You are on page 1of 10

PIVOT 4A Lesson Exemplar Format for Junior High School

School Bukal Integrated National High School Grade Level Grade 8


LESSON Teacher Jobelle Reyes Bancoro Learning Mathematics 8
EXEMPLAR Area
Teaching Date May 28, 2021 Quarter Third Quarter
Teaching Time 8:00 – 9:00 AM No. of Days 4 days

 Masuri ang karanasan ng mga kababaihan tungo sa


I. OBJECTIVES
pagkakapantay -pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at
karapatang pampolitika
 Maunawaan ang kahalagahan ng mga kababaihan sa kasalukuyan.
Ang mag -aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
A. Content Standards
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon ( ika -16 hanggang
Ika -20 siglo)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa
B. Performance Standards
pagbabago, pag – unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya
sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20
siglo)
C. Most Essential Learning  Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga
Competencies (MELC) kababaihan tungo sa pagkakapantay -pantay, pagkakataong pang-
(If available, write the indicated
MELC) ekonomiya at karapatang pampolitika

Kababaihan sa Kanluran at Timog Asya sa Makabagong Panahon


II. CONTENT

III. LEARNING RESOURCES

A. References

a. Teacher’s Guide Pages


Microsoft Excel
b. Learner’s Material Pages

c. Textbook Pages
d. Additional Materials from
Learning Resources
B. List of Learning Resources for  (BOW)https://drive.google.com/file/d/
Development and Engagement 1ObrT53Bd1ucDUT1yEpZrnLmFuMI0cVOD/view
Activities  (MELC)https://drive.google.com/file/d/
1ATpp6NEqYDGMhAFvvH9W9q52XE7HRXSx/view
 https://commons.deped.gov.ph/documents/4189bab9-5fb5-45af-
8d67-8aca7318f37b

 Para sa mga mag-aaral na mahina ang pandinig at Malabo ang


IV. PROCEDURES
paningin, babasahin ng guro ang bawat panuto at bawat konsepto
gayundin, maaring palakihin ang letra sa mga gawain.
 Para sa mga mag-aaral na nagtatrabaho, maysakit at kung ano pa
man ang dahilan at kalagayan, ang video ng guro ay isasave at
isesend sa Group chat para mabalikan.gayundin ang mga gawain
para kanilang magawa sa kanilang libreng oras.
 Ang gawain ay inilagay sa excel para makasagot ang mga
walang access/mahina ang internet connection, gayunpaman ito
ay gagamitan ng computer/tablet/cellphone subalit kung walang
kakayahan ang mag-aaral, ang mga bata ay bibigyan ng LAS at
ang puntos na ibibigay ay magkasingtimbas.

GAWAIN 1
A. Introduction
Mula sa iyong natutuhan sa Ikalawang Markahan, magbalik-aral sa
mahahalagang salita na may kaugnayan sa kababaihan sa sinaunang
panahon ng Kanluran at Timog Asya.
Isulat ang KA kung ito ay konsepto ng Kanlurang Asya at TA
naman kung ito ay konsepto ng Timog Asya,
KONSEPTO Ilagay ang  
iyong
Kasagutan
 
1 CASTE    
2 Code of Hammurabi    
3 Code of Manu    
4 Female Infanticide    
5 Hijab    
6 Hinduismo    
7 Islam    
8 Ishtar    
9 Purdah    
10 Sati    

GAWAIN 2
Katuwang ka ba ng iyong pamilya sa mga gawain sa inyong bahay?
Paano ninyo hinati ang mga trabaho at responsibilidad? Sa bahaging
ito, iyong tutuklasin kung pantay ba ang katayuan ng kababaihan at
kalalakihan sa inyong bahay sa pamamagitan ng paglilista sa mga
gawaing-bahay na itinakda sa inyo. Pagkatapos ay dugtungan ang
mga pangungusap sa ibaba

1. May nailista ka ba? Marami ka bang nailista? Itinalaga ang mga


gawain na iyan ayon sa
2. Kung gayon, ang konsepto ng PAGKAKAPANTAY-PANTAY
ay
3. Samantalang ang kahulugan naman ng DISKRIMINASYON ay
Ang pagkakapantay-pantay ay isang equivalence o pag-alinsunod
sa kalidad, dami o bilang dalawa o higit pang mga elemento. Sa
Matematika , ang pagkakapantay-pantay ay nagpapahayag ng
pagkakapareho ng dalawang dami. Halimbawa: 'May pagkakapantay-
pantay sa mga resulta na nakuha'.
Ipinapahiwatig din nito ang pantay na paggamot sa mga tao,
halimbawa 'pagkakapantay-pantay ng kasarian'. Ang pagkakapantay-
pantay sa pagitan ng tao ay itinuturing na isang tama sa maraming
kultura, bagaman sa maraming okasyon ay walang pagkakapantay-
pantay na nararapat, bukod sa iba pa, sa pang-ekonomiya, lahi o
relihiyosong mga kadahilanan. Sa kahulugan na ito, nauugnay ito sa
iba pang mga salita tulad ng hustisya at pagkakaisa.

Ang pinakakaraniwang kahulugan ng diskriminasyon ay


tumutukoy sa sosyolohikal na kababalaghan sa mga tao na lumalabag
sa pagkakapantay-pantay .
Ang diskriminasyon, sa pangkalahatang mga termino, ay isang
paraan ng pag-order at pag-uuri ng iba pang mga nilalang,
halimbawa, mga hayop, mga mapagkukunan ng enerhiya, gawa ng
panitikan, atbp. Ang salitang diskriminasyon ay magkasingkahulugan
na may pagkakaiba o pagkakaiba.

GAWAIN 3
Alam mo ba kung KAILAN ipinagdiriwang ang sumusunod na
mahahalagang araw sa mga KABABAIHAN? Kung hindi hayaan
mong tulungan ka ng mahiwagang kahon ni Madam Heidz.
GAWAIN 4
B. Development
Upang lubos mong maintindihan ang aralin, mahalaga na maunawaan
mo ang ilang mga konsepto. Hanapin ang kahulugan ng Hanay A sa
Hanay B.

GAWAIN 5
Sa Kanlurang Asya, ang pamantayan sa kababaihan ay
nasusukat sa pagiging mabuting asawa at ina. Ang mabuting asawa at
ina ay yaong sumusunod sa batas at turo ng kanilang namumuno sa
relihiyon na kadalasang magkakaiba ng pananaw at interpretasyon sa
kanilang banal na kasulatan. Dahil sa madalas na hindi nakasulat ang
mga batas patungkol sa kababaihan ay magkakaiba rin ang
pagpapatupad nito sa rehiyon. Gayunpaman, halos magkakatulad ang
mga bansa sa rehiyon sa pagsunod sa konsepto ng purdah.
Purdah – mula sa salitang Hindi at Persian na parda na
nangangahulugang belo, kurtina o tabing. Ito ang panlipunang
kaugalian ng mga Muslim at Hindu na pagtatakip o paghihiwalay ng
babae sa lalaki. May dalawang pangunahing paraan sa pagsasagawa
nito:
Magkaka-iba ang pananamit ng bawat bansang Muslim sa
Kanlurang Asya. Hanapin sa kahon ng mga larawan sa ibaba ang
tinutukoy ng bawat paglalarawan.

GAWAIN 6
Dalawa ang pinaniniwalaan na basehan sa mababang katayuan ng
kababaihan sa Kanlurang Asya. Una, kailangang ihiwalay ang babae
sa lalaki upang mapangalagaan sa anomang korapsyon o kasamaan at
pangalawa, ang kawalan ng kakayahan ng kababaihan na pangalagaan
ang kanilang sarili. Kaya naman bago ang Ika-21 Siglo, maraming
pagbabawal sa pagkilos o pamumuhay ng kababaihan ang ipinatupad
sa karamihan ng mga bansa sa Kanlurang Asya
a. bawal magmaneho ng sasakyan;
b. bawal lumabas nang hindi kasama ang mahram –lalaking
tagabantay gaya ng asawa, tatay, kapatid o tihuyin;
c. bawal lumabas ng walang hijab;
d. bawal makihalubilo sa lalaki; bawal magtrabaho sa labas ng
bahay;
e. bawal magkaroon ng ID;
f. bawal maging tagapangalaga / guardian ng mga anak;
g. bawal magparehistro ng kapanganakan, kasal at diborsyo;
h. bawal bumoto, tumakbo sa halalan at magkaroon ng pwesto
sa pamahalaan;
i. bawal kumuha ng pasaporte at maglakbay nang hindi kasama
ang mahram;
j. bawal magpakasal ng walang pahintulot ang mahram; at
k. bawal mag-aral sa paaralan ng mga lalaki at kumuha ng mga
kursong panlalaki

GAWAIN 7
C. Engagement
ATING BASAHIN AT ARALIN
Pangunahing balakid sa mabilis na pagbabago sa kalagayan
ng kababaihan sa Kanlurang Asya ang makalumang pagtingin ng
lipunan sa kababaihan na nakaangkla sa kanilang relihiyon at
kultura. Nakabatay ang kanilang nakasanayang pamumuhay sa
patriarchal na nomadikong tribo kung saan napakahalaga ng
kalalakihan at karangalan o namus. Dahil dito, maging ang
kababaihan sa mismong rehiyon ay atubili na yakapin ang mga
pagbabagong dala ng makabagong pananaw at panahon. Iniisip ng
ilan na ito ay panghihimasok ng mga Kanluranin sa kanila bilang
malayang bansa. Gayundin, naniniwala ang ilan sa masamang
epekto ng impluwensyang Kanluranin sa kanilang lipunan.
Gayunpaman, patuloy pa rin na sinisikap ng ibang kababaihan
kasama ng mga grupong lokal at internasyonal na baguhin ang
mababang kalagayan ng kababaihan sa Kanlurang Asya. Bagaman
mabagal, unti-unti namang nakakamit ang mga inaasam na
pagbabago sa transisyonal at makabagong panahon.
Sa Saudi Arabia, dalawang kaganapang internasyonal ang may
malaking impluwensya sa kalagayan ng kababaihan sa bansa:
Rebolusyong Islamiko – Kilala din bilang Rebolusyong Iran
noong 1979 na nagpatalsik sa monarkiyang pamumuno ng
dinastiyang Pahlavi na suportado ng Estados Unidos. Upang
maibsan ang epekto ng rebolusyon at hindi kumalat sa karatig bansa
gaya ng Saudi Arabia, hinigpitan ang kababaihan at marami sa
kanilang mga karapatan ang nawala.
9 /11 – serye ng pag-atake ng teroristang grupong Al-Qaeda
sa Estados Unidos noong Setyembre 11, 2001 gamit ang mga
hijacked na pampasaherong eroplano na bumangga sa dalawang
gusali ng World Trade Center at bahagi ng Pentagon, ang
pangunahing himpilan ng Tanggulang Pambansa ng Estados
Unidos. Mula nang mangyari ito, unti-unting nagluwag ng mga
patakaran ang Saudi Arabia patungkol sa karapatan ng kababaihan.
1. Bakit mababa ang katayuan ng kababaihan sa Kanlurang
Asya?
2. Paano unti-unting binabago ng kababaihan ang kanilang
mababang kalagayan sa lipunan, ekonomiya at pulitika?

GAWAIN 8
Sa kasalukuyan, natatamasa ng kababaihan sa bansang Saudi
Arabia ang sumusunod na karapatan at kalayaan: Pangkatin ang
mga sumusunod na karapat kung ito ay EKONOMIYA,
PAMPULITIKA o PANLIPUNAN.
1. karapatan na magnegosyo
2. karapatan na magmaneho, kumuha ng pasaporte o ID at
maglakbay sa ibang bansa na hindi na nangangailangan ng
permiso mula sa mahram sa mga edad na 21 taong gulang
pataas
3. karapatan na mag-aral sa unibersidad at kumuha ng kurso na
dating para sa mga lalaki lamang gaya sa militar at abogasya.
Sa katunayan, higit na marami ang bilang ng mga mag-aaral na
babae kaysa lalaki sa unibersidad subalit kaunti pa rin sa kanila
ang nakapagtatrabaho.
4. karapatan na bumoto, tumakbo at mahalal sa pampublikong
tanggapan
5. Lubna Suliman Olayan - kabilang sa 100
pinakamakapangyarihang negosyante sa buong mundo ayon sa
Forbes at Time Magazine
6. Bayan Mahmoud Al-Zahran - kauna-unahang abogada sa
Saudi Arabia
7. Bawal na ang pakikipagkasundo ng ama sa sapilitang
pagpapakasal ng anak na babae lalo na kung siya ay wala pang
17 taong gulang.
8. Krimen na rin ang Honour Killing
9. Karapatan na kumuha ng mga legal na dokumento gaya ng
birth certificate, kasal at diborsyo
10.karapatan na magtrabaho (Isa kada limang empleyado sa Saudi
Arabia ay babae)
11.karapatan na maging tagapangalaga (guardian) ng mga anak
12.Princess Reema bint Bandar Al Saud - kauna-unahang babaeng
kinatawan (ambassador) ng Saudi Arabia sa Estados Unidos
13.karapatang sumali sa mga organisasyon
14.Norah Al-Faiz - kauna-unahang babaeng opisyal sa gabinete
ng Hari
15.karapatan na makilahok sa palakasan gaya ng Olympic

GAWAIN 9
D. Assimilation (2)
Kumpletuhin ang talahanayan tungkol sa Kanlurang Asya ayon sa
paglalarawan ng past, present, at tense. Isulat ang iyong kasagutan sa
kahon.

GAWAIN 10
1. Sa kasalukuyang panahon na tayo ay may kinakaharap na
pandemya, and COVID 19, ano-ano ang mga kahalagahan,
kakayahan at tungkulin ang ginagampanan ng mga
kababaihan?
2. Noong Marso 17, 2021, ginanap ang Miss Universe 2020 na
nilalahokan ng iba't ibang magagandang kababaihan sa iba't
ibang panig ng mundo na nirepresenta ni Binibining Rabiya
Mateo. Sa iyong palagay, ano-ano ang magandang naidudulot
ng kompetisyong ito sa ating mundo?
V. REFLECTION
I understand that
realize that

Prepared by:

JObelle C. Reyes
Teacher I
Bukal Integrated National High School

Noted by:
Don Carlo F. Gollena
OIC
LEARNING ACTIVITY SHEETS

KABABAIHAN SA KANLURAN AT TIMOG ASYA SA MAKABAGONG PANAHON

GAWAIN 1
Mula sa iyong natutuhan sa Ikalawang Markahan, magbalik-aral sa mahahalagang salita na may kaugnayan sa
kababaihan sa sinaunang panahon ng Kanluran at Timog Asya.
Isulat ang KA kung ito ay konsepto ng Kanlurang Asya at TA naman kung ito ay konsepto ng Timog Asya,
Ilagay ang
KONSEPTO iyong  
Kasagutan
 
1 CASTE    
2 Code of Hammurabi    
3 Code of Manu    
4 Female Infanticide    
5 Hijab    
6 Hinduismo    
7 Islam    
8 Ishtar    
9 Purdah    
10 Sati    

GAWAIN 2
Katuwang ka ba ng iyong pamilya sa mga gawain sa inyong bahay? Paano ninyo hinati ang mga trabaho at
responsibilidad? Sa bahaging ito, iyong tutuklasin kung pantay ba ang katayuan ng kababaihan at kalalakihan sa
inyong bahay sa pamamagitan ng paglilista sa mga gawaing-bahay na itinakda sa inyo. Pagkatapos ay
dugtungan ang mga pangungusap sa ibaba

4. May nailista ka ba? Marami ka bang nailista? Itinalaga ang mga gawain na iyan ayon sa
5. Kung gayon, ang konsepto ng PAGKAKAPANTAY-PANTAY ay
6. Samantalang ang kahulugan naman ng DISKRIMINASYON ay
Ang pagkakapantay-pantay ay isang equivalence o pag-alinsunod sa kalidad, dami o bilang dalawa o higit
pang mga elemento. Sa Matematika , ang pagkakapantay-pantay ay nagpapahayag ng pagkakapareho ng
dalawang dami. Halimbawa: 'May pagkakapantay-pantay sa mga resulta na nakuha'.
Ipinapahiwatig din nito ang pantay na paggamot sa mga tao, halimbawa 'pagkakapantay-pantay ng kasarian'.
Ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng tao ay itinuturing na isang tama sa maraming kultura, bagaman sa
maraming okasyon ay walang pagkakapantay-pantay na nararapat, bukod sa iba pa, sa pang-ekonomiya, lahi o
relihiyosong mga kadahilanan. Sa kahulugan na ito, nauugnay ito sa iba pang mga salita tulad ng hustisya at
pagkakaisa.

Ang pinakakaraniwang kahulugan ng diskriminasyon ay tumutukoy sa sosyolohikal na kababalaghan sa mga


tao na lumalabag sa pagkakapantay-pantay .
Ang diskriminasyon, sa pangkalahatang mga termino, ay isang paraan ng pag-order at pag-uuri ng iba pang
mga nilalang, halimbawa, mga hayop, mga mapagkukunan ng enerhiya, gawa ng panitikan, atbp. Ang salitang
diskriminasyon ay magkasingkahulugan na may pagkakaiba o pagkakaiba.

GAWAIN 3
Alam mo ba kung KAILAN ipinagdiriwang ang sumusunod na mahahalagang araw sa mga KABABAIHAN?
Kung hindi hayaan mong tulungan ka ng mahiwagang kahon ni Madam Heidz.

GAWAIN 4
Upang lubos mong maintindihan ang aralin, mahalaga na maunawaan mo ang ilang mga konsepto. Hanapin ang
kahulugan ng Hanay A sa Hanay B.

GAWAIN 5
Sa Kanlurang Asya, ang pamantayan sa kababaihan ay nasusukat sa pagiging mabuting asawa at ina. Ang
mabuting asawa at ina ay yaong sumusunod sa batas at turo ng kanilang namumuno sa relihiyon na kadalasang
magkakaiba ng pananaw at interpretasyon sa kanilang banal na kasulatan. Dahil sa madalas na hindi nakasulat
ang mga batas patungkol sa kababaihan ay magkakaiba rin ang pagpapatupad nito sa rehiyon. Gayunpaman,
halos magkakatulad ang mga bansa sa rehiyon sa pagsunod sa konsepto ng purdah.
Purdah – mula sa salitang Hindi at Persian na parda na nangangahulugang belo, kurtina o tabing. Ito ang
panlipunang kaugalian ng mga Muslim at Hindu na pagtatakip o paghihiwalay ng babae sa lalaki. May dalawang
pangunahing paraan sa pagsasagawa nito:
Magkaka-iba ang pananamit ng bawat bansang Muslim sa Kanlurang Asya. Hanapin sa kahon ng mga
larawan sa ibaba ang tinutukoy ng bawat paglalarawan.

GAWAIN 6
Dalawa ang pinaniniwalaan na basehan sa mababang katayuan ng kababaihan sa Kanlurang Asya. Una,
kailangang ihiwalay ang babae sa lalaki upang mapangalagaan sa anomang korapsyon o kasamaan at pangalawa,
ang kawalan ng kakayahan ng kababaihan na pangalagaan ang kanilang sarili. Kaya naman bago ang Ika-21
Siglo, maraming pagbabawal sa pagkilos o pamumuhay ng kababaihan ang ipinatupad sa karamihan ng mga
bansa sa Kanlurang Asya
Magbigay ng 10 halimbawa ng pagbabawal sa mga kababaihan.

1
 
2
 
3
 
4
 
5
 
6
 
7
 
8
 
9
 
10

TAMANG KASAGUTAN:
l. bawal magmaneho ng sasakyan;
m. bawal lumabas nang hindi kasama ang mahram –lalaking tagabantay gaya ng asawa, tatay, kapatid o
tihuyin;
n. bawal lumabas ng walang hijab;
o. bawal makihalubilo sa lalaki; bawal magtrabaho sa labas ng bahay;
p. bawal magkaroon ng ID;
q. bawal maging tagapangalaga / guardian ng mga anak;
r. bawal magparehistro ng kapanganakan, kasal at diborsyo;
s. bawal bumoto, tumakbo sa halalan at magkaroon ng pwesto sa pamahalaan;
t. bawal kumuha ng pasaporte at maglakbay nang hindi kasama ang mahram;
u. bawal magpakasal ng walang pahintulot ang mahram; at
v. bawal mag-aral sa paaralan ng mga lalaki at kumuha ng mga kursong panlalaki

GAWAIN 7
ATING BASAHIN AT ARALIN
Pangunahing balakid sa mabilis na pagbabago sa kalagayan ng kababaihan sa Kanlurang Asya ang
makalumang pagtingin ng lipunan sa kababaihan na nakaangkla sa kanilang relihiyon at kultura. Nakabatay ang
kanilang nakasanayang pamumuhay sa patriarchal na nomadikong tribo kung saan napakahalaga ng kalalakihan
at karangalan o namus. Dahil dito, maging ang kababaihan sa mismong rehiyon ay atubili na yakapin ang mga
pagbabagong dala ng makabagong pananaw at panahon. Iniisip ng ilan na ito ay panghihimasok ng mga
Kanluranin sa kanila bilang malayang bansa. Gayundin, naniniwala ang ilan sa masamang epekto ng
impluwensyang Kanluranin sa kanilang lipunan.
Gayunpaman, patuloy pa rin na sinisikap ng ibang kababaihan kasama ng mga grupong lokal at
internasyonal na baguhin ang mababang kalagayan ng kababaihan sa Kanlurang Asya. Bagaman mabagal, unti-
unti namang nakakamit ang mga inaasam na pagbabago sa transisyonal at makabagong panahon.
Sa Saudi Arabia, dalawang kaganapang internasyonal ang may malaking impluwensya sa kalagayan ng
kababaihan sa bansa:
Rebolusyong Islamiko – Kilala din bilang Rebolusyong Iran noong 1979 na nagpatalsik sa monarkiyang
pamumuno ng dinastiyang Pahlavi na suportado ng Estados Unidos. Upang maibsan ang epekto ng rebolusyon
at hindi kumalat sa karatig bansa gaya ng Saudi Arabia, hinigpitan ang kababaihan at marami sa kanilang mga
karapatan ang nawala.
9 /11 – serye ng pag-atake ng teroristang grupong Al-Qaeda sa Estados Unidos noong Setyembre 11,
2001 gamit ang mga hijacked na pampasaherong eroplano na bumangga sa dalawang gusali ng World Trade
Center at bahagi ng Pentagon, ang pangunahing himpilan ng Tanggulang Pambansa ng Estados Unidos. Mula
nang mangyari ito, unti-unting nagluwag ng mga patakaran ang Saudi Arabia patungkol sa karapatan ng
kababaihan.
KATANUNGAN:
1. Bakit mababa ang katayuan ng kababaihan sa Kanlurang Asya?
2. Paano unti-unting binabago ng kababaihan ang kanilang mababang kalagayan sa lipunan, ekonomiya at
pulitika?

GAWAIN 8
Sa kasalukuyan, natatamasa ng kababaihan sa bansang Saudi Arabia ang sumusunod na karapatan at
kalayaan: Pangkatin ang mga sumusunod na karapat kung ito ay EKONOMIYA, PAMPULITIKA o
PANLIPUNAN.
1. karapatan na magnegosyo
2. karapatan na magmaneho, kumuha ng pasaporte o ID at maglakbay sa ibang bansa na hindi na
nangangailangan ng permiso mula sa mahram sa mga edad na 21 taong gulang pataas
3. karapatan na mag-aral sa unibersidad at kumuha ng kurso na dating para sa mga lalaki lamang gaya sa
militar at abogasya. Sa katunayan, higit na marami ang bilang ng mga mag-aaral na babae kaysa lalaki
sa unibersidad subalit kaunti pa rin sa kanila ang nakapagtatrabaho.
4. karapatan na bumoto, tumakbo at mahalal sa pampublikong tanggapan
5. Lubna Suliman Olayan - kabilang sa 100 pinakamakapangyarihang negosyante sa buong mundo ayon
sa Forbes at Time Magazine
6. Bayan Mahmoud Al-Zahran - kauna-unahang abogada sa Saudi Arabia
7. Bawal na ang pakikipagkasundo ng ama sa sapilitang pagpapakasal ng anak na babae lalo na kung siya
ay wala pang 17 taong gulang.
8. Krimen na rin ang Honour Killing
9. Karapatan na kumuha ng mga legal na dokumento gaya ng birth certificate, kasal at diborsyo
10. karapatan na magtrabaho (Isa kada limang empleyado sa Saudi Arabia ay babae)
11. karapatan na maging tagapangalaga (guardian) ng mga anak
12. Princess Reema bint Bandar Al Saud - kauna-unahang babaeng kinatawan (ambassador) ng Saudi
Arabia sa Estados Unidos
13. karapatang sumali sa mga organisasyon
14. Norah Al-Faiz - kauna-unahang babaeng opisyal sa gabinete ng Hari
15. karapatan na makilahok sa palakasan gaya ng Olympic

GAWAIN 9
Kumpletuhin ang talahanayan tungkol sa Kanlurang Asya ayon sa paglalarawan ng past, present, at tense. Isulat
ang iyong kasagutan sa kahon.

GAWAIN 10
Sagutin ang Tanong
1. Sa kasalukuyang panahon na tayo ay may kinakaharap na pandemya, and COVID 19, ano-ano ang mga
kahalagahan, kakayahan at tungkulin ang ginagampanan ng mga kababaihan?
2. Noong Marso 17, 2021, ginanap ang Miss Universe 2020 na nilalahokan ng iba't ibang magagandang
kababaihan sa iba't ibang panig ng mundo na nirepresenta ni Binibining Rabiya Mateo. Sa iyong palagay,
ano-ano ang magandang naidudulot ng kompetisyong ito sa ating mundo?

You might also like