You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 7 DAY: 1

COMPETENCY & Nasusuri ang kalagayan at bagaing ginampanan ng kababaihan mula sa


OBJECTIVES sinaunang kabihasnan at ikalabing- anim na siglo
: Layunin:

⮚ Naiisa-isa ang mga diyosa sa Asya.

CONTENT : Ang Mga Diyosa sa Asya

LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,ph.164-166


RESOURCES :
Self Learning Module (SLM)-Q2_Modyul 7

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

⮚ Panalangin

⮚ Pagtala sa mga lumiban sa klase

⮚ Pagbabalik- aral

B. Pagganyak: (Motivation)

C. Paglalahad: (Presentation)

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?

2. Ano ang bahaging ginampanan nito sa Sinaunang kabihasnan?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Naniniwala ang ating mga ninunong Asyano sa papel ng kababaihan


bilang mga diyosa.

Babylonia

Tiamat- isang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng mga diyosa


ayon sa mga Babylonian. Nagmula kay Tiamat ang iba pang diyos tulad ni
Marduk.

Marduk- Pumatay kay Tiamat at ang kanyang itinapong mga labi ay siyang
pinaniniwalaang naging langit. Pinaniniwalaang si Marduk ay nagmula kay
Tiamat.

Mesopotamia

Nammu- ang diyos ng tubig. Naging mahalaga sa paglikha ng tao dahil sa


naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng luwad sa paglikha ng
tao.

Inanna- diyosa ng pag-ibig at digmaan. Siya ay may mabait at malupit na


katangian. Marami siyang naging anyo ngunit ang pinakamahalaga ay ang
pagiging diyosa ng lupa. Bilang diyosa ng lupa, sa kanya nagmula ang lahat.
Sa hanay ng mga Semitic, si Inanna ay binansagan na Ishtar.

Dravidian

Ang grupong Dravidian sa Timog Asya ay naniniwala sa mga diyosa at


isa rito ang diyosa ng Buwan.

Ngunit noong dumating ang Indio- Aryan naging lalaki ang kanilang
diyos. Pangunahing diyos ay si Indra, ang diyos ng panahon.

Japan

Amaterasu O-mi-ka-mi – diyosa ng araw ng mga Hapones. Pinaniniwalaang


sa kanya nagmula ang mga emperador ng Japan. Pinahahalagahan siya ng
mga Hapones. Makikita ito sa bandila ng Japan kung saan prominente ang
sagisag ng araw.

E. Paghahasa (Exercises)

Piliin sa kahon at isulat sa patlang ang kinabibilangang bansa o kabihasnan


ng mga sumusunod na diyos o diyosa.

Japan Dravidian Mesopotamia Babylonian

_______1. Tiamat _______5. Indra

_______2. Inanna _______ 6. Nammu

_______3. Marduk _______ 7. Diyos ng Buwan

_______4. Amaterasu O-mi-ka-mi

F. Paglalahat: (Generalization)

Naniniwala ang ating mga ninunong Asyano sa papel ng mga kababaihan


bilang mga diyosa. Mahalaga ang ginampanang papel ng mga kababaihan sa
mga ninunong Asya sapagkat sila ay sinasamba bilang diyosa.

G.Paglalapat (Application)

1. Sino-sino ang mga diyosa na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng


mga Asyano?

2. Isa-isahin ang mga kapangyarihan ng diyosa.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Sagutan ang mga sumusunod:

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi itinuturing na diyosa ng mga Asyano?


a. Nammu b. Indra c. Tiamat d. Marduk

2. Sinasamba si Nammu, ang diyosa ng tubig ng Mesopotamia. Bakit


mahalaga sa paglikha ng tao ang tubig?

a. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng kalawakan

b. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng kalangitan

c. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng kapaligiran

d. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng luwad sa


paglikha ng tao.

3. Sino ang diyos ng panahon ng mga Dravidian?

a. Nammu b. Amaterasu c. Indra d. Marduk

4. Sino ang diyosa ng pag-ibig at digmaan ng Mesopotamia?

a. Inanna b. Amaterasu c. Indra d. Marduk

5. Sino ang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng mga diyosa


ayon sa mga Babylonian?

a. Nanmmu b. Indra c. Tiamat d. Marduk

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Pag-aralan ang probisyon ng may kinalaman sa kababaihan sa Batas ni


Hammurabi at Code of Manu sa susunod na talakayan.

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

SANGGUNIAN:

AKLAT
Mateo, Grace Estela C.et.al.m 2008. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan: Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikalawang Taon. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

SELF LEARNING MODULE (SLM)


Eldrian, Shayne Everet U., et al. Araling Panlipunan 7: Ikalawang Markahan-Modyul 6: Mga Sinaunang
Kababaihan sa Asya. Regional Office IX, Zamboanga Peninsula.2021.

WEBSITE

“Most Essential Learning Competencies (Melcs)”.2020. Learning Resource Managemeent and


Development system.https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.
Scrib.com/document/489111367/ap7-q2-mod5-Kalagayan ng Kababaihan sa Asya

google.com/search?q=diyosa+ng+mga+asyano&client

google.com/search?q=suttee&client

google.com/search?q=lutos+feet&client

google.com/search?q=purdah&client

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 7 DAY: 2

COMPETENCY & : Nasusuri ang kalagayan at bagaing ginampanan ng kababaihan mula sa


OBJECTIVES sinaunang kabihasnan at ikalabing- anim na siglo
Layunin:

⮚ Nasusuri ang probisyon ng may kinalaman sa kababaihan sa Batas ni


Hammurabi at Code of Manu.

CONTENT Ang probisyon ng may kinalaman sa kababaihan sa Batas ni Hammurabi at


:
Code of Manu

LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,ph.164-166


RESOURCES :
Self Learning Module (SLM)-Q2_Modyul 7

PROCEDURE : H.Paghahanda: (Preparation)

⮚ Panalangin

⮚ Pagtala sa mga lumiban sa klase

⮚ Pagbabalik- aral

I. Pagganyak: (Motivation)

Basahin ang tula.

Babae

Edmar G. Panuelos at Maria S. Santos

Babae ka

Marangal, kahali-halina, sinasamba

Bagamat nakagapos sa tanikala

Patuloy ang pagsigaw ng paglaya

Nakakahon sa tahanang ginagalawan

Di malinaw ang kapakinabangan

Naghahanap ng pagbabago

Nais iangat ang estado

Babae ka

Inaakalang mahina

Sa matang mapanghusga

Halaga ay di Makita

Lumalaban at tumindig

Tinig mo ay iparinig

Pagpapagal at pagsisikap

Makukuha rin sa hinaharap

Babae ka

Huwag hayaang diktahan


Mundong iyong ginagalawan

Pagkatao ay ibangon

Taas noong harapin ang hamon

Tungkulin mong gampanan

Paglaban sa karapatan

Upang Kalayaan ay makakamtan

J. Paglalahad: (Presentation)

Pamprosesong katanungan:

1. Ayon sa tula, ano ang tungkulin o gampanin ng mga babae?

2. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa gampanin ng mga


kababaihan sa lipunan?

K. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Kababaihan ayon sa Batas ni Hammurabi

Sinasalamin ng ilang probisyon ng Batas ni Hammurabi ang mababang


pagturing sa mga kababaihan. Ilan ay ang mga sumusunod:

1. Ang mga babae ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal. Kaya’t ang


pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi.

2. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.

3. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng kamatayan


sa pamamagitan ng paghagis sa malalalim na bahagi ng ilog o dagat.

4. May lubos na kapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan at maaari niyang


ipagbili ang kanyang asawa at mga anak.

5. Ipinagbabawal ang paglahok ng mga kababaihan sa kalakalan.

Ang Kababaihan ayon sa Code of Manu

Ang Code of Manu na sinasabing nabuo noong huling bahagi ng unang


siglo B.C.E. Ilas sa mga probisyon ng mga kakakaibahan ay:

1. Ang amang ayaw pang ipakasal ang anak na nagdadalaga na ay


nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-sama ng pagpapalaglag ng
bata. Ito ay sa dahilan na dapat na nagluluwal na ng sanggol ang anak na
babae.

2. Ang huwarang agwat ng edad ng mag-aasawa at tatlong beses ang tanda


ng lalaki sa kanyang asawang babae.

3. Ang ama ng isang babae na tumatanggap ng dote ay maihahalintulad sa


isang tao na nag-aalok ng babae sa lalaki.

L. Paghahasa (Exercises)

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?

2. Bakit limkitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?

M. Paglalahat: (Generalization)

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga sinaunang mga kababaihan


sa Asya. Nababanggit ang papel ng kababaihan sa lipunan sa VBatas ni
Hammurabi at Code of Manu. Pinairal ng relihiyon at pilosopiya ng Asya ang
mababang tingin sa kababaihan.

N.Paglalapat (Application)

Sagutan: Punan ang talahanayan. Magbigay lamang ng isa (1) sa


bawat hinihingi.

Katayuan ng mga Ano ang mga


kababaihan noon pagbabago sa
katayuan ng mga
kababaihan na
iyong nakikita sa
ngayon?

Batas ni
Hammurabi

Code of Manu

H. Pagtataya: (Evaluation)

Sagutan. Tukuyin kung saan probisyon na bibilang ang mga sumusunod na


may kinalaman sa mga kababaihan : Batas ni Hammurabi o Code of Manu

___________1. Ang agwat ng edad ng mag-aasawa at tatlong beses ang


tanda ng lalaki sa kanyang asawang babae.

___________ 2. Ang amang ayaw pang ipakasal ang anak na nagdadalaga na


ay nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-sama ng pagpapalaglag
ng bata.

___________3. Maaaring ipagbili ng asawang lalaki ang kanyang asawa at


mga anak.

__________4. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan


ng kamatayan.

__________ 5. . Ang mga babae ay itinuturing na bagay na maaaring


ikalakal.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Pag-aralan ang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at Pilosopiya sa


Asya para sa susunod na talakayan.

Prepared by:
Name: DENNIS R. CONSARBA School: BUGANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Position: SST-III Division: BOHOL

Contact No. 09207870809 Email Address: dennis.consarba@deped.gov.ph

SANGGUNIAN:

AKLAT
Mateo, Grace Estela C.et.al.m 2008. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan: Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikalawang Taon. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

SELF LEARNING MODULE (SLM)


Eldrian, Shayne Everet U., et al. Araling Panlipunan 7: Ikalawang Markahan-Modyul 6: Mga Sinaunang
Kababaihan sa Asya. Regional Office IX, Zamboanga Peninsula.2021.

WEBSITE
“Most Essential Learning Competencies (Melcs)”.2020. Learning Resource Managemeent and
Development system.https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.
Scrib.com/document/489111367/ap7-q2-mod5-Kalagayan ng Kababaihan sa Asya
google.com/search?q=diyosa+ng+mga+asyano&client

google.com/search?q=suttee&client
google.com/search?q=lutos+feet&client

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: 7 QUARTER: 2 WEEK: 7 DAY: 3

COMPETENCY & Nasusuri ang kalagayan at bagaing ginampanan ng kababaihan mula sa


OBJECTIVES sinaunang kabihasnan at ikalabing- anim na siglo

: Layunin:

⮚ Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at


pilosopiya

CONTENT : Ang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at pilosopiya

LEARNING Aklat-Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba,ph.164-166


RESOURCES :
Self Learning Module (SLM)-Q2_Modyul 7

PROCEDURE : O.Paghahanda: (Preparation)


⮚ Panalangin

⮚ Pagtala sa mga lumiban sa klase

⮚ Pagbabalik- aral

P. Pagganyak: (Motivation)

Q.Paglalahad: (Presentation)

1. Tungkol saan ang mga larawan?

2. Ano ang ibig sabihin ng mga ito?

R. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang Kababaihan sa Lipunang Muslim

Isinasagawa ang kaugaliang Purdah na ang ibig sabihin ay belo sa


salitang Persia, Kung saan ang mga asawang babae ay nagsususuot ng burka
o maluwag na damit na may kasamang belo. Layunin nito na ipaalala sa mga
asawang babae na tanging ang kanilang asawang lalaki lamang ang may
karapatang makakita sa kanya.

Ang Kababaihan sa Silangang Asya

Partikular sa bansang Tsina, ipinatupad noong panahon ng dinastiyang


Sung ang kaugalian ng footbinding kung saan ang paa ng mga batang babae
ay mahigpit na binabalutan ng bendang seda upang mapigilan ang paglaki
nito. Ang ganitong uri ng paa ay kilala bilang lotus feet o lily feet. Ang
pagpapanatiling maliit ng mga paa ay paniniwalan ng mga sinaunang Tsino
na pamantayan ng kagandahan ng mga kababaihan. Ito rin ay isang patunay
na ang isang babae ay hindi nagtatrabaho at kayang suportahan ng kaniyang
asawang lalaki.

Ang Kababaihan sa Hinduismo

Bilang patunay ng pagmamahal sa asawang lalaki, ang asawang babae


ay inaasahang tumalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng
kanyang asawa. Ang tawag sa kaugaliang ito ay Sati o Suttee.

Sa India, bilang pagalang sa asawang lalaki, ang asawang babae ay


kakain lamang pagkatapos kumain ang kanyang asawa.

Ang Kababaihan sa Buddhismo


Pinapayagan ang mga kababaihan na maging mongha. Ngunit
ipinagkait ng rehiyon ang pagkilala na ang mga babae ay pantay sa lalaki
kaya nakapailalim pa rin ang mga mongha sa mga monghe.

Ipinagkait din ng Buddhismo ang pagtatamo ng nirvana sa mga babae.


Ang tanging pag-asa na lamang ng isang babae ay maisilang siya bilang isang
lalaki sa susunod na buhay at makatamasa ng nirvana.

Ang Kababaihan sa Confucianism

Pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa mga anak na babae. Ito ay


dahil ang mga babae ang nagbibigay ng dote. Tinitingnan ang mga babae na
nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki ang
nagdaragdag ditto. Bukod ditto, itinuturing na ang mga anak na lalaki ang
siyang magpapatuloy ng pangalan ng pamilya.

Ang halaga ng babae ay ibinatay sa kakayahan niyang magkaroon ng


anak at kung hindi naman ito mangyari, ang babae ay maaaring idiborsyo ng
kanyang asawa.

S. Paghahasa (Exercises)

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa kabila ng mababang pagtingin ng mga kababaihan sa lipunan, paano


sila nagiging makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman sa lipunan
ng mga Asyano?

2. Nangyayari pa bas a ngayon ang hindi pagpapahalaga ng mga


kababaihan?

T. Paglalahat: (Generalization)

Sa relihiyon at pilosopiya ng sinaunang Asya makikita ang mababang


pagtingin sa mga kababaihan. Maraming kaugalian ang nagpapahayag ng
mababang antas ng mga kababaihan sa lipunan. Kadalasan ang mga babae
ay hindi binibigyang pagkakataong makilahok sa kalakalan at gawaing pang-
ekonomiya.

U.Paglalapat (Application)

Sagutan: Gamit ang tree diagram ilarawan ang kalagayan ng mga


kababaihan sa sinaunang panahon sa Asya sa Aspeto ng relihiyon,
tradisyon at ekonomiya.

Kalagayan ng mga Kababaihan sa Sinaunang Panahon sa Asya

Relihiyon Tradisyon Ekonomiya


H. Pagtataya: (Evaluation)

Sagutan.

Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung wasto ang
diwang iponapahayag ng pangungusap at kung hindi palitan ang salita o
mga salitang may salungguhit.

1. Pamantayan ng kagandahan ang pagkakaroon ng maliliit na paa ng mga


kababaihan sa Dinastiyang Sung.

2. Ang pagtalon ng babaeng Hindu sa nasusunog na bangkay ng kanyang


asawa tanda ng kanyang katapatan at pagmamahal.

3. Ang maluwang na damit na may kasamang belo na sinusuot ng mga


babaeng Muslim ay tinatawag na Purdah.

4. Ipinagkait ng Hinduismo ang pagtatamo ng nirvana sa mga babae.

5. Ang halaga ng babae ay ibinatay sa kakayahan niyang magkaroon ng


anak at kung hindi naman ito mangyari, ang babae ay maaaring idiborsyo ng
kanyang asawa.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Pag-aralan ang susunod na talakayan tungkol sa kontribusyon ng mga


sinaunang lipunan at komunidad sa Asya.

Prepared by:

Name: Sharmaine Sheena C. Autentico School San Jose National High School
Position/Designation: SST – III Division Bohol
Contact Number: 09073358041 Email Sharmainesheena.carredo@deped.gov.ph
Address

SANGGUNIAN:

AKLAT
Mateo, Grace Estela C.et.al.m 2008. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan: Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikalawang Taon. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.

SELF LEARNING MODULE (SLM)


Eldrian, Shayne Everet U., et al. Araling Panlipunan 7: Ikalawang Markahan-Modyul 6: Mga Sinaunang
Kababaihan sa Asya. Regional Office IX, Zamboanga Peninsula.2021.

WEBSITE

“Most Essential Learning Competencies (Melcs)”.2020. Learning Resource Managemeent and


Development system.https://lrmds.deped.gov.ph/download/18275.
Scrib.com/document/489111367/ap7-q2-mod5-Kalagayan ng Kababaihan sa Asya
google.com/search?q=diyosa+ng+mga+asyano&client
google.com/search?q=suttee&client
google.com/search?q=lutos+feet&client
google.com/search?q=purdah&client

You might also like