You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 6 DAY: __1__

Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa


COMPETENCY : paghubog ng sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano.

Nasusuri ang probisyon ng may kinalaman sa kababaihan sa Code of


OBJECTIVES :
Hammurabi at Code of Manu
CONTENT Kahalagahan ng mga kaisipang Asyano sa paghubog ng sinaunang
:
kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano
LEARNING SLM-AP7-Q2-Modyul 6, MELCS, Kagamitang Biswal
RESOURCES
: Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al pp.250-
253
A. Paghahanda: (Preparation)

● Panalangin

● Pagtatala ng mga lumiban sa klase

● Balik-aral

B. Pagganyak: (Motivation)

● Sa larawan na ipinakita, Ano ang ipinapahiwatig ng


kababaihan noon at ngayon?

2. May pagbabago bang nangyayari sa pakikitungo at


karapatan sa mga kababaihan ngayon? Ibigay ang mga ito.

C. Paglalahad: (Presentation)

● Pangkatin ang klase sa dalawa.

● Ihagis ng guro ang bolang papel sa sinumang miyembro ng


pangkat.

● Sasagot ang nakasalo ng bola sa tanong na bubunutin ng


guro sa kahon. May puntos ang makasasagot.

● Maaaring mag steal ang kabilang pangkat kung hindi


masasagot ang tanong.

● Panalo ang grupong may pinakamaraming puntos.

Mga Tanong:
1. Bakit lumikha si Haring Hamurrabi ng batas na Kodigo ni
Hamurrabi?
2. Anong batas na probisyon nito ang mababang pagtingin sa
kababaihan?
3. Ang batas na ang isang Brahmin ay hindi pinapayagang
makipagtalik sa isang mababang uri ng babae sa lipunan dahil
siya ay mapupunta sa impiyerno?
4. Ang kodigo na dapat hindi tututo ang ama na ipagkasundo
ang anak na babae ia ipakasal itodahil ito ay isang malaking
paglabag katumbas ng pagpapalaglag sa sanggol.
5. Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng babae sa kalakalan.

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Kababaihan Ayon sa Batas ni Hammurabi


Noong panahon ng mga Babylonian sa Kanlurang Asya, isinabatas ni
Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar.
Sinalamin ng ilang probisyon ng Batas ni Hammurabi ang mababang
pagturing sa kababaihan. Ilan ay ang mga sumusunod:
• Ang mga babae ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal. Kaya’t
ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi.
• Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.
Madalas na sa pagkabata pa lamang ay inaayos na ang
pagkakasundong magpakasal ang isang babae at lalaki
. • Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng
kamatayan. Sa oras na mahuli ang babaing nagtaksil sa kanyang
asawa, pareho silang ihahagis sa malalim na bahagi ng ilog o dagat. •
May lubos na kapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan at maaari
niyang ipagbili ang kanyang asawa at mga anak.
• Ipinagbabawal ang paglahok ng mga kababaihan sa kalakalan
Ang Kababaihan ayon sa Code of Manu
Kung may Batas ni Hammurabi ang Kanlurang Asya, ang Timog Asya
ay may katumbas ding Kodigo ng mga batas. Ito ay ang Code of Manu
na sinasabing nabuo noong huling bahagi ng unang siglo B.C.E Hindi
malinaw ang posisyon ng Code of Manu sa pagturing sa babae.
*Sinasabi ng Kodigong ito na sa oras na ang isang brahmin o pari sa
Hinduism ay nakikipagrelasyon sa isang mababang uri ng babae, tiyak
na siya ay pupunta sa impiyerno.
• Ang lahat ng ritwal na walang paggalang sa babae ay walang saysay.
• Ang amang ayaw pang ipakasal ang anak na nagdalaga na ay
nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-sama ng
pagpapalaglag ng bata. Ito ay sa dahilan na dapat na nagluluwal na ng
saggol ang anak na babae.
• Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang
tanda ng lalaki sa kanyag asawang babae.
• Ang ama ng isang babae na tumanggap ng dote ay maihahalintulad
sa sa isang tao na nag-aalok ng babae sa lalaki.
Mga Tanong:
1.Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?
2. Ano ang bahaging ginagampanan ng kababaihan sa sinaunang
lipunan?
3. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?
E. Paghahasa (Exercises)
Tukuyin Mo Nga Ako! Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
__________. Tumutukoy sa bagay o pag-aari na binibigay ng lalaki sa
kanyang mapapangasawa.
__________ 2. Panahon sa sinaunang India na kung saan nagtamasa
ng Kalayaan at Karapatan ang mga kababaihan
___________3. Kaugalian na dapat manirahan ang lalaking ikinasal sa
pamilya o angkan ng babae
__________4. Nagbalangkas ng batas para sa sa kanyang nasasakupan
kabilang na ang batas sa pagtrato sa mga kababaihan
__________5. Pagsasamba sa iba’t-ibang uri at anyo ng diyos.

Hammurabi Dowry Vedic Matrilocal Polytheism


Patriyarkal

F. Paglalahat: (Generalization)

● Batay sa iyong pag-inawa. ano ang pagkakaiba at pagkakatulad


ng sitwasyon ng kababaihan sa Kodigo ni Hammurabi at ni
Manu?

● Sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan paano sila naging


makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman ng
sibilisasyong Asyano?
G. Paglalapat (Application)

● Sa isang buong papel, sumulat ng editorial tungkol sa


sinaunang kababaihan sa Asya.
Rubrics: Nilalaman – 10
Kaugnayan sa paksa - 10
Paggamit ng salita - 10
Kabuuan 30
H. Pagtataya: (Evaluation)
Punan ang talahanayan na nasa ibaba.
Katayuan ng Ano ang mga pagbabago sa
Kababaihan noon katayuan ng mga
kababaihan na iyong
nakikita sa ngayon?
Batas ni
Hammurabi
Kodigo ni
Manu
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

● Magtipon ng mga larawan na nagpapakita ng mga kakayahan


ng kakabaihan o mahahalagang kontribusyon ng mga
kababaihan sa kabahisnang Asyano.Maari ding gumuhit kung
walang larawang makukuha.
O kaya ay…

● Pumili ng isang awitin (maaaring sa wikang Filipino o Ingles)


na angkop para sa kalagayan at bahaging ginagampanan ng
kababaihan sa kabihasnang Asyano. Ipaliwanag kung bakit
iyon ang napiling mong awitin.

Kasagutan:
1. Dowry
2. Vedic
3. Matriloal
4. Hammurabi
5. Polytheism

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 6 DAY: 2

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa


COMPETENCY :
sinaunang kabihasnan at ikalabing -anim na siglo

Nasusuri ang batas ukol sa mga kababaihan at sa mga sinaunang lipunan na


OBJECTIVES :
nakapaloob sa dalawang Kodigo ng mga batas

CONTENT : Mga Relihiyon sa Asya

LEARNING Aklat-Asya: Panahon,Kasaysayan at Lipunan II PP.155-160 , SLM-AP7-


RESOURCES : Q2-Modyul 6, MELCS, Kagamitang BiswalAsya: Pag-usbong ng
Kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al pp.250-253,

A. Paghahanda: (Preparation)

● Panalangin

● Pagtatala ng mga lumiban sa klase

● Balik-aral

B. Pagganyak: (Motivation)

Magpapakita ang guro ng isang video, “Pangarap Kababaihan” at


habang ipinapapanood ito alamin ang mga karapatan ng
kababaihan.Matapos ang awitin, Magbibigay ang guro ng ilang
katanungan na may kaugnayan sa mensahe sa video.
https://www.youtube.com/watch?v=o8wPMwccMhg
Gabay na tanong:
1. Ano ang mga pumapasok na sa inyong isip at maging
nararamdaman habang iyong napapanood ang video?
2. Ano ang mga tradisyonal na papel ng kababaihang Asyano?
3. Nanatili bang mababa ang pagtingin sa kababaihang Asyano sa
pagdaan ng panahon? Patunayan.
C. Paglalahad: (Presentation)

Batay sa iyong pagbabasa at pang-unawa sa naunang lathalain, ano ang


pagkakaiba at pagkakatulad ng sitwasyon ng kababaihan sa Kodigo ni
Hammurabi at ni Manu?
KODIGO NI HAMMURABI KODIGO NI MANU

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

● Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?

● Ano ang bahaging ginagampanan ng kababaihan sa sinaunang


lipunan?

● Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?


Hanggang ngayon ba ay nagyayari pa to sa mga bansang
Asyano?

E. Paghahasa (Exercises)

Pahalagahan mo! Punan ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.

Paano mo bibigyang pagpapahalaga ang mga kababaihan sa lipunan


. . .. (magbigay ng tatlong paraan ng pagpapahalaga)

1.

2.
3.
F. Paglalahat: (Generalization)

“Ipangkat Nga Natin”


Panuto: Anu-ano ang mahahalagang gampanin ng mga
kababaihan sa Sinaunang Kabihasnang Asyano sa mga
sumusunod sa larangan?
A. Pamilya at Lipunan: C. Relihiyon:
______________________ ______________________
______________________ ______________________
B. Pulitika: D. Ekonomiya/Kalakalan:
______________________ ______________________
______________________ ______________________

G. Paglalapat (Application)

“Pusuan Mo”
Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang pangungusap na sa palagay mo
ay nakakabuti sa kababaihan at sad emoji ( 😉 ) kung sa palagay
mo ay di-nakakabuti para sa mga kababaihan.
________1. Nagtamasa ng karapatan ang mga kababaihan sa India
sa Panahong Vedic.
_______2. Ang mga batang babae ay hindi pinahihintulutang mag-aral.
_______3. Kailangang magpaalam muna ang babae sa kanyang asawa
kung pupunta sa ibang lugar.
______4. Pagsasanay sa mga babae sa Japan upang maging samurai.
_____5. Pinapayagan ang mga kababaihan na magkaroon ng ari-arian

H. Pagtataya: (Evaluation)

Punan ng angkop na salita o grupo ng salita ang mga patlang


upang makabuo ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

paggawa ng mga gawaing bahay kababaihan


isama sa libing ng kanilang asawa paghahandog
ng dote
nagtataglay ng limitadong karapatan kahalagahan

Bagama’t sistemang patriyarkal ang umiiral sa sinaunang


lipunang
Asyano, mahalaga pa rin ang papel na ginampanan ng mga
___________.
Ilan sa mahahalagang gampanin ng mga kababaihan ay pag-
aalaga sa
mga bata, pagtulong sa asawa sa pagtatanim sa bukid at
____________.
Nakakalungkot subalit isang katotohanan na mababa at di-
gaanong
pinahahalagahan ang mga kababaihan noong unang panahon, sa
katunayan,
sila ay maaaring ipagbili sa pamilihan, __________ at
_________. Gayunpaman, pinatunayan ng mga kababaihan ang
kanilang __________ sa pamamagitan ng pagtataguyod sa
pamilya maging sa lipunan.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

“Letter Writing”
Panuto: Sumulat ng isang maikling liham para sa iyong lola, ina o
kapatid na babae. Banggitin ang kanilang kahalagahan sa pamilya at
lipunan.

Mga Kasagutan:
1. Pagtataya
2. 😉 Kababaihan
3. 😉 Paggawa ng mga gawaing bahay
4. Isama sa libing ng kanilang asawa
5. Nagtataglay ng limitadong karapatan
Kahalagahan
Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Schools Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 6 DAY: 3

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula


COMPETENCY :
sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo
OBJECTIVES : Nakakakuha ng 75 na bahagdang sa lagumang pagsusulit

CONTENT : Mga Pilosopiya sa Asya

LEARNING Aklat-Asya: Panahon,Kasaysayan at Lipunan II PP.161-162 , SLM-


:
RESOURCES AP7-Q2-Modyul 6, MELCS, Kagamitang Biswal

A. Paghahanda: (Preparation)
● Panalangin

● Pagtatala ng mga lumiban sa klase

● Balik-aral

E. Paghahasa (Exercises)

1-5. Sumulat ng 2-3 talata tungkol sa tanong sa ibaba. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
“Kung bibigyan ka ng pagkakataong mamuhay sa sinaunang
kabihasnan sa Asya, paano ka makakatulong sa pag-angat ng
kalagayan at katayuan ng mga kababaihan sa lipunan?”

6-14. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
6. Ano ang tawag sa bigay-kaya na maaaring sa anyo ng pera o
bagay na binibigay ng lalaki sa babaeng kaniyang mapapangasawa?
A. Regalo B. Dote (dowry) C. Kaloob D. Handog
7. Sino ang hari ng imperyong Babylonia na nagbabalangkas ng mga
batas sa kaniyang nasasakupan kabilang na ang pagtrato sa mga
babae?
A. Sargon B. Nebuchadnezzar C. Hammurabi D.
Ashurbanipal
8. Ang mga sumusunod na katangian ay dapat taglayin ng sinaunang
kababaihan sa Tsina maliban sa
A. Pagiging matapat C. Pagiging masipag
B. Maingat sa pananalita D. Mapagbigay
9. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan sa Mesopotamia ang
nagkaroon ng mas maraming karapatan para sa mga kababaihan?
A. Sumer C. Babylonia B. Akkadian D. Assyria
10. Ayon sa Code of Hammurabi, ano ang kaparusahan sa babaeng
hindi tapat sa kanyang asawa?
A. Pagkakulong C. Pagpapalayas sa bahay
B. Mataas na multa D. Kamatayan
11. Aling pahayag ang nagtataglay ng wastong impormasyon tungkol
sa kababaihan sa sinaunang Hapon?
A. Pantay sa karapatan ang mga babae at lalaki
B. Maaaring mag-asawa ng mababang uri ang babaeng kabilang
sa mataas na uri
C. Maaaring maging mandirigma ang kababaihan.
D. Walang karapatang humawak ng pera ang mga kababaihan
12. Ang suttee ay bahagi ng sinaunang kulturang Hindu. Alin sa mga
sumusunod na pangungusap ang naglalarawan dito?
A. Pagbibigay ng dote (dowry) ng lalaki sa babae bago ikasal
B. Pananahan ng babae sa bahay ng lalaki pagkatapos ng kasal
C. Pagpapatiwakal ng biyudang babae upang makasama hanggang
kamatayan ang asawa
D. Panunumpa ng kababaihan na maging bahagi ng uring
mandirigma
13. Ito ang pangunahing gampanin ng babaeng samurai noong
sinaunang Hapon.
A. Tagabantay ng palasyo ng emperador
B. Tagapagtanggol ng tahanan at mga anak
C. Tagapagtanggol ng teritoryo o nasasakupan
D. Tagapangasiwa sa usaping military
14. Ano ang mabubuong konklusiyon sa paksang “Kalagayan at
Bahaging Ginampanan ng Kababaihan sa Sinaunang Sibilisasyon
sa Asya”?
A. Nagkaroon ng pantay na pagtingin sa mga lalaki at babae.
B. Nagtatamasa ng maraming Karapatan at opurtunidad ang mga
kababaihan.
C. Aktibo ang mga kababaihan sa pakikilahok sa iba’t-ibang larangan.
D. Kakaunti ang karapatan at mababa ang tingin sa mga kababaihan
noong unang panahon
15-20. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.
Confucius Golden Rule Taoismo
Legalismo Pilosopiya Tao Te Ching
Brahmin

15. Salita na ang ibig sabihin ay “pagmamahal sa karunungan”.


16.Itinuturing na pinakadakilang pilosopong Tsino.
17 Banal na aklat ng Taoismo.
18. Nakabatay sa malakas na puwersa dala ng estado.
19. Huwag mong gawin sa kapwa ang ayaw mong gawin sa iyo.
20.Ang pari sa Hinduismo.

Mga Ksagutan sa Lagumang Pagsusulit


1-5 Answers may vary
6. B 15.Pilisopiya
7. C 16.Confucius
8. D 17.Tao Te Ching
9. A 18.Legalismo
10. D 19.Golden Rule
11. C 20. Brahmin
12. C
13. B
14. D

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

Ang
Kodigo ni Hammurabi
o
Codex Hammurabi
ay isang batas kodigo na nilikha noong ca 1772 BCE(gitnang kronolohiya) sa
sinaunang Babilonyang ikaanim na hari ng Babilonyang si Hammurabi.
[2]
Iisalamang ang halimbawa ng Kodigo ang nananatili at nasagip sa kasalukuyan, na nakaukit sa
isang pitongtalampakan, apat na pulgada ang habang basalto
[3][4]
na nasa wikang Akkadianna nasa panitik nakuneiporma. Ang Kodigo ni Hammurabi ang isa sa
mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isangstela at inilagay sa lugar na
pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay kalaunang kinuha ng mgataga-Elamat
inalis sa kabisera nitong Susa. Ito ay muling natuklasan noong 1901 at nakalagak ngayon
saLouvre Museum sa Paris. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12
tableta. Hindi tuladng mas maagang mga batas, ito ay isinulat sa wikang Akkadian na pang-araw
araw na wika ng Babilonyaatkaya ay mababasa ng sinumang nakakabasang tao sa siyudad.
Sinasabing ang mga kaparusahan nito aynapakabagsik sa mga modernong pamantayan na ang
maraming mga kasalanan ay nagreresulta sakamatayan, pananakit o paggamit ng
pilosopiyang"mata sa mata". Ang kodigo ni Hammurabi ang isa sa mgapinakamaagang
halimbawa ng ideya ng pagpapalagay ng pagiging inosente ng nagkasala at ang akusado atnag-
akusa ay may pagkakataon na magpakita ng ebidensiya. Ikinatwiran ni David P. Wright na ang
mga batasng Hudaismoo kautusan ni Moisesay gumamit sa kodigo ni Hammurabi bilang isang
modelo na gumagaya saistruktura at nilalaman nito.
[5]

Mga halimbawa ng kodigo ni Hammurabi


Kung ang sinuman ay nagdala ng isang akusasyon ng krimen sa harap ng mga nakatatanda at
hindiniya ito napatunayan, siya ay papatayin kung ang inakusa niya ay isang kasalanang may
parusangkamatayan.

Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng isang templo o korte, siya ay papatayin.
Angtumanggap ng ninakaw na bagay mula sa kanya ay papatayin rin.

Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas na pagnanakaw at nahuli, siya ay papatayin.


Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang ama, ang kanyang mga kamay ay puputulin.

Kung binulag ng isang tao ang mata ng isa pang tao, ang kanyang mata ay bubulagin rin.

Kung ang isang tao ay bumungi sa isa, siya ay bubungiin rin.


Kung binali ng isang tao ang buto ng isa pang tao, ang kanyang buto ay babaliin rin.

Kung sinaktan ng isang malayang tao ang katawan ng isa pang malayang tao, siya ay
magbabayad ng10 shekel sa salapi.

Kung ang alipin ng isang malayang tao ay nanakit sa katawan ng isang malayang tao, ang
kanyangtenga ay puputulin.

Kung sinaktan ng isang tao ang katawan na mas mataas sa ranggo sa kanya, siya ay tatanggap ng
60paghampas sa publiko.

Kung sinaktan ng isang tao ang isang malayang babae na nalaglag ang kanyang hindi pa
naipanganakna anak, siya ay magbabayad ng 10 shekel sa pagkawala ng anak.

Kung ang isang tagapagtayo ng bahay ay nagtayo ng bahay para sa isang tao at hindi ito
tamangitinayo at ang bahay ay bumagsak at napatay ang may ari nito, ang gumawa ng bahay ay
papatayin.

Kung ang sinuman ay nagnakaw ng baka o tupa o isang asno o isang baboy o isang kambing,
kung itoay pag-aari ng isang Diyos o sa korte, ang magnanakaw ay magbabayad ng
makatatlumpo nito. Kungito ay pag-arri ng isang malayang tao ng hari, siya ay magbabayad ng
makasampu nito. Kung angmagnanakaw ay walang maibayad, siya ay papatayin.

Kung ang isang kapatid na babae ng isang Diyos ay magbukas ng tindahan ng alak, ang babaeng
ito aysusunugin hanggang sa kamatayan.

Kung ang sinuman ay umupa ng isang baka at ito ay pinatay ng Diyos, ang taong umupa nito
aymanunumpa sa Diyos at ituturing na walang sala.

Kung ang sinuman ay nagturo ng daliri (manirang puri) sa kapatid na babae ng Diyos o
asawangbabae ng sinuman at hindi ito mapatunayan, ang taong ito ay dadalhin sa harap ng mga
hukom attatatakan ang kanyang kila

You might also like