at ng ibang tao
C) Kailangan sa pakikipagkapwa – tao D) Magkaroon ng sariling disposisyon
_____6. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pang-aabusong sekswal?
A) Pagtingin sa mga hubad na katawan B) Paghipo sa maseselang parte ng katawan sa mga bata
C) Pagtingin ng malalaswang palabas D) Pakikipagtalik
_____7. Bakit kailangang igalang ang dignidad at sekswalidad ng isang tao?
A) Dahil ang buhay ng tao ay sagrado B) Dahil ang tao ay may karapatang mabuhay sa mundo
C) Dahil ang tao ay may Kalayaan D) Dahil ang tao ay may karapatang igalang ang sarili
_____8. Aling uri ng isyung moral tungkol sa seksuwalidad na sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain na
nagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera?
A) Pornograpiya B) Prostitusyon C) Aborsiyon D) Pagtatalik bago ang kasal
_____9. Bilang isang iskawt, sa paanong paraan na ikaw ay makakatulong sa mga kabataang maagang nakaranas ng
sekswal na gawain?
A) Pagsasabihan na huwag manood ng pornograpiya
B) Magpapakita ng pornograpiyang videos
C) Bibigyan ng mga malalaswang larawan
D) Makipagkwentuhan ng mga malalaswang karanasan
_____10. Nakita mo ang malaswang video ng iyong kaklase, paano ka makakatulong sa kanya?
A) Makinig sa pagbabahagi ng kanyang karanasan B) Payuhan na huwag ipagpatuloy ang kanyang gawain
C) Ipaalam sa guro ang kanyang ginawa D) Ipagsasabi sa mga kaklase ang nakita mo sa video.
Panuto: “Suriin ang sarili kung sa sumusunod na sitwasyon ay tumutukoy sa iyong moral at sekwalidad sa
pamamagitan ng pagsulat ng bilang 3 kung katanggap – tanggap, 2 kung hindi gaanong katanggap – tanggap, at 1
hindi katanggap – tanggap.” Isulat ito sa may salungguhit bago ang bawat aytem.
_____ 11. Pakipagtalik bago ang kasal. _____ 16. Pakipagrelasyon sa may pamilya.
_____ 12. Paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal. _____ 17. Aborsyon.
_____ 13. Pagbebenta ng panandaliang aliw. _____ 18. Pagdaldalaang tao sa nagdadalaga
_____ 14. Pakikipagtalik sa wala pang tamang gulang _____ 19. Pagkakagusto sa isang nagbibinata/nagdadalaga
_____ 15. Panonood at pagbabasa ng pornograpiya. _____20. Pakipagkilala sa ibang tao.
_____ 21. Ano ang tawag sa may layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa sa pamamagitan ng panonood o
pagbabasa?
A) Prostitusyon C) Pornograpiya B) Sekswal D) Pagtatalik
_____22. Unang monthsary mo ng iyong boyfriend/girlfriend at ang hiningi niya na regalo ay makipagtalik ka sa
kanya, ano ang iyong gagawin?
A) Ibibigay ang gusto niya
B) Mangako na sa susunod na buwan makipagtalik
C) Hihiwalayan ang girlfriend/boyfriend
D) Ipaliwanag sa kanya na hindi pa ang takdang panahon upang makipagtalik
_____23. Alin ang HINDI isyung moral tungkol sa sekswalidad?
A) Pagpapatiwakal C) Pagtatalik bago ang kasal B) Pornograpiya D) Mga pang – aabusong sekswal
_____24. Paano mo lulutasin kung palagi mong nakikita ang iyong kapitbahay na hinihipo siya ng kaniyang ama?
A) Sisigawan C) Isusumbong sa alcalde B) Papanoorin D) Ipagbigay alam sa pulisya/DSWD
_____25. Bakit kailangang igalang ang dignidad at sekswalidad ng isang tao?
A) Dahil ang buhay ng tao ay sagrado B) Dahil ang tao ay may karapatang mabuhay sa mundo
C) Dahil ang tao ay may Kalayaan D) Dahil ang tao ay may karapatang igalang ang sarili
_____26. Inaanyayahan ka ng iyong mga kaklase na manood ng malalaswang pelikula sa Youtube, ano ang dapat
mong gawin?
A) Umiwas sa kanila
B) Manood kasama ang mga kaklase
C) Ang cellphone mo ang gagamitin upang masaya
D) Ipapaliwanag sa kanila ang epekto ng panonood ng malalasang pelikula
_____27. Alin ang HINDI tumutukoy sa mga pang – aabusong sekswal?
A) Hinihikayat ng mga magulang ang anak na magpakita ng maseselang parte ng katawan sa harap ng camera
B) Panonood ng mga gawaing sekswal
C) Pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at paghihikayat sa mga bata na makipagtalik
D) Pag – iwas sa mga malalaswang babasahin at pelikula
_____28. Ikaw ay nangangailangan ng malaking pera dahil ooperahan ang iyong nanay, hinikayat ka ng iyong matalik
na kaibigan na magbigay ng panandaliang – aliw kapalit ang malaking halaga ng pera, ano ang dapat mong gawin?
A) Sumama sa kanya upang magkaroon ng malaking pera
B) Manghiram ng pera sa kapitbahay
C) Hayaan na hindi ma-operahan ang nanay
D) Tanggihan ang alok ng kaibigan at humingi nalang ng tulong sa ahensiya ng gobyerno gaya ng DSWD
_____29. Sa paanong paraan na ikaw ay makakatulong sa mga kabataang maagang nakaranas ng sekswal na gawain?
A) Pagsasabihan na huwag manood ng pornograpiya B) Magpapakita ng pornograpiyang videos
C) Bibigyan ng mga malalaswang larawan D) Makipagkwentuhan ng mga malalaswang karanasan
_____30. Bakit kailangang pahalagahan ang iyong dignidad?
A) Ito ang turo ng aking mga magulang B) Paggalang sa sarili at ng ibang tao
C) Kailangan sa pakikipagkapwa – tao D) Magkaroon ng sariling disposisyon
____31. Ang mga sumusunod ay mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad o seksuwalidad
MALIBAN sa:
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal
B. prostitusyon D. bawal na Gamot
____32. Ano ang isyung moral tungkol sa seksuwalidad na tumutukoy sa mga mahalay na paglalarawan o babasahin
na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa?
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal
B. prostitusyon D. pagtatalik bago ang kasal
____33. Ano ang ipinapahayag ng pagtatalik nang hindi kasal?
A. kawalan ng paggalang C. kawalan ng komitment
B. kawalan ng dedikasyon D. lahat ng nabanggit
____34. Ano ang maaaring kasasangkutan ng kabataang humantong sa premarital sex?
A. Hindi pa handa sa mga maaaring bunga nito sa kanilang buhay.
B. Hindi pa sila ganoon katatag upang harapin ang responsibilidad na kaakibat ng pag-aasawa at pagkakaroon ng
anak.
C. Nangangailangan ng suporta ng kanilang mga magulang para maitaguyod ang knilang sariling pamilya.
D. Lahat ng nabanggit.
____35. Kelan ang paggamit sa sekswalidad ay masama?
A . Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan.
____36. Ano ang isyung moral tungkol sa seksuwalidad ang tumutukoy sa gawaing nagbibigay ng panandaliang-aliw
kapalit ng pera?
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal B. prostitusyon D. bawal na Gamot
____37. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa gawaing pagtatalik bago ang kasal?
A. pang-aabusong seksuwal C. pre-marital sex B. pornograpiya D. prostitusyon
____38. Saan nauuwi ang pakikipagtalik kahit hindi pa kasal, prostitusyon, pornograpiya, at pang-aabusong
seksuwal?
A.Kasikatan ng pagkatao C. karangyaan sa buhay
B.Katatagan sa sarili D.kawalan ng paggalang sa dignidad ng tao
____39. Paano napaghandaan ang iyong kinabukasan upang hindi maging biktima o makaranas ng pang-aabusong
seksuwalidad at prostitusyon?
A. Pagtuon sa sarili sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan at umiwas sa mga kaibigang maaaring
mgdulot sa iyo ng masamang impluwensiya.
B. Hindi paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
C. Pagsaisip at gawing gabay nag awing sandata o sentro ang Diyos sa lahat ng bagay.
D.Lahat ng nabanggit.
____40. Anong isyung sekswal ng mga kababaihang biktima ng panghihipo ng maselang bahagi ng katawan, at
panggagahasa ay tumutukoy sa isyung seksuwal na
A. pornograpiya C. prostitusyon B. pre-marital sex D. pang-aabusong seksuwal
___41. Kailan masasabing ang paggamit ng seksuwalidad ng tao ay masama?
A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan.
___42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa isyung seksuwal?
A. Si Jessica ay araw-araw hinihiuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
B. Niyaya ni Nolly ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng
pamilya.
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang
boyfriend na si Ariel.
D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang nakahubad.
___43. Ito ay isyung moral tungkol sa seksuwalidad na tumutukoy sa mga mahalay na paglalarawan o babasahin na
may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
A. pornograpiya C. pang-aabusong seksuwal B. prostitusyon D. pagtatalik bago ang kasal
___44. Si Wilson ay nakatira a kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang kaniyang amain sa kuwarto niya at
nagpakita ng mga malalaswang litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sabi ng
kaniyang amain, “Halika rito, anong klaseng lalaki ka?” Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kaniyang tiningnan at
nagustuhan naman niya ito. Gagayahin mo ba si Wilson?
A. Oo, dahil sumunod lamang ako sa gusto ng aking amain.
B. Hindi, dahil wala akong panahon sa malalaswang litrato.
C. Oo, dahil wala namang ibang nakakaalam maliban sa aking amain na nagbibigay nito.
D. Hindi ko gagayahin si Wilson dahil masama ang epekto nito sa aking sarili at sa pakikitungo ko sa aking kapwa.
45. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili
sa isang kompanya ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing ang katawan niya ay
kailanman maaring i-display. Tama ba ang nagging desisyon ni Mela?
A. Tama, dahil nakapagpababa ng dignidad ni Melay kung papaya siya rito.
B. Mali, dahil babayaran naman siya ng pera kapalit ng kaniyang kuhang larawan.
C. Mali, dahil hindi naman nakakasira sa kaniyang dignidad kapag siya’y binigyan ng pera.
D. Tama, dahil mali ito.
46. Ang isang lalaki o babae ay nagkaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag
tumuntong na sa edad na pagdadalaga o pagbibinata. Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal na gagamitin
ito, hindi nangangahulugang maari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong
gulang, at hindi pa tumanggap ng sakramento ng kasal hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang
makipagtalik. Anong katotohanan ang ibinubuod ng pahayag na ito?
A. Maaari nang makipagtalik ang kabatang nagdadalaga at nagbibinata.
B. Maaari nang magkaanak ang kabataang nagtatalik.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maari lamang na makipagtalik.
47. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay karapatang makaranas ng kasiyahan?
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito.
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
48. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa gawaing pagtatalik bago ang kasal?
A. pang-aabusong seksuwal B. pre-marital sex C. pornograpiya D. prostitusyon
49. Si Belle ay labinlimang taong gulang at napabilang sa mahirap na pamilya. Siya ay biktima nang paulit-ulit na
pananamantala ng kaniyang amain. Dahil dito, nawalan na siya ng interes na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
Nakilala niya si Anna at niyaya siya nitong mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya rito at
nagsabing lubog narin naman siya sa putik kung kaya’t marapat lang na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya. Ano
ang maipapayo mo kay Belle?
A. Ang pagkakamali ay hindi malutas ng isa pang pagkakamali kaya’t nararapat na ituwid ang pagkakamali at
magkakaroon ng pagkataong magbago.
B. Huwag gawing dahilan ang mga madilim na nakaraan para lang ipagpatuloy ang di nararapat na tatamasing buhay.
C. Hindi pa huli ang lahat. Mamasukan na lamang siya bilang working student upang may pantustos siya sa kaniyang
pag-aaral at makapagtapos.
D. Lahat ng nabanggit.
50. Paano mo paghandaan ang iyong kinabukasan upang hindi maging biktima o makaranas ng pang-aabusong
seksuwalidad at prostitusyon?
A. Ituon ang sarili sa pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan at umiwas sa mga kaibigang maaaring
mgdulot sa iyo ng masamang impluwensiya.
B. Huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
C. Gawing sandata o sentro ang Diyos sa lahat ng bagay.
D. Lahat ng nabanggit.

You might also like