You are on page 1of 7

Visayas State University

College of Education
Department of Teacher Education
Baybay City, Leyte

Di-Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Pangalan: Jhoefiel T. Parantar Kurso at Taon: BsEd 3

I. Layunin:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral inaasahang nagagawa ang mga sumusunod:
A. Natatalakay ang mga pamana ng mga sinaunang Asyano sa daigdig.
B. Nasusuri ang mga pagbabagong dulot ng mga imbensyon at idea ng mga
sinaunang Asyano.
C. Naipahahayag ang mga pagpapahalaga sa mga pamana ng mga sinaunang
Asyano sa daigdig.
II. Nilalaman

A. Paksa:
Mahahalagang Pamana ng mga sinaunang Asyano sa daigdig
B. Sanggunian
Aklat: Araling Asyano Tungo sa pagkakakilanlan
May akda: Romela M. Cruz, Ed.D., Mary Dorothy dl. Joel B. Mangluban, Michael
M. Mercado at Jerome A. Ong.
pahina 304-323 Modyul 14
C. Kagamitang Panturo: Pisara, Laptop, Projector, Manila Paper
D. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang mga iba’t-ibang pamana ng
mga sinaunang kabihasnang Asyano.

III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain

1. Pagbabalik-Aral
Sa nakaraang aralin, natatalakay ang mga kalagayan, posisyon, at tungkulin
ng kababaihang Asyano sa tahanan at panlipunang gawain noong sinaunang
panahon. Tatawag ang guro ng mag-aaral upang sagutin ang isang tanong
bilang pag babalik-aral sa nakaraang aralin: Ano ang bahaging ginampanan
ng sinaunang kababaihan sa sinaunang Asya?

2. Pagganyak:
Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat, bawat pangkat ay pipili ng
isang magrerepresenta sa harap. Ang guro ay magpapakita ng mga ginulong
titik gamit ang laptop at projector upang ayusin at ibigay ang tamang salita.
Mag uunahan ang dalawang grupo sa paggawa nito. Ang mga salita ay ang
mga sumusunod: UNCUEIFMOR (CUNEIFORM),
PACOMSS(COMPASS), UIKAH(HAIKU), ANSIOB(BONSAI),
ADEVS(VEDAS)
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang ideya sa mga nabuong
salita.
B. Pagpapaunlad ng Kaalaman
1. Gawain (Activity)
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat, bawat pangkat ay
magtatalakay sa mga pamana ng kabihasnan ng sinaunang Asya.
 Unang pangkat: Pamana mula sa Kanlurang Asya
 Pangalawang pangkat: Pamana mula sa Timog Asya
 Pangatlong pangkat: Pamana mula sa Silangang Asya
2. Pagsusuri (Analysis)
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng pagsusuri sa mga pagbabagong dulot mga
mahahalagang bagay na ambag ng mga kabihasnan ng sinaunang Asya sa
pamamagitan pagsagot sa ibaba:
Magbigay ng tatlong mahahalagang ambag mula sa mga sinaunang
kabihasnan ng Kanluran, Timog, at Silangang Asya at ipaliwanag kung
paano nakakatulong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang asyano.
Ambag Kahalagahan Pagbabago sa
pamumuhay ng
mga sinaunang
asyano
Kanlurang Asya
Timog Asya
Silangang Asya

3. Paghahalaw (Abstraction)
Indibidwal na gawain. Punan ang tsart (Table A) sa ibaba sa pamamagitan ng
paglagay ng mga pamana sa mula kahon(Table B) kung saang bahagi ng
Asya ito nanggaling at kung sa anong larangan ng pamumuhay ito
nabibilang.
Table A
Pinagmulan Agham at Medisina at Batas, Panitikan at
ng Pamana matematika kalusugan katarungan at sining
pamahalaan
Kanlurang
Asya

Timog Asya

Silangang
Asya

Mga pamana
Table B.
Cunieform Woodblock printing Magnetic Compass Epic of Gilgamesh
Sexagesimal Gulong Code of Hammurabi Vedas Buljo jikj simche yojeol
Mahabharata Pulbura Papel Ramayana Panchatantra Civil service
examination Ayurveda Sushruta Samhita Acupuncture Haiku at Tanaga
Makura no Sushi Genji Monogatari Origami Seda

4. Paglalapat (Application)
Paghihinuha. Ano kaya ang kalagayan natin sa kasalukuyan kung hindi
naimbento o naipakilala ang mga sumusunod? Pumili ng isa at sumulat ng
maikling talata bilang sagot.
 Gulong
 Magnetic Compass
 Proseso ng paggawa ng papel na pinasimulan sa China

C. Pangwakas na Gawain
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng liham pasasalamat sa microsft word.
Tutukoyin ng mga mag-aaral ang para sa kanila ay lubos nilang
napapakinabangan at susulat ng isang liham pasasalamat kaugnay nito. Ipasa ito
sa Gmail na ibibigay ng guro, kailangan ay naka PDF ang file bago masumiti.
May rubric na kailangan sundin ng mga mag-aaral.
E papasa sa matthewpaul375@gmail.com
Rubric sa pagmamarka ng liham pasasalamat
Pamantayan Diskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nilalaman Maayos na nailalahad ang 8
liham. Malinaw na
naisasaad ang pakinabang
na nakukuha niya mula sa
imbensyon.
Kawastuhan ng Wasto ang impormasyong 8
impormasyon laman ng sulat.
Organisasyon Maayos ang pagkakagawa 4
ng sulat.
Kabuoan 20

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
___1. Ang Cuneiform ay nagsimula sa anong kabihasnan?
a. Babylon b. Sumer c. Tang dynasty d. Indus
___2. Ito ay itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan sa daigdig.
a. Mahabharata b. Ramayana c. Code of Hammurabi d. Epic
of Gelgamish
___3. Ang imbensyong ito ay napadali ang transportasyon ng mga bagay sa kabihasnang
sumer.
a. Palakol b. Sasakyan c. Karwahe d. Gulong
___4. Alin sa mga ito ang tinaguriang apat na dakilang imbensyon ng Tsino?
a. Papel, pulbura, sandok, at plato
b. Papel, pulbura, woodblock printing, at sexagesimal
c. Papel, pulbura, woodblock printing, at magnetic compass
d. Papel, pulbura, sandok, at fireworks
___5. Naging dahilan ng pagkakaroon 12 oras na malaking bagay sa kasalukuyan.
a. Magnetic Compass b. Seda c. Acupuncture d. Sexagesimal
___6. Pagtusok ng mga pinong karayom sa balat sa mga particular na bahagi ng katawan
upang maibsan ang sakit o kaya ay gumaling ang karamdaman na nananatiling ginagamit
ng ilang eksperto sa kalusugan sa kasalukuyan.
a. Magnetic compass b. Seda c. Acupuncture d. Sexagesimal
___7. Alin sa mga sumusunod ang pinaka naglalarawan sa pagkakaiba ng Origami at
Bonsai.
a. Ang Origami ay nagmula sa mga Tsino habang ang Bonsai naman ay
nagmula sa mga Hapones.
b. Ang Origami ang pagtutupi ng papel upang gawing obra habang ang Bonsai
naman ay ang pagpapatubo ng binansot na punongkahoy sa mababaw na
paso.
c. Ang Origami ay ginagamit lamang sa mga gawain sa paaralan habang ang
Bonsai ay ginagamit upang maparami ang tanim ng mga magsasaka sa
bundok.
d. Ang Origami ay ginagamitan ng pandikit sa paggawa habang ang Boonsai ay
ginagamitan ng itak o gunting.
___8. Kung ang sumer may epic of Gelgamish, ano naman ang pantapat ng Sinaunang
India nito?
a. Vedas b. Ibong adarna c. Mahabharata d. Sarimanok
___9. Bakit naging tanyag sa buong mundo ang panitikang Haiku mula sa Japan?
a. Dahil sa kaiklian ng tula at malinaw ang pagpapahiwatig.
b. Dahil nakakagaan ng damdamin tuwing binabasa.
c. Dahil hindi kailangan ng mamahalin kagamitan sa paggawa nito.
d. Lahat ng nabanggit
___10. Bakit masasabing mahalaga pa rin hanggang sa kasalukuyan ang mga pamana ng
mga sinaunang kabihasnang Asyano?
a. Marami sa kanilang mga pamana ang ginagamit pa rin hanggang ngayon.
b. Ginagamit ang mga ito mula sa pinakapayak hanggang sa pinakamasalimuot
na makina at gawain.
c. Patuloy na nagdudulot ang mga ito ng malaking tulong sa mga tao sa buong
daigdig.s

Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa isang ambag ng mga sinaunang Asyano at sa mga pagbabagong naganap
dito mula noon sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Sa isang short bond paper ilagay ang
larawan ng napiling ambag at isulat sa ibaba ang kahalagan at pagbabagong dulot nito at sundin ang
sumussunod na format:
Font style at size: Times New Roman 12, Margin: Normal margin, Spacing: 1.5
Halimbawa:
Pangalan: Baitang at seksyon:

Petsa:

Cuneiform
(Larawan)

You might also like